W H E N . . . people mention her name...there is only one word that would best described her. Queen.
Kulang na lang ay flashing paparazzi lights and runway music at magmimistula na talang runway ang pasilyong dinaraanan ni Trinity. Wearing black Louboutin stilletos, skinny ripped jeans and tini-tiny white corset, matching Christian Dior bowling bag, dark sunglasses and other bling and accessories from Prada, she walked with much confidence. Halos lahat ng madaraanan niyang tao, mapa kapwa niya estudyante o professor ay kusang tumatabi at nagbibigay-daan para sa kanya. Because why won’t they? Siya lang naman ang pangalawa at bunsong anak ni Governor William Ongtionco Santiago, who is known to be one of the most powerful and influential politicians in the Philippines. She is Trinity Jade Santiango, 18 years old and a second year Fashion Design student.
“TJ! There you are!”, masiglang bati sa kanya ng isa sa mga members ng Queens.
Queens is a sorority that aims to strengthen women power in the society and promote freedom of self expression.
She founded the sisterhood alongside her cousin/bestfriend (her only friend, actually) Scarlett, who is also a second year student in Fashion Design.
Parang nagpanting ang tenga niya sa itinawag nito sa kanya. Still wearing her resting-b*tch face ay dahan-dahan niyang tinanggal ang suot na sunglasses habang nakapilantik ang mga daliri.
“What’s your name again?”, tanong habang nakatingin dito ng matalim.
“J-Jewel..”, kinakabahan nitong sagot at sinundan iyon ng alanganing ngiti.
“Hmmm Jewel...Jewel, Jewel, Jewel...”, tumatango-tango niyang ulit sa pangalan nito tsaka ngumisi .
Mula sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ang palihim na pagpapalitan ng tingin ng ilan pa nilang miyembro na ando’n din sa loob ng silid. Ang ilan ay nagtataka, malamang ay mga bago pa lang ito sa grupo. Samantalang ang ilan ay tahimik at kabado, ibig sabihin ay alam na ng mga ito ang nasa isip niya.
“Gaano katagal na nga since pumasok ka sa Queens?”, muli niyang tanong tsaka ito sinulyapan muli sa gilid ng kanyang mata.
“N-Nine months..”, kabado pa rin nitong sagot.
“Ahhh... nine months.... ”, aniya at muling tumango-tango.
“I-Is there a problem TJ?”, tanong ulit nito.
Sarkastiko siyang tumawa.
“You are one brave soul darlin’”, aniya sa kalmado ngunit mapanganib na tono.
Mukhang nagsisimula na itong makaramdam na may kakaiba dahil panay din ang palihim na pagsaway ng ilan nilang miyembro dito. Ngunit pilit pa rin itong ngumingiti kahit na nakikita niya na ang butil-butil na pawis sa noo nito.
Mabilis na pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa saka siya napangisi. Paano’y mula hairstyle, hanggang sa paraan ng pananamit nito ay hindi maikakailang siya ang ginagaya nito. Though sanay siyang ginagawa siyang fashion inspiration ng marami, ang problema niya ay nilabag nito ang isa sa dalawang pinakaimportanteng rule niya.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito saka ito pinaikot-ikutan habang naka-crossed arm. At dahil tahimik ang buong silid ay dinig na dinig ang bawat lagatok ng takong ng suot niyang sapatos sa sahig. Kitang-kita niya ang paninigas ng mga balikat nito, lalo na ng sa wakas ay tumayo siya sa harapan nito. Mula sa kabado nitong mukha ay bumaba ang tingin niya sa suot nitong golden brooch na hugis korona sa kaliwang dibdib nito na simbolo ng bawat miyembro ng Queens.
“Ga’no katagal ka nga nag-apply bago ka natanggap sa Queens?”, tanong niya sa kalmado pa ring boses habang tini-trace niya ang brooch nito gamit ang hintuturo niya.
“A-A year....”, halos pabulong na nitong sabi. Mukhang na-realize na nito ang sitwasyon kaya’t nangingig na ito sa kaba.
“That long?”, aniya tsaka tumawa.
“It took you so long to be able to get your hands on this brooch tapos itatapon mo ng gano’n lang? For what? Stupidity?”, sarkastiko niyang sabi.
Numipis ang mga labi nito at bahagyang yumuko.
“S-Sorry Trinity...”, bulong nito.
“Sorry?”, sabi niya at sinundan ulit iyon ng tawa.
Pagkakuwa’y walang sabi-sabing niyang hinablot ang brooch mula sa damit nito na naging dahilan para mapunit iyon. Agad itong napatuptop sa bahaging iyon ng damit.
“First page of your contract, third paragraph, sub-section A. The member shall address the founder “Trinity” and no other name, unless given the permission by the founder, herself”, sinadya niyang lakasan ang boses para mas lalong ma-emphasize ang punto niya.
Para namang nahintakutan ito nang ma-realize ang ginawa niya at agad na lumuhod.
“I’m so sorry Trinity! Hindi na mauulit!”, halos manikluhod nitong turan.
“Sorry? You’re a funny creature”, saad niya at tumawa ng pagak.
Agad siyang tumalikod para lumabas na ng silid. Pero ilang hakbang bago niya marating ang pinto ay huminto siya.
“Tell Scarlett to take her out of the registry. Bawiin niyo ang lahat ng golden cards ng babaeng ‘yan and inform all sponsors that she is no longer with Queens”, matalim niyang utos sa kung sino man sa mga miyembro niyang nasa silid na iyon.
Pagkasabi niyon ay tuluyan siyang lumabas ng silid, narinig niya pa ang pagtawag at paghagulgol ng babae mula sa likuran niya but she didn’t care. She has zero tolerance for such ambitious creatures. Kung ang simpleng rule niyang iyon ay hindi na nito magawang sundin, siguradong masusundan pa ang mga paglabag nito. She had to nip it in the bud. Ayaw niyang magpalaki ng susuwag sa kanya.
Queens is an institution. Hindi basta-basta ang makapasok sa sisterhood na ‘to. There are series of interviews and challenges ang kailangang pagdaanan ng mga aplikante. To even be considered for a spot in the group is already a privilege.
Tuloy-tuloy siyang naglakad sa gitna ng hallway. Doon naman humabol sa kanya ang bodyguard niyang si Julius na as usual ay nakablack suit. Usually ay hindi siya nito nilalapitan ng more than 2 meters, pero ngayon ay halos nakadikit ito sa likuran niya. Kapag umaagapay ito ng gano’n kalapit sa kanya ay dalawang bagay lang ang ibig sabihin, either may sasabihin ito o madami na namang death threats ang daddy niya.
“Mam, pinapaalala lang po ng daddy ninyo na ‘wag daw po kayong mahuhuli sa state dinner mamaya”, bulong nito sa kanya habang pilit na sumasabay sa bawat hakbang niya.
She did not react. Siguro ay dahil lumaki sa mata ng publiko kaya natutunan niya kung paanong kontrolin ang ekspresyon ng mukha niya. Kaya kahit pa makatanggap siya ng balitang nasusunog ang walk-in closet niyang punong-puno ng branded na gamit, ay hinding-hindi siya kakikitaan ng kahit na katiting na reaksyon. Kahit na deep inside, gusto niyang magmura ng wagas. Dahil din doon kaya may ilang ang tawag sa kanya ay ‘Ice Queen’, para daw kasi siyang yelo sa malamig, walang puso at hindi marunong makisimpatya. Ni minsan ay hindi siya nagtaas ng boses sa harap ng marami kahit nagagalit na siya, kaya kahit ang mga taong kilala siya ay nahihirapang hulaan kung galit na ba siya or just being her normal self.
“Call Michael’s boutique in BGC. Sabihin mo isara ang shop, dadating ako in two hours”, kaswal niyang sabi.
“Sino pong Michael Mam?”, tanong ng bodyguard dahilan para mapahinto siya sa paglakad saka dahan-dahan itong nilingon nang nakataas ang kilay.
Why does everyone seems to enjoy annoying me today?, aniya sa isip. Ayaw na ayaw kasi niya ng mga walang kwentang tanong. Gusto niya kapag sinabi niya ay alam na agad ng kausap niya ang gusto kanya gustong sabihin.
Marami na siyang sinisanteng bodyguard at katulong dahil sa pagtatanong nito ng mga bagay ay dapat alam na nito. Gaya na lang nung minsang humingi siya ng juice sa kasambay nila at tinanong siya kung anong flavor ang gusto niya. Ora-mismo ay sinisante niya ito. She was hired to work for her, dapat alam na nito ang mga gusto at ayaw niya, tapos tatanungin pa siya kung anong flavor ng juice ang gusto niya? Fired!
Naintindihan naman nito agad ang ibig sabihin ng tingin niya tsaka na yumuko at umatras ng ilang hakbang.
“Ako na po ang bahala, Mam”, anito nang hindi nag-aangat ng ulo.
“Kilala mo ‘ko Julius. Alam mo ang mga ayaw ko”, kalmado ngunit may bahid ng panganib niyang sabi.
“Hindi na po mauulit, Mam Trinity”, kalmado din nitong sagot.
“Maswerte ka at pinapaboran ka ni daddy, so do your job properly”, dagdag pa niya tsaka pairap na tinalikuran ito upang muling ituloy ang naudlot na paglalakad.
Hindi na niya hinitay pa ang sagot nito dahil alam naman niyang hindi ito mangangahas na sumagot pa sa kanya.
"K A Y A . . . sino ang iboboto natin sa darating na eleksyon?!", malakas na sigaw ng MC sa mikroponyo. "SANTIAGOOOOO!!!!", panabayang sigaw naman ng mga taong nasa covered court ng Marikina habang iwinawagayway ang mga campaign give aways kung saan nakaimprenta ang mukha at pangalan ng daddy ni Trinity. At tulad ng ni-rehearse nila ay doon sa puntong ‘yon sila tatayo buong mag-anak at magkakahawak na nakataas ang mga kamay. Siya, her mom and her dad, are all smiling ear to ear para ipakita sa mga tiga-suporta ng daddy niya kung gaano sila kasaya na andoon sila sa harap ng mga ito... kaya na it's all for the show. Sa mga pagkakataong ito siya naiinggit sa Ate Rian niya, nasa Amerika kasi ito at nag-aaral ng medisina. She doesn’t have to deal with this campaign-faking period as she calls it. "Mom, are we almost done here? I have an event to attend to", pasimple niyang bulong sa mommy ng hindi inaalis ang ngiti sa mga labi. “Stop that! Baka magalit ang daddy mo!”, pasimple din nit
“S G T . P E R E Z . . .”, tawag ni Red sa atensyon ng isa niyang sundalo na nangangasiwa ng itinayo nila checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng Maynila bilang pagtugon sa lumalaking problema ng bansa sa paglaganap ng bentahan ng illegal na droga.“Sir!”, tugon naman nito at agad na umayos ng tayo saka sumaludo sa kanya.“Kaka-radyo. lang ng kampo, kailangan kong bumalik muna do’n, okay lang ba kayo dito?”, aniya.“Sir, yes Sir!”, sagot nito na tinanguan naman niya.“Good. Kung may problema tawagan ninyo ako. Pinapunta ko na rin si Captain Gonzales in case kailanganin n’yo ng tulong habang wala ako. Paparating na siguro ‘yon”, dagdag pa niya.“Sir, yes Sir!”, anito sa parehong tono.“As you were”, aniya dito bilang tanda na tapos na siyang magsalita.“Ingat ho kayo Colonel”, maya-maya ay sabi nito sa mas relax at mas normal na paraan habang nakangiti pa.Tinanguan niya lang ito sabay tapik sa balikat bago siya tuluyang lumabas sa maliit na kabina. Doon siya naka-estasyon para pamunuan
M A L A K A S . . . ang dagundong ng disco music na pumapailan-lang sa buong pool bar. Isa itong exclusive bar para sa mga nasa higher class at ito ang hangout nila ng VIP members ng Queens. Others call them friends pero sa kanya ay members lang sila. Hindi siya naniniwala sa salitang ‘friends’, dahil para sa kanya, kung ang sarili niyang kadugo ay walang pakialam sa kanya, mas imposibleng magkaroon ng malasakit ang hindi naman siya kaano-ano.She lazily took a sip of her mojito drink habang tahimik na pinagmamasdan ang mga tao sa paligid niya. Kwento rito, chismis doon, some were flirting, some were just chilling parang siya. May mangilan-ngilang nagsu-swimming samantalang ang iba naman ay nagsasayawan habang umiinom. This is her life, dull and boring. Kaya lang naman siya biglang nagtawag ng night out ay dahil nasa bahay ang daddy niya at gusto niyan
“R E D ? . . .’yon ang pangalan mo?”, tanong ni Deo kay Red habang prente itong naka-de cuatro ng upo. Diretso itong humithit ng yosi na nakaipit sa pagitan ng dalawa nitong daliri.Nakita ni Red ang sunod-sunod na tango ni Yoda mula sa gilid niya. Ito na ang sumagot para sa kanya bago pa man siya nakasagot. Mukhang kabado ito. May dalawang lalaking nakatayo sa likuran ni Deo. Sa unang tingin pa lang ay mahahalata nang lango ang mga ito sa ipinagbabawal na gamot. Para bang tipikal na tagpo sa mga pelikula nina FPJ at Ronnie Rickets, kapag malapit nang magharap ang bida at mga kontrabida. “R-Redentor talaga ang pangalan niya b-boss”, maagap na sagot ulit ni Yoda para sa kanya. Pinukol ito ni Deo ng matalim na tingin.“Ikaw ba kinakausap ko?”, anito na may himig na ng pagbabanta. Agad namang natahimik at yumuko ang huli sa takot.Muli siyang binalingan ni Deo at pinakatitigan, animo’y sinusuri siya ng masinsinsinan.“Ilang taon ka na?”, tanong ulit nito sa kanya sabay hithit ulit ng
“T H A N K S . . . for the ride TJ”, sabi ni Scarlet kay Trinity, in her usual sweet voice bago ito bumaba ng sasakyan.Isang tipid at mabilis na ngiti lang ang isinagot niya dahil hindi naman talaga ang expressive- type. Complete opposite ng pinsan niyang very soft and fragile, sweet and caring, at higit sa lahat mabait. Nginitian siya nito tsaka binuksan ang pinto, pero natigilan nang bigla siyang magsalita. “Scar...”, Saglit siyang nag-alangan kung sasabihin niya ba ang nasa isip dahil nga awkward siya pag-e-express ng mga emotions. Matapos kasi ang insidente sa pool bar noong nakaraang linggo, napag-alaman niyang hindi lang pala ang dalawang palakang itinulak niya sa pool ang nagsasalita at pumu-puntirya kay Scarlet sa likod niya. Simula noon ay mas lalo pang naging aloof at tahimik ang pinsan niya.Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng kotse. Gusto niya sana itong bigyan ng reassurance that nat wala itong dapat ikatakot sa mga banta ng kung sino man sa loob o la
T A H I M I K . . . na nakamasid si Red habang isa-isang ikinarga ni Deo ang mga bala sa baril na hawak nito. “Relax ka lang at obserbahan mo muna kung paano tayo trumabaho, Red”, anito habang may pasak na sigarilyo sa bibig.Nang matapos nitong ikarga ang huling bala ay sinipat nito iyon tsaka umasinta. Maya-maya ay ikinasa nito iyon at itinutok sa isa sa mga tauhan niya. Agad namang napataas ng kamay at napaatras ang huli. Humagikhik si Deo at mukhang naaliw sa naging reaksyon ng tauhan kaya itinutok ulit nito ang baril sa isa pang tauhan. Nang pareho ang naging reaksyon ng pangalawang lalaki ay doon ito nagpakawala ng tila nababaliw na tawa.Isinipit nito ang yosi sa pagitan ng dalawang daliri tsaka siya hinarap. Nang makitang blangko ang reaksyon niya ay nakita niya ang pagdaan ng magkahalong pagtataka at pagkamangha sa mukha nito. Muli itong humithit ng ilang pang beses tsaka pinatay ang yosi sa pamamagitan ng pag-apak dito. Maya-maya ay inalis nito ang magasin ng baril at i
H I N D I . . . pa man ganap na nakakapasok ay dinig na ni Red ang mahinang tugtog na halos panay beat lang. At nang itulak ni Yoda ang mabigat double door na mukhang yari sa mamahaling uri ng punong-kahoy, ay tuluyang bumungad sa kanila ang malakas na kabog ng disco music.Sumunod na lamang siya dito hanggang marating nila ang pinaka-loob ng club. May malalaki at ilang maliliit na swimming pool doon na puno ng ilaw na may iba’t ibang kaya’t nagmistulang may kulay ang mga tubig.Dumiretso sila sa bar counter na malapit sa may entrance dahil iyon ang pinaka-ideal na pwesto sa kanila. Mula doon ay kita nila ang halos kabuuan ng bar, lalo na lounge kung saan nakaupo ang grupo nina Scarlet. As usual, katabi pa rin nito si Trinity, na sa halos isang linggo nilang pagsunod sa mga ito, ay ni hindi niya nakitang ngumiti o magpakita man lang ng kahit na anong emosyon. She has that domineering vibe that makes her stand out among the rest kahi
M A B I B I L I S . . . ang nagging paghakbang ni Red“Speedy, do you copy”, pasimple niyang bulong.Agad namang tumunog ang radio frequency niya tanda na may nasa kabilang linya na.“Yes Sir, I have a vision of the target. Ready to evacuate at your signal, Sir”, sagot naman ng kausap.“There will be a total blackout soon and it will last for two minutes. Be ready”“Copy, Sir”,He scanned the area. Nakita niyang dumating na ang ilang tauhan ni Deo
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di