Ayaw ko sana mag-karoon ng POV ang mga character kaso hindi ko papigilan and Sorry readers! If na palitan ko ang ibang dialog for a change lang hehe
Kinabukasan maagang nagising si Freya at tumungo sa mansyon ng mga Alcantara. Dahil kilala na si Feya ng mga kasambahay ng mga Alcantara kaya hindi na nila pinigilan ng dumiretso itong umakyat sa kwarto ng kanilang amo na dalaga.Maaga pa lang, tulog na tulog pa si Mitch nang biglang may malakas na katok sa pinto ng kwarto niya.Tok! Tok! Tok!Napabalikwas siya ng bangon, bahagyang iritable. "Sino ‘yan?""Mitch! Buksan mo ‘to!"Napabuntong-hininga ito. Wala nang iba kundi si Freya.Pagkabukas ng pinto, agad siyang pumasok na parang siya ang may-ari ng kwarto. Hindi pa nga nakakapag
Mahimbing pa natutulog si Mitch nang bigla siyang makarinig ng malakas na katok sa pintuan niya."Mitch! Bumangon ka na!" malakas na sigaw ng taong kumakatok.Hindi niya ito pinansin dahil alam niyang si Freya ito at mangungulit ulit sa kanya. Niyakap niya pa lalo ang unan at umaasang lilipas ang ingay.Pero hindi!"Hoy, alam kong gising ka na! Buksan mo ‘to bago ko sipain ‘tong pinto mo!" malakas nitong kalampag sa pituan.Napairap na lang si Mitch kahit nakapikit pa. "Ano na naman bang trip ng babaeng ‘to?"Bumuntong-hininga siya at mas lalo pang nagkumot."Freya, mamayang gabi pa ‘yung dinner. Bakit ang aga-aga mo rito?" sigaw niya upang marinig nito.Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Napapikit siya nang mariin."Diyos ko, Mitch! Alas-otso na ng umaga! Dapat naghahanda ka na!" maktol nito ng makapasok sa loob ng kwarto.Sumilip siya sa kanyang orasan. Alas-otso nga. Pero gabi pa ang dinner!"Freya, gabi pa yun. Iwan mo na ako at hayaang matulog."Narinig ni Mitch ang yapak nito
Habang patuloy ang kwentuhan sa hapag-kainan, hindi pa rin mawala ang iritasyon ni Mitch. Halos isang oras na silang kumakain, pero wala pa rin si Luke. Sa kabila nito, hindi rin siya sigurado kung gusto niyang dumating ito.“Ano nga palang plano natin sa engagement party?” tanong ni Donya San Agustin, habang nilalagyan ng wine ang kanyang baso.Napangiti si Don Victor Alcantara. “Tulad ng napagkasunduan, next week na natin ito gawin. Ayokong matagalan pa.”“Next week?” bulalas ni Mitch. “Parang ang bilis naman yata, Papa.”Napatingin ang lahat sa kanya. Si Freya naman, na nasa tabi niya, biglang napakagat ng labi sa excitement.“Hindi na kailangang patagalin,” sagot ng kanyang ama, malamig ang tono. “Hindi na rin tayo bumabata, Mitch. I want this done properly.”Bago pa siya makapagsalita, biglang bumukas ang pinto sa dining hall.At pumasok si Luke San Agustin..Nakasuot ng itim na suot Matangkad. Mapangahas ang tindig at may malapad na balikat. Ang seryosong ekspresyon kahit halata
Nanatiling tahimik si Mitch habang nakatitig kay Luke. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot, magalit, o matuwa. Hindi pa rin siya makapaniwala—isang linggo na lang at magiging opisyal na ang engagement nila.Napatingin siya kay Luke, na kasalukuyang nakahalukipkip. Matalim ang titig nito, para bang hinihintay ang sagot niya. Halata sa postura nito na kahit hindi ito masaya sa sitwasyon, hindi ito uurong.“Ano, Mitch?” tanong ni Luke, halatang nawawalan na ng pasensya. “Papayag ka o hindi?”Huminga siya nang malalim, saka pinag-aralan ang mang-yayari sa kanila ni Luke. Sa totoo lang, hindi naman ito masama. May kalayaan pa rin siya, may espasyo, at hindi siya basta magiging trophy wife na sunud-sunuran. Hindi ito ang inakala niyang kasal na kontrolado ng pamilya nila.“Tingin ko…” nagsimula siya, siniguradong hindi siya mahuhulog sa bitag nito. “Maaari na rin.”Nang marinig iyon, napaatras si Luke at tumawa nang bahagya—pero hindi iyon tawang masaya. Tawang mapakla, may halong
MITCH POV"Hey, I'm already inside the mall. Where are you?"She was sending a message to her best friend when she bumped into a man she hadn't noticed because she was too focused on her phone. Ang hawak niyang milk tea ay naibuhos sa damit ng lalaki."Oh my gosh! S-sorry! Sorry!" Kinuha niya ang panyo mula sa kanyang bulsa at dali-daling pinunasan ang nabasang damit nito. Sa sobrang taranta, ang kanyang kamay ay napadako sa dibdib nito pababa sa tiyan, ngunit bigla nitong pinigilan ang kanyang kamay."Are you out of your mind?" he shouted while holding her hand.Sa kanyang pagkabigla, pumiglas siya sa pagkakahawak nito. Her face turned red, at napadako ang kanyang paningin sa mukha ng lalaki. As soon as she laid eyes on him, she was captivated by his strikingly handsome face. His gaze was so mesmerizing that she couldn't help but be drawn to him. Tumagal ng ilang segundo ang kanyang pagkakatitig sa mukha nito."Careless." he said, then left.Natauhan lang siya sa sinabi nito."Sungit
LUKE POVNASA isang high-end restaurant si Luke San Agustin, isang kilalang negosyante na may matalas na isip pagdating sa negosyo. Bata pa lang siya ay hinasa na siya ng kanyang ama sa corporate world. Lumaki siyang may disiplina at mataas ang expectations sa sarili—walang puwang ang pagiging pabaya sa kanyang mundo.Sa business industry, isa siya sa mga hinahangaang CEO dahil sa kanyang husay sa pamamahala. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay, marami ang nagsasabing siya ay cold-hearted at mahirap lapitan. Sa trabaho, isa siyang perfectionist—isang taong hindi natitinag at hindi madaling mapahanga.Habang hinihintay ang kanyang kliyente, tahimik siyang nakaupo sa VIP section ng restaurant, ini-scan ang mga papeles na kailangan nilang pag-usapan. Sanay na siya sa ganitong eksena—formal meetings, high-stakes negotiations, at walang personal na emosyon ang dapat makialam.Pagkatapos ng isang oras na pag-uusap, natapos na ang business meeting. Nag-message ang kanyang ina, pinapaalalang
Pagkauwi niya sa kanilang mansyon, mabilis siyang pumasok, pero hindi nakaligtas sa paningin ng kanyang ina ang bahagyang basa at gusot niyang damit."What happened to your clothes, hijo?" bulalas ng kanyang ina, kita sa mukha nito ang pagtataka.Sumimangot siya. Naiinis pa rin siya kapag naaalala ang nangyari kanina."Mom, may nakasalubong lang akong tatanga-tanga sa mall," iritadong sagot niya habang inaabot ang kahon ng strawberry cake na ipinabili nito.Napailing ang kanyang ina ngunit tinanggap pa rin ang cake na dala niya. Sanay na ito sa ugali niya—mainitin ang ulo, mabilis mairita, lalo na kapag napapagod o nawawalan ng kontrol sa isang sitwasyon."Thank you, hijo. Oh, sige na, pumunta ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit. Baka sipunin ka pa niyan.""Okay, Mom. Magpapalit muna ako." Lumapit siya at humalik sa pisngi ng kanyang ina bago siya tuluyang umakyat patungo sa kanyang kwarto.Pagkapasok, agad niyang hinubad ang suot na polo at itinapon iyon sa laundry basket. Hindi
Kinabukasan sa opisina ni Luke, abala siya sa pagpirma ng mga papeles na itinambak sa kanyang mesa. Mula sa financial reports hanggang sa mga kontratang kailangang aprubahan, hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Ito ang buhay niya—trabaho, negosyo, at walang espasyo para sa mga walang kwentang bagay.O iyon ang akala niya.Dahil kahit anong pilit niyang ituon ang atensyon sa mga papeles, isang imahe ang bumabalik sa kanyang isipan—ang babaeng nakabunggo niya kahapon.Napahinto siya sa pagsusulat. "Tsk!" Napalakas ang diin ng hawak niyang ballpen, halos mabutas ang papel."Damn it. Bakit ko pa iniisip 'yon?" bulong niya sa sarili.Pero bago pa siya makapagpatuloy sa trabaho, bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Pumasok ang kanyang ama—si Don Eduardo San Agustin.Mataas ang pangangatawan ng kanyang ama, matikas at may presensiyang kayang punuin ang kahit anong silid. Hindi ito basta pumapasok sa kanyang opisina nang walang dahilan. Ibig sabihin, seryoso ang usapan."Luke." M
Nanatiling tahimik si Mitch habang nakatitig kay Luke. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot, magalit, o matuwa. Hindi pa rin siya makapaniwala—isang linggo na lang at magiging opisyal na ang engagement nila.Napatingin siya kay Luke, na kasalukuyang nakahalukipkip. Matalim ang titig nito, para bang hinihintay ang sagot niya. Halata sa postura nito na kahit hindi ito masaya sa sitwasyon, hindi ito uurong.“Ano, Mitch?” tanong ni Luke, halatang nawawalan na ng pasensya. “Papayag ka o hindi?”Huminga siya nang malalim, saka pinag-aralan ang mang-yayari sa kanila ni Luke. Sa totoo lang, hindi naman ito masama. May kalayaan pa rin siya, may espasyo, at hindi siya basta magiging trophy wife na sunud-sunuran. Hindi ito ang inakala niyang kasal na kontrolado ng pamilya nila.“Tingin ko…” nagsimula siya, siniguradong hindi siya mahuhulog sa bitag nito. “Maaari na rin.”Nang marinig iyon, napaatras si Luke at tumawa nang bahagya—pero hindi iyon tawang masaya. Tawang mapakla, may halong
Habang patuloy ang kwentuhan sa hapag-kainan, hindi pa rin mawala ang iritasyon ni Mitch. Halos isang oras na silang kumakain, pero wala pa rin si Luke. Sa kabila nito, hindi rin siya sigurado kung gusto niyang dumating ito.“Ano nga palang plano natin sa engagement party?” tanong ni Donya San Agustin, habang nilalagyan ng wine ang kanyang baso.Napangiti si Don Victor Alcantara. “Tulad ng napagkasunduan, next week na natin ito gawin. Ayokong matagalan pa.”“Next week?” bulalas ni Mitch. “Parang ang bilis naman yata, Papa.”Napatingin ang lahat sa kanya. Si Freya naman, na nasa tabi niya, biglang napakagat ng labi sa excitement.“Hindi na kailangang patagalin,” sagot ng kanyang ama, malamig ang tono. “Hindi na rin tayo bumabata, Mitch. I want this done properly.”Bago pa siya makapagsalita, biglang bumukas ang pinto sa dining hall.At pumasok si Luke San Agustin..Nakasuot ng itim na suot Matangkad. Mapangahas ang tindig at may malapad na balikat. Ang seryosong ekspresyon kahit halata
Mahimbing pa natutulog si Mitch nang bigla siyang makarinig ng malakas na katok sa pintuan niya."Mitch! Bumangon ka na!" malakas na sigaw ng taong kumakatok.Hindi niya ito pinansin dahil alam niyang si Freya ito at mangungulit ulit sa kanya. Niyakap niya pa lalo ang unan at umaasang lilipas ang ingay.Pero hindi!"Hoy, alam kong gising ka na! Buksan mo ‘to bago ko sipain ‘tong pinto mo!" malakas nitong kalampag sa pituan.Napairap na lang si Mitch kahit nakapikit pa. "Ano na naman bang trip ng babaeng ‘to?"Bumuntong-hininga siya at mas lalo pang nagkumot."Freya, mamayang gabi pa ‘yung dinner. Bakit ang aga-aga mo rito?" sigaw niya upang marinig nito.Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Napapikit siya nang mariin."Diyos ko, Mitch! Alas-otso na ng umaga! Dapat naghahanda ka na!" maktol nito ng makapasok sa loob ng kwarto.Sumilip siya sa kanyang orasan. Alas-otso nga. Pero gabi pa ang dinner!"Freya, gabi pa yun. Iwan mo na ako at hayaang matulog."Narinig ni Mitch ang yapak nito
Kinabukasan maagang nagising si Freya at tumungo sa mansyon ng mga Alcantara. Dahil kilala na si Feya ng mga kasambahay ng mga Alcantara kaya hindi na nila pinigilan ng dumiretso itong umakyat sa kwarto ng kanilang amo na dalaga.Maaga pa lang, tulog na tulog pa si Mitch nang biglang may malakas na katok sa pinto ng kwarto niya.Tok! Tok! Tok!Napabalikwas siya ng bangon, bahagyang iritable. "Sino ‘yan?""Mitch! Buksan mo ‘to!"Napabuntong-hininga ito. Wala nang iba kundi si Freya.Pagkabukas ng pinto, agad siyang pumasok na parang siya ang may-ari ng kwarto. Hindi pa nga nakakapag
POV LukeHabang naglalakad ako sa mall at kausap ang personal assistant ko tungkol sa mga dapat ayusin sa kompanya, bigla na lang may tumama sa likuran ko.Napahinto ako at agad na lumingon.Hindi ako makapaniwala nang makita kung sino ang bumangga sa akin—si Mitch Alcantara.Napataas ang kilay ko. "Ikaw na naman?"Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya bago ito agad napalitan ng inis."Ano bang problema mo?" tanong ko, bahagyang napapailing. "Sinasadya mo na bang banggain ako sa tuwing magkikita tayo?"Muling nagbago ang ekspresyon niya, halatang nainis sa sinabi ko. "Bakit ko naman gagawin ‘yon? Ang laki-laki mo kasi, hindi kita napansin."Nagpigil akong matawa sa inis sa mukha niya, pero kita ko rin na hindi na siya nag-abala pang makipagtalo. Bago pa ako makasagot, tinalikuran na niya ako at mabilis na lumayo.Napatingin ako sa kanyang papalayong pigura, pero agad kong binalik ang atensyon ko sa assistant ko. Matapos kong ibigay ang mga bilin sa kanya, dumiretso na ako sa restauran
POV ni AliciaNapadaan ako sa isang department store habang hinihintay si Luke. Wala pa siya sa meeting namin, kaya naisipan kong mag-shopping muna para hindi mainip. Habang abala ako sa pagtingin ng mga bagong koleksyon ng designer bags, may nakita akong pamilyar na mukha—si Mitch, kasama ang kaibigan niyang si Freya.Napangiti ako nang bahagya. Perfect timing.Nilapitan ko sila at walang pasabing nagsalita. "Oh, well, well, well... Look who we have here!"Napansin kong agad nagbago ang ekspresyon ni Mitch. Halata sa mukha niya ang iritasyon, pero pinilit niyang ngumiti. "Shopping ka rin?" tanong ko, kahit obvious naman ang sagot. Tumawa ako nang bahagya at sinipat ang mga bitbit nilang paper bags. "Sa dinami-raming department store dito pa tayo magtatagpo."Napansin kong siniko siya ng kaibigan niyang si Freya, na mukhang hindi rin natutuwa sa presensya ko."Oh, Alicia, ikaw pa rin pala! Hindi ka pa rin nagbabago, ano? Saan ba kami dapat bumili? " malamig na sagot ni Freya."Uy, de
"SALAMAT, Luke" kiming sabi ni Mitch kay Luke, ngunit nagulat si Freya."Wait… Luke San Agustin? Siya yung fiancé mo?" gulat niyang tanong habang napatingin kay Mitch.Napatigil si Alicia at agad na napakunot-noo. "Anong fiancé? Mitch, totoo ba ‘to?" tanong niyang naguguluhan.Hindi sila pinansin ni Luke. Sa halip, tumingin siya kay Mitch at seryosong sinabi, "Ihahatid na kita. Napakasama ko namang fiancé kung hahayaan kitang umuwi mag-isa."Napakagat-labi si Mitch. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin lalo na ang mga mukha nila Freya at Alicia ay naghahanap ng kasagutan. "Hi-hindi na, Kasama ko naman si Freya mag-taxi na lang kami." Tanggi niya.“I’ll give her a ride too. I don’t want take no for an answer” finalidad niyang sabi."Wait lang, Mitch," sabat ni Freya, lumapit siya sa kanyang kaibigan. "Kailangan kitang makausap."Nagtaas ng kilay si Luke at tumingin kay Freya. "Kung tungkol sa kasal namin ‘yan, saka na lang."Napahinto si Freya. Hindi siya makapagsalita lalo na’t naroo
HABANG naglalakad sa department store, masayang namimili sina Mitch at Freya ng mga damit at sapatos. Natatawa pa si Freya habang inaasar si Mitch tungkol kay Luke."Alam mo, Mitch, baka naman talagang tadhana na ‘yan! Ilang beses mo na siyang nabubunggo, hindi kaya may meaning ‘yan?" pabirong sabi ni Freya habang sinusukat ang isang pares ng heels."Tadhana? Huwag mo akong ginaganyan, Freya. Kung tadhana ang basehan, mas gugustuhin ko pang maging single forever!" sagot ni Mitch sabay irap.Ngunit bago pa sila makatawa ulit, isang pamilyar na tinig ang pumukaw sa atensyon nila."Oh, well, well, well… Look who we have here!"Napalingon sila pareho. Isang babae ang nakatayo ilang hakbang mula sa kanila, may hawak na mamahaling bag at nakataas ang isang kilay na para bang hinuhusgahan sila mula ulo hanggang paa.Alicia Tolentino.Ka-batch nila ito noong college, isang sosyalera na laging nagpapakita ng superiority sa kahit sino. Matapobre, mahilig mang-api ng tingin, at kung makapagsalit
KINABUKASAN, hindi na kinaya ni Mitch ang bigat ng stress na dulot ng kasal at engagement party na hindi niya ginusto. Kaya naman, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang matalik niyang kaibigan—si Freya."Uy, Mitch! Bakit ngayon ka lang tumawag? Anong ganap?" sagot ni Freya sa kabilang linya."Freya, mag-shopping tayo.""Ha? Biglaan naman ‘to. May problema ka na naman ba?"Napabuntong-hininga si Mitch bago sumagot. "Sobra. Kung alam mo lang.""What?! Spill! Anong nangyari?"Nagdadalawang-isip si Mitch kung paano ipapaliwanag. Pero alam niyang hindi niya ito kayang itago kay Freya. "Freya… malapit na ang engagement ko."Sandaling natahimik si Freya bago napasigaw. "WHAT?! Ang bilis naman?! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?! Napaka-importante nito, Mitch!""Ako nga rin nagulat! Ni hindi ko rin akalain sobrang bilis. Wala man lang pasabi!" sagot ni Mitch, na may halong inis at frustration.Kunwari namang nagdamdam si Freya. "Aba! Ang best friend mo, hindi mo sinabihan? Akala