Skip the other Chapter 129 🤧 Ayaw mabura nor ma modified. Just jump on Chapter 131 - Lucas Kincaid Story. Ilang beses ko na inapproach ang editor ko but still wala pa rin. Huhu kaloka. Pasensya na kayo.
Pinilit na umeksena si Ffion sa gitna nilang dalawa pero walang may gustong magpaawat. Magpapatayan sila ni Lucas kung si Ffion man sakali ang pag-uusapang premyo ng mananalo. "Ano ba! Magsitigil na nga kayo!" Siya naman ang gumanti ng sipa sa lalaki at tumilapon ito sa may sofa. Mabilis niya itong inundayan ng suntok sa mukha. "Shit! Stop it!" Mabilis siyang pinigilan ni Ffion nang undayan niya ulit nang suntok si Lucas. "Enough na! Ano ba!" "Tumabi ka, Ffion!" "Wala kang karapatan na suntukin at saktan si Lucas kahit kailan!" Bigla siyang natigilan sa sinabi ng babae. Para siyang binuhusan ng tubig na maraming yelo kaya lumayo siya mula sa mga ito. Kinuha ang damit sa loob ng silid ng babae at mabilis na sinuot ito. Muntikan niyang nakalimutan na hindi niya nga pala pagmamay-ari ang babae at desisyon pa rin nito kung sino ang pipiliin sa kanilang dalawa ang masusunod. P*ta! Bakit niya ba nakalimutan ang bagay na ito? "Lucas! Wait!" Hinabol ito ni Ffion. Ito ang naabut
Tips paano mahalin ang bilyonaryo na si Atty. Lucas Jaxx Kincaid: 1. Akitin 2. Nang 3. Isang 4. Marriame 5. Mikayla 6. Manalo Isa lang naman siyang prangka, daldalera at probinsyana girl na may alagang pink na kalabaw sa bukid at sobrang crush na crush si Lucas. Sa sobrang gusto niya sa lalaki, nagbabalak siyang akitin ito! Pero paano nga pala niya aakitin si Lucas kung tingin nito sa kaniya ay isang maingaw na kambing na panay ngawa nang ngawa? Palagi rin siyang tinutulak nito na para siyang may sakit na almuranas! Mas lalong ayaw nitong lumapit siya rito dahil mukha raw siyang maligno. Wow! Aakitin niya pa rin ito kahit ayaw nito sa kaniya. Period. *** PAKANTA-KANTA pa si Marriame habang pinapaliguan ang kaniyang paboritong kalabaw sa balat ng lupa! Ay naku, sa araw-araw niyang paligo sa kalabaw niyang si Baweng ay, mahihiya ang langaw pumatong sa likod ng alaga niyang kalabaw. "Ayan! Smeli layk fish ka na Baweng! Ayaw kita paliguan sa ilog, baka matipuhan ka ng en
ISANG panibagong araw na naman para kay Marriame ang mag-araro kasama si Baweng para taniman ng mga mais. 'Hay naku! Sa ganda kong ito?! Pinapaararo ako ng lupa? Sabagay, alangan naman si Lolo Romualdo pa, eh, baka kabaong na niya hilain ni Baweng 'pag siya!'Natawa na lamang siya sa sariling kalokohan naisip. Hindi naman mahirap mag-araro ng lupa, ano! Kimbot-kimbot lang ng pwet, saka pakanta-kanta ng slight.Kapag tapos na siyang mag-araro nitong kalupaan nila na kasinglawak ng kaniyang noo, magtatanim siya agad ng mga mais."Ito kasi si Lord, sa dami-daming pwedeng maging malawak sa 'kin. . . Itong noo ko pa! Pwede naman sana itong pekpek ko.""Ungaaaa!"Sambakol ang mukhang tiningnan niya si Baweng. Pinagsasabi nitong pati ilong niya ay malawak din?"Hoy, baklang kalabaw na balat ay pink! Matangos ang ilong ko 'no. Saka maganda rin ako kahit napakalawak ng noo kong meron cute bangs at pang-pageant ang beauty ko. Morenang-morena kaya ako! Sikat kaya ngayon sa pageant world ang mga
MATAPOS ilagay sa backpack ni Baweng ang lahat ng mga gulay tulad ng mga singkamas at talong, sigarilyas at mani.Sitaw, bataw, patani. Kundol, patola, upo't kalabasa. At saka mayroon pang labanos, mustasa. Sibuyas, kamatis, bawang at luya! Sa backpack ni Baweng ay kasyang-kasya."Ayan! Pwede na tayong rumampa sa daan Baweng. Malapit-lapit lang naman ang kabayanan. Parang limang bundok muna daanan natin.""Ungaaaa.""Taray ni Baweng! Maypa-lipad-lipad na nalalaman. May pakpak ka?" Malakas niya itong tinawanan. "And opcors, dapat maganda tayo kapag pumunta ng bayan, 'no!" Mabilis niyang kinuha ang lipstick sa kaniyang lumang branded bag na bigay ni Conseng. Galing pa raw ang bag na bigay nito sa UK.Ang gara naman kasi ng kaibigan niya. Halos mga gamit niyang pampaganda ay bigay nito, pati 'yong gown na parati niyang sinusuot kapag nandiyan si Lucas sa Hasyenda.Mamaya ay madadaanan niya ang hasyenda at sisilipin niya si Lucas na kaniyang pag-ibig kung nandoon ba."Oy Baweng, daanan na
GABI NA nang tumili ang ulan. Dahil laking bukid girl siya, may dala siyang gasera. Saka hindi rin siya matatakutin kaya okay lang! Takot pa nga ang mga maligno sa kaniya, eh.Sakay siya sa likod ni Baweng habang may dala-dala siyang gasera. Mahamog at malamig! Mabuti na lang sinuot niya muna 'yong pangburol na damit ng lolo niya. Lalabhan naman niya 'to bukas sa ilog kaya okay lang na suutin niya 'to.Hindi naman siguro magagalit ang lolo at lola niya kung bakit ginabi siya ngayon ng uwi, dahil halerr! Ang lakas kaya ng ulan saka itong si Baweng nag-inarte pa kanina. Gusto raw nitong suutin ang pangburol na damit ng kaniyang Lolo Romualdo at kung bagay ba raw rito. Baliw na Baweng! Eh, hindi naman ito 'yong matitigok, kundi ang lolo niya. "Eniweys, saan na tayo Baweng? Malapit na ba?""Ungaaaa!!!""At bakit galit ka d'yan? Umulan kaya! Alangan naman maligo tayo ng ulan tapos ay ano? Mababasa ako. Kung ikaw Baweng ay matigas ang balat dahil pink naman 'yan, ay ako hindi. Kaya 'wag ka
"LOLA! Lolo, 'andito na ako!" Masayang pagbabalita ni Marriame nang dumating siya. Tanging gasira lang ang nagbibigay ng ilaw sa loob ng kabahayan nila.Isang malakas na sapok naman ng kaniyang lola Amparo ang kaniyang nakuha sa stick nito. Napanguso tuloy siya at napakamot sa ulong nahagip ng stick. 'Di niya napaghandaan 'yon, ah! Nakalimutan niya nang laging ginagawa ito ng lola niya sa tuwing ginagabi siya ng uwi. Na-excite kasi siya masyado kay Lucas!"Huwag na kasi kayo magalit.""At anong gusto mong gawin namin Maring? Ang tumawa dahil ginabi ka?!" "Ito naman si Lola Amparo—""Hayaan mo na si Maring, Amparo. Pangit naman ang apo natin kaya walang magkakamaling humarang d'yan sa daan. Pati nga mga maligno at engkanto ay takot d'yan sa mukha ng apo mo, oh.""Wow 'Lo, sakit niyo magsalita.""Minsan nakakasakit talaga ang katotohanan, apo."Napaismid lang siya sa tinuran ng matanda. Pero agad din napangiti at binigay sa mga ito ang mga pinamili bago nagmano."O, aba ay tingnan mo
AT BAGO pa natulog nang gabing 'yon si Marriame, sinilip niya muna bintana ang lalaking papakasalan niya kahit sa dulo ng kawayan. Muli siyang napahagikhik sa kilig nang makitang mahimbing na mahimbing na natutulog ang lalaki habang may sako sa mukha at balot na balot ng kumot ang katawan.Hayyys! Mamayang gabi lang ay gagapangin niya 'to kapag tulog na tulog na 'yong dalawang matanda. Hinihintay niya lang makatulog ang mga ito!Hindi na nga siya nakakain ng hapunan sa sobrang kilig na naramdaman niya. Ay kahit na hanggang abutin siya ng umaga sa kakatitig dito ay busog na busog na siya.Pinapangako niyang hinding-hindi siya matutulog ngayon gabi para masigurado niyang makita siya ni Lucas kapag nagising na ito, at mapansin ang kaniyang mala-dyosang kagandahan!Baka bigla itong lumuhod sa harapan niya at sambahin ang kaniyang pekpe— "Maring! Matulog ka na bata ka!"Halos lumipad ang kaniyang kaluluwa nang marinig ang malakas na boses ng kaniyang aguelo.Napalabi siya at nag-ikot ng
MATAPOS siyang pagandahin ng bongga ni Consolacion, kaagad silang naglakad papuntang Hasyenda. Hindi naman masyadong malayo basta sa may shortcut sila dumaan and opcors, hindi niya na dinala ang kaniyang eber derest na baklang kalabaw. Mag-aaway lang sila nitong dalawa.Tapos na rin siyang nakapagpaalam sa kaniyang Lolo Romualdo na tinawanan pa nga siya nung nakita ang kaniyang mukha kanina."Ikaw ba 'yan, apo? Aba't nagmistula kang palakang may kolerete sa mukha. Pwede ka na gawin palakang prensisa pero wala nga lang hahalik sa 'yo." Saka siya tinawanan at tinawanan ng matanda. Tumigil lang ito nang ubuhin."Naku Lolo! Konti lang nabubuhay sa ubo. Kapag natigok na kayo, 'wag kayo mag-alala dahil papasunurin ko agad sa 'yo si Lola." Saka siya ngumisi at tuluyan silang umalis ni Consolacion na tumatakbo dahil hinabol ba naman sila ng Lolo niya ng pamalo."Alam mo dearest friend Marriame, dapat sinuot mo na ang aking mga heels of sandals besides the heaven!""Para naman 'tong tanga. Mag
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa dalawang tao na kanina pa niya pinagmamatyagan sa may veranda. Ang saya-saya nang mga ito samantalang siya, hihimatayin na yata sa inis.'Nasaan ba ang senyor? Bakit 'di ako na inform na may Barney pala sa buhay ni Lucas? 'Kala ko ba Ffion 'yong pangalan ng babae na gustong-gusto niya? Hindi naman nakasulat sa death note nang matandang 'yon ang pangalan ng babaeng 'to! Magwawala na ba ako? Charrut lang, 'di bagay sa kagandahan ko ano. Kailan ba kasi mapapansin ng damuhong 'yon ang pagmamahal ko? Aba naman! Kung kailan okay na sana, saka naman dumating ang Barney na 'to!'"Ang ganda-ganda na pala rito, ano? I last came here when I was a senior in high school, and I must say, I miss the rural life very much."You missed this place since you were away for too long in another country.""Oy hindi, ah! Simply put, my life and my Dad's business kept me quite occupied. I've tried to visit here a number of times, but each time I've ha
"Manong, may joke ako!""Nag-jo-joke rin pala ang mga maligno?"Naglinya ang mga kilay niya sa sinabi nito. Babanatan pa sana niya si Manong guard nang may matamaan siyang isang napakagarang sasakyan sa may gate. Bumusina ito.Kaagad na binuksan ito ni Manong at dere-deretso na sa pagpasok ang mamahalin sasakyan na sobrang kintab pa."Manong sino 'yon?""Hindi ko alam.""Luhh? Nagpapasok kayo nang hindi niyo kilala?" "Maligno nga nakapasok dito, eh. 'Yon pa kayang magandang sasakyan na 'yon? Tao naman laman no'n." Pabalang na sagot nito at nagtungo sa guard house.Napasimangot tuloy siya sa naging sagot nang payatot na guard. Kaya imbes makipag-chikahan dito, pinili niya ang bumalik sa villa. Sisilipin lang niya kung sino ang kanilang bisita. Baka putyur mader in luw niya ito. Babati rin siya, ano! Mabait kaya siya.Habol ang hininga nang maabutan niya ang sasakyan. Nakita niya rin si Lucas na papalabas ng pintuan, at kakawayan pa sana niya ito nang biglang bumukas ang sasakyan.Nahi
Dahil sa tips na iyon, binigay niya ang best smile niya. Sus, ang bilis-bilis lang nang pinapagawa ng senyor! Pwede na nga siyang gawin endorser ng family sardines sa ganda ng kaniyang ngiti— teka, bakit family sardines nga pala? Hindi siya isda. Kolget pala dapat.Sinadya pa talaga ni Marriame na doon magpunas-punas sa terrace habang nakangiti paharap sa binata. Hindi niya inalis ang ngiting iyon sa maganda niyang mukha. Aba! Secret Tips iyon galing sa ama ni Lucas kaya alam niyang tatalab. Saka marami-rami 'yon. Kaya kung 'di tatalab ang ngiti niya, meron pa siyang bala."The fuck, woman!" Muntikan naibato ni Lucas ang iPad nito nang mapatingin sa kaniya. "Ang creepy!" Nagmadali itong tumayo at iniwan siya sa terasa. "Parang sinaniban."Napanguso siya nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Hmp! Nag-effort pa siyang ngumiti ng bongga, eh!Kaya lumipat siya agad sa 'Tips #2: Eye contact.Mabilis siyang sumunod sa lalaki at tinawag ito sa may hagdanan. "Senyorito! Senyorito, saglit
"KUMUSTA ang pagsama mo hija sa anak ko?" Napangisi si Marriame nang salubungin siya nang gano'n tanong ng senyor kinabukasan nung nakabalik na sila ni Lucas.Deretso lang si Lucas sa silid nito habang siya ay tinawag naman ng senyor sa may terrace para kausapin. 'Naks naman! Muntikan ko na nga gapangin kagabi, buti nakapagpigil pa ako!' Gusto niyang sabihin ang mga salitang 'yon pero 'di niya ginawa, ano! Baka marinig siya ni Lucas, magalit pa 'yon."Okay na okay, senyor! Do'n kami natulog sa 'min dahil naabutan kami ng ulan—""At tapos?" Biglang kumislap-kislap ang mga mata ng matanda. Binaba nito ang iniinom na kape. "Magkakaapo na ba ako ngayon taon?""Senyor nemen! Enebe keye!" Napahagikhik siya. Bigla tuloy siyang kinilig. Ang lakas tuloy nang halakhak ng matanda. "Biro lang, hindi gano'n ang anak ko."Kaagad nawala ang kilig na naramdaman niya. "Kaya nga po, eh. Tingin niya sa 'kin isang mangkukulam. Kuhh, kung mangkukulam ako, uunahin ko na agad kayo.""Ano kamo?""Hehe. W
Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran."Ungaaaaa!""Baweeeeengggg!"Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas. "Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda. Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang k
KUNG hindi lang siguro sanay si Marriame maglakad, baka kanina pa nangisay ang mga binti niya. Ang bilis ba naman ng hakbang ni Lucas, panay habol siya rito. Kulang na lang tumakbo siya habang nakasunod.Feel na feel din niya ang kaniyang kagandahan lalo na at lahat napapalingon sa kagwapuhan ng binata. Kahit matatanda, napapa-sign of the cross!"Senyorito! Jusko naman. Baka naman dahan-dahan sa paglalakad. Isang hakbang niyo, tatlo sa 'kin! Mawawalan ako ng pekpek sa inyo, eh." Mahabang lintanya niya pero parang walang narinig ang binata. Dedma ang kaniyang sinabi.Hindi niya rin ma-gets kung ano ba talaga ang sadya nito sa bayan. Pagkain ba o ano? Kung pagkain, sarili niya na ang pinakamasarap sa lahat! Aba, mag-iinarte pa ba ito dapat? Pre teyst pa nga siya."Hay salamat!" Sa wakas, huminto rin si Lucas sa isang tindahan.Hindi niya na tiningnan ang binili nito, panay punas na lang siya ng pawis niya. Ngayon pa lang, pakiramdam niya ay hapung-hapo na siya sa kakasunod. Ano pa kaya
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa likuran ng sasakyan nito na bukas ang likod. Wrangler truck ang tawag kung 'di siya nagkakamali. Ang tanga naman kasi ni Lucas, hindi napansin ang pagbiglang akyat niya sa likuran nung nakapasok ito sa loob. Masyado itong busy sa katawag nito kaya nakasampa siya nang walang kahirap-hirap.Nag-wave pa siya sa matandang senyor na malaking thumbs up ang binigay sa kaniya. Naks naman, pinapakilig siya ng kaniyang putyur dade talaga! Napaka-suportib nito sa pag-ibig niya kay Lucas.'Buti na lang 'di ako nakita ni Tiyang. Kundi isang malutong na mura makukuha ko sa kaniya.' Bigla siyang natawa nang maisip ang mukha ng tiyahin. 'Ang panget talaga ni Tiyang.' saka niya inayos ang suot na damit. Naka-suot pa rin siya ng uniporme ng katulong pero wala siyang paki! Kahit anong isuot niya, maganda pa rin siya, ano."Ang sarap naman ng hangin! Ganito pala ang feeling na makasakay ng sasakyan." Kinilig na naman siya habang hinahampas-hamp
"GOODMORNING senyorito!" Bigla siyang sumulpot sa tabi ni Lucas na seryusong nagbabasa. Nasa balcony ito.Nabuga naman ni Lucas ang iniinom na kape sa napakaganda niyang mukha. Naku naman! Ginawa pa yata siyang mugmugan. Pero okay lang, si Lucas naman ito, eh, at mahal na mahal niya ito."Ikaw?""Ay, kilala ako ni senyorito! Hindi mo 'ko makalimutan 'no? Sabi na sa 'yong mahihirapan ka na kalimutan ako." Saka siya humahikhik. Pinunasan niya ang mukha gamit ang uniporme. "Ano ba 'yan, dapat sa bibig ko binuga 'yong kape para 'di sayang.""Pinagsasabi ng bruhang ito?"Kaagad naman siyang nagtaas ng kilay at nameywang sa harapan nito. "Anong bruhang pinagsasabi mo? Hindi ako bruha, senyorito. Pwede mo akong ihalintulad sa isang prinsesang napakaganda. Saka ano ka ba, walang bruha na kasing-ganda ko. Tandaan niyo ho 'ya— ay saan kayo pupunta?!" Mabilis naman siyang napasunod sa lalaki. Malalaki ang hakbang nito pero mas malaki yata ang hakbang niya.Kulang na nga lang ay habulin niya ito
"Marriame, nakikinig ka ba kay Aling Donna?" Sita ng tiyahin niya nung nasa kusina na sila. Naghihiwa ito ng mga rekados habang nakaupo siya sa isang tabi."Oo naman.""At saka next time naman, mahiya-hiya ka naman sa katawan mong bata ka! Amo natin 'yon tapos lantaran kang nagpapa-cute? Bukas na bukas rin ay bumalik ka na sa bukid. Mas doon ka nababagay!""Tiyang naman!""At bakit? May reklamo ka? Dalawang araw mo pa lang dito, ang landi-landi mo ng bata ka! Isumbong talaga kita kay itay."Napalabi na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng tiyahin. Wala siyang oras makipagsagutan sa mga pandak. Nakaka-karma 'yon.Saka okay lang din na tanggalin siya. Dahil uuwi na rin si Lucas sa Maynila, eh, kaya ano pang saysay manatili rito sa Hasyenda 'no? Alangan naman si Senyor mahabang pangalan ang kaniyang aakitin? Future dade niya 'yon!Pinagalitan din siya ni Aling Donna pero humingi lang siya ng paumanhin tapos gora ulit! Walang makakapaghinto sa nararamdaman niya para kay Lucas.Teka!