TRINITY'S POV
H I N D I . . . niya alam kung gaano siya katagal na nakatayo sa tapat ng malaki at mataas na gate ng mansyon nila. She still cannot believe that she is finally home. Ang buong akala niya talaga ay hindi na siya makakauwi doon kahit na kailan.
“Let’s go inside?” mahinahong yaya ni Scarlet sa kanya.
Pilit siyang ngumiti at tumango.
Inakbayan siya nito at iginiya papasok sa bumukas na automatic gate nila. Naunang pumasok ang kotse ng tatay ni Scarlet. Nakiusap kasi siya kung pwede ba siyang bumaba bago sila pumasok ng gate, dahil gusto niyang pagmasdan iyon mula sa labas.
Sa paghakbang niya papasok sa loob mismo ng mansyon, hindi na niya napigilan pa ang pagbasak ng mga luha. Iginala niya ang paningin sa kabuan ng maluwang at maaliwas nilang sala. She felt like she’s been gone forever. Dati-rati ay ayaw na ayaw niyang umuuwi doon dahil alam niya na magkakabangga na naman sila ng daddy niya. She hated this place. She even called it hell, rather than home. Pero ngayon, she is just nothing but glad to finally be home. Ganoon siguro ang nangyayari sa mga taong nakaranas ng near-death experience. They appreciate everything around them even more.
Hinimas ni Scarlet ang braso niya tsaka hinigpitan ang pagkaka-akbay sa kanya. She gave her a reassuring smile.
Nagpatuloy sila sa paglakad hanggang sa may marinig silang mahinang tawanan sa may bandang garden. Inabutan nila ang daddy niya na masayang nakikipaglaro ng mahjong sa ilang constituents nito.
Walang mababakas na anumang bahid ng pag-aalala sa pagkawala niya. Ang totoo, kahit na nasabi na ng pinsan niya ang tungkol sa hindi pagpapakita ng interes ng daddy niya sa nangyari sa kanya, umasa pa din siyang pag-uwi niya ay sasalubungin siya ng mga magulang ng mahigpit na yakap. But with the looks of it, it seems like she had just set herself up for a bigger heartbreak.
“Dad”, tawag niya sa ama na nakatalikod sa kanila.
Halos sabay-sabay ang naging paglingon nito at ng mga kasama nito sa kanya.
“Oh! Trinity, anak! And’yan ka na pala!” galak nitong sabi nang hindi tumatayo mula sa kinauupan nito.
Saglit siyang nalito. Mukha naman itong masaya. Pero hindi iyong saya ng magulang na makita muli ang anak niyang na-kidnap at muntik nang mamatay.
“How’s your trip with Clark?” tanong nito.
Napakunot siya ng noo sabay nagkatinginan sila ni Scarlet.
“Aww c’mon iha, hindi mo na kailangang itago sa’kin. Tinawagan ako ni Clark, to say na mag-a-out of the country kayo. And that you were hesitant to tell me dahil baka hindi kita payagan knowing na kasama mo ang boyfriend mo”, sabi pa nito nang hindi binubura ang malapad na ngiti sa mga labi.
Hindi siya umimik. So totoo nga ang lahat ng sinabi ng pinsan niya. Her dad staged a perfect reason ng bigla niyang pagkawala.
“Ikaw naman iha, oo. What? Did you think I won’t approve of Clark?” tanong ulit nito.
“Is this the one na lumabas sa balita kama-kailan, Gov?” tanong ng isa sa mga kaibigan nito.
“Ang Clark ba na tinutukoy mo ay si Clark Vargas na may ari ng exclusive pool bar na pinasok kama-kailan lang?” tanong isa pa.
“Ah yes, that was an unfortunate event. And yes, ang Clark na tinutukoy kong boyfriend nitong anak ko ay si Clark Vargas nga”, tila nagmamalaki pang sagot ng daddy niya sa mga kaibigan nito.
An unfortunate event? Boyfriend? Clark was not and certainly will never be her boyfriend! Oo, aminado naman siyang open ang binata sa pagpapakita ng interes nito sa kanya but she had made her stand clear with him right from the start. That she had no interest in him or anyone. Kaya nalilito siya kung saan nanggaling ang lahat ng sinasabi ng daddy niya.
“Aba’y pag nagkataon pala Gov, napakaswerte mo sa magiging biyenan mo! I’ve heard a lot of good things about that young man. Goal driven and very assertive when it comes to business”, pangangantyaw pa ng isa sa mga kalaro ng daddy niya.
Her dad nodded and gave them a proud look.
“Clark is not my boyfriend, Dad”, singit niya habang pilit na pinanatiling kalmado ang boses, kahit na ang totoo ay gusto niyang mag sisigaw at magwala.
Napatingin ang mga ito sa kanya na tila nagtataka.
“Trinity iha, you don’t have to worry. Nabanggit na din sa’kin ni Clark na nag-aalangan kang ipakilala siya sa amin dahil sa malaking agwat ng edad niyo. And I said, at nine years lang ang gap niyo, hindi ten!” pabirong sagot ng daddy niya tsaka sinundan iyon ng malakas na tawa.
Nagkatawanan din ang mga constituents nito.
“Kidding aside, iha. Tama ang daddy mo, huwag mong intindihin ang sasabihin ng iba tungkol sa agwat ng edad niyo ng boyfriend mo. Ang isipin mo na lang, swerte ka at nakahanap ka ng lalaking kaya kang bigyan ng magandang buhay”, wika ng nag-iisang babae sa kumpulan ng mga ito.
Nagsi-tanguan naman ang lahat kabilang na ang daddy niya.
She clenched her fist. Gusto niyang sigawan ang mga ito but she is just too tired and too hurt to even say another word.
Naramdaman niya ang paghawak ni Scarlet sa kamao niyang mariin na nakayukom.
“Basta Gov ah, invited ako sa long table ng anak mo at ni Clark Vargas. Tiyak ko magiging Wedding of the Century iyon pag nagkataon”, biro ulit ng babae sanhi para muling magkatawanan ang mga ito.
“O siya sige na iha, pumanhik ka na sa kwarto mo at magpahinga. I’m sure napagod ka sa biyahe n’yo”, maya maya ay sabi ng ama niya tsaka tinalikuran na siya at bumalik sa paglalaro ng mahjong.
“Tell Clark to come over for dinner one of these days iha, okay?” pahabol pa nito habang iniipon ang mga mahjong blocks.
Hindi na siya sumagot. She stood there for another few seconds bago siya niyaya ni Scarlet na pumanhik na sa kwarto niya,
“Let’s go TJ”,
Nagpatianod na lang siya nang igiya siya ng pinsan papanhik sa hagdan. Walang humpay sa pag-agos ang mga luha niya.
Nakasalubong nila ang dalawang kasambahay na pababa naman ng hagdan.
“Ay, welcome home Miss Trinity. Kamusta ho ang bakasyon n’yo?” nakangiti pang bati ng isa sa mga ito.
“S-Si Mommy?” bigla niyang naisip na itanong imbes na sagutin ang mga ito.
“Ay wala po si Mam Victoria, may business trip po sabi ni Gov”
“K-Kelan ang balik niya?”
“Siguro po mga tatlong araw pa… importante daw ‘yong pinuntahan ni Mam sabi ni Gov eh, sa… saan ba ‘yon?” anito sabay baling sa katabi niya.
“Japan ho 'ata”, dugtong naman ng isa.
Tumango na lang siya nagpatuloy sa pagpanhik. Mukhang wala talaga ni sino sa bahay na ito ang may alam o may pakialam kung ano ang tunay na nangyari sa kanya.
Dumiretso na sila sa kwarto niya. She felt a certain animosity as soon as she entered. Para kasing ang tagal niyang nawala. She sat at the edge of the bed. Unti-unti niyang naramdaman ang pagbalik ng pamilyar na pakiramdam niya doon. Ngayon niya masasabing nasa ligtas na lugar na talaga siya. Even back then, kapag nagkakabangga sila ng daddy niya, ay nagkukulong lang siya sa kwarto hanggang sa umalis ito. It was her safe haven. When the world becomes too chaotic for her to handle, she would hide in her room and calm herself down.
“Do you want me to sleep here tonight?” putol ni Scarlet sa pagmumuni-muni niya.
No’ng una ay sasagot sana siya ng ‘oo’. Pero naisip niyang masyado na siyang nakakaabala kaya umiling na lang siya.
“No Scar, it’s okay. Masyado na kitang naaabala”
“Anong abala ba ang sinasabi mo d’yan? Sabi ko naman sa’yo di ba, basta kailangan mo ako, I’m always here”
“Thank you”, tipid niyang sagot.
Nang hindi na siya kumibo ay naramdaman niya ang paghakbang nito papunta sa direksyon ng pinto. Noon siya biglang may naalalang itanong dito.
“Scarlet?”
Natigilan ito sa aktong pagpihit ng sedura.
“Si…Si Clark?...anong nangyari kay Clark? T-Tsaka nasaan na siya?”
Sa pagkakaalala niya, magkausap sila ng lalaki nang biglang may tumawag dito tungkol sa trabaho. Ilang sandali lang ay nangyari ang blackout at may humila sa kanya bago siya tuluyang nawalan ng malay.
“The last time I heard, nasa Singapore siya para sa business niya doon. I think he gave up the management rights of Xtasis to his brother pagkatapos ng controversy”,
“Nagkausap ba sila ni Daddy, ever?”
“Briefly, nang magpunta ang daddy mo sa scene. But how Uncle William managed to convince him to agree sa mga palabas na ginawa nila, I have no idea”,
Tumango-tango lang siya bilang sagot pero sa loob-loob niya ay napaisip din siya.
“I’ll go ahead, pag kailangan mo ako, I’m just a call away”, pagkasabi nito niyon ay tuluyan na itong lumabas.
Ilang segundo pa lang ang lumipas magmula nang lumabas si Scarlet ay muling bumukas ang pinto niya. Akala niya ay may nakalimutan ito. Pero agad siyang natigilan at nanigas nang hindi si Scarlet ang iniluwa ng pinto niya.
“D-Dad…”
Hindi ito sumagot. Bagkus ay ini-lock nito ang pinto niya. Napaatras siya. Nakita niya ang galit sa mga mata nito.
“Kapag sinabing kong nanggaling ka sa bakasyon, nanggaling ka sa bakasyon. Naiintindihan mo ba ako?!” mahina ngunit mariin nitong sabi sabay piniga ang magkabila niyang pisngi. Nalasahan niya ang dugo sa bibig na dulot ng madiin nitong pagdaklot sa pisngi niya.
“A-Aray ko, D-Dad… n-nasasaktan ako—”
“Talagang masasaktan ka kapag sinalungat mo pa ako ulit sa harap ng mga amigo ko!”
Hindi na siya sumagot dahil baka ano pa ang gawin nito sa kanya. Marahas siya nitong ihinagis ng basta, sanhi para tumama siya sa pader.
“Ito ang tatandaan mo Trinity…sa oras na ibuka mo ‘yang bibig mo kung saan ka talaga nanggaling at anong nanyari sa’yo…sisiguruhin kong hindi ka na makakabalik ng buhay sa pamamahay ko!”
Pagkasabi niyon ay agad na din itong lumabas at pabagsak na isinara ang pinto niya.
Napahagulgol siya habang dumadausdos paupo sa sahig. Niyakap niya ang mga tuhod habang nakasandal ang likod sa pader.
Ang buong akala niya, kapag nakawala siya sa mga dumukot sa kanya, ay matatapos na ang lahat ng paghihirap niya.
Why, Lord? Why?, she asked silently.
RED’S POV“N A K A A L I S . . . na? What do you mean nakaalis na?” hindi makapaniwala si Red sa narinig na sagot ng ADFP Paramedics nang puntahan niya sana si Trinity sa infirmary ng base.“Sinundo na po ng tito tsaka pinsan niya, Colonel”, “At pinayagan na silang umalis?”Tumango itong muli.“Did General Rodriguez consent the release? Hindi pa nakukunan ng statement ang biktima, why would you release her?” “Eh sinabi ko nga din po kay General, pero nagkausap na daw po sila ng tito ng biktima. Nagkasundo sila na abogado na lang ang kausapin natin”,He sighed in disbelief. Tinalikuran niya ang kausal para tawagan ang heneral.“Red?”“Salute, General. Nandito po ako ngayon sa infirmary, dadalawin ko sana si Trinity pero sabi ng medics ni-release n’yo na daw po?”For a second ay hindi niya alintana na heneral ang kausap niya. He was just frustrated to know na pinayagan nitong makaalis ang dalaga ng gano’n gano’n lang.Narinig niya ang pagbuntong hininga nito mula sa kabilang linya.“I
TRINITY’S POVT R I N I T Y . . . is walking on the very same corridor that she used to walk in, wearing the same style that she used to wear...meeting the same people that she used to see. Everything and everyone is the same as the last time she saw them...everyone, apart from her.Gaya ng dati, nakasuot pa din siya ng dark sunglasses. Pero hindi gaya ng dati, hindi na iyon bahagi ng kasuotan, kung di para itago ang tunay na pagbabago sa kanya. After that encounter with her father, she was reminded of how tough the world that she used to live in, is. And now, she is scared that this weakened version of her might not be able to withstand the chaos. Pero sabi nga nila, fake it till you make it. And that is all she has to do. She just needs to make people believe that she is still the same Trinity Santiago.“Hi Trinity...”“Good morning Trinity”“Hi Trinity! Welcome back!”Bawat daanan niya ay binabati siya. Bigla siyang naging balisa. Hindi naman siya basta basta binabati ng mga ito
TRINITY’S POV H I N D I . . . alam kung gaano siya katagal na nanatili sa loob ng cubicle. It has been ages since those girls had left the ladies room, pero hindi niya magawang lumabas. She felt frozen inside that tiny space. Kung maaari lang ay hindi na siya aalis doon hanggang sa mag-si-uwian ang lahat ng estudyante ng Queen of Apostles University. Pero pagkatapos ng mahabang pag-iisip ay naisip niyang tama si Scarlet. She just needs to keep going forward and forward, until she is far enough away from all the horrible things that had happened to her yesterday. Nagpasya siyang lumabas sa pinagtataguan niya. Pinagmasdan niya ang sarili sa malaking salamin. Bakas ang pamumugto ng mga mata niya, kaya muli siyang nagsuot ng dark sunglasses. As she walked towards the Queen's common room, she tried her best to remember who she was. Taas-noo siyang naglakad sa gitna ng corridor gaya ng dati. Papasok na sana siya sa common room ng sorority nila nang marinig niya ang tila pagtatalo s
RED’S POV“Y O U . . . what?!” parang kulog na dumagundong ang tinig ni General Rodriguez sa buong kabahayan. “I said, I submitted myself for trials at the Military Court Justice, on the grounds of committing unlawful act against a woman”, he confidently answered while keeping a straight face. Kita niya ang halo-halong galit, frustration at pagkalito sa mukha ng heneral. He stood there like a soldier at rest, habang nakapa-meywang itong nagpabalik-balik. “ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!” sigaw ulit nito. Sa labing siyam na taon na tumayo ito bilang ama niya, bilang na bilang niya sa daliri kung ilang beses pa lang siya nitong napagalitan. Madalas kasi ay tumatahimik lang ito o di kaya ay tinitingnan lang siya ng makahulugan para malaman niyang may mali siya. Dali-daling dumating ang Tita Vida niya nang marahil ay marinig ang malakas na boses ng asawa. “What’s going on here? Onyo? Abot hanggang kabilang kanto ang boses mo!” “Itong anak mo! Gumawa ng gulo!” tila nagsusumbong na sagot n
RED’S POV“W E . . . the jury of the Military Court Justice, in the case of Unlawful Act Towards Women, as filed by the defendant of the case himself, Colonel Juan Miguel Enriquez, find the defendant GUILTY, with the charge of Sexual Abuse, as a violation for Criminal Law Act of 1968, clause IV. GUILTY, with the charge of Misuse of Drugs Act 1965”,Nakatayo ng matuwid si Red sa harap ng hukom, habang binabasa ang hatol sa kanya ng Military Court Justice. Pinanatili niya ang tingin sa baba dahil ayaw niyang makita ang reaksyon ng mga nakapaligid sa kanya, lalo na ni General Rodriguez.Sa nakaraang tatlong linggo, mabusisi ang naging imbestigasyon at paglilitis sa kaso niya. Maka-ilang beses iminungkahi ng hukom na kunin ang panig ng biktima niya ngunit siya mismo ang tumatanggi. Inako
TRINITY’S POV H I N D I . . . alam ni Trinity kung gaano katagal na siyang nakaupo sa kama sa kwarto niya. Inihatid siya ni Scarlet pauwi after she insisted to her doctors na gusto na niyang ma-discharge. They were reluctant dahil maselan daw ang kalagayan niya and they need to run a few more tests. Pero nag pumilit siya. Nagsimula siyang magwala at hugutin ang swero pati na ang ibang aparatong nakakabit sa kanya, kaya sa huli ay pinayagan na lang din silang umuwi ng mga ito. Namamanhid ang buo niyang katawan. Hindi mawala-wala sa isip niya ang mga katagang binitawan ni Scarlet kanina. Trinity… you’re pregnant…you’re pregnant…you’re pregnant Parang sirang plakang paulit-ulit na nagpi-play iyon sa isip niya. All that sickened feeling, ang palagian niyang pagkahilo at pakiramdam na inaantok pero kapag nasa higaan na ay hindi naman makatulog. Lahat ng mood swings niya, ang bigla niyang pag-iyak, pagkainis sa mga simpleng bagay gaya ng pangit na fashion sense ng isang estudyanteng
Haloo! Haloo! Una sa lahat, gusto ko lang po magpasalamat talaga sa mga walang sawang nagbabasa, sumusuporta, nali-leave ng comment, naghihintay ng update at syempre sa mga nagbibigay gems sa kwento nina Red at Trinity. Sobrang nakakataba po ng puso at nakaka-motivate na pagbutihan pa ng inyong lingkod ang pagbibigay ng problema sa mga karakter (lol! char!) Kidding aside, salamat po talaga. I will continue to do my best para bigyan kayo ng magandang plot and twists and many more. Pangalawa, gusto ko po ng magsorry sana sa mga nakabasa ng CHAPTER 26, (Mama, Please Love Me) na na-upload kaninang 13:30 (Manila time). Nagloko po kasi ang pang edit ko ng mga chapters at nagcopy and paste sila bigla. It was my fault na hindi ko po agad na-check bago ko na-click ang upload. :( Pero na-edit ko na po at naayos na siya. Salamat po sa nagpm para sabihin na parang may mali sa na-upload ko. Sorry po talaga. Hindi na po ito mauulit. Feel free po magleave ng comment o mag PM sa'kin pag may mga a
TRINITY’S POV N A G I S I N G . . . si Trinity sa mahinang pag yugyug sa balikat niya. “TJ, you’re Mom’s looking for you”, mahinang sabi ni Scarlet. Hindi siya nagsalita at dahan-dahang bumangon. “Andito na ang Daddy mo”, maya maya ay dagdag pa nito. Muling umahon ang kaba sa dibdib niya sa narinig. Hinawakan ng pinsan ang kamay niya at marahan iyong pinisil. Iginiya siya nito palabas ng kwarto niya hanggang sa marating nila ang malawak nilang sila. Napahigit siya ng hininga nang makita ang Mommy at Daddy niyang nakaupo at tila naghihintay sa kanila. “Tito, Tita”, tawag ni Scarlet sa mga ito. Nakita niya agad ang disgusto sa mukha ng daddy niya nang lingunin sila nito. Kung dati rati ay kayang-kaya niyang salubungin ang mga galit nitong tingin, ngayon ay nanatili lang siyang nakayuko. Naupo sila ni Scarlet sa katapat ng sofa kung saan ito nakaupo, katabi ang mommy niya. Kahit na alam niyang hindi dapat, dahil wala naman talaga siyang ginawang masama, still she sat there feelin
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di