JADE’S POVG I N U P I T . . . ni Jade ang sinulid mula sa sinusulsi niyang damit.“‘Ayan! Tapos na!” nakangiti niyang turan sabay itinaas ang huling piraso ng damit na naisipan niyang sulsihan.Napansin niya kasi mula sa ilang beses niyang paglalaba, na marami ang t-shirt na may butas. If there’s one thing she is good at, pagtatahi iyon. Kaya nga siya nag-major sa Fashion Design dahil bata pa lang siya, mahilig na siyang magtahi ng mga damit ng manika niya noon. Nasa gitna siya ng pagliligpit ng mga ginamit niya nang may tumawag sa pangalan niya mula sa labas.“Ate Jade???”Agad niyang nilabas ang tumatawag sa kanya.“O, Aira! Anong atin? ‘Lika pasok ka,” yaya niya sa bisita.It’s been a little over two months since tumira siya poder ni Aling Patty. It was not easy, and still, she is struggling at times sa bagong buhay na meron siya. Pero sa tulong na rin nina Aling Patty at ng mababait nilang kapitbahay, she is slowly getting used to her life as Jade. “Busy ka ‘te? Tara sa court,
MACOY’S POVL U M A G O K . . . siya ng tubig mula sa bote ng mineral water. Quarter break nila sa laro kontra sa kabilang barangay. Semi-finals na ng Liga kaya seryoso na ang laro nila. Malakas din ang kalaban kaya mahigpit talaga ang kumpetisyon.“Macoy, ayusin mo ang laro. Anong nangyayari? Hindi ka gan’yan maglaro,” puna ng coach nilang si Mang Ino, na siya ring tatay ng kaibigan niyang si Banong. Tumango lang siya at itinaas ang kamay dahil naghahabol pa rin siya ng hininga. Pinahid niya ang tumulong pawis tsaka itinukod ang mga siko sa magkabila niyang hit, habang iniisip ang naging laro niya sa first quarter. Totoo ang sinabi ng coach nila. Kahit siya ay hindi masaya sa naging performance niya. Napagod din kasi siya pag-aaral para sa exam nila noong nagdaang dalawang araw tapos sinabayan niya pa ng puspusang pagtatrabaho sa bagsakan kaya medyo hindi siya naka-kondisyon. Pero sisiguraduhin niyang babawi na siya sa mga susunod na quarter.Maya-maya ay narinig niya ang tila pag
JADE’S POVH A L O S . . . magkanda-dapa siya sa lakas ng paghila ni Aira sa kanya. “Saan mo ba talaga ako dadalhin, Aira?” Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang itinanong iyon sa dalagita, pero wala siyang nakukuhang matinong sagot.“Bastaaaa. Matutuwa ka rito ‘te pramis!” paulit-ulit din nitong sagot.Medyo kinakabahan siya dahil mukhang may naiisip na namang kalokohan itong kasama niya.“Aira a, baka anong kalokohan na naman ‘yan iniisip mo. Baka mamaya mapagalitan tayo ni Aling Patty, or worse, isumpa na ako ni Macoy,” Saglit itong huminto sa paghila sa kanya at nilingon siya.“Relax ka lang Ate Jade, hindi kita ipapahamak okay? ‘tsaka, ano ka ba, sabi ko naman sa ‘yo hinding-hindi magagalit si Kuya Macoy sa ‘yo kasi nga may---”“Shh! O sige na, sige na! Tara na! Bago ka pa magsimula sa mga theory mong ‘yan,” agad niyang putol sa sinasabi nito dahil alam na niya kung ano ‘yon.Excited ulit itong nagpatuloy sa paglakad habang hila pa rin siya.Ilang sandali lang ay
JADE’S POVM A B E L . . . and her friends were still giving them the glares from across the room. Puro ito kalmot sa leeg pati na rin sa braso. Gan’on din ang mga kasama nito. “Dahil ngayon lang naman ito nangyari sa inyo Macoy, Mang Ino, huwag na nating palakihin pa,” wika ng kapitan ng barangay nila. Syempre, dahil first time niyang makipag-away ng gan’on, ay first time rin niya’ng ma-barangay. Tahimik siyang naupo katabi si Aira na panaka-naka pa ring nakikipag-irapan sa grupo nina Mabel. Habang nakatayo naman sa gitna nila sina Macoy, Banong at ang coach at tatay nitong ni Mang Ino.Ang totoo ay mas kinakabahan pa siya kay Macoy kaysa sa pagkaka-barangay niya. Matapos kasi nitong umawat sa away nila kanina, ay hindi na ito nagsalita pa. Ni hindi siya nito tinitingnan, kaya alam niyang galit ito sa kanya. “Hindi ho ako papayag na hindi mapapanagot ang may gawa nito sa anak ko, Kap. Matatawag ako ng abogado kung kinakailangan!” galit na komento naman ng nanay ni Mabel. Isa
JADE’S POV M U L A . . . sa kinauupuan niya ay tanaw niya ang maiilaw na gusali sa kabilang dako ng Manila Bay. Medyo mataas ang bahaging iyon kaya mas dama ang simoy ng hangin. Si Aira ang nagturo sa kanya ng spot na ‘yon. Dati raw iyong tambakan ng mga basura, pero tinabunan na ng tinabunan ng lupa hanggang na nagmukha na itong burol. The air isn’t exactly fresh, but still…at least ay open space iyon at medyo malayo sa ingay ng kalsada. Hindi niya mabilang kung nakailang buntong hininga na siya simula kanina. N’ong iniwan niya kasi si Macoy kanina matapos nilang magkasagutan na naman, balak sanang lumayas. But then, nang makapag-isip-isip siya, ay wala nga pala siyang ibang pupuntahan, kaya dito siya sa burol dinala ng mga paa niya. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakaupo roon at nakatanaw sa mga gusali. Wala naman kasi siyang dalang orasan at hindi rin naman niya napansin kung anong oras na ba n’ong umalis siya sa bahay nina Aling Patty. Basta ang gusto niya lang ay k
JADE’S POV “A M E S ! . . . Bet na bet ni Aling Betty ‘yong gown na ginawa mo para sa anak niya, Ate Jade! Ang ganda naman kasi talaga!” galak na sabi ni Aira habang pinapanood siya nitong naghihiwa siya ng mga rekados para sa lulutin niyang ginataang isda. Unti-unti kasi siyang nagpapaturo kay Aling Patty ng mga putaheng pwede niyang maluto. Medyo confident na siya ngayon dahil kahit paano ay kumikita na siya sa patahian. Kaya nakakabili na siya ng mga kailangan nila sa bahay nang hindi umaasa kina Aling Patty o Macoy. Gaya kasi ng sabi Aira, gustong-gusto ng asawa ni Kapitan ang mga trabaho niya. Kaya matapos nilang mag-serve ng detention nilang dalawang linggo, ay kinuha na siya nito bilang regular na empleyado. Nginitian niya lang ang dalagita. “Sana baby girl ‘tong baby mo, Ate, para madadamitan natin siya ‘no?” dagdag pa nito sabay hinimas ang medyo nakaumbok na niyang tiyan. “Anong baby girl? Lalaki dapat, para may dagdag na sa team pogi ng Barangay Pag-Asa,” biglang sing
JADE’S POVP A K I R A M D A M . . . niya tinakasan siya ng kaluluwa niya nang makita ang dalawang babaeng nakatayo sa harapan niya.Para siyang nabato sa kinatatayuan niya. She bet she is pale as a ghost right now. Lalo na nang unti-unting humakbang palapit sa kanila ang mga ito.Still baduy and trying hard with their looks, pero kumpara sa simpleng itsura niya ngayon, halatang mas nakakaangat na ang mga ito.“A-Atheena, Jewel...” sambit niya sa mga pangalan ng mga babae.“Oh my God! It is you!” natatawang wika ni Atheena.“I almost didn’t recognise you. You look so....different,” dagdag pa nito matapos siyang pasadahan ng mapanlait na tingin mula ulo hanggang paa.This is a total plot twist. Hindi niya inaasahang may makikita siyang kakilala niya rito.“So hindi totoo ang balitang ipinadala ka ng Daddy mo sa ibang bansa para d’on mag-aral?”, singit ni Jewel na hindi itinago ang bahid ng pang-iinsulto. Kapwa napako ang tingin ng mga ito sa tiyan tsaka mapanuksong natawa.“Truth is, y
“’Y O U . . . don’t go around wearing this’... ano nga tawag dito, ‘te?,” tanong ni Aira habang ginagaya nito ang linyahan niya sa harap nina Atheena kanina. “Brooch,” simple niya namang sagot habang patuloy na nililigpit ang mga pinamili nila. “’Ayun, ‘You don’t go around wearing this brooch and getting into lowly cat fights, Atheena. I worked so hard to earn the reputation of Queens. I cannot let a mere social climber ruin it’, ta’s pang!” pang-gagaya ulit nito sa kanya pati kung paano niya hinablot ang brooch kay Atheena kanina. “Iba talaga ‘yong linyahan mo d’on kanina ‘te Jade e! Para akong nanonood ng pelikula. Gan’on pala mag-away ang mga sosyal. Kahit minumura ka na ang sarap pa rin sa tenga,” natatawa pa nitong komento. Isang simple at pilit na ngiti lang ang isinagot niya. Mukhang napansin naman ng dalagita ang pananahimik niya. “Ay, ba’t parang sad ka pa din Ate? Ang galing-galing mo nga d’on kanina e. Bilib na bilib kaya kami nina Kuya Macoy sa’yo kanina!” wika pa ni
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di