Share

THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7
THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7
Author: Ad Sesa

PROLOGUE

Author: Ad Sesa
last update Last Updated: 2024-04-07 21:12:10

Panay ang buntong-hininga ni Avely habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus na kinasasakyan. Papasok siya sa naka-assign-an niyang malaking center sa Galero Province. Subalit dahil sa palagiang paghinto ng bus sa pagkuha ng pasahero at pagtigil sa bawat estasyon ay isa’t kalahating oras na siyang nagbabyahe—sa halip na isang oras lamang sana. Nai-stress na siya dahil kung patuloy na mabagal ang pag-usad nila ay mali-late na talaga siya sa kanyang trabaho.

Si Aveley Venoza ay graduate sa kursong Bachelor of Science in Nursing, at nakipagsapalaran agad sa pagkuha ng licensure examination sa PNLE (Philippine Nurse Licensure Examination) upang maging isang lisensyadong nurse. Awa ng Diyos ay nagbunga naman noon ang pagsusunog niya ng kilay dahil pumasa naman siya kaya ganap na siyang lisensyadong nurse ngayon.

Sa kasamaang palad, hindi naman siya suwerte sa mga in-apply-an niyang ospital sa Maynila kaya ang binagsakan niya ay sa malaking center sa probinsya—sa Moherra Birthcare Center.

Anim na buwan na siyang probationary nurse roon sa Moherra, emergency nurse for exact, at malalaman na niya dapat ngayong araw ang resulta ng kaniyang evaluation: kung magiging regular na ba siyang nurse doon o hindi.

Sa kamalasan, ngayon pa yata siya mali-late kaya hindi niya mapigilang mainis. Sa isip-isip niya’y ano na lang ang sasabihin sa kanya ng may-ari ng center kung hindi siya darating sa tamang oras doon sa office nito? Pihadong madi-disappoint sa kanya ito at baka ikakabago pa iyon ng resulta ng kanyang evaluation. Baka imbes na kunin na siyang regular na nurse ay tanggalin na lang siya dahil sa hindi niya pagdating ng tamang oras. Isa pa ay hindi naman talaga kailangan noon ng emergency nurse ang Moherra Birthcare Center. Sinubukan lang siya kaya natanggap siya noon. Minsan daw kasi ay may mga case na hindi tungkol sa buntis, panganganak at prenatal ang napapadpad doon. Sa madaling salita, ayos lang kung mawala siya o hindi siya kunin na regular nurse ng Moherra dahil hindi naman siya mahalaga roon.

Bumuntong-hininga si Avely. Huwag naman sana dahil napamahal na sa kanya ang Moherra. Marami na siyang kaibigan at kakilala doon. Natitiyak niyang sobrang malulungkot siya kung maiiwanan niya sila, lalo na si Dra. Isadora na naging mabuti at nagtiwala sa kakayahan niya.

Ipipikit na lamang niya sana ang mga mata upang umidlip na lang kaysa ang ma-stress sa byahe.

“Walang kikilos ng masama!” ngunit pambubulabog kasi ng malakas na boses ng lalaki sa unahan kaya hindi niya naituloy. Ang inakala ng driver ng bus na sasakay lamang ay mukhang carjacker pala. May inilabas itong baril mula sa likod at itinutok sa mga pasaherong magpa-panic pa rin sana sa kabila ng sinabi nito.

“T*ng ina! Sabing diyan ka lang!” Napatili ang mga kababaihan nang may lalalaking pinalo ito ng dulo ng baril dahil manlalaban sana. “Gusto mong mamatay?!”

“H-hindi po. Hindi po.” Sa huli ay nabahag ang buntot ng pasaherong iyon.

Mas nahindik ang lahat.

“Kung ayaw niyong masaktan tulad niya ay magpakabait kayo! Ang gusto ko lang naman ay malaman kung meron ba sa inyo rito na nurse, doktor, midwife o ano pa man! Basta marunong magpaanak!” sabi ng lalaki habang inililibot nito ang tingin sa mga pasahero.

Subalit walang nagtangkang sumagot. Takot na takot na mga mas nagyuko pa nga ng mga ulo.

“Wala bang magsasalita?!” Itinutok na sa kung saan-saan ng lalaki ang baril nito.

Noon naman na napansin ni Avely na naka-uniform pala siya. Nakasuot siya ng scrubs na kulay blue. Ganoon kasi siya, ugali na niya na naka-uniform na papasok sa trabaho upang aniya ay wala nang hassle sa pagpapalit. Minsan ay pinapatanungan na lang niya jacket. Sa kamalasan, ngayon pa siya hindi nag-jacket dahil sa init ng panahon.

“Naku po.” Nakangiwi niyang mas ikinubli ang sarili.

At anong pamumutla niya nang ang katabi niyang ginang ay napatingin sa kanya. Napansin na nito na nagtatrabaho siya sa isang medical facilities. Lagot na.

“Pasasabugin ko ang mga ulo niyo o magsasalita kayo?” galit nang babala ng lalaki.

“Siya!” Bigla ay tayo ng babae na itinuro si Avely. “Itong katabi ko! Nakasuot siya ng uniform ng pang-ospital!”

Nanlupaypay na napapikit na lamang si Avely. Diyos ko, ngayon na yata ang katapusan niya.

“Ikaw! Lumabas ka d’yan!” Napakabilis na nilapitan siya ng lalaki. Sa kanya na lamang nakatutok ang baril nito.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niyang itinaas ang mga kamay at sinunod ito. “Maawa ka po. Huwag mo po akong sasaktan.”

Sinuri muna siya ng lalaki. Tiningnan siya pataas at pababa bago muling nagsalita. “Hindi kita sasaktan basta sumagot ka ng maayos at susunod sa mga sasabihin ko.”

Nabahala si Avely. “A-ano po ba’ng gagawin ko?”

“Ano ka? Nurse? Doktor? Ano?”

“Nurse po.”

“So, kaya mong magpaanak?”

“Po?”

“Tinatanong kita kung kaya mong magpaanak!”

“Napag-aralan namin pero—”

“Kung gano’n ay halika!” pamumutol ng lalaki sa kanyang paliwanag.

“Pero emergency nurse lang ako, hindi ako midwife o OB-GYNE. Wala pa akong pagsasanay sa pagpapaanak. You must be very wrong about this."

“But this is emergency situation, Miss! Siguro naman ay kahit konti ay may alam ka sa pagpapaanak! Kahit sa pagsalo lang ng sanggol kapag lalabas na ang ulo niya!”

“Pero…” Magdadahilan pa rin sana siya.

“Tara na!” Subalit dinikwat na ng lalaki ang braso niya at hinila.

Alanganin man ay nagpahila siya dahil nasasaktan na siya. Parang madudurog na ang buto ng payat niyang braso sa higpit ng hawak niyon ng lalaki.

Naglakad sila palabas ng bus habang panay pa rin ang pagtutok ng baril ng lalaki sa mga pasahero, pati na rin sa driver at kundoktor.

“Walang magtatangkang susunod sa inyo kundi patay ang babaeng ito,” babala pa nito nang makababa na sila. “Siya lang ang kailangan ko kaya puwede na kayong umalis!”

“Hindi! Huwag niyo po akong iwanan!” malakas na sumamo ni Avely.

“Tumigil ka!” Sa kanya na itinutok ng lalaki ang baril.

Takot na natigilan si Avely roon.

Umandar na ang bus at umalis. Naiiyak na lang siya na sinundan ito ng tingin.

“Halika na!” panghihila sa kanya ulit ng lalaki nang hindi na nila matanawan ang bus.

“Saan mo ba ako dadalhin?” Sa puntong iyon ay sinubukan niyang hinila ang kamay, pero mahigpit ang hawak ng lalaki.

“Kay Monica. Kanina pa sumasakit ang tiyan niya kaya paaanakin mo siya. Nahihirapan siyang iluwal ang bata kaya kailangan niya ng tulong mo.”

Nanlaki ang mga mata ni Avely. Ibig sabihin ay totoo pala ang sinasabi nitong buntis na manganganak na.

“Nasaan siya? Malayo ba ang kinaroroonan niya?” Umandar na ang kanyang puso bilang nurse. Ang takot niya’y napalitan ng matinding pag-aalala para sa kalagayan ng pasyente.

“Nasa kubo at huwag kang mag-alala medyo malapit lang. Basta huwag kang maarte at bibilisan mo ang lakad nang makarating tayo doon agad.”

“Bakit hindi mo siya dinala ng ospital kaysa gawin ang bagay na ito? May malapit dito na Birthcare Center. Paanakan iyon kaya sana dinala mo na lang siya doon.”

“Hindi siya maaaring dalhin sa ospital.”

“Pero bakit?”

“Basta at huwag ka nang madaming tanong.”

“Kailangan kong magtanong para alam ko ang gagawin? Dinudugo na ba siya? Pumutok na ba ang panubigan niya? Kailan pa nagsimula ang pagli-labor niya?”

“Kahapon pa at oo parang nilabasan na siya ng tubig. Ang dami na ring dugo,” napilitang sagot ng lalaki.

“Bilisan natin kung gano’n! Baka maubusan siya ng dugo! Delikado iyon!” Pagkarinig niyon ay nahintakutan na si Avely para sa mag-ina. Siya na ang nagkusang maglakad ng mabilis.

Mayamaya, huminto nga sila sa isang kubo. Hindi man niya sigurado kung saang lugar iyon ay hindi na alintana ni Avely. Hindi na rin siya kinailangang abisuhan ng lalaki, pinasok niya agad ang kubo at sinuri ang mag-ina.

“Misis, gumising ka po!” Mas nabahala siya nang makita niya ang kondisyon ng buntis. Hinang-hina na itong nakahiga. Puros pawis at madami na ngang dugo ang nasa paanan nito.

“Monica, nandito na ako. May magpapaanak na sa iyo,” natarantang sabi naman ng lalaki. Hinawakan nito ng kamay ang babaeng Monica pala ang pangalan.

“Misis, kailangan mong imulat ang mga mata mo. Lumaban ka para sa anak mo.” Niyugyog ni Avely ang babae. “Gumising ka, please.”

Sobrang pasalamat niya at nagmulat nga ng mga mata ang babae. Hinang-hina itong tumingin sa kanila.

“Humihilab pa ba ang tiyan mo?” tanong ni Avely.

Hindi na siya kinailangang sagutin ni Monica dahil bigla itong napangiwi. Kitang-kita na sumasakit na naman ang tiyan nito.

“Monica, makinig sa akin! Kapag sinabi kong push, umire ka!” Kumilos na si Avely. Pumusisyon siya sa mga nakabukakang paanan ni Monica. Siguro nga ay panahon na para maranasan na rin niyang magpaanak. “One, two, three! Push!”

Umire nga si Monica.

“Isa pa! Push!” instruction niya ulit.

Sinunod siya ni Monica.

“Ganyan nga! Sige! Konti na lang lalabas na ang bata! Ere lang, Monica!” Tinulungan niya na rin ito sa pamamagitan ng pag-push din niya sa itaas ng tiyan ni Monica.

Subalit, kahit anong kagustuhan nila ay walang nangyari. Nahintakutan pa si Avely dahil imbes na ulo ng sanggol ang palabas sa p*****a ng ina ay paa ang nasilip niya.

“Sa tingin ko ay hindi ko magagawa.” Napaiyak na si Monica. Sumuko na talaga ito sa pag-ere. Nanlupaypay na ulit.

Humihingal si Avely na tinitigan niya ang pasyente. Sa tingin niya ay wala na talagang lakas ito upang ilabas ng normal ang bata.

“Hindi ko siya kayang paanakin. Kailangan siyang madala sa ospital. Maliban sa wala na siyang lakas ay malposition din ang baby niya,” napilitang imporma niya sa lalaki.

“T*ng ina liwanagin mo. Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo,” singhal nito sa kanya pero nauunawaan na niya ito. Tiyak na sobrang pag-aalala na rin ang nararamdaman nito para sa mag-ina.

“Breech ang position ng sanggol. Ang ibig sabihin ay paa niya ang nauuna na lumalabas kapag umeere ang ina. Delikado.”

“Suhi lang? Hindi mo na kayang paanakin? Ang dami nang ipinanganak na suhi na buhay!” pagmamatigas pa rin ng lalaki.

“Oo, pero sinabi ko na sa iyo. Hindi ako midwife o OB GYNE. Hindi ko alam kung paano ang tamang pagpapaanak sa ganitong case. Isa pa ay ang dami na niyang dugo na nawala, nanghihina na siya kaya dapat lang na itakbo na natin siya sa ospital.”

Tinitigan siya ng lalaki.

“Kung ayaw mong manganib ang buhay ng mag-ina mo ay magdesisyon ka na,” ingganyo ulit niya.

“Anak ng…!” Sa kalituhan, napatalikod ang lalaki at napasabunot ng ulo.

“Monica, huwag kang matutulog,” nabahalang hiyaw ni Avely nang ibalik niya ang tingin sa buntis at pipikit na naman ito dapat. “Ano ba, Mister! Magdesisyon ka na! Hirap na hirap na ang misis mo!” tapos bulyaw niya ulit sa lalaki.

“Sige, sige, tara!” Mabilis na ngang binuhat ng lalaki si Monica. Lumabas sila sa kubo.

“Tatawag ako ng ambulansya,” sabi ni Avely na nakasunod.

“Hindi na kailangan,” subalit sabi ng lalaki.

Nagtaka man ay hindi na siya nagpilit. Tahimik nang sumunod siya sa mga ito.

“Sakay!” Iyon pala ay may sasakyan ang lalaki, at hindi lang simpleng sasakyan kundi magarang sasakyan.

Paanong?

“Ano?! Tutunga ka lang ba diyan?” untag sa kanya nito.

Natauhan naman siya’t sumakay na. Sa likod ng magarang sasakyan ay buong byahe na inalalayan niya si Monica. Panay pa rin ang hilab ng tiyan nito. Ngunit kung kanina ay iniingganyo niya itong umere, sa puntong iyon ay hindi na.

“Konting tiis na lang. Malapit na tayo sa Moherra Center,” paulit-ulit na lamang niyang sinasabi.

Ang hindi niya maintindihan ay ang pagsulyap ng lalaki sa kanya sa rearview mirror kapag sinasabi niya iyon. At kapag titingnan niya ay halatang-halata na umiiwas ito.

“Hindi ka sasama sa loob? Hindi mo sasamahan ang misis mo?” Mas nagtaka pa si Avely nang pagdating nila sa Moherra Birthcare Center ay gustong magpaiwan sa labas ang lalaki.

Hindi makatingin sa kanya ang lalaki na umiling. “Ikaw na ang bahala sa kanila.”

“Huh?”

“I mean dito na lang ako. Maghihintay. Balitaan mo na lang ako kapag ano ang mangyayari.”

Avely gasped. Hindi siya makapaniwala na may ganitong ama na walang pakialam sa mag-ina nito.

“Trood…” Inabot naman ni Monica ang kamay ng lalaki.

“Monica, huwag ka nang magsalita,” sabi ng lalaki.

“Kapag mangyari man na kailangan mong pumili sa amin ng anak ko, please piliin mo siya,” samo ni Monica.

Sunod-sunod na iling ang ginawa ng lalaki. “Huwag mong sabihin iyan. Nandito na tayo sa ospital. Mailalabas mo siya ng maayos. Magtiwala ka.”

Naluhang ngumiti si Monica. “Basta mangako ka at…” Napasinghap ito. Parang nahihirapan nang huminga pero itinuloy pa rin ang sinasabi. “At pakisabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Mag-iingat siya palagi.”

“Monica!” halos sabay na tawag ng lalaki at Avely sa pangalan nito nang isa pang singhap ay pumikit na ito ay nahulog na ang kamay nito sa stretcher.

“Kailangan na siyang dalhin sa loob! At pakitawagan si Doktora Punzalan! Bilis!” pasigaw na mando ni Avely sa mga kasama. Agaran pero maingat na isinagawa niya ang chest compression kay Monica.

Naiwan sa labas si Trood na alalang-alala sa mag-ina. Gulong-gulo at hindi alam ang gagawin.

Sa loob ay ginawa naman lahat upang iligtas si Monica pero huli na talaga ang lahat. Iniligtas na lamang nila ang buhay ng anak nito. Subalit, kahit ang sanggol ay wala nang buhay nang mailabas nila sa patay na nitong ina.

Lumong-lumo si Avely na lumabas. Hinanap niya ang lalaki upang ipagbigay alam dito ang masaklap na sinapit na mag-ina.

“Huh!” A firm, strong hand gripped her hand. Nagulat siya kaya sinimangutan niya ang may kagagawan niyon nang lingunin niya.

“Sorry,” mahinahon namang sabi ng lalaki na muling itinakha niya.

Sa loob-loob niya’y at least kahit sanggano ito ay marunong mag-sorry.

“Kumusta sila?” tanong na nito.

Bumalik ang lambong sa mukha ni Avely. Napatungo siya’t umiling.

“Ano’ng ibig sabihin ng iling mo?”

Saglit siyang nag-alangan, nag-isip ng tamang salita. Pagkuwa’y, “Sorry pero wala na sila. Ginawa namin lahat ang makakaya namin pero huli na ang lahat.”

Ilang sandali na hindi nakapagsalita ang lalaki; napatiim-bagang na lang.

Hinayaan muna ito ni Avely bilang pakikiramay. “Gusto kang makausap ni Doktora para maipaliwanag niya ang nangyari,” pero hindi nagtagal ay imporma niya rito.

“Hindi na kailangan,” ngunit pagak na sabi ng lalaki. Halos pumiyok ang boses nito dahil sa pinipigil na pagluha.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” Napaatras si Avely nang kinuha ng lalaki ang kamay niya kaysa ang sagutin siya.

“Kailangan ko nang umalis. Ikaw na ang bahala kay Monica at sa baby. Gamitin mo ito,” sabi nang lalaki kasabay nang paglagay ng isang makapal na bugkos ng tag-isang libo na pera.

Pakiramdam ni Avely ay nanlamig ang mga dulo ng daliri na mabilis na kumalat sa buong pagkatao niya na napatitig sa mukha ng lalaki.

Malungkot namang ngumiti ang lalaki at nagsimula nang lumakad paalis.

“Sandali!” bago ito makalayo nang husto ay pigil ni Avely rito nang magbalik siya sa sarili. Mabangis ang mukha niyang hinarap ito. “Pinabayaan mo ang mag-ina mo tapos ngayon ay iiwanan mo sila! Anong klase kang padre de pamilya, huh?!”

Napalingon ang lalaki sa kanya. “Miss, nagkakamali ka. Hindi ako ang—”

Hindi pinatapos ni Avely ang sinasabi ng lalaki. Hindi niya pinakinggan, bagkus galit na galit ang hitsura niyang pamarcha niyang nilapitan ito at binigyan ng isang napakalakas na suntok sa guwapo nitong mukha.

“Fuck!” Gulat na gulat ang lalaki.

“Deserve mo ‘yan dahil wala kang kuwentang tao!” gigil na singhal pa rito ni Avely.

Related chapters

  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 1

    “Kumusta ang Baby Mira ko, Fleur?” tanong ni Avely sa kaibigan niyang pediatric nurse. Humahangos man siya na pumasok sa nursery ay abot hanggang anit naman niya ang kanyang pagkakangiti. Maghapon siya sa Traning Center kung saan nag-aaral siya ng midwifery kaya miss na miss na niya si Baby Mira—ang dalawang buwang sanggol na kanya nang anak-anakan sa Moherra Birthcare center. “Huwag kang maingay,” sita sa kanya ng kaibigan habang nakalagay ang hintuturo sa mga labi nitong nakanguso. Pinapatahimik siya. “Bakit may prob—” “Wala. Pero kakatulog niya lang kasi,” pamamatlang sa kanya ni Fleur. Madramang natutop na niya ang didib. Naginhawaan. “Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari sa anak ko.” “Anak talaga?” “Hayaan mo na ako. Magiging anak ko rin naman siya oras na puwede ko na siyang ampunin,” rason niyang ngumiti ulit. “Ay, naku, Avely, kung ako sa ‘yo ay huwag ka agad umasa na sa iyo mapupunta si Baby Mira. Alam mo na mahirap at mahabang proseso ang pag-aampon ng bata. Ba

    Last Updated : 2024-04-09
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 2

    Malikot ang mga mata ni Trood na itinungga ang bote ng alak na kalalapag ng waiter sa inukupa niyang lamesa. May hinahanap siyang tao sa kinaroroonan niya ngayon na bar. At desperado na siya. Katunayan bumubulwak na ang dugo niya kanina pa gawa ng matinding galit.“Relax lang, bossing. Baka sa sobrang galit mo’y atakihin ka diyan. Mas lalong hindi mo makikita niyan si Boss Mattias,” puna sa kanya ng kasama niyang si Boyting, ang kanyang nanatiling tapat na tauhan sa kabila ng mga nangyari.Halos dalawang buwan na ang nakakalipas noong pakiusapan siya ng tarantadong Mattias na iyon na protektahan ang pangalawang babae nito na si Monica.…….“Bakit ako, pare?” nagtaka niya noon na tanong sa kontrolado bagaman gulat na tinig.“Sa iyo lang ako nagtitiwala, Trood, dahil alam kong matapat kang kaibigan. Ikaw na sana ang bahala sa mag-ina ko habang inaayos ko ang problema sa organisasyon. Hindi sila puwedeng madamay rito. Lalong hindi sila puwedeng maladlad dahil lagot ako sa totoong asawa ko

    Last Updated : 2024-04-10
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 3

    “Isang PAANAKAN? Are you kidding me?” Iyon ang unang naging reaksyon ni Trood sa sinabi sa kanya ni Boyting na nalaman nitong impormasyon ukol sa negosyo ng kanyang Lola Isadora. Nawindang siya. Ang inasahan kasi niya talaga ay isang kompanya o isang farm ang ipapamana sa kanya ng abuela.“Iyon talaga ang nalaman ko, Bossing.” kakamot-kamot ulong saad ni Boyting. “Pero hindi naman paanakan lang kundi birthcare center. At hindi siya basta-basta na birthcare center, malawak siyang center, Bossing.”“Kahit na! Hindi ko iyon matatanggap na mana!” giit niya na maasim ang mukha. “Oo, desperado ako na magkapera pero ang pangasiwaan kung sakali ang isang PAANAKAN, no way! Taena nakakabakla ‘yon! Ayoko!”Parang constipated na ang kanyang tauhan na nakangiwi. Hindi na alam ang sasabihin sa kanya upang magbago ang isip niya at ituloy ang una nilang napag-usapan.“Ibahin na lang natin ang plano,” aniya na lumagok ng alak. Mula naalis siya sa IRON BLADES dahil sa pagtatraydor sa kanya ni Mattias,

    Last Updated : 2024-04-18
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 4

    Mabilis ang mga lakad ni Avely. Late na siya sa announcement ni Donya Isadora na dapat lahat ng staff daw ng Moherra Birthcare Center ay magtutungo sa center. Babalik na raw kasi ang apo nitong si Tom Tom na halos higit dekada nang nawawala.“Ay!” Sa kamalasan, kamamadali niya ng lakad ay doon pa siya muntikang matalisod. Hindi niya napansin ang bato sa driveway.“Careful!” Laking pasalamat niya’t may matatag na kamay na humawak sa kanyang braso at hindi siya tuluyang masubsob sa magaspang na sementong daanan.But the very familiar voice of the man gave her goosebumps. Kaagad siyang lumingon sa kanyang tabi upang makasiguro na ang pinanggalingan ng boses ay walang iba kundi ang lalaking madalas niyang isumpa kapag naalala niya.“Ikaw?!” At hindi nga siya nagkamali.“Hi,” natatawang bati nito sa kanya. Natatawa malamang sa gulat na rumehistro sa mukha niya.Animo’y may ketong ang lalaki na agad niyang hinila ang kamay na hawak nito. Kunot na kunot ang noo niyang tinitigan ito.“Ganyan

    Last Updated : 2024-04-26
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 5

    “Avely, si Baby Mira iyak nang iyak daw kanina pa. Ayaw tumahan,” pabulong na imporma sa kaniya ni Fleur matapos sagutin ang tumawag dito sa cellphone.“Huh, bakit?” Animo’y napakalakas na emergency warning iyon para kay Avely. Ura-urada ay naalarma siya. Wala na siyang naging pakialam sa kasiyahang nagaganap sa sandaling iyon—ang pagdating ng apo ni Donya Isadora. Tumakbo agad siya patungong nursery. Ni hindi niya nagawang mag-excuse.Hindi niya rin nakita na kahit busy sa pakikipag-usap si Trood sa isang doktor na ipinakilala ng lola nito ay sumunod pa rin ang tingin sa kanya nito.“Baby, bakit?” Agad na kinuha ni Avely si Baby Mira na nakahiga sa may crib. Isinasayaw-sayaw upang mapatahan dahil umiiyak nga ang sanggol.“Tahan na please,” pakiusap niya. Emotional torture talaga para sa kanya kapag umiiyak si Baby Mira. Nadudurog ang puso niya sa bawat iyak na naririnig niya rito. Naaawa siya dahil naiisip niya na baka hinahanap nito ang kalinga ng ina nito.Oo, may ama nga ito pero

    Last Updated : 2024-04-30
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 6

    Kinuha ni Trood ang sigarilyo sa daliri ng tauhang si Boyting at hinithit iyon.“Ano’t nandito ka, bossing? tanong nang bahagyang nagulat niyang tauhan sa bigla niyang pagsulpot sa kanatatayuan nito.Isa pa siyang hithit sa sigarilyo at buga sa nagkorteng bilog na usok.“Tapos na ba ang pagpapakilala sa iyo ng lola mo sa buong center? Mali ospital na yata ang tawag dito dahil ang lawak-lawak. Ang alam kong center ay maliit lang, eh,” tanong pa ni Boyting.“Oo. May mga aasikasuhin lang daw saglit si Lola sa opisina niya bago kami umuwi. Sabi niya’y maglibot-libot muna ako habang hinihintay siya,” sagot niya.“Kung gano’n nakita mo na ang lahat ng parte ng center, bossing? Madami ba tayong mapapakinabangan? Tiba-tiba ba tayo?”Napangiwi si Trood. “Paano ako maglilibot-libot dito? Lahat na lang ng nakikita ko, kundi manganganak ay kapapanganak. Jeez.” Animo’y naihi siya sa salawal na kinilig. Diring-diri rin ang kaniyang hitsura na nilingon ang center.“Huwag kang ganyan, bossing. Huwag

    Last Updated : 2024-05-05

Latest chapter

  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   PROLOGUE

    Panay ang buntong-hininga ni Avely habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus na kinasasakyan. Papasok siya sa naka-assign-an niyang malaking center sa Galero Province. Subalit dahil sa palagiang paghinto ng bus sa pagkuha ng pasahero at pagtigil sa bawat estasyon ay isa’t kalahating oras na siyang nagbabyahe—sa halip na isang oras lamang sana. Nai-stress na siya dahil kung patuloy na mabagal ang pag-usad nila ay mali-late na talaga siya sa kanyang trabaho.Si Aveley Venoza ay graduate sa kursong Bachelor of Science in Nursing, at nakipagsapalaran agad sa pagkuha ng licensure examination sa PNLE (Philippine Nurse Licensure Examination) upang maging isang lisensyadong nurse. Awa ng Diyos ay nagbunga naman noon ang pagsusunog niya ng kilay dahil pumasa naman siya kaya ganap na siyang lisensyadong nurse ngayon. Sa kasamaang palad, hindi naman siya suwerte sa mga in-apply-an niyang ospital sa Maynila kaya ang binagsakan niya ay sa malaking center sa probinsya—sa Moherra Birthcare Center

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status