Masakit ang ulo nang magising si Ffion pero wala siyang makita. Napasinghap siya, ‘Teka!’ Biglang naalarma ang kaniyang utak. ‘Bakit wala akong nakikita? Bulag ba ako ulit?!’ Gusto niyang kapain ang mata pero hindi niya magawang igalaw ang kamay. Doon lang niya napansin na nakaupo siya sa isang kahoy na silya at nakagapos ang dalawang kamay niya sa likuran. Mahigpit iyon at pakiramdam ni Ffion, mababali yata ang kamay niya mula sa pagkakagapos!‘P-paano ako napunta rito? Bakit may nakatabing sa mukha ko? Hindi ako makapagsalita! Am I dead? Pero bakit—’ natigilan siya nung maalalang may dumukot nga pala sa kaniya nung nasa sementeryo na siya.‘Pero saan nila ako dinala? One thing I know, is I'm not dead yet. Dahil kung patay na ako, hindi ko mararamdaman ang sakit ng ulo at katawan ko.’ Nagpalingon-lingon siya. Wala talaga siyang makita na kahit katiting na ilaw man lang o liwanag.Nahihirapan na din siyang huminga. Parang sinasakal ang kaniyang leeg o masyado lang siyang nagpapanic ng
Sa sinabing ito ni Chen, biglang bumukas ang pintuan at niluwa ang taong sinasabi nitong mastermind. Kumunot ang noo niya nang makita ang mukha nito at napailing-iling!"Ang step-brother mo."Tama! May isa pa pala siyang step-brother, ang kapatid ni Lorenzo. Ang buong akala niya ay nasa ibang bansa ito at wala itong pakialam sa mga nangyayari, pero bakit ngayon?"Hi, sis."Hindi siya nakasagot. Para siyang binuhusan ng tubig. Kung takot siya kay Lorenzo, mas takot siya rito. Pero noon ito, hindi na ngayon!"Nagulat ka? Tingin mo napatawad kita nung nagbigti si Lorenzo dahil sa 'yo? Plus, pinakulong mo pa ang aking ama. Tingin mo ay mananahimik na lang ako habang-buhay, Ffion? Nagkakamali ka aking mahal na kapatid. Dahil mayamaya lang ay darating dito ang mga taong pinakulong mo."No! Ibig niyang sabihin ay?"May binayaran akong mga tao para makalabas ang aking ama sa kulungan na pinaglagyan mo, babae!" Hinaklit nito ang pisngi niya at masakit iyon. Madiin din ang pagkakahawak nito at
PAKIRAMDAM ni Ffion, naisuka niya na lahat ang lakas niya sa araw na iyon. Kung meron man siyang nakakadiring naranasan, ito ay ang maging audience sa malaswang threesome na ginawa ng mga demonyong nag anyong tao!Diring-diri siya na gusto niyang maging bulag at bingi. Sa bawat ungol na ginawad ni Chen at nang matandang vilma, naririndi siya. Sukang-suka! At mas matindi pa ito sa sampal at paso na nakuha niya.Matinding pasasalamat niya sa Diyos nung tapos na ang mga ito at nagkaniya-kaniyang alis at iniwan siya sa loob ng silid na mag-isa.Halos naghalo na yata ang luha at sipon sa kaniyang mukha sa pagpupumiglas na makawala siya sa pesteng silid na iyon! Nagtagumpay ang mga ito na pabaliktarin ang kaniyang sikmura.'W-what time is it? Hinanap kaya ako ni Lucas? I think not, galit siya sa 'kin. And Audric?' Natawa siya. 'Galit din siya sa 'kin! It's okay, gano'n talaga ang buhay. Will I end up dead here? I don't know, I smell my death here in this place. Naubos na rin ang natitira ko
"At tingin mo, hiningi ko ang opinyon mo? Nasa itaas ka na nga pero sa mata ko Ffion, isa ka pa rin malansang isda! Mabaho! Umaalingasaw ang amoy!""At ikaw, isa kang matandang mangkukulam na kulubot na ang balat, at nag-feeling dalagang-dalaga gayung kitang-kita kung gaano ka katanda." Ngumisi siya matapos sabihin ito. Lalo na nung nakita niyang natigilan si Vilma at tumalim ang mga mata sa kaniya.As usual, inasahan niya nang sampalin siya ng matanda. Namamaga na at namanhid na ang mukha niya sa sampal ng mga ito."Bawiin mo ang sinabi mo!""Bakit ko babawiin, Donya Vilma? Hindi mo ba kayang tanggapin na isa kang matandang kulubot na ang balat at mukha? Ah, dahil siguro 'yan nung pinakulong ka ng sarili mong anak na sinabihan mong muntikan ng ipalaglag." Humalakhak siya. "Narinig ko, kahit naka-VIP ka sa kulungan ay ilang beses kang binubogbog ng mga kasamahan mong inmate. Kaya pala ang dating kinang ng balat mo noon, ay parang isang balat na lang ng ampalaya! Ang pait sa mata.""In
Butil-butil ng pawis ang kumawala sa kaniyang mukha habang naglalakad sa mahabang pasilyo. Nakayuko siya para hindi makita nang mga ilan sa armadong lalaki ang kaniyang mukha.Mabuti na lang at hanggang leeg ang buhok na pinutol sa kaniya ni Chen, kahit papaano ay nakaya niyang itago ang mukha sa buhok niyang iyon na hindi pantay-pantay ang pagkakagupit."Magandang gabi, Ms. Chen!" anas ng apat na lalaki na may dalang mga matataas na kalidad na baril.Shit! Tuliro siyang nag-isip kung sasagot siya pero pinili niyang hindi na. Mas binilisan niya ang paglalakad! Sa kaniyang isang kamay, ay cellphone na ninakaw niya kay Chen.Gagamitin niya ito para tumawag ng tulong sa pulis! Sa pagmamadali niya kanina sa silid, nakalimutan niya nang tumawag para humingi ng tulong kaya mamaya na lang, oras na makahanap siya ng tiempo."Snabera talaga ang babaeng 'yan, 'pre!""Kung hindi lang maganda ang puke ng babaeng 'yan, e. Pasalamat 'yang Chen na 'yan at katawan pa lang niya, n*********n na ako."Mg
"Ffion, kung alam mo lang gaano ako pinangunahan ng takot ko ngayon. Ang isipin ka na hindi kita maabutang buhay o baka may masamang nangyari sa 'yo, ay parang pinapatay ang sarili ko.""Audric, ang totoo niyan—""Pasukin niyo ang bodegang 'yan! Baka nandiyan sila nagtatago.""Okay boss!"Niyakap siya ni Audric nang mahigpit. Hindi niya nakikita ang mukha nito pero alam niyang nag-aalala ito ngayon para sa kanila."Nandiyan sila." Pabulong na saad niya."Shhh..."Abot-abot ang kaba sa puso ni Ffion. Naririnig niya ang pagpasok ng mga armadong lalaki sa silid na kanilang pinagtataguan ngayon ni Audric."Alam kong hindi pa nakakalayo ang babaeng iyon! 'Yong iba, sa labas maghanap! Alam kong nandito lang 'yon, nagtatago. Iniisip siguro nang babaeng 'yon na makakalabas siya ng buhay!"Nahigit niya ang hininga nang marinig ang sinabi ng amain. Natatakot siya pero sa isiping nasa tabi niya si Audric ay parang nawala ang takot niya.Iba ang epekto ng lalaki sa kaniya. Para itong sedative, pi
Napatda si Ffion sa nakita. Para siyang binagsakan ng mundo sa dugong nagkalat sa sahig. Nanghina ang kaniyang mga tuhod at bago pa siya matumba sa nakita, nagsipasok ang mga pulis at mabilis na inaresto ang amain niyang nagulat din sa nangyari."Mom! Mom."Dinaluhan agad ni Audric ang ina nito. Habang siya ay naging bato sa isang tabi, nakatayo. Nawala siya sandali sa sarili."Huwag ho kayong magsalita. Dadalhin ko kayo sa Hospital. Dadalhin ko kay—""K-karma ko na ito, hijo. M-mukhang hindi ako magtatagal.""Hindi ho. Huwag kayong magsalita! Dadalhin ko kayo. Dadalhin ko kayo!" Mabilis na pinangko ni Audric ang ina nito.Audric...Bakit parang nasasaktan siya sa nakitang eksena ngayon? Kanina lang ay matinding galit ang nakita niya sa pagkatao ni Audric pero ngayon, eksena ito kung saan ang anak ay may pagmamahal sa ina.Tatawagin pa sana niya ang lalaki pero nagmadali na itong umalis sa silid na iyon habang pangko-pangko ang ina. Naiwan siyang nakatayo sa silid na iyon."Ma'm, ligt
Pero agad niyang winaksi sa isipan si Audric. Ano ngayon kung miss mo siya, Ffion? Wala ka naman pakialam sa kaniya noon 'di ba?Malungkot siyang napahugot ng hangin. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho saka nagstop sa isang mall para bumili ng isang teddy bear.Pinilit niyang gawin masaya sa araw na ito habang namimili ng magandang teddy bear. Ang gusto niya ay life size ulit kahit alam naman niyang hindi nagagamit ng anak niya ito."Maganda 'to." Napangiti siya nang makita ang isang life size teddy bear na kulay pink. Girly na girly at ito ang bagay para kay Gabriella. Kinuha niya ito para dalhin sa counter nang marinig niya ang masiglang boses ng isang bata sa kabilang aisle."I want this! Ang super cute niya!""You sure?""Yes!""Okay."Pamilyar kay Ffion ang dalawang boses na iyon kaya sumilip siya. Napatda siya sa nakita. Audric... Kinusot niya ang dalawang mata. Siya nga! Siya nga at si Ace! Humakbang siya papalapit sa mga ito pero kaagad din natigilan nang may isang maganda babae a