“Kumusta ang Baby Mira ko, Fleur?” tanong ni Avely sa kaibigan niyang pediatric nurse. Humahangos man siya na pumasok sa nursery ay abot hanggang anit naman niya ang kanyang pagkakangiti. Maghapon siya sa Traning Center kung saan nag-aaral siya ng midwifery kaya miss na miss na niya si Baby Mira—ang dalawang buwang sanggol na kanya nang anak-anakan sa Moherra Birthcare center. “Huwag kang maingay,” sita sa kanya ng kaibigan habang nakalagay ang hintuturo sa mga labi nitong nakanguso. Pinapatahimik siya. “Bakit may prob—” “Wala. Pero kakatulog niya lang kasi,” pamamatlang sa kanya ni Fleur. Madramang natutop na niya ang didib. Naginhawaan. “Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari sa anak ko.” “Anak talaga?” “Hayaan mo na ako. Magiging anak ko rin naman siya oras na puwede ko na siyang ampunin,” rason niyang ngumiti ulit. “Ay, naku, Avely, kung ako sa ‘yo ay huwag ka agad umasa na sa iyo mapupunta si Baby Mira. Alam mo na mahirap at mahabang proseso ang pag-aampon ng bata. Ba
Last Updated : 2024-04-09 Read more