Home / Romance / THE GENERAL'S LOVER / CHAPTER III (ALIAS)

Share

CHAPTER III (ALIAS)

last update Last Updated: 2023-04-20 23:14:05

“S G T .   P E R E Z . . .”, tawag ni Red sa atensyon ng isa niyang sundalo na nangangasiwa ng itinayo nila checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng Maynila bilang pagtugon sa lumalaking problema ng bansa sa paglaganap ng bentahan ng illegal na droga.

“Sir!”, tugon naman nito at agad na umayos ng tayo saka sumaludo sa kanya.

“Kaka-radyo. lang ng kampo, kailangan kong bumalik muna do’n, okay lang ba kayo dito?”, aniya.

“Sir, yes Sir!”, sagot nito na tinanguan naman niya.

“Good. Kung may problema tawagan ninyo ako. Pinapunta ko na rin si Captain Gonzales in case kailanganin n’yo ng tulong habang wala ako. Paparating na siguro ‘yon”, dagdag pa niya.

“Sir, yes Sir!”, anito sa parehong tono.

“As you were”, aniya dito bilang tanda na tapos na siyang magsalita.

“Ingat ho kayo Colonel”, maya-maya ay sabi nito sa mas relax at mas normal na paraan habang nakangiti pa.

Tinanguan niya lang ito sabay tapik sa balikat bago siya tuluyang lumabas sa maliit na kabina. Doon  siya naka-estasyon para pamunuan ang checkpoint sa may boundary ng Taguig at Makati.

Tahimik siyang naglakad papunta sa sasakyan niyang ipinarada niya sa gitna mismo ng checkpoint area. Sigurado si Red na marami na namang galit sa kanila, dahil sa haba ng pila ng mga sasakyang nakahinto dahil sa ginagawa nilang masinsinang pagsusuri ng bawat sasakyan. May natanggap kasi silang tip na naglalabas-masok daw ang mga pusher at dealer ng illegal na droga sa buong Maynila para ikalat iyon sa mga karatig-bayan. Gustuhin man niyang paraanin na ang mga ito dahil alam niyang may kanya-kanya rin itong  dapat na paroonan, ay hindi naman niya pwedeng ipagsawalang bahala ang kaligtasan ng buong bansa.

Kita niya ang iritasyon sa mukha ng sakay ng bawat nakahintong sasakyang dinaraanan niya. Ngunit isa dun ang umagaw ng atensyon niya... ang babaeng nakasilip sa bintana ng kotseng kinasasakyan nito. Nagtama ang kanilang mga mata at pakiramdam niya ay para iyong mga magnet na pilit siyang hinihila. Mabuti na lang talaga at walang bato o kahit na anong bagay na pupwede niyang mapagtisuran dahil kung hindi ay tiyak mapapahiya siya kapag nadapa siya sa kakatingin dito.

Maganda ito maaaring mapagkamalang artista, mukha ring mayaman at sopistikada. Iyon nga lang ay walang mababasang eskpresyon sa mukha nito, malamang ay iniisip nitong isa siya sa mga dahilan kaya ito na-stuck sa trapiko at lihim na siyang pinagsasaksak sa isipan. 

Dahil sa isiping iyon ay pinili niyang magbawi ng tingin at ubod ang pagpipigil niyang ‘wag na itong lingunin. 

Agad siyang sumakay sa kotse niyang Honda CRV at mula sa driver’s seat ay tsaka siya naglakas loob na muli sana itong tingnan pero tanging puwit na lang ng sasakyan nitong BMW ang nakita niya. Bahagya pa siyang natawa sa sarili, paano’y bukod sa halatang bata pa ang babae, ay hindi naman talaga siya ang tipong madaling ma-attract sa ganda lang. Kahit noong nasa Defense Force Academy pa lang siya ay kilala na siya sa mala-bato niyang personalidad.

Colonel Enriquez...”, ang tunog na iyon mula sa kanyang Multibands Military Radio ang pumukaw sa kanyang pag-iisip. 

Agad niyang kinuha iyon mula sa gilid ng belt niya tsaka pinindot ang buton at itinapat iyon sa bibig niya para magsalita.

This is Red, Roger”, kaswal niyang sagot. Madalas kasi ay radyo lang iyon ng kabilang estasyon para humingi ng tulong o kung anong itatanong.

This is Falcon, roger”, sagot ng nasa kabilang linya.

Sir!”, animo’y de-baterya ay awtomatiko siyang napadiretso ng upo at sumaludo pa nang marinig ang call sign ng kausap niya. Ang Falcon ay siyang call sign ni General Rodriguez.

Pagdating mo sa campo, dumiretso ka muna sa kwarto mo. Hintayin mo ang taong inutusan ko para sunduin ka. Siya ang gigiya sa ‘yo kung saan kayo dadaan para makarating ka sa sikretong hide out, over”, autoritative nitong turan.

Copy that Sir, over”, 

Mag -iingat ka, Red”.

Yes sir”.

Nang mawala ito sa linya ay hindi na siya nagsayang pa ng oras, binuhay niya ang makina ng sasakyan tsaka tinahak ang daan pabalik sa kampo.

Ang dapat ay kulang isang oras na biyahe ay inabot ng halos dalawang oras dahil sa bigat ng daloy ng trapiko sa EDSA. Kaya naman nang marating niya ang kampo  ay mabilis ngunit maingat ang mga naging kilos niya.

“Col. Enriquez?”, napahinto siya at agad na nilingon ang tumawag sa kanya.

Agad siyang tumayo ng tuwid at sumaludo nang mapagsino iyon.

“General Torres, Sir!”, aniya na sinagot naman nito ng simpleng saludo.

“Bakit ka nandito? Di ba’t naka-estasyon ka dapat sa checkpoint?”, tanong nito agad habang papalapit sa kanya.

Si General Torres ay kilalang katunggali ni General Rodriguez sa lahat ng bagay. Palagi nitong hinahanapan ng butas ang huli ngunit palagi din namang natatalo. Kaya naman alam niyang talo pa nito ang lawin sa pagmamasid sa bawat kilos ng heneral at ng mga kaalyado nito.

“Yes Sir, nagparelyebo muna ako kay Captain Gonzales”, sagot niya na nananatiling nakatayo ng tuwid at lampas ang tingin dito.

“Bakit?”,

“Masama ho ang pakiramdam ko Sir, in-advice ako ng clinic na magpahinga muna”,

Pumalatak ito.

“Ganyan ba kayong mga sundalo ni Gen. Rodriguez? Konting sakit, umaaray agad?”, anito na may bahid ng pang-iinsulto.

Hindi nagpakita ng reaksyon si Red ngunit nakita niya ang pagtaas ng gilid ng labi nito mula sa sulok ng kanyang mga mata.

“Sige na, bumalik ka agad sa pwesto mo kapag maayos ka na”, tila nawalan ito ng gana sa hindi niya pagpapakita ng reaksyon sa lantaran nitong pang-iinsulto.

“Sir, yes Sir!”, sagot niya at muling sumaludo bago ito tinalikuran.

Nang makapasok si Red sa kwarto niya ay agad siyang nagpadala ng text sa personal na numero ni General Rodriguez.

Si General Wisconcio Rodriguez ang bestfriend ng tatay niya at siyang umampon sa kanya noong maulila siya sa edad na pitong taon. Namatay ang parehong magulang niya na sina dating General Emilio Enriquez at Atty. Milagros Enriquez sa isang ambush habang papauwi na sana ang mga ito matapos pangunahan ng kanyang ama ang peace talk ng gobyerno sa mga rebelde ng South Cotabato. Magmula noon ay si General Rodriguez na ang tumayong ama niya.

Napabaling siya  sa pinto nang may kumatok ng mahina doon. 

Nang pagbuksan niya iyon ay tumambad sa kanya ang isang kadete na agad sumaludo sa kanya. Isang tango lang ang isinagot niya dito sabay pasimpleng luminga-linga para siguruhing walang nakamasid sa kanila.

Nagpatiunang maglakad ang kadete habang siya naman ay tahimik na sumunod dito. Nakailang liko sila sa mga pasilyong maging siya ay hindi pa niya nadaraanan, bago siya nito iginiya sa isang kwarto. Ngunit maliban sa isang lamesa at isang monoblock chair ay walang ibang laman iyon kaya’t napakunot ang noo niya. 

“Hinihintay na po kayo ng Falcon”, pormal nitong turan sabay imwenestrang pumasok siya sa abohing pinto na kung hindi mo lalapitan ay halos hindi mo mapapasin dahil kakulay nito ang dingding.

Hindi naman siya sumagot, bagkus ay binuksan niya ang pinto ay dahan-dahang pumasok doon. Dala siguro ng nakasanayan niya simula no’ng training kaya lagi siyang alerto at nakahandang bumunot ng baril ano mang oras. Ngunit lalong napakunot ang noo niya nang ang tumambad sa kanya ay isa pang pinto. 

Nagtuloy-tuloy si Red hanggang makapasok siyang muli doon. Sabay-sabay na nabaling sa kanya ang apat na pares ng mga mata. Bahagya pa siyang nagulat dahil akala niya ay si Gen. Rodriguez lang ang maaabutan niya.

“Ah, there he is!”, nakangiting bulalas ni heneral.

“Everyone, ang aking anak-anakan. Ang pinakamagaling na kadete ng kanyang panahon sa academy, Col. Juan Miguel Enriquez, mas kilala niyo sa kanyang call sign,  Red”, may pagmamalaking pagpapakilala pa nito sa kanya.

Halos panabay na tumayo ang tatlo pang sundalo at diretsong sumaludo sa kanya. Magiliw naman niyang tinanggap ang pagbibigay-galang ng mga ito.

Nang maibaba niya ang kamay ay agad siyang nilapitan ng isa sa tatlong sundalo. Base sa suot nitong uniporme ay sarhento ito at mukhang bata pa. 

“Colonel... Red... I mean, sir, sorry pero, pwede ko ho ba kayong makamayan?”, halos nakababa na ito sa sa sahig sa sobrang pagkakayuko nito habang nakalahad ang dalawang kamay sa kanya.

Kahit na medyo nag-aalangan ay tinanggap naman niya ang pakikipagkamay nito.

“Idol na idol ko po kasi talaga kayo Colonel. Pangarap ko ho talagang makita kayo sa personal at makamayan”, dagdag pa nito tsaka binitawan ang kamay niya at humakbang patalikod, pabalik sa pwesto nito kanina.

Kumunot naman ang noo niya habang pilit na inaalala kung kilala ba niya ito.

“Nagkakilala na ba tayo?”, tanong niya dito na sinagot nito ng sunod-sunod na iling.

“Siguradong hindi niyo ako kilala sir, pero ako ho, kilalang-kilala ko kayo. Sa katunayan, kilalang-kilala kayo sa batch namin sa Defense Force Academy noon sir. Pinakamagaling, pinakamatinik at pinakamisteryosong sundalo ng Special Force, na ni minsan ay hindi pa nagkaroon ng failed mission, sharp shooter, ni minsan hindi nagmintis sa mga shooting drill,”, tila ba nananaginip pa nitong turan.

“Actually sir, pwedeng payakap na din ako---“, dagdag pa nito at umaktong yayakapin siya ngunit agad itong hinila sa kwelyo ng katabi nito kaya’t napaatras ito.

“Uno!”, saway ng humawak sa kwelyo nito.

“S-Sorry Captain... na-carried away”, natatawa namang sagot ng kausap niya kanina.

Tumikhim ng bahagya si Gen. Rodriguez kaya naman pumormal ang lahat.

“Well, Red, ipapakilala ko sa’yo ang mga makakasama mo sa misyong ito”, wika ng heneral.

“To your very left there is Lt. II. Sixto Caceres, alias Uno ng Signal Corps.  Siya ang bahala sa technical aspects ng misyon. Wire tapping, communications at escape routes ang magiging main concern ni Uno”, dagdag pa nito.

Bumaling naman siya sa lalaking nakipagkamay sa kanya kanina na hanggang ngayon ay hindi mawala-wala ang ngiti.

“Next to Uno is  Captain Daniel Esguerra of Delta Force, alias Speedy. Bomb expert. Siya naman ang makakasama mo sa field. Siya rin ang magpapakilala sa’yo sa koneksyon natin sa loob ng grupo ni Dysangco. Kung sakaling magkaroon ng aberya at kailanganin nating i-abort ang misyon, si Speedy ang magiging getaway partner mo. ‘Wag kang mag-alala dahil hindi ka mag-isa”, mahabang paliwanag ng heneral.

Kumpara sa naunang ipinakilala sa kanya, mukhang mas seryoso itong si alias Speedy. Bahagya niya itong tinanguan bilang pagkilala samantalang yumuko naman ito.

“And last but definitely not the least, si Major Joaquin Andrada of Intelligence Department, alias Hunter. Siya naman magdedevice  ng main strategy ng misyon. Magaling ‘yan, lahat ng ini-strategize niyang operations, successful”, pagmamalaki ng heneral sa pangatlong sundalong miyembro ng undercover mission.

Kung seryoso si Speedy ay mukhang mas seryoso itong si Hunter. Simula nang pumasok siya sa silid na iyon ay hindi niya ito nakakitaan ng emosyon at nanatiling tahimik. Sa tantya niya ay mas matanda ito sa kanya ng ilang taon.

Simpleng pagyukod lang ang natanggap niyang pagbati mula dito.

“And of course, everyone, as I have mentioned earlier,  Red ikaw ang magsisilbing mata, tenga at bibig natin sa loob ng grupo ni Dysangco”, pahabol pa ng heneral.

“Ngayong kilala niyo na ang isa’t isa, let’s begin with the strategical planning of this operation. Maupo na kayo”,

Tahimik naman siyang humila ng isa sa mga upuan at pumwesto kung saan siya nakaharap sa white board na siyang nagsisilbing screen ng projector. 

Nagulat siya nang pasimpleng lumapit muli sa kanya si Uno kaya bahagya siyang napaatras.

“Sir? Pwede ho ba akong magpapicture sa inyo mamaya pagkatapos?”, pabulong pa nitong request kaya napakunot lalo siya ng noo.

Bago pa siya nakasagot ay hinila ulit ni Speedy sa tainga habang sa harapan nakatuon ang pansin. Napangiwi naman si Uno at pilit na binabawi ang napingot na tainga.

Ngunit ilang segundo pa lang ang nakakalipasay muling bumalik palapit sa kanya ang makulit nilang miyembro.

“Camera shy ka Sir? Okay lang kung oo, autograph n’yo na lang ho, pwede?”, hirit muli nito. Mukhang ayaw siyang lubayan ng makulit na batang ‘to.

Sa pangalawang pagkakataon ay hinila ito ni Speed sa tainga para ilayo sa kanya at pilit na iharap ito sa unahan.

Hindi malaman ni Red kung ano ang dapat niyang isagot. Ngayon lang ‘ata siya nakakita ng sundalong ubod ng daldal, at higit sa lahat ay hindi takot sa ‘suplado’ vibe niya.

Pinili niyang balewalain na ito at ituon ang pansin sa sinasabi ni Gen. Rodriguez. Halos umabot sila ng tatlong oras sa strategical planning. Naunang umalis ang heneral matapos silang bigyan ng instruction na maghiwa-hiwalay ng tahimik at patago. 

Ipinatong ni Red ang dalawang siko sa lamesa tsaka pinagsiklop ang mga palad, habang naghihintay sila ng oras para isa-isang makalabas. Minabuti niyang pumikit habang inaalala ang mga pinag-usapan nila kanina.

“Colonel?”,

Napamulat siya at muling napaatras ng bahagya nang makita si Uno na nasa tabi na niya. Walang kasing lapad ang ngiti nito at may kakaibang titig sa kanya.

“Pwede na po ba akong magpa-autograph sa inyo?”, hirit nito habang kumukuti-kutitap pa ang mga mata.

“Sige na Colonel, para sikat ako sa Signal Corps”,

“Lt. II Sixto Caceres”, tawag ni Speedy dito.

“Sir! Yes Sir!”, awtomatikong napasaludo si Uno sa pagkarinig ng buong pangalan at ranggo.

“Artikulo dos ng ADFP Code. Igalang ang opisyal na nakakataas sa iyo. Sumunod sa utos na ayon sa batas at walang nilalabag na karapatang pangtao”, 

Napakamot ng ulo ni Uno at halatang nanlumo.

“Eh Sir---”

“Artikulo tres! Tanda ng paggalang ang pagsaludo at pagtayo ng matuwid sa harapan ng iyong nakakataas, at ang pananatili hanggang sa tanggapin ang iyong pagbibigay-pugay!”, 

“Pero Sir---”

“Hanggang saan ko dapat ulitin ang ADFP Code para magtigil ka?!”, 

Nakita niya ang pasimpleng pag-aabout face ng batang sundalo habang nakatungo.

“Hmp, kunwari pa, kung hindi ko lang alam, idol mo rin si Colonel. Pati nga pananalita niya ginagaya mo eh”, bulong pa ng huli.

“Anong sabi mo?!”, tanong ni Speedy.

Mabilis namang nagtago sa likod niya si Uno upang gamitin siyang panalag sa huli.

“Captain Esguerra”, sabat niya.

“Sir!”, agad na tumayo ito ng tuwid.

“Ibigay mo sa akin ang detalye ng identity cover natin. Nasa quarters ko ako 2100 hours”, seryoso niyang sabi bago tumayo sabay balik ng baril  sa holster belt.

“Copy, Sir!”, sagot nito sa parehong tono.

Bahagya niyang sinulyapan si Uno na nakakulbi pa rin sa likuran ng upuan niya tsaka tuluyang tinungo ang pinto para lumabas.

Parang bigla siyang nagdalawang isip sa operasyong gagawin nila ngayong nakilala na niya ang mga makakasama. Will they really be okay? Dalawang sundalong parang aso’t pusa kung magbangayan, at isang parang walang pakialam. 

Napailing na lang siya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Prinsesa Maria
thank you dzai!
goodnovel comment avatar
Ava Nixie
Nakakatawa talaga c Uno...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER IV (PRETTY SAVAGE)

    M A L A K A S . . . ang dagundong ng disco music na pumapailan-lang sa buong pool bar. Isa itong exclusive bar para sa mga nasa higher class at ito ang hangout nila ng VIP members ng Queens. Others call them friends pero sa kanya ay members lang sila. Hindi siya naniniwala sa salitang ‘friends’, dahil para sa kanya, kung ang sarili niyang kadugo ay walang pakialam sa kanya, mas imposibleng magkaroon ng malasakit ang hindi naman siya kaano-ano.She lazily took a sip of her mojito drink habang tahimik na pinagmamasdan ang mga tao sa paligid niya. Kwento rito, chismis doon, some were flirting, some were just chilling parang siya. May mangilan-ngilang nagsu-swimming samantalang ang iba naman ay nagsasayawan habang umiinom. This is her life, dull and boring. Kaya lang naman siya biglang nagtawag ng night out ay dahil nasa bahay ang daddy niya at gusto niyan

    Last Updated : 2023-04-21
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER V (THE CAT AND THE MICE)

    “R E D ? . . .’yon ang pangalan mo?”, tanong ni Deo kay Red habang prente itong naka-de cuatro ng upo. Diretso itong humithit ng yosi na nakaipit sa pagitan ng dalawa nitong daliri.Nakita ni Red ang sunod-sunod na tango ni Yoda mula sa gilid niya. Ito na ang sumagot para sa kanya bago pa man siya nakasagot. Mukhang kabado ito. May dalawang lalaking nakatayo sa likuran ni Deo. Sa unang tingin pa lang ay mahahalata nang lango ang mga ito sa ipinagbabawal na gamot. Para bang tipikal na tagpo sa mga pelikula nina FPJ at Ronnie Rickets, kapag malapit nang magharap ang bida at mga kontrabida. “R-Redentor talaga ang pangalan niya b-boss”, maagap na sagot ulit ni Yoda para sa kanya. Pinukol ito ni Deo ng matalim na tingin.“Ikaw ba kinakausap ko?”, anito na may himig na ng pagbabanta. Agad namang natahimik at yumuko ang huli sa takot.Muli siyang binalingan ni Deo at pinakatitigan, animo’y sinusuri siya ng masinsinsinan.“Ilang taon ka na?”, tanong ulit nito sa kanya sabay hithit ulit ng

    Last Updated : 2023-04-29
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER VI (RAPUNZEL)

    “T H A N K S . . . for the ride TJ”, sabi ni Scarlet kay Trinity, in her usual sweet voice bago ito bumaba ng sasakyan.Isang tipid at mabilis na ngiti lang ang isinagot niya dahil hindi naman talaga ang expressive- type. Complete opposite ng pinsan niyang very soft and fragile, sweet and caring, at higit sa lahat mabait. Nginitian siya nito tsaka binuksan ang pinto, pero natigilan nang bigla siyang magsalita. “Scar...”, Saglit siyang nag-alangan kung sasabihin niya ba ang nasa isip dahil nga awkward siya pag-e-express ng mga emotions. Matapos kasi ang insidente sa pool bar noong nakaraang linggo, napag-alaman niyang hindi lang pala ang dalawang palakang itinulak niya sa pool ang nagsasalita at pumu-puntirya kay Scarlet sa likod niya. Simula noon ay mas lalo pang naging aloof at tahimik ang pinsan niya.Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng kotse. Gusto niya sana itong bigyan ng reassurance that nat wala itong dapat ikatakot sa mga banta ng kung sino man sa loob o la

    Last Updated : 2023-04-29
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER VII (THE EYE OF THE STORM)

    T A H I M I K . . . na nakamasid si Red habang isa-isang ikinarga ni Deo ang mga bala sa baril na hawak nito. “Relax ka lang at obserbahan mo muna kung paano tayo trumabaho, Red”, anito habang may pasak na sigarilyo sa bibig.Nang matapos nitong ikarga ang huling bala ay sinipat nito iyon tsaka umasinta. Maya-maya ay ikinasa nito iyon at itinutok sa isa sa mga tauhan niya. Agad namang napataas ng kamay at napaatras ang huli. Humagikhik si Deo at mukhang naaliw sa naging reaksyon ng tauhan kaya itinutok ulit nito ang baril sa isa pang tauhan. Nang pareho ang naging reaksyon ng pangalawang lalaki ay doon ito nagpakawala ng tila nababaliw na tawa.Isinipit nito ang yosi sa pagitan ng dalawang daliri tsaka siya hinarap. Nang makitang blangko ang reaksyon niya ay nakita niya ang pagdaan ng magkahalong pagtataka at pagkamangha sa mukha nito. Muli itong humithit ng ilang pang beses tsaka pinatay ang yosi sa pamamagitan ng pag-apak dito. Maya-maya ay inalis nito ang magasin ng baril at i

    Last Updated : 2023-05-01
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER VIII (TESTING THE WATERS)

    H I N D I . . . pa man ganap na nakakapasok ay dinig na ni Red ang mahinang tugtog na halos panay beat lang. At nang itulak ni Yoda ang mabigat double door na mukhang yari sa mamahaling uri ng punong-kahoy, ay tuluyang bumungad sa kanila ang malakas na kabog ng disco music.Sumunod na lamang siya dito hanggang marating nila ang pinaka-loob ng club. May malalaki at ilang maliliit na swimming pool doon na puno ng ilaw na may iba’t ibang kaya’t nagmistulang may kulay ang mga tubig.Dumiretso sila sa bar counter na malapit sa may entrance dahil iyon ang pinaka-ideal na pwesto sa kanila. Mula doon ay kita nila ang halos kabuuan ng bar, lalo na lounge kung saan nakaupo ang grupo nina Scarlet. As usual, katabi pa rin nito si Trinity, na sa halos isang linggo nilang pagsunod sa mga ito, ay ni hindi niya nakitang ngumiti o magpakita man lang ng kahit na anong emosyon. She has that domineering vibe that makes her stand out among the rest kahi

    Last Updated : 2023-05-02
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER IX (ENCUENTRO)

    M A B I B I L I S . . . ang nagging paghakbang ni Red“Speedy, do you copy”, pasimple niyang bulong.Agad namang tumunog ang radio frequency niya tanda na may nasa kabilang linya na.“Yes Sir, I have a vision of the target. Ready to evacuate at your signal, Sir”, sagot naman ng kausap.“There will be a total blackout soon and it will last for two minutes. Be ready”“Copy, Sir”,He scanned the area. Nakita niyang dumating na ang ilang tauhan ni Deo

    Last Updated : 2023-05-03
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER X (UNCERTAINTIES)

    P I L I T . . . pinakiramdaman ni Red kung saang banda nanggaling ang sigaw.Bigla niyang naisip ang mukha ni Trinity bago mawalan ng ilaw. Sa isiping baka ito ang nagmamay-ari ng mga sigaw na iyon ay parang biglang kumabog ang dibdib niya.“Sh*t!”, mahina niyang mura. Gusto niyang isigaw ang pangalan nito para masigurong ligtas ito, pero hindi niya pwedeng gawin iyon.“F*ck!”,Panay ng ikot niya sa dilim. Hindi pa siya kailan man nagpanic ng ganito in the middle of a mission. At isa iyon sa kinakainis niya, he hates uncertainties, and he hates that he discovered this side of him in the middle of such an important assignment.Biglang may humawak sa kaliwa

    Last Updated : 2023-05-04
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER XI (ROGUE VICTIM)

    “S A B I H I N . . . n’yo sa’kin paanong nangyari na may mga parak doon?!!!”Ang dumadagundong na boses ni Deo ang inabutan ni Red pagpasok niya sa sala ng bang house ng grupo. Nagtitipon-tipon ang mga ito at mukhang galit na galit na naman ang huli.Pasimple siyang tumabi kay Yoda at tinapik ito sa braso.“Anong meron?” bulong niya.Sinenyasan siya nito na lumapit pa ng husto kaya gano’n nga ang ginawa niya.“Nakita si Boss na mga alagad ng kabila doon sa loob kagabi”, sagot nito na may nagpapaunawang tingin sa kanya.“Nabaril ‘ata ni Boss ‘yung isa kaya naitawid ‘yong kagabi&rdqu

    Last Updated : 2023-05-06

Latest chapter

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 120 (REAL IDENTITY)

    JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 119 (A FOE)

    JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 118 (TABLES TURNED)

    RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 117 (FRIEND OR FOE?)

    JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 116 (ESCAPE ROUTE)

    JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 115 (PSEUDO)

    JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 114 (UNDECIDED)

    JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 113 (SILENCE)

    JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 112 (MAKING SENSE)

    JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di

DMCA.com Protection Status