Home / Romance / THE GENERAL'S LOVER / CHAPTER II (THE BLACK SHEEP)

Share

CHAPTER II (THE BLACK SHEEP)

last update Huling Na-update: 2023-04-19 07:07:05

"K A Y A . . . sino ang iboboto natin sa darating na eleksyon?!", malakas na sigaw ng MC sa mikroponyo.

"SANTIAGOOOOO!!!!", panabayang sigaw naman ng mga taong nasa covered court ng Marikina habang iwinawagayway ang mga campaign give aways kung saan nakaimprenta ang mukha at pangalan ng daddy ni Trinity.

At tulad ng ni-rehearse nila ay doon sa puntong ‘yon sila tatayo buong mag-anak at magkakahawak na nakataas ang mga kamay. Siya, her mom and her dad, are all smiling ear to ear para ipakita sa mga tiga-suporta ng daddy niya kung gaano sila kasaya na andoon sila sa harap ng mga ito... kaya na it's all for the show. Sa mga pagkakataong ito siya naiinggit sa Ate Rian niya, nasa Amerika kasi ito at  nag-aaral ng medisina.  She doesn’t have to deal with this campaign-faking period as she calls it.

"Mom, are we almost done here? I have an event to attend to", pasimple niyang bulong sa mommy ng hindi inaalis ang ngiti sa mga labi.

“Stop that! Baka magalit ang daddy mo!”, pasimple din nitong pagsaway sa kanya habang nakangiti pa rin.

Dang this election!, mura niya sa isip. Ang dami niyang lakad na naabala dahil kailangan laging kasama siya sa mga campaign ng daddy niya to show what a “happy and typical family” they are. God she hates politics!

Matapos ang ilan pang mensahe ng kung sino at ilang pagpapakuha ng litrato ay natapos din ang napakahabang araw ng kampanya nila. Nagmamadali niyang hinubad ang suot na na campaign blazers habang pababa ng entablado.

“Trinity!!!”, ma-awtoridad na tawag ng daddy niya sa kanya. 

Umikot muna ang mga mata niya  habang nakatalikod dito tsaka niya ito hinarap.

“Mag-usap muna tayo sandali anak...”, nakangiti at malumanay nitong sabi pero ang mata nito ay halos singtalim na ng itak.

Lumapit ito sa kanya at pasimple siyang hinawakan ng napakahigpit sa braso saka iginiya siya papasok sa malaki nilang van. 

Ni hindi na kinabahan si Trinity, alam naman niyang hindi usap kundi sermon na naman ang gagawi  nito. Tahimik na lang siyang sumunod daw ayaw niyang gumawa ng eksena, baka imbes na mapabilis ang alis niya ay mas lalo pa siyang ma-stuck doon.

“Are you really trying to screw me up? At talagang ngayon pa? Kung kailan eleksyon?!”, tanong agad ng daddy niya as soon as sumara ang sliding door ng van.

Bumuntong hininga siya. Here we go again, aniya sa isip at hindi na pinigil ang pag-irap.

“No dad”, naiinip niyang sagot. 

Walang saysay na magdahilan pa dito dahil paniguradong sampal lang ang aabutin niya dito and she can’t afford to hurt her face right now dahil may event nga siyang dadaluhan. Pasain pa naman sya, kaunting bunggo o kurot at agad na nagpapasa ‘yon. Litaw na litaw pa man din ang mga iyon dahil sa maputi niyang balat.

“I already told you,  clear your schedule on my campaign periods. Saan ka ba pupunta at gigil na gigil kang umalis? Paano kung may nakapansin sa pagkaatat mong makaalis kanina? Ano na lang ang sasabihin ng mga botante ko?!”, nagtatagis ang ngipin nito sa gigil at pagpipigil na lumakas ang boses dahil baka may makarinig at masira ang image nito.

Muli siyang nagpakawala ng marahas na hangin saka prente pang pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib niya tsaka sumandal sa upuan. She’d been down this road too many times na naging immune na siya.

“They’re your voters not mine. Bakit kailangan kong magpanggap na gustong gusto kong kasama kayo? Eh  sa totoo lang mas gugustuhin ko pang ka-bonding ‘yong mamang naglalako ng balut kesa sa inyo”, prangka niyang sagot sa ama

Noong bata kasi siya ay lagi siyang natatakot sa daddy niya, lalo na kapag galit ito dahil hindi lang basta palo ang inaabot niya mula dito. Dumating sa punto na kinailangan itong awatin ng mga bodyguards nila para lang tumigil sa pananakit sa kanya. After that incident ay natutunan niyang magtago sa loob ng kabinet niya sa tuwing maririnig niya ang boses nito, mga five or six years old siguro siya noon kung tama ang pagkakatanda niya. Takot na takot siyang muling masaktan nito kaya nagtitiis siya ng init at gutom sa loob ng kabinet hanggang sa makatulog ito o di kaya’y makaalis ng bahay nila. 

But as she grew older, napalitan na ng galit ang takot. Basta nagising na lang siya isang araw na napagod na siyang matakot at magtago sa kabinet. Sinimulan niya itong sagot-sagutin ng pabalang, irapan o pagtaasan din ng boses. Paano’y hindi naman ito ganun sa ate niya, sa katunayan ay kung ipagmalaki nito ang Ate Rian niya sa mga constituents nito ay akala mong ‘yon lang ang anak nito at hindi siya nag-eexist. Kaya pinangako nya sa sariling hinding-hindi na siya aasa na mamahalin din siya nito gaya ng pagmamahal nito sa ate niya. 

“Hoy Trinity! Ayus-ayusin ‘yang pananalita mo kapag ako ang kausap mo at baka hindi kita matantya!”, galit nitong sabi sabay itinaas ang palad at umaktong sasampalin siya.

Pero sa halip na umiwas ay umakto pa siyang sasalubungin ang palad nitong nahinto sa hangin dahil sa inasal siya.

“Sige! Sige Dad! Sampalin mo ’ko! Tingnan lang natin kung hindi gumuho ang vote predictions mo kapag lumabas ako dito ng putok ang mukha at may pasa. Do you think hindi ako tatanungin ng mga reporters kung anong nangyari? To think na kasama kita sa loob ng van?”, kompyansa niyang tugon tsaka ngumisi.

“At kapag tinanong ako ng mga reporters, do you think magsisinungaling ako para depensahan ka?”, sabi pa niya at sinundan iyon ng pagak na tawa.

“In your dreams dad! Rot in hell for all I care!”, dagdag pa niya.

Ngumisi din ito nang makabawi sa pagkagulat sa naging reaksyon niya.

“Baka nakakalimutan mo, mayroon ka ng lahat ng mayroon ka ngayon dahil sa ’kin. Kaya kung babagsak ako, siguradong kasama kayo dun”, 

“Mas gugustuhin ko pang gumapang sa putikan kesa ang magsinungaling for your sake, dad”, mahina ngunit gigil din niyang sabi saka tumalikod dito para buksan ang pinto ng van.

Sigurado naman syang hindi siya hahabulin nito dahil the moment na buksan niya ang pinto ng sasakyan nila ay awtomatikong umamo ang mukha nito. Nakakapanindig balahibo ang pagpapanggap at panloloko nito sa tao.

Dire-diretso siyang bumaba at mabilis na tinungo ang sarili niyang black BMW kung saan naghihintay ang bodyguard niya pati ang appointed driver niya, na if she remembers it right, Nigel ang pangalan.

Nang matanawan siya ni Julius na paparating ay mabilis nitong binuksan ang pinto sa likuran ng passenger seat kaya’t tuloy-tuloy siyang pumasok. Matapos nitong isara ang pinto ay mabilis itong lumulan sa passenger side.

“Sa Makati na tayo”, utos niya habang abala sa pagtipa sa cellphone nya para itext si Scarlett na on the way na siya.

Agad din namang binuhay ni Nigel ang makina at ilang sandali pa’y nasa daan na sila.

Inabala niya ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana. Hindi na naman tuloy nya mapigilan ang paglalakbay ng diwa niya at maisip ang mga bagay na ayaw na niyang maalala o isipin. Gaya ng kung bakit kaya gano’n na lang ang galit ng daddy niya sa kanya gayong napakagiliw nito sa ate niya. Oo, hindi siya magaling sa klase, hindi siya matalino pero hindi din naman siya bobo. 

No’ng una ay pilit niya pang ginagaya nag ate niya, sa pananamit, sa pagsasalita at maging ang mga paborito nito ay ginawa niya na ding paborito niya, sa pag-asang mamahalin din siya ng daddy niya. Obviously, hindi ‘yon nangyari. She was nothing but the black sheep of the family, as her own father calls her. Siya daw ang weakest link ng pamilya nila and that if they ever go down ay sigurado daw itong dahil ‘yon sa kanya. 

Naputol ang pag-iisip niya nang bigla silang huminto. Kumunot ang noo niya nang makitang wala pa naman sila sa venue na pupuntahan nila, ni hindi pa nga sila nakakapasok ng Makati.

“What happened?”, tanong niya sabay dumukwang para mas makita ang harapan.

“Mukhang may checkpoint Mam”, sagot naman ni Nigel nang hindi siya nililingon.

Napapalatak siya at padabog na sumandal sa upuan.

“Do something about it! Late na ako!”, iritado niyang utos sa mga ito.

Nagmamadali namang bumaba si Nigel at patakbong nagtungo sa harapan kung nasaan ang mga nangangasiwa ng checkpoint.

Panay ang pagpapakawala niya ng marahas na buntong hininga o di kaya ay pagpalatak. Inis na inis siya! Napakamalas niya talaga sa araw na ‘to! 

Nang lumipas ang limang minuto at hindi pa din bumabalik  ang driver niya ay binuksan na niya ang sariling bintana para silipin ito. Natanaw niyang tila nakikipagdiskusyon pa ito sa dalawang lalaking nakasuot ng uniporme ng sundalo. 

Makalipas ang ilang segundo ay lumingon si Nigel sa gawi niya at sunod na lumingon din ang dalawang sundalong kausap nito. Hindi nagtagal ay nakita niyang papabalik na ito sa kinaroroonan ng kotse nila kaya’t muli na niyang ipinasok ang ulo niya.

“Anong sabi?”, tanong niya agad nang makapasok din ito sa sasakyan.

“Eh Mam, hindi daw ho pwede eh, istrikto raw ho ang utos sa kanila walang palalampasin ng hindi naiinspection ng mabuti. Sinabi ko na na anak kayo ni Gov pero ayaw po talaga”, kumakamot pa ng ulo nitong sagot kaya’t napabuntong hininga siya ng marahas.

“Julius!!!”, iritado niyang baling sa bodyguard na lumingon lang ng bahagya sa balikat nito.

“Sabihin mo sa kung sino mang Poncio Pilatong nagmamagaling na ‘yan na kung hindi niya ako pararaanin ay magpaalam na siya sa uniporme niya dahil sisiguraduhin kong mabubura ang pangalan niya sa National Registry ng Pilipinas”, nanggigil niyang utos sa bodyguard niya.

Hindi naman ito sumagot at tuloy-tuloy na lumabas ng kotse.

“Do your job properly next time Nigel. Kung gugustuhin ko ay ngayon mismo pwede kitang palitan”, sabi niya sa driver niya nang hindi man lang ito tinitingnan.

“Sorry Mam, hindi na mauulit”, sagot naman nito.

Iniripan niya ito at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Sakto namang nagtama ang mata nila ng isang sundalong dumaan at nagawi din ang tingin sa nakabukas niyang bintana. 

Hindi siya pamilyar sa mga uniporme ng mga sundalo pero masasabi niyang hindi ito basta-basta o normal na sundalo lang. May mga design sa balikat ng suot nitong uniporme at kakaiba din ang suot nitong sumbrero.

Hindi bago sa kanya ang makakita ng gwapo dahil kaliwa’t kanan ang nanliligaw sa kanyang modelo at maging artista, pero ngayon lang ‘ata siya nakakita ng gwapong sundalo. Mabuti na lang at eksperto siya sa pagpigil ng emosyon kaya’t kahit na aminado siyang gwapong-gwapo siya sa sundalong nakatitigan niya ng ilang segundo ay alam niyang hindi iyon rumehistro sa mukha niya. Ang nakakainis lang ay mukhang gano’n din ito, mukhang magaling din itong magtago ng ekspresyon dahil hindi din niya ito nakitaan ng kahit paghanga man lang sa kanya. Sa ganda kong ‘to?!,  komento niya sa isip. Pinigil niya ang sariling mapairap nang ito pa ang unang magbawi ng tingin at nilampasan lang siya.

“Kapal”, wala sa loob niyang bulong nang tuluyan itong makalampas.

Naputol ang saglit niyang moment na ‘yon nang pumasok si Julius sa kotse.

“Okay na Mam”, anito.

Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa. Pinindot niya ang kontrol ng bintana niya para isara ‘yon. At kahit na sabihin niya sa sariling huwag, ay pasimple pa din niyang nilingon ang sundalong dinedma ang ganda niya. Umasa siyang mapapalingon itong muli, kahit sa kotseng kinasasakyan niya man lang, pero bigo siya. Tanging likod nito ang nakita niya habang tuloy-tuloy na naglalakad hanggang sa marating ang isang nakaparadang Honda CRV sa gitna ng checkpoint mismo.

Hmft! Bwiset!, aniya sa isip tsaka padabog na bumaling sa harap at umayos ng pagkakaupo. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis na nilampasan lang siya nito and worse, hindi man lang ito kahit napa-second glance! Minsan na nga lang siya um-appreciate ng ka-gwapuhan, isnabero pa!

Ilang sandali pa’y mabagal na umusad ang kotse nila habang nagbibigay daan ang mga sasakyang nasa harapan para sa kanila sa direksyon ng ilang sundalong nangangasiwa sa checkpoint.

Kaugnay na kabanata

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER III (ALIAS)

    “S G T . P E R E Z . . .”, tawag ni Red sa atensyon ng isa niyang sundalo na nangangasiwa ng itinayo nila checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng Maynila bilang pagtugon sa lumalaking problema ng bansa sa paglaganap ng bentahan ng illegal na droga.“Sir!”, tugon naman nito at agad na umayos ng tayo saka sumaludo sa kanya.“Kaka-radyo. lang ng kampo, kailangan kong bumalik muna do’n, okay lang ba kayo dito?”, aniya.“Sir, yes Sir!”, sagot nito na tinanguan naman niya.“Good. Kung may problema tawagan ninyo ako. Pinapunta ko na rin si Captain Gonzales in case kailanganin n’yo ng tulong habang wala ako. Paparating na siguro ‘yon”, dagdag pa niya.“Sir, yes Sir!”, anito sa parehong tono.“As you were”, aniya dito bilang tanda na tapos na siyang magsalita.“Ingat ho kayo Colonel”, maya-maya ay sabi nito sa mas relax at mas normal na paraan habang nakangiti pa.Tinanguan niya lang ito sabay tapik sa balikat bago siya tuluyang lumabas sa maliit na kabina. Doon siya naka-estasyon para pamunuan

    Huling Na-update : 2023-04-20
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER IV (PRETTY SAVAGE)

    M A L A K A S . . . ang dagundong ng disco music na pumapailan-lang sa buong pool bar. Isa itong exclusive bar para sa mga nasa higher class at ito ang hangout nila ng VIP members ng Queens. Others call them friends pero sa kanya ay members lang sila. Hindi siya naniniwala sa salitang ‘friends’, dahil para sa kanya, kung ang sarili niyang kadugo ay walang pakialam sa kanya, mas imposibleng magkaroon ng malasakit ang hindi naman siya kaano-ano.She lazily took a sip of her mojito drink habang tahimik na pinagmamasdan ang mga tao sa paligid niya. Kwento rito, chismis doon, some were flirting, some were just chilling parang siya. May mangilan-ngilang nagsu-swimming samantalang ang iba naman ay nagsasayawan habang umiinom. This is her life, dull and boring. Kaya lang naman siya biglang nagtawag ng night out ay dahil nasa bahay ang daddy niya at gusto niyan

    Huling Na-update : 2023-04-21
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER V (THE CAT AND THE MICE)

    “R E D ? . . .’yon ang pangalan mo?”, tanong ni Deo kay Red habang prente itong naka-de cuatro ng upo. Diretso itong humithit ng yosi na nakaipit sa pagitan ng dalawa nitong daliri.Nakita ni Red ang sunod-sunod na tango ni Yoda mula sa gilid niya. Ito na ang sumagot para sa kanya bago pa man siya nakasagot. Mukhang kabado ito. May dalawang lalaking nakatayo sa likuran ni Deo. Sa unang tingin pa lang ay mahahalata nang lango ang mga ito sa ipinagbabawal na gamot. Para bang tipikal na tagpo sa mga pelikula nina FPJ at Ronnie Rickets, kapag malapit nang magharap ang bida at mga kontrabida. “R-Redentor talaga ang pangalan niya b-boss”, maagap na sagot ulit ni Yoda para sa kanya. Pinukol ito ni Deo ng matalim na tingin.“Ikaw ba kinakausap ko?”, anito na may himig na ng pagbabanta. Agad namang natahimik at yumuko ang huli sa takot.Muli siyang binalingan ni Deo at pinakatitigan, animo’y sinusuri siya ng masinsinsinan.“Ilang taon ka na?”, tanong ulit nito sa kanya sabay hithit ulit ng

    Huling Na-update : 2023-04-29
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER VI (RAPUNZEL)

    “T H A N K S . . . for the ride TJ”, sabi ni Scarlet kay Trinity, in her usual sweet voice bago ito bumaba ng sasakyan.Isang tipid at mabilis na ngiti lang ang isinagot niya dahil hindi naman talaga ang expressive- type. Complete opposite ng pinsan niyang very soft and fragile, sweet and caring, at higit sa lahat mabait. Nginitian siya nito tsaka binuksan ang pinto, pero natigilan nang bigla siyang magsalita. “Scar...”, Saglit siyang nag-alangan kung sasabihin niya ba ang nasa isip dahil nga awkward siya pag-e-express ng mga emotions. Matapos kasi ang insidente sa pool bar noong nakaraang linggo, napag-alaman niyang hindi lang pala ang dalawang palakang itinulak niya sa pool ang nagsasalita at pumu-puntirya kay Scarlet sa likod niya. Simula noon ay mas lalo pang naging aloof at tahimik ang pinsan niya.Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng kotse. Gusto niya sana itong bigyan ng reassurance that nat wala itong dapat ikatakot sa mga banta ng kung sino man sa loob o la

    Huling Na-update : 2023-04-29
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER VII (THE EYE OF THE STORM)

    T A H I M I K . . . na nakamasid si Red habang isa-isang ikinarga ni Deo ang mga bala sa baril na hawak nito. “Relax ka lang at obserbahan mo muna kung paano tayo trumabaho, Red”, anito habang may pasak na sigarilyo sa bibig.Nang matapos nitong ikarga ang huling bala ay sinipat nito iyon tsaka umasinta. Maya-maya ay ikinasa nito iyon at itinutok sa isa sa mga tauhan niya. Agad namang napataas ng kamay at napaatras ang huli. Humagikhik si Deo at mukhang naaliw sa naging reaksyon ng tauhan kaya itinutok ulit nito ang baril sa isa pang tauhan. Nang pareho ang naging reaksyon ng pangalawang lalaki ay doon ito nagpakawala ng tila nababaliw na tawa.Isinipit nito ang yosi sa pagitan ng dalawang daliri tsaka siya hinarap. Nang makitang blangko ang reaksyon niya ay nakita niya ang pagdaan ng magkahalong pagtataka at pagkamangha sa mukha nito. Muli itong humithit ng ilang pang beses tsaka pinatay ang yosi sa pamamagitan ng pag-apak dito. Maya-maya ay inalis nito ang magasin ng baril at i

    Huling Na-update : 2023-05-01
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER VIII (TESTING THE WATERS)

    H I N D I . . . pa man ganap na nakakapasok ay dinig na ni Red ang mahinang tugtog na halos panay beat lang. At nang itulak ni Yoda ang mabigat double door na mukhang yari sa mamahaling uri ng punong-kahoy, ay tuluyang bumungad sa kanila ang malakas na kabog ng disco music.Sumunod na lamang siya dito hanggang marating nila ang pinaka-loob ng club. May malalaki at ilang maliliit na swimming pool doon na puno ng ilaw na may iba’t ibang kaya’t nagmistulang may kulay ang mga tubig.Dumiretso sila sa bar counter na malapit sa may entrance dahil iyon ang pinaka-ideal na pwesto sa kanila. Mula doon ay kita nila ang halos kabuuan ng bar, lalo na lounge kung saan nakaupo ang grupo nina Scarlet. As usual, katabi pa rin nito si Trinity, na sa halos isang linggo nilang pagsunod sa mga ito, ay ni hindi niya nakitang ngumiti o magpakita man lang ng kahit na anong emosyon. She has that domineering vibe that makes her stand out among the rest kahi

    Huling Na-update : 2023-05-02
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER IX (ENCUENTRO)

    M A B I B I L I S . . . ang nagging paghakbang ni Red“Speedy, do you copy”, pasimple niyang bulong.Agad namang tumunog ang radio frequency niya tanda na may nasa kabilang linya na.“Yes Sir, I have a vision of the target. Ready to evacuate at your signal, Sir”, sagot naman ng kausap.“There will be a total blackout soon and it will last for two minutes. Be ready”“Copy, Sir”,He scanned the area. Nakita niyang dumating na ang ilang tauhan ni Deo

    Huling Na-update : 2023-05-03
  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER X (UNCERTAINTIES)

    P I L I T . . . pinakiramdaman ni Red kung saang banda nanggaling ang sigaw.Bigla niyang naisip ang mukha ni Trinity bago mawalan ng ilaw. Sa isiping baka ito ang nagmamay-ari ng mga sigaw na iyon ay parang biglang kumabog ang dibdib niya.“Sh*t!”, mahina niyang mura. Gusto niyang isigaw ang pangalan nito para masigurong ligtas ito, pero hindi niya pwedeng gawin iyon.“F*ck!”,Panay ng ikot niya sa dilim. Hindi pa siya kailan man nagpanic ng ganito in the middle of a mission. At isa iyon sa kinakainis niya, he hates uncertainties, and he hates that he discovered this side of him in the middle of such an important assignment.Biglang may humawak sa kaliwa

    Huling Na-update : 2023-05-04

Pinakabagong kabanata

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 120 (REAL IDENTITY)

    JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 119 (A FOE)

    JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 118 (TABLES TURNED)

    RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 117 (FRIEND OR FOE?)

    JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 116 (ESCAPE ROUTE)

    JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 115 (PSEUDO)

    JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 114 (UNDECIDED)

    JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 113 (SILENCE)

    JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 112 (MAKING SENSE)

    JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di

DMCA.com Protection Status