Share

CHAPTER XXIII (A SETTING SUN)

TRINITY’S POV

H I N D I . . . alam kung gaano siya katagal na nanatili sa loob ng cubicle. It has been ages since those girls had left the ladies room, pero hindi niya magawang lumabas. She felt frozen inside that tiny space. Kung maaari lang ay hindi na siya aalis doon hanggang sa mag-si-uwian ang lahat ng estudyante ng Queen of Apostles University.  

Pero pagkatapos ng mahabang pag-iisip ay naisip niyang tama si Scarlet. She just needs to keep going forward and forward, until she is far enough away from all the horrible things that had happened to her yesterday. 

Nagpasya siyang lumabas sa pinagtataguan niya. Pinagmasdan niya ang sarili sa malaking salamin. Bakas ang pamumugto ng mga mata niya, kaya muli siyang nagsuot ng dark sunglasses. 

As she walked towards the Queen's common room, she tried her best to remember who she was. Taas-noo siyang naglakad sa gitna ng corridor gaya ng dati. 

Papasok na sana siya sa common room ng sorority nila nang marinig niya ang tila pagtatalo sa loob.

“Why don’t you just tell us the truth, Scarlet?” sabi ng isa miyembro nila.

Napakunot siyang noo. Kasali si Scarlet sa pagtatalo? She is not the confrontational type.

“Anong totoo ba ang pinagsasabi mo, Atheena?” narinig niya sagot ng pinsan niya. 

“C’mon…wag na tayong maglokohan dito. Ano ba talaga ang nangyari kay Trinity after niyang basta na lang mawala sa Xtasis n’ong gabing ‘yon?”

Natigilan siya sa akmang pagpasok. 

“Oo nga. Tingin mo ba naniniwala ang mga tao sa statement ni Governor? Ha! Alam ng lahat na matagal nang nililigawan ni Clark si Trinity, but she is not interested in him. Kaya imposible ang sinasabi nilang sumama si Trinity kay Clark na mag-out of the county ng bigla na lang. They’re not even dating in the first place!”

Mukhang hindi alam ni Scarlet kung paano sasagutin ang mga paratang ng mga miyembro nila dahil hindi ito nakasagot agad. 

“B-Bahala na kayo kung ano ang gusto n’yong isipin. Her family already issued a statement. Kung ayaw n’yong maniwala, problema n’yo na ‘yon”

“Akala mo ba walang nakakita sa kanya that night?”

“May mga nakakita sa kanyang may mga kasama siyang lalaki palabas ng bar. They said she was too drunk to even walk”

Nagpasya siyang sumilip kung ano ang nagaganap sa loob. Nakita niyang may ipinakita ito kay Scarlet sa cellphone niya. Mukhang litrato iyon. 

“It didn’t even look like she was forced to go with them. In fact, nakasandal pa siya sa isa sa mga lalaki sa sobrang kalasingan. Anyone can tell na kilala niya ang mga lalaking sinamahan niya”,

Marahas na inagaw ni Scarlet ang cellphone mula dito tsaka mabilis na tumipa doon.

“What are you doing?! Give me back my–”

Tinangka ni Atheena na agawin pabalik ang cellphone niya pero mabilis na nailayo iyon ng pinsan niya. 

“Stop making nonsense assumptions, Atheena. Alam din ng lahat kung gaano ka kating-kati na agawin ang pwesto ni Trinity sa Queens. Gagawin mo lahat para lang masira siya para ikaw na ang tatayong leader ng sorority di ba?”

Hindi nakasagot si Atheena. 

“Ano? Hindi ka makasagot? Akala mo walang nakakahalata sa mga pailalim mong pagtira sa akin at kay Trinity, no?”

Hindi niya akalain na may ganitong side din pala si Scarlet. Sabi niya nga, buong buhay nila, siya ang matigas at tiga-protekta nito, habang ito naman ay pusong mamon at iyakin. But now she is actually standing up for her ngayong alam nito ang kalagayan niya. 

“Let me make this clear to you, Atheena, and to all of you na may binabalak para patalsikin si Trinity. She is back. And she is not going anywhere. At kahit bumababa man si Trinity sa pwesto  niya, no matter what you do, you will never be her. Tatandaan n’yo ‘yan”, may pinalidad sa tono ni Scarlet. 

Parang gusto niya ulit maiyak nang masaksihan niya kung paano siya ipinagtanggol ng pinsan niya. But at the same time, ay naiinis siya sa sarili niya dahil hindi naman siya ganoon. She is never the type na basta basta na lang umiiyak, more over basta basta na lang nagpapakita ng emosyon. Habang lalo niyang pilit na bumabalik sa dating siya, ay mas lalo niyang nakikita kung gaano kalaki ang pinagbago ng buhay niya sa loob lang ng ilang araw. 

Tinalikuran na ni Scarlet ang kausap pero natigilan din ito nang magsalita pa ang huli. 

“Yes. Yes I am not like her. Pero at least, ako totoo ako sa kung sino talaga ako. Hindi ako nagkukunwaring elitista kuno pero ang totoo ay papatol din naman sa kung kani-kanino”,

Napapihit si Scarlet para muli itong lingunin. 

“Anong sinabi mo?”

“What? Totoo naman di ba? She pretends to be some socialite with up-the-ceiling standards pero ang totoo, she sleeps with just about anyone just to get what she wants. Ang mga litratong nakita mo ang katunayan that as snob as she makes herself out to be, she is nothing but a socialite whore”,

Napakagat siya sa ibabang labi sa narinig. Bigla na namang nanumbalik sa alaala niya ang panggagahasa sa kanya. Nakaramdam siya na parang nauubusan siya ng hangin sa paligid. Bumilis din ang tibok ng puso niya at pinagpawisan siya ng malamig. Napahawak siya sa dingding kung saan siya nagtatago nang maramdaman niya ang tila pag-ikot ng paligid niya. 

“Sinabi ko na ito noon, at sasabihin ko ulit. But this time, sasabihin ko na sa harapan mo para walang miscommunication…” narinig niya pang dagdag ni Atheena.

“No matter how bright the sun is when it rises, there will come a time when it will have to set. Trinity may be shining brightly just like the sun, but I am telling you now Scarlet Valderama… she is a setting sun”

Lalo siyang kinapos ng hangin kaya napatuptop na rin siya ng dibdib. 

Narinig niya pa ang tunog ng pagsampal pero hindi na niya nakita kung sino ang sumampal kanino. Nanghina ang mga tuhod niya kasabay ng biglang panlalabo ng pandinig niya. Everything suddenly sounds muffled. Then she hit the ground and everything went pitch black. 

Prinsesa Maria

Haloo royalties! Short chapter lang po ito, pero bukas habaan ko ang update proomisseeezzzz love you my royalaties!

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status