Chapter: CHAPTER ELEVENHABANG naglalakad sa department store, masayang namimili sina Mitch at Freya ng mga damit at sapatos. Natatawa pa si Freya habang inaasar si Mitch tungkol kay Luke."Alam mo, Mitch, baka naman talagang tadhana na ‘yan! Ilang beses mo na siyang nabubunggo, hindi kaya may meaning ‘yan?" pabirong sabi ni Freya habang sinusukat ang isang pares ng heels."Tadhana? Huwag mo akong ginaganyan, Freya. Kung tadhana ang basehan, mas gugustuhin ko pang maging single forever!" sagot ni Mitch sabay irap.Ngunit bago pa sila makatawa ulit, isang pamilyar na tinig ang pumukaw sa atensyon nila."Oh, well, well, well… Look who we have here!"Napalingon sila pareho. Isang babae ang nakatayo ilang hakbang mula sa kanila, may hawak na mamahaling bag at nakataas ang isang kilay na para bang hinuhusgahan sila mula ulo hanggang paa.Alicia Tolentino.Ka-batch nila ito noong college, isang sosyalera na laging nagpapakita ng superiority sa kahit sino. Matapobre, mahilig mang-api ng tingin, at kung makapagsalit
Huling Na-update: 2025-03-22
Chapter: CHAPTER TENKINABUKASAN, hindi na kinaya ni Mitch ang bigat ng stress na dulot ng kasal at engagement party na hindi niya ginusto. Kaya naman, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang matalik niyang kaibigan—si Freya."Uy, Mitch! Bakit ngayon ka lang tumawag? Anong ganap?" sagot ni Freya sa kabilang linya."Freya, mag-shopping tayo.""Ha? Biglaan naman ‘to. May problema ka na naman ba?"Napabuntong-hininga si Mitch bago sumagot. "Sobra. Kung alam mo lang.""What?! Spill! Anong nangyari?"Nagdadalawang-isip si Mitch kung paano ipapaliwanag. Pero alam niyang hindi niya ito kayang itago kay Freya. "Freya… ikakasal na ako."Sandaling natahimik si Freya bago napasigaw. "WHAT?! Ikakasal?! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?! Napaka-importante nito, Mitch!""Ako nga rin nagulat! Ni hindi ko rin alam na ikakasal na pala ako. Wala man lang pasabi!" sagot ni Mitch, na may halong inis at frustration.Kunwari namang nagdamdam si Freya. "Aba! Ang best friend mo, hindi mo sinabihan? Akala mo ha, hind
Huling Na-update: 2025-03-21
Chapter: CHAPTER NINEMABILIS na tinahak ni Mitch ang daan patungo sa kanilang hardin matapos magpaalam sa kanyang pamilya at sa mga bisita, maliban kay Luke. Kailangan niyang lumayo sandali para kumalma. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa loob ng bahay dahil sa usapang kasal.Tumayo siya malapit sa isang malaking puno, ipinikit ang kanyang mga mata, at dahan-dahang huminga. Inhale… exhale… Pilit niyang inaayos ang kanyang isip."Think, Mitch. Hindi ka pwedeng magpakasal nang basta-basta. Hindi mo hahayaan na kontrolin ka nila."Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagpapakalmang sarili, isang mababang boses ang pumuno sa paligid."Mukhang hindi mo matanggap ang sitwasyon."Napamulat si Mitch at napalingon—si Luke! Nakapamulsa ito habang nakatayo ilang hakbang ang layo sa kanya. Matikas pa rin ang tindig nito, tila hindi man lang naapektuhan ng nangyari kanina."Anong ginagawa mo dito?" mariing tanong ni Mitch."Sinundan kita," diretsong sagot ni Luke. "Hindi ako tanga para hindi makita kung paano ka na
Huling Na-update: 2025-03-21
Chapter: CHAPTER EIGHTPagdating ng pamilya San Agustin sa mansion ng mga Alcantara, sinalubong sila ng magarang chandeliers at mamahaling dekorasyon. Isang formal dinner ang inihanda para sa pag-uusap ng dalawang pamilya.Habang papasok si Luke sa loob ng mansyon, hindi niya maiwasang mapailing. Alam niyang wala siyang choice kundi harapin ang sitwasyong ito."Welcome, Don Eduardo, Donya Olivia, Luke," bungad ni Don Felix habang nakangiti. "Maupo kayo."Umupo si Luke sa tapat ng isang bakanteng upuan, hindi ini-expect kung sino ang mauupo doon. Ilang sandali lang ay lumabas mula sa hallway si Mitch, kaswal pero eleganteng nakasuot ng itim na fitted dress.Pagkakita niya sa babae, muntik na siyang mapangisi—dahil hindi ito iba sa kanya.Ito ‘yung babaeng nabunggo ko sa mall!Napansin ni Mitch ang mga bisita at ngumiti nang pormal. Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata ni Luke, halos mapatigil siya. Siya?!Mabilis niyang inayos ang reaksyon at hindi nagpahalata, pero sa loob-loob niya, gusto niyang matawa
Huling Na-update: 2025-03-11
Chapter: CHAPTER SEVENHabang nasa opisina si Luke, abala sa pagpirma ng mga papeles, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina, si Donya Olivia San Agustin, kasama ang kanyang ama, si Don Eduardo."Luke, we need to talk," seryosong sabi ng kanyang ama habang umupo ito sa harap ng kanyang desk.Napatingin si Luke sa kanila, agad na nakaramdam ng tensyon. "About what?" tanong niya, ibinaba ang hawak na ballpen."We're going to the Alcantara mansion tonight," sagot ni Donya Olivia, pinagmamasdan ang reaksyon ng kanyang anak.Kumunot ang noo ni Luke. "And why exactly are we going there?"Nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang bago nagsalita si Don Eduardo. "We’ve arranged a formal meeting with the Alcantara family. It’s time you meet your fiancée."Halos malaglag ang panga ni Luke sa narinig. "What? Fiancée? Kailan pa ako nagkaroon ng fiancée?""Hindi ba matagal na namin sinabi sayo ito, hijo," sagot ng kanyang ina. "You are to marry Mitch Alcantara."Napatawa si Luke, pero halatang hindi ito
Huling Na-update: 2025-03-11
Chapter: CHAPTER SIXPagkatapos magbihis ni Luke, bumaba siya patungo sa dining hall kung saan naghihintay ang kanyang ina, si Donya Olivia San Agustin. Simple ngunit eleganteng nakaupo ito sa dulo ng mahahabang hapag, nakatingin sa kanya na para bang may gustong sabihin.Pagkaupo niya, nagsimula na siyang kumain nang walang imik, pero ramdam niya ang pagtitig ng kanyang ina. Ilang minuto pa, napabuntong-hininga ito bago nagsalita.“Luke, may gusto akong pag-usapan natin.”Hindi siya tumigil sa pagkain, pero bahagyang nag-angat ng tingin. “Hmm? Ano ‘yon, Mom?”Nag-aalangan si Donya Olivia, pero sa huli, diretsong sinabi, “It’s about your marriage.”Agad siyang napahinto, hinigpitan ang hawak sa kutsara’t tinidor. Dahan-dahan niyang itinabi ang kanyang kubyertos at tiningnan ang ina. "Marriage? Anong pinagsasabi mo?""Ikaw at si Mitch Alcantara," sagot nito nang diretso. "Napagkasunduan na ng pamilya natin na kayo ang magpapakasal."Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila bago napatawa si Luke—i
Huling Na-update: 2025-03-11