Share

CHAPTER TWELVE

Penulis: Rhymezaena
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-23 02:27:02

"SALAMAT, Luke" kiming sabi ni Mitch kay Luke, ngunit nagulat si Freya.

"Wait… Luke San Agustin? Siya yung fiancé mo?" gulat niyang tanong habang napatingin kay Mitch.

Napatigil si Alicia at agad na napakunot-noo. "Anong fiancé? Mitch, totoo ba ‘to?" tanong niyang naguguluhan.

Hindi sila pinansin ni Luke. Sa halip, tumingin siya kay Mitch at seryosong sinabi, "Ihahatid na kita. Napakasama ko namang fiancé kung hahayaan kitang umuwi mag-isa."

Napakagat-labi si Mitch. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin lalo na ang mga mukha nila Freya at Alicia ay naghahanap ng kasagutan. "Hi-hindi na, Kasama ko naman si Freya mag-taxi na lang kami." Tanggi niya.

“I’ll give her a ride too. I don’t want take no for an answer” finalidad niyang sabi.

"Wait lang, Mitch," sabat ni Freya, lumapit siya sa kanyang kaibigan. "Kailangan kitang makausap."

Nagtaas ng kilay si Luke at tumingin kay Freya. "Kung tungkol sa kasal namin ‘yan, saka na lang."

Napahinto si Freya. Hindi siya makapagsalita lalo na’t naro
Rhymezaena

Sorry po sa typo =( ini-edit ko na po. Happy reading!

| Sukai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER THIRTEEN

    POV ni AliciaNapadaan ako sa isang department store habang hinihintay si Luke. Wala pa siya sa meeting namin, kaya naisipan kong mag-shopping muna para hindi mainip. Habang abala ako sa pagtingin ng mga bagong koleksyon ng designer bags, may nakita akong pamilyar na mukha—si Mitch, kasama ang kaibigan niyang si Freya.Napangiti ako nang bahagya. Perfect timing.Nilapitan ko sila at walang pasabing nagsalita. "Oh, well, well, well... Look who we have here!"Napansin kong agad nagbago ang ekspresyon ni Mitch. Halata sa mukha niya ang iritasyon, pero pinilit niyang ngumiti. "Shopping ka rin?" tanong ko, kahit obvious naman ang sagot. Tumawa ako nang bahagya at sinipat ang mga bitbit nilang paper bags. "Sa dinami-raming department store dito pa tayo magtatagpo."Napansin kong siniko siya ng kaibigan niyang si Freya, na mukhang hindi rin natutuwa sa presensya ko."Oh, Alicia, ikaw pa rin pala! Hindi ka pa rin nagbabago, ano? Saan ba kami dapat bumili? " malamig na sagot ni Freya."Uy, de

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23
  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER FOURTEEN

    POV LukeHabang naglalakad ako sa mall at kausap ang personal assistant ko tungkol sa mga dapat ayusin sa kompanya, bigla na lang may tumama sa likuran ko.Napahinto ako at agad na lumingon.Hindi ako makapaniwala nang makita kung sino ang bumangga sa akin—si Mitch Alcantara.Napataas ang kilay ko. "Ikaw na naman?"Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya bago ito agad napalitan ng inis."Ano bang problema mo?" tanong ko, bahagyang napapailing. "Sinasadya mo na bang banggain ako sa tuwing magkikita tayo?"Muling nagbago ang ekspresyon niya, halatang nainis sa sinabi ko. "Bakit ko naman gagawin ‘yon? Ang laki-laki mo kasi, hindi kita napansin."Nagpigil akong matawa sa inis sa mukha niya, pero kita ko rin na hindi na siya nag-abala pang makipagtalo. Bago pa ako makasagot, tinalikuran na niya ako at mabilis na lumayo.Napatingin ako sa kanyang papalayong pigura, pero agad kong binalik ang atensyon ko sa assistant ko. Matapos kong ibigay ang mga bilin sa kanya, dumiretso na ako sa restaura

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23
  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER FIFTEEN

    Kinabukasan maagang nagising si Freya at tumungo sa mansyon ng mga Alcantara. Dahil kilala na si Feya ng mga kasambahay ng mga Alcantara kaya hindi na nila pinigilan ng dumiretso itong umakyat sa kwarto ng kanilang amo na dalaga.Maaga pa lang, tulog na tulog pa si Mitch nang biglang may malakas na katok sa pinto ng kwarto niya.Tok! Tok! Tok!Napabalikwas siya ng bangon, bahagyang iritable. "Sino ‘yan?""Mitch! Buksan mo ‘to!"Napabuntong-hininga ito. Wala nang iba kundi si Freya.Pagkabukas ng pinto, agad siyang pumasok na parang siya ang may-ari ng kwarto. Hindi pa nga nakakapag

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-24
  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER ONE

    MITCH POV"Hey, I'm already inside the mall. Where are you?"She was sending a message to her best friend when she bumped into a man she hadn't noticed because she was too focused on her phone. Ang hawak niyang milk tea ay naibuhos sa damit ng lalaki."Oh my gosh! S-sorry! Sorry!" Kinuha niya ang panyo mula sa kanyang bulsa at dali-daling pinunasan ang nabasang damit nito. Sa sobrang taranta, ang kanyang kamay ay napadako sa dibdib nito pababa sa tiyan, ngunit bigla nitong pinigilan ang kanyang kamay."Are you out of your mind?" he shouted while holding her hand.Sa kanyang pagkabigla, pumiglas siya sa pagkakahawak nito. Her face turned red, at napadako ang kanyang paningin sa mukha ng lalaki. As soon as she laid eyes on him, she was captivated by his strikingly handsome face. His gaze was so mesmerizing that she couldn't help but be drawn to him. Tumagal ng ilang segundo ang kanyang pagkakatitig sa mukha nito."Careless." he said, then left.Natauhan lang siya sa sinabi nito."Sungit

    Terakhir Diperbarui : 2024-02-28
  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER TWO

    LUKE POVNASA isang high-end restaurant si Luke San Agustin, isang kilalang negosyante na may matalas na isip pagdating sa negosyo. Bata pa lang siya ay hinasa na siya ng kanyang ama sa corporate world. Lumaki siyang may disiplina at mataas ang expectations sa sarili—walang puwang ang pagiging pabaya sa kanyang mundo.Sa business industry, isa siya sa mga hinahangaang CEO dahil sa kanyang husay sa pamamahala. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay, marami ang nagsasabing siya ay cold-hearted at mahirap lapitan. Sa trabaho, isa siyang perfectionist—isang taong hindi natitinag at hindi madaling mapahanga.Habang hinihintay ang kanyang kliyente, tahimik siyang nakaupo sa VIP section ng restaurant, ini-scan ang mga papeles na kailangan nilang pag-usapan. Sanay na siya sa ganitong eksena—formal meetings, high-stakes negotiations, at walang personal na emosyon ang dapat makialam.Pagkatapos ng isang oras na pag-uusap, natapos na ang business meeting. Nag-message ang kanyang ina, pinapaalalang

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11
  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER THREE

    Pagkauwi niya sa kanilang mansyon, mabilis siyang pumasok, pero hindi nakaligtas sa paningin ng kanyang ina ang bahagyang basa at gusot niyang damit."What happened to your clothes, hijo?" bulalas ng kanyang ina, kita sa mukha nito ang pagtataka.Sumimangot siya. Naiinis pa rin siya kapag naaalala ang nangyari kanina."Mom, may nakasalubong lang akong tatanga-tanga sa mall," iritadong sagot niya habang inaabot ang kahon ng strawberry cake na ipinabili nito.Napailing ang kanyang ina ngunit tinanggap pa rin ang cake na dala niya. Sanay na ito sa ugali niya—mainitin ang ulo, mabilis mairita, lalo na kapag napapagod o nawawalan ng kontrol sa isang sitwasyon."Thank you, hijo. Oh, sige na, pumunta ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit. Baka sipunin ka pa niyan.""Okay, Mom. Magpapalit muna ako." Lumapit siya at humalik sa pisngi ng kanyang ina bago siya tuluyang umakyat patungo sa kanyang kwarto.Pagkapasok, agad niyang hinubad ang suot na polo at itinapon iyon sa laundry basket. Hindi

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11
  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER FOUR

    Kinabukasan sa opisina ni Luke, abala siya sa pagpirma ng mga papeles na itinambak sa kanyang mesa. Mula sa financial reports hanggang sa mga kontratang kailangang aprubahan, hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Ito ang buhay niya—trabaho, negosyo, at walang espasyo para sa mga walang kwentang bagay.O iyon ang akala niya.Dahil kahit anong pilit niyang ituon ang atensyon sa mga papeles, isang imahe ang bumabalik sa kanyang isipan—ang babaeng nakabunggo niya kahapon.Napahinto siya sa pagsusulat. "Tsk!" Napalakas ang diin ng hawak niyang ballpen, halos mabutas ang papel."Damn it. Bakit ko pa iniisip 'yon?" bulong niya sa sarili.Pero bago pa siya makapagpatuloy sa trabaho, bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Pumasok ang kanyang ama—si Don Eduardo San Agustin.Mataas ang pangangatawan ng kanyang ama, matikas at may presensiyang kayang punuin ang kahit anong silid. Hindi ito basta pumapasok sa kanyang opisina nang walang dahilan. Ibig sabihin, seryoso ang usapan."Luke." M

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11
  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER FIVE

    Mitch Alcantara was enjoying her dinner quietly, savoring the delicate flavors of the gourmet meal prepared by their household chef. Sa loob ng napakagarang dining hall ng kanilang mansyon, wala siyang ideya na isang malaking rebelasyon ang magpapabago sa tahimik niyang gabi.Her father, Don Victor Alcantara, took a sip of his wine before speaking in his usual authoritative tone. “Mitch, may mahalaga kaming sa sabihin sayo.”Nagtaas siya ng tingin mula sa kanyang plato, agad na napansin ang seryosong ekspresyon ng kanyang mga magulang. “What is it, Dad?”Her mother, Isabella Alcantara, placed her utensils down carefully. “You’re getting married.”Mitch nearly choked on her food. "I—what?"Her heart pounded in her chest, disbelief washing over her. She let out a nervous chuckle, thinking this was some kind of joke. "Wait. Ano 'tong sinasabi niyo? Kasal? Kanino?"Her father gave her a hard look. "Luke San Agustin."Mitch froze. The name sounded vaguely familiar—isang sikat na businessma

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11

Bab terbaru

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER FIFTEEN

    Kinabukasan maagang nagising si Freya at tumungo sa mansyon ng mga Alcantara. Dahil kilala na si Feya ng mga kasambahay ng mga Alcantara kaya hindi na nila pinigilan ng dumiretso itong umakyat sa kwarto ng kanilang amo na dalaga.Maaga pa lang, tulog na tulog pa si Mitch nang biglang may malakas na katok sa pinto ng kwarto niya.Tok! Tok! Tok!Napabalikwas siya ng bangon, bahagyang iritable. "Sino ‘yan?""Mitch! Buksan mo ‘to!"Napabuntong-hininga ito. Wala nang iba kundi si Freya.Pagkabukas ng pinto, agad siyang pumasok na parang siya ang may-ari ng kwarto. Hindi pa nga nakakapag

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER FOURTEEN

    POV LukeHabang naglalakad ako sa mall at kausap ang personal assistant ko tungkol sa mga dapat ayusin sa kompanya, bigla na lang may tumama sa likuran ko.Napahinto ako at agad na lumingon.Hindi ako makapaniwala nang makita kung sino ang bumangga sa akin—si Mitch Alcantara.Napataas ang kilay ko. "Ikaw na naman?"Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya bago ito agad napalitan ng inis."Ano bang problema mo?" tanong ko, bahagyang napapailing. "Sinasadya mo na bang banggain ako sa tuwing magkikita tayo?"Muling nagbago ang ekspresyon niya, halatang nainis sa sinabi ko. "Bakit ko naman gagawin ‘yon? Ang laki-laki mo kasi, hindi kita napansin."Nagpigil akong matawa sa inis sa mukha niya, pero kita ko rin na hindi na siya nag-abala pang makipagtalo. Bago pa ako makasagot, tinalikuran na niya ako at mabilis na lumayo.Napatingin ako sa kanyang papalayong pigura, pero agad kong binalik ang atensyon ko sa assistant ko. Matapos kong ibigay ang mga bilin sa kanya, dumiretso na ako sa restaura

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER THIRTEEN

    POV ni AliciaNapadaan ako sa isang department store habang hinihintay si Luke. Wala pa siya sa meeting namin, kaya naisipan kong mag-shopping muna para hindi mainip. Habang abala ako sa pagtingin ng mga bagong koleksyon ng designer bags, may nakita akong pamilyar na mukha—si Mitch, kasama ang kaibigan niyang si Freya.Napangiti ako nang bahagya. Perfect timing.Nilapitan ko sila at walang pasabing nagsalita. "Oh, well, well, well... Look who we have here!"Napansin kong agad nagbago ang ekspresyon ni Mitch. Halata sa mukha niya ang iritasyon, pero pinilit niyang ngumiti. "Shopping ka rin?" tanong ko, kahit obvious naman ang sagot. Tumawa ako nang bahagya at sinipat ang mga bitbit nilang paper bags. "Sa dinami-raming department store dito pa tayo magtatagpo."Napansin kong siniko siya ng kaibigan niyang si Freya, na mukhang hindi rin natutuwa sa presensya ko."Oh, Alicia, ikaw pa rin pala! Hindi ka pa rin nagbabago, ano? Saan ba kami dapat bumili? " malamig na sagot ni Freya."Uy, de

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER TWELVE

    "SALAMAT, Luke" kiming sabi ni Mitch kay Luke, ngunit nagulat si Freya."Wait… Luke San Agustin? Siya yung fiancé mo?" gulat niyang tanong habang napatingin kay Mitch.Napatigil si Alicia at agad na napakunot-noo. "Anong fiancé? Mitch, totoo ba ‘to?" tanong niyang naguguluhan.Hindi sila pinansin ni Luke. Sa halip, tumingin siya kay Mitch at seryosong sinabi, "Ihahatid na kita. Napakasama ko namang fiancé kung hahayaan kitang umuwi mag-isa."Napakagat-labi si Mitch. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin lalo na ang mga mukha nila Freya at Alicia ay naghahanap ng kasagutan. "Hi-hindi na, Kasama ko naman si Freya mag-taxi na lang kami." Tanggi niya.“I’ll give her a ride too. I don’t want take no for an answer” finalidad niyang sabi."Wait lang, Mitch," sabat ni Freya, lumapit siya sa kanyang kaibigan. "Kailangan kitang makausap."Nagtaas ng kilay si Luke at tumingin kay Freya. "Kung tungkol sa kasal namin ‘yan, saka na lang."Napahinto si Freya. Hindi siya makapagsalita lalo na’t naro

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER ELEVEN

    HABANG naglalakad sa department store, masayang namimili sina Mitch at Freya ng mga damit at sapatos. Natatawa pa si Freya habang inaasar si Mitch tungkol kay Luke."Alam mo, Mitch, baka naman talagang tadhana na ‘yan! Ilang beses mo na siyang nabubunggo, hindi kaya may meaning ‘yan?" pabirong sabi ni Freya habang sinusukat ang isang pares ng heels."Tadhana? Huwag mo akong ginaganyan, Freya. Kung tadhana ang basehan, mas gugustuhin ko pang maging single forever!" sagot ni Mitch sabay irap.Ngunit bago pa sila makatawa ulit, isang pamilyar na tinig ang pumukaw sa atensyon nila."Oh, well, well, well… Look who we have here!"Napalingon sila pareho. Isang babae ang nakatayo ilang hakbang mula sa kanila, may hawak na mamahaling bag at nakataas ang isang kilay na para bang hinuhusgahan sila mula ulo hanggang paa.Alicia Tolentino.Ka-batch nila ito noong college, isang sosyalera na laging nagpapakita ng superiority sa kahit sino. Matapobre, mahilig mang-api ng tingin, at kung makapagsalit

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER TEN

    KINABUKASAN, hindi na kinaya ni Mitch ang bigat ng stress na dulot ng kasal at engagement party na hindi niya ginusto. Kaya naman, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang matalik niyang kaibigan—si Freya."Uy, Mitch! Bakit ngayon ka lang tumawag? Anong ganap?" sagot ni Freya sa kabilang linya."Freya, mag-shopping tayo.""Ha? Biglaan naman ‘to. May problema ka na naman ba?"Napabuntong-hininga si Mitch bago sumagot. "Sobra. Kung alam mo lang.""What?! Spill! Anong nangyari?"Nagdadalawang-isip si Mitch kung paano ipapaliwanag. Pero alam niyang hindi niya ito kayang itago kay Freya. "Freya… ikakasal na ako."Sandaling natahimik si Freya bago napasigaw. "WHAT?! Ikakasal?! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?! Napaka-importante nito, Mitch!""Ako nga rin nagulat! Ni hindi ko rin alam na ikakasal na pala ako. Wala man lang pasabi!" sagot ni Mitch, na may halong inis at frustration.Kunwari namang nagdamdam si Freya. "Aba! Ang best friend mo, hindi mo sinabihan? Akala mo ha, hind

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER NINE

    MABILIS na tinahak ni Mitch ang daan patungo sa kanilang hardin matapos magpaalam sa kanyang pamilya at sa mga bisita, maliban kay Luke. Kailangan niyang lumayo sandali para kumalma. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa loob ng bahay dahil sa usapang kasal.Tumayo siya malapit sa isang malaking puno, ipinikit ang kanyang mga mata, at dahan-dahang huminga. Inhale… exhale… Pilit niyang inaayos ang kanyang isip."Think, Mitch. Hindi ka pwedeng magpakasal nang basta-basta. Hindi mo hahayaan na kontrolin ka nila."Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagpapakalmang sarili, isang mababang boses ang pumuno sa paligid."Mukhang hindi mo matanggap ang sitwasyon."Napamulat si Mitch at napalingon—si Luke! Nakapamulsa ito habang nakatayo ilang hakbang ang layo sa kanya. Matikas pa rin ang tindig nito, tila hindi man lang naapektuhan ng nangyari kanina."Anong ginagawa mo dito?" mariing tanong ni Mitch."Sinundan kita," diretsong sagot ni Luke. "Hindi ako tanga para hindi makita kung paano ka na

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER EIGHT

    Pagdating ng pamilya San Agustin sa mansion ng mga Alcantara, sinalubong sila ng magarang chandeliers at mamahaling dekorasyon. Isang formal dinner ang inihanda para sa pag-uusap ng dalawang pamilya.Habang papasok si Luke sa loob ng mansyon, hindi niya maiwasang mapailing. Alam niyang wala siyang choice kundi harapin ang sitwasyong ito."Welcome, Don Eduardo, Donya Olivia, Luke," bungad ni Don Felix habang nakangiti. "Maupo kayo."Umupo si Luke sa tapat ng isang bakanteng upuan, hindi ini-expect kung sino ang mauupo doon. Ilang sandali lang ay lumabas mula sa hallway si Mitch, kaswal pero eleganteng nakasuot ng itim na fitted dress.Pagkakita niya sa babae, muntik na siyang mapangisi—dahil hindi ito iba sa kanya.Ito ‘yung babaeng nabunggo ko sa mall!Napansin ni Mitch ang mga bisita at ngumiti nang pormal. Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata ni Luke, halos mapatigil siya. Siya?!Mabilis niyang inayos ang reaksyon at hindi nagpahalata, pero sa loob-loob niya, gusto niyang matawa

  • THE HOT-TEMPERED HUSBAND   CHAPTER SEVEN

    Habang nasa opisina si Luke, abala sa pagpirma ng mga papeles, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina, si Donya Olivia San Agustin, kasama ang kanyang ama, si Don Eduardo."Luke, we need to talk," seryosong sabi ng kanyang ama habang umupo ito sa harap ng kanyang desk.Napatingin si Luke sa kanila, agad na nakaramdam ng tensyon. "About what?" tanong niya, ibinaba ang hawak na ballpen."We're going to the Alcantara mansion tonight," sagot ni Donya Olivia, pinagmamasdan ang reaksyon ng kanyang anak.Kumunot ang noo ni Luke. "And why exactly are we going there?"Nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang bago nagsalita si Don Eduardo. "We’ve arranged a formal meeting with the Alcantara family. It’s time you meet your fiancée."Halos malaglag ang panga ni Luke sa narinig. "What? Fiancée? Kailan pa ako nagkaroon ng fiancée?""Hindi ba matagal na namin sinabi sayo ito, hijo," sagot ng kanyang ina. "You are to marry Mitch Alcantara."Napatawa si Luke, pero halatang hindi ito

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status