Haloo! Haloo! mga mahal kong readers! Una sa lahat maraming-maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kwentong nina Red at Trinity. Sa mga susunod na kabanata ay Jade na ang gagamiting pangalan ni Trinity. Kakalimutan na niya ng tuluyan ang dati niyang buhay kaya yayakapin na niya ang bago niyang katauhan bilang si Jade Contemplacion. Magmula po sa susunod na chapter ay POV na ni Jade ang mababasa ninyo. May panaka-nakang silip pa din ang sosyalerang si Trinity sa mga unang chapters pero masasanay rin si Jade sa bago niyang identity. Ulit, taos puso po ang pasasalamat ko sa mga sumusubaybay at susubaybay pa lang sa kwento ng The General's Lover. Sana po ay patuloy n'yo silang samahan hanggang sa katapusan ng kwentong ito. Adios! Nagmamahal, -PRINSESA MARIA-
JADE’S POV N A G I S I N G . . . si Jade dahil sa malakas na sigawan ng mga nag-aaway sa labas ng barong-barong nina Aling Patty. “Urgh! Jesus Christ!” inis niyang reklamo sabay takip ng unan sa tainga niya. Mag-iisang linggo na siyang nakatira sa poder ng mag-ina. At sa araw-araw na ginawa ng Diyos, kung hindi tilaok ng manok na panabong, ay sigawan ng mga kapitbahay, na minsan ay nagku-kwentuhan lang pala, pero madalas ay nag-aaway, ang nagsisilbing alarm clock niya sa umaga. Idiniin niya pa lalo ang pagkakatakip ng unan sa tainga niya, sa pag-asang maibsan niyon ang ingay sa paligid. Pero syempre, hindi ‘yon nakatulong. “Please! Just five more minutes!” she exclaimed angrily under the pillow. Sa dati niyang buhay, no one, as in no one, has ever dared to wake her up from her sleep. But this is not your old life anymore, Trinity. Ikaw na si Jade ngayon, remember? The poor, homeless, pennyless Jade, agad namang kontra ng isang bahagi ng isip niya. “E PUT*NG INA MO KA PAL
JADE’S POV“M O M M Y ! ! !” . . . sigaw niya sabay takbo at tago sa likod ng divider, nang magputukan ang mga isdang pini-prito niya. “Hmmm, bakit kasi kayo nagpuputukan, hindi pa naman New Year!” dagdag pa niya na para bang sinisisi pa ang mga isdang niluluto. “Ginagawa mo?” Napaigtad pa siya sa biglang nagsalita mula sa likuran niya. Sino pa ba kung di ang mortal enemy at number one anti-fan niya…si Macoy. Kunot-noo itong nakatingin sa kanya tsaka siya agad na nilampasan para dumiretso sa lababo para hugasan ang bitbit nitong tasa. Tila balewala lang dito na nasa tabi lang nito ang mga isdang nagpuputukan habang siya ay nakatago pa rin sa likod ng divider at pasilip-silip lang sa niluluto niya.Kung pwede lang talaga ay hahambalusin niya ito ng sandok, dahil halata namang sinasadya nitong ipakita sa kanya na naroon ito, pero dahil pinangangatawanan nito ang sinabing ‘bukod sa ipag-igib siya, ay wala na itong ibang gagawin para sa kanya’, ay hindi talaga siya nito tutulungan.N
JADE’S POVH A L O S . . . mag-iisang linggo na matapos ang naging pagtatalo nila sa flowing. Mag-iisang linggo na ring iniiwasan ni Jade si Macoy. Hindi niya alam kung talagang sinasadya rin nitong umuwi lang kapag tulog o wala siya, o talagang busy rin ito sa pag-aaral sa gabi at trabaho sa umaga. Pero sigurado siyang maging ito ay iniiwasan din siya. Napatunayan niya iyon nang minsang abutan siya nitong nagtutupi ng mga sinampay ni Aling Patty sa sala, at mabilis itong lumabas ulit. Ha! Akala mo ba affected ako? Excuse me! Kapal ng mukha talaga, siya na nga itong may kasalanan, siya pa ang may ganang umiwas? Kapal! Nayayamot niyang sabi sa isip habang inaalala ang mga pagkakataong iniwasan rin siya ng lalaki. Nag-inat siya para maibsan ang pananakit ng katawan sa maghapon niyang pagsubok na gumawa sa bahay. Hanggang ngayon kasi ay nag-aadjust pa rin siya sa bago niyang buhay. Napatingala siya sa langit. Puno iyon ng maliliwanag at kumikinang na bituin. Hindi niya maiwasang hin
JADE’S POV I L A N G . . . sandali ang dumaan na wala sa kanila ni Aling Patty ang nagsalita. She didn’t mind. She was lost in her own thoughts matapos marinig ang mga kwento ng huli. Mukhang gan’on din naman ang katabi niya na nanatiling nakatingin sa kawalan. “Sorry po Aling Patty a,” basag niya sa katahimikan sa pagitan nila. Kunot ang noo na napalingon naman ito sa kanya. “Sorry? Para saan?” nagtatakang tanong naman nito. “Alam ko pong malaki ang utang na loob ko sa inyo. Iniligtas n’yo po ang buhay ko. Tapos kinupkop n’yo pa ako, binigyan ng matitirhan, pinakain, binihisan. Kahit na hindi n’yo naman ako kaano-ano, ni hindi n’yo ako kilala. Pero hindi kayo nagdalawang isip na patuluyin ako sa bahay n’yo. Tapos…” hindi niya natapos ang sinasabi dahil inunahan siya ng hiya. Pero nanatiling nakatingin sa kanya ang ginang na para bang naghihintay ng susunod niyang sasabihin. Napayuko siya dahil sa hiya. “Tapos wala po akong kayang gawin para sa inyo bilang kapalit ng pa
MACOY’S POV M U L A . . . sa malayo ay tanaw na niya si Aira na kuma-kandirit pa papunta sa direksyon nilang magbabarkada. “Okay na, Kuya. Mission accomplished,” sabi ng dalagita sabay saludo pa sa kanya. “Hm,” tugon niya sabay tumango ng isang beses. Nakaupo siya sa nakaparadang kariton nina Banong, isa sa mga tropa niya, tsaka pasimpleng sumulyap sa direksyon ng bahay nila. Nakita niya pang parang pina-practice ni Jade ang turo ni Aira na paraan ng pagwawalis. Gusto niyang matawa dahil mukhang seryosong-seryoso ito sa ginagawa. Parang noon lang yata siya nakakita ng taong gan’on ka-seryoso sa pagwawalis. Tumikhim siya ng ilang beses para pilit na supilin ang pagtawa. “Aguuyyy! Kinikilig pa si Macky!” biglang kantyaw ni Banong. Binato niya ito ng balot ng kendi na kanina niya pa pinipili-pilipit. “Ogags!” tugon niya rito. Nagkatawanan ang mga nar’on sa kumpulan nila. “Bakit kasi kelangan mo pang utusan itong si Aira para tanungin si Tisay kung me kelangan s’ya? Ba’t hindi n
JADE’S POVG I N U P I T . . . ni Jade ang sinulid mula sa sinusulsi niyang damit.“‘Ayan! Tapos na!” nakangiti niyang turan sabay itinaas ang huling piraso ng damit na naisipan niyang sulsihan.Napansin niya kasi mula sa ilang beses niyang paglalaba, na marami ang t-shirt na may butas. If there’s one thing she is good at, pagtatahi iyon. Kaya nga siya nag-major sa Fashion Design dahil bata pa lang siya, mahilig na siyang magtahi ng mga damit ng manika niya noon. Nasa gitna siya ng pagliligpit ng mga ginamit niya nang may tumawag sa pangalan niya mula sa labas.“Ate Jade???”Agad niyang nilabas ang tumatawag sa kanya.“O, Aira! Anong atin? ‘Lika pasok ka,” yaya niya sa bisita.It’s been a little over two months since tumira siya poder ni Aling Patty. It was not easy, and still, she is struggling at times sa bagong buhay na meron siya. Pero sa tulong na rin nina Aling Patty at ng mababait nilang kapitbahay, she is slowly getting used to her life as Jade. “Busy ka ‘te? Tara sa court,
MACOY’S POVL U M A G O K . . . siya ng tubig mula sa bote ng mineral water. Quarter break nila sa laro kontra sa kabilang barangay. Semi-finals na ng Liga kaya seryoso na ang laro nila. Malakas din ang kalaban kaya mahigpit talaga ang kumpetisyon.“Macoy, ayusin mo ang laro. Anong nangyayari? Hindi ka gan’yan maglaro,” puna ng coach nilang si Mang Ino, na siya ring tatay ng kaibigan niyang si Banong. Tumango lang siya at itinaas ang kamay dahil naghahabol pa rin siya ng hininga. Pinahid niya ang tumulong pawis tsaka itinukod ang mga siko sa magkabila niyang hit, habang iniisip ang naging laro niya sa first quarter. Totoo ang sinabi ng coach nila. Kahit siya ay hindi masaya sa naging performance niya. Napagod din kasi siya pag-aaral para sa exam nila noong nagdaang dalawang araw tapos sinabayan niya pa ng puspusang pagtatrabaho sa bagsakan kaya medyo hindi siya naka-kondisyon. Pero sisiguraduhin niyang babawi na siya sa mga susunod na quarter.Maya-maya ay narinig niya ang tila pag
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di