Itinuro ni Virgou kay Lilit ang dalawang travelling bags at isang hand carry na dadalhin niya patungong Bolinawan. Doon muna siya pansamantalang titira habang nagbubuntis. Makabubuti para sa anak niya ang malinis na kapaligiran doon. Hindi tulad rito sa siyudad na kalat ang polusyon sa hangin.
"Pakidala ang mga bagaheng ito sa sasakyan," utos nito sa dalawang lalaking kasambahay.
Mabilis na kumilos ang mga ito at pinagbibitbit ang mga gamit niya.
"Where is Dimples?" tanong niya habang hinahaplos ang kanyang tiyan.
"Naroon pa po yata sa kwarto niya at hindi pa tapos mag-ayos." Nakangiwing sagot ni Lilit na sinasabayan ng iling.
Tumikwas ang kanyang kilay. "What's your problem with her grooming herself? Normal lang sa isang babae na matagal mag-ayos." Pagtatanggol niya sa kanyang nurse sa tonong hindi mahahalatang lihim siyang may pagtatangi rito.
"Mas mabagal pa sa baldadong pagong kung kumilos. Nauna pa iyon gumising kaysa sa akin. Dalawang oras sa loob ng banyo. Ngayon inabot na ng siyam-siyam sa pagpapaganda." Kastigo ni Lilit.
Hindi niya pinatulan ang pagtatalak ng babae at baka makatunog pa na pinapaboran niya si Dimples. Dumating sina Jeren at Tarra. Ang kanyang magiging labandera at kusinera roon. Isasama din niya ang isa sa mga family doctors nila. Si Dr. Lalaine Go at si Mikoy, ang security. Si Bonz, ang in-charge sa kanyang wardrobe ay susunod sa makalawa.
"Paano po si Don Theo? Hindi po ba natin hihintayin?" ganting-tanong ni Lilit.
"I spoke to him last night. He still has a conference to attend in Hakodate. Next week pa siya makauuwi." Napangiti siya nang mamataan si Dimples na lumabas mula sa lift.
Her cute nurse is smiling sweetly. If only she has the nerve to tell Dimples about her feelings. It would surely be great. Pero pinanganak siyang wala ang kalayaang iyon. Marami siyang kailangang isaalang-alang. Ang reputasyon ng pamilya niya. Ang lipunan na nagdidikta kung saan siya nararapat. Ang alaala ng kanyang ina at ang moralidad na itinuro nito. Higit sa lahat ang puso niya na nakulong sa maling katawan.
"I'm sorry, ako na lang po ba ang hinihintay?" Nahihiya nitong tanong na napawi ang ngiti dahil sa pagdilim ng mukha ni Lilit.
"Baka naman nakakalimutan mo na hindi ikaw ang amo rito. Boss natin pinaghintay mo ng mahigit kalahating oras? Okay ka lang?" Sikmat ng bodyguard.
"Pasensya na po talaga." Pumiyok ang boses ni Dimples at nakitaan niya ng pagkaratanta ang mga mata.
Tumango siya. "It's alright. Let's get going." Pormal niyang pahayag at sinuyod ng tingin ang iba.
Naghihintay sa labas sina Dr. Lalaine at Mikoy. They'll be having two vans for the trip. Isa ang magsasakay sa kanilang mga bagahe at ang isa ay sasakyan ng mga kasama niya. Sa hiwalay na kotse naman silang dalawa ni Lilit.
Namilog agad ang mga mata niya at umusok ang kanyang bumbunan nang makita ang sasakyang ipinarada ng babaeng bodyguard sa kanyang harapan. Ford Heritage. The car where she had her nightmare with Zerriko Gray. What she had been through inside this car made her stomach spin until now.
"Haven't I told you to dispose of this one? Go get another car from the garage, Lilit." Napipikon niyang utos sa babae.
"Pasensya na po, ma'am, pero ito po kasi ang pina-check ko sa mechanic natin kanina."
"Bakit iyan? Nauubusan na ba tayo ng sasakyan?" Kung hindi lang sa batang nasa sinapupunan niya baka kanina pa niya kinarate si Lilit.
"Ito po kasi ang paborito mo." Katwiran nitong baluktot.
"Palitan mo iyan. Now!" singhal niya.
"Protocol wise, ma'am. Safety first tayo." Nakipagmatigasan ito sa kanya at binuksan ang pinto. "Sakay na po. Next time ko na lang idedespatsa ito."
"Lilit!"
Nagkamot ng ulo si Lilit. "Bawal po ma-stress. Papangit ang baby sa loob."
Napahawak siya sa kanyang tiyan at lalong nabuwesit nang maalala ang mukha ng lalaking iyon. Sana lang hindi magmamana roon ang anak niya. Pag nagkataon mapipilitan siyang ipaparetoke ang bata.
Sumenyas ulit si Lilit na sumakay na siya. Kung patigasan ng ulo talagang sumisegunda sa kanya ang babaeng ito. Kung hindi niya lang ito matalik na kaibigan, matagal niya na itong sinipa papunta sa araw at nang matusta.
Nagdadabog na sumampa siya sa sasakyan at agad nagsuot ng seatbelt. Pinipigil niyang magmura kahit kating-kati na ang dila niya. Bakit hanggang ngayon naaamoy niya pa rin ang katas ng demonyong iyon dito sa loob? For crying out loud it's been three months already!
"Ang baho ng sasakyan, Lilit. Nasusuka ako." Reklamo niyang nagtakip ng panyo sa ilong.
Nagtatakang tumingin sa kanya sa Lilit mula sa rear view mirror at bago nito buhayin ang makina ay sinisinghot-singhot ang mga sulok.
"Wala naman po akong naaamoy na mabaho, ma'am. Mas mabango na nga itong sasakyan kumpara dati," pahayag nitong sabay pindot ng keyless ignition button.
"What do you mean by that?" Umarko ang kanyang kilay. Bakit pakiramdam niya lahat ng sinasabi ni Lilit ay may patama sa kababalaghang nangyari roon?
Umiling ang babae at pinausad ang sasakyan. Hindi na rin siya nangulit. Baka mapunta pa sila sa ibang usapan at madulas ang kanyang dila. Humilig siya sa headrest. Ipinikit ang mga mata. Ngunit nag-uunahang umahon sa kanyang utak ang bangungot hanggang sa tuluyan siyang tinangay.
She was completely restrained. She can't fight him. He's too strong. Nilalamon siya ng lalaki. Bawat hibla. Bawat bahagi ng kanyang katawan. Wala itong pinalalagpas at lahat sa kanya ay tinikman. Her hands were tied up and are rested forcibly above her head. She would try pulling away and he'll just pin her more even harder.
"Darn you, horse!" sigaw niya nang madama ang matalim na kasiyahang pilit niyang pinalalayas sa kanyang katinuan.
His other hand moved down to her belly drawing a little circle that tickle and ignite. Until it landed in between her legs spreading wide and shameless. Saglit pa nitong pinagmasdan ang kanyang kahinaan habang kagat nito ang labi bago siya nito sinusuyo roon.
She knew he is observing. He's waiting for a response from her with his touch. But then no way! She would never ever give him the pleasure to see her melt in desire. Kahit nagustuhan pa ng katawan niya ang pakiramdam ng mga haplos nito sa kanyang balat.
Mariin niyang kinagat ang labi at iniwas ang mukha nang madama ang mapangahas nitong daliri na nagpupumilit magkasya sa kailaliman niya. This is totally embarrassing! But she can't seem to stop lifting her butt while his finger is dancing inside her.
She trembled. She felt it coming. The boiling eruption from her core. Halos mapunit ang lalamunan niya sa pagpipigil ng sigaw. Hindi siya pwedeng bumigay. Zerriko is looking at her intently.
Hiningal siya. Binitawan nito ang nakagapos niyang mga kamay. He gave up his seat and bent down. Ang mga hita naman niya ang pinigilan nitong huwag tumiklop nang simulan nito ang bagong pagpapahirap sa utak niyang kapit-tuko na ang ginagawa sa kanyang sistema mapanatili lamang siya sa katinuan.
Mahigpit niyang dinakma ang buhok ng binata at idiniin ang sarili sa upuan habang inililingkis ang mga binti sa balikat nito. The pleasure unraveling within her never tone down and his flammable kisses went on, driving her crazy.
"I know its sound a little corn but you smell like candy and you taste way sweeter than a lollipop," he murmured moving backward and take off the last barrier shielding his virility.
Her breathing went bare that she thought she would pass out when she caught a glimpse of his titan before turning her eyes away. Right, it's throwing up liquefying lust like a hungry wolf drooling for meat.
"I think you're ready for me," he whispered roughly, holding his own breath.
Hindi siya kumibo. Magang-maga na siya sa pang-iinsulto nito kanina pa. But she can't complain because what she asked is a piece of himself and who he is.
"Virgou, tingnan mo ako. Natatakot ka? Nahihiya?" Panunubok nito.
At ang ego niyang hindi masaling ay ayaw magpatalo. Sinalubong niya ang mga mata nitong nagdidilim sa pagnanasa. They're staring at each other's eyes when she felt the stinging pain of his entry cutting her through.
Dama niya ang gaspang ng bawat pagsulong nito sa ilalim para lang maibaon ng sagad ang pagkalalaki nito at ipamukha sa kanya na iyon ang bagay na wala siya at kailanman ay hindi siya magkakaroon.
Nakalalasing ang sakit. Parang tinutulak ang utak niya. Pero ang higit na nakakainis ay dahil nagustuhan niya ang bawat kirot na hatid. Ang bawat hapdi. Nagustuhan niya at hinahanap-hanap ng kanyang sistema.
"Themum, okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?" Ibinalik siya ni Lilit sa huwesiyo.
"I'm fine." Paungol niyang sagot.
"Pulang-pula ang mukha mo." Puna nito.
Napilitan siyang silipin ang sarili sa rear view mirror. Right, the aftermath of her shame.
"This is nothing. I just felt a little hot. Can you turn the aircon a bit higher?" Ibinaling niya ang paningin sa labas ng bintana.
Yet, all she can see outside are images passing through her eyes like bullets. Tumitig siya sa sariling reflection mula sa tinted na salamin at marahang hinaplos ang kanyang tiyan.
Kahit papaano hindi siya mag-iisa. Mayroon siyang anak na mamahalin at magbibigay sa kanya ng rason para patuloy na mabuhay sa kabila ng kanyang mga limitasyon.
Nag-aabang sa kanila si Nana Matilda sa bakuran ng malaking bahay na titirhan niya nang sila'y dumating. Agad itong sumalubong pagkababa niya at hinagkan siya sa noo tulad ng nakagawian nito noong bata pa siya.
Her eyes quickly ran through the house. It was an old-fashioned house. Bungalow type and made of high-end timbers from the Philippines' finest species. Payak ang estruktura at maaliwalas pagmasdan. Surrounding its outmoded ambiance is a perimeter of trimmed gumamela bushes.
May dalawang matatayog na puno ng kaimito na kasalukuyang hitik sa bunga. Isang kubo na pahingahan at munting hardin na may sari-saring mga bulaklak.
"Kumusta ang biyahe, anak?" tanong ni Nana Matilda habang abala pa siya sa kamamasid sa mga tanawin.
Sina Lilit at ang iba ay nagkusa nang ipasok ang mga bagahe nila sa loob ng bahay matapos idiskarga ang mga iyon mula sa van.
"Okay lang po. Walang traffic kaya mabilis kaming nakarating. Ang sarap ng hangin dito," sagot niyang umakyat ang tingin sa may bubong nang mapansin niya ang bulto ng tao roon.
Muntik na siyang masamid ng laway nang makilala kung sino iyon. Si Zek? He's sliding down towards the customized bamboo stairs on the other side. What is he doing up there? Dapat nasa eskwelahan pa ito ng ganitong oras.
"Pinatingnan ko sa kanya kung may butas at pinaayos ko na rin ang sandayong patungo sa tangke ng tubig," paliwanag ni Nana Matilda kahit hindi pa siya nagtatanong.
Tumango na lamang siya at agad bumaling sa ibang direksiyon nang tumingin sa gawi nila ang binata. Gusto na niya sumunod sa mga kasama papasok sa loob ng bahay pero ayaw niyang magmukhang tumatakas. Pagdating kay Zerriko dumudoble ang tayog ng ego niya. She didn't know why. Maybe because he's a little younger but then he has this intense air around him making him irresistibly striking.
"Maayos na ba roon sa itaas?" tanong ng matandang babae kay Zek dahilan para mapasulyap siya sa lalaking papalapit.
Tumango ito. His eyes slowly drifted towards her like slow motion. "Good afternoon, Ms. Ayala." Kaswal nitong bati.
"Good afternoon," masungit niyang sagot.
Napansin niyang umangat ang sulok ng mga labi nito. "Hindi ka ba napagod sa biyahe? Your room is ready. I can take you there if you like." He is teasing her again.
"Mabuti pa nga, Zek, samahan mo si Themum sa kanyang silid." Segunda ni Nana Matilda.
"Ihahatid ko lang siya, tiyang. Ibang usapan na po kung sasamahan ko siya sa kanyang kwarto. Unless she will personally request it." Pahaging nito at kumindat.
Hindi man lang siya magkaroon ng pagkakataong supalpalin ang hambog na unggoy na ngayon ay nakangisi na. Kapag sinubukan niyang tumanggi lalabas siyang defensive masyado at lalo siya nitong tutuksuhin.
"Sya, sige na. Para makapagpahinga ka. Ako na ang bahala sa mga kasama mo," apura ni Nana Matilda.
Tumango na lamang siya at padaskol na nagmartsa patungo sa loob ng bahay.
"Poker face na naman? Tigilan mo iyan, lalo ka lang gumaganda." Hirit ni Zek habang nakabuntot sa kanya.
Hindi niya ito pinansin. Nadatnan nila sa loob ang mga kasama niyang abala sa pag-aayos ng mga gamit nila. Saglit na huminto ang mga ito at tumingin sa kanilang dalawa ni Zek.
"Suit yourself, everyone. I'm going to relax for a while. Nana Matilda will show you your rooms later," aniyang humugot ng matalim na hininga nang mapansin ang kakaibang kislap sa mga mata ni Dimples habang nakatitig sa binata.
"Huwag mo kaming alalahanin. We can definitely take care of things here. Magpahinga ka lang," sagot ni Dr. Lalaine.
"Thank you, Lala." Hahakbang na lang siya nang magsalita si Dimples sa maliit na boses.
"Sino po siya, ma'am?"
She had the feeling Dimples had only that question running on her mind ever since they came in and she saw Zerriko. Mahabaging langit. Ang dalagang type niya ay magkakagusto pa yata sa ama ng kanyang anak? Is this even worth the word irony? Para yatang pinagkasya sila ng kapalaran sa isang lata tapos inalog-alog.
"This is Zek. He's Nana Matilda's nephew." Pinakilala niya ang lalaki kahit dinudumog ng paghihimagsik ang kanyang puso.
He nodded to acknowledge her effort of introduction. Tinugon iyon ng tango nina Mikoy at Lilit at siyempre matamis na ngiti mula sa mga babae pati na si Lala. Why is this a little exaggerated though? Marami namang gwapo roon sa siyudad pero kung umasta ang mga ito parang lalaking nag-evolve si Zek at naging diyos.
Umismid siya at naglakad na patungo sa kanyang silid. Ngunit hinawakan siya ni Zek sa braso. Sumenyas ito papuntang kabila.
"Kaninong kwarto pala iyon?" tanong niya.
"Mine," pabulong nitong sagot. "Ayos lang din kung gusto mo roon. I'd be happy to spare you space in my bed."
Inumbag niya ito sa sikmura na sinagot lang nito ng tawa. "Sinong nagsabi na rito ka rin titira?" sikmat niya.
"Hindi mo alam na ako ang nag-aalaga nitong bahay? Kung hindi dahil sa akin matagal na itong naagnas."
She rolled her eyes. Lilit didn't tell her about this.
"Here is yours." They've reached the French door and he opened it for her. Isasara sana niya agad iyon pagkapasok niya sa loob pero mabilis nitong napigilan sa kamay ang pinto.
"What are you-"
Nalusaw ang mga salita sa kanyang lalamunan nang sinarhan nito ng halik ang kanyang mga labi sabay tulak sa kanya pasandal sa pinto. Namilog ang mga mata. This bastard! That was a short but deep kiss.
"Fuck you, Gray!" She attacked him.
"I will soon, Ayala. Just be sure you brought plenty of thongs with you. Baka mauubusan ka." Bumitaw ito at sinalo ang magkakasunod na suntok na binato niya.
Saglit siyang nag-ugat sa sahig nang lumuhod ito at sunod na hinagkan ay ang kanyang tiyan.
If Helen of Troy can launch a thousand ships, Virgou Ayala is a woman who can make the gods sink those ships. Her oozing beauty commands spell even in her sleep.Dinampian ni Zek ng halik ang pulang rosas at ibinaba sa tabi ng nahihimbing na dalaga. Sinulyapan niya ang oras sa table clock. Pasado alas-otso na. Paano kaya ang agahan nito? Baka malipasan ito ng gutom. But he can't wake her up. Mabubuwesit lang ito sa kanya. Muling pumasada ang mga mata niya pababa sa tiyan nito bago maingat na isinara ang pinto ng kwarto.At first, he liste
Ibinaba ni Virgou ang salamin ng bintana ng sasakyan. Lilit is gesturing her that Nana Matilda wasn't home. Halata namang walang tao ang bahay dahil kung mayroon tiyak kanina pa sila sinalubong ng matanda. Baka may pinuntahan lamang ito. Nainip siya roon sa malaking bahay kaya naisip niyang pumasyal rito. Lumabas siya ng sasakyan at gumala ang paningin sa paligid.Katamtaman lamang ang laki ng bahay ni Nana Matilda. May dalawang palapag at ang disenyo ay katulad ng isang modernong townhouse. Malawak ang bakuran at agad natuon ang pansin niya sa mga pulang rosas na nakahilera sa labas ng balkonahe. Naalala niya ang bulaklak kanina na iniwan ni Zek sa kama niya. Malamang dito galing iyon.
Lintek! Nagmura ng mahina si Zek. Pasado alas-nueve na ng umaga. Late na naman siya sa unang subject niya. Sinubukan niyang bumangon pero lalo lang umikot ang paligid at tila babaliktad na naman ang kanyang sikmura. Apat na beses na siyang gumapang patungo sa loob ng banyo para lang sumuka. Ang hapdi na ng lalamunan niya.Ano bang nangyayari? Mas masahol pa siya sa lasinggong tumira ng sampung kahon ng Red Horse sa umaga. Masakit ang kanyang ulo at tinakasan siya ng ganang kumain. Tatlong araw na siyang ganito. "Zek, kumusta na ang pakiramdam mo?" It's Dr. Lala.Umungol siya. Inalis ang unan na nakatakip sa ulo at tumihaya. Minasahe niya ang sentido."I'm fucked.""Pasensya ka na kung pumasok na ako. Nag-alala kami sa iyo. Hindi ka naghapunan kagabi, ngayon naman ay hindi ka kumain ng almusal." "Wala po akong gana." Binuksan niya ang paningin. Buwesit! Pati ki
Everything holds its own perfect time. Its own valid reason why. A statement that is often a consolation and taken for granted precisely when situations desperately go out of control. To make it worse, blaming those who can't say a word to defend. Like the course of nature.Death. Pain. Suffering. The unknowns. Who could have stopped them? Who can? Or can a piece of them be stopped? Minute by minute, these nightmares keep on banging every single ghost alive and struggling to live.Including him."Sir Gray, someone is waiting for you at the lounge." Binasag ng malakas na boses ang katahimikan sa loob ng opisina niya.He moved the swivel chair backward and went up, living behind tons of cases report piling high on his desk. Dumaan muna
Sinisinghot ni Virgou ang sarili at umasim ang mukha. Tapos na siyang maligo at nakapagbihis na rin pero pakiramdam niya ay nangangamoy pa rin siya. She looked around hopelessly unable to do anything.Kahit naglilinis sila isang beses sa isang linggo, balot pa rin ng alikabok ang selda. Idagdag pa ang halo-halong pawis nila ng mga kasama niyang priso roon dahil sa sobrang init. Mabuti na lang at nakakapag-adjust na siya. Noong una siyang dumating dito ay halos mabalot ng pantal at allergies ang buong katawan niya."Virgou Ayala, pinatatawag ka ng warden." Binuksan ni Jail Officer Marie Estores ang pintuan ng selda na lumikha ng ingay na hanggang ngayon ay masakit pa rin sa tainga.Naalarma ang mga prisong kasama niya at nag-aalalang tumingin sa kanya. May tatlo siyang kakusa roon. Si C
Nilakasan ni Zek ang aircon ng sasakyan habang tumatawa at pinakikinggan ang kulitan ng mag-iina sa backseat. Hindi na nila nagawang magtagal pa roon sa fine dining kungsaan niya dinala ang mga ito para sa tanghalian. Masyado na kasing excited ang apat na makarating sa pupuntahan nila.They're bound for the north where he rented out an entire beach resort in San Remegio for five days. Nauna na roon si Nana Matilda para maihanda ang buong lugar. Ang mga yaya ng triplets ay kasama nila at nasa hiwalay na sasakyan sa unahan."Look, Mama, teacher gave me five stars!" masiglang pagbibida ni Zed at ipinakita ang mga bituing nakatatak sa likod ng palad."Wow!" bulalas ni Virgou. "Let me see! Let me see!""Me too, Mama! Look, look!" nakipag-agawan si Zak."I have stars too, Mama!" makulit na sumingit si Zen."Ang gagaling ng mga superheroes namin. Ang daming stars!" pumalakpak ang dalaga. "You've got fifteen stars all in all!"Hindi humupa an
Saglit na iniwan ni Virgou sa mga yaya ang triplets na nalilibang sa paggawa ng kastilyong buhangin sa bahagi ng dalampasigan na hindi naaabot ng hampas ng mga alon.Nagtungo siya sa beach house para hanapin si Zek. Kanina pa niya hinihintay na sumunod sa kanila ang lalaki. Magbibihis na rin siya ng tamang panligo. Papalubog na ang araw, masarap magbabad sa dagat kapag hapon.Natagpuan niya si Zek sa makipot na lanai sa likod ng cottage. May kausap ito sa cellphone. Halatang babae ang nasa kabilang linya base sa tono ng boses ng binata. Matiyaga siyang naghintay na matapos ito sa pakikipag-usap.Inirapan niya ito nang tumingin sa kanya habang may ipinaliliwanag sa kausap. He said goodbye to that someone from the other end and slipped his phone inside the pocket of his white shorts. But
Mula sa mga labi ni Virgou ay lumandas ang mga halik ni Zek pababa sa leeg ng dalaga at nagtagal doon. Gumagawa ng maliliit na mga kagat na nag-iiwan ng mga marka.Kung pwede lang hindi na niya ito bibitawan. Kapag kasama niya ito lumilipad ang oras. Ang limang araw kung gumulong ay daig pa ang batas na tumutugis ng kriminal."Tama na, baka kung saan na naman tayo makarating niyan." Marahan siyang itinulak ng kasintahan."Ilalabas kita bago ang katapusan ng buwan at sa pagkakataong iyon ay hindi ka na babalik pa sa seldang iyon," pangako niya rito.Tumango ito at ngumiti. "Salamat, Zek. Mag-iingat ka lagi. Huwag padalos-dalos sa mga operasyon ninyo. Isipin mo ang mga bata," paalala nito habang hinahaplos ang kanyang panga."Of course." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinagkan. "I love you.""I love you."Bumaba sila ng sasakyan at hinatid niya ito hanggang
Nilamon ng mga halinghing ni Virgou ang tunog ng mga alon sa labas na tumatagos sa bintanang nakabukas ng malaki. Malamig ang hangin na pumapasok doon sa kwarto mula sa pusod ng dagat ngunit hindi sapat para matuyo ang pawis sa kanya.Muling umarko ang kanyang katawan at marahas na ibinagsak ang ulo sa unan. Kumapit siya sa bed sheet habang umaangat ang kanyang pang-upo dahil sa ginagawa ni Zek. Malikot na ginagalugad ng dila nito ang sentro ng kanyang pagkababae."Zerriko," ungol niya kasabay ng buntong-hininga. She needed to scream or else her sanity will abandon her.Mistula siyang nasa gitna ng isang siga at mga boltahe ng kuryenteng sumasabog kung saan-saan. Hanggang sa nailabas niya ang unang katas na halos magpadilim ng kanyang paningin. Kumurap-kurap siya. She is seeing butterf
He knew she's there. The woman followed him soon as he got out of the NBI Headquarters. He didn't increase the pace of his steps rather he slowed down a bit and waited for her to catch up. Kinapa ni Zek ang baril sa ilalim ng jacket niya. Anong kailangan ni Amalia Sanchez sa kanya? Makipag-areglo? Kanina lang ay ni-report sa kanya ng taga-immigration na tinangka ng babaeng lumipad patungong ibang bansa buti na lang at naikasa agad ang hold departure order para rito. Now she's nowhere to go. Nowhere but behind stinky, rusty bars in jail."Director Zerriko Gray?" nagsalita ito pagkaagapay sa kanya.He looked at her. "Amalia Sanchez." He is diminishing her with penetrating dominance, establishing his authority. Ramdam niya ang takot nito at kaba."Ako nga. Pwede ba tayong mag-usap?" Balot
Nadama ni Virgou ang marahang haplos ni Palmolive sa likod niya. Ini- unat niya ang mga braso. Humikab at sinulyapan ang step-mother. Nginitian niya ito ng matamis."Nagtimpla ako ng gatas." Ibinaba nito sa desk ang bitbit na basong may mainit na gatas. "Pagkatapos mong inumin iyan magpahinga ka na," sabi nitong ngumiti rin."Pero hindi ko pa natatapos ito," ipinakita niya ang ginawang organizational structure na dalawang araw na niyang tinatrabaho. Akala niya madali lang. Ang hirap pala. Masyadong komplikado ang pagpili ng mga taong ilalagay niya sa bawat mahalagang posisyon ng kompanya. Hindi lamang kailangang qualified, ang kakayahan mismo at dedikasyon ang dapat na mas matimbang. Ngunit hindi niya kabisado ang iilan sa mga taong ito. Paano niya malalaman na may malasakit ang mga ito sa kompanya kung ang pagbabasehan lamang ay creden
Masakit ang bawat pintig ng puso niya at hirap siyang hugutin ang hininga habang pinagmamasdan ang anak. Balot ng benda ang ulo nito at kaliwang pisngi. Nakapikit at mababaw ang paghinga na rumehistro sa makinang nasa malapit kungsaan nakakabit ang iilang tubo.Kanina pa siya nakatayo roon. Hindi alam ang unang gagawin. Hindi makalapit pagkat hindi niya maihakbang ang mga paang 'sing-bigat ng bakal. This little boy protected his two brothers and drew out the danger to himself. That's what everyone is telling outside. They're proud and amazed. But they didn't know, Zak's sacrifice and courage mean he's failing as a father.Nadudurog ang puso niya ng pinong-pino sa katotohanang siya na mas malakas ay narito, nakatayo at maayos. Habang ang maliit na paslit, limang taong gulang ay nakahiga sa kama. Sugatan. Nakikipag-agawan sa buhay. Dahil
Bilang ama naiintindihan ni Zek ang galit ni Benjamen Alvarro, kaya hindi niya tinangkang lumaban matapos siya nitong suntukin. Kahit ano pa ang mga pagkakamaling nagawa ni Melfina, wala pa ring hihigit sa pagmamahal nito sa anak at hindi nito gugustuhing makitang nasasaktan ang dalaga."Ang sabi ko sa iyo ikaw na ang bahala sa kanya. Hindi ko sinabing payagan mo ang kahit na sino na saktan ang anak ko kahit asawa mo pa iyon!" marahas na angil ng matanda at dinampot siya sa kwelyo."Alam ko po, sir. Kaya po ako nandito para humingi sa inyo ng kapatawaran. Kasalanan ko kaya nagawa iyon ng asawa ko," mapagpakumbaba niyang tugon."Daddy? Daddy, what are you doing?" Si Melfina na pumasok sa loob ng kwarto ay tumakbo patungo sa kanya. "Hindi si Zek ang dapat na sinaktan niyo, dad! Hindi siy
Umiiyak si Virgou habang ikinukwento ni Zek sa kanya ang buong detalye ng pangyayari kanina. Wala man lang siyang ideya na nakikipaghabulan na pala kay kamatayan ang asawa niya tapos nakikipagtawanan pa siya kina Palmolive at sa ibang mga kaibigan habang naghahanda sila ng hapunan. Tuwing dumadaan ang paningin niya sa sugat na nasa braso ni Zek pinipilipit ang puso niya. Ayaw niyang ipakita sa asawa na mahina siya pero ang mga luha niya ay kusang gumagawa ng landas pababa sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang itago ang pangamba at takot. Siguradong hindi rito nagtatapos ang pagtugis ng mga kaaway sa kanila. Kumuha siya ng tissue mula sa carton at nagpunas."Pasensya ka na kung masyado akong emosyonal. Dala siguro ito ng pagbubuntis ko." Sisinghot-singhot niyang sabi at ngumiti ng mapakla.Tumayo si Zek at nilapitan siyang nakasalampak
Tumagilid ang sasakyan ni Zek matapos sumabit sa lidless gutter ang gulong habang iniiwasan niya ang panibagong buhos ng mga bala mula sa mga armadong kapalitan niya ng putukan. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang baril at tinadyakan ang pinto. Gumulong siya palabas habang inaasinta ang dalawang pinakamalapit sa kanyang kinaroroonan.Another charging pair drop-dead gaining shots on their head and chest. Bumuga siya ng hangin at napaungol sa pagsigid ng kirot mula sa kanyang sugat. He can't feel his arm anymore. Nagliliyab na sakit ang tanging nararamdaman niya.His jacket is soaked with blood and the wound is digging deeper. His right arm is trembling but he can't let go the gun. Not just yet. Nagkubli siya sa likod ng nakatagilid niyang sasakyan habang pinakikinggan ang atungal ng motorsiklong natitira. Saan na napunta iyong itim na
Sumigaw ng buong bangis si Marco at hinambalos ang can ng beer, sinipa ang gulong ng sasakyan. Parang sasabog ang ulo niya sa sobrang galit. Tanggap niya kung binugbog na lang siya ni Zerriko pero ang ibugaw siya sa ex-girlfriend niyang si Melfina Alvarro? Dinurog ng lalaking iyon ang bayag niya."Marco, itigil mo na iyan." Narinig niya ang boses ni Javier sa earpiece na kanyang suot. Nahinto ito sa katatawa matapos matantong hindi na biro ang galit niya."You are telling me that right now, Sepulbidda? That's bullshit! Ano bang mayroon sa lalaking iyon?" Gigil niyang angil."He has everything to put you down and you obviously are not prepared to go against him, Marco. For now, at least. Bitawan mo na iyang libog mo para sa asawa ni Rico."
Natatawang hinahabol ni Virgou ang mga anak na tumuloy patungo sa naka-ornang imahe ni Sr. Sto. Niño, sa may lobby ng Rockwell. It's Friday and part of the routine they're having is to offer some flowers to this miraculous protector of the province. Nilingon niya si Zek na nakabuntot sa kanila habang abala pa rin sa cellphone nito. She's still can't grasp the whole thing with his disturbing idea about Marco Sandejas following her. Pero pagbibigyan niya ang gusto ng asawa. She will stay at home for the time being until the issue died down."Zek," tinawag niya na ito.Binilisan ng lalaki ang hakbang at itinago ang cellphone sa bulsa ng jacket. "Sorry," agad siya nitong hinapit at lumapit sila sa orna. Nakatingala na roon ang mga bata. Anyong nagdadasal.