“S A B I H I N . . . n’yo sa’kin paanong nangyari na may mga parak doon?!!!”
Ang dumadagundong na boses ni Deo ang inabutan ni Red pagpasok niya sa sala ng bang house ng grupo. Nagtitipon-tipon ang mga ito at mukhang galit na galit na naman ang huli.
Pasimple siyang tumabi kay Yoda at tinapik ito sa braso.
“Anong meron?” bulong niya.
Sinenyasan siya nito na lumapit pa ng husto kaya gano’n nga ang ginawa niya.
“Nakita si Boss na mga alagad ng kabila doon sa loob kagabi”, sagot nito na may nagpapaunawang tingin sa kanya.
“Nabaril ‘ata ni Boss ‘yung isa kaya naitawid ‘yong kagabi”, dagdag pa nito.
Napatingin siya kay Deo. Animo itong isang naggagalit na toro na handang manuwag anumang oras. Kagabi niya pa iniisip kung ano ang ibig nitong sabihin na ‘tagumpay’ nag plano nito, gayung ayon kay Hunter niya ay mission accomplished din sila. Hindi pa kasi sila nagkakausap ng mga kasamahan niya magmula kagabi dahil nag-iingat muna siya. Lalo na’t mainit siya sa mata ni Deo ngayon.
“Yoda”, pabulong ulit niyang tawag sa pinsan-pinsanan niya.
“Anong ibig mong sabihin na ‘naitawid ‘yong kagabi’?”
Pumalatak ito at akmang sasagot na nang bigla silang tawagin ni Deo.
“Yoda! Red!”
“Boss!” gulat na sagot ng katabi niya. Nanatili siyang tahimik dahil sa pagkalito.
“P*tang’na n’yong dalawa, bumawi kayo sa’kin ngayon!” sigaw pa nito sabay turo sa kanila.
“Yes, boss! Sabihin mo lang”, si Yoda ulit ang sumagot sabay tapik sa kanya dahil hindi pa rin siya nagsasalita.
“Puntahan n’yo ‘yong bisita natin! Bantayan niyong mabuti!”
“Sige po boss!”
“P*tang *na, baka naman pati ‘yon di n’yo pa magawa ng tama ah! Puputulin ko talaga ‘yang mga ut*n n’yo mga p*ny*ta!”
Tumango lang si Yoda tsaka siya hinila paalis sa kumpulan. Hindi naman siya nagprotesta at hinayaang hilahin siya nito hanggang sa marating nila ang maliit na pasilyo na kumo-konekta sa extension ng apartment sa likod..
“Pst, Yoda”, pabulong niyang tawag dito habang panaka-nakang lumilingon sa likuran niya para siguraduhin walang nakasunod sa kaniya.
“O?” anito habang tuloy-tuloy lang sa paglakad.
“Yoda!” bahagya niyang diniinan ang pagtawag dito bagaman pabulong pa rin.
“Ooo???” inis nitong sagot nang sa wakas ay huminto ito at nilingon siya.
“Ano ‘ka ko ang ibig mong sabihin d’on sa naitawid ‘yong kagabi?”
Tinitigan siya nito saglit tsaka pumalatak.
“Haisstt..tara nga dito!” anito sabay hila ulit sa kanya.
“Bakit?”
“Bilisan mo!”
Hindi nagtagal ay huminto sila sa tapat ng isang pinto sa dulo ng pasilyo. Lumingon muna si Yoda sa pinanggalingan nila bago nagsalita sa mahinang boses.
“Di ba una pa lang, pinapasundan na ni boss si Scarlet sa ‘tin?”
Tumango siya.
“Kaya buong akala natin si Scarlet nga ang target ni boss, di ba?”
Napakunot naman siya ng noo sa pagkalito.
“Hindi ba?”
“Tang---“, pinigil nito ang sarili mula malakas sanang pagmura, bagkus ay pinalo siya nito sa balikat tsaka sunod-sunod na umiling. Lalong kumunot ang noo niya.
“Eh sino?” tanong niyang muli.
Muli itong lumingon para siguraduhing walang nakasunod sa kanila tsaka nagmamadaling isinuksok ang dala nitong susi sa pinto. Nilingon siya nito tsaka dahan-dahan pinihit ang sedura ng pinto.
Sinalubong sila ng dilim. Narinig niya ang pagclick ng switch kasabay nang pagsindi ng malamlam na ilaw. Para iyong mga lamparang ginagamit sa mga tagpo sa pelikula kung saan may tinotorture, kulay dilaw, nakabitin at gumagalaw-galaw. Sa ilalim niyon ay nag-iisang kahoy na upuan kung saan may babaeng nakaupo Nakapiring ito at may busal ang bibig, habang nakagapos ang mga kamay at paa. Base sa pagkakadukdok nito ay mukhang wala itong malay.
Takang napatingin siya kay Yoda, na may hindi niya mawaring emosyon ding nakatingin sa kanya.
“Sino ‘to?”,tanong niya.
Hindi ito sumagot. Bagkus ay nagpawala ito ng buntong-hininga at nalaglag ang mga balikat.
Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa babaeng nakagapos.
At nang ganap siyang makalapit ay doon niya nakita ang mukha nitong halos natatakpan ng gulo-gulo nitong buhok. Pakiramdam niya ay sinipa siya sa dibdib nang mapagsino iyon
Awtomatiko siyang napatingin kay Yoda, na muling nagpakawala ng buntong-hininga.
Kahit natatakpan ng piring ang mga mata ng babae ay hindi siya maaring magkamali. Si Trinity ang babaeng nakagapos na iyon!
Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang mga pasa nito sa braso at pisngi. Pati gilid ng labi nito ay duguan tanda na ilang beses itong sinaktan.
Napayukom siya ng kamao sa ideyang sinaktan ito.
“Paano?” iyong ang tangi niyang naisatinig sa pagitan ng nagtatagis niyang mga bagang.
“Shh”, tahimik na wika ni Yoda tsaka pasimpleng tumingin sa gawing kanan niya, sa taas at muli ring ibinalik sa kanya ang tingin.
Doon niya nakita ang isang maliit na kulay pulang ilaw.
CCTV, sa isip niya.
Maya-maya ay tumalikod ito at dumiretso sa maliit na banyo doon. Ilang saglit pa’y nakarinig siya ng lumalagaslas na tubig. Naunawaan niyang ginawa nito iyon para ikubli ang magiging pag-uusap nila.
Diretso itong naupo sa may lumang bench sa gilid tsaka naglabas ng yosi at sinindihan iyon.
“Si Trinity pala talaga ang target ni Boss”, tila nanlulumo rin nitong sabi sabay hithit ng sigarilyo.
“P-Pero… bakit si Scarlet ang pinasundan sa’tin kung gano’n?”
“Sinusubukan ka lang ni Boss”
“Kung?”
“Kung sa kanya ka ba o espiya ka”
Saglit silang nagkatitigan. Nag-iwas ito ng tingin sabay hithit ng yosi.
“Alam mo?” tanong niya.
Umiling ito sabay buga ng usok.
“Sina Geronimo at Egan lang ang may alam”
“Kaya sila nando’n n’ong unang araw na sundan natin si Scarlet?”
Tumango naman ito.
Pinigil niya ang sariling mapamura sa nalaman. Nagpabalik-balik siya ng lakad dahil sa frustration. Hindi siya makapaniwalang siya, si Colonel Juan Miguel Enriquez, na kilala sa pagiging metikuloso at matinik, ay naisahan ng isang Deo Dysangco na isang kriminal.
Muli niyang sinulyapan si Trinity at ang kalunos-lunos nitong sinapit. This was all his fault! Kung sana ay naging mas matalas siya, sana ay nailigtas niya ang dalaga.
F*ck! Lihim niyang mura.
Maya-maya ay umungol ang dalaga. Mukhang nagkakamalay na ito. Agad itong nagpumiglas kasabay ng paghikbi sa pagitan ng busal sa nito sa bibig.
Ang makakahalong guilt, galit at awa marahil ang dahil kaya nawala siya sa sarili at sinubukan niyang tanggalin ang piring nito.
“Red!” mariing pagtutol ni Yoda sanhi para matigilan siya.
Mariin niyang naiyukom ang kamao.
Tumayo ito at inapakan ang halos upos nang sigarilyo tsaka lumapit sa kanya.
“Huwag mong kakalimutan kung sino ka at kung bakit ka nandito”,
“Hmmp mmmpp pmmmm!”
Abot ang pagpupumiglas ni Trinity kaya’t muli siyang napatingin dito.
“Nakalimutan mo ba ang ipinunta mo rito? Ilalagay mo sa alanganin ang mga kasama mo? Para saan? Para sa babae? Alalahanin mo Red, buhay mo, buhay ko, buhay ng kapatid ko at pati ng mga kasamahan mo ang nakataya rito”, pagpapaalala nito.
Para siyang hinampas ng bato sa sinabi nito.
Tama ito. Hindi siya ganito. He has always been the ‘think before you act’ kind of person. Hindi pa nangyari sa kanya na mapangunahan ng emosyon, lalo na pagdating sa trabaho.
Kahit na labag sa kalooban niya ay marahan siyang tumango at pilit na kinalma ang sarili. “Hmmmp mmmmp!”
Biglang bumukas ng malakas pinto kaya sabay silang napalingon ni Yoda. Iniluwa niyon ang dalawang tauhan ni Deo. Ang isa ay may hawak na armalite gun habang isa naman ay may hawak na tray ng pagkain at tubig.
“Pakainin niyo raw sabi ni Boss, kagabi pa walang kain ‘yan” wika ng may hawak ng tray Yoda.
Agad din namang lumabas ang dalawa pagkaabot nito ng tray kay Yoda, na mabilis ding ipinasa sa kanya ng huli.
“Red, ikaw muna bahala dito, me kakausapin lang ako sandali , ha?”, nagmamadali nitong sabi tsaka mabilis pa sa alas kwatrong sinundan ang dalawang lalaking kalalabas lang ng silid.
Muli niyang narinig ang paghikbi ni Trinity kaya agad niya itong nilapitan.
Tumalungko siya sa harapan nito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang busal nito sa bibig kaya’t ang kanina’y hikbi ay naging malakas na bulahaw ng iyak.
“Please let me go!!! Please help me!!! I’ll give you anything you want!”, pagsusumamo nito.
Napabuntong hininga na lang siya. Hindi pa man din siya nagsuot ng kahit na anong wireless device ngayon dahil inaasahan niyang kukultahin siya ni Deo, kaya hindi niya magawang makipag-communicate sa mga kasamahan niya.
“Please! Please! Please! Pakawalan niyo na ako!!! Name your price, mayaman ang daddy ko, he’ll give you anything you ask, just please let me go!!!”
Muli siyang nagpakawala ng marahas na hangin. In his twenty-six years of life, eight years of which, he spent in the military, ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding kagustuhan na umakto ng salungat utos sa kanya. Of course alam niyang tama si Yoda. Kung siya man ang nasa posisyon nito at magkaroon ako ng kasamang unreliable at unstable, ay magagalit at makakapagsalita din siya ng gano’n.
“Kumain ka na muna”, sabi na lang niya tsaka sinubukan itong subuan.
“No!!!” mariin nitong pagtanggi sabay marahas na iniiwas ang mukha.
Hindi niya mabilang kung ilang buntong hininga na ang pinakawalan niya. Wala naman siyang ibang magagawa sa ngayon kundi ang pilitin itong kumain man lang kahit kaunti. Kaya naman muli niyang sinubukang ilapit ang kutsarang may pagkain sa bibig nito.
“Sige na Trinity” pinilit niyang mas maging mahinahon.
“Wait... it’s you right?” bigla nitong sabi at saglit na natigil sa pag-iyak.
Maging siya ay natigilan.
“Yes! It’s you! You tried to help me last night, right?”
Para itong biglang nakahanap ng makakapitan sa tono ng pananalita nito.
Mabilis siyang napalingon sa may pintuan para siguruhing walang nakadinig sa sinabi nito.
“H-Hindi ko alam ang s-sinasabi mo... kumain ka na”, pagmamaang-maangan niya.
“Please help me, kalagan mo ‘ko. I-I’ll make sure to reward you!”
He looked at her beautiful yet bruised face. He remembered the days when she was always cold and emotionless. Malayong-malayo sa itsura nito ngayon na punong-puno ng takot.
There was this split of second na gusto niya ulit itong kalagan.Pero bago pa man niya maigalaw ang kamay, ay muling bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Deo. Pinanatili niyang walang emosyon ang mukha niya.
Nakita niya ang paglipat ng tingin nito mula sa kanya papunta kay Trinity.
Mabagal na naglakad si Deo papalapit sa kinaroroonan nila nang hindi nito inaalis ang tila amazed na tingin sa dalaga.
“Siguraduhin mong kakain ‘tong bisita natin Red, ayaw na ayaw kong nagugutom ang mga bisita natin”, ani Deo sabay haplos sa pisngi ni Trinity na agad naman umiwas.
“Don’t touch me!” sigaw ng dalaga sa pagitan ng pag-iyak.
Humagikhik si Deo na parang gustong-gusto nito ang naging reaksyon ng bihag.
Maya-maya ay muli nitong hinaplos ang pisngi ng huli.
“Get away from me! You animal!!!" mariing pagprotesta ulit ng dalaga sabay dumura sa direksyon ni Deo.
Sapul ito sa mukha. Sa una ay natigilan ito, maya-maya ay tumawa pero agad ding nanlisik ang mga mata at mabilis na piniga ang magkabilang pisngi ng dalaga gamit lamang ang isang kamay.
“P*tang’na mo kang babae ka! Kala mo kung sino ka ah!!!”
“Kung sa labas buhay reyna ka na ni hindi ka madapuan ng lamok. Pwes! Sinasabi ko sa ’yo, bukas na bukas sisiguraduhin kong mas magiging masahol ka pa sa taeng pagpipyestahan ng mga langaw!!!” dagdag pa ng lalaki tsaka padabog na binitawan ang mukha ni Trinity.
Napahigpit ang hawak niya sa plato upang pigilin ang sariling suntukin ang lalaki.
“Bantayan mo ‘tong p*tang ‘to ah! Pakainin mo! Saksak mo sa bibig ang pagkain kung kailangan! Ayoko ng lalamya-lamya ‘yan bukas!!!” baling ng lalaki sa kanya.
Tanging tango ang isinagot niya dahil nagtatagis pa rin ang mga ngipin niya sa galit.
“At ikaw naman, ayusin mo ‘yang trabaho mo! Kabago-bago mo puro kapalpakan na dala mo!” dagdag pa nito tsaka tuluyang umalis.
Nang marinig ang pagsara ng pinto ay doon pumabulahaw ng iyak ang dalagang bihag.
“I wanna go hooommeee!!! Mom! Help me! Somebody help me please!!!”
Tahimik siyang nag-isip kung ano ang maaari niyang gawin.
Maya-maya nagmamadaling dumating si Yoda. Panay pa ang lingon nito sa likuran para siguruhing walang nakasunod rito.
“Red! Red!” pabulong nitong tawag sa kanya.
Naghahabol pa ito ng hininga nang ganap na makalapit kaya’t hindi agad nakapagsalita. Hinila siya nito papunta sa isang sulok.
“Bakit?” tanong niya.
“Nagtanong-tanong ako sa mga kasamahan natin”
“O?”
“Tinanong ko kung me atraso ba tsaka anong balak ni Boss kay Miss Byutipul”,
Napukaw ang atensyon niya sa sinabi nito. Ang nakakainis lang ay panay ang hinto nito sa pagsasalita dahil sa paghahabol ng hininga.
“Ano nga???” atat niyang tanong nang hindi pa rin ito umiimik.
“Tang *n*, balak palang ibenta ni Boss sa mga hapon para gawing bayarang babae ‘yong baby mo!”
Natigilan siya tsaka muling nilingon ang dalaga.
“Kailan daw?” tanong niya kay Yoda nang hindi inaalis ang tingin sa dalaga.
“Sa Sabado”,
Tahimik siyang naisip ng paraan kung paano matutulungang makatakas si Trinity nang hindi sila napapahamak.
“P-Pero...” maya-maya ay nag-aalangan nitong sabi.
Nang hindi nito dugtungan ang sinasabi ay doon ko ito tiningnan.
“Pero ano?”
“Pero bago ‘yon...” at muli na naman itong huminto.
“Ano nga???”
Napabuntong-hininga muna ito bago nagsalita.
“May balak pa si boss na galawin muna ng mga tauhan niya si Trinity”
“Ng mga?” paniniyak niya.
“Gangb*ng”.
CHAPTER 12COLLATERAL DAMAGEM A I N G A T . . . at isa-isang na pinunasan ni Red ang magkakahiwalay na parte ng baril na ibinigay ni Deo sa kanya. Iyon kasi ang isa sa mga nakasanayan niyang gawin kapag hindi siya makatulog o di kaya’y nag-iisip.Magdamag siyang hindi nakatulog sa matapos nilang magkausap ng group niya sa Special Force kagabi. Tungkol iyon sa nangyaring panlilinlang ni Deo sa kanila, pati na ang nalaman niyang impormasyon kay Yoda. Dalawang bagay ang mas naging malinaw sa kanya.Una, sa makalawa ay magkakaroon ng siguradong transaksyon si Deo sa mga kliyente nito. Iyon ang pagkakataong pinakahihintay nila, ang mahuli ito sa akto ng pakikipagkalakalan ng ipinagbabawal na gamot at ilegal na armas.
(SPG ALERT!) TRINITY’S POV N E V E R . . . in her entire eighteen years of existence, did Trinity ever imagined na mangyayari sa kanya ang lahat ng pinagdaraanan niya ngayon. She had always had tight a security. And Xtasis is the same. Kaya hindi niya maintindihan kung paanong na-kidnap siya habang nasa loob mismo ng exclusive pool bar, where she would normally hang out and nothing every happened. She hates uncertainties. Wala sa personalidad niya ng tumaya sa mga bagay at pagkakataong walang kasiguraduhan. But with the situation that she is in right now, not only she was filled with vagueness, but also with fear…lots of it. “Ano na Reeeeed?!” narinig niyang sigaw ng isang tinig. Magmula nang magkamalay siya, matapos siyang madukot, ay nakapiring na ang kanyang mga mata. All she sees is darkness. Ni wala siyang ideya kung gaano katagal na siyang bihag ng mga ito. Naramdaman niya ang paglapit isang bulto sa tabi niya. Hindi niya mapigilan ang mapaiyak. “Please…don’t”, she ple
RED’S POV “H A Y U P . . . ka”, narinig ni Red na mahinang sabi ni Trinity. Nakapatong pa rin siya dito dahil sa panghihinang nararamdaman matapos ang madugong bakbakan. Kahit na hindi niya tingnan, alam niyang may madugong kaganapan sa bandang baba ng dalaga. He felt it when he entered her the first time, the barrier that would prove that apart from him, no one has ever been there. Knowing that fact just made him far more guilty than he already is.Sigurado siyang ni sa hinagap ay hindi nito inisip na sa ganoong paraan ito magkakaroon ng unang karanasan. Well, too late to regret now Red. You already ruined her, paninisi niya sa sarili. Naiyukom niya ang kamao sa poot. Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakadagan dito tsaka diretsong bumaba sa lamesa at inayos ang sarili. Dinampot niya tshirt niyang basta niya ihinagis kung saan kanina tsaka itinabing iyon sa nakahantad na kahubaran ng dalaga. Pumapalakpak na lumapit si Deo sa kanya habang may nakakalokong ngiti. “Red, Red, Red
SPG ALERT! TRINITY’S POV S A . . . dinami-rami ng maaari niyang maisip, hindi alam ni Trinity kung bakit bigla niyang naisip ang mga magulang niya. She cannot help but wonder whether her parents are even bothered by the fact that she was abducted. Ipinapahayag man lang kaya siya ng mga ito? Nag-aalala din kaya ang mga ito? Then she thought of the last conversation she had with her dad. FLASHBACK: “Habang tumatagal ay mas lalo kang nagiging walang modong bata ka!”, her father screamed. “Like father like daughter”, nakataas ang kilay niyang sagot. “Wala akong anak na katulad mo! Bobo na wala pang modo! Di ka man lang gumaya sa ate mo!” END OF FLASHBACK: No. There is no way na ipapahanap pa siya ng daddy niya. Baka nga mas masaya pa ito kung hindi na siya makakabalik. The thought made her heart sank. She is there, laying naked after being used in the most obnoxious way possible, not knowing what tomorrow has for her. Ang buong akala niya ay tapos na ang paghihirap niya nang ma
(RED’S POV) N A N A K I T . . . ang buong katawan ni Red nang magising siya. Napahawak siya sa noo nang maramdaman ang tila pumipintig na sakit rin ng ulo nadala nang bigla niyang pagbangon. “Colonel! Sa wakas!” malakas na tawag ni Yoda sa kanya at agad siyang nilapitan. Kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. “A-Anong nangyari? A-Asan si Trinity?” wala sa loob niyang tanong habang iginagala ang paningin sa silid kung saan siya naroon. Napagtanto niyang nasa kwarto siya ng huli. “Hindi mo na naaalala?” tanong nito. Napakunot siya noo. Wala pa talaga yata siya sa sarili dahil blangko ang isip niya. “N-Naalala ang alin?”, tanong niya din tsaka muling napapikit dahil sa lumalakas na pintig ng pulso sa sentido niya. “Hala! Nagka-amnesia ka na yata, Colonel!” nagtatarantang tugon nito. “Teka nga…Lieutenant! Lieutenant!” pa-sigaw nitong tawag sa kung sino sabay umaktong tatayo para lumabas pero pinigil niya ito sa braso. “Sinong tinatawag mo? S-Sinong Lieutenant? A-Anong…”
RED’S POV N A G K A T I N G I N A N . . . sila ni Yoda nang pumasok ang van na sinasakyan nila sa entrance ng Manila North Port. Naka-convoy sila sa tatlo pang sasakyan kung saan naman nakasakay sina Deo at iba pang tauhan nito. Kasama nila sa van si Trinity at dalawa pang alagad ni Deo. Pasimple niyang sinulyapan ang mga ‘hotspots’ kung tawagin nila. Doon nakatago at naghihintay ng senyales para sumalakay ang mga kawani ng ADFP. Ilang sandali na lang ay magkakaalaman na kung kaninong pangkat ang mananaig. Kumpiyansa siyang mananalo sila, pero gusto niyang maging handa para sa lahat ng posibleng mangyari. Hangga’’t maaari sana, ay ayaw niyang may masasaktan sa grupo nila. Pero alam niyang kasama ang panganib na iyon sa tungkuling sinumpaan nila. Malayo pa ay tanaw na nila ang grupo na nakatayo at naghihintay sa kanila. Huminto ang mga sasakyan nila ilang metro lang ang layo sa mga ito. Mukhang ito na nga ang mga kliyenteng hapon na sinasabi ni Deo. Naunang bumaba ang huli, pati
RED’S POV T I N A N A W . . . ni Red ang pilit pa ring nangalaban na si Deo habang iginigiya ito ng mga sundalo papunta sa transport car ng ADFP. Ngunit dahil nakaposas ang mga kamay nito sa likod, ay wala din itong nagawa kung di ang tuluyang sumakay kasama ang mga tauhan nitong nadakip din. “Speedy, transmitting. Red, do you copy?” sabi ng biglang nagsalita sa radyo niya. Napahawak siya sa may bandang tenga niya para mas marinig ng malinaw ang mga sasabihin nito. “This is Red. Ayos ka lang, Speedy?” “Sir, bad news. Nabaril ang isa sa mga bata natin, kaya nakawala ang mga hapon. Reinforcement needed” Napalingon siya sa direksyon kung saan naganap ang labanan kani-kanina lang. “And the butterfly?” “Negative. Tangay pa rin nila ang paru-paro” “Sh*it!” napalakas niyang mura at agad na lumakad nang walang direksyon. “Red transmitting! Uno, locate the butterfly and the mantis!!” utos niya sa pagitan ng mabibilis at mahahabang paghakbang, habang nagrere-load ng bala sa magasin n
“D A D D Y . . . please! Stop!” pagmamakaawa ni Trinity sa daddy niya na walang humpay ang pag palo sa kanya. She doesn't even know what made him angry. Naglalaro lang siya sa garden nang dumating ito at bigla na lang siya kaladkarin at pag papaluin ng baton nitong pamalo. Tinangka pa itong pigilan ng ilan sa mga kasambahay at bodyguards nila pero hindi ito nakinig. “Mayor, tama na ho, kawawa naman ‘yong bata”, wika ng mayordoma nila sa mansyon. “You stay away from this Roberta! Salot sa buhay ko ang batang ito!” sagot ng daddy niya at ipinagpatuloy ang walang humpay na paghataw nito ng baton sa kanya. . . . . “S T O P . . .Daddy…please stop—” “Trinity? TJ, hey!” Napabalikwas ng bangon si Trinity matapos magising mula sa isang masamang panaginip. Humahangos na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. Matagal na panahon na siyang hindi dinadalaw ng masasamang alaalang iyon ng pagkabata niya. Ibinaon na niya ang mga iyon sa limot. “Are you okay?” Noon niya nagawang li
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di