ISANG marahan na katok ang narinig ni Ffion nang gabing iyon. Nagmadali siyang tinungo ang pintuan at hindi na tiningnan kung sino ang nasa labas. Sa dalawang linggong nagdaan, si Lucas lang naman palagi ang gano'n. Hindi na nagpakita pa sa kaniya si Audric tulad nga ng sinabi nito at natuwa siya sa parteng ito. Pero bakit 'yong puso niya ay hindi masaya?"Instead of knocking on my door Lucasio, why won't you—"Isang maalab na halik ang sumalubong sa kaniya. Mabilis nanulak ang kaniyang kamay para tingnan kung sinong makapal ang mukha na halikan siya, para lang manlaki ang mga mata ni Ffion!Audric!Gusto niyang sampalin ang lalaki at gamitin dito ang natutunan niyang martial arts pero muling siniil ni Audric ang mga labi niya.Para itong isang batang sabik na sabik sa ice cream na binili. Ang mga kamay rin ni Audric ay mabilis ay nakaalalay sa kaniyang ulo ang isa habang ang isa ay nasa beywang niya, pumipisil at parang sinasabing tugunin niya ang halik nito.No!Ginamit niya ang buo
Tumama ang init sa mukha ni Ffion na nagmula sa bintana kaya siya nagising. Gusto ko pa matulo— awtomatikong nagmulat siya nagmulat ng mga mata.Oh shit!Bigla siyang napabangon at napatingin sa tabi niya. Nakahinga siya nang maluwang nang makita na wala si Audric.Diyos ko! Anong karupukan ang ginawa ko?! Gusto niyang magwala nang maalala ang mainit na nangyari sa kanila. Hanggang ngayon ay damang-dama niya ang mga halik at haplos na binigay sa kaniya ng lalaki.Hindi niya alam kung anong oras sila natulog dahil magdamag siyang inangkin ng lalaki kaya lantang-lanta siya ngayon.Nakaramdam siya nang galit sa sarili. Bakit ko hinayaan na angkinin niya ako? Anong kahihiyan 'to, Ffion? Hindi ka marupok! Hindi. I can't believe na nagawa mo sa sarili mo ito.Sinabunutan niya ang sarili at galit na sinampal ito. Baka kapag gawin niya ito ay magising siya sa kahibangan na ito.Umalis na kaya siya? Pinakiramdaman niya ang paligid. Mukhang umalis na nga si Audric.Bumaba siya sa kama at sanda
If only, if only Ffion could grab back the time kung saan hindi siya nagpadala sa tukso na binigay ni Audric, gagawin niya ito. Bakit ba kasi nagpadala ako sa tukso? Why I let that happened anyway? Para saan ang galit na ito kung isang halik niya lang, bumitaw ako? Bakit sobrang rupok ko? Sino nga ba talaga? Sino ba talaga sa kanila, Ffion? Why can't you choose? Si Lucas na andiyan lang sa paligid ko or si Audric na walang ginawa kundi ang saktan ako?Napahikbi siya. Galit si Lucas, alam ko. He hates me and I know he won't talk to me anymore. Kahit naman siguro ako, kung ako ang nasa kalagayan ni Lucas ay magagalit din ako 'pag nakitang may ibang kasama ang taong mahal ko. Shit! Shit talaga. Anong sasabihin ko sa kaniya? Wala siyang ganang pumasok ngayon araw. Isang linggo na ang nagdaan simula nung nagsuntukan si Audric at Lucas pero heto, hina-hunting siya ng konsensya niya.Karma.Karma siguro ang tawag dito.Nag-ring ang kaniyang cellphone, si Chen ang tumatawag. Tinatanong siya
Masakit ang ulo nang magising si Ffion pero wala siyang makita. Napasinghap siya, ‘Teka!’ Biglang naalarma ang kaniyang utak. ‘Bakit wala akong nakikita? Bulag ba ako ulit?!’ Gusto niyang kapain ang mata pero hindi niya magawang igalaw ang kamay. Doon lang niya napansin na nakaupo siya sa isang kahoy na silya at nakagapos ang dalawang kamay niya sa likuran. Mahigpit iyon at pakiramdam ni Ffion, mababali yata ang kamay niya mula sa pagkakagapos!‘P-paano ako napunta rito? Bakit may nakatabing sa mukha ko? Hindi ako makapagsalita! Am I dead? Pero bakit—’ natigilan siya nung maalalang may dumukot nga pala sa kaniya nung nasa sementeryo na siya.‘Pero saan nila ako dinala? One thing I know, is I'm not dead yet. Dahil kung patay na ako, hindi ko mararamdaman ang sakit ng ulo at katawan ko.’ Nagpalingon-lingon siya. Wala talaga siyang makita na kahit katiting na ilaw man lang o liwanag.Nahihirapan na din siyang huminga. Parang sinasakal ang kaniyang leeg o masyado lang siyang nagpapanic ng
Sa sinabing ito ni Chen, biglang bumukas ang pintuan at niluwa ang taong sinasabi nitong mastermind. Kumunot ang noo niya nang makita ang mukha nito at napailing-iling!"Ang step-brother mo."Tama! May isa pa pala siyang step-brother, ang kapatid ni Lorenzo. Ang buong akala niya ay nasa ibang bansa ito at wala itong pakialam sa mga nangyayari, pero bakit ngayon?"Hi, sis."Hindi siya nakasagot. Para siyang binuhusan ng tubig. Kung takot siya kay Lorenzo, mas takot siya rito. Pero noon ito, hindi na ngayon!"Nagulat ka? Tingin mo napatawad kita nung nagbigti si Lorenzo dahil sa 'yo? Plus, pinakulong mo pa ang aking ama. Tingin mo ay mananahimik na lang ako habang-buhay, Ffion? Nagkakamali ka aking mahal na kapatid. Dahil mayamaya lang ay darating dito ang mga taong pinakulong mo."No! Ibig niyang sabihin ay?"May binayaran akong mga tao para makalabas ang aking ama sa kulungan na pinaglagyan mo, babae!" Hinaklit nito ang pisngi niya at masakit iyon. Madiin din ang pagkakahawak nito at
PAKIRAMDAM ni Ffion, naisuka niya na lahat ang lakas niya sa araw na iyon. Kung meron man siyang nakakadiring naranasan, ito ay ang maging audience sa malaswang threesome na ginawa ng mga demonyong nag anyong tao!Diring-diri siya na gusto niyang maging bulag at bingi. Sa bawat ungol na ginawad ni Chen at nang matandang vilma, naririndi siya. Sukang-suka! At mas matindi pa ito sa sampal at paso na nakuha niya.Matinding pasasalamat niya sa Diyos nung tapos na ang mga ito at nagkaniya-kaniyang alis at iniwan siya sa loob ng silid na mag-isa.Halos naghalo na yata ang luha at sipon sa kaniyang mukha sa pagpupumiglas na makawala siya sa pesteng silid na iyon! Nagtagumpay ang mga ito na pabaliktarin ang kaniyang sikmura.'W-what time is it? Hinanap kaya ako ni Lucas? I think not, galit siya sa 'kin. And Audric?' Natawa siya. 'Galit din siya sa 'kin! It's okay, gano'n talaga ang buhay. Will I end up dead here? I don't know, I smell my death here in this place. Naubos na rin ang natitira ko
"At tingin mo, hiningi ko ang opinyon mo? Nasa itaas ka na nga pero sa mata ko Ffion, isa ka pa rin malansang isda! Mabaho! Umaalingasaw ang amoy!""At ikaw, isa kang matandang mangkukulam na kulubot na ang balat, at nag-feeling dalagang-dalaga gayung kitang-kita kung gaano ka katanda." Ngumisi siya matapos sabihin ito. Lalo na nung nakita niyang natigilan si Vilma at tumalim ang mga mata sa kaniya.As usual, inasahan niya nang sampalin siya ng matanda. Namamaga na at namanhid na ang mukha niya sa sampal ng mga ito."Bawiin mo ang sinabi mo!""Bakit ko babawiin, Donya Vilma? Hindi mo ba kayang tanggapin na isa kang matandang kulubot na ang balat at mukha? Ah, dahil siguro 'yan nung pinakulong ka ng sarili mong anak na sinabihan mong muntikan ng ipalaglag." Humalakhak siya. "Narinig ko, kahit naka-VIP ka sa kulungan ay ilang beses kang binubogbog ng mga kasamahan mong inmate. Kaya pala ang dating kinang ng balat mo noon, ay parang isang balat na lang ng ampalaya! Ang pait sa mata.""In
Butil-butil ng pawis ang kumawala sa kaniyang mukha habang naglalakad sa mahabang pasilyo. Nakayuko siya para hindi makita nang mga ilan sa armadong lalaki ang kaniyang mukha.Mabuti na lang at hanggang leeg ang buhok na pinutol sa kaniya ni Chen, kahit papaano ay nakaya niyang itago ang mukha sa buhok niyang iyon na hindi pantay-pantay ang pagkakagupit."Magandang gabi, Ms. Chen!" anas ng apat na lalaki na may dalang mga matataas na kalidad na baril.Shit! Tuliro siyang nag-isip kung sasagot siya pero pinili niyang hindi na. Mas binilisan niya ang paglalakad! Sa kaniyang isang kamay, ay cellphone na ninakaw niya kay Chen.Gagamitin niya ito para tumawag ng tulong sa pulis! Sa pagmamadali niya kanina sa silid, nakalimutan niya nang tumawag para humingi ng tulong kaya mamaya na lang, oras na makahanap siya ng tiempo."Snabera talaga ang babaeng 'yan, 'pre!""Kung hindi lang maganda ang puke ng babaeng 'yan, e. Pasalamat 'yang Chen na 'yan at katawan pa lang niya, n*********n na ako."Mg