Share

CHAPTER 4

Author: Ad Sesa
last update Huling Na-update: 2024-04-26 21:57:18

Mabilis ang mga lakad ni Avely. Late na siya sa announcement ni Donya Isadora na dapat lahat ng staff daw ng Moherra Birthcare Center ay magtutungo sa center. Babalik na raw kasi ang apo nitong si Tom Tom na halos higit dekada nang nawawala.

“Ay!” Sa kamalasan, kamamadali niya ng lakad ay doon pa siya muntikang matalisod. Hindi niya napansin ang bato sa driveway.

“Careful!” Laking pasalamat niya’t may matatag na kamay na humawak sa kanyang braso at hindi siya tuluyang masubsob sa magaspang na sementong daanan.

But the very familiar voice of the man gave her goosebumps. Kaagad siyang lumingon sa kanyang tabi upang makasiguro na ang pinanggalingan ng boses ay walang iba kundi ang lalaking madalas niyang isumpa kapag naalala niya.

“Ikaw?!” At hindi nga siya nagkamali.

“Hi,” natatawang bati nito sa kanya. Natatawa malamang sa gulat na rumehistro sa mukha niya.

Animo’y may ketong ang lalaki na agad niyang hinila ang kamay na hawak nito. Kunot na kunot ang noo niyang tinitigan ito.

“Ganyan mo ako na-miss? Kung makatitig ka wagas?” mahanging untag sa kanya nito. Pa-cute na ngumiti at ipinamulsa ang mga kamay sa harapang bulsa ng ripped jeans nitong suot.

“Tinitigan kita dahil nagtataka ako bakit buhay ka pa. Dapat ikaw ang namatay,” sarkastikong pagtatama niya.

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. His tongue rolled around the back of his teeth. Tinitigan siya. But after a while, a silly smile spread across his face once more. “Grabe naman. Hanggang ngayon ba hindi mo nakakalimutan iyong nangyari noon? Wala na ‘yon. Sorry sa ginawa ko. Hindi ko naman sinasadya iyon. Ikaw lang talaga ang kailangan ko noon kaya ikaw ang hinostage ko.”

“Ewan ko sa ‘yo!” Tinalikuran na niya ito at itinuloy ang paglalakad. Hindi niya ito gusto na makausap pa, lalong hindi niya gusto na magkaroon ulit sila ng ugnayan.

“Puwede bang magtanong?” habol nga lang nito sa kanya. Umagapay sa paglakad.

Patay-malisya na nilakihan niya ang mga hakbang. Hindi niya ito pinansin. Walang dahilan para pansinin niya ito. Isa pa, pumasok agad sa isip niya si Baby Mira. Nandito ang walang kuwenta nitong ama. Dapat niyang protektahan ang sanggol.

“Alam mo kasi ay hinahanap ko ang lola ko. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin sa loob. Puwede mo ba akong tulungan?” papansin ng lalaki.

“No! Kahit kailan ay hindi na kita tutulungan!” she hissed. Mas binilasan pa nga niya ang paglakad.

“Bossing, mukhang wala kang panama yata kay Miss Byutipol. Suplada, eh,” narinig niyang tukso ng kasama ng lalaki.

“Kunwari lang iyang si Miss Pakyaw,” sabi naman ng lalaki.

Bigla ay natigil si Avely. Nag-isang linya na talaga ang kanyang mga kilay. Wala siyang pake kung nagmukha siyang suplada, pero siya rin ba ang tinawag na Miss Pakyaw?

Galit ang mukha niyang nilingon ang dalawang lalaki.

“Hi ulit,” bati na naman sa kanya ng antipatikong lalaki.

Nakasimangot na binalikan niya ito. “Tinawag mo ba akong Miss Pakyaw?! Gusto mo ba ulit na masuntok sa pagmumukha, huh?!”

“Ayoko syempre.” Bigla ay nagtago sa likod ng kasama nito ang lalaki. “Ang bigat kaya ng kamao mo. Hanggang ngayon nga ay ramdam na ramdam ko ang sakit ng ilong ko.”

“Seryoso, bossing? Nasuntok ka na Miss Byutipol? Hindi mo nailagan?” kantyaw na naman ng kasama nito.

“Malay ko bang sumasargo din ang kamao niyan tulad ni idol Paquiao. Kababaeng tao ang lakas manuntok. Pang-welterweight ang putik,” parang batang dahilan ni Trood.

Nagtatawa ang kasama nito.

Tumirik naman ang mga mata ni Avely. Hindi sila nakakatawa para sa kanya, mas naiirita pa nga siya. Pinanindigan na talaga niya ang pagiging mataray.

“Ano ba talaga kasing ginagawa mo rito?! Huwag mong sabihing may balak kang masama din sa center namin?! Subukan mo lang at talagang isusumbong na kita sa police!” humalukipkip na asik niya, salubong pa rin ang mga kilay.

“Naku, Miss byutipol, wala kaming balak na anuman dito kasi ang totoo ay si Bossing ko ang—” Hindi naituloy ng lalaki ang sinasabi dahil tinakpan ni Trood ang bunganga nito.

“Hinahanap ko nga ang lola ko,” at sabi nito.

“At bakit dito mo sa center namin hinahanap ang lola mo? Alam mo ba ang center na ito? Dito dinadala ang manganganak, nanganganak at nanganak na! Bobo ka ba at naisip mo na nandito sa lugar ang lola mo?!”

Sandaling itinulos sa pagkakatayo ang binata. Mayamaya ay nagtawanan sila ng kasama nito.

“At ano ang nakakatawa?” napantastikuhang tanong ni Avely. Kung hindi siya nakapagpigil ay pinag-untog na niya ang dalawa. Wala namang nakakatawa sa sinabi niya, eh. Alangang nanganak ang lola nito, ‘di ba?

Pinagdikit ng lalaki ang mga bibig kaysa ang sumagot o magpaliwanag. Pilit na hinaharang sa lalamunan ang pagtakas ng isang malutong na halakhak.

Sa puntong iyon umungol ang inis ni Avely at tinalikuran na sila. “Diyan ka na nga!”

“Miss Pakyaw, sandali!” Makulit na hinabol pa rin siya ng lalaki. “Ano kasi… ang lola ko ay si Lola Isadora Moherra at kaya ko siya hinahanap dito ay pagmamay-ari raw niya ang paanakan na ito.”

Sa narinig, animo’y may preno ang mga paa ni Avely na biglang tigil sa paglakad.

“Oy!” Muntik na tuloy mabangga sa likod niya ang lalaki.

Mulagat ang mga mata niyang nilingon ito. “Ano’ng sabi mo? Ikaw ang apo ni Doktora Isadora?”

“Yeah, ako si Trood pero ang tawag sa akin noon nina Lola ay Tom Tom,” sigurado ang sagot na tugon ng lalaki.

Literal nang nalaglag ang panga ni Avely.

“Alam mo ba kung nasaan ang lola ko? Excited na kasi akong makita siya,” sabi pa ng lalaki.

“Did I hear it right? Ikaw ang apo ko, iho?” Subalit hindi na nasagot iyon ni Avely dahil saktong sulpot ni Donya Isadora mula sa loob ng birthcare center at narinig iyon.

Malapad ang naging ngiti ni Trood nang makita ang matanda. “Kumusta, Lola?” at parang wala lang na bati niya rito. Parang hindi siya nawala ng higit sampung taon at ngayon lang nagpakita ulit.

“Ay, Diyos ko, Tom Tom, apo ko!” Nang makilala ay madamdaming yumakap na nga si Donya Isadora sa apo na noon pa pinanabikang makita ulit.

Ginantihan iyon ng mas mahigpit na yakap ni Trood. Hinagud-hagod din niya ang likod ng lola niya.

“Salamat sa Diyos at nagbalik ka na. Sobrang pinanabikan ko ang araw na ito. Salamat, salamat, apo, at naalala mo pa akong balikan,” sabi pa ng matanda sa gitna ng pag-iiyak.

Ang mga staff ng birthcare center ay nagkumpulan sa isang tabi. Naluluha ang lahat na makita ang muling pagtatagpo ng maglola. Masayang-masaya sila para kay Donya Isadora.

Si Avely ay idinestansya naman na kaunti ang sarili. Siya man kahit hindi siya masaya na makita muli ang lalaki ay masaya naman siya para kay Donya Isadora.

“Tahan na, ‘La. Baka mapaano ka kakaiyak. Nandito na ako at hindi na aalis pa, okay?” pag-alo ni Trood sa lola niya kalaunan.

Kumawala ng yakap ang lola niya sa kanya. Tiningala siya at buong pananabik na hinaplos ng kulubot na nitong mga kamay ang kanyang mukha.

“Masaya ako na maayos ka pa ring nakabalik dito, apo. Tulad noon ay napakuguwapo mo pa rin. Mas naging kamukha mo na ang lolo mo ngayong nagkaedad ka na,” anito pagkuwan.

Hindi malamang sanay na nasasabihang guwapo kaya parang nailang si Trood na napahimas ng batok.

Napalabi si Avely sa naobserbang iyon. At least, mahangin lang ang lalaking ito sa kahambugan hindi sa pisikal na anyo.

Tall, dark and… ruggedly handsome si Trood. Yes, he was that. Maangas na guwapo ika nga. Gayunman, kahit hindi ito mukhang maayos ngayon ang pananamit, kahit na simple lang, still his profile spoke of strength and prowess. Siguro ay dahil nananalantay sa dugo nito ang lahi ng mga Moherra. At kahit gusto niyang itanggi, she could still say that Trood has a beautiful pair of eyes that could hypnotize every woman. Katunayan, kinikilig na ang kanyang mga kasamahan sa trabaho kasama na si Fleur. Ang lakas kasi ng sex appeal ng unggoy.

Pero paano at bakit ito pa ang naging apo ni Donya Isadora? Ang dami naman ibang tao na mababait kaysa rito. Hindi ito bagay na maging apo ni Doktora Isadora kung katangian ang pag-uusapan.

Avely groaned silently. Ngayon pa lang ay nag-aalala na siya sa mararamdaman ng napakabait na doktora oras na malaman nito kung anong klaseng tao na ngayon ang apo nito.

“Bakit ngayon ka lang bumalik?” Muling nag-iiyak ang matanda.

“Sorry, ‘La,” sabi lamang ni Trood.

“Mabuti na lamang at naabutan mo pa ako.”

“Syempre naman. Alam ko naman na aabot kayo ng 200 years old, eh.”

“Loko ka pa rin pala.” Nagtatawa si Donya Isadora. Pagkuwan ay hinarap na nito ang mga tauhan sa birthcare center. “Siya ang lagi kong kinukuwento na apo ko. Si Tom Tom.”

Sabay-sabay na nagyuko ng ulo ang mga staff ng center kay Trood bilang pagwe-welcome.

Natutuwa sa mainit na pagtanggap sa kanya ay ginantihan din iyon ni Trood ng madami ring pagyuko sa kanila habang nakaplaster ang ngiti sa kanyang mga labi. Iniisa-isa niya talaga niya silang kinamayan din, pati na si Avely.

“Hi,” parang hindi kilala si Avely na bati pa niya.

Walang imik na tinanggap naman iyon ni Avely, wala lang issue. Inabot niya ang kamay nito at nakulong ang mga kamay niya sa malaking kamay nito. His hands were sizable, robust, and roughened by calluses. Siguro dahil sa kakahawak ng baril at pakikipagbasag-ulo nito sa mundo kung saan ito galing.

Sanggano, eh.

“Magkakilala ba kayo ni Avely, apo?” usisa ni Donya Isadora nang maghiwalay ang kanilang mga kamay.

“Hindi po, ‘La. Nakilala ko lang siya kaninang tinatanong ko kung saan ko po kayo pwedeng puntahan,” kaila ni Trood.

Lihim na naginhawaan si Avely. Buti na lang at ito na ang nagsabi niyon. Hindi na niya kailangang magsinungaling.

“Ganoon ba.” Naniwala naman ang matanda. “Kung ganoon ay halika, Tom Tom, doon tayo sa office ko.”

“Lola, Trood na po ngayon ang pangalan ko. Hindi na bagay sa akin ang Tom Tom. Ang laki-laki ko nang tao,” pagtatama ni Trood sa lola niya. “Hindi ba, guys? Mas cool kapag Trood?” At naghanap pa ng kakampi.

Naghagikgikan naman ang mga staff ng center.

Maliban lang kay Avely. Umikot ang mga mata niya at tumaas ang gilid ng kanyang labi. “Anong Trood? May Trood-Trood pang nalalaman na pangalan ang ungas na ito? Pinaganda para maging cool pero wala namang kuwentang ama! Hmmp!” 

Madali rin niyang inayos ang kanyang mukha nang bahagya siyang siniko ni Fleur. Nahuli pala siya ng kaibigan. Napilitan tuloy siyang ngumiti sa paraang parang nakakain siya ng isang kilong asukal. Hindi puwede na mahalata kahit pa ang kaibigan niya na gusto niyang suntukin ulit sa mukha ang ipinakilalang apo ni Donya Doktora Isadora.

“Anyway, ikinagagalak ko kayong makilala lahat. Sana maging magkaibigan tayo. Sana tulungan niyo ako sa pagbabalik kong ito na mas maging mabuting tao,” pagdadrama pa ni Trood.

Umayos ang mukha ni Avely. Mabilis na isinantabi muna ang paghihimutok niya.

“Bakit po? Masama po ba kayong tao?” hindi nga lang niya napigilan na pagsasarkastiko rito.

Natigilan ang lahat. Awtomatiko na ang lahat ng mata ay dumako sa kanya. Kasama na roon si Donya Isadora.

“Uhm, tanong lang po,” palusot niya. Ngiwing-ngiwi dahil sa sandaling iyon ay parang hindi na niya alam kung paano pa ang ngumiti.

Pilyo naman ang ngiting sumilay sa mga labi ni Trood kasabay nang paghalukipkip. “Lahat naman tayo ay may masamang pagkatao kaya ang sagot ko sa tanong mo ay baka nga. Pero huwag kang mag-alala, Miss Cute, handa akong magbago para sa iyo kung kakaibiganin mo ako.”

Hindi na naitago ni Avely ang pagkunot-noo. Iba kasi ang naging dating niyon sa kanya. Naging bastos dahil sa kakaibang ngiti sa kanya ni Trood.

“Oo naman, apo. Iyang si Avely ay puwede mong maging kaibigan. Kapag may kailangan o tanong ka ukol dito sa Birthcare Center ay puwede mo siyang lapitan.” Binalingan siya ng tingin ni Donya Isadora habang nagsasalita. Napilitan na tuloy siyang langkapan ng totoong ngiti ang kanyang mga labi. “Mabait itong si Avely kaya maaasahan mo siya rito, apo. Nangako siyang tutulungan ka niya upang masanay ka sa lugar na ito, hindi ba Avely?”

Kamuntikan na niyang bawiin ang pangakong iyon sa donya. Sabihing mas gusto niyang ibigti na lang pala sa puno sa labas ang apo nito kaysa ang kaibiganin. “Opo, Doktora. Maasahan po ako ni Sir Trood,” mabuti na lamang at iba ang lumabas sa kanyang bibig.

“Naks, may kaibigan na pala agad akong cute rito kung gano’n,” pilyong sabi ni Trood na kumindat pa nang tingnan niya.

Kinilig tuloy ang mga nakakita.

Namumula ang mga pisngi na nagngitngitan naman ang mga ngipin ni Avely. Wala nang pakialam sa paligid na pinukulan na niya si Trood ng masamang tingin. Sa isip-isip niya’y, “Ang sarap talagang hambalusin ng unggoy na ito!”

“Oo, apo. Puwede ka rin niyang samahan kung may gusto kang puntahan,” sabi pa ni Donya Isadora.

“Salamat, Lola. Hindi pala ako mahihirapan at mabo-boring dito sa Birthcare Center natin kung gano’n,” ani Trood.

“Pero hindi ibig sabihin niyon ay kasama ang pagliliwaliw. Ang ibig sabihin ni Doktora Isadora ay puwede kitang turuan at samahan ukol dito sa center lang. Example, kung paano mag-assist kapag may manganganak,” mabilis na pagtatama rito ni Avely.

“Ganoon?” Nagkunwari naman ang binata na nalungkot.

“Opo kaya ihanda niyo po ang sarili niyo, Sir, dahil magiging busy na ang oras niyo rito. Hindi na magiging katulad pa dati kung saan man kayo lupalop ng mundo kayo galing,” pananakot niya pa rito.

“Mas maganda siguro, Avely, kung hindi muna tungkol agad sa center ang ituturo mo kay Trood. Siguro ay mas magandang ipakita mo muna kung gaano kaganda at kasaya pa rin dito sa Galero Province. Na kahit madami na rin ang nagbago rito simula umalis siya ay nanatili pa rin ang magagandang tanawin,” sabad ni Donya Isadora sa usapan nila.

“I like that, Lola. Gusto ko nga sanang makita iyong ilog noon na lagi naming nilalanguyan ng mga kaibigan ko.” Natuwa na ang binata sa sinabing iyon ng abuela.

Napaismid naman si Avely. Sumama lalo ang timpla niya sa nakikita niyang parang mas excited pa ang kumag sa paglalakwatsa kaysa ang malaman ang tungkol sa pamamalakad sa center. Sinasabi na nga ba niya’t wala sa bukabolaryo nito ang center.

Sana lang talaga ay wala itong masamang pinaplano bakit ito biglang nagbabalik. At kung meron man, aalamin niya at ibubuking niya kay Donya Isadora.

Wala talaga siyang tiwala dito, pati na ang lalaking kasama nito.

Kaugnay na kabanata

  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 5

    “Avely, si Baby Mira iyak nang iyak daw kanina pa. Ayaw tumahan,” pabulong na imporma sa kaniya ni Fleur matapos sagutin ang tumawag dito sa cellphone.“Huh, bakit?” Animo’y napakalakas na emergency warning iyon para kay Avely. Ura-urada ay naalarma siya. Wala na siyang naging pakialam sa kasiyahang nagaganap sa sandaling iyon—ang pagdating ng apo ni Donya Isadora. Tumakbo agad siya patungong nursery. Ni hindi niya nagawang mag-excuse.Hindi niya rin nakita na kahit busy sa pakikipag-usap si Trood sa isang doktor na ipinakilala ng lola nito ay sumunod pa rin ang tingin sa kanya nito.“Baby, bakit?” Agad na kinuha ni Avely si Baby Mira na nakahiga sa may crib. Isinasayaw-sayaw upang mapatahan dahil umiiyak nga ang sanggol.“Tahan na please,” pakiusap niya. Emotional torture talaga para sa kanya kapag umiiyak si Baby Mira. Nadudurog ang puso niya sa bawat iyak na naririnig niya rito. Naaawa siya dahil naiisip niya na baka hinahanap nito ang kalinga ng ina nito.Oo, may ama nga ito pero

    Huling Na-update : 2024-04-30
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 6

    Kinuha ni Trood ang sigarilyo sa daliri ng tauhang si Boyting at hinithit iyon.“Ano’t nandito ka, bossing? tanong nang bahagyang nagulat niyang tauhan sa bigla niyang pagsulpot sa kanatatayuan nito.Isa pa siyang hithit sa sigarilyo at buga sa nagkorteng bilog na usok.“Tapos na ba ang pagpapakilala sa iyo ng lola mo sa buong center? Mali ospital na yata ang tawag dito dahil ang lawak-lawak. Ang alam kong center ay maliit lang, eh,” tanong pa ni Boyting.“Oo. May mga aasikasuhin lang daw saglit si Lola sa opisina niya bago kami umuwi. Sabi niya’y maglibot-libot muna ako habang hinihintay siya,” sagot niya.“Kung gano’n nakita mo na ang lahat ng parte ng center, bossing? Madami ba tayong mapapakinabangan? Tiba-tiba ba tayo?”Napangiwi si Trood. “Paano ako maglilibot-libot dito? Lahat na lang ng nakikita ko, kundi manganganak ay kapapanganak. Jeez.” Animo’y naihi siya sa salawal na kinilig. Diring-diri rin ang kaniyang hitsura na nilingon ang center.“Huwag kang ganyan, bossing. Huwag

    Huling Na-update : 2024-05-05
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   PROLOGUE

    Panay ang buntong-hininga ni Avely habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus na kinasasakyan. Papasok siya sa naka-assign-an niyang malaking center sa Galero Province. Subalit dahil sa palagiang paghinto ng bus sa pagkuha ng pasahero at pagtigil sa bawat estasyon ay isa’t kalahating oras na siyang nagbabyahe—sa halip na isang oras lamang sana. Nai-stress na siya dahil kung patuloy na mabagal ang pag-usad nila ay mali-late na talaga siya sa kanyang trabaho.Si Aveley Venoza ay graduate sa kursong Bachelor of Science in Nursing, at nakipagsapalaran agad sa pagkuha ng licensure examination sa PNLE (Philippine Nurse Licensure Examination) upang maging isang lisensyadong nurse. Awa ng Diyos ay nagbunga naman noon ang pagsusunog niya ng kilay dahil pumasa naman siya kaya ganap na siyang lisensyadong nurse ngayon. Sa kasamaang palad, hindi naman siya suwerte sa mga in-apply-an niyang ospital sa Maynila kaya ang binagsakan niya ay sa malaking center sa probinsya—sa Moherra Birthcare Center

    Huling Na-update : 2024-04-07
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 1

    “Kumusta ang Baby Mira ko, Fleur?” tanong ni Avely sa kaibigan niyang pediatric nurse. Humahangos man siya na pumasok sa nursery ay abot hanggang anit naman niya ang kanyang pagkakangiti. Maghapon siya sa Traning Center kung saan nag-aaral siya ng midwifery kaya miss na miss na niya si Baby Mira—ang dalawang buwang sanggol na kanya nang anak-anakan sa Moherra Birthcare center. “Huwag kang maingay,” sita sa kanya ng kaibigan habang nakalagay ang hintuturo sa mga labi nitong nakanguso. Pinapatahimik siya. “Bakit may prob—” “Wala. Pero kakatulog niya lang kasi,” pamamatlang sa kanya ni Fleur. Madramang natutop na niya ang didib. Naginhawaan. “Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari sa anak ko.” “Anak talaga?” “Hayaan mo na ako. Magiging anak ko rin naman siya oras na puwede ko na siyang ampunin,” rason niyang ngumiti ulit. “Ay, naku, Avely, kung ako sa ‘yo ay huwag ka agad umasa na sa iyo mapupunta si Baby Mira. Alam mo na mahirap at mahabang proseso ang pag-aampon ng bata. Ba

    Huling Na-update : 2024-04-09
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 2

    Malikot ang mga mata ni Trood na itinungga ang bote ng alak na kalalapag ng waiter sa inukupa niyang lamesa. May hinahanap siyang tao sa kinaroroonan niya ngayon na bar. At desperado na siya. Katunayan bumubulwak na ang dugo niya kanina pa gawa ng matinding galit.“Relax lang, bossing. Baka sa sobrang galit mo’y atakihin ka diyan. Mas lalong hindi mo makikita niyan si Boss Mattias,” puna sa kanya ng kasama niyang si Boyting, ang kanyang nanatiling tapat na tauhan sa kabila ng mga nangyari.Halos dalawang buwan na ang nakakalipas noong pakiusapan siya ng tarantadong Mattias na iyon na protektahan ang pangalawang babae nito na si Monica.…….“Bakit ako, pare?” nagtaka niya noon na tanong sa kontrolado bagaman gulat na tinig.“Sa iyo lang ako nagtitiwala, Trood, dahil alam kong matapat kang kaibigan. Ikaw na sana ang bahala sa mag-ina ko habang inaayos ko ang problema sa organisasyon. Hindi sila puwedeng madamay rito. Lalong hindi sila puwedeng maladlad dahil lagot ako sa totoong asawa ko

    Huling Na-update : 2024-04-10
  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 3

    “Isang PAANAKAN? Are you kidding me?” Iyon ang unang naging reaksyon ni Trood sa sinabi sa kanya ni Boyting na nalaman nitong impormasyon ukol sa negosyo ng kanyang Lola Isadora. Nawindang siya. Ang inasahan kasi niya talaga ay isang kompanya o isang farm ang ipapamana sa kanya ng abuela.“Iyon talaga ang nalaman ko, Bossing.” kakamot-kamot ulong saad ni Boyting. “Pero hindi naman paanakan lang kundi birthcare center. At hindi siya basta-basta na birthcare center, malawak siyang center, Bossing.”“Kahit na! Hindi ko iyon matatanggap na mana!” giit niya na maasim ang mukha. “Oo, desperado ako na magkapera pero ang pangasiwaan kung sakali ang isang PAANAKAN, no way! Taena nakakabakla ‘yon! Ayoko!”Parang constipated na ang kanyang tauhan na nakangiwi. Hindi na alam ang sasabihin sa kanya upang magbago ang isip niya at ituloy ang una nilang napag-usapan.“Ibahin na lang natin ang plano,” aniya na lumagok ng alak. Mula naalis siya sa IRON BLADES dahil sa pagtatraydor sa kanya ni Mattias,

    Huling Na-update : 2024-04-18

Pinakabagong kabanata

  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 4

    Mabilis ang mga lakad ni Avely. Late na siya sa announcement ni Donya Isadora na dapat lahat ng staff daw ng Moherra Birthcare Center ay magtutungo sa center. Babalik na raw kasi ang apo nitong si Tom Tom na halos higit dekada nang nawawala.“Ay!” Sa kamalasan, kamamadali niya ng lakad ay doon pa siya muntikang matalisod. Hindi niya napansin ang bato sa driveway.“Careful!” Laking pasalamat niya’t may matatag na kamay na humawak sa kanyang braso at hindi siya tuluyang masubsob sa magaspang na sementong daanan.But the very familiar voice of the man gave her goosebumps. Kaagad siyang lumingon sa kanyang tabi upang makasiguro na ang pinanggalingan ng boses ay walang iba kundi ang lalaking madalas niyang isumpa kapag naalala niya.“Ikaw?!” At hindi nga siya nagkamali.“Hi,” natatawang bati nito sa kanya. Natatawa malamang sa gulat na rumehistro sa mukha niya.Animo’y may ketong ang lalaki na agad niyang hinila ang kamay na hawak nito. Kunot na kunot ang noo niyang tinitigan ito.“Ganyan

  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 3

    “Isang PAANAKAN? Are you kidding me?” Iyon ang unang naging reaksyon ni Trood sa sinabi sa kanya ni Boyting na nalaman nitong impormasyon ukol sa negosyo ng kanyang Lola Isadora. Nawindang siya. Ang inasahan kasi niya talaga ay isang kompanya o isang farm ang ipapamana sa kanya ng abuela.“Iyon talaga ang nalaman ko, Bossing.” kakamot-kamot ulong saad ni Boyting. “Pero hindi naman paanakan lang kundi birthcare center. At hindi siya basta-basta na birthcare center, malawak siyang center, Bossing.”“Kahit na! Hindi ko iyon matatanggap na mana!” giit niya na maasim ang mukha. “Oo, desperado ako na magkapera pero ang pangasiwaan kung sakali ang isang PAANAKAN, no way! Taena nakakabakla ‘yon! Ayoko!”Parang constipated na ang kanyang tauhan na nakangiwi. Hindi na alam ang sasabihin sa kanya upang magbago ang isip niya at ituloy ang una nilang napag-usapan.“Ibahin na lang natin ang plano,” aniya na lumagok ng alak. Mula naalis siya sa IRON BLADES dahil sa pagtatraydor sa kanya ni Mattias,

  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 2

    Malikot ang mga mata ni Trood na itinungga ang bote ng alak na kalalapag ng waiter sa inukupa niyang lamesa. May hinahanap siyang tao sa kinaroroonan niya ngayon na bar. At desperado na siya. Katunayan bumubulwak na ang dugo niya kanina pa gawa ng matinding galit.“Relax lang, bossing. Baka sa sobrang galit mo’y atakihin ka diyan. Mas lalong hindi mo makikita niyan si Boss Mattias,” puna sa kanya ng kasama niyang si Boyting, ang kanyang nanatiling tapat na tauhan sa kabila ng mga nangyari.Halos dalawang buwan na ang nakakalipas noong pakiusapan siya ng tarantadong Mattias na iyon na protektahan ang pangalawang babae nito na si Monica.…….“Bakit ako, pare?” nagtaka niya noon na tanong sa kontrolado bagaman gulat na tinig.“Sa iyo lang ako nagtitiwala, Trood, dahil alam kong matapat kang kaibigan. Ikaw na sana ang bahala sa mag-ina ko habang inaayos ko ang problema sa organisasyon. Hindi sila puwedeng madamay rito. Lalong hindi sila puwedeng maladlad dahil lagot ako sa totoong asawa ko

  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   CHAPTER 1

    “Kumusta ang Baby Mira ko, Fleur?” tanong ni Avely sa kaibigan niyang pediatric nurse. Humahangos man siya na pumasok sa nursery ay abot hanggang anit naman niya ang kanyang pagkakangiti. Maghapon siya sa Traning Center kung saan nag-aaral siya ng midwifery kaya miss na miss na niya si Baby Mira—ang dalawang buwang sanggol na kanya nang anak-anakan sa Moherra Birthcare center. “Huwag kang maingay,” sita sa kanya ng kaibigan habang nakalagay ang hintuturo sa mga labi nitong nakanguso. Pinapatahimik siya. “Bakit may prob—” “Wala. Pero kakatulog niya lang kasi,” pamamatlang sa kanya ni Fleur. Madramang natutop na niya ang didib. Naginhawaan. “Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari sa anak ko.” “Anak talaga?” “Hayaan mo na ako. Magiging anak ko rin naman siya oras na puwede ko na siyang ampunin,” rason niyang ngumiti ulit. “Ay, naku, Avely, kung ako sa ‘yo ay huwag ka agad umasa na sa iyo mapupunta si Baby Mira. Alam mo na mahirap at mahabang proseso ang pag-aampon ng bata. Ba

  • THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7   PROLOGUE

    Panay ang buntong-hininga ni Avely habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus na kinasasakyan. Papasok siya sa naka-assign-an niyang malaking center sa Galero Province. Subalit dahil sa palagiang paghinto ng bus sa pagkuha ng pasahero at pagtigil sa bawat estasyon ay isa’t kalahating oras na siyang nagbabyahe—sa halip na isang oras lamang sana. Nai-stress na siya dahil kung patuloy na mabagal ang pag-usad nila ay mali-late na talaga siya sa kanyang trabaho.Si Aveley Venoza ay graduate sa kursong Bachelor of Science in Nursing, at nakipagsapalaran agad sa pagkuha ng licensure examination sa PNLE (Philippine Nurse Licensure Examination) upang maging isang lisensyadong nurse. Awa ng Diyos ay nagbunga naman noon ang pagsusunog niya ng kilay dahil pumasa naman siya kaya ganap na siyang lisensyadong nurse ngayon. Sa kasamaang palad, hindi naman siya suwerte sa mga in-apply-an niyang ospital sa Maynila kaya ang binagsakan niya ay sa malaking center sa probinsya—sa Moherra Birthcare Center

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status