Hi po, sorry nagloloko po ang google documents ko bigla silang nag ulit-ulit ng paste. I'm so sorry po sa inconvenience :( ito na po ang mas maayos na version ng Mama, Please Love Me Chapter.
Haloo! Haloo! Una sa lahat, gusto ko lang po magpasalamat talaga sa mga walang sawang nagbabasa, sumusuporta, nali-leave ng comment, naghihintay ng update at syempre sa mga nagbibigay gems sa kwento nina Red at Trinity. Sobrang nakakataba po ng puso at nakaka-motivate na pagbutihan pa ng inyong lingkod ang pagbibigay ng problema sa mga karakter (lol! char!) Kidding aside, salamat po talaga. I will continue to do my best para bigyan kayo ng magandang plot and twists and many more. Pangalawa, gusto ko po ng magsorry sana sa mga nakabasa ng CHAPTER 26, (Mama, Please Love Me) na na-upload kaninang 13:30 (Manila time). Nagloko po kasi ang pang edit ko ng mga chapters at nagcopy and paste sila bigla. It was my fault na hindi ko po agad na-check bago ko na-click ang upload. :( Pero na-edit ko na po at naayos na siya. Salamat po sa nagpm para sabihin na parang may mali sa na-upload ko. Sorry po talaga. Hindi na po ito mauulit. Feel free po magleave ng comment o mag PM sa'kin pag may mga a
TRINITY’S POV N A G I S I N G . . . si Trinity sa mahinang pag yugyug sa balikat niya. “TJ, you’re Mom’s looking for you”, mahinang sabi ni Scarlet. Hindi siya nagsalita at dahan-dahang bumangon. “Andito na ang Daddy mo”, maya maya ay dagdag pa nito. Muling umahon ang kaba sa dibdib niya sa narinig. Hinawakan ng pinsan ang kamay niya at marahan iyong pinisil. Iginiya siya nito palabas ng kwarto niya hanggang sa marating nila ang malawak nilang sila. Napahigit siya ng hininga nang makita ang Mommy at Daddy niyang nakaupo at tila naghihintay sa kanila. “Tito, Tita”, tawag ni Scarlet sa mga ito. Nakita niya agad ang disgusto sa mukha ng daddy niya nang lingunin sila nito. Kung dati rati ay kayang-kaya niyang salubungin ang mga galit nitong tingin, ngayon ay nanatili lang siyang nakayuko. Naupo sila ni Scarlet sa katapat ng sofa kung saan ito nakaupo, katabi ang mommy niya. Kahit na alam niyang hindi dapat, dahil wala naman talaga siyang ginawang masama, still she sat there feelin
TRINITY’S POV P I N A K I N G G A N G . . . mabuti nina Trinity at Tita Marga niya ang tila nag-aaway sa labas ng kwarto. “Tita---” “Shh”, Siguro dahil nakasara ang pinto at may kalayuan ang mga nagmamay-ari ng tinig, ay halos hindi nila maintindihan ang sinasabi ng mga ito. Tumayo ang tita niya at lumapit sa pinto tsaka idinikit ang tainga doon. Pati siya ay napatayo at lumapit na din sa likod ng tita niya. “Dito ka lang, titingnan ko kung anong nangyayari sa baba”, pabulong nitong sabi sa kanya tsaka maingat na lumabas sa kwarto. Nang maiwang mag-isa ay ginaya niya ang ginawa ng tita niya kanina. Idinikit niya rin ang tainga niya sa pinto sa pag-asang maririnig niya ng mas malinaw ang pag-uusap. Ilang sandali na ang lumipas, pero wala pa rin siyang maintindihan sa mga sinasabi. The curiosity is killing her, kaya minabuti niyang lumabas at makiusyoso na rin. Wala siyang nakitang tao sa corridor ng second floor kung saan naroon ang silid na ginagamit sa niya. Dumungaw s
TRINITY’S POVP I N U T O L . . . ng marahang katok ang paglalakbay ng isip ni Trinity. “Come in”, sabi niya tsaka itinuloy ang pagtutupi ng mga damit niya. Iniluwa ng pinto si Scarlet. The look on her face tells her that she had already heard the news about her leaving. She gave her a weak smile.Hindi naman ito nagsalita at marahan lang na naupo sa gilid ng kama niya.Tahimik niyang inisa-isang isinilid ang mga damit sa maliit na maleta. “Must you really leave, TJ?”Napangiti lang siya ulit pero hindi niya inalis ang pansin sa ginagawa. Hinawakan nito ang kamay niya para kunin ang atensyon niya. Natigilan naman siya pero hindi niya agad ito tiningnan.“Don’t go, hm?”Noon siya nag-angat ng tingin. Sandali niya itong tinitigan habang iniisip ang lahat ang bagay na ginawa nito para sa kanya. Bumuntong hininga muna siya bago siya nagsalita.“Naaalala mo pa ba n’ong mga bata pa tayo? It was your birthday. Uncle Billy made you a beautiful doll house made of wood. You were so happy a
TRINITY’S POVN A P A W A K . . . ng mahigpit si Trinity sa dala niyang maleta, habang nakatayo sa gilid ng kalsada at pinapanood ang iilan na lang na sasakyan na nagdaraan. May ilang pampasaherong jeep na huminto sa tapat niya, pero agad siyang umaatras dahil sa pandidiri. Never pa siyang nakasakay sa mga gan’ong pampublikong sasakyan.Pinara niya ang unang taxi na nakita niyang dumaan at hinintuan naman siya niyon. “Saan ka Miss?” tanong ng driver sa kanya.Hindi agad siya nakasagot.Saan nga ba ako pupunta? Tanong niya sa sarili.“Miss, sasakay ka ba o hindi?” tila naiinip n’ang tanong ulit nito.“S-Sorry po. M-Malayo po ba dito ang Manila Hotel?” tanong niya.“Medyo, pero sige, sakay na. Mahirap makahanap ng taxi dito ng mga gan’tong oras,”“Thank you,”Hinintay niyang tulungan siya ng driver na isakay ang mga gamit niya pero hindi ito bumaba. Narinig niya lang ang pagbukas ng trunk nito. Minabuti niyang isakay na ang maliit niyang maleta bago pa siya kagalitan ng maman
TRINITY’S POVN A P A B A L I K W A S . . . ng bangon si Trinity nang magmulat siya ng mga mata at makita ang dalawang hindi pamilyar na mukha na nakadungaw sa kanya. Napaatras tuloy ang mga ito dahil sa gulat sa biglaan niyang pag-upo.“O-Okay ka lang, Ate?” tanong ng dalagita na isa sa nakadungaw sa kanya kanina. Tantiya niya ay mga nasa edad trese hanggang kinse ito at nag-aaral pa sa highschool base sa suot nitong uniporme.“W-Where am I? S-Sino kayo? Ano’ng ginawa n’yo sa ‘kin!” sunod-sunod niyang tanong sabay hila sa bulaklaking kumot na nakatakip na sa kanya. Hindi niya maiwasan ang hindi magpanic sa mga ganitong pagkakataon. She didn’t exactly have the best experience with passing out and waking up with unfamiliar faces, in an unfamiliar place.“Relax lang po kayo, Ate. Ako nga po pala si Aira, ito naman si Mulong, magkaklase po kami,” sagot naman ng dalagita na ang tinutukoy ang binatilyong katabi nito na naka-uniporme din.“Nakita ka namin sa gilid ng daan kanina Ate, umuung
TRINITY’S POV “H U W A G ! ! !” . . . narinig ni Trinity na sigaw ng kung sino bago pa siya tuluyang makatalon sa ilog. Kasunod niyon ay ang pagyakap sa mga binti niya para pigilin siya sa balak. “Let me go! Hayaan mo na ako!” pagpupumiglas niya habang patuloy sa paghagulgol. “Maghunos dili ka, iha! Kasalanan sa Diyos ‘yang iniisip mo!” “No! Bitiwan mo ako! I want all this to end!” Ilang sandali pa siyang nakipagmatigasan pero sa huli ay napaupo din siya sa kakaiyak. Sinamantala iyon ng pumipigil sa kanya para tuluyan siyang mahila pababa ng barrier. Napaupo siya sa sidewalk at lalong lumakas ang paghagulgol. Niyakap siya ng pumigil sa kanya. “Shhhh, ligtas ka na, ligtas ka na,” paulit-ulit nitong sabi habang hinahaplos ang ulo niya. Kahit na hindi niya ito kilala, napakapit pa rin siya sa braso ng estranghero na para bang doon nakadepende ang buhay niya. She cried and cried. One moment she was thankful for still being alive, and the next thing, she hated that she is stil
TRINITY'S POVH I N D I . . . niya alam kung gaano katagal na siyang tulog nang maalimpungatan siya sa pakiramdam na may nakadagan sa tiyan at hita niya. Noong una, akala niya ay nananaginip lang siya, pero nang may gumalaw sa tabi niya ay doon siya tuluyang nagising.Kinapa niya kung ano man ang nakadagan sa bandang tiyan niya. An arm??? Hindi pa siya nakuntento at pinisil-pisil pa iyon. Kumabog ang dibdib niya nang maramdamang matigas at maskulado iyon, tanda na hindi babae ang nagmamay-ari n’on. No, not just an arm! It’s a man’s arm!!! Sigaw niya sa isip. “Hmm, ‘nay, kakatulog ko lang e, mamaya na ako babangon,” namamaos pa’ng sabi ng may-ari ng maskuladong braso. Confirm! Lalaki nga ang katabi niya. Napaupo siya at agad na napasigaw sa gulat.“AAAAAAHHHHHHHHHH!!!”Mabilis rin tuloy na napabangon ang katabi niya sa gulat. “Sunog?! May sunog!?! May sunog!” tila naalimpungatan rin nitong sigaw habang nagpapaikot-ikot lang sa kinatatayuan.Pati tuloy si Aling Patty ay agad napas
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di