Malapit na tayo sa exciting part! Kaunting chapters na lang bago bumaha ang mga luha!
Kahit na nasa labas na ng restaurant si Klaire ay rinig na rinig pa rin niya ang nanggagalaiting sigaw ni Carmina. Hindi niya maiwasang maging masaya dahil sa nangyayari. While it was true that she hated most of the members of the De Guzman family, she was happy whenever she won an argument against any of them. Ngiting tagumpay si Klaire habang naglalakad papuntang parking lot. Plano niyang sunduin na ang mga bata para naman maka-bonding niya ang mga ito sa villa. Pero nang makarating sa parking lot ay namataan niya ang dalawang pamilyar na lalaki hindi kalayuan sa kotse niya. Si Alejandro at ang tauhan nitong si Luke. Napahinto si Klaire. Hindi maganda ang hitsura ni Alejandro, animo’y nanghihina ito at namimilipit sa sakit. Anong nangyayari sa lalaki?Napakunot ang noo niya habang pinapanood si Luke na inaalalayan si Alejandro sa paglalakad palakit sa kotse nito. Alejandro might have felt her presence. Nag-angat ito ng tingin at saka bumaling sa direksyon niya. Lumundag ang pus
Mabilis na dumaan ang mga araw. Sumapit ang araw ng Sabado. Excited ang quadruplets lalo na ay maisakakatuparan na nila ang plano nila na paglapitin ang kanilang mga magulang. Alas kwatro ng hapon nang bumyahe sina Klaire, Nico at Natasha papunta sa art exhibition. Halos mag-i-isang oras din bago sila makarating sa lugar na ‘yon. Elegante ang event na ‘yon at mawalak ang building na pinagdadausan. Ang unang floor ay para sa mga oil paintings ng mga kilalang personalidad samantalang ang pangalawang floor naman ay puno ng abstract style paintings… ang pangatlo ay mga historical paintings. Dahil na rin mamahalin at gawa ng mga kilalang pintor ang mga naka-exhibit na painting ay mahigpit ang seguridad ng building. May mga staff sa entrance door na responsable sa pagve-verify ng mga identity ng mga bisitang papasok. Kampanteng inabot ni Nico ang tickets sa staff habang hawak ang kamay ni Natasha. Ang staff na tumingin ng ticket ay medyo nagulat at naguluhan, pinagmamasdan nang maigi a
Tila ba lumundag ang puso ni Klaire nang makita ang pamilyar na gwapong lalaki pababa ng hagdan habang hinahanap niya ang mga anak sa paligid. He looked very handsome in his black long-sleeve polo. Ang matipunong tindig ay nagpapalingon sa mga bisitang naroon. Alejandro was also looking at her. Hindi maalis ang titig nito sa kaniya. Seryoso ang mukha habang papalapit sa gawi ni Klaire. “Why… are you here?” naguguluhan at namumulang tanong ni Klaire. Nagpalinga-linga ulit siya, kinakabahan dahil wala na ang mga anak na kanina lang ay nasa tabi niya. Nagpamula si Alejandro, naningkit ang mga mata na wari ba’y binabasa ang emosyon sa mukha ni Klaire. “Mukhang may hinahanap ka.” “W-Wala…” Huminga nang malalim si Klaire at saka binalik ang tingin kay Alejandro. “It’s nothing.”“Hmm…” Nagkunwaring kalmado si Klaire kahit pa sa bawat segundong nalipas ay mas kumakabog ang dibdib niya. Hindi niya kasi alam kung saan nagsuot ang mga bata. Pagkatapos ay nasa harapan pa niya ang ama ng mga
Habang masayang kumakain ng cake ang apat na kambal, nilibot ni Clayton ng tingin ang loob ng cafe hanggang sa dumako ang mga mata niya sa pamilyar na magandang babae na nakatingin sa kanila. Nanlaki ang mga mata niya. Ang Mommy nila! Ano’ng ginagawa ng Mommy nila sa cafe na ‘yon?!Mabilis na namutla ang mukha ni Clayton nang magtagpo ang mga tingin nila ng Mommy nila. Kinakabahan siyang tumingin sa tatlo niyang kambal, hindi malaman ang gagawin at gusto na lamang umiyak. It’s over. Nakita na sila ng Mommy Klaire nila na magkakasama. What should they do? It was the first time Clayton felt that he lost the game. Nabitiwan niya ang hawak na baso at nabasag ito sa sahig, na lumikha ng malakas na ingay sa tahimik na cafe. “Kuya Clayton, what happened?” tanong ni Callie na nagulat sa pagkabasag ng baso. Maging sina Nico at Natasha ay nagulat din at tiningnan ang kanilang kuya. Lumunok si Clayton at hindi makapagsalita. Ang couple na katabi ng booth nila ay lumapit. “It’s okay, kid.
Ramdam ni Klaire ang matinding sakit sa kaniyang puso. Kinakain nito ang lakas ng buong katawan niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin sa nangyaring ito. Naalala pa niya noon nang sabihin ng doktor na nagpa-anak sa kaniya na hindi nakaligtas ang dalawa pa niyang anak. She was lying in the hospital bed, grieving for the death of her two little angels. Naalala pa niya kung paanong pakiramdam niya ay namatay din siya nang araw na ‘yon… Kahit pa ilang taon na ang lumipas, may parte pa rin sa kaniya na araw-araw na nagluluksa. Iniisip na baka katulad din nina Clayton at Callie ang dalawang bata kung nabuhay ang mga ito. Taon-taon din, sa tuwing cine-celebrate nilal ang kaarawan nina Clayton at Callie, umiiyak siya dahil death anniversary ng dalawang bata. Pero ngayon, nakikita niya ang dalawang bata na pinagkait sa kaniya… buhay at malulusog ang mga ito. Ni hindi niya namalayan na nakapasok na ang mga ito sa buhay niya; na nakakasama na niya ang mga ito–nayayakap at nahahagkan
Nang marinig nina Nico at Natasha ang sinabing ‘yon ni Klaire, ilang saglit silang nagulat. But when their Mommy’s words sank in, they came back to their senses. Masaya ang mga mata ng dalawang kambal nang lumakad palapit sa kanilang Mommy Klaire. Niyakap ni Klaire nang mahigpit ang dalawang anak. Para bang panaginip ang lahat. Ayaw na niyang gumising at gusto na lang makasama ang apat na bata. Kaniya ang mga batang ‘to. Anak niya ang apat na cute na mga batang ‘to. Nang bitiwan niya ang kambal ay pareho niyang hinawakan ang mga pisngi nito. “Simula ngayon, hindi niyo na kailangang magpanggap bilang sina Clayton at Callie.” Nanginig ang ibabang labi niya at napaluha. “Kilala na kayo ni Mommy. Hindi niyo na kailangan magtago, okay? Mga anak ko kayo at tanggap ko kayo.” Tumulo ang luha ni Nico pero agad niyang pinunasan iyon. “Okay po, Mommy.” “Masaya ako na nandito kayo, Nico at Natasha…” Suminghot-singhot si Natasha bago halikan ang pisngi niya. Ang akala ng bata ay hindi si
“Mommy, Callie is right po. We are the vulnerable side. Kailangan po ay hindi galit ang papairalin,” pahayag ni Clayton. “If you could maintain a peaceful relationship with our scumbag daddy, then we can negotiate with him. Kahit po hindi siya pumayag na kunin mo sina Nico at Natasha, baka pumayag po siya na mabisita natin sila anytime. Di ba po gano’n ang co-parenting? Pumapayag po ang parents na makita ng bawat isa ang mga anak nila kahit hindi sila magkasama sa iisang house?”Tinapik ni Klaire ang kaniyang dibdib. Sa ganitong pagkakataon ay nagugulat siya sa sobrang pagkatalino ng kaniyang mga anak. Para bang matatanda na ito kung magpayo sa kaniya. But she has to admit that Clayton is very reasonable. Hindi magiging madali kung makikipag-gyera siya sa mga Fuentabella.Kilala niya si Alejandro. Kapag talagang nagalit ito ay baka ilayo nang tuluyan sa kanila sina Nico at Natasha. Sumikip ang dibdib niya sa isipin na ‘yon. Pinikit niya ang mga mata at nag-isip nang mabuti. Alam na n
Nilingon ni Alejandro ang pinanggalingan ng boses at nakita ang dalawang bata masayang natakbo papunta sa kanila. Daig pa niya ang nabunutan ng tinik dahil nakitang maayos naman ang mga ito. “Where have you been?” tanong ni Alejandro nang makalapit ang mga ito. “We went to the cafe to eat, Daddy,” sagot ni Clayton. Tinaas ni Callie ang kaniyang mga kamay na nagsasabi kay Alejandro na buhatin niya ito. “Hug… Hug…” marahang wika ni Callie. Nagulat si Alejandro nang marinig ‘yon. Balak pa sana niyang pagalitan ang dalawang bata dahil hindi nagpaalam ang mga ito pero hindi na niya nagawa ‘yon. Natasha was willing to speak. It made him happier than surprised. Napangiti siya at binuhat ang bunsong anak. Agad na pinulupot ng bata ang mga kamay nito sa kaniyang leeg at mahigpit siyang niyakap. Alejandro patted her back and asked, “Did you have fun eating in the cafe?”Tumango si Callie at hinalikan siya sa pisngi. Napanguso naman si Clayton. Talagang ginagawa ng kambal ang lahat para
ISANG malakas na suntok ang natamo ni Laurence mula sa ama ni Julia. Kahit na nasa mid 50’s na ito ay makikitaan pa rin ito ng lakas, hindi nasisindak sa kahit na ano at walang kinatatakutan. Marahil dahil na rin isa ito sa mga lider ng organisasyon na lihim na gumagawa ng ilegal na negosyo sa bansa. Julia’s family name was quite famous but they shined more in the underground business. Bagay na nililihim ng mga Acosta. “Isang bagay lang ang gusto kong gawin mo pero hindi mo ba nagawa? Alam mo ba kung gaano pinag-uusapan ang auction na ‘yon? It was supposed to be our medium to attract investors–na kapag nalaman nilang nag-acquire tayo ng business property ay kusa silang lalapit sa atin ngunit anong ginawa mo? Nagpatalo ka sa isang Consunji? Wala kang bay@g!” Dumagundong sa malaking mansyon ang galit ng isang Julian Acosta, na pinipigilan ni Julia na makalapit pa kay Laurence. Natatakot siyang baka tuluyang mabugbog ang mapapangasawa. Dinilaan ni Laurence ang dugo sa gilid ng kaniyan
HINDI maipinta ang mukha ni Laurence nang marinig ang mga sinabi niya. Halos magdiwang ang puso ni Callie dahil alam niyang natamaan niya ang ego ng dating asawa. Isa pa ay totoo naman ang sinasabi niya. Julia wouldn’t try to harm herself if she loved her baby. “L-Laurence, huwag kang makikinig sa kaniya. She’s brainwashing you para pag-awayin tayo,” iyak ni Julia. Ngumisi lamang si Callie at saka ikinawit ang kamay sa matipunong braso ni Vincenzo. “Love, I think we’re done here,” malambing niyang wika sa asawa at nag-angat ng tingin dito. “Let’s go home and celebrate our wins.” Tumango naman si Vincenzo at marahang hinaplos ang pisngi niya. Natural na natural ang pagpapanggap nito sa harap ng maraming tao na kahit si Callie ay nabibigla sa mga akto nito. Bahagya siyang napakurap nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi. “Alright, love,” ani Vincenzo at binalingan ng tingin si Laurence. “But I’m not done with the both of you. I’ll see to it that you’ll receive the CCTV footage on
MABILIS na sumagi sa isipan ni Callie ang kwento ng kaniyang Mommy, kung paano ito na-frame up ng karibal na si Sophia na sinadyang magpatihulog sa hagdan, na nagresulta sa pagkamuhi ng mga tao sa kaniyang ina sa loob nang mahabang taon.Adrenaline rushed through her veins. Not wanting to have the same fate as her Mom’s, she immediately grabbed Julia’s arm and pulled her up, preventing the woman from falling downstairs. Malakas ang tibok ng kaniyang puso nang mahigit ang babae at hinila ito palayo sa hagdan. “Nababaliw ka na ba?!” singhal niya habang mahigpit na hawak ang braso nito. Ramdam niya ang matinding galit na nanunuot sa kaniyang kaibuturan. “Ano sa tingin mo ang iniisip mo? Magpapatihulog ka sa hagdan? Hindi mo naisip ang baby sa sinapupunan mo?” “You were trying to hurt me!” sigaw ni Julia at nagsimulang maglikot ang mga mata, nagpalinga-linga at nagbabaka sakaling may mga matang nakakita sa ginagawa sa kaniya ni Callie. “You are trying to kill my baby!” Napailing si Cal
AGAD na iniiwas ni Callie ang tingin sa nanunubok na mga mata ni Vincenzo nang magsalita ang host ng auction. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang aktibidad at kita sa mga mayayamang naroon ang kasiyahan sa pagbi-bid sa mga real estate property na binibenta ng mga mayayamang angkan. Dumating ang waiter at nag-abot ng drinks sa kanilang table. Kinuha ni Callie ang wineglass at sinimsiman ang alak niyon. She couldn’t help but frown as she observed the people inside the event hall. Kung mag-bid ay animo’y barya lamang ang ilang daang milyon sa mga ito. Napansin niya ang kalmadong si Vincenzo sa kaniyang tabi. Kumpara kanina na para bang nakikipaglaro ito sa kaniya, ngayon naman ay tahimik itong nagmamatiyag–sisilay ang multong ngiti sa labi at kung minsan ay mapapailing. “Why aren’t we bidding yet?” kuryoso niyang tanong sa asawa. “I’m waiting for your ex-husband and his lover to bid,” sagot nito at bahagyang tinagilid ang ulo. “Seven hundred million pesos,” rinig nilang wika ng isan
HALOS papalubog na ang araw nang makarating sina Callie at Vincenzo sa New World Manila Hotel kung saan gaganapin ang nasabing pinaka-inaabangang at pinakamalaking land auction. Ang mga mayayamang pamilya o clan, respetadong negosyante at mga pulitiko ang karaniwang nagbebenta ng mga real estate properties sa aktibidad na ito. Pagkapasok pa lamang sa event hall kung saan gaganapin ang auction ay ramdam na agad ni Vincenzo ang malalagkit na tingin ng mga lalaking negosyanteng naroon sa kaniyang asawa, habang wala namang ka-ide-ideya si Callie na tila namamangha pa sa lugar. Nauuna si Callie sa paglalakad, naghahanap ng bakanteng mesa kung saan sila maaaring maupo nang biglang harangin ito ng isang matandang lalaki na sa tingin ni Vincenzo ay nasa mid 50’s na. Malapad ang ngiti ng lalaki nang magsalita, “Sinasabi ko na nga ba’t hindi ako nagkamali ng pagpunta rito. Are you alone, Miss—” “She’s with her husband,” agad na turan ni Vincenzo at lumapit sa likuran ni Callie. He held Cal
“Anak ka pala ng isang mayamang pamilya!” gulat na pahayag ng kaibigang si Monique nang muli siyang pumasok sa Consunji Mall. “Grabe ang ganda-ganda mo sa TV, Callie. Para kang reyna ng boss natin sa kasal niyo!”Sa pagpasok pa lang kaninang umaga sa Mall ay marami ng empleyado ang gulat at masayang makita siya. Hindi na nagtataka pa si Callie lalo na’t naging headline sa balita ang nangyaring kasalan nila ni Vincenzo. Alam na rin niyang sa pagkakataong ‘yon ay hindi na niya maitatago pa ang totoong identidad sa mga taong nakasama niya sa trabaho, lalo na kay Monique na kaibigan niya. Matipid na nginitian ni Callie ang kaibigan. “Nagulat ka ba? Pasensya ka na kung naglihim ako ha.” Mabilis na tumango si Monique, ang mga mata ay puno ng tuwa. “Malamang, magugulat talaga ako! Kunwari ka pang hindi kilala ng boss natin, ‘yon pala ay mapapangasawa mo na.” Tumawa ito. “Speechless nga rin iyong supervisor natin saka iyong mga alipores niyang may inis sa iyo. Malamang ay nagngingitngit na
Halos manakit ang bibig ni Callie sa walang tigil na kangingiti nang matamis sa harap ng mga media na dumalo sa wedding reception ng kasal nila ni Vincenzo. She wanted the whole nation to know that she was happy to have the most expensive wedding in the country. Alam niyang lalabas ang mga kaganapan ng kanilang kasal sa internet at mga dyaryo kaya kahit na may kabang nararamdaman sa pagbabago ng timpla sa kaniya ni Vincenzo ay pinilit niyang magmukhang pinakamasayang asawa. Halos tatlong oras din ang tinakbo ng wedding reception at pagkatapos niyon ay isa-isa nang nag-aalisan ang mga kilalang bisita.Huminga siya nang malalim at sinabayan si Vincenzo sa paglalakad palapit sa pamilya Fuentabella. Tumikhim ang kaniyang Daddy, tiningnan siya at saka seryosong bumaling sa kaniyang asawa. Asawa…. Hindi pa rin siya makapaniwala na kinasal siya sa ikalawang pagkakataon.Tiningnan niya ang asawang si Vincenzo na may maliit na ngiting ginawad sa kaniyang Daddy Alejandro.“I won’t ask for a
Sa simbahan, Hindi mapakali ang pamilya Fuentabella maging ang mga taong naroon. Paano ba naman ay hindi pa dumadating ang bridal car na siyang maghahatid kay Callie sa lugar. Maging ang mga bisitang naroon upang saksihan ang pag-iisang dibdib nito kay Vincenzo Pierre Consunji ay nagtataka at nagbubulung-bulungan. Sa gilid ng altar ay nakatayo si Vincenzo. Bahagyang kunot ang noo habang iniisip na baka nagbago na ang isip ng babaeng pakakasalan niya. Sa gilid niya ay nakatindig ang amang si Manuel na iiling-iling bago sinabing, “That woman was brazen to lecture me days ago. Hindi naman pala desidido na magpakasal sa iyo.” Kinuyom ni Vincenzo ang kaniyang kamao. Bahagyang nagtagis ang kaniyang bagang sa pag-iisip na hindi na sisipot pa si Callie. His gaze went to Sammy’s direction—the flower girl of their small entourage. Kung hindi magpapakasal sa kaniya si Callie ay talagang mawawala sa kaniya ang batang dugo't laman ng yumao niyang kapatid. Dahil sa pag-iisip na ’yon ay na
Araw ng Sabado, Abala ang buong pamilya Fuentabella sa araw ng kasal ni Callie. Magaganda ang dekorasyon sa tanyag na simbahan na paggaganapan ng seremoniya, at inimbitahan ang mga bigating personalidad, maging ang nangungunang media upang isa-telebisyon ang kasal. The Fuentabella and Consunji family were so hands on with everything. Wala nang iba pang gagawin si Callie kung hindi ang maghanda, at magmartsa sa simbahan. Callie was in her suite, looking very fresh and happy in her preparation robe. Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Magpapakasal na sila ni Vincenzo at isakakatuparan ang mga plano nila. She couldn’t wait to strike back. Alam niyang makararating kay Laurence ang araw na ito at sisiguraduhin niyang siya ang panalo. Pagkatapos make up-an at ayusin ang buhok niya ay pinalabas niya na ang mga stylist na naroon. Pinagmasdan niya ang magarbong wedding gown na nakasuot sa mannequin. Hindi mawala ang ngiti niya habang tinitingnan kung gaano ito kaganda. It was a design s