Pero agad niyang winaksi sa isipan si Audric. Ano ngayon kung miss mo siya, Ffion? Wala ka naman pakialam sa kaniya noon 'di ba?Malungkot siyang napahugot ng hangin. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho saka nagstop sa isang mall para bumili ng isang teddy bear.Pinilit niyang gawin masaya sa araw na ito habang namimili ng magandang teddy bear. Ang gusto niya ay life size ulit kahit alam naman niyang hindi nagagamit ng anak niya ito."Maganda 'to." Napangiti siya nang makita ang isang life size teddy bear na kulay pink. Girly na girly at ito ang bagay para kay Gabriella. Kinuha niya ito para dalhin sa counter nang marinig niya ang masiglang boses ng isang bata sa kabilang aisle."I want this! Ang super cute niya!""You sure?""Yes!""Okay."Pamilyar kay Ffion ang dalawang boses na iyon kaya sumilip siya. Napatda siya sa nakita. Audric... Kinusot niya ang dalawang mata. Siya nga! Siya nga at si Ace! Humakbang siya papalapit sa mga ito pero kaagad din natigilan nang may isang maganda babae a
[AUDRIC'S POV]"I want this! Ang super cute niya!" Mabilis na kinuha ni Ace ang isang cute na teddy bear."You sure?" Natatawang tanong niya kay Ace. "Yes!""Okay."Namimili sila ng laruan pero ang napili nito ay isang stuff toy. Alam niya kung para kanino ang pinili nitong stuff toy, para kay Ffion ito. Kinukulit na siya ng anak niyang dalawin ang babae kaya kahit kakabalik lang nila ng Pinas, kaagad siya nitong niyaya na magpunta ng mall para mamili ng bagay na ibibigay nito sa babaeng tinuring nitong pangalawang Ina.Papunta na sila sa counter para magbayad nang biglang lumitaw ang pinsan niyang babae na si Honey Marie. Kaagad itong yumakap sa kaniya at hinayaan niya ang babae. Lumaki ito sa America at nag-iisa itong anak. Naging close lang sila nito nung nakaraan taon.Nagbakasyon ito sa Pinas dahil gusto nitong mag-aral ng tagalog at manatili pansamantala ng ilang taon bago bumalik sa America. "Na-miss kita at si Ace!" Kaagad nitogn niyakap si Ace.Napapailing na lang si Audric.
"Hey-hey, Ffion! Snap it out." "Ha?" Sandaling huminto sila at niyugyog niya ang balikat nito. "Don't cry, okay? Nahihirapan akong makita kang umiyak. I'm sorry kung nahuli ako sa pagpunta rito." Puta! At gusto pa yatang sumabay ng mga luha niya. "I'm really sorry, ha? Pero ngayon kailangan ko mag-focus ka." "Thank... Thank you." Mabilis itong tumango at pinunasan ang mga luha. "Putangina niyo! Hanapin niyo ang babaeng iyan! Kundi, kayo mismo ang papatayin ko mga inutil!" "Hanapin niyo! Hanapin!" Shit! Mukhang mapapalaban ako. Kaagad niyang sinenyasan si Ffion na huwag lumikha ng ingay. Sa kaniyang isang kamay ay high calibre na baril habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ng babae. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak niya rito dahil gusto niyang iparamdam kay Ffion na ligtas ito sa kaniya. Kahit ang totoo, selos na selos siya nung hinabol nito si Lucas at niyakap. "Audric! Maraming mga armadong—" "It's alright, Ffion. Nandito ako." Masuyong saad niya. Kapagkuwan
Pinilit na umeksena si Ffion sa gitna nilang dalawa pero walang may gustong magpaawat. Magpapatayan sila ni Lucas kung si Ffion man sakali ang pag-uusapang premyo ng mananalo. "Ano ba! Magsitigil na nga kayo!" Siya naman ang gumanti ng sipa sa lalaki at tumilapon ito sa may sofa. Mabilis niya itong inundayan ng suntok sa mukha. "Shit! Stop it!" Mabilis siyang pinigilan ni Ffion nang undayan niya ulit nang suntok si Lucas. "Enough na! Ano ba!" "Tumabi ka, Ffion!" "Wala kang karapatan na suntukin at saktan si Lucas kahit kailan!" Bigla siyang natigilan sa sinabi ng babae. Para siyang binuhusan ng tubig na maraming yelo kaya lumayo siya mula sa mga ito. Kinuha ang damit sa loob ng silid ng babae at mabilis na sinuot ito. Muntikan niyang nakalimutan na hindi niya nga pala pagmamay-ari ang babae at desisyon pa rin nito kung sino ang pipiliin sa kanilang dalawa ang masusunod. P*ta! Bakit niya ba nakalimutan ang bagay na ito? "Lucas! Wait!" Hinabol ito ni Ffion. Ito ang naabut
Tips paano mahalin ang bilyonaryo na si Atty. Lucas Jaxx Kincaid: 1. Akitin 2. Nang 3. Isang 4. Marriame 5. Mikayla 6. Manalo Isa lang naman siyang prangka, daldalera at probinsyana girl na may alagang pink na kalabaw sa bukid at sobrang crush na crush si Lucas. Sa sobrang gusto niya sa lalaki, nagbabalak siyang akitin ito! Pero paano nga pala niya aakitin si Lucas kung tingin nito sa kaniya ay isang maingaw na kambing na panay ngawa nang ngawa? Palagi rin siyang tinutulak nito na para siyang may sakit na almuranas! Mas lalong ayaw nitong lumapit siya rito dahil mukha raw siyang maligno. Wow! Aakitin niya pa rin ito kahit ayaw nito sa kaniya. Period. *** PAKANTA-KANTA pa si Marriame habang pinapaliguan ang kaniyang paboritong kalabaw sa balat ng lupa! Ay naku, sa araw-araw niyang paligo sa kalabaw niyang si Baweng ay, mahihiya ang langaw pumatong sa likod ng alaga niyang kalabaw. "Ayan! Smeli layk fish ka na Baweng! Ayaw kita paliguan sa ilog, baka matipuhan ka ng en
ISANG panibagong araw na naman para kay Marriame ang mag-araro kasama si Baweng para taniman ng mga mais. 'Hay naku! Sa ganda kong ito?! Pinapaararo ako ng lupa? Sabagay, alangan naman si Lolo Romualdo pa, eh, baka kabaong na niya hilain ni Baweng 'pag siya!'Natawa na lamang siya sa sariling kalokohan naisip. Hindi naman mahirap mag-araro ng lupa, ano! Kimbot-kimbot lang ng pwet, saka pakanta-kanta ng slight.Kapag tapos na siyang mag-araro nitong kalupaan nila na kasinglawak ng kaniyang noo, magtatanim siya agad ng mga mais."Ito kasi si Lord, sa dami-daming pwedeng maging malawak sa 'kin. . . Itong noo ko pa! Pwede naman sana itong pekpek ko.""Ungaaaa!"Sambakol ang mukhang tiningnan niya si Baweng. Pinagsasabi nitong pati ilong niya ay malawak din?"Hoy, baklang kalabaw na balat ay pink! Matangos ang ilong ko 'no. Saka maganda rin ako kahit napakalawak ng noo kong meron cute bangs at pang-pageant ang beauty ko. Morenang-morena kaya ako! Sikat kaya ngayon sa pageant world ang mga
MATAPOS ilagay sa backpack ni Baweng ang lahat ng mga gulay tulad ng mga singkamas at talong, sigarilyas at mani.Sitaw, bataw, patani. Kundol, patola, upo't kalabasa. At saka mayroon pang labanos, mustasa. Sibuyas, kamatis, bawang at luya! Sa backpack ni Baweng ay kasyang-kasya."Ayan! Pwede na tayong rumampa sa daan Baweng. Malapit-lapit lang naman ang kabayanan. Parang limang bundok muna daanan natin.""Ungaaaa.""Taray ni Baweng! Maypa-lipad-lipad na nalalaman. May pakpak ka?" Malakas niya itong tinawanan. "And opcors, dapat maganda tayo kapag pumunta ng bayan, 'no!" Mabilis niyang kinuha ang lipstick sa kaniyang lumang branded bag na bigay ni Conseng. Galing pa raw ang bag na bigay nito sa UK.Ang gara naman kasi ng kaibigan niya. Halos mga gamit niyang pampaganda ay bigay nito, pati 'yong gown na parati niyang sinusuot kapag nandiyan si Lucas sa Hasyenda.Mamaya ay madadaanan niya ang hasyenda at sisilipin niya si Lucas na kaniyang pag-ibig kung nandoon ba."Oy Baweng, daanan na
GABI NA nang tumili ang ulan. Dahil laking bukid girl siya, may dala siyang gasera. Saka hindi rin siya matatakutin kaya okay lang! Takot pa nga ang mga maligno sa kaniya, eh.Sakay siya sa likod ni Baweng habang may dala-dala siyang gasera. Mahamog at malamig! Mabuti na lang sinuot niya muna 'yong pangburol na damit ng lolo niya. Lalabhan naman niya 'to bukas sa ilog kaya okay lang na suutin niya 'to.Hindi naman siguro magagalit ang lolo at lola niya kung bakit ginabi siya ngayon ng uwi, dahil halerr! Ang lakas kaya ng ulan saka itong si Baweng nag-inarte pa kanina. Gusto raw nitong suutin ang pangburol na damit ng kaniyang Lolo Romualdo at kung bagay ba raw rito. Baliw na Baweng! Eh, hindi naman ito 'yong matitigok, kundi ang lolo niya. "Eniweys, saan na tayo Baweng? Malapit na ba?""Ungaaaa!!!""At bakit galit ka d'yan? Umulan kaya! Alangan naman maligo tayo ng ulan tapos ay ano? Mababasa ako. Kung ikaw Baweng ay matigas ang balat dahil pink naman 'yan, ay ako hindi. Kaya 'wag ka
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa dalawang tao na kanina pa niya pinagmamatyagan sa may veranda. Ang saya-saya nang mga ito samantalang siya, hihimatayin na yata sa inis.'Nasaan ba ang senyor? Bakit 'di ako na inform na may Barney pala sa buhay ni Lucas? 'Kala ko ba Ffion 'yong pangalan ng babae na gustong-gusto niya? Hindi naman nakasulat sa death note nang matandang 'yon ang pangalan ng babaeng 'to! Magwawala na ba ako? Charrut lang, 'di bagay sa kagandahan ko ano. Kailan ba kasi mapapansin ng damuhong 'yon ang pagmamahal ko? Aba naman! Kung kailan okay na sana, saka naman dumating ang Barney na 'to!'"Ang ganda-ganda na pala rito, ano? I last came here when I was a senior in high school, and I must say, I miss the rural life very much."You missed this place since you were away for too long in another country.""Oy hindi, ah! Simply put, my life and my Dad's business kept me quite occupied. I've tried to visit here a number of times, but each time I've ha
"Manong, may joke ako!""Nag-jo-joke rin pala ang mga maligno?"Naglinya ang mga kilay niya sa sinabi nito. Babanatan pa sana niya si Manong guard nang may matamaan siyang isang napakagarang sasakyan sa may gate. Bumusina ito.Kaagad na binuksan ito ni Manong at dere-deretso na sa pagpasok ang mamahalin sasakyan na sobrang kintab pa."Manong sino 'yon?""Hindi ko alam.""Luhh? Nagpapasok kayo nang hindi niyo kilala?" "Maligno nga nakapasok dito, eh. 'Yon pa kayang magandang sasakyan na 'yon? Tao naman laman no'n." Pabalang na sagot nito at nagtungo sa guard house.Napasimangot tuloy siya sa naging sagot nang payatot na guard. Kaya imbes makipag-chikahan dito, pinili niya ang bumalik sa villa. Sisilipin lang niya kung sino ang kanilang bisita. Baka putyur mader in luw niya ito. Babati rin siya, ano! Mabait kaya siya.Habol ang hininga nang maabutan niya ang sasakyan. Nakita niya rin si Lucas na papalabas ng pintuan, at kakawayan pa sana niya ito nang biglang bumukas ang sasakyan.Nahi
Dahil sa tips na iyon, binigay niya ang best smile niya. Sus, ang bilis-bilis lang nang pinapagawa ng senyor! Pwede na nga siyang gawin endorser ng family sardines sa ganda ng kaniyang ngiti— teka, bakit family sardines nga pala? Hindi siya isda. Kolget pala dapat.Sinadya pa talaga ni Marriame na doon magpunas-punas sa terrace habang nakangiti paharap sa binata. Hindi niya inalis ang ngiting iyon sa maganda niyang mukha. Aba! Secret Tips iyon galing sa ama ni Lucas kaya alam niyang tatalab. Saka marami-rami 'yon. Kaya kung 'di tatalab ang ngiti niya, meron pa siyang bala."The fuck, woman!" Muntikan naibato ni Lucas ang iPad nito nang mapatingin sa kaniya. "Ang creepy!" Nagmadali itong tumayo at iniwan siya sa terasa. "Parang sinaniban."Napanguso siya nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Hmp! Nag-effort pa siyang ngumiti ng bongga, eh!Kaya lumipat siya agad sa 'Tips #2: Eye contact.Mabilis siyang sumunod sa lalaki at tinawag ito sa may hagdanan. "Senyorito! Senyorito, saglit
"KUMUSTA ang pagsama mo hija sa anak ko?" Napangisi si Marriame nang salubungin siya nang gano'n tanong ng senyor kinabukasan nung nakabalik na sila ni Lucas.Deretso lang si Lucas sa silid nito habang siya ay tinawag naman ng senyor sa may terrace para kausapin. 'Naks naman! Muntikan ko na nga gapangin kagabi, buti nakapagpigil pa ako!' Gusto niyang sabihin ang mga salitang 'yon pero 'di niya ginawa, ano! Baka marinig siya ni Lucas, magalit pa 'yon."Okay na okay, senyor! Do'n kami natulog sa 'min dahil naabutan kami ng ulan—""At tapos?" Biglang kumislap-kislap ang mga mata ng matanda. Binaba nito ang iniinom na kape. "Magkakaapo na ba ako ngayon taon?""Senyor nemen! Enebe keye!" Napahagikhik siya. Bigla tuloy siyang kinilig. Ang lakas tuloy nang halakhak ng matanda. "Biro lang, hindi gano'n ang anak ko."Kaagad nawala ang kilig na naramdaman niya. "Kaya nga po, eh. Tingin niya sa 'kin isang mangkukulam. Kuhh, kung mangkukulam ako, uunahin ko na agad kayo.""Ano kamo?""Hehe. W
Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran."Ungaaaaa!""Baweeeeengggg!"Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas. "Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda. Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang k
KUNG hindi lang siguro sanay si Marriame maglakad, baka kanina pa nangisay ang mga binti niya. Ang bilis ba naman ng hakbang ni Lucas, panay habol siya rito. Kulang na lang tumakbo siya habang nakasunod.Feel na feel din niya ang kaniyang kagandahan lalo na at lahat napapalingon sa kagwapuhan ng binata. Kahit matatanda, napapa-sign of the cross!"Senyorito! Jusko naman. Baka naman dahan-dahan sa paglalakad. Isang hakbang niyo, tatlo sa 'kin! Mawawalan ako ng pekpek sa inyo, eh." Mahabang lintanya niya pero parang walang narinig ang binata. Dedma ang kaniyang sinabi.Hindi niya rin ma-gets kung ano ba talaga ang sadya nito sa bayan. Pagkain ba o ano? Kung pagkain, sarili niya na ang pinakamasarap sa lahat! Aba, mag-iinarte pa ba ito dapat? Pre teyst pa nga siya."Hay salamat!" Sa wakas, huminto rin si Lucas sa isang tindahan.Hindi niya na tiningnan ang binili nito, panay punas na lang siya ng pawis niya. Ngayon pa lang, pakiramdam niya ay hapung-hapo na siya sa kakasunod. Ano pa kaya
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa likuran ng sasakyan nito na bukas ang likod. Wrangler truck ang tawag kung 'di siya nagkakamali. Ang tanga naman kasi ni Lucas, hindi napansin ang pagbiglang akyat niya sa likuran nung nakapasok ito sa loob. Masyado itong busy sa katawag nito kaya nakasampa siya nang walang kahirap-hirap.Nag-wave pa siya sa matandang senyor na malaking thumbs up ang binigay sa kaniya. Naks naman, pinapakilig siya ng kaniyang putyur dade talaga! Napaka-suportib nito sa pag-ibig niya kay Lucas.'Buti na lang 'di ako nakita ni Tiyang. Kundi isang malutong na mura makukuha ko sa kaniya.' Bigla siyang natawa nang maisip ang mukha ng tiyahin. 'Ang panget talaga ni Tiyang.' saka niya inayos ang suot na damit. Naka-suot pa rin siya ng uniporme ng katulong pero wala siyang paki! Kahit anong isuot niya, maganda pa rin siya, ano."Ang sarap naman ng hangin! Ganito pala ang feeling na makasakay ng sasakyan." Kinilig na naman siya habang hinahampas-hamp
"GOODMORNING senyorito!" Bigla siyang sumulpot sa tabi ni Lucas na seryusong nagbabasa. Nasa balcony ito.Nabuga naman ni Lucas ang iniinom na kape sa napakaganda niyang mukha. Naku naman! Ginawa pa yata siyang mugmugan. Pero okay lang, si Lucas naman ito, eh, at mahal na mahal niya ito."Ikaw?""Ay, kilala ako ni senyorito! Hindi mo 'ko makalimutan 'no? Sabi na sa 'yong mahihirapan ka na kalimutan ako." Saka siya humahikhik. Pinunasan niya ang mukha gamit ang uniporme. "Ano ba 'yan, dapat sa bibig ko binuga 'yong kape para 'di sayang.""Pinagsasabi ng bruhang ito?"Kaagad naman siyang nagtaas ng kilay at nameywang sa harapan nito. "Anong bruhang pinagsasabi mo? Hindi ako bruha, senyorito. Pwede mo akong ihalintulad sa isang prinsesang napakaganda. Saka ano ka ba, walang bruha na kasing-ganda ko. Tandaan niyo ho 'ya— ay saan kayo pupunta?!" Mabilis naman siyang napasunod sa lalaki. Malalaki ang hakbang nito pero mas malaki yata ang hakbang niya.Kulang na nga lang ay habulin niya ito
"Marriame, nakikinig ka ba kay Aling Donna?" Sita ng tiyahin niya nung nasa kusina na sila. Naghihiwa ito ng mga rekados habang nakaupo siya sa isang tabi."Oo naman.""At saka next time naman, mahiya-hiya ka naman sa katawan mong bata ka! Amo natin 'yon tapos lantaran kang nagpapa-cute? Bukas na bukas rin ay bumalik ka na sa bukid. Mas doon ka nababagay!""Tiyang naman!""At bakit? May reklamo ka? Dalawang araw mo pa lang dito, ang landi-landi mo ng bata ka! Isumbong talaga kita kay itay."Napalabi na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng tiyahin. Wala siyang oras makipagsagutan sa mga pandak. Nakaka-karma 'yon.Saka okay lang din na tanggalin siya. Dahil uuwi na rin si Lucas sa Maynila, eh, kaya ano pang saysay manatili rito sa Hasyenda 'no? Alangan naman si Senyor mahabang pangalan ang kaniyang aakitin? Future dade niya 'yon!Pinagalitan din siya ni Aling Donna pero humingi lang siya ng paumanhin tapos gora ulit! Walang makakapaghinto sa nararamdaman niya para kay Lucas.Teka!