Home / Romance / THE GLASS QUEEN (TAGALOG) / Chapter 3- Unang Yugto

Share

Chapter 3- Unang Yugto

Author: Ashley Grace
last update Last Updated: 2020-07-28 09:57:23

If Helen of Troy can launch a thousand ships, Virgou Ayala is a woman who can make the gods sink those ships. Her oozing beauty commands spell even in her sleep.

Dinampian ni Zek ng halik ang pulang rosas at ibinaba sa tabi ng nahihimbing na dalaga. Sinulyapan niya ang oras sa table clock. Pasado alas-otso na. Paano kaya ang agahan nito? Baka malipasan ito ng gutom. But he can't wake her up. Mabubuwesit lang ito sa kanya. Muling pumasada ang mga mata niya pababa sa tiyan nito bago maingat na isinara ang pinto ng kwarto.

At first, he listened to stories about her just to kill time. Hanggang sa nagising na lamang siya na hinahanap-hanap na ang bawat detalye ng mga balita tungkol dito araw-araw sa social media.

Worse of all, he started desiring her. Fantasizing her. He even had her magazines underneath his bed. Though it was basically pure lust at the beginning. Part of growing up like any average ordinary boys his age.

Kailan ba siya nagsimulang mahumaling sa dalaga? When he was in grade 11? Right, at seventeen years old. He stopped noticing other girls and only had his eyes glued to Virgou Ayala. His private account was full of her photos and stories. Pati cellphone niya ay halos bumigay na dahil ito lang ang laman bukod sa music.

Then his heart took the toll. The desire changed into a different form. Raw. Deep. Terrifying. A shape he cannot handle.

Everyone called it love. He knew it was one-sided and he is prepared to keep denying it. Para sa kanya, umiibig siya sa isang bituin. Malapit man sa langit pero napakalayo sa kanyang kinaroroonan. Hindi niya mahahawakan. Hindi niya maaabot.

Ang hindi niya naisip na minsan may mga bituin na nahuhulog nang hindi sadya. The second day of foundation week, a shooting star fell directly into his lap causing a total mess in his head and his chest. It was definitely the last normal day of his life.

Ngunit hindi niya pinagsisihan ang kanyang ginawa. Handa siyang suungin ang giyera para kay Virgou. Para ano pa at criminal justice ang kinuha niyang kurso kung hindi siya makikipagbakbakan alang-alang sa babaeng mahal niya?

"Good morning, Zek." Nakangiting bati ni Dimples sa kanya habang tahimik siyang kumakain sa kusina.

"Good morning," tugon niyang sinulyapan ang dalagang tinungo ang refrigerator. Bagong paligo ito at nanunuot sa ilong niya ang matamis na amoy ng pabango.

Kumuha ito ng fresh milk at lumapit sa kanya. "May pasok ka ngayon sa school?"

"Mamayang alas-diyes. May aikido class ako." Humagod ang paningin niya sa suot nitong manipis na tank top at cotton shorts. She's stunning. Kahapon hindi niya ito gaanong napapansin.

"Anong course mo?" Binuksan nito ang carton ng gatas.

"BS Criminology. Regular second year." Kinompleto niya na para wala na itong kailangang itanong pa.

Kumalat sa buong kusina ang malamyos nitong tawa. "How did you know I was going to ask you that?"

"Hunch?" Ngumisi siya. Inabot niya ang piniritong dilis na may suka at maraming kamates at sibuyas. Kumuha siya ng ilang piraso at itinuloy sa bibig.

"You're around twenty, right?" Sumimsim ito ng gatas. "Tatlong taon pala ang tanda ko sa iyo."

"Dapat siguro tawagin kitang ate niyan." Biro niya.

Kunyari sumimangot ito. "Kaate-ate ba itong mukha ko?" Umirap ito at itinapon papunta sa likod ang takas na buhok. "May girlfriend ka?"

"Wala, pero may anak ako."

"Seryoso, Zek. Hindi ako nagbibiro." Ngayon ay totohanan nang humaba ang nguso nitong kumikinang sa pink lipstick.

Napapangiting umiling lamang siya. Buti na lang pumasok ng kusina sina Lala at Tarra kaya natigil ang kakulitan ni Dimples sa kanya. Binati niya ng tango ang dalawang babae na kapwa ngumiti.

"Dimples, gisingin mo na si ma'am. Late na para sa agahan," utos ng doktora habang nagsasalin ng tubig sa malinis na baso.

"Sige po," tumalilis palabas ng kusina si Dimples matapos ibalik sa loob ng fridge ang gatas.

Si Tarra ay nagtungo sa refrigerator at may tinitingnan.

Hindi basta alalay lang itong mga taong isinama ni Virgou rito. They are in fact a team of multi-discipline. Dr. Lalaine Go is a certified OB. Si Tarra ay isang nutritionist. While Dimples is a registered nurse. Si Jeren ay TLE teacher habang sina Lilit at Mikoy ay mga pasadong police. May hahabol pa raw bukas. Isang fashion designer na namamahala sa mga isusuot ni Virgou.

"Sinilip ko po siya kanina, doc. Pero tulog pa." Nagsalita si Tarra.

Napasulyap siya sa gawi ng silid ni Virgou. Malamang napuyat iyon kagabi. Kahit siya puyat din dahil sa kababantay. Matagal kasi natulog at nakababad sa macbook hanggang madaling araw.

"I understand that she has to settle some damages from her modeling contract but the first trimester of her pregnancy is delicate. Kailangan niyang magpahinga muna," angal ng doktora.

Tahimik lamang siyang nakikinig sa usapan habang ipinagpatuloy ang pagkain. Ang alam niya may mga pending endorsements ang dalaga dahil sa biglaan nitong pagbubuntis.

Her latest shoot was in the Ford Magazine after she passed down the crown for this year's Ms. International winner. Noong nakaraang taon nasungkit nito ang korona sa pamusong kompetisyon na iyon na ginanap sa London.

Hindi madalas ang pananatili ng dalaga rito sa bansa dahil karamihan sa mga responsibilidad nito sa pagmomodelo at pagiging crowned beauty queen ay naka-base sa ibang bansa. Nakauuwi lamang ito tuwing may malalaking okasyon sa pamilya nito at sa mga negosyo kungsaan kailangan ang presensya nito.

Naghugas siya ng pinagkainan at nagligpit ng mga kunting kalat sa kusina pagkatapos niyang kumain. Habang si Tarra ay naghahanda ng lulutuin para sa meryinda.

Bumalik siya sa kanyang kwarto at nagbihis. May text message sa cellphone niya galing sa coach nila. Pinaalala ang practice game nila pagkatapos ng klase. Potek. Muntik niyang makalimutan.

He took his duffel bag. Nilagay doon ang kanyang jersey, nagsaksak ng iba pang bihisan at maraming face towel. He checked his wallet and secured it inside the back pocket of his pants. Malamang hapon na siya makauuwi mamaya. Dinampot niya ang headphones na nasa kama at binitbit ang bag.

Natutukso siyang muling dumaan sa silid ni Virgou pero naalala niyang may basura pa siyang kailangang itapon. Sa kusina na siya dumaan palabas ng bahay bitbit ang dalawang malalaking garbage bag na puno ng basura. Natanaw niya sa kubo sina Mikoy at Lilit na nag-uusap. Ibinaba niya ang dala at nilapitan muna ang mga ito.

"May klase ako, sakali kailangan ninyo ng mga gamit, naroon lahat sa bodega. Nasa likod," abiso niya sa mga ito.

"Salamat, Zek." Tinapik ni Mikoy ang kanyang balikat.

"Maglalakad ka lang ba? Malayo iyong eskwelahan. Pwede kitang ihatid kung gusto mo." Alok ni Lilit.

"Hindi na, salamat. Sanay na akong naglalakad. Exercise din ito." Nagpaalam siya sa dalawa at binalikan ang mga basurang iniwan.

-----

Muling inamoy ni Virgou ang bitbit na pulang rosas matapos humigop ng gatas mula sa baso. Namasyal ang paningin niya sa buong sala at humantong sa gawi ng kwarto ni Zek.

"Kanina pa po siya nakaalis, ma'am. May klase raw siya ng alas-diyes." Nagsalita si Lilit na nakaantabay sa kanya at naghihintay na may iuutos siya.

"Sino?" Maang-maangan niya.

"Si Zek po. Kanina pa naglilikot iyang mga mata mo. Naisip kong baka hinahanap mo siya."

Binato niya ng masamang tingin ang bodyguard. "Ang tsismosa mo, Lilit. Bakit ko naman hahanapin ang sira-ulong iyon?" Sikmat niya rito. Inubos niya ang gatas na laman ng baso at tumayo.

Pero ang malaman na wala rito ang lalaking iyon ay nakagagaan sa pakiramdam. Tuwing malapit sa kanya si Zek, ang hirap huminga ng maayos. That guy is too forward that she always gets the tendency to lose her breath. Mistula siyang bombang hindi pwedeng masagi kasi sumasabog.

"Sinong nag-iwan nitong rose sa kama ko?" tanong niya sa kay Lilit na nakabuntot sa kanya palabas ng bahay.

"Si Zek po yata."

"What? Paano siya nakapasok sa kwarto ko?"

"Di po ba may mga susi siya sa lahat ng silid nitong bahay?"

"Ang mayabang na iyon! Kunin mo sa kanya lahat ng susi mamaya." Bilin niya kay Lilit at banas na naglakad patungo sa kubo.

Umaliwalas ang kanyang pakiramdam nang matanaw na naroon si Dimples. Ngiting-ngiti ito habang buhos ang atensiyon sa hawak na cellphone.

"Is that your boyfriend?" pukaw niya rito.

Umiling ito at ipinakita sa kanya ang tinitingnan na mga litrato sa cellphone. It was Zerriko's photos holding a garden hose, watering the plants.

"Kinuha ko po ito kanina habang nagdidilig siya ng mga halaman. Nakakatuwa siya. Ang pogi-pogi." Kinikilig nitong pahayag.

"Parang ngayon ka lang nakakita ng pogi. Lahat naman ng manliligaw mo may hitsura." Ikinubli niya sa simpleng ngiti ang biglang pagbigat ng dibdib.

"Ayaw ko po sa mga lalaking may malalambot na mga kamay. Gusto ko ng mga kagaya ni Zek. Masipag. Brusko at may pagkabastos." Humagikgik ito. Halatang tuwang-tuwa sa lalaking iyon. "Ang aga niyang gumising kanina. Four o'clock, tapos nag-jogging siya. Pagbalik niya rito ay naglinis ng bakuran. Marunong pa magluto."

"Isang araw pa lang tayo rito, naging stalker ka na ni Zek?" kastigo ni Lilit sa pinsan. "Ibang level na talaga iyang kalandian mo."

"Anong masama roon? Iniisip ko lang ang future ko." Umirap ito at muling binalingan ang mga litrato sa cellphone. "I love his eyes. Kapag tumingin siya sa iyo para bang laging may binabalak na nakakikilig."

"Hindi papatol sa iyo si Zek. Mas matanda ka roon," kantiyaw ni Lilit. "Isa pa, may girlfriend na iyon. Si Arielle Quisumbing."

"Paano mo nalaman?" Tumikwas ang kilay ni Dimples. Ayaw maniwala.

Kahit siya ay biglang naintriga. May girlfriend si Zek? Arielle Quisumbing. Sino iyon at anong klaseng babae?

"I investigated him. Zerriko Alfonzo Gray. His father is a half- Colombian. Bunsong kapatid ni Nana Matilda ang kanyang ina na namatay noong sampung taong gulang siya. Nag-asawa ulit ang kanyang ama ng taga-Colombia at doon na nanirahan." Pagmamalaki ni Lilit sa mga nakuhang impormasyon. "Ano pa ang gusto mong malaman? Edad niya? Twenty. Height, six-three. Blood type, AB positive. Timbang, 87 kg. Kulay ng mga mata, greenish brown. Heto ang interesting, ultimate crush niya si Themum."

Sumimangot si Dimples at tumingin sa kanya. "Si Ma'am Themum na naman? Lahat na lang." Angal nito.

"Ano ka ba? Binibiro ka lang ni Lilit." Natatawang inalo niya ang nurse at sinamaan ng tingin si Lilit.

"Ah, basta. I'll try my best on him." Ngumiti ito makaraan ang ilang saglit.

Rumolyo ang mga mata ni Lilit habang siya ay dinidma na lamang ang lambong sa kanyang puso. Kahit tumutol pa siya at maghimagsik wala naman siyang mapapala. Dimples is a good girl. Ayaw niyang sirain ang dalisay nitong tiwala sa kanya dahil lang sa maling paghanga. Kontento na siyang nasa tabi niya ito bilang kaibigan.

Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong pagdadamot ng kapalaran bago pa niya nahasa ang sarili sa kanyang mga kakulangan. In her life, happiness is not a priority. It is sacrifice and denial in order for that glass queen inside her to survive without breaking.

Related chapters

  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 4 - Unang Yugto

    Ibinaba ni Virgou ang salamin ng bintana ng sasakyan. Lilit is gesturing her that Nana Matilda wasn't home. Halata namang walang tao ang bahay dahil kung mayroon tiyak kanina pa sila sinalubong ng matanda. Baka may pinuntahan lamang ito. Nainip siya roon sa malaking bahay kaya naisip niyang pumasyal rito. Lumabas siya ng sasakyan at gumala ang paningin sa paligid.Katamtaman lamang ang laki ng bahay ni Nana Matilda. May dalawang palapag at ang disenyo ay katulad ng isang modernong townhouse. Malawak ang bakuran at agad natuon ang pansin niya sa mga pulang rosas na nakahilera sa labas ng balkonahe. Naalala niya ang bulaklak kanina na iniwan ni Zek sa kama niya. Malamang dito galing iyon.

    Last Updated : 2020-07-28
  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 5 - Unang Yugto

    Lintek! Nagmura ng mahina si Zek. Pasado alas-nueve na ng umaga. Late na naman siya sa unang subject niya. Sinubukan niyang bumangon pero lalo lang umikot ang paligid at tila babaliktad na naman ang kanyang sikmura. Apat na beses na siyang gumapang patungo sa loob ng banyo para lang sumuka. Ang hapdi na ng lalamunan niya.Ano bang nangyayari? Mas masahol pa siya sa lasinggong tumira ng sampung kahon ng Red Horse sa umaga. Masakit ang kanyang ulo at tinakasan siya ng ganang kumain. Tatlong araw na siyang ganito. "Zek, kumusta na ang pakiramdam mo?" It's Dr. Lala.Umungol siya. Inalis ang unan na nakatakip sa ulo at tumihaya. Minasahe niya ang sentido."I'm fucked.""Pasensya ka na kung pumasok na ako. Nag-alala kami sa iyo. Hindi ka naghapunan kagabi, ngayon naman ay hindi ka kumain ng almusal." "Wala po akong gana." Binuksan niya ang paningin. Buwesit! Pati ki

    Last Updated : 2020-07-28
  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   IKALAWANG YUGTO

    Everything holds its own perfect time. Its own valid reason why. A statement that is often a consolation and taken for granted precisely when situations desperately go out of control. To make it worse, blaming those who can't say a word to defend. Like the course of nature.Death. Pain. Suffering. The unknowns. Who could have stopped them? Who can? Or can a piece of them be stopped? Minute by minute, these nightmares keep on banging every single ghost alive and struggling to live.Including him."Sir Gray, someone is waiting for you at the lounge." Binasag ng malakas na boses ang katahimikan sa loob ng opisina niya.He moved the swivel chair backward and went up, living behind tons of cases report piling high on his desk. Dumaan muna

    Last Updated : 2020-07-28
  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 1 - Ikalawang Yugto

    Sinisinghot ni Virgou ang sarili at umasim ang mukha. Tapos na siyang maligo at nakapagbihis na rin pero pakiramdam niya ay nangangamoy pa rin siya. She looked around hopelessly unable to do anything.Kahit naglilinis sila isang beses sa isang linggo, balot pa rin ng alikabok ang selda. Idagdag pa ang halo-halong pawis nila ng mga kasama niyang priso roon dahil sa sobrang init. Mabuti na lang at nakakapag-adjust na siya. Noong una siyang dumating dito ay halos mabalot ng pantal at allergies ang buong katawan niya."Virgou Ayala, pinatatawag ka ng warden." Binuksan ni Jail Officer Marie Estores ang pintuan ng selda na lumikha ng ingay na hanggang ngayon ay masakit pa rin sa tainga.Naalarma ang mga prisong kasama niya at nag-aalalang tumingin sa kanya. May tatlo siyang kakusa roon. Si C

    Last Updated : 2020-07-28
  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 2 - Ikalawang Yugto

    Nilakasan ni Zek ang aircon ng sasakyan habang tumatawa at pinakikinggan ang kulitan ng mag-iina sa backseat. Hindi na nila nagawang magtagal pa roon sa fine dining kungsaan niya dinala ang mga ito para sa tanghalian. Masyado na kasing excited ang apat na makarating sa pupuntahan nila.They're bound for the north where he rented out an entire beach resort in San Remegio for five days. Nauna na roon si Nana Matilda para maihanda ang buong lugar. Ang mga yaya ng triplets ay kasama nila at nasa hiwalay na sasakyan sa unahan."Look, Mama, teacher gave me five stars!" masiglang pagbibida ni Zed at ipinakita ang mga bituing nakatatak sa likod ng palad."Wow!" bulalas ni Virgou. "Let me see! Let me see!""Me too, Mama! Look, look!" nakipag-agawan si Zak."I have stars too, Mama!" makulit na sumingit si Zen."Ang gagaling ng mga superheroes namin. Ang daming stars!" pumalakpak ang dalaga. "You've got fifteen stars all in all!"Hindi humupa an

    Last Updated : 2020-07-29
  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 3 - Ikalawang Yugto

    Saglit na iniwan ni Virgou sa mga yaya ang triplets na nalilibang sa paggawa ng kastilyong buhangin sa bahagi ng dalampasigan na hindi naaabot ng hampas ng mga alon.Nagtungo siya sa beach house para hanapin si Zek. Kanina pa niya hinihintay na sumunod sa kanila ang lalaki. Magbibihis na rin siya ng tamang panligo. Papalubog na ang araw, masarap magbabad sa dagat kapag hapon.Natagpuan niya si Zek sa makipot na lanai sa likod ng cottage. May kausap ito sa cellphone. Halatang babae ang nasa kabilang linya base sa tono ng boses ng binata. Matiyaga siyang naghintay na matapos ito sa pakikipag-usap.Inirapan niya ito nang tumingin sa kanya habang may ipinaliliwanag sa kausap. He said goodbye to that someone from the other end and slipped his phone inside the pocket of his white shorts. But

    Last Updated : 2020-07-29
  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 4 - Ikalawang Yugto

    Mula sa mga labi ni Virgou ay lumandas ang mga halik ni Zek pababa sa leeg ng dalaga at nagtagal doon. Gumagawa ng maliliit na mga kagat na nag-iiwan ng mga marka.Kung pwede lang hindi na niya ito bibitawan. Kapag kasama niya ito lumilipad ang oras. Ang limang araw kung gumulong ay daig pa ang batas na tumutugis ng kriminal."Tama na, baka kung saan na naman tayo makarating niyan." Marahan siyang itinulak ng kasintahan."Ilalabas kita bago ang katapusan ng buwan at sa pagkakataong iyon ay hindi ka na babalik pa sa seldang iyon," pangako niya rito.Tumango ito at ngumiti. "Salamat, Zek. Mag-iingat ka lagi. Huwag padalos-dalos sa mga operasyon ninyo. Isipin mo ang mga bata," paalala nito habang hinahaplos ang kanyang panga."Of course." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinagkan. "I love you.""I love you."Bumaba sila ng sasakyan at hinatid niya ito hanggang

    Last Updated : 2020-07-30
  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 5 - Ikalawang Yugto

    Panay ang silip ni Virgou sa pintuan. It's past seven o'clock in the evening. Maaga pa naman kung tutuusin pero kanina pa niya hindi mapigil ang kaba habang hinihintay si Zek. Madalas ganito siya kabalisa roon sa kulungan kapag alam niyang nasa mapanganib na mga operasyon ang lalaki. It was more like a trauma from what happened long ago.Pinukol niya ng tingin ang mga anak na bumalik na ulit sa paglalaro kasama sina Mikoy at Lilit. Tapos na niyang pakainin ang mga ito kasabay ng mga bisita. Nang hindi na makatiis ay hiniram niya ang cellphone ni Dimples. Tinawagan niya ang binata. Nakatatlong subok muna siya bago nito sinagot ang tawag."Zek here," dinig mula sa background ang maingay na pag-uusap ng mga kalalakihan at ang malamyos na tawa ng isang babae.Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. He is safe at least. "Ako ito, Zek. Where are you?" tanong niya sa lalaki."Love

    Last Updated : 2020-07-30

Latest chapter

  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   DENOUEMENT

    Nilamon ng mga halinghing ni Virgou ang tunog ng mga alon sa labas na tumatagos sa bintanang nakabukas ng malaki. Malamig ang hangin na pumapasok doon sa kwarto mula sa pusod ng dagat ngunit hindi sapat para matuyo ang pawis sa kanya.Muling umarko ang kanyang katawan at marahas na ibinagsak ang ulo sa unan. Kumapit siya sa bed sheet habang umaangat ang kanyang pang-upo dahil sa ginagawa ni Zek. Malikot na ginagalugad ng dila nito ang sentro ng kanyang pagkababae."Zerriko," ungol niya kasabay ng buntong-hininga. She needed to scream or else her sanity will abandon her.Mistula siyang nasa gitna ng isang siga at mga boltahe ng kuryenteng sumasabog kung saan-saan. Hanggang sa nailabas niya ang unang katas na halos magpadilim ng kanyang paningin. Kumurap-kurap siya. She is seeing butterf

  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 10 (2) - Huling Yugto

    He knew she's there. The woman followed him soon as he got out of the NBI Headquarters. He didn't increase the pace of his steps rather he slowed down a bit and waited for her to catch up. Kinapa ni Zek ang baril sa ilalim ng jacket niya. Anong kailangan ni Amalia Sanchez sa kanya? Makipag-areglo? Kanina lang ay ni-report sa kanya ng taga-immigration na tinangka ng babaeng lumipad patungong ibang bansa buti na lang at naikasa agad ang hold departure order para rito. Now she's nowhere to go. Nowhere but behind stinky, rusty bars in jail."Director Zerriko Gray?" nagsalita ito pagkaagapay sa kanya.He looked at her. "Amalia Sanchez." He is diminishing her with penetrating dominance, establishing his authority. Ramdam niya ang takot nito at kaba."Ako nga. Pwede ba tayong mag-usap?" Balot

  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 10 (1) - Huling Yugto

    Nadama ni Virgou ang marahang haplos ni Palmolive sa likod niya. Ini- unat niya ang mga braso. Humikab at sinulyapan ang step-mother. Nginitian niya ito ng matamis."Nagtimpla ako ng gatas." Ibinaba nito sa desk ang bitbit na basong may mainit na gatas. "Pagkatapos mong inumin iyan magpahinga ka na," sabi nitong ngumiti rin."Pero hindi ko pa natatapos ito," ipinakita niya ang ginawang organizational structure na dalawang araw na niyang tinatrabaho. Akala niya madali lang. Ang hirap pala. Masyadong komplikado ang pagpili ng mga taong ilalagay niya sa bawat mahalagang posisyon ng kompanya. Hindi lamang kailangang qualified, ang kakayahan mismo at dedikasyon ang dapat na mas matimbang. Ngunit hindi niya kabisado ang iilan sa mga taong ito. Paano niya malalaman na may malasakit ang mga ito sa kompanya kung ang pagbabasehan lamang ay creden

  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 9 - Huling Yugto

    Masakit ang bawat pintig ng puso niya at hirap siyang hugutin ang hininga habang pinagmamasdan ang anak. Balot ng benda ang ulo nito at kaliwang pisngi. Nakapikit at mababaw ang paghinga na rumehistro sa makinang nasa malapit kungsaan nakakabit ang iilang tubo.Kanina pa siya nakatayo roon. Hindi alam ang unang gagawin. Hindi makalapit pagkat hindi niya maihakbang ang mga paang 'sing-bigat ng bakal. This little boy protected his two brothers and drew out the danger to himself. That's what everyone is telling outside. They're proud and amazed. But they didn't know, Zak's sacrifice and courage mean he's failing as a father.Nadudurog ang puso niya ng pinong-pino sa katotohanang siya na mas malakas ay narito, nakatayo at maayos. Habang ang maliit na paslit, limang taong gulang ay nakahiga sa kama. Sugatan. Nakikipag-agawan sa buhay. Dahil

  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 8 - Huling Yugto

    Bilang ama naiintindihan ni Zek ang galit ni Benjamen Alvarro, kaya hindi niya tinangkang lumaban matapos siya nitong suntukin. Kahit ano pa ang mga pagkakamaling nagawa ni Melfina, wala pa ring hihigit sa pagmamahal nito sa anak at hindi nito gugustuhing makitang nasasaktan ang dalaga."Ang sabi ko sa iyo ikaw na ang bahala sa kanya. Hindi ko sinabing payagan mo ang kahit na sino na saktan ang anak ko kahit asawa mo pa iyon!" marahas na angil ng matanda at dinampot siya sa kwelyo."Alam ko po, sir. Kaya po ako nandito para humingi sa inyo ng kapatawaran. Kasalanan ko kaya nagawa iyon ng asawa ko," mapagpakumbaba niyang tugon."Daddy? Daddy, what are you doing?" Si Melfina na pumasok sa loob ng kwarto ay tumakbo patungo sa kanya. "Hindi si Zek ang dapat na sinaktan niyo, dad! Hindi siy

  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 7 - Huling Yugto

    Umiiyak si Virgou habang ikinukwento ni Zek sa kanya ang buong detalye ng pangyayari kanina. Wala man lang siyang ideya na nakikipaghabulan na pala kay kamatayan ang asawa niya tapos nakikipagtawanan pa siya kina Palmolive at sa ibang mga kaibigan habang naghahanda sila ng hapunan. Tuwing dumadaan ang paningin niya sa sugat na nasa braso ni Zek pinipilipit ang puso niya. Ayaw niyang ipakita sa asawa na mahina siya pero ang mga luha niya ay kusang gumagawa ng landas pababa sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang itago ang pangamba at takot. Siguradong hindi rito nagtatapos ang pagtugis ng mga kaaway sa kanila. Kumuha siya ng tissue mula sa carton at nagpunas."Pasensya ka na kung masyado akong emosyonal. Dala siguro ito ng pagbubuntis ko." Sisinghot-singhot niyang sabi at ngumiti ng mapakla.Tumayo si Zek at nilapitan siyang nakasalampak

  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 6 - Huling Yugto

    Tumagilid ang sasakyan ni Zek matapos sumabit sa lidless gutter ang gulong habang iniiwasan niya ang panibagong buhos ng mga bala mula sa mga armadong kapalitan niya ng putukan. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang baril at tinadyakan ang pinto. Gumulong siya palabas habang inaasinta ang dalawang pinakamalapit sa kanyang kinaroroonan.Another charging pair drop-dead gaining shots on their head and chest. Bumuga siya ng hangin at napaungol sa pagsigid ng kirot mula sa kanyang sugat. He can't feel his arm anymore. Nagliliyab na sakit ang tanging nararamdaman niya.His jacket is soaked with blood and the wound is digging deeper. His right arm is trembling but he can't let go the gun. Not just yet. Nagkubli siya sa likod ng nakatagilid niyang sasakyan habang pinakikinggan ang atungal ng motorsiklong natitira. Saan na napunta iyong itim na

  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 5 - Huling Yugto

    Sumigaw ng buong bangis si Marco at hinambalos ang can ng beer, sinipa ang gulong ng sasakyan. Parang sasabog ang ulo niya sa sobrang galit. Tanggap niya kung binugbog na lang siya ni Zerriko pero ang ibugaw siya sa ex-girlfriend niyang si Melfina Alvarro? Dinurog ng lalaking iyon ang bayag niya."Marco, itigil mo na iyan." Narinig niya ang boses ni Javier sa earpiece na kanyang suot. Nahinto ito sa katatawa matapos matantong hindi na biro ang galit niya."You are telling me that right now, Sepulbidda? That's bullshit! Ano bang mayroon sa lalaking iyon?" Gigil niyang angil."He has everything to put you down and you obviously are not prepared to go against him, Marco. For now, at least. Bitawan mo na iyang libog mo para sa asawa ni Rico."

  • THE GLASS QUEEN (TAGALOG)   Chapter 4 - Huling Yugto

    Natatawang hinahabol ni Virgou ang mga anak na tumuloy patungo sa naka-ornang imahe ni Sr. Sto. Niño, sa may lobby ng Rockwell. It's Friday and part of the routine they're having is to offer some flowers to this miraculous protector of the province. Nilingon niya si Zek na nakabuntot sa kanila habang abala pa rin sa cellphone nito. She's still can't grasp the whole thing with his disturbing idea about Marco Sandejas following her. Pero pagbibigyan niya ang gusto ng asawa. She will stay at home for the time being until the issue died down."Zek," tinawag niya na ito.Binilisan ng lalaki ang hakbang at itinago ang cellphone sa bulsa ng jacket. "Sorry," agad siya nitong hinapit at lumapit sila sa orna. Nakatingala na roon ang mga bata. Anyong nagdadasal.

DMCA.com Protection Status