Pagdating ng pamilya San Agustin sa mansion ng mga Alcantara, sinalubong sila ng magarang chandeliers at mamahaling dekorasyon. Isang formal dinner ang inihanda para sa pag-uusap ng dalawang pamilya.Habang papasok si Luke sa loob ng mansyon, hindi niya maiwasang mapailing. Alam niyang wala siyang choice kundi harapin ang sitwasyong ito."Welcome, Don Eduardo, Donya Olivia, Luke," bungad ni Don Victor habang nakangiti. "Maupo kayo."Umupo si Luke sa tapat ng isang bakanteng upuan, hindi ini-expect kung sino ang mauupo doon. Ilang sandali lang ay lumabas mula sa hallway si Mitch, kaswal pero eleganteng nakasuot ng itim na fitted dress.Pagkakita niya sa babae, muntik na siyang mapangisi—dahil hindi ito iba sa kanya.Ito ‘yung babaeng nabunggo ko sa mall!Napansin ni Mitch ang mga bisita at ngumiti nang pormal. Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata ni Luke, halos mapatigil siya. Siya?!Mabilis niyang inayos ang reaksyon at hindi nagpahalata, pero sa loob-loob niya, gusto niyang mataw
MABILIS na tinahak ni Mitch ang daan patungo sa kanilang hardin matapos magpaalam sa kanyang pamilya at sa mga bisita, maliban kay Luke. Kailangan niyang lumayo sandali para kumalma. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa loob ng bahay dahil sa usapang kasal.Tumayo siya malapit sa isang malaking puno, ipinikit ang kanyang mga mata, at dahan-dahang huminga. Inhale… exhale… Pilit niyang inaayos ang kanyang isip."Think, Mitch. Hindi ka pwedeng magpakasal nang basta-basta. Hindi mo hahayaan na kontrolin ka nila."Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagpapakalmang sarili, isang mababang boses ang pumuno sa paligid."Mukhang hindi mo matanggap ang sitwasyon."Napamulat si Mitch at napalingon—si Luke! Nakapamulsa ito habang nakatayo ilang hakbang ang layo sa kanya. Matikas pa rin ang tindig nito, tila hindi man lang naapektuhan ng nangyari kanina."Anong ginagawa mo dito?" mariing tanong ni Mitch."Sinundan kita," diretsong sagot ni Luke. "Hindi ako tanga para hindi makita kung paano ka na
KINABUKASAN, hindi na kinaya ni Mitch ang bigat ng stress na dulot ng kasal at engagement party na hindi niya ginusto. Kaya naman, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang matalik niyang kaibigan—si Freya."Uy, Mitch! Bakit ngayon ka lang tumawag? Anong ganap?" sagot ni Freya sa kabilang linya."Freya, mag-shopping tayo.""Ha? Biglaan naman ‘to. May problema ka na naman ba?"Napabuntong-hininga si Mitch bago sumagot. "Sobra. Kung alam mo lang.""What?! Spill! Anong nangyari?"Nagdadalawang-isip si Mitch kung paano ipapaliwanag. Pero alam niyang hindi niya ito kayang itago kay Freya. "Freya… malapit na ang engagement ko."Sandaling natahimik si Freya bago napasigaw. "WHAT?! Ang bilis naman?! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?! Napaka-importante nito, Mitch!""Ako nga rin nagulat! Ni hindi ko rin akalain sobrang bilis. Wala man lang pasabi!" sagot ni Mitch, na may halong inis at frustration.Kunwari namang nagdamdam si Freya. "Aba! Ang best friend mo, hindi mo sinabihan? Akala
HABANG naglalakad sa department store, masayang namimili sina Mitch at Freya ng mga damit at sapatos. Natatawa pa si Freya habang inaasar si Mitch tungkol kay Luke."Alam mo, Mitch, baka naman talagang tadhana na ‘yan! Ilang beses mo na siyang nabubunggo, hindi kaya may meaning ‘yan?" pabirong sabi ni Freya habang sinusukat ang isang pares ng heels."Tadhana? Huwag mo akong ginaganyan, Freya. Kung tadhana ang basehan, mas gugustuhin ko pang maging single forever!" sagot ni Mitch sabay irap.Ngunit bago pa sila makatawa ulit, isang pamilyar na tinig ang pumukaw sa atensyon nila."Oh, well, well, well… Look who we have here!"Napalingon sila pareho. Isang babae ang nakatayo ilang hakbang mula sa kanila, may hawak na mamahaling bag at nakataas ang isang kilay na para bang hinuhusgahan sila mula ulo hanggang paa.Alicia Tolentino.Ka-batch nila ito noong college, isang sosyalera na laging nagpapakita ng superiority sa kahit sino. Matapobre, mahilig mang-api ng tingin, at kung makapagsalit
"SALAMAT, Luke" kiming sabi ni Mitch kay Luke, ngunit nagulat si Freya."Wait… Luke San Agustin? Siya yung fiancé mo?" gulat niyang tanong habang napatingin kay Mitch.Napatigil si Alicia at agad na napakunot-noo. "Anong fiancé? Mitch, totoo ba ‘to?" tanong niyang naguguluhan.Hindi sila pinansin ni Luke. Sa halip, tumingin siya kay Mitch at seryosong sinabi, "Ihahatid na kita. Napakasama ko namang fiancé kung hahayaan kitang umuwi mag-isa."Napakagat-labi si Mitch. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin lalo na ang mga mukha nila Freya at Alicia ay naghahanap ng kasagutan. "Hi-hindi na, Kasama ko naman si Freya mag-taxi na lang kami." Tanggi niya.“I’ll give her a ride too. I don’t want take no for an answer” finalidad niyang sabi."Wait lang, Mitch," sabat ni Freya, lumapit siya sa kanyang kaibigan. "Kailangan kitang makausap."Nagtaas ng kilay si Luke at tumingin kay Freya. "Kung tungkol sa kasal namin ‘yan, saka na lang."Napahinto si Freya. Hindi siya makapagsalita lalo na’t naroo
POV ni AliciaNapadaan ako sa isang department store habang hinihintay si Luke. Wala pa siya sa meeting namin, kaya naisipan kong mag-shopping muna para hindi mainip. Habang abala ako sa pagtingin ng mga bagong koleksyon ng designer bags, may nakita akong pamilyar na mukha—si Mitch, kasama ang kaibigan niyang si Freya.Napangiti ako nang bahagya. Perfect timing.Nilapitan ko sila at walang pasabing nagsalita. "Oh, well, well, well... Look who we have here!"Napansin kong agad nagbago ang ekspresyon ni Mitch. Halata sa mukha niya ang iritasyon, pero pinilit niyang ngumiti. "Shopping ka rin?" tanong ko, kahit obvious naman ang sagot. Tumawa ako nang bahagya at sinipat ang mga bitbit nilang paper bags. "Sa dinami-raming department store dito pa tayo magtatagpo."Napansin kong siniko siya ng kaibigan niyang si Freya, na mukhang hindi rin natutuwa sa presensya ko."Oh, Alicia, ikaw pa rin pala! Hindi ka pa rin nagbabago, ano? Saan ba kami dapat bumili? " malamig na sagot ni Freya."Uy, de
POV LukeHabang naglalakad ako sa mall at kausap ang personal assistant ko tungkol sa mga dapat ayusin sa kompanya, bigla na lang may tumama sa likuran ko.Napahinto ako at agad na lumingon.Hindi ako makapaniwala nang makita kung sino ang bumangga sa akin—si Mitch Alcantara.Napataas ang kilay ko. "Ikaw na naman?"Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya bago ito agad napalitan ng inis."Ano bang problema mo?" tanong ko, bahagyang napapailing. "Sinasadya mo na bang banggain ako sa tuwing magkikita tayo?"Muling nagbago ang ekspresyon niya, halatang nainis sa sinabi ko. "Bakit ko naman gagawin ‘yon? Ang laki-laki mo kasi, hindi kita napansin."Nagpigil akong matawa sa inis sa mukha niya, pero kita ko rin na hindi na siya nag-abala pang makipagtalo. Bago pa ako makasagot, tinalikuran na niya ako at mabilis na lumayo.Napatingin ako sa kanyang papalayong pigura, pero agad kong binalik ang atensyon ko sa assistant ko. Matapos kong ibigay ang mga bilin sa kanya, dumiretso na ako sa restauran
Kinabukasan maagang nagising si Freya at tumungo sa mansyon ng mga Alcantara. Dahil kilala na si Feya ng mga kasambahay ng mga Alcantara kaya hindi na nila pinigilan ng dumiretso itong umakyat sa kwarto ng kanilang amo na dalaga.Maaga pa lang, tulog na tulog pa si Mitch nang biglang may malakas na katok sa pinto ng kwarto niya.Tok! Tok! Tok!Napabalikwas siya ng bangon, bahagyang iritable. "Sino ‘yan?""Mitch! Buksan mo ‘to!"Napabuntong-hininga ito. Wala nang iba kundi si Freya.Pagkabukas ng pinto, agad siyang pumasok na parang siya ang may-ari ng kwarto. Hindi pa nga nakakapag
A cozy café where Mitch, Luke, their mothers, and Freya are discussing the wedding plans over coffee. Luke, as usual, is impatient, while Mitch tries to keep her cool.Si Mitch, ay nakikipag tulungan sa pagpa-plano. Si Luke naman, obvious na hindi interested at naka-cross arms habang nakasandal sa upuan.“We have exactly one month to prepare. We need to finalize the venue first—“ ngunit pinutol ni Luke ang sasabihin niya.“Kailangan ba talagang pag-usapan lahat ‘to ngayon? Bakit hindi na lang tayo kumuha ng wedding planner?´sabi niya habang nakakunot ang noo.Sumingit sa usapan si Donya Isabella habang nakataas ang mga kilay. “Luke, ang kasal hindi basta-basta lang. Kailangan ‘to ng maayos na plano.”“Yeah, yeah. But do we have to sit here for hours just to pick flowers and tablecloths?” pahayag niya habang minamasahe ang kanyang noo.“Luke, this is our wedding. Could you at least try to be involved?” na pabuntong-hininga na lang si Mitch.“Hinay-hinay lang Mitch. He might flip the ta
Masaya at makulay ang engagement party, puno ng tawanan at halakhakan mula sa mga bisitang nagdiriwang kasama ang dalawang pamilyang Alcantara at San Agustin. Ang buong venue ay nababalot ng engrandeng dekorasyon—mga luntiang halaman, puting bulaklak na nakalinya sa bawat mesa, at mga gintong ilaw na nagbibigay ng romantikong ambiance. Sa gitna ng selebrasyon, ang mga magulang ng bride at groom-to-be ay abala sa pakikipag-usap sa kanilang mga bisita, puno ng sigla at kasiyahan sa kanilang mga mata.Samantala, ang magkasintahan—na hindi tunay na nagmamahalan—ay tahimik na nakaupo sa isang mesa, kapwa nagpapanggap na masaya sa harap ng maraming mata. Magalang silang nagpapalitan ng mga salita, pero may namumuong tensyon sa pagitan nila na hindi halata sa iba.“Smile,”
MATAPOS ang matinding pagbili ng engagement outfits, nagpasya sina Mitch at Luke na dumaan muna sa isang restaurant bago umuwi. Hindi ito romantic dinner—at least, hindi sa pananaw ni Mitch—kundi isang practical na desisyon para lang hindi sila parehong magutom matapos ang nakakapagod na araw.Pagkaupo nila sa isang pribadong booth, napatingin si Mitch sa menu at nagtanong, "Ano kayang masarap dito?""Steak," sagot ni Luke nang hindi man lang nag-aalinlangan.Napataas ang kilay ni Mitch. "Wow, hindi ka man lang nag-isip?""Kasi alam kong steak ang best seller nila," sagot nito, saka ibinalik ang atensyon sa menu."Eh paano kung gusto ko ng pasta?" tanong niya, sinusubukan siyang asarin.Hindi siya nilingon ni Luke, pero sumagot ito nang walang pag-aalinlangan, "Then, order pasta."Napasimangot si Mitch. Bakit parang hindi naaapektuhan si Luke ngayon?"Ikaw? A
HABANG nasa loob ng fitting room, napatingin si Mitch sa repleksyon niya sa salamin. Hawak niya ang red gown na napili niya—eleganteng pulang tela na dumadaloy nang perpekto, may high slit na tamang-tama lang para ipakita ang kanyang confidence."Perfect," bulong niya sa sarili, saka mabilis na isinuot ang gown.Pagkatapos niyang ayusin ang sarili, huminga siya nang malalim at lumabas ng fitting room.Sa kabilang side naman, nakatayo si Luke sa harap ng mirror, suot ang dark gray na suit na napili niya para sa engagement party. Matikas itong nakadisenyo, bumagay sa broad shoulders niya at mas nagpalalim sa kanyang intimidating presence. Kahit seryoso ang mukha niya, halatang kontento siya sa itsura niya.Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto mula sa fitting room ni Mitch, automatic siyang napatingin.At doon siya natulala.Dahan-dahang lumakad si Mitch palabas, ang bawat hakbang ay parang sa isang runway model. Ang red gown
Habang nasa loob ng sasakyan, tahimik si Mitch. Hindi niya gusto ang idea na sumama kay Luke, pero wala rin siyang choice. Nang bumaba sila sa isang high-end na boutique, napataas ang kilay niya, agad na napansin niya ang mamahaling interior—mula sa chandeliers hanggang sa eleganteng display ng designer gowns at suits."Anong ginagawa natin dito?" tanong niya, nakahalukipkip."Mamimili nga tayo ng isusuot mo para sa engagement party," walang emosyon na sagot ni Luke.“Pwede namang sa ibang store na lang tayo bumili," reklamo ni Mitch habang sinusundan si Luke."Gusto mo ba ng pangit na damit?" sagot ni Luke nang hindi siya nililingon."Excuse me?" inis na sagot ni Mitch. "Wala ‘yon sa store, nasa pumipili!""Exactly. Kaya ako na ang pipili," ani Luke."Ang kapal mo rin, ano?" bulong ni Mitch, pero siniguradong maririnig ito ni Luke.Lumapit sa kanila ang is
Sa malawak nilang garden—ang magkaibigan Mitch at Freya, nagkayayaan magpalipas ng oras doon.Hindi niya maiwasan ang nangyari kahapon, hindi mapakali si Mitch. Wala siyang narinig tungkol kay Luke. "So, ganun na lang? Parang walang nangyari?" inis niyang sabi habang iniikot ang straw sa kanyang juice."Nagi-expect ka ba na tatawag siya?" pang-aasar ni Freya habang nagbabasa ng magazine."H-hindi! Hindi naman siya big deal," mabilis na sagot ni Mitch, pero obvious na hindi siya kumbinsido sa sarili niyang sagot.Ngunit parang pinaglaruan siya ng tadhana.May lumapit na kasambahay sa kanila at magalang nitong sinabi “Senyorita, may bisita po kayo.”Nagtaka siya, wala naman siya maalala na may bisita siya darating.“Sino?”Bago pa makapag salita ang kasambahay nagsalita na ang bisita niya.“Ako” walang kalatoy-latoy na sabi nito.Mula sa entrance n
BANDANG tanghali, tumawag si Freya kay Mitch habang nakaupo ito sa isang coffee shop, malungkot na iniikot ang kutsarita sa kanyang tasa ng kape."Kamusta? Nakapag-usap na ba kayo ni Luke?" tanong ni Freya sa kabilang linya.Napabuntong-hininga si Mitch bago sumagot. "Wala namang nangyari. Parang ayaw niya akong makilala, Freya. Ang awkward pa ng vibe. Hindi ko nga alam kung ano bang iniisip niya.""Ha? Eh di ba siya pa nga 'yung unang nag-approach at nag-invite kumain?" may halong pagtatakang sagot ni Freya."Oo nga, kaya nga ang labo niya," sagot ni Mitch. "Parang ang layo niya kanina. Formal na formal, walang kahit anong sign na may naaalala siya tungkol sa'kin.""Baka naman nag-aalangan lang siya. O baka may ibang iniisip?" hula ni Freya."Ewan. Basta ang alam ko, hindi maganda 'yung naging usapan namin. Hindi man lang ako nagtagal sa opisina niya. Kaya eto, nagmumukmok ako dito sa coffee shop," reklamo ni Mitch habang humigop ng kape."Hala, huwag kang magmukmok diyan! Baka may m
Kinabukasan, maagang dumiretso si Mitch sa opisina ng San Agustin Enterprises. HIndi na niya isinama si Freya dahil alam niyang mangungulit ito at isa pa may mahalaga itong pupuntahan.Gaya ng inaasahan, ang buong gusali ay mayroong matinding aura ng kapangyarihan—elegante, moderno, at puno ng mga empleyadong nagmamadali sa kanilang trabaho.Nasa lobby siya ng kompanya ni Luke. Lumapit at nag tanong sa receptionist “Excuse me Miss, nasa kanyang opisina ba ngayon si Mr. Luke San Agustin?” nakangiti niyang tanong."Ma'am, may appointment po ba kayo kay Mr. San Agustin?" magalang nitong tanong.Napasinghap si Mitch. Appointment? Para lang makita ang fiancé niya? "Wala, but can you call him? and tell him I want to talk to him?"Pero bago pa makasagot ang receptionist, na kita nito ang personal assistant ni Luke, na kalalabas lang ng elavator. “Sir, Mel may taong gusto makita
Nanatiling tahimik si Mitch habang nakatitig kay Luke. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot, magalit, o matuwa. Hindi pa rin siya makapaniwala—isang linggo na lang at magiging opisyal na ang engagement nila.Napatingin siya kay Luke, na kasalukuyang nakahalukipkip. Matalim ang titig nito, para bang hinihintay ang sagot niya. Halata sa postura nito na kahit hindi ito masaya sa sitwasyon, hindi ito uurong.“Ano, Mitch?” tanong ni Luke, halatang nawawalan na ng pasensya. “Papayag ka o hindi?”Huminga siya nang malalim, saka pinag-aralan ang mang-yayari sa kanila ni Luke. Sa totoo lang, hindi naman ito masama. May kalayaan pa rin siya, may espasyo, at hindi siya basta magiging trophy wife na sunud-sunuran. Hindi ito ang inakala niyang kasal na kontrolado ng pamilya nila.“Tingin ko…” nagsimula siya, siniguradong hindi siya mahuhulog sa bitag nito. “Maaari na rin.”Nang marinig iyon, napaatras si Luke at tumawa nang bahagya—pero hindi iyon tawang masaya. Tawang mapakla, may halong