Lintek! Nagmura ng mahina si Zek.
Pasado alas-nueve na ng umaga. Late na naman siya sa unang subject niya. Sinubukan niyang bumangon pero lalo lang umikot ang paligid at tila babaliktad na naman ang kanyang sikmura. Apat na beses na siyang gumapang patungo sa loob ng banyo para lang sumuka. Ang hapdi na ng lalamunan niya.Ano bang nangyayari? Mas masahol pa siya sa lasinggong tumira ng sampung kahon ng Red Horse sa umaga. Masakit ang kanyang ulo at tinakasan siya ng ganang kumain. Tatlong araw na siyang ganito."Zek, kumusta na ang pakiramdam mo?" It's Dr. Lala.Umungol siya. Inalis ang unan na nakatakip sa ulo at tumihaya. Minasahe niya ang sentido."I'm fucked.""Pasensya ka na kung pumasok na ako. Nag-alala kami sa iyo. Hindi ka naghapunan kagabi, ngayon naman ay hindi ka kumain ng almusal.""Wala po akong gana." Binuksan niya ang paningin. Buwesit! Pati kisame umaalon. Pakiramdam niya nasa loob siya ng washing machine."Ano pa ang nararamdaman mo?" Dumukwang ang babae at sinalat ang kanyang noo."Dizzy. Masakit ang ulo ko. Nasusuka ako. So tired and sleepy. I don't know what's going on, damn!" Nagtagis siya ng bagang. May deperensiya na yata ang paningin niya."Kinunan ka ng temperature ni Dimples kagabi, hindi ba?" Tinitigan siya nito ng mataman."Yeah, and it's normal as well as the blood pressure.""Let me check your eyes. Ilang beses ka nang nagsuka?" Sinilip nito ang mga mata niya gamit ang maliit na flash light."Apat."Tumango ito. "You're doing fine. I think you are suffering Couvade right now.""Couvade? Anong sakit po iyon?""Sympathetic pregnancy. It only occurs to men. Siguro buntis ang girlfriend mo at ikaw ang nakararanas ng mga symptoms." Ngumiti ang doktora. Tuwang-tuwa pa yata.Habang siya ay nakatulala. Couvade? Sympathetic pregnancy? Hindi ba at buntis pa rin ang dulo niyon? Anak ng patola. Buti na lang nandiyan si Virgou kung hindi baka gumulong na siya sa pagkataranta. Matindi na talaga ang tama niya. Pati morning sickness ni Virgou ay inako pa niya."Hanggang kailan ko po titiisin ito?""I can't give you a definite time but don't worry, it will subside sooner or later. Ang importante pilitin mong kumain kahit wala kang gana, kundi manghihina ka."Tumango siya. Crap! Paano na lang kung susumpong ito kapag nasa laro siya? Kahapon sa school halos doon na siya tumambay sa clinic buong maghapon.Pagkalabas ng doktora ay minabuti niyang magpahinga na lang muna at nagpasyang huwag nang pumasok. Naiidlip na siya nang bulabugin ni Virgou. Galit na galit, na naman. Kinuha nito ang unan at pinaghahampas siya. Kulang na lang idiin iyon sa mukha niya para hindi na siya makahinga."Ano na namang issue mo?" Pagod niyang sita sa dalaga habang nakikipag-agawan sa unan.Umagang-umaga naghahanap na naman ng giyera ang babaeng ito. Ngayon pang nadiskarel siya. Wrong timing."Bumangon ka diyan ngayon din at mag-impake ka. Umalis ka na rito!" Singhal nitong nagmarkahan sa leeg ang mumunting mga litid, patunay na hindi na biro ang galit nito.Pero ano iyon? Pinaaalis siya? Pambihira! Pinalalayas siya nito? Pilit siyang bumangon kahit mistula siyang nasa sakayan na hinahampas ng malalaking alon."Hindi ako aalis." Matigas niyang pahayag."Nabasa ko ang official newsletter ng school. Pinagkalat mo ba na ikaw ang ama nitong pinagbubuntis ko?" Pinitsarahan siya nito sa kwelyo.Right, so that's the reason for this commotion. "Sorry, I blurted it out without thinking. But I didn't go out there spreading the news. They came to me. I was just telling them the truth. Besides, I'm positive no one will ever believe me unless you would say a word."Isang matalim na hininga ang pinakawalan nito kasabay ang paglambot ng mukha."May taong naniwala sa iyo. Si Jerom. He is coming to get you, Zek. I'm certain it's not just him. Maging si Papa." Bulalas nitong napahawak sa ulo at hindi mapakali."Hindi ako aalis, Virgou. Haharapin ko sila at nang magkalinawan na." Matapang niyang deklarasyon."You don't wanna do that, Gray. Ayaw kong mawalan ng ama ang anak ko bago ko pa siya isilang. You have to go and hide." Nanggagalaiti nitong sagot."Makinig ka sa kanya, Zerriko. Umalis ka na." Mula sa pinto ay sumabat si Nana Matilda. Pigil-pigil ang mga luha sa mga matang nag-aalala ng labis. "Pumunta ka muna sa iyong ama.""Tiyang naman_""Pinagbigyan kita nang makiusap ka sa akin na dito tumira. Ngayon ako naman ang pagbigyan mo. Umalis ka na. Hindi ko matatanggap kung mapapahamak ka." Tuluyan nang naluha ang matandang babae.Agad itong nilapitan ni Virgou at inalo. "Ihahatid ka nina Lilit at Mikoy sa terminal. Pack your things, now!"He is lost for words and the point to argue anymore. It was then that he realizes how naïve he was. He has none compared to them. Ang mayroon lang siya ay ang kanyang damdamin na maaring hindi sapat para ma-protektahan niya ang mag-ina.But this doesn't mean he is going to give up. He knew their worlds never meant to meet but he is going to break it through even if no attempts were successful.Panay ang kanyang mura habang nagliligpit ng mga gamit. Buti na lang at nakisama kahit papaano ang kanyang sikmura bagamat hilo pa rin siya."Lilit, sandali lang." Pigil niya kay Lilit bago pa sila tuluyang nakalabas ng bakod.Itinigil ni Lilit ang sasakyan. Agad niyang binuksan ang pinto at bumaba. Tumakbo pabalik sa loob. Nasa bakuran si Virgou at nakatanaw sa pag-alis nila kasama ang iba at si Nana Matilda.Hinapit niya ang dalaga at mahigpit na niyakap. "Tell me, makikita kita ulit di ba? Maghihintay ka sa akin.""Gray__""I love you, Virgou." Hindi ito tumutol nang hagkan niya sa labi kahit nasa harapan sila ng lahat dahilan para lalong tumibay ang pag-asa na umusbong sa kanyang puso.Umuklo siya at marahang hinaplos ang tiyan nito bago iyon dampian ng halik. Hindi man lang ba niya makikitang isisilang ang kanyang anak?"Balikan mo kami." Hinaplos nito ang panga niya at kinuha ang headphones na nakababa sa kanyang leeg. "Hihintayin ka namin."Sapat na iyon para panghawakan niya. Ngumiti siya. Pinakawalan ang butil ng luha at tumalikod paalis.--------Matagal nang naglaho sa kanyang paningin ang sasakyan pero nanatiling nakatayo roon si Virgou at nakatanaw sa malayo. She felt suddenly empty from inside and out.Matapang si Zek, dama niya iyon. Responsable at may paninindigan kahit sa murang edad. Handa siyang ipaglaban ng binata. Ngunit alam din niyang anuman ang gawin nito'y hindi ito magtatagumpay. Sa mundong ginagalawan niya, walang halaga ang damdamin.Hinaplos niya ang tiyan. Kung sana'y isinilang siya at nabuhay sa isang payak na tahanan. Sa tahanang hindi yaman at kapangyarihan ang sukatan. Hindi lipunan ang pamantayan. Hindi opinyon ng madla ang batas. Kung sana'y hindi siya naging isang Ayala."Ma'am, okay ka lang po ba?" Nag-aalalang tanong ni Tarra.Tumango siya. Binawi ang mga matang hilam sa luha. She's not sure why she's crying or why she had to feel this pain right now. Banayad na hinahagod ni Dimples ang likod niya. Inaalo siya. She is supposed to be delighted with the simple touch and gesture of concern. Surprisingly it didn't soothe her one bit.Gusto niyang sumunod kay Zek. Habulin ito at samahan hanggang sa makarating sa isang ligtas na lugar. Pero saan ba ang lugar na iyon? Maging siya ay walang ideya. Basta na lang niya ito itinulak palayo dahil sa takot.Nagpaakay siya kay Bonz at pumasok sila sa loob ng bahay. Doon ay kabado niyang hinihintay ang pagbabalik nina Lilit at Mikoy. Hindi siya mapakali lalo na at walang Jerom na dumating taliwas sa sinabi nito sa kanya sa telepono kanina."May magagamit na ang lalaking iyon para pilitin kang pumayag sa kasal." Komento ni Bonz.Hindi siya kumibo. Jerom Sanchez is her father's pet and her fourth degree cousin. Kabilang sa tradisyon ng kanilang pamilya ang mag-asawa ng kaanak para ang yaman na hawak ng buong angkan ay hindi mapupunta sa iba at iikot lamang sa kanilang lahi. Ang kaugaliang ito ang gusto niyang baliin matagal na."Try to calm down, Themum. Hindi makabubuti sa iyo at sa bata ang sobrang pag-aalala." Nilapitan siya ni Lala at hinamig habang nagtungo si Bonz sa kusina para ikuha siya ng tubig."I can't seem to help it, Lala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Zek. I dragged him into this," himutok niya sa sarili.Mataman siyang tinititigan ng kaibigang doctor. "Everything will be alright. Kasama niya sina Lilit at Mikoy. Hindi siya papabayaan ng dalawang iyon."Pilit siyang tumango at muling sinipat ang oras. "It's been two hours. Ganoon ba dapat katagal ang paghahatid patungong terminal?" Wala sa sarili niyang tanong na gumala ang mga mata sa mga kasama.Nagkatinginan sina Dimples at Tarra. Habang si Jeren ay abala sa cellphone nito at nakakunot ang noo, hanggang sa unti-unting namutla ang mukha."Jeren, may problema ba?" Binugbog na ng kaba ang kanyang dibdib.Atubili itong tumingin sa kanya. "Ma'am, nagtext po si Lilit. Na-ambushed raw po sila." Pumiyok ang boses nito.Bago pa ma-proseso ng utak niya ang masamang balita ay tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niyang kinuha iyon at binuksan ang mensaheng dumating.Hindi lamang iyon basta mensahe. May kasamang litrato. Litrato ni Zek na duguan at tiyak niyang walang malay.JS: Got your boy, my dear. Can we move up the wedding date now?Nanginig ang mga kamay niya at nahulog ang hawak na cellphone. Kasabay ng pagbigay ng kanyang mga tuhod ang matinding paghilab ng kanyang tiyan. Sumigaw siya sa sobrang sakit lalo na nang madama ang likidong umagos pababa sa kanyang mga binti.Everything holds its own perfect time. Its own valid reason why. A statement that is often a consolation and taken for granted precisely when situations desperately go out of control. To make it worse, blaming those who can't say a word to defend. Like the course of nature.Death. Pain. Suffering. The unknowns. Who could have stopped them? Who can? Or can a piece of them be stopped? Minute by minute, these nightmares keep on banging every single ghost alive and struggling to live.Including him."Sir Gray, someone is waiting for you at the lounge." Binasag ng malakas na boses ang katahimikan sa loob ng opisina niya.He moved the swivel chair backward and went up, living behind tons of cases report piling high on his desk. Dumaan muna
Sinisinghot ni Virgou ang sarili at umasim ang mukha. Tapos na siyang maligo at nakapagbihis na rin pero pakiramdam niya ay nangangamoy pa rin siya. She looked around hopelessly unable to do anything.Kahit naglilinis sila isang beses sa isang linggo, balot pa rin ng alikabok ang selda. Idagdag pa ang halo-halong pawis nila ng mga kasama niyang priso roon dahil sa sobrang init. Mabuti na lang at nakakapag-adjust na siya. Noong una siyang dumating dito ay halos mabalot ng pantal at allergies ang buong katawan niya."Virgou Ayala, pinatatawag ka ng warden." Binuksan ni Jail Officer Marie Estores ang pintuan ng selda na lumikha ng ingay na hanggang ngayon ay masakit pa rin sa tainga.Naalarma ang mga prisong kasama niya at nag-aalalang tumingin sa kanya. May tatlo siyang kakusa roon. Si C
Nilakasan ni Zek ang aircon ng sasakyan habang tumatawa at pinakikinggan ang kulitan ng mag-iina sa backseat. Hindi na nila nagawang magtagal pa roon sa fine dining kungsaan niya dinala ang mga ito para sa tanghalian. Masyado na kasing excited ang apat na makarating sa pupuntahan nila.They're bound for the north where he rented out an entire beach resort in San Remegio for five days. Nauna na roon si Nana Matilda para maihanda ang buong lugar. Ang mga yaya ng triplets ay kasama nila at nasa hiwalay na sasakyan sa unahan."Look, Mama, teacher gave me five stars!" masiglang pagbibida ni Zed at ipinakita ang mga bituing nakatatak sa likod ng palad."Wow!" bulalas ni Virgou. "Let me see! Let me see!""Me too, Mama! Look, look!" nakipag-agawan si Zak."I have stars too, Mama!" makulit na sumingit si Zen."Ang gagaling ng mga superheroes namin. Ang daming stars!" pumalakpak ang dalaga. "You've got fifteen stars all in all!"Hindi humupa an
Saglit na iniwan ni Virgou sa mga yaya ang triplets na nalilibang sa paggawa ng kastilyong buhangin sa bahagi ng dalampasigan na hindi naaabot ng hampas ng mga alon.Nagtungo siya sa beach house para hanapin si Zek. Kanina pa niya hinihintay na sumunod sa kanila ang lalaki. Magbibihis na rin siya ng tamang panligo. Papalubog na ang araw, masarap magbabad sa dagat kapag hapon.Natagpuan niya si Zek sa makipot na lanai sa likod ng cottage. May kausap ito sa cellphone. Halatang babae ang nasa kabilang linya base sa tono ng boses ng binata. Matiyaga siyang naghintay na matapos ito sa pakikipag-usap.Inirapan niya ito nang tumingin sa kanya habang may ipinaliliwanag sa kausap. He said goodbye to that someone from the other end and slipped his phone inside the pocket of his white shorts. But
Mula sa mga labi ni Virgou ay lumandas ang mga halik ni Zek pababa sa leeg ng dalaga at nagtagal doon. Gumagawa ng maliliit na mga kagat na nag-iiwan ng mga marka.Kung pwede lang hindi na niya ito bibitawan. Kapag kasama niya ito lumilipad ang oras. Ang limang araw kung gumulong ay daig pa ang batas na tumutugis ng kriminal."Tama na, baka kung saan na naman tayo makarating niyan." Marahan siyang itinulak ng kasintahan."Ilalabas kita bago ang katapusan ng buwan at sa pagkakataong iyon ay hindi ka na babalik pa sa seldang iyon," pangako niya rito.Tumango ito at ngumiti. "Salamat, Zek. Mag-iingat ka lagi. Huwag padalos-dalos sa mga operasyon ninyo. Isipin mo ang mga bata," paalala nito habang hinahaplos ang kanyang panga."Of course." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinagkan. "I love you.""I love you."Bumaba sila ng sasakyan at hinatid niya ito hanggang
Panay ang silip ni Virgou sa pintuan. It's past seven o'clock in the evening. Maaga pa naman kung tutuusin pero kanina pa niya hindi mapigil ang kaba habang hinihintay si Zek. Madalas ganito siya kabalisa roon sa kulungan kapag alam niyang nasa mapanganib na mga operasyon ang lalaki. It was more like a trauma from what happened long ago.Pinukol niya ng tingin ang mga anak na bumalik na ulit sa paglalaro kasama sina Mikoy at Lilit. Tapos na niyang pakainin ang mga ito kasabay ng mga bisita. Nang hindi na makatiis ay hiniram niya ang cellphone ni Dimples. Tinawagan niya ang binata. Nakatatlong subok muna siya bago nito sinagot ang tawag."Zek here," dinig mula sa background ang maingay na pag-uusap ng mga kalalakihan at ang malamyos na tawa ng isang babae.Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. He is safe at least. "Ako ito, Zek. Where are you?" tanong niya sa lalaki."Love
"No, he's not." Pagkatapos ng huling sagot niya sa tanong ng interview ay nilingon ni Virgou si Zek na nakaantabay lamang sa isang sulok.Nagsusuntukan na ang mga kilay nito at sobrang dilim ng mukha. Banaag roon na hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi sa media. She was invited as a guest for a morning local tv show.Maingay sa social media ang balitang babalik siyang muli sa pagmomodelo, kasunod ng mga alok na natatanggap niya mula sa iilang malalaking kompanya ng bansa.Kahit papaano ay hindi pa rin pala kumukupas ang impluwensya niya sa mga karaniwang mamamayan.Napag-usapan na nila ni Zek ang tungkol rito at hindi naman tutol ang binata. Handa itong suportahan siya kung tatanggapin niya ang mga alok at sasabak muli sa pagmomod
Agad ibinaba ni Zek ang cellphone at hindi na nakapagpaalam kay Miguel nang marinig niya ang boses ni Dimples na tinatawag siya. Tinakbo ng binata paakyat ang metal stairs na may pinturang puti."I'm here! What's wrong?" nag-echo sa bahaging iyon ng corridor ang kanyang tinig.Lumitaw mula sa isa sa mga pinto si Dimples na umiiyak. "Zek, si Virgou!" hagulgol nito.Gusto na tuloy niyang liparin ang distansiyang tinatawid pabalik sa kwarto ng kasintahan. It's been two days since Virgou was admitted to the hospital. Naging pabaya kasi siya. Alam naman niyang laging may nakasunod sa kanila iniwan pa rin niyang mag-isa ang dalaga sa loob ng sasakyan sa parking ng tv studio kungsaan pinaunlakan nito ang isang interview.Ilang minuto lang si
Nilamon ng mga halinghing ni Virgou ang tunog ng mga alon sa labas na tumatagos sa bintanang nakabukas ng malaki. Malamig ang hangin na pumapasok doon sa kwarto mula sa pusod ng dagat ngunit hindi sapat para matuyo ang pawis sa kanya.Muling umarko ang kanyang katawan at marahas na ibinagsak ang ulo sa unan. Kumapit siya sa bed sheet habang umaangat ang kanyang pang-upo dahil sa ginagawa ni Zek. Malikot na ginagalugad ng dila nito ang sentro ng kanyang pagkababae."Zerriko," ungol niya kasabay ng buntong-hininga. She needed to scream or else her sanity will abandon her.Mistula siyang nasa gitna ng isang siga at mga boltahe ng kuryenteng sumasabog kung saan-saan. Hanggang sa nailabas niya ang unang katas na halos magpadilim ng kanyang paningin. Kumurap-kurap siya. She is seeing butterf
He knew she's there. The woman followed him soon as he got out of the NBI Headquarters. He didn't increase the pace of his steps rather he slowed down a bit and waited for her to catch up. Kinapa ni Zek ang baril sa ilalim ng jacket niya. Anong kailangan ni Amalia Sanchez sa kanya? Makipag-areglo? Kanina lang ay ni-report sa kanya ng taga-immigration na tinangka ng babaeng lumipad patungong ibang bansa buti na lang at naikasa agad ang hold departure order para rito. Now she's nowhere to go. Nowhere but behind stinky, rusty bars in jail."Director Zerriko Gray?" nagsalita ito pagkaagapay sa kanya.He looked at her. "Amalia Sanchez." He is diminishing her with penetrating dominance, establishing his authority. Ramdam niya ang takot nito at kaba."Ako nga. Pwede ba tayong mag-usap?" Balot
Nadama ni Virgou ang marahang haplos ni Palmolive sa likod niya. Ini- unat niya ang mga braso. Humikab at sinulyapan ang step-mother. Nginitian niya ito ng matamis."Nagtimpla ako ng gatas." Ibinaba nito sa desk ang bitbit na basong may mainit na gatas. "Pagkatapos mong inumin iyan magpahinga ka na," sabi nitong ngumiti rin."Pero hindi ko pa natatapos ito," ipinakita niya ang ginawang organizational structure na dalawang araw na niyang tinatrabaho. Akala niya madali lang. Ang hirap pala. Masyadong komplikado ang pagpili ng mga taong ilalagay niya sa bawat mahalagang posisyon ng kompanya. Hindi lamang kailangang qualified, ang kakayahan mismo at dedikasyon ang dapat na mas matimbang. Ngunit hindi niya kabisado ang iilan sa mga taong ito. Paano niya malalaman na may malasakit ang mga ito sa kompanya kung ang pagbabasehan lamang ay creden
Masakit ang bawat pintig ng puso niya at hirap siyang hugutin ang hininga habang pinagmamasdan ang anak. Balot ng benda ang ulo nito at kaliwang pisngi. Nakapikit at mababaw ang paghinga na rumehistro sa makinang nasa malapit kungsaan nakakabit ang iilang tubo.Kanina pa siya nakatayo roon. Hindi alam ang unang gagawin. Hindi makalapit pagkat hindi niya maihakbang ang mga paang 'sing-bigat ng bakal. This little boy protected his two brothers and drew out the danger to himself. That's what everyone is telling outside. They're proud and amazed. But they didn't know, Zak's sacrifice and courage mean he's failing as a father.Nadudurog ang puso niya ng pinong-pino sa katotohanang siya na mas malakas ay narito, nakatayo at maayos. Habang ang maliit na paslit, limang taong gulang ay nakahiga sa kama. Sugatan. Nakikipag-agawan sa buhay. Dahil
Bilang ama naiintindihan ni Zek ang galit ni Benjamen Alvarro, kaya hindi niya tinangkang lumaban matapos siya nitong suntukin. Kahit ano pa ang mga pagkakamaling nagawa ni Melfina, wala pa ring hihigit sa pagmamahal nito sa anak at hindi nito gugustuhing makitang nasasaktan ang dalaga."Ang sabi ko sa iyo ikaw na ang bahala sa kanya. Hindi ko sinabing payagan mo ang kahit na sino na saktan ang anak ko kahit asawa mo pa iyon!" marahas na angil ng matanda at dinampot siya sa kwelyo."Alam ko po, sir. Kaya po ako nandito para humingi sa inyo ng kapatawaran. Kasalanan ko kaya nagawa iyon ng asawa ko," mapagpakumbaba niyang tugon."Daddy? Daddy, what are you doing?" Si Melfina na pumasok sa loob ng kwarto ay tumakbo patungo sa kanya. "Hindi si Zek ang dapat na sinaktan niyo, dad! Hindi siy
Umiiyak si Virgou habang ikinukwento ni Zek sa kanya ang buong detalye ng pangyayari kanina. Wala man lang siyang ideya na nakikipaghabulan na pala kay kamatayan ang asawa niya tapos nakikipagtawanan pa siya kina Palmolive at sa ibang mga kaibigan habang naghahanda sila ng hapunan. Tuwing dumadaan ang paningin niya sa sugat na nasa braso ni Zek pinipilipit ang puso niya. Ayaw niyang ipakita sa asawa na mahina siya pero ang mga luha niya ay kusang gumagawa ng landas pababa sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang itago ang pangamba at takot. Siguradong hindi rito nagtatapos ang pagtugis ng mga kaaway sa kanila. Kumuha siya ng tissue mula sa carton at nagpunas."Pasensya ka na kung masyado akong emosyonal. Dala siguro ito ng pagbubuntis ko." Sisinghot-singhot niyang sabi at ngumiti ng mapakla.Tumayo si Zek at nilapitan siyang nakasalampak
Tumagilid ang sasakyan ni Zek matapos sumabit sa lidless gutter ang gulong habang iniiwasan niya ang panibagong buhos ng mga bala mula sa mga armadong kapalitan niya ng putukan. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang baril at tinadyakan ang pinto. Gumulong siya palabas habang inaasinta ang dalawang pinakamalapit sa kanyang kinaroroonan.Another charging pair drop-dead gaining shots on their head and chest. Bumuga siya ng hangin at napaungol sa pagsigid ng kirot mula sa kanyang sugat. He can't feel his arm anymore. Nagliliyab na sakit ang tanging nararamdaman niya.His jacket is soaked with blood and the wound is digging deeper. His right arm is trembling but he can't let go the gun. Not just yet. Nagkubli siya sa likod ng nakatagilid niyang sasakyan habang pinakikinggan ang atungal ng motorsiklong natitira. Saan na napunta iyong itim na
Sumigaw ng buong bangis si Marco at hinambalos ang can ng beer, sinipa ang gulong ng sasakyan. Parang sasabog ang ulo niya sa sobrang galit. Tanggap niya kung binugbog na lang siya ni Zerriko pero ang ibugaw siya sa ex-girlfriend niyang si Melfina Alvarro? Dinurog ng lalaking iyon ang bayag niya."Marco, itigil mo na iyan." Narinig niya ang boses ni Javier sa earpiece na kanyang suot. Nahinto ito sa katatawa matapos matantong hindi na biro ang galit niya."You are telling me that right now, Sepulbidda? That's bullshit! Ano bang mayroon sa lalaking iyon?" Gigil niyang angil."He has everything to put you down and you obviously are not prepared to go against him, Marco. For now, at least. Bitawan mo na iyang libog mo para sa asawa ni Rico."
Natatawang hinahabol ni Virgou ang mga anak na tumuloy patungo sa naka-ornang imahe ni Sr. Sto. Niño, sa may lobby ng Rockwell. It's Friday and part of the routine they're having is to offer some flowers to this miraculous protector of the province. Nilingon niya si Zek na nakabuntot sa kanila habang abala pa rin sa cellphone nito. She's still can't grasp the whole thing with his disturbing idea about Marco Sandejas following her. Pero pagbibigyan niya ang gusto ng asawa. She will stay at home for the time being until the issue died down."Zek," tinawag niya na ito.Binilisan ng lalaki ang hakbang at itinago ang cellphone sa bulsa ng jacket. "Sorry," agad siya nitong hinapit at lumapit sila sa orna. Nakatingala na roon ang mga bata. Anyong nagdadasal.