JADE’S POVP A K I R A M D A M . . . niya tinakasan siya ng kaluluwa niya nang makita ang dalawang babaeng nakatayo sa harapan niya.Para siyang nabato sa kinatatayuan niya. She bet she is pale as a ghost right now. Lalo na nang unti-unting humakbang palapit sa kanila ang mga ito.Still baduy and trying hard with their looks, pero kumpara sa simpleng itsura niya ngayon, halatang mas nakakaangat na ang mga ito.“A-Atheena, Jewel...” sambit niya sa mga pangalan ng mga babae.“Oh my God! It is you!” natatawang wika ni Atheena.“I almost didn’t recognise you. You look so....different,” dagdag pa nito matapos siyang pasadahan ng mapanlait na tingin mula ulo hanggang paa.This is a total plot twist. Hindi niya inaasahang may makikita siyang kakilala niya rito.“So hindi totoo ang balitang ipinadala ka ng Daddy mo sa ibang bansa para d’on mag-aral?”, singit ni Jewel na hindi itinago ang bahid ng pang-iinsulto. Kapwa napako ang tingin ng mga ito sa tiyan tsaka mapanuksong natawa.“Truth is, y
“’Y O U . . . don’t go around wearing this’... ano nga tawag dito, ‘te?,” tanong ni Aira habang ginagaya nito ang linyahan niya sa harap nina Atheena kanina. “Brooch,” simple niya namang sagot habang patuloy na nililigpit ang mga pinamili nila. “’Ayun, ‘You don’t go around wearing this brooch and getting into lowly cat fights, Atheena. I worked so hard to earn the reputation of Queens. I cannot let a mere social climber ruin it’, ta’s pang!” pang-gagaya ulit nito sa kanya pati kung paano niya hinablot ang brooch kay Atheena kanina. “Iba talaga ‘yong linyahan mo d’on kanina ‘te Jade e! Para akong nanonood ng pelikula. Gan’on pala mag-away ang mga sosyal. Kahit minumura ka na ang sarap pa rin sa tenga,” natatawa pa nitong komento. Isang simple at pilit na ngiti lang ang isinagot niya. Mukhang napansin naman ng dalagita ang pananahimik niya. “Ay, ba’t parang sad ka pa din Ate? Ang galing-galing mo nga d’on kanina e. Bilib na bilib kaya kami nina Kuya Macoy sa’yo kanina!” wika pa ni
RED'S POVI T H A S . . . been months... since he had been suspended from the defense force. And it has been months too, since he left the country to stay with Leon and Harper here in the United States. Noong una, ayaw niya pa sanang umalis. Balak niya ay hanapin si Trinity. But when General Rodriguez found out what he was up too, mariin ang naging pagpigil nito sa kanya. “That is a very influential family, Red. And a very dangerous one, for that matter. I barely managed to get you out ‘alive’ from of all these mess. Hindi ako makakapayag na masangkot ka na naman sa kung anong gulo nang dahil lang sa kakahanap mo sa bababeng ‘yan. Governor Santiago is not an ordinary man, pwede kang mawala sa mapa in a snap of his fingers. I won’t let that happen,” Naalala niya pa ang mahaba nitong litaniya. And just like that, he was kept under 24/7 watch while his old man arranged everything for him to be shipped out of the country...whether he liked it or not. Now here is, lazily practicing his
RED’S POVE V E R Y W H E R E . . . he looked, there is always some random couple making out. Matapos siyang daanan ni Leon sa bahay nila kanina ay sinundo nila si Harper mula sa school. Agad din silang dumiretso sa pool party ng kung sinong kaibigan ng kaibigan daw ni Leon.Nakita niyang nakipagbatian ang huli sa mga kakilala nito ‘tsaka sila ipinakilala ni Harper sa mga iyon.He looked around. There was music and alcohol and sex everywhere. And when these three are present, surely, also are drugs.Pasimple niyang binulungan ang kapatid.“Leon. You are very well aware that I am serving my detention, right? I can’t get into any trouble,”“Oh yeah, yeah! Don’t worry dude, this bash is totally clean! It’s purely booze... and well, a li’l bit of hanky panky on the side. But other than that, we’re all crystal here. So chill!” paniniguro naman nito sabay tinapik siya sa balikat.Tumango-tango lang siya. Alam niya namang kahit maloko, ay takot pa rin ang mga kapatid niyang ito kay General
JADE’S POVN A P A N G I T I . . . na lang si Jade sa napakahabang kwento ni Aira tungkol sa mga kaaway nito sa school. Palagi niya itong pinagsasabihan na huwag na lang pansinin dahil walang mabuting patutunguhan ang pakikipag-away. She should know. Pero kada uwi nito galing sa school ay may hatid na sumbong kung paanong kinokontra ito ng ibang grupo ng kababaihan.“Hmft, hayaan na nga! Iba na lang pag-usapan natin, Ate. Nakaisip ka na ba ng pangalan ng para sa baby mo?” pag-iiba nito ng usapan habang mabagal silang naglalakad papunta sa talipapa.“Actually hindi pa e,” tugon niya naman.Exaggerated nitong napasinghap.“OMG, Ate! Wala nang dalawang buwan manginigitlog ka na, tapos wala pang name si Baby?!”Natawa naman siya sa napili nitong salita para i-describe ang panganganak niya.“Wait... ‘pag babae, ano kaya ang maganda...dapat medyo malapit sa pangalan mo, ‘te” wika pa nito na para bang pinag-iisipan talaga ng masinsinan ang pangalan ng anak niya.“Jadea kaya? O di kaya Jade A
MACOY’S POVP A R A N G . . . biglang nagpanting ang tainga niya sa narinig na sinabi ng pinsan ni Jade.Come home, TJHindi niya alam kung bakit parang bigla siyang kinabahan. Lalo na nang matagal na nanahimik ang dalaga. Ibig sabihin lang niyon ay pinag-iisipan nito ang alok ng pinsan.Natural, Macoy! E kung ikaw man alukin ng pamilya mong bumalik na sa karangyaan, e talagang mapapaisip ka! Baka nga hindi ka na mag-isip pa e, baka pumayag ka na agad-agad! Sabi ng isang bahagi ng isip niya.Tinitigan niya si Jade sa pagbabakasakaling may makita siyang kahit na anong sagot sa mukha nito. Pero bukod sa pagkalito ay wala na siyang ibang nabasa roon.Maya-maya ay nagawi sa kanya ang tingin nito. Huli na para umiwas pa siya. Ayaw niyang magbigay ng impresyon na sikreto niya itong tinititigan. Kaya naman sinalubong niya na lang din ang mga mata nito.Parang may gusto itong sabihin pero siya na ang unang nagbawi ng tingin. Hindi tama na naroon sila at nakikinig sa usapan mga ito. Kaya lang
5 YEARS LATER...JADE’S POVH I N D I . . . niya alam kung nananaginip lang ba siya o totoo talagang may kumakalabit sa kanya.“Jade...”At may tumatawag pa nga sa pangalan niya. “Jade,” tawag ulit ng boses kasabay ng sunod-sunod na pagkalabit.Doon siya napadilat para tingnan kung sino nga ba talaga ang kumakalabit at tumatawag na ‘yon sa kanya.Nakita niya si JM na halos kita na niya ang butas ng ilong sa sobrang pagkakadikit nito sa mukha niya. “JM?” wala pa sa sariling banggit niya sa pangalan ng anak ‘tsaka muling pumikit.Talagang napakabigat ng mga mata niya at ni hindi niya kayang panatilihing nakadilat ang mga iyon.Nananaginip nga yata siya. Nasa school ang anak niya kaya imposibleng naroon ito at ginigising siya.“Mama, nakatulog ka na naman po dito sa labas ng school?” narinig niya pang tanong nito.Labas ng school? Teka nga lang. Hindi nga ba’t susunduin n’ya dapat si JM sa school? Ang huli niyang naaalala ay nasa labas siya ng eskwelahan ng anak, at hinihintay na mag-
CHAPTER 52ICE COLDJADE’S POV“J A D E ! ! !”“Ate Jade!!!”Halos panabay na tawag sa kanya ng mga tao sa labas ng bahay nila. Hindi niya na kailangan na tingnan para malaman kung sino ang mga iyon, dahil kilala na niya ang mga boses na tumatawag sa kanya.“Aling Betty, Aira, ano’ng atin?” tanong niya agad bago pa man niya mabuksan ang pinto.Pagkabukas na pagkabukas niya niyon ay muntik pa siyang matumba nang dali-daling pumasok ang mag-ina na para.Kung dati ay nagugulat pa siya sa mga gan’on gawi ng mga ito, ngayon ay hindi na niya iyon pinapansin. Para na ngang extension ng bahay ng mga Benito ang bahay nila dahil maging si Banong ay kulang na lang magdala ng damit nito doon para doon na rin tumira. Bago pa man niya maimbintahang maupo ang dalawa ay nauna na itong magsi-pwesto sa plastik nilang sofa.Natawa na lang din siya ng lihim.“Jade! Naku! Good news!” excited na sabi ulit ni Aling Betty na para bang hindi ito magkanda-ugaga.Bigla rin tuloy siyang na-excite sa good news n
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di