Home / Romance / THE GENERAL'S LOVER / CHAPTER V (THE CAT AND THE MICE)

Share

CHAPTER V (THE CAT AND THE MICE)

Author: Prinsesa Maria
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“R E D ? . . .’yon ang pangalan mo?”, tanong ni Deo kay Red habang prente itong naka-de cuatro ng upo. Diretso itong humithit ng yosi na nakaipit sa pagitan ng dalawa nitong daliri.

Nakita ni Red ang sunod-sunod na tango ni Yoda mula sa gilid niya. Ito na ang sumagot para sa kanya bago pa man siya nakasagot. Mukhang kabado ito. 

May dalawang lalaking nakatayo sa likuran ni Deo. Sa unang tingin pa lang ay mahahalata nang lango ang mga ito sa ipinagbabawal na gamot.  Para bang tipikal na tagpo sa mga pelikula nina FPJ at Ronnie Rickets, kapag malapit nang magharap ang bida at mga kontrabida. 

“R-Redentor talaga ang pangalan niya b-boss”, maagap na sagot ulit ni Yoda para sa kanya. 

Pinukol ito ni Deo ng matalim na tingin.

“Ikaw ba kinakausap ko?”, anito na may himig na ng pagbabanta. Agad namang natahimik at yumuko ang huli sa takot.

Muli siyang binalingan ni Deo at pinakatitigan, animo’y sinusuri siya ng masinsinsinan.

“Ilang taon ka na?”, tanong ulit nito sa kanya sabay hithit ulit ng yosi. 

“Bente nuebe”, tipid naman niyang sagot ayon sa detalye ng karakter niya bilang under cover.

Ilang linggo niyang pinakaaral-aral ang bawat detalye ng misyon niya. Sumalalim din siya sa isang crash course at intensive training kung paano ang maging undercover agent. Sinugurado nilang kahit na lasingin o magsalita man siya habang tulog ay pangangatawan niyang siya si Redentor Capili, bente nuebe anyos, malayong pinsan ni Yoda mula sa probinsya ng Isabela. Pinalabas nilang nangangailangan siya  ng malaking halaga ng pera sa lalong madaling panahon kaya lumuwas ng Maynila. 

Si Yoda ang naging daan ng ADFP para makapasok sa grupo ni Deo. May kapatid kasi itong nakakulong matapos mahulihan ng droga. Pero ayun dito ay napagbintangan lang ang kapatid niya,  kung kaya’t on going pa rin ang hearing ng kaso nito. Nangako ang pwersa ng Special Force na tutulungan nila ang kapatid nito,  basta’t mapatunayang inosente mula sa mga kinakaharap nitong kaso. Bilang kapalit ay makikipagtulungan ito sa ADFP. 

“Pinsan ka nga ba nitong si Yoda?”, untag ni Deo sa kanya. 

“Malayong pinsan”, tipid niyang sagot na ikinangisi nito.

Gaya ng nakagawian ay alerto ang buo niyang katawan at nakahandang umaksyon ayon kung kinakailangan.  

“Baril...”, biglang sabi ni Deo. 

Bahagya siyang nagulat roon. Syempre kargado rin siya. Hindi siya susuong sa gyera ng walang armas. Mas lalo siyang naging alerto sa paligid. 

“Marunong ka bang humawak ng baril?”, maya-maya ay dagdag nito.

Pasalamat na lang talaga siya dahil sanay siyang itago ang nararamdaman niya, kaya’t sigurado siyang walang kahit na anong bahid ng emosyon ang mukha niya ngayon.  

Inilahad nito ang kamay sa lalaking nasa kanan nito. Agad naman iyong nag-abot ng baril dito. Bigla nito iyong ikinasa at itinutok sa kanya. Ni hindi siya kumurap sa ginawa nito. Maya-maya ay tumawa ito tsaka inikot ang sa hintuturo trigger guard at patalikod na inabot sa kanya.

Walang sabing na inabot naman niya iyon. Lumunok  muna siya tsaka iyon ikinasa at pinaputok ng dalawang beses habang nakatutok sa bintana sa kanang niya. Sinadya niyang wag umasinta kaya’t basta lang iyon tumama sa dingding.

“Hmm, hindi masama”, tumatangong komento ni Deo.

“Sumasama kasi ‘tong pinsan kong ‘to sa tatay niya sa pangangaso simula bata kaya medyo marunong ‘to humawak ng baril boss”, singit ni Yoda na may pagmamalaki sa tono ng boses.

“Alam mo Yoda kanina pa ako naririndi sa’yo eh”, sarkastikong saad ni Deo kaya’t muling napatungo ang ‘pinsan’ niya.

Dahan-dahan itong naglakad papalit sa kinatatayuan ng huli. 

“Ano ba sabi ko sa inyo?”, tanong nito nang ganap na makalapit.

“K-Kapag hindi k-Kinakausap h-huwag s-sasabat”, halos pabulong nang sagot ni Yoda.

“Eh bakit ka sabat ng sabat, P*TANG *NAHA^!&# KA??!!!”, sigaw ni Deo. Nanlalaki ang mga mata at nanggigigil ito sa galit na tila ba kaya nitong pumatay. Bigla itong parang naging mabangis na leon at aligagang sininghot-singhot ang nanginginig na kamay.

Tila nababalisa itong nagpalakad-lakad paikot sa upuan nito kanina. 

“Grrrr!!! Arrgh! Arrrgh! Grrrr!”, anito na parang bang nanggigigil ito sa hangin. Mukhang sanay na ang mga tauhan nito rito dahil hindi na mababakasan ng gulat ang mga ito sa kakaibang asal ng amo nila.

Makalipas ang ilang sandali ay muli siya nitong hinarap.

“Red, Red, Red...”, paulit-ulit nitong sambit sa pangalan niya habang papalapit sa kinaroroonan niya.  Ipinatong nito ang dalawang kamay sa magkabila niyang balikat at pinakatitigan siya.

“Bakit mo gustong sumali sa grupo ko?”, 

“Kailangan ko ng pera”, simple at tipid niyang sagot na ikinatawa nito ng bahagya.

“At bakit kita kailangang tanggapin sa grupo ko?”

Nagkibit-balikat siya tsaka muling sumagot ng tipid.

“Dahil kailangan ko ng pera”, 

Napahagikhik ng tawa si Deo na habang tumatagal ay lumalakas. Hanggang sa nauwi iyon sa malutong na halakhak, sabay itinuturo-turo siya.

Binalingan nito si Yoda na halos magdikit na ang baba at dibdib sa labis na pagkakayuko.

“Pasalamat ka...”, ang tangi nitong sabi habang dinuduro-duro ang pobre. 

“Turuan mo ‘tong pinsan mo ng patakbo ko rito nang magka-silbi ka namang ungas ka!”, utos nito. 

“O-Opo”, sagot ni Yoda kasabay ang sunod-sunod at mabibilis na pagtango.

Muli itong bumalik sa kinauupuan nito kanina na para bang isa itong hari na bumalik sa trono niya. Sinenyasan nitong  muli ang lalaking nagbigay ng baril dito kanina. May iniabot itong isang litrato. Mabilis nitong sinipat iyon tsaka ipinakita sa kanya. Tila iyon isang candid shot ng mga dalagang sa tantya niya ay nasa edad disi otso hanggang bente. Kuha iyon sa labas ng gate ng isang unibersidad. Kung titingnan ay naka-pokus ang kuha sa babaeng nakasalamin at pinakasimple ang damit sa lahat. Lumapit ang peke niyang pinsan sa kanya para makisilip sa litratong ipinapakita ni Deo.

“Scarlet”, 

“Bago mong chikas boss?”, pabirong tanong ni Yoda na agad humalukipkip nang ambahan ng suntok.

“Sundan n’yo”, utos nito.

Tumatangong kinuha ni Yoda ang litrato mula dito.

Para silang mga langaw na binugaw nito paalis. Walang sali-salitang tumalikod na ang kasama niya kaya’t sumunod na lang din siya. Nagtuloy-tuloy ito palabas ng apartment na nagsisilbing hideout ng grupo.

Dire-diretsong lumulan sa driver’s seat ng 1996 Honda civic na kulay pilak si Yoda. Sumakay naman siya sa passenger side niyon.

Pinili niyang manahimik at makiramdam muna sa sitwasyon. Hindi rin naman nagsasalita si Yoda kaya namayani ang katahimikan sa loob ng kotse habang binabagtas nila ang daan. 

Makalipas ang mahigit isang oras ay pumarada sila sa may di kalayuan sa gate ng isang unibersidad. 

Nang bumaba si Yoda ay sumunod na rin siya. Tuloy-tuloy itong naglakad palapit sa ilang stalls ng street food, na halos limang metro ang layo sa pinag paradahan nila ng kotse.

“Haaaayyyy, sa wakas pwede nang magsalita!”, tila nakahinga ng maluwag na sabi ni Yoda.  Ganap silang makalapit sa mga stall ng pagkain.

Bago kasi nagsimula ang misyon ay pinakabilingan nila itong huwag na huwag magbabanggit ng tungkol sa misyon kahit saan sa bahay nila, sa kotse o sa kuta ni Deo bilang pag-iingat na rin. Maraming koneksyon ng huli sa loob at labas ng pulisya kaya hindi malayong may mga wiretapping device din ito.

“Anong gusto mo, Colonel?”, nakangiting tanong nito sa kanya.

“Mas maganda kung masasanay kang tawagin akong Red habang ginagawa nating ito”, walang emosyon niyang sagot habang iginagala ang paningin sa paligid, para siguruhin walang nakamanman sa kanila. 

Hindi ito sumagot kaya nilingon niya ito.  Nakita niyang kunot-noo itong nakatitig sa kanya na para bang isa siyang puzzle na hindi nito mahulaan.

“Bakit?”, tanong niya.

“Wala naman, napaisip lang ako kung ganyan talaga ang personality mo sa totoong buhay o in-character ka lang”,

“Na ano?”,

Pero imbes na sagutin ay pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa habang hinihimas-himas pa ang ilalim ng baba.

Magsasalita na sana siya nang biglang nanlaki ang mata nito na para bang nakakita ng multo. 

Akmang lilingon siya para sundan ang direksyon ng tingin nito pero agad siya nitong pinigil.

“Wag ka munang lilingon!”, pabulong nitong pagalit sa kanya, kaya para siyang na-estatwa rin. 

“Sina Geronimo at Egan, mga bata ni boss!”, mariin ulit nitong bulong habang kunwari ay tumutusok ng fishball at tokneneng.

Agad naman niyang nakuha ang ibig nitong sabihin, kaya kaswal din siyang tumusok rin ng kikiam at fishball. Inasahan na niyang hindi sila basta-basta pagkakatiwalaan ni Deo at marahil ang ‘assignment’ na ibinigay nito sa kanila para sundan si Scarlet ay para subukin lamang siya.

Tinapik-tapik niya ito sa balikat tsaka kaswal na inakbayan. Kailangan niyang pangatawanan na magpinsan sila kaya dapat ay magmukha silang close at magkapamilya. Medyo kumunot ang noo ni Yoda at mukhang na-weirdohan sa ginawa niya pero pasimple niya itong pinandilatan habang hinihigpitan ang pagkakaakbay rito. 

Hindi nagtagal ay lumabas sa gate ang grupo ng mga babaeng estudyante, kung saan isa doon si Scarlet. Muli niyang tinapik si Yoda sa balikat at pasimpleng tumango sa gawi ng gate. Mula sa kinaroroonan nila ay madidinig ang mahinang tawanan at animo’y bulungan ng mga ito dahil sa distansya.

Pasimple niya muling sinulyapan ang direksyon kung saan nila nakita ang mga tauhan ni Deo, pero wala na ang mga ito doon. Bahagya pa siyang nagpalinga-linga sa paligid pero mukhang tuluyan nang umalis ang mga ito. 

“Sinigurado lang nilang sumunod ka sa utos at hindi nagsumbong sa parak”, ani Yoda saka sumubo ng tokneneng at pasimpleng pinagmasdan ang grupo nina Scarlet kaya natuon din doon ang pansin niya.

Kung pagmamasdan ng maige ay agad na mapapansin ang laki ng pagkakaiba ng ayos ng dalaga sa mga kasama nito. Panay mga nakatakong at hapit na damit ang mga ito samantalang si Scarlet ay naka-simpleng tshirt at maong na pantalon lang na pinaresan ng rubber shoes.

Narinig niyang pumalatak ang kasama kaya nilingon niya ito . Nakita niyang ngumi-ngiti ito habang nagsasawsaw ng tokneneng.

“Bakit?”, tanong niya at ginaya ang ginagawa nito.

“Wala, naisip ko lang, konti lang din pala ang nilamang mo sa akin sa pagka-gandang lalaki, ano?”

Napakunot ang noo niya sa mga sinasabi nito.

“Tingin mo manong? Mga isang paligo lang siguro ano?”, baling pa nito sa nagtitinda ng fishball na umiling-iling lang. 

Hindi na lang siya sumagot dahil hindi niya naman alam kung ano bang pinagsasabi nitong kasama niya. Binalingan niya na lang ang mga target. Sakto namang lumingon din sa gawi nila ang babaeng katabi nito kaya’t saglit na nagtama ang mga mata nila. May pamilyar na pakiramdam siyang nadama sa malalamig at walang emosyong mga matang iyon. Na para bang minsan na niya iyong natitigan. Ang hindi niya maalala ay kung saan at kailan.

Natauhan siya nang bigla siyang sikuhin ni Yoda.

“Uy! Baka matunaw ‘yong chikas, Ser!”, kantiyaw nito. 

Tumikhim na lang siya upang itago ang pagkapahiya at nagkunwaring tumusok ulit ng fishball at mabilis na kinain iyon. 

Muli siyang siniko ng makulit na kasama. Napabuntong-hininga siya. Mukhang mas mapapagod siya sa kakulitan nitong peke niyang pinsan kaysa sa misyon niya mismo. 

“Mukhang type ka ni baby ah”, pabulong nitong panunukso. 

“Sinong baby?”, kunot noo niyang tanong.

Bahagya itong tumango sa direksyon ng mga dalaga habang may mapanudyong ngiti. Hindi siya nagkamali, ang tinutukoy nitong ‘baby’ ay ang babaeng katabi ni Scarlet, na siya ring titigan niya ng saglit kanina. Hindi na ito nakatingin sa gawi nila pero nakita niyang tinapunan pa rin siya nito ng isang mabilis na tingin, pero agad din nitong binawi. 

Doon niya naalala na isa pala siyang undercover kaya dapat siyang mag-ingat sa mga taong posibleng makakilala sa kanya. Agad siyang yumuko at pasimpleng hinila pababa ang suot niyang itim na sumbrero upang itago ang kanyang mukha. Lihim siyang napahiling na sana ay hindi siya kilala ng babae. 

Napaangat na lang siyang muli ng tingin sa mabibilis na tapik ni Yoda.

“Tara”, may pagmamadali nitong sabi.

Nang muli niyang nilingon ang mga dalaga mukhang nagpapaalamanan na ang mga ito at may nakaparada nang itim na BMW sa tapat nina Scarlet. 

Agad siyang sumunod sa kasama na nauna nang bumalik sa kinaroroonan nga kotse nila. Pero imbes na pumasok ay sumandal lang ito sa may hood at itinuloy ang pagkain ng fishball na nakalagay sa plastic cup. 

Nakita niyang nakaparada pa rin ang BMW kaya mukhang magmamasid muna sila. 

“Haysss, kawawa namang ‘tong chikas na ‘to”, maya-maya ay sabi nito habang umiiling.

“Bakit naman?”, 

“Lesson number 1, dalawang bagay lang ang rason kung bakit pinapasundan ni Boss Deo ang isang tao”,

“Una, kapag babae, pwedeng kursunada niya at balak gamitin, o di kaya may utang sa kanya at gusto niyang singilin. Kapag lalaki naman, pwedeng may utang na dapat sisingilin o di kaya ay banta sa negosyo ni boss”, dagdag pa nito.

Tahimik siyang naghintay ng sasabihin pa nito pero hindi na ito nagsalita.

“Ano ‘yung pangalawang rason?”, tanong niya.

Ngumisi ito.

“Tssrkkkk”, anito habang umaktong ginigilitan ang leeg gamit ang sariling hinlalaki nito.

Hindi na siya nagulat sa sagot nito. Alam naman niyang notorious si Deo pagdating sa mga maruruming gawain.

“Sa totoo lang, alam mo? Gusto ko na ring kumalas”, maya-maya ay seryosong sabi nito.

Nang lingunin niya ito ay nakatuon ang pansin nito sa kinakain nito pero mukhang wala ito sa sarili dahil panay lang ang pagtusok-tusok nito sa mga fishball.

“Ba’t di mo gawin?”, 

Natawa ito ng pagak.

“Masyado nang matagal akong nagtatrabaho para kay Deo para pakawalan niya lang ako ng basta”, sagot nito tsaka ako tinapunan ng mabilis na sulyap bago ibinalik muli sa pagkain ang pansin.

“Para sa mga tulad ko, buhay ko ang katumbas ng kalayaan ko mula sa mga gaya ni Deo”.

“Hindi mo ba sinubukang humingi ng tulong sa  kapulisan?”, 

Muli itong natawa ng pagak tsaka bahagyang lumapit sa kanya at bumulong.

“Colonel...hindi lahat ng naturingang tagapagtanggol ng mga inaapi ay matuwid na kagaya mo. Tina’mo nga kami ng kapatid ko? Dahil lumaki kami sa iskwater, mahirap, walang magulang at hindi nakapagtapos, kami ang pinakamadaling pagbintangang kriminal. Kasi lahat gagawin namin para malamnan ang kumakalam naming sikmura eh”, paliwanag nito tsaka muling umayos ng tayo at isinubo ang huling piraso ng fishball mula sa plastic cup na hawak nito.

“Ay teka, oo nga pala, ako naging totoong kriminal, pero ‘yong kapatid ko? Tsk, mas pipiliin pa n’on na kumain ng basura kesa magnakaw. Ni pumatay ng langaw di ‘ata kaya n’on ”, pabiro nitong dagdag at sinundan iyon ng tawa.

“Kaya pakiusap ko lang Colonel, gagawin ko ang lahat para matulungan kayo, basta ipangako niyong makakalabas ng kulungan ang kapatid ko”, sabi pa nito habang seryosong nakatingin sa kanya. 

Tumango na lang siya bilang sagot. Ang totoo ay hindi niya magawang pasinungalingan ang mga nauna nitong paratang sa mga tagapagtanggol ng bayan. Nakakahiya mang aminin, ay totoo ang mga sinabi nito. 

“Red, tara!”, ang nagmamadaling tono nito ang umagaw sa isip niya. 

Nagmamadali silang sumakay sa kotse nang makitang paalis na ang itim na BMW lulan si Scarlet at ang magandang babaeng katabi nito kanina.

“Tago mga daga, heto na ang mga poging pusa! Meow!”, biro pa ni Yoda sabay umaktong parang pusang nangangalmot.

Naiiling siyang kumapit sa grab handle. 

“Uy!”, baling nito sa kanya. Hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin kaya binigyan niya lang ito ng blangkong ekspresyon.

“Meow..”, sabi ulit nito na para bang inuudyok siyang gayahin ito.

Sinamaan niya lang ito ng tingin. Pero sa halip na matakot ay tinawanan siya nito at kinalmot-kalmot na parang pusa. Nang hindi siya magpakita ng reaksyon ay tumigil na rin ito. Narinig niya ang pagbulong-bulong nito na parang batang nagmamaktol. Ang totoo ay gusto niyang matawa. Kung sa ibang pagkakataon lang sila nagkakilala, siguro ay magiging matalik silang magkaibigan nito. 

Nang hindi pa ito kumilos ay tinapik niya ito tsaka tumango sa direksyon ng BMW upang iindika na paalis na ang kotse at dapat na silang gumalaw.

“Psh, KJ”, narinig niyang bulong nito tsaka pinaandar ang sasakyan.

Pilit niyang itinago ang ngiti. 

Kaugnay na kabanata

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER VI (RAPUNZEL)

    “T H A N K S . . . for the ride TJ”, sabi ni Scarlet kay Trinity, in her usual sweet voice bago ito bumaba ng sasakyan.Isang tipid at mabilis na ngiti lang ang isinagot niya dahil hindi naman talaga ang expressive- type. Complete opposite ng pinsan niyang very soft and fragile, sweet and caring, at higit sa lahat mabait. Nginitian siya nito tsaka binuksan ang pinto, pero natigilan nang bigla siyang magsalita. “Scar...”, Saglit siyang nag-alangan kung sasabihin niya ba ang nasa isip dahil nga awkward siya pag-e-express ng mga emotions. Matapos kasi ang insidente sa pool bar noong nakaraang linggo, napag-alaman niyang hindi lang pala ang dalawang palakang itinulak niya sa pool ang nagsasalita at pumu-puntirya kay Scarlet sa likod niya. Simula noon ay mas lalo pang naging aloof at tahimik ang pinsan niya.Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng kotse. Gusto niya sana itong bigyan ng reassurance that nat wala itong dapat ikatakot sa mga banta ng kung sino man sa loob o la

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER VII (THE EYE OF THE STORM)

    T A H I M I K . . . na nakamasid si Red habang isa-isang ikinarga ni Deo ang mga bala sa baril na hawak nito. “Relax ka lang at obserbahan mo muna kung paano tayo trumabaho, Red”, anito habang may pasak na sigarilyo sa bibig.Nang matapos nitong ikarga ang huling bala ay sinipat nito iyon tsaka umasinta. Maya-maya ay ikinasa nito iyon at itinutok sa isa sa mga tauhan niya. Agad namang napataas ng kamay at napaatras ang huli. Humagikhik si Deo at mukhang naaliw sa naging reaksyon ng tauhan kaya itinutok ulit nito ang baril sa isa pang tauhan. Nang pareho ang naging reaksyon ng pangalawang lalaki ay doon ito nagpakawala ng tila nababaliw na tawa.Isinipit nito ang yosi sa pagitan ng dalawang daliri tsaka siya hinarap. Nang makitang blangko ang reaksyon niya ay nakita niya ang pagdaan ng magkahalong pagtataka at pagkamangha sa mukha nito. Muli itong humithit ng ilang pang beses tsaka pinatay ang yosi sa pamamagitan ng pag-apak dito. Maya-maya ay inalis nito ang magasin ng baril at i

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER VIII (TESTING THE WATERS)

    H I N D I . . . pa man ganap na nakakapasok ay dinig na ni Red ang mahinang tugtog na halos panay beat lang. At nang itulak ni Yoda ang mabigat double door na mukhang yari sa mamahaling uri ng punong-kahoy, ay tuluyang bumungad sa kanila ang malakas na kabog ng disco music.Sumunod na lamang siya dito hanggang marating nila ang pinaka-loob ng club. May malalaki at ilang maliliit na swimming pool doon na puno ng ilaw na may iba’t ibang kaya’t nagmistulang may kulay ang mga tubig.Dumiretso sila sa bar counter na malapit sa may entrance dahil iyon ang pinaka-ideal na pwesto sa kanila. Mula doon ay kita nila ang halos kabuuan ng bar, lalo na lounge kung saan nakaupo ang grupo nina Scarlet. As usual, katabi pa rin nito si Trinity, na sa halos isang linggo nilang pagsunod sa mga ito, ay ni hindi niya nakitang ngumiti o magpakita man lang ng kahit na anong emosyon. She has that domineering vibe that makes her stand out among the rest kahi

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER IX (ENCUENTRO)

    M A B I B I L I S . . . ang nagging paghakbang ni Red“Speedy, do you copy”, pasimple niyang bulong.Agad namang tumunog ang radio frequency niya tanda na may nasa kabilang linya na.“Yes Sir, I have a vision of the target. Ready to evacuate at your signal, Sir”, sagot naman ng kausap.“There will be a total blackout soon and it will last for two minutes. Be ready”“Copy, Sir”,He scanned the area. Nakita niyang dumating na ang ilang tauhan ni Deo

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER X (UNCERTAINTIES)

    P I L I T . . . pinakiramdaman ni Red kung saang banda nanggaling ang sigaw.Bigla niyang naisip ang mukha ni Trinity bago mawalan ng ilaw. Sa isiping baka ito ang nagmamay-ari ng mga sigaw na iyon ay parang biglang kumabog ang dibdib niya.“Sh*t!”, mahina niyang mura. Gusto niyang isigaw ang pangalan nito para masigurong ligtas ito, pero hindi niya pwedeng gawin iyon.“F*ck!”,Panay ng ikot niya sa dilim. Hindi pa siya kailan man nagpanic ng ganito in the middle of a mission. At isa iyon sa kinakainis niya, he hates uncertainties, and he hates that he discovered this side of him in the middle of such an important assignment.Biglang may humawak sa kaliwa

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER XI (ROGUE VICTIM)

    “S A B I H I N . . . n’yo sa’kin paanong nangyari na may mga parak doon?!!!”Ang dumadagundong na boses ni Deo ang inabutan ni Red pagpasok niya sa sala ng bang house ng grupo. Nagtitipon-tipon ang mga ito at mukhang galit na galit na naman ang huli.Pasimple siyang tumabi kay Yoda at tinapik ito sa braso.“Anong meron?” bulong niya.Sinenyasan siya nito na lumapit pa ng husto kaya gano’n nga ang ginawa niya.“Nakita si Boss na mga alagad ng kabila doon sa loob kagabi”, sagot nito na may nagpapaunawang tingin sa kanya.“Nabaril ‘ata ni Boss ‘yung isa kaya naitawid ‘yong kagabi&rdqu

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER XII (COLLATERAL DAMAGE)

    CHAPTER 12COLLATERAL DAMAGEM A I N G A T . . . at isa-isang na pinunasan ni Red ang magkakahiwalay na parte ng baril na ibinigay ni Deo sa kanya. Iyon kasi ang isa sa mga nakasanayan niyang gawin kapag hindi siya makatulog o di kaya’y nag-iisip.Magdamag siyang hindi nakatulog sa matapos nilang magkausap ng group niya sa Special Force kagabi. Tungkol iyon sa nangyaring panlilinlang ni Deo sa kanila, pati na ang nalaman niyang impormasyon kay Yoda. Dalawang bagay ang mas naging malinaw sa kanya.Una, sa makalawa ay magkakaroon ng siguradong transaksyon si Deo sa mga kliyente nito. Iyon ang pagkakataong pinakahihintay nila, ang mahuli ito sa akto ng pakikipagkalakalan ng ipinagbabawal na gamot at ilegal na armas.

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER XIII (INTO THE DARKNESS)

    (SPG ALERT!) TRINITY’S POV N E V E R . . . in her entire eighteen years of existence, did Trinity ever imagined na mangyayari sa kanya ang lahat ng pinagdaraanan niya ngayon. She had always had tight a security. And Xtasis is the same. Kaya hindi niya maintindihan kung paanong na-kidnap siya habang nasa loob mismo ng exclusive pool bar, where she would normally hang out and nothing every happened. She hates uncertainties. Wala sa personalidad niya ng tumaya sa mga bagay at pagkakataong walang kasiguraduhan. But with the situation that she is in right now, not only she was filled with vagueness, but also with fear…lots of it. “Ano na Reeeeed?!” narinig niyang sigaw ng isang tinig. Magmula nang magkamalay siya, matapos siyang madukot, ay nakapiring na ang kanyang mga mata. All she sees is darkness. Ni wala siyang ideya kung gaano katagal na siyang bihag ng mga ito. Naramdaman niya ang paglapit isang bulto sa tabi niya. Hindi niya mapigilan ang mapaiyak. “Please…don’t”, she ple

Pinakabagong kabanata

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 120 (REAL IDENTITY)

    JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 119 (A FOE)

    JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 118 (TABLES TURNED)

    RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 117 (FRIEND OR FOE?)

    JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 116 (ESCAPE ROUTE)

    JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 115 (PSEUDO)

    JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 114 (UNDECIDED)

    JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 113 (SILENCE)

    JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 112 (MAKING SENSE)

    JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di

DMCA.com Protection Status