[Amelia]NANLAKI ang mata niya sa sinabi nito. Nagsimula na naman ang puso niya sa malakas na pagtibok."B-Bakit naman, Sir Damon?" Parang mas rinig pa niya ang tibok ng puso kesa sa sariling boses niya."Dahil first date natin 'to." Simple lang ang sagot nito pero halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Hinawakan nito ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa."Do you feel it, Amelia? Cause if your heart beating fast right now. Well, I feel the same way too. My heart... My heart is now beating for the first time and it's because of you."First date daw! Bakit hindi siya na-inform?! Paano niya mapipigilan ang sarili na wag mahulog pa kung ganito ang amo niya?! Hindi niya alam kung kailan at paano natapos ang first date nila kagabi. Wala na kasi siya sa sarili simula ng sabihin ni Sir Damon ang bagay na 'yon.Tulala siya.Sinong hindi matutulala kung ang amo na sobrang sama ng ugali ay may pa-gano'n? Malakas talaga ng kutob niya na pinag-ti-tripan lang siya nito. Tapos kapag
[Amelia]TINULUNGAN niya magluto si Pearl. Hindi niya mapigilan ang hangaan 'to. Bawat galaw nito ay puno ng pag iingat.Dalagang Pilipina talaga."Lutuan mo si Damon ng ganito dalawang beses sa isang buwan. Paborito niya kasi ang Kare-kare. Wag na wag kang maglalagay ng Chili sa kahit anong pagkain niya, dahil hindi niya gusto ang mga maanghang na pagkain."Habang nagsasalita si Pearl ay nakikinig lang siya. Ang dami nitong alam tungkol sa amo niya. Ganito ba kalapit ang dalawa sa isa't isa?"Amelia?" Natauhan siya at tumingin kay Pearl. "Sorry po, ano nga po ulit 'yon?"Nilagay ni Pearl ang buhok sa likod ng tenga. "Tinatanong ko kung ilang taon ka na?" "Eighteen po." Bakit nagtanong nito? Tumango-tango si Pearl. "Nasa tamang edad ka na, pero masyado ka pa palang bata." Halata na may pagkaalangan sa mukha nito. "Handa ka na ba magka-boyfriend?"Natigilan siya. "Wag mo na pansinin ang tanong ko. Ganito talaga ko minsan, mapagtanong." Sabi nalang ni Pearl ng mapansin ang pagkailang
[Amelia]HINDI NA SIYA MAGPAPA-APEKTO. Ito ang sinabi niya kagabi pero mukhang hindi mangyayari ang sinabi niya.Hindi niya magawang ngumiti habang pilit na sinusubuan ni Pearl ang amo niya!Masama ang tingin niya ngayon sa amo niya. Naku, kapag ito talaga ngumanga at nagpasubo kay Pearl, lalagyan niya ng sili ang pagkain nito sa loob ng isang linggo.Nag iwas niya ng tingin ng makitang nakatingin sa kanya ang amo niya. Nakita pa niya ang bahagyang pagngiti nito.Anong kangiti-ngiti ngayon? Porke sinubuan lang, ngingiti-ngiti na?"Hmm, it's delicious, Pearl. You cooked all of this?" Halatang nasarapan sa niluto niya ang amo niya."Yes, Love! Ako ang nagluto lahat ng 'to!" Muntik na niyang maibuga ang kinakain. Ano daw?! "Eh ako ang nagluto ng lahat ng nakahain!" Sigaw ng utak niya. Bakit nagsinungaling ito?!"I'm so glad that you like all of this food. Akala ko kasi ay hindi mo nagugustuhan dahil akala ko ay matabang." Nakanguso pa na sabi ni Pearl na halatang nagpapa-cute.Lukot na l
[Amelia]NAPALUNOK siya sa sariling tanong sa sarili. Puro siya tanggi... Pero bakit parang nagsisinungaling lang siya sa sarili niya? Kung hindi pa siya hulog, bakit nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon? Bakit siya nagseselos kung wala siyang pake at nararamdaman?Hinawakan niya ang dibdib.Bakit tumitibok 'to ng mabilis dahil sa amo niya? Tumingin siya sa amo niya at kay Pearl. Kinagat niya ang labi at nagyuko ng ulo.Kumpirmado. Hulog na nga siya....Hulog na hulog na!Malungkot siyang napangiti. Pasabi-sabi pa siya na hindi siya mahuhulog sa binata pero heto siya ngayon... nasasaktan.Pasabi-sabi pa siya na hindi sila pwede dahil maraming dahilan, pero bakit gusto niyang bawiin lang ng sinabi niyang 'yon?Wala naman siyang laban kay Pearl. Maganda na ito, mayaman pa. Eh siya? Ganda lang ang meron.Saka hindi naman talaga siya gusto ng amo niya dahil TRIP lang naman talaga siya nito. Sino ba siya para magustuhan? Tulad nga ng sabi ng amo niya, isa lang siyang hampaslupa, boba, t
[Amelia]KAHIT sobrang sakit sa mata at sa dibdib ay pilit niyang kinaya. Bawat pagbubulungan ng dalawa ay naniningkit ang mata niya. Gusto niyang gumitna at paghiwalayin ang dalawa. Pero alam niyang hindi pwede! Sino ba siya, di'ba? Isa lang naman siyang kasambahay ng mahal niya.Tumigil sa paglakad ang dalawa at huminto sa isang Jewelry Store na tiyak siyang hindi afford ng gaya niya. Pang-sosyal at pang-mayaman.Masayang pumasok si Pearl sa store. Mukhang nanalo sa lotto ang mukha. Tumingin siya sa amo niya na katulad niya ay nasa labas pa ng Store. Nakatingin na 'to sa kanya ngayon.Gusto niya 'tong irapan pero nagpigil siya. Kahit anong sakit ng damdamin niya ngayon ay amo pa rin niya 'to."Sumunod ka, Amelia." Utos nito at saka sumunod na kay Pearl sa loob.Saka siya umirap ng nakatalikod na 'to. Katulad ng utos nito ay sumunod siya rito. "Love, di'ba kahit ano pwede kong piliin, right?" Nagniningning ang mga mata na tanong ni Pearl sa binata.Tumango si Damon. "Give her ever
[Amelia]PAREHO sila ng kalagayan.Mahal niya ang amo niya pero hindi siya mahal. Mahal siya ni Nelson pero hindi naman niya ito mahal.Kung pwede lang turuan ang puso ay gagawin niya. Syempre do'n siya sa lalaking mahal siya at hindi siya sasaktan, pero hindi natuturuan ang puso.Pumasok siya sa kwarto at do'n pinakawalan ang luha niya. Dati palagi niyang sinasabi na hindi siya magmamahal ng maaga dahil ayaw niya magaya sa nanay niya.Nagmahal ng maaga at maling lalaki ang pinili.Pero heto siya ngayon. Nagmahal ng maling lalaki....Sabagay, kung mamahalin din siya ng amo niya ay maling babae din siya para rito.Umiyak siya ng umiyak hanggang sa makatulog siya.Dumilat siya. Ramdam niya ang panlalagkit ng mukha niya dahil sa luha. Kumukulo ang tiyan niya dahil sa gutom. Hindi pa nga pala siya kumakain. Alas dyis na ng gabi.Humihikab na tumayo siya at nagpunta sa kusina. Natigilan siya ng mapansin na may bawas na ang mga niluto niya.Ibig sabihin ay kumain ang amo niya? Akalq niya ay
[Amelia]HALOS tumalon ang puso niya sa sobrang tuwa. Mahal din siya ang amo niya!Ang tuwa na nararamdaman niya ay agad na napawi. Naalala niya na ikakasal na ito kay Pearl. Mahal man niya ito ay hindi niya kayang manakit ng kapwa niya babae."Do you love me, Amelia?" Tanong nito at saka bumitaw ng yakap sa kanya. Inangat nito ang mukha niya at yumuko sa kanya. "I want to hear in your lips that you love me too." "Mahal kita, Sir.... Pero-" "No buts." Sinakop nito ang labi niya. Hindi niya magawang tumutol. Pumikit nalang siya at ninamnam ang malambot na labi nito.Ngayon lang 'to. Last na halik na 'to. Dahil hindi sila pwedeng magpatuloy dahil malapit na itong ikasal kay Pearl. Kailangan na rin siguro niyang lumayo rito. Hindi naman niya kayang makita araw-araw ang lalaking mahal niya na bumubuo ng pamilya sa ibang babae.Binuka niya ang labi para makapasok ang mapusok na dila nito sa loob ng bibig niya. Ginalugod ng dila nito ang loob ng bibig niya na tila naghahanap. Napa-ungòl si
[Amelia]HINAWAKAN nito ang kamay niya at hinila siya sa tapat ng pinto. Ito ang pintuan na bawal pasukin, may nakalagay pa na 'DO NOT DISTURB THE PRINCESS OF THIS HOUSE. Naalala niya noon ng mapunta siya rito, katakot - takot na Damon ang nakaharap niya ng panahon na 'yon."Babe, meet my sister, Daisy." Kinuha ni Damon ang isang picture frame kung saan may magandang babae na sa tingin niya ay nasa disi-sais anyos palang. Tumingin si Damon ng nakangiti sa picture ng kapatid. "Daisy, meet my girlfriend, Amelia."Kita ang magkahalong emosyon sa mata ng binata. Pangungulila, pagmamahal, sakit at galit."My parents were dead including my little sister." Hindi maitago ang sakit sa boses ni Damon. "Simula noon nabuhay ang halimaw sa puso ko. Bakit nawala sila ng gano'n kadali sa akin? Bakit iniwan nila ako?" Tumalikod ito para itago ang luha sa mata. "Binabangungot ako gabi-gabi dahil sinisisi ko ang sarili ko, kung hindi ko sila sinama para tingnan ang property na binili ko ay hindi sila ma
[Amelia] PUMIKIT siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakahiya naman sa makeup artist na nag-ayos sa kanya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. "Ang ganda mo, anak." Puri ng nanay niya na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si Amon. "Opo, ate mommy, ang ganda niyo po lalo!" Puri ng anak niya. Ngumiti siya sa nga ito. "Syempre maganda si mommy dahil mana kay nanay." Aniya sabay gulo sa buhok ni Amon. "Di'ba sabi ko sa'yo mommy nalang o mama ang itawag mo sa akin." "Mommy naman, eh! Bakit mo po ginulo hair ko? Hindi na po ako pogi!" Reklamo ni Amon. Pareho silang natawa ng nanay niya. Paano ay ilang araw na nilang napapansin na palaging nakaayos ang buhok nito. Iyon pala ay may kaklase itong nagugustuhan ayon kay Alex. Nagpunta si Amon sa tapat ng salamin para ayusin ang buhok na nagulo. Kandahaba ang nguso nito kaya lalo silang natawa nang nanay
[Amelia]PINUNO muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyang pumasok. Ito ang kauna-unahang beses na nagpunta siya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Damon ang ginagawa niya ngayon sa lugar na ito.Naiintindihan niya kung bakit hindi sumama si Damon sa kanya. Maski ang nanay niya, mga kapatid ay hindi rin nagpupunta rito. Sa katunayan ay siya ang kauna-unahang dumalaw sa taong ito.Nag-angat siya ng tingin ng umupo ang lalaki na napakatagal na niyang hindi nakita. Matagal man silang hindi nagkita ay wala siyang nakapa sa dibdib na pananabik, bagkus ay puno siya ng galit at hinanakit.Tila nadoble ang edad ng tatay niya rito sa loob ng kulungan. Wala na ang matikas nitong pangangatawan. Sa sobrang payat nito ay duda siya kung kumakain pa ba ito."Anong nakain mo ang nagpunta ka rito? Nasaan ang nanay mong walang silbi? Masaya ba kayo na wala na ako sa buhay niyo?!" Mabagsik na tanong nito kasabay ng paghampas ng magkaposas na kamay nito sa ibabaw ng mesa na tila gusto pa siyang sak
[Damon]NOONG panahon na buhay pa ang magulang niya ay palaging sinasabi ng mga ito na darating ang araw na titibok ang puso niya at magmamahal ng sobra. Hindi siya naniwala do'n at tinatawanan lang ang mga sasabihin ng magulang niya. Hindi naman kasi siya naniniwala na may babaeng magpapaamo sa kanya. Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya ay walang nakapagpatibok ng puso niya.Lalo na ng mamatay ang magulang niya. Sinarado na niya ang puso niya sa lahat—maliban sa kanyang mga kaibigan.Pero katulad nga ng sinabi ng magulang niya ay may babaeng dumating, hindi lang para pasigawin siya, galitin siya, inisin siya, kundi pinatibok din ni Amelia ng mabilis ang puso niya. Natuto siyang magselos na hindi naman niya naramdaman sa ibang babae. Kahit sa kaibigan pa niya ay nagseselos siya."Kuya, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa kanya. "Y-Yes, ayos lang ako." Sagot niya, kahit ang totoo ay nanginginig ang buo n'yang katawan sa nerbyos. Tatlong buwan na ang nakalipas ng maka
HAWAK niya ang kamay ni Amelia at hindi niya ito binibitiwan. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat, na baka panaginip lang niya ang pagkagising nito.Nang suriin ito ng doktor ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod na nararamdaman ng katawan dahil sa matagal na pagkakahiga. Kaya ngayon ay narito siya sa tabi nito para sa oras na magising ito ay siya ang una nitong makikita.Anim na oras na silang lahat naghihintay na magmulat ng mata si Amelia pero hindi na ito muling dumilat pa. Narito ang pamilya ng dalaga, kasama ang kanilang anak. Ang nanay nito ay umiiyak sa sobrang tuwa, maging ang mga kapatid. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagganti ng hawak ni Amelia sa kanyang kamay, kasabay ng pagmulat nito ng mata. Nakatagilid parin ito ng higa kaya naman kitang-kita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ang tubo na nasa bibig nito ay inalis na ng doktor kaya nakita niya ang maliit na ngiti na gumihit sa labi nito.Parang bata na napahagulhol siya ng iyak. Ma
DAMON looks devastated while leaning against the wall. Magulo ang buhok ng binata at tila wala sa sarili. Limang araw na subalit wala parin response ang katawan ni Amelia. Some of her organs were hit and damaged severely. Tagumpay ang operasyon subalit ang paggising nito ay walang kasiguraduhan.Hindi niya kayang magtagal sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng mahal na mahal niya. Tila dinudurog ang puso niya sa sakit at anumang oras ay tila mababaliw siya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sarili. Kung dumating lang sana siya agad para iligtas ito. He ran a trembling hand through his hair and began to cry like a child. "P-Please, babe... don't leave me." His sobbing and pleading spread throughout the hallway but he doesn't care. All he have in mind was all about her.Nagsibuga ng hangin ang mga kaibigan ni Damon na nakamasid lang sa kanya. They are right. Damon lost himself again like when he lost his parents and little sister. Mabigat sa dibdib ang ganitong tagpo para sa kanila.
[Amelia]HINAWAKAN niya ang mukha ng anak. "Pikit ka, Amon." Utos niya sa anak. Nakaalis na sina Cassandra at Frederick. Ngayon ay kailangan nilang lumabas sa ilalim ng mesa kaya inuutusan niyang pumikit ang anak para hindi nito makita ang bangkay sa sahig.Nakahinga siya ng maluwag ng pumikit ang anak. Nang lumabas siya sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya sa kamay ang anak para alalayan. Pero naapakan ni Amon ang dugo dahilan para madulas ito."A-Ate mommy!" Malakas na iyak ni Amon ng makita ang dugo na nasa kamay.Tarantang tinakpan niya ang bibig ng anak ng kanyang kamay."Narinig niyo ba? Iyak ng bata 'yon, di'ba?" Ani ng isang tauhan ni Cassandra sa kasamahan. "Oo! Hanapin natin dali!" Sagot ng isa.Kinarga niya ang humihikbi pang si Amon at saka tumakbo palayo sa yabag na papalapit sa kanila. Halos magkatumba-tumba pa siya dahil mahaba ang suot n'yang wedding gown na hindi niya naisipan na hubarin kanina. "Huhuhu, b-bakit po nila tayo hinahabol, ate mommy?" Patuloy sa pag-iyak
[Amelia]HINAWAKAN niya mukha ni Amon at hinalikan ito sa tungki ng ilong. Kailangan na niyang kumilos. Marahan ang kilos na lumabas sila sa ilalim ng mesa. Sumagap muna siya ng hangin bago nagpasya na sumilip, pero agad na bumalik siya sa pagkakatago ng makita ang isa sa hinihinala niyang tauhan ni Cassandra."Hanapin niyo ang dalawa. Tiyak na hindi pa nakakalayo ang mga 'yon—putanģ ina! Ano 'yon?!" Malakas na mura ng lalaki ng makarinig ng sunod-sunod na pagputok.Tinakpan niya ang tenga ng anak. Nanlaki ang mata niya ng makarinig ng mga yabag. Mabilis na hinila niya si Amon upang bumalik sa ilalim ng mesa.Sobra ang kaba niya ng makita ang anim na pares ng paa na nakatayo malapit sa pwesto nila. Mabuti nalang at may kahabaan ang mantel ng mesa kaya hindi sila nakikita ng mga ito. Halos takpan niya ng maigi ang bibig ni Amon huwag lang itong makapag ingay.Nanlaki ang mata niya ng marinig ang pamilyar na boses."Dennis, nasaan na sila Mando?!" Tanong ni Cassandra sa tauhan."Wala na
NANG makaalis si Frederick ay agad na binuksan niya ang pinto ng kwarto para alamin kung naka-lock ito o hindi.Halos maiyak siya sa tuwa ng malaman na hindi ito naka-lock.Nakapagtataka.Hindi ba natatakot si Frederick na tumakas sila? O kampante na ito dahil kasal sila? Inis na tinanggal niya ang singsing sa kamay at binalik ang singsing na binigay sa kanya ni Damon."Amon, tara na. Aalis na tayo sa lugar na 'to." Kahit kasal na sila ay hindi siya sasama kay Frederick sa ibang bansa.Hindi niya ito mahal at natatakot na siya rito. Ibang-iba na ito sa dating Frederick na nakilala niya.Hawak ang kamay ni Amon ay lumabas sila ng kwarto. Malawak ang bahay at wala siyang nakikitang ibang tao maliban sa kanila ng kanyang anak.Dahan-dahan ang bawat hakbang na ginawa niya para hindi makalikha ng ingay."Ate mommy—" Agad na tinakpan niya ang bibig ng anak at inilagay ang hintuturo sa gitna ng labi niya, tumango naman ito na parang naiintindihan ang nais niyang iparating.Nang nasa kalagitna
LULAN ng puting van ay muli silang bumyahe ni Frederick pagkatapos nilang ikasal. Tulala siya habang nakatingin sa labas ng sasakyan habang tahimik na umiiyak."Tumahimik ka nga!" Malakas na singhal ni Frederick na tila nabibingi sa pag iyak niya. Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Tanggapin mo nalang, Love. Kasal kana sa akin at wala ng magagawa ang pag iyak mo." Masama siyang tumingin rito. "Kasal na nga ako sa walang hiyang tulad mo, pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinapakita sa akin ang anak ko!" Muling binalik nito ang tingin sa daan. "Maghintay ka lang, Amelia, makikita mo rin siya." Inabot ng limang oras ang biyahe nila kaya inihinto nito ang sasakyan sa isang fast food chain para mag-drive thru lang. Hindi niya pinansin ang pagkain na inabot nito sa kanya kaya naman muli na naman itong nainis sa kanya. Sapilitan na nilagay nito ang pagkain sa kamay niya."Kumain ka, Love. Hindi ko gustong magutom ka. Alam ko na dapat ay nasa isang hotel tayo o magarang restaurant