Share

CHAPTER XIX (DENIAL)

“D A D D  Y . . .  please! Stop!” pagmamakaawa ni Trinity sa daddy niya na walang humpay ang pag palo sa kanya. 

She doesn't even know what made him angry. Naglalaro lang siya sa garden nang dumating ito at bigla na lang siya kaladkarin at pag papaluin ng baton nitong pamalo. 

Tinangka pa itong pigilan ng ilan sa mga kasambahay at bodyguards nila pero hindi ito nakinig. 

“Mayor, tama na ho, kawawa naman ‘yong bata”, wika ng mayordoma nila sa mansyon. 

“You stay away from this Roberta! Salot sa buhay ko ang batang ito!” sagot ng daddy niya at ipinagpatuloy ang walang humpay na paghataw nito ng baton sa kanya. 

.

.

.

.

“S T O P . . .Daddy…please stop—”

“Trinity? TJ, hey!”

Napabalikwas ng bangon si Trinity matapos magising mula sa isang masamang panaginip. Humahangos na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. Matagal na panahon na siyang hindi dinadalaw ng masasamang alaalang iyon ng pagkabata niya. Ibinaon na niya ang mga iyon sa limot. 

“Are you okay?”

Noon niya nagawang lingunin ang nagsalita mula sa gilid ng kama niya. 

“Scarlet? W-What are you doing here? A-Asan ako?”

Nagsimula siyang mag-panic nang isa isang manumbalik sa kanya ang mga naganap mula sa pagkaka-kidnap sa kanya hanggang sa putukan ng baril. 

“TJ–”

“We can’t be here! You can’t be here! Sasaktan ka rin nila, Scarlet! You have to run! Call the police!”

“TJ, calm down—”

“NO! NO! Run! Run! Run!---”

“Shhh! Shhhh! It’s okay now Trinity…it’s okay…you’re safe now”, patuloy na pag-alo ng pinsan niya sa kanya. 

Niyakap siya nito para pakalmahin. Napakapit siya sa laylayan ng damit nito habang patuloy sa pag-iyak.

Naramdaman niya ang paghagod-hagod nito sa likod niya    

“Shh, it’s okay. You’re okay”

Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa pinsan. Hindi niya alam kung gaano sila katagal nanatili sa gano’ng posisyon. Basta ang alam niya, she is now at the end of that very dark tunnel, na hindi niya inaakalang malalampasan pa niya ng buhay. 

Siguro ay ang mga kahindik-hindi na dinanas niya nitong mga nakaraang araw ang naging dahilan ng pagbabalik ng mga masasamang alaala niya noong kabataan niya. 

Bigla niyang naalala ang daddy niya, kaya napakalas siya sa pagkakayakap sa pinsan.

“W-Wait…bakit ikaw ang nandito? K-Kasama mo ba sina Daddy?” 

Hindi ito sumagot. May kung anong lungkot ang dumaan sa mukha ni Scarlet

“Scar…nasa’n sina Mommy?” ulit niya sa tanong. 

“T-They… They’re not here”, 

Napakunot siya ng noo.

“W-What do you mean? Hindi ba nila alam ang nangyari sa ‘kin? Were they not aware that I was abducted?” sunod-sunod niyang tanong.

“Alam nila TJ”

“Then why are they not here now?! Talaga bang wala na silang pakialam sa ‘kin?! I nearly died! I barely made it out alive, Scarlet!” she cried again. 

Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil-pisil iyon. 

“When the police came that night and we discovered na nawawala ka, the police called your parents. Your dad came, but he insisted that there may be a misunderstanding. That you are not missing. He said you were with Clark when the commotion happened and Clark was able to take you out of the pool bar before the black out”

“What?! That’s absurd! And did the police buy that? Did they even investigate Clark?”

“Apparently, yes. And Clark also confirmed na kasama ka niya and that you flew out of the country that night. Hindi ko alam kung paano nagawa ng daddy mo, but there were evidences of you leaving the country that very night with Clark. He said he did it to keep the media from talking about you and the family”

Sandali siyang natahimik. Hindi niya alam ang sasabihin dahil hindi siya makapaniwala sa mga narinig.

“P-Pero ipinahanap naman nila ako secretly, di ba?”

Hindi ulit ito kumibo. 

“Scarlet?” pag-uudyok niya rito.

“For some reason, the Special Force of ADFP were also there that night. In fact, iniligtas nila ako dahil akala niya ako ang target ng mga abductors. They were aware na hindi totoo ang statement na ini-release ng daddy mo. So they tap him secretly. Saying that they have the lead kung nasaan ka at kung sino ang mastermind ng lahat ng ito”, 

“And??? Nakipag-ugnayan naman si Daddy sa kanila di ba? J-Just behind the eyes of the public? And that’s why he can’t come here now too, dahil umiiwas siya sa mata ng publiko?” sabi niya hoping that it was the truth. 

Nakita niya ang pagnipis ng labi ni Scarlet, as if thinking kung ano ang dapat nitong isagot. 

“He uh… he told the ADFP to just make sure na hindi madadawit ang pangalan niya at ng kahit na sino sa pamilya kapag lumabas na ang balita sa media”

Hindi ulit siya kumibo. Ilang beses pa kaya siya mabibigo sa mga naririnig niya mula sa pinsan.

“And the reason why I am the one na nandito ngayon, is because nandoon si Dad habang kausap ni Uncle William ang ADFP. And when your dad left, he secretly told them to contact him with anything related sa case mo. Dad is outside talking to the generals or whoever. Pinilit ko lang siyang isama ako para makita kita”, dagdag pa nito. 

“But hey, you know what’s important?”

Inabot nito ang isa niya pang kamay at pinisil din iyon. 

“Ang importante ngayon ay nandito ka na. You’re back to us. And you’re safe, right?” anito at sinundan iyon ng ngiting pilit.

Alam niyang tama naman ang sinabi nitong iyon. Pero hindi niya magawang maging masaya. She knows that her life will never be the same, that she will never be the same. Naalala niyang muli ang mga nangyari sa kanya. Kung paano siya sinaktan at ginahasa ng paulit-ulit. 

Muling sumungaw ang mga luha niya nang maalala ang realidad niya. Napabitaw siya sa kamay ng pinsan at niyakap ang mga tuhod tsaka napabulahaw ng iyak. 

“Trinity… shhhh, it’s okay…it’s okay…”

“NO IT’S NOT OKAY SCARLET!” sigaw niya sabay marahas na tinabig ito nang tangkain nitong yakapin siya. 

“I AM SO DIRTY! I FEEL SO DIRTY!” paghi-histerya niya habang pilit na sinusubukang punasan ang sarili.

“Trinity–”

“They raped me! They used me, Scar! Not once! But over and over!”

“Trinity...”, sambit nito sa pangalan niya sa garagal na tinig.

Kita niya sa mukha nito na nasasaktan din ito para sa kanya. Ang sarap sanang isipin na sa kabila ng lahat, mayroon pa ring isang taong tanggap siya at mahal pa rin siya. But right now, that fact is just not enough to heal all her wounds.

“They used me like I’m a f*cking whore! Ng paulit-ulit, ulit, ulit!” 

May panggigigil niyang sabi habang patuloy na pinupunasan ng marahas ang sarili sa pag-asang mapupunas niya ang bakas ng lalaking lumapastangan sa kanya.

Nakita niyang napatuptop ng bibig si Scarlet habang pinapanood siyang naghihisterya.

“Tell me, Scarlet! How am I supposed to live my life from here?! Sirang-sira na ang buhay ko!”

“Trinity... I’m so sorry”, 

Pati ito ay tuluyan nang naiyak sa nasasaksihang paghihirap niya.

“Mgahayup kayong lahat! Papatayin ko kayong lahat!” patuloy niyang sigaw sa kawalan sabay bato ng kahit na anong mahablot niya.

Noon pumasok ang tito niya kasama ang dalawang babaeng sundalo. 

“Scarlet, what happened?” narinig niyang tanong ng tito niya.

Nilapitan naman siya ng dalawang sundalo at sinubukang pigilan sa pagwawala.

“Uncle Billy, please help me”, pagmamakaawa niya sa nakababatang kapatid ng daddy niya.

Naramdaman niya ang hapdi na dulot ng pagtusok  ng karayom sa balat niya. Bagaman patuloy pa rin ang pag-iyak, ilang sandali pa’y unti-unti na siyang kumalma. Noon din ay pinakawalan na siya ng dalawang sundalo na sa tingin niya ay paramedics ng Defense Force. 

“Yes iha, of course. Huwag ka nang mag-alala ha? Hindi ka namin pababayaan. Nandito ang Uncle Billy mo, pati na rin si Scarlet”, sagot naman nito sabay yakap sa kanya.

Lalo tuloy siyang napahagulgol ng iyak. Akala niya ay hindi na niya makikita ang mga ito. Kahit noong bata pa siya, palagi na niyang kakampi ang Uncle Billy niya. Pero dahil mas nakababata at mas mababa ang estado sa buhay kaysa sa daddy niya, madalas ay wala rin itong nagagawa kapag sinabi na ng tatay niya na huwag itong makialam.

“Uncle, please iuwi mo na ako. Ayoko na dito”, 

Iyon din ang linyang madalas niyang sabihin dito noong bata pa siya, sa tuwing kakampihan siya nito laban sa daddy niya.

“Oo, iha. Kukunan ka lang nila ng statement tapos uuwi na tayo”

“Ayoko Uncle! Ayoko nang makausap o makita ang kahit na sino sa kanila!” mariin niyang tanggi na ang tinutukoy ay ang mga sundalo.

“P-Pero iha, kailangan nila ang statement mo...”

“No! Ayoko! Uuwi na ako! I  want to go home! Please take me home”, 

“Shh, shh... alright, alright. Ako na ang bahala. Kakausapin ko lang si General Rodriguez at sasabihin kong sa abogado na lang natin sila makipag-ugnayan. Uuwi na tayo”, pagkasabi niyon ay lumabas na ito para makipag-usap sa mga kinauukulan.

That’s right. That’s what she needs right now.  She just needs to get out of this place and forget about everything. Gaya ng mga masasakit at pangit niyang karanasan noong bata pa siya, ibabaon niya din ang lahat ng ito sa limot. 

Prinsesa Maria

Maraming salamat po sa patuloy na sumusuporta sa The General's Lover!

| Sukai
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
Oh my dear.. Sa simula pa lang nakaranas na ng hindi maganda.. bakit kaya ganun ang treatment daddy ni Trinity sakanya?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status