Share

CHAPTER 1

Author: Ad Sesa
last update Last Updated: 2024-04-09 18:50:55

“Kumusta ang Baby Mira ko, Fleur?” tanong ni Avely sa kaibigan niyang pediatric nurse. Humahangos man siya na pumasok sa nursery ay abot hanggang anit naman niya ang kanyang pagkakangiti.

Maghapon siya sa Traning Center kung saan nag-aaral siya ng midwifery kaya miss na miss na niya si Baby Mira—ang dalawang buwang sanggol na kanya nang anak-anakan sa Moherra Birthcare center.

“Huwag kang maingay,” sita sa kanya ng kaibigan habang nakalagay ang hintuturo sa mga labi nitong nakanguso. Pinapatahimik siya.

“Bakit may prob—”

“Wala. Pero kakatulog niya lang kasi,” pamamatlang sa kanya ni Fleur.

Madramang natutop na niya ang didib. Naginhawaan. “Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari sa anak ko.”

“Anak talaga?”

“Hayaan mo na ako. Magiging anak ko rin naman siya oras na puwede ko na siyang ampunin,” rason niyang ngumiti ulit.

“Ay, naku, Avely, kung ako sa ‘yo ay huwag ka agad umasa na sa iyo mapupunta si Baby Mira. Alam mo na mahirap at mahabang proseso ang pag-aampon ng bata. Baka masaktan ka lang sa hulihan.”

Sa halip na makipagtalo na naman siya kay Fleur, sabihin ulit na malakas ang loob niyang pagbibigyan siya ng langit na maging ina ni Baby Mira, ay nilapitan na lamang niya ang cute na cute na sanggol. Akmang pipindutin ang maliit na ilong nito.

“Sabing katutulog lang hahawakan pa talaga!” ngunit ay sita sa kanya ni Fleur. Tinabig nito ang kanyang kamay.

Nilabian niya ang kaibigan. Pero hindi naman niya ito masisisi dahil talaga namang napakahirap ang magpatulog ng baby.

Kapag wala siya dahil nag-aaral nga siya ngayon ng midwifery ay pinapalitan siya ni Fleur sa pag-aalaga kay Baby Mira. Sila kasi ni Fleur ang pediatric nurse ng nursery. Salitan sila ng duty, minsan naman sabay sila kapag madami-dami ang nanganganak. At hindi lang si Baby Mira ang inaalagaan nila kundi pati na rin ang ibang sanggol na dinadala sa nursery kada may nanganganak na pasyente.

Mula kasi nangyari ang insidente na iyon, noong sinubukan niyang paanakin si Monica ay nagbago ang pananaw niya sa buhay. Mula sa pagiging emergency nurse ay hiniling niya na maging pediatric nurse siya upang siya mismo ang mag-alaga sa sanggol na iniwan ni Monica.

Oo, buhay ang sanggol na noon ay inakala nilang ‘stilbirth’ o patay bago ipanganak.

........ "Deserve mo ‘yan dahil wala kang kuwentang tao!” naalala niya na gigil na singhal niya noon sa lalaking ama ng sanggol. Nagalit kasi siya dahil ang kapal ng mukha na bigyan siya ng pera at sabihing siya na ang bahala sa mag-ina. Ibig sabihin, siya na ang bahala na magpalibing sa mag-ina. Kung hindi ba naman gago.

“Sana ikaw na lang ang namatay at hindi ang mag-ina mo!” sabi pa niya noon at malalaki ang hakbang na tinalikuran na ito. Grabe ang pagpupuyos ng kanyang damdamin na bumalik sa loob ng center. Hindi siya makapaniwala na may ganoong klaseng ama at asawa.

“Avely, magandang balita. Buhay ang sanggol,” pero hinarang siya noon ni Ria, ang labor and delivery nurse ng center.

Katumbas ng yelong inilagay sa ulo niya ang epekto ng balitang iyon ni Ria sa kanya. Nanlamig ang buo niyang katawan na natulala siya.

“Avely, okay ka lang?” Niyugyog siya ni Ria.

“Totoo ba?” Natauhan naman siya.

“Oo. Na-revive siya ni Doktora Punzalan.”

Napangiti na siya. Pero nang maalala ang ina ng sanggol ay nanumbalik ang lungkot niya. “Eh, ang ina? Si Monica?”

Umiling ito ng marahan. “Siya ang wala na talaga.”

Nalumbay silang parehas ni Ria. Nakikiramay agad sila sa sanggol at naawa dahil hindi nito makikita ang ina sa paglaki nito.

“Teka, ano 'yan?” hanggang sa pansin ni Ria sa hawak niya.

Nanlaki ang mga mata ni Avely nang makita niya sa kamay niya ang bugkos ng pera na ibinigay sa kanya ng lalaki. Gawa ng matinding galit niya sa lalaki kanina ay hindi pala niya naibalik. Nawala sa isip niya.

“Sandali lang, Ria! Babalik ako!” Bigla siyang talilis pabalik sa labas. Kailangan niyang maibalik ang pera sa lalaki. Higit sa lahat, kailangan niyang masabi na buhay pala ang anak nito.

Hingal na hingal niyang hinanap sa labas ang lalaki. Sa kamalasan, wala na, hindi na talaga niya ito nakita pa. Umalis na talaga. Iniwan na talaga nito ang mag-ina nito.

How dare he!

Tumaas-baba ang dibdib ni Avely sa sobra na namang inis sa lalaki. He was the most selfish man she had ever known. Sana ay hindi na ulit magkurus ang landas nila.

Isa itong masamang lalaki. Isang masamang ama at asawa. At kung sakali, isinusumpa niya, hindi siya makakapayag na magkita pa ang mag-ama. Sana kahit kailan ay hindi na nito makita pa ang anak nito........

“Hoy, Avely!”

“Huh!” Gulat na gulat siya nang hawakan siya ni Fleur. Nawili siya sa paglalakbay sa nakaraan kaya natulala siya.

“Ang cellphone mo. May tumatawag.” Ininguso ni Fleur ang bulsa niyang kinasusuksukan ng kanyang cellphone.

“Ah, oo,” aniya’t dinukot iyon. “Hello po, Doktora?” at sagot niya agad sa tawag nang makita niyang ang may-ari ng center na si Doktora Isadora Moherra ang nasa kabilang linya.

“Nandiyan ka na ba sa center, Avely? Tapos na ba ang training mo?” malumanay na tinig ng matanda.

Napangiti siya. “Opo, Doktora. Kadarating ko lang po.”

“Sakto lang pala ang pagtawag ko.”

“Bakit po?”

Ilang sugundo na natahimik ang matanda sa kabilang linya.

“Doktora, nandiyan pa po kayo?”

“Uhm, yes, Avely. It’s just that nahihiya kasi ako sa gusto ko sanang sabihin sa iyo.”

“Naku, huwag po. Kung meron man pong dapat mahiya ay ako po iyon. Nahihiya pa rin po kasi ako dahil ang bait niyo po sa akin.”

“You deserve it, iha. Gantimpala mo iyan sa pagkakaroon mo ng mabuting puso kaya huwag kang mahihiya.”

Noong nalaman ni Doktora Isadora ang ginawa niyang pagtulong kay Monica ay ipinatawag siya noon sa office nito. Sobra itong namangha sa kanya kaya isang hiling ang tutuparin daw nito kapalit ng katapangang ginawa niya kay Monica. Dahil daw kasi sa kanya ay nailigtas ang sanggol sa sinapupunan noon ni Monica at isa raw iyong kahanga-hanga na pagpapakita ng malasakit sa mga buntis, na siyang layunin mismo ng Moherra Birthcare Center; ang matiyak ang kaligtasan ng buntis at ng ipinagbubuntis nito.

Hindi siya noon agad nakasagot kung ano ang hihilingin niya. Pero nang hindi mawala sa isip niya na kung sana may kaalaman na siya noon sa pagpapaanak ay baka pati buhay ni Monica ay nailigtas niya. Dahil sa guilt niya ay nabuhay sa dugo at puso niya na mag-aral ng midwifery. At iyon nga ang hiniling niya na agad pinagbigyan ni Doktora Isadora.

Iyon ang dahilan kung bakit nurse pa rin siya sa Moherra Birtcare Center and at the same time nag-aaral ng midwifery.

“Pero may hiling din sana ako sa iyo, Avely, kung okay lang,” untag sa kanya ni Doktora Isadora.

“Ano po iyon? Kahit ano po. Sabihin niyo lang po, Doktora.”

“Salamat, but I don’t want to talk about it over the phone. It’s quite private and very personal. Puwede bang magpunta ka na lang dito sa bahay, iha?”

“O-oo naman po. Wala pong problema,” nagtataka man ay sagot niya.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng matanda bago ulit nagsalita. “Kung ganoon ay hihintayin kita rito sa bahay ngayon?”

“Opo, sige po. Aalis na po ako rito. Papunta na po ako diyan.”

“Mag-iingat ka kung ganoon.”

MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO na byahe, nakarating nga si Avely sa mansyon ng mga Moherra. Agad siyang dinala ng kasambahay sa dining area dahil doon daw siya hinihintay ni Doktora Isadora.

Magiliw siyang pinaupo ng matanda nang magkita nga sila doon. Wala pa rin siyang ideya kung ano ang hihilingin nito sa kanya, ang sigurado lang niya sa sandaling iyon ay masasarap ang mga putaheng nakahain sa lamesa para sa hapunan. It was a six-course meal.

Napalunok tuloy siya. Naging alumpihit sa kinauupuan. Hindi kaya last supper na niya ito?

“Kain lang, Avely. Ipinahanda ko talaga ang lahat ng iyan para sa iyo,” sa wakas ay salita ni Doktora Isadora. Iyon na ang hinihintay niyang hudyat upang mag-usap sila.

“Uhm, Doktora, ano po iyong sasabihin niyo sa akin?”

Ngumiti sa kanya ang matanda. Her rheumy eyes sparkled in excitement. “Ayaw mo bang kumain muna?”

“Parang mas masarap po yatang kumain kung alam ko na po ang sadya ng pagpunta ko rito?” aniya sa maingat na tono. Sobra-sobra kasi ang respeto niya noon pa man sa matanda. Hindi niya makakalimutan na kahit hindi kailangan noon ng emergency nurse ang center ay naglaan pa rin ito ng posisyong ganoon para sa kanya. Malaki raw kasi ang pagtitiwala nito sa kanya. May nakikita raw ito sa kanya na hindi nito maipaliwanag kaya ayaw nitong sayangin na magkaroon ng nurse na katulad niya.

Siya man ay takang-taka noon.

“It’s about my apo, iha. Si Tom Tom,” simula ng matanda. “Kilala mo naman siya, hindi ba? Ang apo ko na matagal ko nang inaasam na magbalik dito sa Galero Province?”

Biglang natigil sa paghinga si Avely. Syempre kilala niya si Tom Tom. Sino ba ang hindi makakakilala kay Tom Tom kung lagi itong bukambibig ni Doktora Isadora sa tuwing dadalaw sa center o kung hindi man ay sa tuwing may conference? Laging idinadaing nito ang pangungulila nito kay Tom Tom. Na sana magbalik na raw ito dahil matanda na ito… at kung anu-ano pa.

“Sa wakas kasi ay nakatanggap na ako ng mensahe galing sa kanya. Matapos ang sampung taon ay nagparamdam na rin sa akin ang aking apo.”

Nasiyahan siya sa balitang iyon. Walang kaplastikan. Subalit hindi siya nakapagsalita dahil mas nagtataka na kasi siya kung bakit sinasabi iyon sa kanya ni Doktora Isadora.

“Avely…” Muntik na tuloy siyang mapaigtad nang gagapin ng matanda ang kamay niya.

“Po?”

“Kakapalan ko na ang mukha ko pero ang hiling ko sana ay ikaw na ang bahala sa apo ko oras na totohanin niya ang pagbabalik. Gusto ko sana ay kaibiganin mo siya. Gusto ko sana ay samahan mo siya lagi nang sa ganoon ay hindi siya ma-boring dito Galero Province at hindi na siya umalis pa.”

Animo’y natanggalan ng mga hollow blocks na nakadagan sa dibdib niya si Avely nang marinig iyon. Sa isip-isip niya’y iyon lang naman pala. Ang dali lang naman pala ng gustong ipagawa sa kanya ni Doktora Isadora. Buong akala pa naman niya’y kung ano na.

“Alam ko na hindi na sakop ng trabaho mo sa center ang nais kong ipagawa sa iyo, pero sana ay mapagbigyan mo ako. Maliban sa ikaw lang ang dalagang walang karelasyon doon sa center ay ikaw lang kasi ang nakita kong madaling kaibiganin o kagaanan ng loob kaya naisip ko na baka magkakasundo kayo ni Tom Tom,” narinig niyang paliwanag pa ng matanda.

Kahit wala naman siyang magiging problema sa bagay na iyon ay syempre nag-isip muna siya saglit.

“Can I count on you, Avely? Magagawa mo ba ang tanging hiling ko?” tanong na ng matanda.

Ngumiti na siya. “Oo naman po. Ako na po ang bahala kay Tom Tom. Kakaibiganin ko po siya agad pagdating na pagdating niya.”

“Ay, salamat.” Himig-nabunutan ng tinik sa dibdib ang matanda.

Nilakihan naman niya ang pagkakangiti upang ipakita na totoo siya sa sinabi. Subalit, ewan niya kung bakit bigla ay kinabahan naman na siya. Hindi niya alam pero parang may mali na tinanggap niya ang hiling ng matanda.

Related chapters

  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 2

    Malikot ang mga mata ni Trood na itinungga ang bote ng alak na kalalapag ng waiter sa inukupa niyang lamesa. May hinahanap siyang tao sa kinaroroonan niya ngayon na bar. At desperado na siya. Katunayan bumubulwak na ang dugo niya kanina pa gawa ng matinding galit.“Relax lang, bossing. Baka sa sobrang galit mo’y atakihin ka diyan. Mas lalong hindi mo makikita niyan si Boss Mattias,” puna sa kanya ng kasama niyang si Boyting, ang kanyang nanatiling tapat na tauhan sa kabila ng mga nangyari.Halos dalawang buwan na ang nakakalipas noong pakiusapan siya ng tarantadong Mattias na iyon na protektahan ang pangalawang babae nito na si Monica.…….“Bakit ako, pare?” nagtaka niya noon na tanong sa kontrolado bagaman gulat na tinig.“Sa iyo lang ako nagtitiwala, Trood, dahil alam kong matapat kang kaibigan. Ikaw na sana ang bahala sa mag-ina ko habang inaayos ko ang problema sa organisasyon. Hindi sila puwedeng madamay rito. Lalong hindi sila puwedeng maladlad dahil lagot ako sa totoong asawa ko

    Last Updated : 2024-04-10
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 3

    “Isang PAANAKAN? Are you kidding me?” Iyon ang unang naging reaksyon ni Trood sa sinabi sa kanya ni Boyting na nalaman nitong impormasyon ukol sa negosyo ng kanyang Lola Isadora. Nawindang siya. Ang inasahan kasi niya talaga ay isang kompanya o isang farm ang ipapamana sa kanya ng abuela.“Iyon talaga ang nalaman ko, Bossing.” kakamot-kamot ulong saad ni Boyting. “Pero hindi naman paanakan lang kundi birthcare center. At hindi siya basta-basta na birthcare center, malawak siyang center, Bossing.”“Kahit na! Hindi ko iyon matatanggap na mana!” giit niya na maasim ang mukha. “Oo, desperado ako na magkapera pero ang pangasiwaan kung sakali ang isang PAANAKAN, no way! Taena nakakabakla ‘yon! Ayoko!”Parang constipated na ang kanyang tauhan na nakangiwi. Hindi na alam ang sasabihin sa kanya upang magbago ang isip niya at ituloy ang una nilang napag-usapan.“Ibahin na lang natin ang plano,” aniya na lumagok ng alak. Mula naalis siya sa IRON BLADES dahil sa pagtatraydor sa kanya ni Mattias,

    Last Updated : 2024-04-18
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 4

    Mabilis ang mga lakad ni Avely. Late na siya sa announcement ni Donya Isadora na dapat lahat ng staff daw ng Moherra Birthcare Center ay magtutungo sa center. Babalik na raw kasi ang apo nitong si Tom Tom na halos higit dekada nang nawawala.“Ay!” Sa kamalasan, kamamadali niya ng lakad ay doon pa siya muntikang matalisod. Hindi niya napansin ang bato sa driveway.“Careful!” Laking pasalamat niya’t may matatag na kamay na humawak sa kanyang braso at hindi siya tuluyang masubsob sa magaspang na sementong daanan.But the very familiar voice of the man gave her goosebumps. Kaagad siyang lumingon sa kanyang tabi upang makasiguro na ang pinanggalingan ng boses ay walang iba kundi ang lalaking madalas niyang isumpa kapag naalala niya.“Ikaw?!” At hindi nga siya nagkamali.“Hi,” natatawang bati nito sa kanya. Natatawa malamang sa gulat na rumehistro sa mukha niya.Animo’y may ketong ang lalaki na agad niyang hinila ang kamay na hawak nito. Kunot na kunot ang noo niyang tinitigan ito.“Ganyan

    Last Updated : 2024-04-26
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 5

    “Avely, si Baby Mira iyak nang iyak daw kanina pa. Ayaw tumahan,” pabulong na imporma sa kaniya ni Fleur matapos sagutin ang tumawag dito sa cellphone.“Huh, bakit?” Animo’y napakalakas na emergency warning iyon para kay Avely. Ura-urada ay naalarma siya. Wala na siyang naging pakialam sa kasiyahang nagaganap sa sandaling iyon—ang pagdating ng apo ni Donya Isadora. Tumakbo agad siya patungong nursery. Ni hindi niya nagawang mag-excuse.Hindi niya rin nakita na kahit busy sa pakikipag-usap si Trood sa isang doktor na ipinakilala ng lola nito ay sumunod pa rin ang tingin sa kanya nito.“Baby, bakit?” Agad na kinuha ni Avely si Baby Mira na nakahiga sa may crib. Isinasayaw-sayaw upang mapatahan dahil umiiyak nga ang sanggol.“Tahan na please,” pakiusap niya. Emotional torture talaga para sa kanya kapag umiiyak si Baby Mira. Nadudurog ang puso niya sa bawat iyak na naririnig niya rito. Naaawa siya dahil naiisip niya na baka hinahanap nito ang kalinga ng ina nito.Oo, may ama nga ito pero

    Last Updated : 2024-04-30
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 6

    Kinuha ni Trood ang sigarilyo sa daliri ng tauhang si Boyting at hinithit iyon.“Ano’t nandito ka, bossing? tanong nang bahagyang nagulat niyang tauhan sa bigla niyang pagsulpot sa kanatatayuan nito.Isa pa siyang hithit sa sigarilyo at buga sa nagkorteng bilog na usok.“Tapos na ba ang pagpapakilala sa iyo ng lola mo sa buong center? Mali ospital na yata ang tawag dito dahil ang lawak-lawak. Ang alam kong center ay maliit lang, eh,” tanong pa ni Boyting.“Oo. May mga aasikasuhin lang daw saglit si Lola sa opisina niya bago kami umuwi. Sabi niya’y maglibot-libot muna ako habang hinihintay siya,” sagot niya.“Kung gano’n nakita mo na ang lahat ng parte ng center, bossing? Madami ba tayong mapapakinabangan? Tiba-tiba ba tayo?”Napangiwi si Trood. “Paano ako maglilibot-libot dito? Lahat na lang ng nakikita ko, kundi manganganak ay kapapanganak. Jeez.” Animo’y naihi siya sa salawal na kinilig. Diring-diri rin ang kaniyang hitsura na nilingon ang center.“Huwag kang ganyan, bossing. Huwag

    Last Updated : 2024-05-05
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   PROLOGUE

    Panay ang buntong-hininga ni Avely habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus na kinasasakyan. Papasok siya sa naka-assign-an niyang malaking center sa Galero Province. Subalit dahil sa palagiang paghinto ng bus sa pagkuha ng pasahero at pagtigil sa bawat estasyon ay isa’t kalahating oras na siyang nagbabyahe—sa halip na isang oras lamang sana. Nai-stress na siya dahil kung patuloy na mabagal ang pag-usad nila ay mali-late na talaga siya sa kanyang trabaho.Si Aveley Venoza ay graduate sa kursong Bachelor of Science in Nursing, at nakipagsapalaran agad sa pagkuha ng licensure examination sa PNLE (Philippine Nurse Licensure Examination) upang maging isang lisensyadong nurse. Awa ng Diyos ay nagbunga naman noon ang pagsusunog niya ng kilay dahil pumasa naman siya kaya ganap na siyang lisensyadong nurse ngayon. Sa kasamaang palad, hindi naman siya suwerte sa mga in-apply-an niyang ospital sa Maynila kaya ang binagsakan niya ay sa malaking center sa probinsya—sa Moherra Birthcare Center

    Last Updated : 2024-04-07

Latest chapter

  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 1

    “Kumusta ang Baby Mira ko, Fleur?” tanong ni Avely sa kaibigan niyang pediatric nurse. Humahangos man siya na pumasok sa nursery ay abot hanggang anit naman niya ang kanyang pagkakangiti. Maghapon siya sa Traning Center kung saan nag-aaral siya ng midwifery kaya miss na miss na niya si Baby Mira—ang dalawang buwang sanggol na kanya nang anak-anakan sa Moherra Birthcare center. “Huwag kang maingay,” sita sa kanya ng kaibigan habang nakalagay ang hintuturo sa mga labi nitong nakanguso. Pinapatahimik siya. “Bakit may prob—” “Wala. Pero kakatulog niya lang kasi,” pamamatlang sa kanya ni Fleur. Madramang natutop na niya ang didib. Naginhawaan. “Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari sa anak ko.” “Anak talaga?” “Hayaan mo na ako. Magiging anak ko rin naman siya oras na puwede ko na siyang ampunin,” rason niyang ngumiti ulit. “Ay, naku, Avely, kung ako sa ‘yo ay huwag ka agad umasa na sa iyo mapupunta si Baby Mira. Alam mo na mahirap at mahabang proseso ang pag-aampon ng bata. Ba

  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   PROLOGUE

    Panay ang buntong-hininga ni Avely habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus na kinasasakyan. Papasok siya sa naka-assign-an niyang malaking center sa Galero Province. Subalit dahil sa palagiang paghinto ng bus sa pagkuha ng pasahero at pagtigil sa bawat estasyon ay isa’t kalahating oras na siyang nagbabyahe—sa halip na isang oras lamang sana. Nai-stress na siya dahil kung patuloy na mabagal ang pag-usad nila ay mali-late na talaga siya sa kanyang trabaho.Si Aveley Venoza ay graduate sa kursong Bachelor of Science in Nursing, at nakipagsapalaran agad sa pagkuha ng licensure examination sa PNLE (Philippine Nurse Licensure Examination) upang maging isang lisensyadong nurse. Awa ng Diyos ay nagbunga naman noon ang pagsusunog niya ng kilay dahil pumasa naman siya kaya ganap na siyang lisensyadong nurse ngayon. Sa kasamaang palad, hindi naman siya suwerte sa mga in-apply-an niyang ospital sa Maynila kaya ang binagsakan niya ay sa malaking center sa probinsya—sa Moherra Birthcare Center

DMCA.com Protection Status