RED’S POV
T I N A N A W . . . ni Red ang pilit pa ring nangalaban na si Deo habang iginigiya ito ng mga sundalo papunta sa transport car ng ADFP. Ngunit dahil nakaposas ang mga kamay nito sa likod, ay wala din itong nagawa kung di ang tuluyang sumakay kasama ang mga tauhan nitong nadakip din.
“Speedy, transmitting. Red, do you copy?” sabi ng biglang nagsalita sa radyo niya.
Napahawak siya sa may bandang tenga niya para mas marinig ng malinaw ang mga sasabihin nito.
“This is Red. Ayos ka lang, Speedy?”
“Sir, bad news. Nabaril ang isa sa mga bata natin, kaya nakawala ang mga hapon. Reinforcement needed”
Napalingon siya sa direksyon kung saan naganap ang labanan kani-kanina lang.
“And the butterfly?”
“Negative. Tangay pa rin nila ang paru-paro”
“Sh*it!” napalakas niyang mura at agad na lumakad nang walang direksyon.
“Red transmitting! Uno, locate the butterfly and the mantis!!” utos niya sa pagitan ng mabibilis at mahahabang paghakbang, habang nagrere-load ng bala sa magasin ng caliber 45 niya.
“Checking...”
Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil sa halos patakbo na niyang lakad. Ngunit pinanatili niyang kalmado ang sarili.
“Found it! Butterfly and mantis heading to Dock 42! Approximate time before they reach the dock, three minutes!”
“Copy. Directions, Uno”, kalmado pa rin niyang sabi, habang ang kanina’y mabilis na lakad ay tuluyan niyang itinakbo.
“Turn right at 2 metres”
Sinunod niya naman ito.
“Left, 2 metres then keep going straight for another 2 metres, you’re nearly there Colonel”
Ikinasa niya ang baril at ihinanda ang sarili.
Doon naman may biglang umatake sa kanya at tinamaan siya ng sipa mula sa likuran. Nabitawan niya ang hawak niyang baril pero agad din siyang nakabawi. Sinagot niya rin ng isang high kick ang hapon sanhi para tumilapon ito.
“Uno! Ano ‘to? Di mo nakita?” paninita niya sa pinakabatang miyembro ng team niya, habang patuloy na pakikipagbuno sa kalaban.
“Sorry Sir, na-focus ako kay Miss Trinity”
Muli siyang sinugod ng suntok ng pangalawang hapon na dumating pero agad niyang naiwasan ‘yon.
“Ayusin mo! Asan na ang paru-paro?”
“1 minute and 30 seconds to dock!”
“Sh*t!”
Nasa pagitan siya ng pakikipagpalitan ng suntok nang dumating nina Hunter at Speedy. Agad nitong binira sa batok ang kalaban niya. Samantalang binigyan niya ng speeding high kick ang isa pa. Kapwa nagsi-bagsakan ang dalawa nilang kalaban.
“50 seconds, Colonel!” paalala ni Uno sa radyo nila.
Agad niyang dinampot ang baril niyang tumilapon nang atakehin siya ng mga hapon kanina, at mabilis na tinakbo ang direksyon itinuro ni Uno. Sumunod naman sa kanya sina Hunter at Speedy.
Hindi nagtagal ay nakita na nila ang papalayo nang mga kalaban. Kaya mas binilisan niya pa ang pagtakbo.
Ilang hakbang ang layo niya mula sa mga lalaking tumangay kay Trinity ay sinunggaban niya na ang mga ito ng sipa. Agad na gumulong ang dalawang may hawak sa dalaga, sanhi para mabitawan ng mga ito ang huli at masadlak sa simento. Nilapitan niya ang dalaga para siguruhing hindi ito nasaktan. May malay ito pero labis ang panghihina. Gayon pa man ay nagawa pa din nitong humikbi.
“Shh, it’s okay. I’m here now. You’ll be okay”, pang-aalo niya dito.
“Colonel!”
Paglingon niya sana sa tumawag ay agad siyang sinalubong ng malakas na bigwas sa mukha. Napadapa siya sa ibabaw ni Trinity. Tuluyang nawalan ng malay ang dalaga. Agad naman siyang nakabawi at patayong sinipa ang kalaban na sumuntok sa kanya. Susugod pa sana siya pero mabilis na tumakbo ang hapon kasunod ng mga kasama pa nito.
Nagkatinginan silang tatlo nina Hunter at Speedy sa pagtataka kung bakit bigla na lang nagsi-takbo ang mga ito.
“Retreat! Retreat!” maya maya ay narinig nilang sigaw ni Uno sa mga radyo nila.
“In coming Mantis reinforcement!!! Back to base! Back to base!”
Habang sinasabi nito iyon ay nakita nila ang paparating na lupon ng mga hapon. Kasunod n’on ay ang pagpapa-ulan ng mga ito ng bala sa kanila. Mabilis niyang binuhat sa likod niya si Trinity at kanya kanya silang tago sa likod ng mga container van.
Sinubukan niyang sumilip para tingnan ang sitwasyon pero agad siyang pinaputukan ng kalaban.
“Uno, gaano kami kalayo sa base?” humihingal niyang tanong.
“Approximately 20 metres, Colonel. Papunta na ang mga minions natin for backup. Pero kailangan n’yong lumayo mula d’yan. Mantis is aggressive pushing”
Nag-isip siya kung ano ang dapat nilang gawin. Gaya ng sabi ni Uno, papalapit sa kanila ang mga kalaban. Kaya hindi uubrang hindi sila kikilos palayo kung di ay magagapi sila.
Kinalkula niya ang layo ng dapat nilang takbuhin pati na ang bilis at dami ng kalaban na papalapit.
“Approximate time for backup to arrive?”
“3 minutes and 25 seconds, Colonel”
“Okay. Check for possible exits from my point”
“Checking...”
Mula sa pinagtataguan niya ay tanaw niya naman sina Hunte at Speedy na panaka-nakang nagpapaputok sa kalaban.
“Exit, 7 o’clock from your point, Colonel”
“Roger! Hunter! Speedy! We will move on 3. Keep a cover!”
“Roger, Sir!” panabay na sagot ng dalawa.
Gaya ng utos niya, nagbilang siya ng tatlo tsaka tumakbo habang pasan niya si Trinity, papunta sa direksyong itinuro ni Uno. Nakasunod naman ang dalawa niyang kasama sa likuran nIla at pinapaulanan ng bala ang mga kalaban para ligtas silang makatawid papunta sa exit.
Niratrat din sila ng bala ng mga hapon.
“Argh!”
Narinig niya ang tunog na likha ng pagtama ng bala kasabay ng pagdaing ng tinamaan.
Napalingon siya sa mga kasama.
“Hunter!” sigaw ni Speedy habang patuloy ang pagpapaputok kontra sa kabilang kampo.
Bumabagal ang pagtakbo nila sa gitna ng umuulang bala ng mga kaaway.
“A-Ayos lang ako, daplis lang. Move! Move!”
Halata sa boses at mukha ng ni Hunter ang iniinda nitong sakit mula sa tama ng bala. Nakita niya din ang pag-agos ng dugo mula sa kaliwa nitong balikat, ngunit patuloy pa din ito sa pagtakbo habang bumabaril.
“Malapit na kayo sa tropa! Keep going!” panghihikayat ni Uno sa kanila mula sa radyo.
Sa narinig ay mas lalo niyang binilisan ang takbo. Ramdam niya na ang sakit ng mga hita at braso niya. Napasigaw siya para mas lalong pilitin ang sariling magpatuloy.
Mayamaya pa ay kasalubong na nila ang sumusulong na batalyon ng ADFP na nagsimula na ding paputukan ang mga kalaban nilang hapon. Kahit paano ay nakahinga na siya ng maluwag.
Patuloy pa rin siyang tumakbo hanggang sa marating na nila ang safe zone. Sinalubong naman siya ni Uno kasama ang ilang Defense Force Paramedics. Maingat niyang ibinaba mula sa likuran niya si Trinity at isinakay ito sa stretcher.
“Colonel! Ayos ka lang?” tanong ni Uno.
“Ayos lang ako. Ikaw na ang bahala kay Trinity. Babalikan ko sina Hunter at ang tropa”,
“Okay Sir. Mag-iingat ka”,
Natigilan siya sa akmang pagbalik sa battlefield nang marinig niya ang pag-ungol ng dalaga. Mukhang nagkamalay na ito. Agad itong umiyak nang marahil ay marinig ang tunog ng putukan.
Dumukwang siya sa ibabaw ng stretcher para kunin ang atensyon nito.
“Shh, Trinity. It’s okay. It’s okay”, pang-aalo niya dito.
“You’re safe now. We are the Defense Force. It’s over, okay? Ligtas ka na”,
Naputol ang pagsasalita niya nang may biglang sumabog sa gawi kung saan nagaganap ang bakbakan.
“Sh*t!” napamura si Uno nang makita nila ang malaki at maitim na usok.
“This is Red transmitting, situation report”, sabi niya agad sa radyo.
“Man down! Man down!” sigaw ng kung sino sa radyo nila.
“F*ck!”
Mabilis siyang tumayo at inabot ang armalite gun mula sa isang sundalo. Kailan na niyang bumalik sa labanan para pangunahan ang mga tauhan niya. Nag-sukbit na rin siya ng ilan pang armas gaya ng mga baril na extra at granada.
“Uno, siguraduhin mong mabibigyan ng first aid si Trinity, tapos ay bumalik ka na sa pwesto mo, survey the scene at alamin mo kung ano ang mga armas ng kalaban”, ma-awtoridad niyang utos habang patuloy ang paghahanda para sa pagsabak sa bakbakan.
“Yes Sir!” sumaludo lang ang huli at agad na tumalima.
“This is Red transmitting. Makinig kayong lahat. We don’t need anyone alive mula sa mga lint*k na ‘yan! Shoot before they shoot you! Shoot them dead if you must and do not let them kill you, understand?!” nanggigigil na utos niya sa mga tauhan via radio transmitter.
Hindi siya makakapayag na malagasan sila nang dahil lang sa protocol na hulihin ang mga kriminal ng buhay.
Natapos siya sa paghahanda at akmang tatakbo na pabalik sa labanan ng may pumigil sa kamay niya. Nilingon niya ito.
“I-Ikaw si Red?” nanghihina at tila di makapaniwala na tanong ni Trinity.
Nakikinig pala ito sa kanya.
Hindi siya naka sagot agad. He knows he has a lot of explaining to do.
Halo! Halo! Maraming salamat po ulit sa mga patuloy na sumusuporta! Makapagpaliwanag kaya si Red kay Trinity? Tatanggapin naman kaya ni Trinity ang paliwanag ni Colonel kung bakit nito nagawa ang mga ginawa nito sa kanya??? ABANGGGGGAAANNNN!
“D A D D Y . . . please! Stop!” pagmamakaawa ni Trinity sa daddy niya na walang humpay ang pag palo sa kanya. She doesn't even know what made him angry. Naglalaro lang siya sa garden nang dumating ito at bigla na lang siya kaladkarin at pag papaluin ng baton nitong pamalo. Tinangka pa itong pigilan ng ilan sa mga kasambahay at bodyguards nila pero hindi ito nakinig. “Mayor, tama na ho, kawawa naman ‘yong bata”, wika ng mayordoma nila sa mansyon. “You stay away from this Roberta! Salot sa buhay ko ang batang ito!” sagot ng daddy niya at ipinagpatuloy ang walang humpay na paghataw nito ng baton sa kanya. . . . . “S T O P . . .Daddy…please stop—” “Trinity? TJ, hey!” Napabalikwas ng bangon si Trinity matapos magising mula sa isang masamang panaginip. Humahangos na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. Matagal na panahon na siyang hindi dinadalaw ng masasamang alaalang iyon ng pagkabata niya. Ibinaon na niya ang mga iyon sa limot. “Are you okay?” Noon niya nagawang li
TRINITY'S POVH I N D I . . . niya alam kung gaano siya katagal na nakatayo sa tapat ng malaki at mataas na gate ng mansyon nila. She still cannot believe that she is finally home. Ang buong akala niya talaga ay hindi na siya makakauwi doon kahit na kailan.“Let’s go inside?” mahinahong yaya ni Scarlet sa kanya.Pilit siyang ngumiti at tumango. Inakbayan siya nito at iginiya papasok sa bumukas na automatic gate nila. Naunang pumasok ang kotse ng tatay ni Scarlet. Nakiusap kasi siya kung pwede ba siyang bumaba bago sila pumasok ng gate, dahil gusto niyang pagmasdan iyon mula sa labas.Sa paghakbang niya papasok sa loob mismo ng mansyon, hindi na niya napigilan pa ang pagbasak ng mga luha. Iginala niya ang paningin sa kabuan ng maluwang at maaliwas nilang sala. She felt like she’s been gone forever. Dati-rati ay ayaw na ayaw niyang umuuwi doon dahil alam niya na magkakabangga na naman sila ng daddy niya. She hated this place. She even called it hell, rather than home. Pero ngayon, she
RED’S POV“N A K A A L I S . . . na? What do you mean nakaalis na?” hindi makapaniwala si Red sa narinig na sagot ng ADFP Paramedics nang puntahan niya sana si Trinity sa infirmary ng base.“Sinundo na po ng tito tsaka pinsan niya, Colonel”, “At pinayagan na silang umalis?”Tumango itong muli.“Did General Rodriguez consent the release? Hindi pa nakukunan ng statement ang biktima, why would you release her?” “Eh sinabi ko nga din po kay General, pero nagkausap na daw po sila ng tito ng biktima. Nagkasundo sila na abogado na lang ang kausapin natin”,He sighed in disbelief. Tinalikuran niya ang kausal para tawagan ang heneral.“Red?”“Salute, General. Nandito po ako ngayon sa infirmary, dadalawin ko sana si Trinity pero sabi ng medics ni-release n’yo na daw po?”For a second ay hindi niya alintana na heneral ang kausap niya. He was just frustrated to know na pinayagan nitong makaalis ang dalaga ng gano’n gano’n lang.Narinig niya ang pagbuntong hininga nito mula sa kabilang linya.“I
TRINITY’S POVT R I N I T Y . . . is walking on the very same corridor that she used to walk in, wearing the same style that she used to wear...meeting the same people that she used to see. Everything and everyone is the same as the last time she saw them...everyone, apart from her.Gaya ng dati, nakasuot pa din siya ng dark sunglasses. Pero hindi gaya ng dati, hindi na iyon bahagi ng kasuotan, kung di para itago ang tunay na pagbabago sa kanya. After that encounter with her father, she was reminded of how tough the world that she used to live in, is. And now, she is scared that this weakened version of her might not be able to withstand the chaos. Pero sabi nga nila, fake it till you make it. And that is all she has to do. She just needs to make people believe that she is still the same Trinity Santiago.“Hi Trinity...”“Good morning Trinity”“Hi Trinity! Welcome back!”Bawat daanan niya ay binabati siya. Bigla siyang naging balisa. Hindi naman siya basta basta binabati ng mga ito
TRINITY’S POV H I N D I . . . alam kung gaano siya katagal na nanatili sa loob ng cubicle. It has been ages since those girls had left the ladies room, pero hindi niya magawang lumabas. She felt frozen inside that tiny space. Kung maaari lang ay hindi na siya aalis doon hanggang sa mag-si-uwian ang lahat ng estudyante ng Queen of Apostles University. Pero pagkatapos ng mahabang pag-iisip ay naisip niyang tama si Scarlet. She just needs to keep going forward and forward, until she is far enough away from all the horrible things that had happened to her yesterday. Nagpasya siyang lumabas sa pinagtataguan niya. Pinagmasdan niya ang sarili sa malaking salamin. Bakas ang pamumugto ng mga mata niya, kaya muli siyang nagsuot ng dark sunglasses. As she walked towards the Queen's common room, she tried her best to remember who she was. Taas-noo siyang naglakad sa gitna ng corridor gaya ng dati. Papasok na sana siya sa common room ng sorority nila nang marinig niya ang tila pagtatalo s
RED’S POV“Y O U . . . what?!” parang kulog na dumagundong ang tinig ni General Rodriguez sa buong kabahayan. “I said, I submitted myself for trials at the Military Court Justice, on the grounds of committing unlawful act against a woman”, he confidently answered while keeping a straight face. Kita niya ang halo-halong galit, frustration at pagkalito sa mukha ng heneral. He stood there like a soldier at rest, habang nakapa-meywang itong nagpabalik-balik. “ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!” sigaw ulit nito. Sa labing siyam na taon na tumayo ito bilang ama niya, bilang na bilang niya sa daliri kung ilang beses pa lang siya nitong napagalitan. Madalas kasi ay tumatahimik lang ito o di kaya ay tinitingnan lang siya ng makahulugan para malaman niyang may mali siya. Dali-daling dumating ang Tita Vida niya nang marahil ay marinig ang malakas na boses ng asawa. “What’s going on here? Onyo? Abot hanggang kabilang kanto ang boses mo!” “Itong anak mo! Gumawa ng gulo!” tila nagsusumbong na sagot n
RED’S POV“W E . . . the jury of the Military Court Justice, in the case of Unlawful Act Towards Women, as filed by the defendant of the case himself, Colonel Juan Miguel Enriquez, find the defendant GUILTY, with the charge of Sexual Abuse, as a violation for Criminal Law Act of 1968, clause IV. GUILTY, with the charge of Misuse of Drugs Act 1965”,Nakatayo ng matuwid si Red sa harap ng hukom, habang binabasa ang hatol sa kanya ng Military Court Justice. Pinanatili niya ang tingin sa baba dahil ayaw niyang makita ang reaksyon ng mga nakapaligid sa kanya, lalo na ni General Rodriguez.Sa nakaraang tatlong linggo, mabusisi ang naging imbestigasyon at paglilitis sa kaso niya. Maka-ilang beses iminungkahi ng hukom na kunin ang panig ng biktima niya ngunit siya mismo ang tumatanggi. Inako
TRINITY’S POV H I N D I . . . alam ni Trinity kung gaano katagal na siyang nakaupo sa kama sa kwarto niya. Inihatid siya ni Scarlet pauwi after she insisted to her doctors na gusto na niyang ma-discharge. They were reluctant dahil maselan daw ang kalagayan niya and they need to run a few more tests. Pero nag pumilit siya. Nagsimula siyang magwala at hugutin ang swero pati na ang ibang aparatong nakakabit sa kanya, kaya sa huli ay pinayagan na lang din silang umuwi ng mga ito. Namamanhid ang buo niyang katawan. Hindi mawala-wala sa isip niya ang mga katagang binitawan ni Scarlet kanina. Trinity… you’re pregnant…you’re pregnant…you’re pregnant Parang sirang plakang paulit-ulit na nagpi-play iyon sa isip niya. All that sickened feeling, ang palagian niyang pagkahilo at pakiramdam na inaantok pero kapag nasa higaan na ay hindi naman makatulog. Lahat ng mood swings niya, ang bigla niyang pag-iyak, pagkainis sa mga simpleng bagay gaya ng pangit na fashion sense ng isang estudyanteng
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di