CHAPTER 12
COLLATERAL DAMAGE
M A I N G A T . . . at isa-isang na pinunasan ni Red ang magkakahiwalay na parte ng baril na ibinigay ni Deo sa kanya. Iyon kasi ang isa sa mga nakasanayan niyang gawin kapag hindi siya makatulog o di kaya’y nag-iisip.
Magdamag siyang hindi nakatulog sa matapos nilang magkausap ng group niya sa Special Force kagabi. Tungkol iyon sa nangyaring panlilinlang ni Deo sa kanila, pati na ang nalaman niyang impormasyon kay Yoda. Dalawang bagay ang mas naging malinaw sa kanya.
Una, sa makalawa ay magkakaroon ng siguradong transaksyon si Deo sa mga kliyente nito. Iyon ang pagkakataong pinakahihintay nila, ang mahuli ito sa akto ng pakikipagkalakalan ng ipinagbabawal na gamot at ilegal na armas.
Pangalawa, may masama itong pakay kay Trinity, na balak nitong isakatuparan mamayang gabi mismo.
He would have enough time to prepare for the buy bust operations, pero hindi niya alam kung paano niya ililigtas ang dalaga sa mapait na kapalarang naghihintay dito.
“Red, as keeper of peace, we do our best to save everyone from a burning building…pero hindi ibig sabihin n’on ay mailalabas natin silang walang galos. Minsan, we have to bare with the collateral damage to save the greater number”, naalala niyang paliwanag ni General Rodriguez sa kanya nang i-apila niya rito ang pagrescue kay Trinity ng mas maaga kaysa sa plano.
Oo, tama ang heneral. But this is Trinity. He has to do something.
“Ang aga mo ah”, ani Yoda na biglang lumabas sa kurtinang nakatabing sa pintuan ng kwarto nito.
Para kasi mas maging kapani-paniwala ang cover niya bilang pinsan nito, ay doon na siya tumira sa maliit na barong-barong na inuupahan nito. Bukod doon ay malapit lang din iyon sa apartment ni Deo kaya hindi na rin masama. Iisa lang ang nagsisilbing kwarto ng barong-barong, at dahil nakikisama lang siya, ay siya na lang ang nagpresintang maglatag ng folding bed sa maliit na sala.
Tinanguan niya lang ang huli tsaka itinuloy ang ginagawa. Mukhang kagigising lang nito dahil halos nakapikit pa ito at gulo-gulo ang buhok.
Dumiretso ito sa kusina na halos isa’t kalahating dipa lang ang layo sa sala.
“Teka, gising ka na ba o gising pa?”, maya-maya ay tanong ulit nito mula sa kusina. Isang dipa lang kasi ang distansya n’on mula sa sala kung nasaan siya kaya dinig din nila ang isa’t isa.
Sinimulan niyang i-assemble ang baril. Ang tunog na likha ng isa-isa niyang pagkabit ng mga parte niyon lang ang namayani ng ilang sandali. Ikinabit niya ang barrel niyon bilang huli.
“Pa”, tipid niyang sagot tsaka sinipat kung tuwid ba ang pagkakabalik niya ng mga parte.
Nang makuntento ay tumayo na siya at isinuksok iyon sa likuran ng pantalon niya.
“Me pan de sal d’yan. Kumain ka na, mauuna na ako”, aniya.
“T-Teka lang! S-Saan ka pupunta ng ganito kaaga???”, gulat na tanong nito.
Hindi niya ito sinagot at nagpatuloy siya sa paghahanda sa pag-alis.
“Atat naman ‘to, teka saglit, sama ‘ko! Payb minutes, wiwisik lang ako!” nagmamadali nitong sabi sa pagitan ng pagnguya ng pandesal. Mabilis itong uminom ng tubig tsaka kumaripas ng takbo papasok sa kwarto nito. Hindi nagtagal ay muli itong lumabas bitbit ang tuwalya at halos madapa-dapang tumakbo papasok sa banyo.
Nailing na lang siya sa nasaksihang pagkukumahog ng pinsan niyang hilaw. Nagpasya siyang magtimpla na lang ng kape at lumabas. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para lumabas at tawagan ang isa sa mga kasamahan niya.
“Hunter”,aniya sa mahinang boses.
“Sir”
“Nakausap mo ba si General Rodriguez? Any update?”
“Yes Sir, actually kakatapos lang ng pag-uusap namin bago kayo tumawag”
Pasimple niyang nilingon ang pinto para siguruhing wala na si Yoda tsaka bahagya pang lumayo.
“Report”, simple nilang sabi habang nagmamasid sa paligid.
“Gustong malaman ni General ang eksaktong lugar at oras ng transaksyon para ma-mobilize ang Marines at Air force sa area”,
“Copy”, sabi niya na lang tsaka tinapos ang tawag.
“Red? Sino kausap mo?”, biglang nagsalita si Yoda kaya gulat na napalingon siya rito.
“Kausap? Ako?”, pagmamaang-maangan niya.
“Narinig ko parang may kausap ka”, anito habang lumilinga-linga sa paligid.
Pasimple niyang itinago ang cellphone.
“Tsk, o, kape, tulog ka pa ata at nananaginip ka pa eh”, idinaan niya na lang sa biro ang pagkakaila sabay abot ng hawak niyang tasa ng kape.
Inabot naman nito iyon at diretsong hinigop.
Hangga’t maaari kasi ay mas gusto niyang wala itong alam sa detalye ng mga plano nila. Mas mabuti nang kaunti ang alam nito para mas maliit ang tsansa na mapahamak ito.
“Lumakad na tayo pagkatapos mo n’yan”, aniya dito tsaka pumasok para kunin ang iba niyang mga gamit.
Pagkalipas ng halos limang minuto lamang ay umalis na sila.
“Colonel”, maya-maya ay bulong ni Yoda na nakaagapay sa kanya.
Kunot ang noo niya itong nilingon tsaka mabilis na inilibot ang tingin sa paligid. Mahirap na, baka may makarinig sa kanila.
Mukhang naintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin at pasimpleng tinakpan ang sariling bibig. Muli niyang itinuon ang pansin sa nilalakaran.
“Anong plano mo?”, maya-maya ay tanong nito.
“Anong plano?”,
“Kay baby mo”, kaswal na kaswal nitong sagot.
Napahinto siya at tsaka ito hinarap.
“Akala ko ba sabi mo kahapon ‘wag akong gagawa ng kahit na anong ikakapahamak natin”,
“Oo nga!”
“O, eh anong plano, plano ang sinasabi mo d’yan?”
“A-Ah, e-eh...”, anito sabay kamot ng ulo.
Napailing na lang siya tsaka muling lumakad.
“Uy! Teka lang! Hintayin mo naman ako! Tinatanong lang eh!”,
Pero imbes na tumalima ay mas lalo niyang binilisan ang mga hakbang.
“Hoy! Insan! Ang KJ mo talaga! Uy!”, sigaw pa nito mula sa likuran niya pero hindi na niya ito nilingon pa.
Nang marating niya ang harapan ng apartment ni Deo ay huminto siya at saglit na pinagmasdan ang kabuuan niyon sa labas. The real battle will now begin.
Maya-maya ay dumating na din si Yoda. Mukhang hingal na hingal ito at humawak pa sa balikat niya para suportahan ang sarili.
“Insan, ba’t mo naman ako iniwan?”, anito sa pagitan ng paghahabol ng hininga.
Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay nauna siyang muli na humakbang papasok sa apartment.
“Red! Uy! ‘ta mo ‘tong taong ‘to, uy!”, muli nitong tawag sa kanya pero tuloy-tuloy na siyang pumasok sa bang house.
Halos sabay-sabay na tumutok sa kanya ang lahat ng pares ng mata ng mga inabutan niya sa sala.
Sa normal na araw, alas otso nang umaga siya pumapasok at mabibilang sa daliri ang taong inaabutan niya. Pero ngayon, halos mag-aalas sais pa lang ay puno na ang bulwagan.
Hindi siya nakatanggap ng kahit na anong mensahe na may pagtitipon ngayon. Patunay doon ang pagdaan ng gulat sa mga mata ng naroon.
“Red, Red, Red... tatawagan na nga dapat kita. Mabuti naman at nandito ka na!”, animo’y galak na galak na sabi ni Deo. Inilahad pa nito ng magkabilang kamay na para bang yayakapin pa siya kahit na alam niya namang peke ang lahat ng iyon.
Tuluyan siyang niyakap ng huli ngunit nanatili siyang naka-estatwa habang nakikiramdam sa paligid niya.
“Relax! Masyado ka yatang tensed!”, pabirong turan pa nito sabay tapik sa balikat niya.
Everything seems odd. Mula sa maagang pagpasok ng mga tauhan nito, hanggang sa tila galak na galak nitong pagbati sa kanya. Alam niya kung ano ang plano nito kay Trinity at alam niyang ngayon araw nito iyon balak isakatuparan. Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit hindi sila nito sinabihan ni Yoda tungkol doon.
“Anyway! Gaya nga ng sabi ko, dapat talaga ay tatawagan na kita kanina. Para sana sabihin sa’yo ang napagdesisyonan ko kagabi”, sabik nitong dagdag na wari bang mag-aannounce ito ng panalo sa lotto.
“Nakikita mo naman, ipinatawag ko ang lahat ng ganito kaaga. At dalawa lang ang rason kapag nagpapatawag ako ng mga ganito kaagang pagtitipo. Una, kapag may atraso sa ‘kin”, anito sabay tingin sa kanya.
Nakipagtagisan siya ng titig dito pero ito din ang unang nagbawi ng tingin.
“Pero siyempre hindi ‘yon ang rason ngayon dahil sigurado naman akong walang mangangahas sa inyong tumarantado sa’kin dito, di ba Yoda?”, sabi pa nito sabay baling naman sa kasama niya. Napadilat ang huli sa gulat, ngunit sunod-sunod din itong tumango.
“Good! At ang pangalawang rason, na siyang rason kung bakit ko kayo pinatawag…. Fiestaaaaa!!!”, buong galak nitong sabi na sinundan ng hiyawan ng mga naroon.
Kasabay niyon ang pakaladkad na paglabas ng dalawa sa mga tauhan nito kay Trinity. Nakapiring ang mga mata, nakagapos sa likod ang mga kamay at nakabusal pa rin ang bibig ng dalaga habang kinakaladkad ito sa braso.
“‘Eto na pala ang lechoooonnn!!!”, malakas na komento ng isa sa mga lalaki roon na sinundan ng tawanan.
Nagkatinginan sila ni Yoda.
Maya-maya ay inakbayan siya ni Deo.
“Ano? Ready ka na?”, bulong nito sa kanya.
“Ha?”, napalingon siya rito sa gulat.
Tumango ito sa direksyon kung saan naroon ang dalaga.
“Bilang ikaw ang pinakabago dito, ito na pa-welcome ko sa’yo…”
“S-Si Miss Byutipul, Boss?”, singit ni Yoda.
“Yes! Si Red na ang pauunahin ko bago ang iba…”
Nagkatinginan sila ng pinsan niyang hilaw.
“Ito kasing si Geronimo, hindi mapalagay eh… hindi raw mawala sa isip niyang tinatraydor mo ‘ko ako, Red. Syempre alam ko namang hindi ka bobo para gawin ‘yon sa’kin di ba?”, sarkastiko nitong dagdag tsaka lalong hinigpitan ang pagkakaakbay sa kanya.
Pilit siyang ngumiti tsaka tinapunan ng tingin si Geronimo na matamang nakamasid sa kanya. Of course, after all that happened, it is only right na pagdudahan siya ng mga ito.
“Syempre naman Boss. Alam mo naman kung bakit ako nandito di ba?”, sagot niya with much confidence.
“Syempre alam ko ‘yon! Pero ayoko lang ng may mga ganitong hindi pagkakaintindihan sa atin. Alam mo namang importante ‘yon sa trabaho nating ‘to, di ba?”
Pilit pa rin ang ngiti siyang tumango.
Sinenyasan nito ang dalawang lalaking may hawak kay Trinity, na basta lang inihagis ang dalaga papunta sa gawi niya. Mabuti na lang at maagap niyang itong nasalo, kung hindi ay siguradong susubsob ito sa sahig.
Hindi naitago ng piring sa mata ang takot sa mukha nito. Nanginginig ito habang umiiyak at nagmamakaawang pakawalan na siya. Kusang napahigpit ang hawak niya sa mga braso nito habang inaalalayan niya itong tumayo ng maayos.
“Please help me…”, narinig niyang bulong ng dalaga . She sounded so desperate that he almost forgot about his mission again.
“Patunayan mo sa harap ng mga kasamahan natin, lalo na sa akin, na ‘sa akin’ ka, Red”, seryosong sabi ni Deo sa kanya.
“Boooyysss???!”, pasigaw na tawag nito sa mga tauhan.
Agad dumating ang apat na lalaki, dala-dala ang isang malaki at mahabang lamesa. Yari iyon sa kahoy, na diretsong inilapag ng mga lalaki sa gitna mismo ng bulwagan. Pagkatapos ay walang sabi-sabing hinila si Trinity mula sa kanya at kinaladkad papunta sa lamesa.
“Wait—Nooo!!! Let me go!!!”, ibayong protesta ng huli.
Napakabilis ng mga pangyayari. Bago pa siya makapag-react ay namalayan niya na lang na iginagapos na ng mga lalaki ang mga kamay at paa ng dalaga sa apat na sulok ng lamesa.
“Pwede ka nang magsimula”, baling ni Deo sa kanya na may mapanganib na ngiti.
Napamulagat siya.
“D-Dito???”
“Oo”, tumatango pa nitong sagot.
Iginala niya ang paningin sa mga tauhan nitong sa kanya din nakatutok ang atensyon. “Kapag hindi mo ako sinunod, iisipin kong tama si Geronimo….na binalak mo nga akong sabotahehin at espiya ka ng kabila”, dagdag pa nito.
Napalunok siya.
C’mon Red, think!, aniya sa isip.
“Ayaw mo?”, tanong ni Deo.
Nang hindi siya umimik ay nilingon nito ang isa sa mga lalaking nakatayo malapit sa lamesa. Walang ano-ano’y marahas na hinablot ng lalaki ang taas na bahagi ng damit ng dalaga, sanhi para mapunit iyon at humantad ang bahagi ng dibdib nito.
“NOOOOOOOO!!!! Pleaaaaaase!”, pagmamakaawa ni Trinity sa gitna ng hiyawan ng mga tauhan ni Deo.
“Last chance Red! Kung ayaw mo, kanina pa naglalaway itong mga aso kong ulol!”, nakangising baling sa kanya ng kalbong lider.
Ikinumpas nito ang isang kamay at tuluyang sinira ng lalaki ang bestida ng dalaga, leaving her only wearing her undergarments.
“Please! Stop!!!”, sigaw mula ng dalaga.
Lalong lumakas ang hiyawan ng mga lalaki sa munting palabas na nagaganap. Kita niya sa mga mata nito ang pagkasabik habang hindi inaalis ang mga mata sa kahubaran ng babaeng bihag nila.
Muli siyang napalunok habang nag-iisip ng malalim.
“Insan…”, bulong ni Yoda sa kanya na tila nag-aalala na din.
“Ayaw mo talaga ah—”
“Wait!”, pasigaw niyang pigil sa akmang pagbibigay na naman ni Deo ng utos sa mga tauhan nito.
Nakangiti itong bumaling sa kanya.
“Gagawin ko. Dito mismo, at kung paano mo gusto”, aniya.
“That’s my boy!!!”, galak na tugon nito na umaktong aakbayan siyang muli pero agad ding natigilan ng magsalita ulit siya.
“Pero sa isang kondisyon…ako lang ang gagalaw”, dagdag niya.
Tila napaisip din ito at pinakatitigan siya ng matagal.
“Geronimo!!!”, maya-maya ay sigaw nito nang hindi inaalis sa kanya ang tingin.
Agad namang lumapit ang huli.
“Dalhin mo mga babae dito..iyong magaling kumabayo ah! Put*ng ina alangan namang magbabayad na ako, ako pa mapapagod!”,
Tumango lang ang huli at agad nang umalis. Samantalang tinawid naman ni Deo ang distasya sa pagitan nila.
“Pasalamat ka good mood ako ngayon Red. Papayag akong iyo lang si Tisay, pero kapag tumigil ka bago ako tumumba, ipapalapa ko ‘yang buto mo sa mga naglalaway na aso”,
Hindi siya sumagot. Nakuha na niya ang ibig nitong sabihin. Tumalikod na ito at diretsong pumasok sa silid kung saan ito naglalagi.
“Insan…ano nang mangyayari ngayon? Pagsasamantalahan mo nga si Miss Byutipul?”, agad na bulong ni Yoda sa kanya nang makalayo si Deo sa kanila.
“I have to. Wala akong pagpipilian…”
(SPG ALERT!) TRINITY’S POV N E V E R . . . in her entire eighteen years of existence, did Trinity ever imagined na mangyayari sa kanya ang lahat ng pinagdaraanan niya ngayon. She had always had tight a security. And Xtasis is the same. Kaya hindi niya maintindihan kung paanong na-kidnap siya habang nasa loob mismo ng exclusive pool bar, where she would normally hang out and nothing every happened. She hates uncertainties. Wala sa personalidad niya ng tumaya sa mga bagay at pagkakataong walang kasiguraduhan. But with the situation that she is in right now, not only she was filled with vagueness, but also with fear…lots of it. “Ano na Reeeeed?!” narinig niyang sigaw ng isang tinig. Magmula nang magkamalay siya, matapos siyang madukot, ay nakapiring na ang kanyang mga mata. All she sees is darkness. Ni wala siyang ideya kung gaano katagal na siyang bihag ng mga ito. Naramdaman niya ang paglapit isang bulto sa tabi niya. Hindi niya mapigilan ang mapaiyak. “Please…don’t”, she ple
RED’S POV “H A Y U P . . . ka”, narinig ni Red na mahinang sabi ni Trinity. Nakapatong pa rin siya dito dahil sa panghihinang nararamdaman matapos ang madugong bakbakan. Kahit na hindi niya tingnan, alam niyang may madugong kaganapan sa bandang baba ng dalaga. He felt it when he entered her the first time, the barrier that would prove that apart from him, no one has ever been there. Knowing that fact just made him far more guilty than he already is.Sigurado siyang ni sa hinagap ay hindi nito inisip na sa ganoong paraan ito magkakaroon ng unang karanasan. Well, too late to regret now Red. You already ruined her, paninisi niya sa sarili. Naiyukom niya ang kamao sa poot. Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakadagan dito tsaka diretsong bumaba sa lamesa at inayos ang sarili. Dinampot niya tshirt niyang basta niya ihinagis kung saan kanina tsaka itinabing iyon sa nakahantad na kahubaran ng dalaga. Pumapalakpak na lumapit si Deo sa kanya habang may nakakalokong ngiti. “Red, Red, Red
SPG ALERT! TRINITY’S POV S A . . . dinami-rami ng maaari niyang maisip, hindi alam ni Trinity kung bakit bigla niyang naisip ang mga magulang niya. She cannot help but wonder whether her parents are even bothered by the fact that she was abducted. Ipinapahayag man lang kaya siya ng mga ito? Nag-aalala din kaya ang mga ito? Then she thought of the last conversation she had with her dad. FLASHBACK: “Habang tumatagal ay mas lalo kang nagiging walang modong bata ka!”, her father screamed. “Like father like daughter”, nakataas ang kilay niyang sagot. “Wala akong anak na katulad mo! Bobo na wala pang modo! Di ka man lang gumaya sa ate mo!” END OF FLASHBACK: No. There is no way na ipapahanap pa siya ng daddy niya. Baka nga mas masaya pa ito kung hindi na siya makakabalik. The thought made her heart sank. She is there, laying naked after being used in the most obnoxious way possible, not knowing what tomorrow has for her. Ang buong akala niya ay tapos na ang paghihirap niya nang ma
(RED’S POV) N A N A K I T . . . ang buong katawan ni Red nang magising siya. Napahawak siya sa noo nang maramdaman ang tila pumipintig na sakit rin ng ulo nadala nang bigla niyang pagbangon. “Colonel! Sa wakas!” malakas na tawag ni Yoda sa kanya at agad siyang nilapitan. Kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. “A-Anong nangyari? A-Asan si Trinity?” wala sa loob niyang tanong habang iginagala ang paningin sa silid kung saan siya naroon. Napagtanto niyang nasa kwarto siya ng huli. “Hindi mo na naaalala?” tanong nito. Napakunot siya noo. Wala pa talaga yata siya sa sarili dahil blangko ang isip niya. “N-Naalala ang alin?”, tanong niya din tsaka muling napapikit dahil sa lumalakas na pintig ng pulso sa sentido niya. “Hala! Nagka-amnesia ka na yata, Colonel!” nagtatarantang tugon nito. “Teka nga…Lieutenant! Lieutenant!” pa-sigaw nitong tawag sa kung sino sabay umaktong tatayo para lumabas pero pinigil niya ito sa braso. “Sinong tinatawag mo? S-Sinong Lieutenant? A-Anong…”
RED’S POV N A G K A T I N G I N A N . . . sila ni Yoda nang pumasok ang van na sinasakyan nila sa entrance ng Manila North Port. Naka-convoy sila sa tatlo pang sasakyan kung saan naman nakasakay sina Deo at iba pang tauhan nito. Kasama nila sa van si Trinity at dalawa pang alagad ni Deo. Pasimple niyang sinulyapan ang mga ‘hotspots’ kung tawagin nila. Doon nakatago at naghihintay ng senyales para sumalakay ang mga kawani ng ADFP. Ilang sandali na lang ay magkakaalaman na kung kaninong pangkat ang mananaig. Kumpiyansa siyang mananalo sila, pero gusto niyang maging handa para sa lahat ng posibleng mangyari. Hangga’’t maaari sana, ay ayaw niyang may masasaktan sa grupo nila. Pero alam niyang kasama ang panganib na iyon sa tungkuling sinumpaan nila. Malayo pa ay tanaw na nila ang grupo na nakatayo at naghihintay sa kanila. Huminto ang mga sasakyan nila ilang metro lang ang layo sa mga ito. Mukhang ito na nga ang mga kliyenteng hapon na sinasabi ni Deo. Naunang bumaba ang huli, pati
RED’S POV T I N A N A W . . . ni Red ang pilit pa ring nangalaban na si Deo habang iginigiya ito ng mga sundalo papunta sa transport car ng ADFP. Ngunit dahil nakaposas ang mga kamay nito sa likod, ay wala din itong nagawa kung di ang tuluyang sumakay kasama ang mga tauhan nitong nadakip din. “Speedy, transmitting. Red, do you copy?” sabi ng biglang nagsalita sa radyo niya. Napahawak siya sa may bandang tenga niya para mas marinig ng malinaw ang mga sasabihin nito. “This is Red. Ayos ka lang, Speedy?” “Sir, bad news. Nabaril ang isa sa mga bata natin, kaya nakawala ang mga hapon. Reinforcement needed” Napalingon siya sa direksyon kung saan naganap ang labanan kani-kanina lang. “And the butterfly?” “Negative. Tangay pa rin nila ang paru-paro” “Sh*it!” napalakas niyang mura at agad na lumakad nang walang direksyon. “Red transmitting! Uno, locate the butterfly and the mantis!!” utos niya sa pagitan ng mabibilis at mahahabang paghakbang, habang nagrere-load ng bala sa magasin n
“D A D D Y . . . please! Stop!” pagmamakaawa ni Trinity sa daddy niya na walang humpay ang pag palo sa kanya. She doesn't even know what made him angry. Naglalaro lang siya sa garden nang dumating ito at bigla na lang siya kaladkarin at pag papaluin ng baton nitong pamalo. Tinangka pa itong pigilan ng ilan sa mga kasambahay at bodyguards nila pero hindi ito nakinig. “Mayor, tama na ho, kawawa naman ‘yong bata”, wika ng mayordoma nila sa mansyon. “You stay away from this Roberta! Salot sa buhay ko ang batang ito!” sagot ng daddy niya at ipinagpatuloy ang walang humpay na paghataw nito ng baton sa kanya. . . . . “S T O P . . .Daddy…please stop—” “Trinity? TJ, hey!” Napabalikwas ng bangon si Trinity matapos magising mula sa isang masamang panaginip. Humahangos na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. Matagal na panahon na siyang hindi dinadalaw ng masasamang alaalang iyon ng pagkabata niya. Ibinaon na niya ang mga iyon sa limot. “Are you okay?” Noon niya nagawang li
TRINITY'S POVH I N D I . . . niya alam kung gaano siya katagal na nakatayo sa tapat ng malaki at mataas na gate ng mansyon nila. She still cannot believe that she is finally home. Ang buong akala niya talaga ay hindi na siya makakauwi doon kahit na kailan.“Let’s go inside?” mahinahong yaya ni Scarlet sa kanya.Pilit siyang ngumiti at tumango. Inakbayan siya nito at iginiya papasok sa bumukas na automatic gate nila. Naunang pumasok ang kotse ng tatay ni Scarlet. Nakiusap kasi siya kung pwede ba siyang bumaba bago sila pumasok ng gate, dahil gusto niyang pagmasdan iyon mula sa labas.Sa paghakbang niya papasok sa loob mismo ng mansyon, hindi na niya napigilan pa ang pagbasak ng mga luha. Iginala niya ang paningin sa kabuan ng maluwang at maaliwas nilang sala. She felt like she’s been gone forever. Dati-rati ay ayaw na ayaw niyang umuuwi doon dahil alam niya na magkakabangga na naman sila ng daddy niya. She hated this place. She even called it hell, rather than home. Pero ngayon, she
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di