Nilakasan ni Zek ang aircon ng sasakyan habang tumatawa at pinakikinggan ang kulitan ng mag-iina sa backseat. Hindi na nila nagawang magtagal pa roon sa fine dining kungsaan niya dinala ang mga ito para sa tanghalian. Masyado na kasing excited ang apat na makarating sa pupuntahan nila.
They're bound for the north where he rented out an entire beach resort in San Remegio for five days. Nauna na roon si Nana Matilda para maihanda ang buong lugar. Ang mga yaya ng triplets ay kasama nila at nasa hiwalay na sasakyan sa unahan.
"Look, Mama, teacher gave me five stars!" masiglang pagbibida ni Zed at ipinakita ang mga bituing nakatatak sa likod ng palad.
"Wow!" bulalas ni Virgou. "Let me see! Let me see!"
"Me too, Mama! Look, look!" nakipag-agawan si Zak.
"I have stars too, Mama!" makulit na sumingit si Zen.
"Ang gagaling ng mga superheroes namin. Ang daming stars!" pumalakpak ang dalaga. "You've got fifteen stars all in all!"
Hindi humupa ang tawanan at kasiyahan. Mahigit sampung beses na yatang pinagyayabang ng triplets ang mga bituin. Mula pa kanina sa school nang sunduin nila hanggang sa restaurant habang nagtatanghalian.
Kung hindi ang mga bituin at mga drawings ay tungkol naman sa mga laruang miniature nina superman, batman at spiderman ang kinukwento ng mga ito sa ina nang walang kapaguran. Sa sobrang ingay ay parang may pista sa loob ng sasakyan.
"Papa, did you get stars too?" tanong ni Zak na nagtangkang tumalon patungo sa front seat para isali siya sa kulitan.
"Of course, I got mine too." Pagmamalaki niya. Nakangising sumulyap sa rear view mirror. Nagtama roon ang mga mata nila ni Virgou. "A very beautiful shooting star." Kinindatan niya ang dalaga.
Ngumiti ito.
"Where is it?"
"Where?"
"I wanna see!"
Maingay na apura ng tatlong nagtutulakan na sa gawing likuran niya.
"Hey, careful!" awat ni Virgou sa mga ito.
"She's beside you, boys. Your Mama is my shooting star."
Natahimik ang mga bata. He's not quite sure why. Pero saglit na nawalan ng kibo ang mga ito habang nagtitinginan.
"Stop it," natatawang saway ni Virgou sa kanya. "Ayan, nalilito na ang mga anak mo."
Humalakhak lamang siya. Hindi naman siya umaasang maiintindihan ng mga bata ang ibig niyang sabihin. Kung tutuusin hindi ang mga ito kundi si Virgou ang nais niyang makaunawa kung anong kahulugan nito sa kanyang buhay.
Marahil, para sa iba ay naglaho na ang liwanag ng dalaga ngunit para sa kanya, higit itong tumitingkad at gumaganda nang piliin nitong maging ina ng kanyang mga anak kahit kapalit niyon ay pagkawala ng kalayaan nito, ng pagiging reyna at ng kasikatan na handog ng mundo.
She is a shooting star who became his guiding light. Setting a clear future and a bigger purpose for him. She stunningly shattered defenses and walked straight through hell with her might in order to bring forth these three wonderful new lives.
"I want Mama to be my star." Pagkuwa'y mahinang sambit ni Zen.
"But Mama is Papa's star!" kontra ni Zed.
Si Zak ay nanatiling tahimik. Tipong nakikiramdam muna kung kanino papanig.
"Mama, who is your star?" biglang tanong nito sa ina.
"My star?" tumingin sa kanya si Virgou mula sa salamin. "Of course, the three of you. Zen, Zed, and you, Zak. You're my stars."
"And Papa too?" sabat ni Zed.
"Right, Papa too." Tango ng dalaga na natatawa. "The four of you, I mean."
Tumango si Zak. "You and Papa are going to be my stars from now on." Nakangiting sabi nito.
"Thank you so much, babies..." Virgou's voice is breaking.
While he can't say a word anymore behind the steering wheel. Nadudurog ang puso niya sa magkahalong ligaya at sakit. Balang araw malalaman ng mga anak niya lahat ng pinagdaanan ni Virgou. Isang malaking karangalan para sa kanya ang mabigyan ng karapatang ikwento kung paano ipinaglaban ng dalaga ang mga bata habang nasa sinapupunan pa ang mga ito.
He was half-unconscious. Awaken by the excruciating pain beyond words. He tried to move but his brain burns. His right eye was slightly open and all he can see was blood. Mahapdi iyon dahil sa dugong pumasok doon. Sinubukan niyang idilat ang kaliwa. May nakikita siya pero malabo. Nag-uulap ang paligid at hindi niya matukoy kung nasaan siya.
Kumikirot ang buong mukha niya. Kalahati ng kanyang katawan ay manhid at hindi niya maramdaman lalo na ang kaliwa niyang braso at hita. Masakit huminga. Tila may mabigat na batong nakadagan sa kanya. Tuwing tinatangka niyang gumalaw ay sumisigid ang nakabibinging sakit na hindi niya malaman kung saan nagmumula at kung paano pawiin. Gusto na lamang niyang huminto sa paghinga upang matigil na ang paghihirap na iyon.
However, Virgou's face rushed through his deteriorating constitution. He refused to die just yet. May anak sila ng dalaga. Tiyak kakailanganin siya nito ng buhay.
Nasaan sina Lilit at Mikoy? Saan ba siya naroon? Ang naalala lang niya ay may humarang sa sasakyan nila at pinaulanan sila ng bala. Tinamaan siya sa gilid at balikat. Hindi na niya alam kung anong sunod na nangyari pagkatapos bumulusok patungo sa hilera ng mga puno sa tabi ng daan ang sasakyan.
"Choose, Virgou! That baby inside you or the head of this boy!"
Virgou? Si Virgou? Nandito ang dalaga?
Kumurap-kurap siya. Pilit ini-angat ang paningin at tiniis ang tadyak ng sakit na umalog sa kanyang ulo. Unti-unting lumilinaw ang paligid. Bagamat isang mata lamang niya ang nakakakita. Nakagapos siya sa isang upuan. Malapit sa kanya ay nakatayo ang lalaking may hawak na baril at nakatutok sa ulo niya.
Jerom Sanchez. Few steps away from him is Virgou. Holding and pointing another gun to the guy. Her expression is unreadable as usual. Hindi niya ito makitaan ng anumang emosyon. Nagmistulang manika na nilagyan lamang ng buhay.
"Ano, Virgou? Pumili ka, ilalaglag mo iyang bata o pasasabugin ko ang ulo nitong boyfriend mo?" malupit na singhal ni Jerom. "There's pill at the table beside you. Just take one and everything will be over."
Sinulyapan ni Virgou ang gamot na sinabi sa table na nasa malapit.
Nagkuyom siya ng mga kamao at pilit hinahatak ang mga iyon mula sa mahigpit na mga gapos. Pinapipili ba ng lalaking ito si Virgou kung sino sa kanila ng anak niya ang bubuhayin? Tangena! How can he allow this to happen? Kailangan niyang makawala. Pero ayaw makisama ng kanyang katawan. Hindi niya mahagilap ang lakas na kailangan para isalba ang sarili at ang kanyang mag-ina.
"Virgou," hirap niyang ungol. "Don't listen to him."
Tinadyakan siya ni Jerom para patahimikin. Ngunit kasabay ng pagtimbuwang ng silyang inuupuan niya ay ang sunod-sunod na putok ng baril. Kasunod niyang bumagsak sa sahig si Jerom Sanchez. Dilat ang mga mata dahil sa tama ng bala sa noo at bumubula ang dugo sa bibig.
Virgou killed the guy.
"Hindi mo ba sila sasamahan doon sa dagat?" hinatak siya pabalik ni Nana Matilda sa kasalukuyan.
Ikinatang niya ang mga kamay sa pasamano ng balkonahe ng beach house. Pagkatapos ng miryenda kanina ay dumeretso na sa dagat ang mag-iina. While he went up to check the bedrooms first. Hinatid siya ng mga paa niya roon kungsaan tanaw niya ang mga ito na masayang nagtatampisaw sa tubig. Hindi alintana ang matapang na init ng araw kahit pababa na iyon sa kanluran.
"Napakasaya ng mga bata. Sana magkaroon na ng magandang resulta ang petisyon na hinain mo sa mataas na hukuman." Hinagod ng matanda ang kanyang likod.
"Soon," tumango siya. "Mauubusan din sila ng rason para tanggihan ako." Dagdag niyang nakatiim ang mga bagang at pinukol ang tingin sa malayong bahagi ng dagat.
Dama ni Zek ang malambot na palad na humahaplos sa kanyang mukha. Hindi pa rin niya maidilat ang kanang mata. Pero ang kaliwa, maayos nang nasasagap ang liwanag mula sa ilaw na nasa kisame. Kumurap siya para masanay at tiniis ang hapdi.
"Zek?" boses ng isang babae at pamilyar sa kanya ang malambing na tono. "Salamat at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito.
Hinanap niya ang pinagmulan ng tinig ngunit hirap siyang igalaw ang ulo at leeg. Saka lamang niya nalaman na si Arielle nga iyon gaya ng kanyang hinala nang matapat ang dalaga sa gawing kaliwa niya.
Marahan niyang kinapa ang kanang mata. Kaya pala hindi niya maidilat dahil may benda. Mukhang pati ang ulo niya ay balot din ng benda, maging ang kanyang leeg.
May brace ang kanyang balikat pababa sa kaliwa niyang braso. Habang naka-hang naman ang kaliwa niyang binti na pulos benda rin paakyat sa kanyang hita.
Ang kulay ng dingding, mga berdeng kurtina at mga tubo na nakakabit sa kanya mula sa mga makina na nasa malapit ay nagsasabing nasa isang intensive care unit siya ng isang hospital.
"Si Virgou?" hindi niya halos mailabas ang boses dahil sa panunuyo ng lalamunan.
Hindi sumagot si Arielle. Nakatitig lamang sa kanya na tila walang naririnig.
"Arielle, kumusta si Virgou?" magaspang niyang tanong sa dalaga na biglang dumilim ang mukha.
"Nakakulong siya, Zek. Pinatay niya si Atty. Sanchez."
Nakakulong? Hindi pwede. Hindi pwedeng makulong si Virgou. Buntis ito. Paano ang magiging anak nila?
"Kailangan ko siyang puntahan." Nagpupumilit siyang bumangon.
"Nasisiraan ka na ba? Tingnan mo nga iyang sarili mo? Halos balutin ka na ng benda ng mga doctor dahil sa dami ng sugat mo. Iyang kanang mata mo, kung hindi naagapan baka bulag ka na ngayon. Dahil sa babaeng iyon. Dahil sa kanya muntik ka ng mamatay, Zek!" Galit na asik ni Arielle.
"Kailangan niya ako," anas niya.
"Bakit mo ba ipipilit iyan? Hindi kayo para sa isa't isa!" Arielle cried out of anger and disperation. "Ang layo mo kung tumingin, mayroon namang nagmamahal sa iyo na nasa tabi mo lang at kayang-kaya mong abutin."
"Damn," napamura siya nang sumigid ang kirot mula sa kanyang tagiliran. Nakisabay pa ang kanyang ulo.
The following day, Nana Matilda came with a handful of news just what he needs.
"Nakaligtas sina Lilit at Mikoy. Nandito rin sila sa hospital. Pero ikaw ang pinakamalubha sa inyong tatlo. Dalawang araw kang hawak ni Jerom kaya lumala ng ganyan ang mga sugat mo. Pati mga mata mo muntik nang masira dahil sa pagkakauntog mo nang mabunggo ang sasakyan ninyo sa puno." Kwento ng matandang babae sa pagitan ng mga luha. "Tinakot mo ako ng husto, anak. Akala ko mawawala ka na sa akin." Mahigpit nitong pinisil ang kanyang kamay.
"Si Virgou, tiyang? Ang anak namin?"
"Muntik nang makunan si Virgou. Mabuti na lang at matibay ang kapit ng mga bata sa kanyang sinapupunan."
"Mga bata?"
"Malamang kambal ang anak ninyo. Sabi ni Dr. Lala hindi raw nag-iisa."
"Kailangan kong makausap si Virgou, tiyang."
"Zek naman, hindi ka pa ba nadala sa nangyari? Tama na. Ngayong namatay si Jerom Sanchez siguradong hindi ka titigilan at patatahimikin ni Don Theo. Darating ang ama mo sa makalawa. Isasama ka niya papuntang Colombia pagkalabas mo ng hospital."
Umiling siya. "Hindi ninyo alam kung anong tunay na nangyari, tiyang. Virgou saved my life. Hindi ko po siya iiwan kahit ikamatay ko pa." Matatag niyang deklarasyon.
Tumakas siya ng hospital matapos makaipon ng sapat na lakas. Nagtungo siya sa Carcar City Jail kungsaan pansamantalang nakakulong si Virgou habang inaasikaso ang paglilitis. Kilala siya ng imbistigador doon kaya napagbigyan ang hiling niyang makausap ang dalaga.
Nag-iisa lang ito sa selda kaya hindi na ito pinalabas at siya na lamang ang pinapapasok sa loob. Wala sa sariling tumingin ito sa kanya at saglit na nanlaki ang mga mata. The stress and anxiety were visible in her eyes though she remained abnormally compose. Hapis ang magandang mukha nito, halatang kulang sa pahinga ng nagdaang mga araw.
"Virgou," inisang hakbang lamang niya ang paglapit dito at mahigpit itong niyakap.
"Anong ginagawa mo rito, Zek?" mahina nitong tanong.
"Bawiin mo ang statement. Sabihin mong ako ang pumatay kay Jerom. Hayaan mong ako ang makulong. Hindi ka pwede rito. Hindi ako papayag."
"I can't." Umiling ito. "Don't worry about me and the babies, we will be fine. Mag-iingat akong mabuti at aalagaan ko ang sarili ko."
"Virgou," bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinigil. "Please don't do this. It's not fucking fair. Sinabi mo ba sa kanila kung anong ginawa ng hayop na iyon?"
Kumalas ito sa kanya at hinaplos ang kanyang panga. "I went to him to bargain but he took advantage of me and wants you and our babies dead. That ate up the remaining ability I had to think rationally. Mas masahol pa sa kanya ang aking ama, Zek, kaya kailangan mong magpakatatag. Kapag naisilang ko na ang mga anak natin, ikaw ang mag-aalaga sa kanila."
"Mahal kita...mahal na mahal kita...Virgou!"
"Hindi mo ako maililigtas kung ang mayroon ka lang ay ang pagmamahal na iyan. This isn't a fairy tale. We're not talking about Sleeping Beauty and the prince's kiss. We're talking about reality, Zek, and reality sulks, you know that." Tinalikuran siya ng dalaga. Nagtungo ito sa kama at naupo roon. "The society thought they had the right to demand more from you. Wala tayong magawa kundi makisabay. Para sa mga anak natin, kailangan mong magkaroon ng kapangyarihan. Magtapos ka ng pag-aaral. Get the world to know you. Break your limits and then come back and save me. Maghihintay ako."
She is awfully stubborn that he had no choice but to go with the flow like what she wanted even if it's agonizing. Nagpalakas siya habang pinahihilom ang mga sugat. Dumating ang kanyang ama mula Colombia pero hindi siya sumama rito pabalik. Hindi na rin siya humingi ng anumang tulong dahil ayaw niyang madamay ito sa gulo at ang bagong pamilya nito.
Natapos ang paglilitis kay Virgou at nalipat sa correctional sa probinsya ang dalaga. Hindi niya ito nadadalaw pagkat ayaw nitong pumayag na may makakita sa kanya roon.
Hindi naging madali sa kanya ang pagbangon. He was blacklisted from all the colleges and universities in the province. His credentials are on hold. Bumalik siya sa umpisa at nagmistulang batang kasisilang pa lang. No support. No backing from anyone. With the province known to be the Ayala's arena, he didn't expect anything to work on his favor. Not until he met Xandr Larrazabal.
Then the table started turning again, now giving him another shot to prove what he is made of. Pumunta siya ng Manila at sa tulong ni Xandr ay nakapasok siya sa isang kilalang pamantasan doon. Habang nag-aaral ay nagtatrabaho siya bilang on-call bodyguard nito.
Kasabay ng kanyang pagbangon ang pagbagsak naman ni Virgou. Tiniis niya ang galit at sakit. Ang kawalan ng magawa para ipagtanggol ito habang nakikita at naririnig niya mula sa social media lahat ng paninira sa pagkatao ng dalaga. Her name and her face used to be an icon anywhere in magazines and big screens. Ngunit ang mukha at pangalang iyon na simbolo ng kagandahan ngayon ay minumura at kinasusuklaman. Kulang na lang ay ipagbawal na banggitin.
She became a hot condemning topic while her contribution to the society was put ten feet below the ground, that never deserved to be labeled even as a memory.
Saglit na iniwan ni Virgou sa mga yaya ang triplets na nalilibang sa paggawa ng kastilyong buhangin sa bahagi ng dalampasigan na hindi naaabot ng hampas ng mga alon.Nagtungo siya sa beach house para hanapin si Zek. Kanina pa niya hinihintay na sumunod sa kanila ang lalaki. Magbibihis na rin siya ng tamang panligo. Papalubog na ang araw, masarap magbabad sa dagat kapag hapon.Natagpuan niya si Zek sa makipot na lanai sa likod ng cottage. May kausap ito sa cellphone. Halatang babae ang nasa kabilang linya base sa tono ng boses ng binata. Matiyaga siyang naghintay na matapos ito sa pakikipag-usap.Inirapan niya ito nang tumingin sa kanya habang may ipinaliliwanag sa kausap. He said goodbye to that someone from the other end and slipped his phone inside the pocket of his white shorts. But
Mula sa mga labi ni Virgou ay lumandas ang mga halik ni Zek pababa sa leeg ng dalaga at nagtagal doon. Gumagawa ng maliliit na mga kagat na nag-iiwan ng mga marka.Kung pwede lang hindi na niya ito bibitawan. Kapag kasama niya ito lumilipad ang oras. Ang limang araw kung gumulong ay daig pa ang batas na tumutugis ng kriminal."Tama na, baka kung saan na naman tayo makarating niyan." Marahan siyang itinulak ng kasintahan."Ilalabas kita bago ang katapusan ng buwan at sa pagkakataong iyon ay hindi ka na babalik pa sa seldang iyon," pangako niya rito.Tumango ito at ngumiti. "Salamat, Zek. Mag-iingat ka lagi. Huwag padalos-dalos sa mga operasyon ninyo. Isipin mo ang mga bata," paalala nito habang hinahaplos ang kanyang panga."Of course." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinagkan. "I love you.""I love you."Bumaba sila ng sasakyan at hinatid niya ito hanggang
Panay ang silip ni Virgou sa pintuan. It's past seven o'clock in the evening. Maaga pa naman kung tutuusin pero kanina pa niya hindi mapigil ang kaba habang hinihintay si Zek. Madalas ganito siya kabalisa roon sa kulungan kapag alam niyang nasa mapanganib na mga operasyon ang lalaki. It was more like a trauma from what happened long ago.Pinukol niya ng tingin ang mga anak na bumalik na ulit sa paglalaro kasama sina Mikoy at Lilit. Tapos na niyang pakainin ang mga ito kasabay ng mga bisita. Nang hindi na makatiis ay hiniram niya ang cellphone ni Dimples. Tinawagan niya ang binata. Nakatatlong subok muna siya bago nito sinagot ang tawag."Zek here," dinig mula sa background ang maingay na pag-uusap ng mga kalalakihan at ang malamyos na tawa ng isang babae.Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. He is safe at least. "Ako ito, Zek. Where are you?" tanong niya sa lalaki."Love
"No, he's not." Pagkatapos ng huling sagot niya sa tanong ng interview ay nilingon ni Virgou si Zek na nakaantabay lamang sa isang sulok.Nagsusuntukan na ang mga kilay nito at sobrang dilim ng mukha. Banaag roon na hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi sa media. She was invited as a guest for a morning local tv show.Maingay sa social media ang balitang babalik siyang muli sa pagmomodelo, kasunod ng mga alok na natatanggap niya mula sa iilang malalaking kompanya ng bansa.Kahit papaano ay hindi pa rin pala kumukupas ang impluwensya niya sa mga karaniwang mamamayan.Napag-usapan na nila ni Zek ang tungkol rito at hindi naman tutol ang binata. Handa itong suportahan siya kung tatanggapin niya ang mga alok at sasabak muli sa pagmomod
Agad ibinaba ni Zek ang cellphone at hindi na nakapagpaalam kay Miguel nang marinig niya ang boses ni Dimples na tinatawag siya. Tinakbo ng binata paakyat ang metal stairs na may pinturang puti."I'm here! What's wrong?" nag-echo sa bahaging iyon ng corridor ang kanyang tinig.Lumitaw mula sa isa sa mga pinto si Dimples na umiiyak. "Zek, si Virgou!" hagulgol nito.Gusto na tuloy niyang liparin ang distansiyang tinatawid pabalik sa kwarto ng kasintahan. It's been two days since Virgou was admitted to the hospital. Naging pabaya kasi siya. Alam naman niyang laging may nakasunod sa kanila iniwan pa rin niyang mag-isa ang dalaga sa loob ng sasakyan sa parking ng tv studio kungsaan pinaunlakan nito ang isang interview.Ilang minuto lang si
Everything boils down to time. Good and bad.Time is a gift.It has the power to heal wounds and restore the missing pieces.Time is a choice.When everything fell apart, one can choose to remain broken or get back and become whole again.Time is luck.When choices are right.Her time staying at the correctional taught her to deal with the changes adeptly and those tough trials which come and go.Pero hindi ang ganitong mga ganap. Para sa kanya nasa tamang oras at panahon naman sila ni Zek. Kahit mas bata ito sa kanya, nagkakatugma pa rin ang panahon nila. Kung hindi, wala sana ang triplets. Hindi mabubuo ang pamilya nila."Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Lala matapos tingnan ang note
Mula sa binabasang investigation report nag-angat ng mga mata si Zek at nahagip ng tingin ang bisitang pumasok sa kanyang opisina. It's Palmolive Glorietta. Escorted by two of his agents, Miguel and Elliot.Umahon siya sa inuupuang swivel chair at lumabas sa likod ng kanyang desk."Ms.Palmolive Glorietta, good morning. How may I help you?" He immediately offered a hand to her.
Paulit-ulit na sinisilip ni Virgou ang sarili sa harap ng salamin sa loob ng kwarto nila ni Zek. Hindi siya makontento sa kanyang ayos. Pakiramdam niya may kulang pero hindi naman niya matukoy kung ano."Love, may problema ba?" Lumapit si Zek at niyakap siya mula sa likod."Ewan ko, hindi ko alam. Pero parang ang pangit kong tingnan samantalang ang gwapo-gwapo mo. Naiinis ako." Maktol niyang sumimangot.
Nilamon ng mga halinghing ni Virgou ang tunog ng mga alon sa labas na tumatagos sa bintanang nakabukas ng malaki. Malamig ang hangin na pumapasok doon sa kwarto mula sa pusod ng dagat ngunit hindi sapat para matuyo ang pawis sa kanya.Muling umarko ang kanyang katawan at marahas na ibinagsak ang ulo sa unan. Kumapit siya sa bed sheet habang umaangat ang kanyang pang-upo dahil sa ginagawa ni Zek. Malikot na ginagalugad ng dila nito ang sentro ng kanyang pagkababae."Zerriko," ungol niya kasabay ng buntong-hininga. She needed to scream or else her sanity will abandon her.Mistula siyang nasa gitna ng isang siga at mga boltahe ng kuryenteng sumasabog kung saan-saan. Hanggang sa nailabas niya ang unang katas na halos magpadilim ng kanyang paningin. Kumurap-kurap siya. She is seeing butterf
He knew she's there. The woman followed him soon as he got out of the NBI Headquarters. He didn't increase the pace of his steps rather he slowed down a bit and waited for her to catch up. Kinapa ni Zek ang baril sa ilalim ng jacket niya. Anong kailangan ni Amalia Sanchez sa kanya? Makipag-areglo? Kanina lang ay ni-report sa kanya ng taga-immigration na tinangka ng babaeng lumipad patungong ibang bansa buti na lang at naikasa agad ang hold departure order para rito. Now she's nowhere to go. Nowhere but behind stinky, rusty bars in jail."Director Zerriko Gray?" nagsalita ito pagkaagapay sa kanya.He looked at her. "Amalia Sanchez." He is diminishing her with penetrating dominance, establishing his authority. Ramdam niya ang takot nito at kaba."Ako nga. Pwede ba tayong mag-usap?" Balot
Nadama ni Virgou ang marahang haplos ni Palmolive sa likod niya. Ini- unat niya ang mga braso. Humikab at sinulyapan ang step-mother. Nginitian niya ito ng matamis."Nagtimpla ako ng gatas." Ibinaba nito sa desk ang bitbit na basong may mainit na gatas. "Pagkatapos mong inumin iyan magpahinga ka na," sabi nitong ngumiti rin."Pero hindi ko pa natatapos ito," ipinakita niya ang ginawang organizational structure na dalawang araw na niyang tinatrabaho. Akala niya madali lang. Ang hirap pala. Masyadong komplikado ang pagpili ng mga taong ilalagay niya sa bawat mahalagang posisyon ng kompanya. Hindi lamang kailangang qualified, ang kakayahan mismo at dedikasyon ang dapat na mas matimbang. Ngunit hindi niya kabisado ang iilan sa mga taong ito. Paano niya malalaman na may malasakit ang mga ito sa kompanya kung ang pagbabasehan lamang ay creden
Masakit ang bawat pintig ng puso niya at hirap siyang hugutin ang hininga habang pinagmamasdan ang anak. Balot ng benda ang ulo nito at kaliwang pisngi. Nakapikit at mababaw ang paghinga na rumehistro sa makinang nasa malapit kungsaan nakakabit ang iilang tubo.Kanina pa siya nakatayo roon. Hindi alam ang unang gagawin. Hindi makalapit pagkat hindi niya maihakbang ang mga paang 'sing-bigat ng bakal. This little boy protected his two brothers and drew out the danger to himself. That's what everyone is telling outside. They're proud and amazed. But they didn't know, Zak's sacrifice and courage mean he's failing as a father.Nadudurog ang puso niya ng pinong-pino sa katotohanang siya na mas malakas ay narito, nakatayo at maayos. Habang ang maliit na paslit, limang taong gulang ay nakahiga sa kama. Sugatan. Nakikipag-agawan sa buhay. Dahil
Bilang ama naiintindihan ni Zek ang galit ni Benjamen Alvarro, kaya hindi niya tinangkang lumaban matapos siya nitong suntukin. Kahit ano pa ang mga pagkakamaling nagawa ni Melfina, wala pa ring hihigit sa pagmamahal nito sa anak at hindi nito gugustuhing makitang nasasaktan ang dalaga."Ang sabi ko sa iyo ikaw na ang bahala sa kanya. Hindi ko sinabing payagan mo ang kahit na sino na saktan ang anak ko kahit asawa mo pa iyon!" marahas na angil ng matanda at dinampot siya sa kwelyo."Alam ko po, sir. Kaya po ako nandito para humingi sa inyo ng kapatawaran. Kasalanan ko kaya nagawa iyon ng asawa ko," mapagpakumbaba niyang tugon."Daddy? Daddy, what are you doing?" Si Melfina na pumasok sa loob ng kwarto ay tumakbo patungo sa kanya. "Hindi si Zek ang dapat na sinaktan niyo, dad! Hindi siy
Umiiyak si Virgou habang ikinukwento ni Zek sa kanya ang buong detalye ng pangyayari kanina. Wala man lang siyang ideya na nakikipaghabulan na pala kay kamatayan ang asawa niya tapos nakikipagtawanan pa siya kina Palmolive at sa ibang mga kaibigan habang naghahanda sila ng hapunan. Tuwing dumadaan ang paningin niya sa sugat na nasa braso ni Zek pinipilipit ang puso niya. Ayaw niyang ipakita sa asawa na mahina siya pero ang mga luha niya ay kusang gumagawa ng landas pababa sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang itago ang pangamba at takot. Siguradong hindi rito nagtatapos ang pagtugis ng mga kaaway sa kanila. Kumuha siya ng tissue mula sa carton at nagpunas."Pasensya ka na kung masyado akong emosyonal. Dala siguro ito ng pagbubuntis ko." Sisinghot-singhot niyang sabi at ngumiti ng mapakla.Tumayo si Zek at nilapitan siyang nakasalampak
Tumagilid ang sasakyan ni Zek matapos sumabit sa lidless gutter ang gulong habang iniiwasan niya ang panibagong buhos ng mga bala mula sa mga armadong kapalitan niya ng putukan. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang baril at tinadyakan ang pinto. Gumulong siya palabas habang inaasinta ang dalawang pinakamalapit sa kanyang kinaroroonan.Another charging pair drop-dead gaining shots on their head and chest. Bumuga siya ng hangin at napaungol sa pagsigid ng kirot mula sa kanyang sugat. He can't feel his arm anymore. Nagliliyab na sakit ang tanging nararamdaman niya.His jacket is soaked with blood and the wound is digging deeper. His right arm is trembling but he can't let go the gun. Not just yet. Nagkubli siya sa likod ng nakatagilid niyang sasakyan habang pinakikinggan ang atungal ng motorsiklong natitira. Saan na napunta iyong itim na
Sumigaw ng buong bangis si Marco at hinambalos ang can ng beer, sinipa ang gulong ng sasakyan. Parang sasabog ang ulo niya sa sobrang galit. Tanggap niya kung binugbog na lang siya ni Zerriko pero ang ibugaw siya sa ex-girlfriend niyang si Melfina Alvarro? Dinurog ng lalaking iyon ang bayag niya."Marco, itigil mo na iyan." Narinig niya ang boses ni Javier sa earpiece na kanyang suot. Nahinto ito sa katatawa matapos matantong hindi na biro ang galit niya."You are telling me that right now, Sepulbidda? That's bullshit! Ano bang mayroon sa lalaking iyon?" Gigil niyang angil."He has everything to put you down and you obviously are not prepared to go against him, Marco. For now, at least. Bitawan mo na iyang libog mo para sa asawa ni Rico."
Natatawang hinahabol ni Virgou ang mga anak na tumuloy patungo sa naka-ornang imahe ni Sr. Sto. Niño, sa may lobby ng Rockwell. It's Friday and part of the routine they're having is to offer some flowers to this miraculous protector of the province. Nilingon niya si Zek na nakabuntot sa kanila habang abala pa rin sa cellphone nito. She's still can't grasp the whole thing with his disturbing idea about Marco Sandejas following her. Pero pagbibigyan niya ang gusto ng asawa. She will stay at home for the time being until the issue died down."Zek," tinawag niya na ito.Binilisan ng lalaki ang hakbang at itinago ang cellphone sa bulsa ng jacket. "Sorry," agad siya nitong hinapit at lumapit sila sa orna. Nakatingala na roon ang mga bata. Anyong nagdadasal.