Share

CHAPTER 36 (PARALLEL UNIVERSE)

JADE’S POV

H A L O S . . . mag-iisang linggo na matapos ang naging pagtatalo nila sa flowing. Mag-iisang linggo na ring iniiwasan ni Jade si Macoy. Hindi niya alam kung talagang sinasadya rin nitong umuwi lang kapag tulog o wala siya, o talagang busy rin ito sa pag-aaral sa gabi at trabaho sa umaga. Pero sigurado siyang maging ito ay iniiwasan din siya. Napatunayan niya iyon nang minsang abutan siya nitong nagtutupi ng mga sinampay ni Aling Patty sa sala, at mabilis itong lumabas ulit.

Ha! Akala mo ba affected ako? Excuse me! Kapal ng mukha talaga, siya na nga itong may kasalanan, siya pa ang may ganang umiwas? Kapal! Nayayamot niyang sabi sa isip habang inaalala ang mga pagkakataong iniwasan rin siya ng lalaki.

Nag-inat siya para maibsan ang pananakit ng katawan sa maghapon niyang pagsubok na gumawa sa bahay. Hanggang ngayon kasi ay nag-aadjust pa rin siya sa bago niyang buhay.

Napatingala siya sa langit. Puno iyon ng maliliwanag at kumikinang na bituin. Hindi niya maiwasang hin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status