BITBIT ang isang preskong bugkos ng mga puting rosas at malaking teddy care ay huminga muna nang malalim si Audric. Nag-uunahan sa malakas na tibok ang puso niya. Hanggang ngayon hindi niya pa rin kayang ihakbang ang papa papunta sa puntod ng anak. Hanggang ilang dipa lang siya. Parang may isang malakas na kuryente ang humahatak sa kaniya papalayo kaya hindi niya magawang makalapit o baka ang konsensya niya lang ito. Dahil alam mismo ni Audric na wala sa ganitong lugar sana ang kaniyang anak kung hindi sa kaniya. Ilang beses na attempt na ba ang ginawa niya pero magpahanggang ngayon, hindi niya magawa-gawa. Kinalma saglit ni Audric ang puso. Humigpit din ang pagkakahawak niya sa teddy bear at bulaklak. Hindi na siya tatalikod pa at takbuhan papalayo ang katotohanan. Hinihintay siya ni Gabriella. Hinihintay siya ng anak niya.Makulimlim ang ulap nang hapon na iyon. Alas-dos pa lang ng hapon pero para na itong alas-singko. Isang linggo na rin ang panay ulan sa Pinas. Sa umaga, malakas
ISANG BUWAN ang mabilis na lumipas. Nakuha na ni Ffion ang hustisyang hinahangad ngunit sa puso niya, hindi pa rin siya masaya. 'Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi ako masaya?' Humigpit ang pagkakahawak niya sa ballpen habang tinitigan ang sarili sa salamin. 'Hindi ba ito ang gusto natin, Ffion? Ang magdusa ang mga taong nanakit sa 'tin? Pero bakit ang lungkot-lungkot mo pa rin? Bakit hindi ka pa rin masaya? Bakit ang bigat-bigat pa rin ng puso mo at hanggang ngayon, tinatanong natin sa sarili natin kung bakit hanggang ngayon, masakit pa rin?'Pinilig niya ang ulo at muling nag-focus sa ginagawa. Kung hindi pa tumunog ang cellphone niya, hindi niya ulit mapapansin na madilim na sa labas dahil gabi na. Isang text ang natanggap niya kay Lucas na hindi siya masusundo nito ngayon dahil sandali itong pinauwi ng Ama nito sa hasyenda. Hindi na siya nagtanong kung saan.Mabilis niyang niligpit ang gamit at dinampot ang cellphone saka ang susi. Napansin niyang nagsiuwian na ang mga employee niya
At kung minamalas nga naman siya, na-stuck ang sasakyan na kaniyang minamaneho sa daan dahil sa lakas ng ulan at hangin, natumba ang isang puno dahilan para ma-stuck sila. Napamura siya nang malakas! Bakit ngayon pa talaga, eh?Sandali niyang tinabi ang sasakyan. Mukhang matatagalan bago makalusot ang sasakyan niya at madala ang lalaki sa Hospital. Sandali siyang napasulyap sa lalaki sa likuran, mas lalo siyang naiinis at nagalit. Bakit obligado pa siya rito ngayon?Huminga siya sandali nang malalim at tumingin sa labas. Malakas ang ulan, pati ang hangin. Mali yata na umuwi siya ng late. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Lucas para lang matigilan, out of town pala si Lucas at hindi siya pwedeng makahingi rito ng tulong. Nilagay niya sa dashboard ang cellphone at nag-isip ng pwedeng gawin.Kinalma niya muna ang sarili at tiningnan ang sarili sa rearview mirror. Umuungol ang lalaki at nanginginig ito. Panay ang baling ng ulo nito at binabanggit ang pangalan ng anak nila
SAMANTALANG si Lucas sa araw na iyon ay nababagot na nakikinig sa mahabang diskusyon nila ng kaniyang ama. Panay ang tingin niya sa kaniyang orasan pambisig. Isang araw lang niyang hindi nakikita si Ffion pero nag-aalala na siya sa babae. Hindi niya ginusto ang magpunta rito sa Hasyenda ng ama niya para makinig sa mga gusto nitong sabihin. Hindi niya gusto rito at ang tanging gusto lamang ni Lucas ay ang firm at bantayan si Ffion sa mga gagawin nitong hakbang."Lucas? Are you listening, son?"Napilitan siyang tumango kahit wala siyang naiintindihan. Isang buwan na ditong nag-relax ang kaniyang ama habang ang kaniyang ina ay kasama niya sa manila. Hindi niya makuha kung nag-aaway ba ang mga ito pero alam niyang imposibleng bagay ito. Parang langgam kung mag-usap ang mga ito sa tawag. Daig pa ang teenager."Dad, can I go back in Manila? Ang dami ko pa na 'di natatapos na gawain. Kailangan na ako sa opisina ko.""Hay naku Lucas, anak! Kilala kita, hindi trabaho ang aatupagin mo kundi ang
NAKAHINGA nang maluwang si Lucas. Babalik na siya ngayon umaga sa Manila. Nahirapan din siyang makatulog kagabi sa kakaisip ng relasyon nila ni Ffion at kung hanggang kailan siya maghihintay rito pero hanggang sa sumuko rin ang kaniyang isip at mata hanggang sa nakatulog siya.Saglit siya munang nagkape sa kusina para mainitan sandali ang tiyan bago umalis. Nakahanda na rin ang gamit niya at tapos na rin siyang maligo."Good morning, Senyorito! Masarap ba ang tulog niyo? Ang gwapo niyo naman ngayon, nakakagigil."Kumunot agad ang noo ni Lucas nang marinig ang mga salitang ito mula sa babaeng walang-iba kundi ang nagkakilalang Ariana Grande raw itawag.Hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy siya sa pag-inom ng kape niya habang nagbabasa ng mga reports ng kaniyang secretary."Senyorito, talaga ba na babalik na kayo sa Manila? Isama niyo na ako, o. Ako na magiging katulong niyo roon. Ako magluluto sa inyo, ako maglalaba, ako kakamot sa malaki niyong itlog— este sa likod niyo pala. Hehe. Ako
TULALANG nakaupo si Ffion sa isang restaurant nang araw na iyon malapit sa salamin dingding nang mapansin niya ang isang bata. Tingin niya ay nasa edad dalawa o tatlo ito. Hindi siya sigurado. Napatitig siya sa bata. Nasa isang crib ito, kasama ang isang nurse, at isang yaya base na rin sa suot ng mga ito. Nagsimula itong umiyak at tila may kung anong humaplos sa puso niya habang nakamasid sa bata. Kung hindi lang sana nawala ang anak niyang si Gabriella, kasama sana niya ito ngayon."Here's your order, Ma'm."Napatingin siya sa waiter na nagdala ng kaniyang inorder na pagkain. Ngumiti siya at nagpasalamat saka ito umalis.Sinimulan niyang kainin ang steak na inorder at muling napatingin sa batang lalaki.Umiiyak na ito at kinarga ng yaya habang sandaling umalis ang nurse na parang may hinahanap. Pinapatahan ito ng yaya habang ang umiiyak naman ito. Parang may hinahanap. Habang ang mga tao na nasa mall na iyon ay napapatingin sa batang umiiyak.Pinilig niya ang ulo, nag-focus sa pagka
Kaya sa gabing iyon, hindi makatulog si Ffion. Pabaling-baling ang kaniyang ulo at halos baliktarin niya na ang sarili para makatulog lang. Kausap na rin niya si Lucas at bakit hindi siya yata masaya na nakabalik na ito?Sinampal niya ang sarili saka napabangon. Napatitig siya sa kawalan. Ang lakas ng impact ng anak ni Audric sa kaniya! Si Ace. Ang batang iyon, ang batang iyon na tinangay agad ang kaniyang puso.Nakagat niya ang labi. Dapat siya magalit pero bakit hindi niya kayang magalit sa inosenteng bata? Oo, nawala sa kaniya si Gabriella pero hindi yata mabuti kung isasama niya ang anak ni Ivony at Audric sa galit niya.Bumaba siya sa kama at tinungo ang kusina. Inayos niya ang ternong pantulog na pajama. Magtitimpa siya ng gatas at baka sakaling makatulog siya.Hawak-hawak ang baso ng gatas nang marinig niyang may nag-door bell. Kumunot ang kaniyang noo, wala siyang bisita sa ganitong oras ng gabi pero sa isiping baka si Lucas ito, kaya nagmamadaling tinungo niya ang pintuan at
Pinangko ni Ffion saglit ang kaniyang buhok bago siya nagsimulang maghalungkat ng manok sa fridge. Naggayak din siya ng mga sangkap. Kumuha rin siya ng isang medium carrots at celery stalks at hiniwa ang mga iyon na naayon sa kaniyang panlasa.Nakakainis! Pero nagpatuloy siya sa paghahanda. Imbes na matulog at magpahinga ay heto siya, inaasikaso ang ex-husband niyang may sakit!After 50 minutes, natapos siya. Wala sa loob na napangiti si Ffion nang maglagay siya sa isang serving bowl para lang matigilan. Bakit siya ngumiti? Mabilis niyang pinilig ang ulo. Hindi siya dapat ngumiti dahil wala naman dahilan para gawin niya ito.Pakakainin niya lang si Audric at kapag okay na ito ay pwede na itong lumayas at mawala sa unit niya. Disturbo lang ito sa buhay niya!Dala niya ang tray na may umuusok pa na chicken soup, isang kutsara at isang basong tubig nung bumalik siya sa silid kung saan nagpapahinga ngayon ang lalaki.Nakita niyang nakapikit ang mga mata nito kaya napilitan siyang ilagay s