Nasapo na lang ni Lucas ang ulo at napailing-iling. Pinapangako niya sa kaniyang sarili na hindi na mag-iinom pa.Masyado lang maraming iniisip itong utak niya nitong nga nakaraan araw kaya umuwi siya ng lasing. Oras na malaman ito ng kaniyang ina na nagmaneho siya ng sasakyan na nakainom, kasinghaba ng lubid ang sermon nito.Nadisgrasya na siya noon at naiintindihan niya na ang halaga ng buhay nung nag-aagaw na siya sa hospital. Simula noon ay hindi na siya nuling nagbaya pa sa pagmamaneho."Senyorito?"Tatlong katok ang pumukaw kay Lucas."Bukas 'yan.""Heto na pala ang pinatempla niyong kape." Pumasok ito habang bitbit ang coffee mug tray.Kaagad siyang bumangon at tinanggap ito. Naamoy niya agad ang masarap na amoy ng kape. "Salamat Manang." Marahan niya itong ininom.Napailing na lang ito. "Bakit kasi ang gwapo niyo, senyorito. Ang daming babaeng pabalik-balik rito sa Hasyenda. Iisa lang ang hinahanap, kundi kayo.""Kaya nga at babalik na ako sa Maynila mamayang hapon. Pakidalhan
"Nga pala apo, uuwi rito ang tiyahin mo.""At bakit naman?" "Siguro ay nangulila sa 'min ng Lola Amparo mo.""Eh nga 'di ba, masaya na siya sa Maynila namamasukan bilang katulong? Sobrang debotid nga niya ro'n sa amo niya kaya tumanda na siyang dalaga." "Ang dami mong satsat Maring! Uuwi siya rito dahil doon siya mamasukan sa Hasyenda Ligaya. Tinawagan kamo raw siya ng kaibigan niya na naghahanap ang senyor ng Hasyenda ng panibagong katulong—""Lolo! Ako! Ako papasok din ako ng bagong katulong ng Hasyenda. Lolo! Papasok ako."Sinapok siya ng matanda sa patolang pinitas nito. "At anong alam mong trabaho? Dito ka lang sa bukid. Matakot pa ang senyor sa 'yo, atakehin pa agad sa puso. Wala tayong pambayad sa kabaong."Napahimutok siya. "Eh, 'di pa naman ngayon. 'Yong plano ko lolo, kapag bumalik si Lucas dito sa Masuso. Alam niyo kasi po, malakas ang pakiramdam ko na babalik siya rito sa bayan na 'to dahil hindi niya ako makalimutan. 'Lam niyo naman 'lo, sobrang ganda ng apo niyo. Habul
ISANG TAON ang lumipas. Pakiramdam niya, 100 years na ang dumaan! Nangungulila na siya kay Lucas. Nung minsan umuwi ito sa Hasyenda, nag-apply talaga siya no'n ng part time katulong. Dalawang araw lang dahil dalawang araw lang ang tinagal ng pag-ibig niyang si Lucas sa Hasyenda.Naalala niya pa ang araw na iyon na sobrang tuwa niya sa unang araw niya, aba ay nagmano agad siya sa future dade niyang si senyor Atty. Areglado Dioskiko Kincaid!"Dad, can I go back to Manila? Ang dami ko pa na 'di natatapos na gawain. Kailangan na ako sa opisina ko."Natigil ang magagandang paa niya sa paghakbang papasok sa sala kung saan may dala-dala siyang tray at may dalawang tasa ng kape ro'n. Sus! Kung siya ang tanungin? Ay, hahawakan niya lang sa hawakan ang mga 'yon pero papagalitan siya ng tiyahin niya kapag ginawa niya 'yon.Talaga naman ang gwapo ng Lucas niya. Ngayon pa lang, kinikilig na siya. Sandali siyang huminga nang malalim at hinanda ang sarili na magpa-baweng eyes mamaya kay Lucas. Nag
"Marriame, nakikinig ka ba kay Aling Donna?" Sita ng tiyahin niya nung nasa kusina na sila. Naghihiwa ito ng mga rekados habang nakaupo siya sa isang tabi."Oo naman.""At saka next time naman, mahiya-hiya ka naman sa katawan mong bata ka! Amo natin 'yon tapos lantaran kang nagpapa-cute? Bukas na bukas rin ay bumalik ka na sa bukid. Mas doon ka nababagay!""Tiyang naman!""At bakit? May reklamo ka? Dalawang araw mo pa lang dito, ang landi-landi mo ng bata ka! Isumbong talaga kita kay itay."Napalabi na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng tiyahin. Wala siyang oras makipagsagutan sa mga pandak. Nakaka-karma 'yon.Saka okay lang din na tanggalin siya. Dahil uuwi na rin si Lucas sa Maynila, eh, kaya ano pang saysay manatili rito sa Hasyenda 'no? Alangan naman si Senyor mahabang pangalan ang kaniyang aakitin? Future dade niya 'yon!Pinagalitan din siya ni Aling Donna pero humingi lang siya ng paumanhin tapos gora ulit! Walang makakapaghinto sa nararamdaman niya para kay Lucas.Teka!
"GOODMORNING senyorito!" Bigla siyang sumulpot sa tabi ni Lucas na seryusong nagbabasa. Nasa balcony ito.Nabuga naman ni Lucas ang iniinom na kape sa napakaganda niyang mukha. Naku naman! Ginawa pa yata siyang mugmugan. Pero okay lang, si Lucas naman ito, eh, at mahal na mahal niya ito."Ikaw?""Ay, kilala ako ni senyorito! Hindi mo 'ko makalimutan 'no? Sabi na sa 'yong mahihirapan ka na kalimutan ako." Saka siya humahikhik. Pinunasan niya ang mukha gamit ang uniporme. "Ano ba 'yan, dapat sa bibig ko binuga 'yong kape para 'di sayang.""Pinagsasabi ng bruhang ito?"Kaagad naman siyang nagtaas ng kilay at nameywang sa harapan nito. "Anong bruhang pinagsasabi mo? Hindi ako bruha, senyorito. Pwede mo akong ihalintulad sa isang prinsesang napakaganda. Saka ano ka ba, walang bruha na kasing-ganda ko. Tandaan niyo ho 'ya— ay saan kayo pupunta?!" Mabilis naman siyang napasunod sa lalaki. Malalaki ang hakbang nito pero mas malaki yata ang hakbang niya.Kulang na nga lang ay habulin niya ito
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa likuran ng sasakyan nito na bukas ang likod. Wrangler truck ang tawag kung 'di siya nagkakamali. Ang tanga naman kasi ni Lucas, hindi napansin ang pagbiglang akyat niya sa likuran nung nakapasok ito sa loob. Masyado itong busy sa katawag nito kaya nakasampa siya nang walang kahirap-hirap.Nag-wave pa siya sa matandang senyor na malaking thumbs up ang binigay sa kaniya. Naks naman, pinapakilig siya ng kaniyang putyur dade talaga! Napaka-suportib nito sa pag-ibig niya kay Lucas.'Buti na lang 'di ako nakita ni Tiyang. Kundi isang malutong na mura makukuha ko sa kaniya.' Bigla siyang natawa nang maisip ang mukha ng tiyahin. 'Ang panget talaga ni Tiyang.' saka niya inayos ang suot na damit. Naka-suot pa rin siya ng uniporme ng katulong pero wala siyang paki! Kahit anong isuot niya, maganda pa rin siya, ano."Ang sarap naman ng hangin! Ganito pala ang feeling na makasakay ng sasakyan." Kinilig na naman siya habang hinahampas-hamp
KUNG hindi lang siguro sanay si Marriame maglakad, baka kanina pa nangisay ang mga binti niya. Ang bilis ba naman ng hakbang ni Lucas, panay habol siya rito. Kulang na lang tumakbo siya habang nakasunod.Feel na feel din niya ang kaniyang kagandahan lalo na at lahat napapalingon sa kagwapuhan ng binata. Kahit matatanda, napapa-sign of the cross!"Senyorito! Jusko naman. Baka naman dahan-dahan sa paglalakad. Isang hakbang niyo, tatlo sa 'kin! Mawawalan ako ng pekpek sa inyo, eh." Mahabang lintanya niya pero parang walang narinig ang binata. Dedma ang kaniyang sinabi.Hindi niya rin ma-gets kung ano ba talaga ang sadya nito sa bayan. Pagkain ba o ano? Kung pagkain, sarili niya na ang pinakamasarap sa lahat! Aba, mag-iinarte pa ba ito dapat? Pre teyst pa nga siya."Hay salamat!" Sa wakas, huminto rin si Lucas sa isang tindahan.Hindi niya na tiningnan ang binili nito, panay punas na lang siya ng pawis niya. Ngayon pa lang, pakiramdam niya ay hapung-hapo na siya sa kakasunod. Ano pa kaya
Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran."Ungaaaaa!""Baweeeeengggg!"Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas. "Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda. Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang k