Share

Chapter 108

At kung minamalas nga naman siya, na-stuck ang sasakyan na kaniyang minamaneho sa daan dahil sa lakas ng ulan at hangin, natumba ang isang puno dahilan para ma-stuck sila. Napamura siya nang malakas! Bakit ngayon pa talaga, eh?

Sandali niyang tinabi ang sasakyan. Mukhang matatagalan bago makalusot ang sasakyan niya at madala ang lalaki sa Hospital. Sandali siyang napasulyap sa lalaki sa likuran, mas lalo siyang naiinis at nagalit. Bakit obligado pa siya rito ngayon?

Huminga siya sandali nang malalim at tumingin sa labas. Malakas ang ulan, pati ang hangin. Mali yata na umuwi siya ng late. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Lucas para lang matigilan, out of town pala si Lucas at hindi siya pwedeng makahingi rito ng tulong. Nilagay niya sa dashboard ang cellphone at nag-isip ng pwedeng gawin.

Kinalma niya muna ang sarili at tiningnan ang sarili sa rearview mirror. Umuungol ang lalaki at nanginginig ito. Panay ang baling ng ulo nito at binabanggit ang pangalan ng anak nila
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status