MALAPIT NA! MAGKIKITA NA KAYA ANG BUONG PAMILYA?! ANO KAYA ANG MARARAMDAMAN NI KLAIRE KAPAG NAKITA NA ANG QUADRUPLETS? ANO ANG GAGAWIN NI ALEJANDRO? ABANGAN...
Tila ba lumundag ang puso ni Klaire nang makita ang pamilyar na gwapong lalaki pababa ng hagdan habang hinahanap niya ang mga anak sa paligid. He looked very handsome in his black long-sleeve polo. Ang matipunong tindig ay nagpapalingon sa mga bisitang naroon. Alejandro was also looking at her. Hindi maalis ang titig nito sa kaniya. Seryoso ang mukha habang papalapit sa gawi ni Klaire. “Why… are you here?” naguguluhan at namumulang tanong ni Klaire. Nagpalinga-linga ulit siya, kinakabahan dahil wala na ang mga anak na kanina lang ay nasa tabi niya. Nagpamula si Alejandro, naningkit ang mga mata na wari ba’y binabasa ang emosyon sa mukha ni Klaire. “Mukhang may hinahanap ka.” “W-Wala…” Huminga nang malalim si Klaire at saka binalik ang tingin kay Alejandro. “It’s nothing.”“Hmm…” Nagkunwaring kalmado si Klaire kahit pa sa bawat segundong nalipas ay mas kumakabog ang dibdib niya. Hindi niya kasi alam kung saan nagsuot ang mga bata. Pagkatapos ay nasa harapan pa niya ang ama ng mga
Habang masayang kumakain ng cake ang apat na kambal, nilibot ni Clayton ng tingin ang loob ng cafe hanggang sa dumako ang mga mata niya sa pamilyar na magandang babae na nakatingin sa kanila. Nanlaki ang mga mata niya. Ang Mommy nila! Ano’ng ginagawa ng Mommy nila sa cafe na ‘yon?!Mabilis na namutla ang mukha ni Clayton nang magtagpo ang mga tingin nila ng Mommy nila. Kinakabahan siyang tumingin sa tatlo niyang kambal, hindi malaman ang gagawin at gusto na lamang umiyak. It’s over. Nakita na sila ng Mommy Klaire nila na magkakasama. What should they do? It was the first time Clayton felt that he lost the game. Nabitiwan niya ang hawak na baso at nabasag ito sa sahig, na lumikha ng malakas na ingay sa tahimik na cafe. “Kuya Clayton, what happened?” tanong ni Callie na nagulat sa pagkabasag ng baso. Maging sina Nico at Natasha ay nagulat din at tiningnan ang kanilang kuya. Lumunok si Clayton at hindi makapagsalita. Ang couple na katabi ng booth nila ay lumapit. “It’s okay, kid.
Ramdam ni Klaire ang matinding sakit sa kaniyang puso. Kinakain nito ang lakas ng buong katawan niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin sa nangyaring ito. Naalala pa niya noon nang sabihin ng doktor na nagpa-anak sa kaniya na hindi nakaligtas ang dalawa pa niyang anak. She was lying in the hospital bed, grieving for the death of her two little angels. Naalala pa niya kung paanong pakiramdam niya ay namatay din siya nang araw na ‘yon… Kahit pa ilang taon na ang lumipas, may parte pa rin sa kaniya na araw-araw na nagluluksa. Iniisip na baka katulad din nina Clayton at Callie ang dalawang bata kung nabuhay ang mga ito. Taon-taon din, sa tuwing cine-celebrate nilal ang kaarawan nina Clayton at Callie, umiiyak siya dahil death anniversary ng dalawang bata. Pero ngayon, nakikita niya ang dalawang bata na pinagkait sa kaniya… buhay at malulusog ang mga ito. Ni hindi niya namalayan na nakapasok na ang mga ito sa buhay niya; na nakakasama na niya ang mga ito–nayayakap at nahahagkan
Nang marinig nina Nico at Natasha ang sinabing ‘yon ni Klaire, ilang saglit silang nagulat. But when their Mommy’s words sank in, they came back to their senses. Masaya ang mga mata ng dalawang kambal nang lumakad palapit sa kanilang Mommy Klaire. Niyakap ni Klaire nang mahigpit ang dalawang anak. Para bang panaginip ang lahat. Ayaw na niyang gumising at gusto na lang makasama ang apat na bata. Kaniya ang mga batang ‘to. Anak niya ang apat na cute na mga batang ‘to. Nang bitiwan niya ang kambal ay pareho niyang hinawakan ang mga pisngi nito. “Simula ngayon, hindi niyo na kailangang magpanggap bilang sina Clayton at Callie.” Nanginig ang ibabang labi niya at napaluha. “Kilala na kayo ni Mommy. Hindi niyo na kailangan magtago, okay? Mga anak ko kayo at tanggap ko kayo.” Tumulo ang luha ni Nico pero agad niyang pinunasan iyon. “Okay po, Mommy.” “Masaya ako na nandito kayo, Nico at Natasha…” Suminghot-singhot si Natasha bago halikan ang pisngi niya. Ang akala ng bata ay hindi si
“Mommy, Callie is right po. We are the vulnerable side. Kailangan po ay hindi galit ang papairalin,” pahayag ni Clayton. “If you could maintain a peaceful relationship with our scumbag daddy, then we can negotiate with him. Kahit po hindi siya pumayag na kunin mo sina Nico at Natasha, baka pumayag po siya na mabisita natin sila anytime. Di ba po gano’n ang co-parenting? Pumapayag po ang parents na makita ng bawat isa ang mga anak nila kahit hindi sila magkasama sa iisang house?”Tinapik ni Klaire ang kaniyang dibdib. Sa ganitong pagkakataon ay nagugulat siya sa sobrang pagkatalino ng kaniyang mga anak. Para bang matatanda na ito kung magpayo sa kaniya. But she has to admit that Clayton is very reasonable. Hindi magiging madali kung makikipag-gyera siya sa mga Fuentabella.Kilala niya si Alejandro. Kapag talagang nagalit ito ay baka ilayo nang tuluyan sa kanila sina Nico at Natasha. Sumikip ang dibdib niya sa isipin na ‘yon. Pinikit niya ang mga mata at nag-isip nang mabuti. Alam na n
Nilingon ni Alejandro ang pinanggalingan ng boses at nakita ang dalawang bata masayang natakbo papunta sa kanila. Daig pa niya ang nabunutan ng tinik dahil nakitang maayos naman ang mga ito. “Where have you been?” tanong ni Alejandro nang makalapit ang mga ito. “We went to the cafe to eat, Daddy,” sagot ni Clayton. Tinaas ni Callie ang kaniyang mga kamay na nagsasabi kay Alejandro na buhatin niya ito. “Hug… Hug…” marahang wika ni Callie. Nagulat si Alejandro nang marinig ‘yon. Balak pa sana niyang pagalitan ang dalawang bata dahil hindi nagpaalam ang mga ito pero hindi na niya nagawa ‘yon. Natasha was willing to speak. It made him happier than surprised. Napangiti siya at binuhat ang bunsong anak. Agad na pinulupot ng bata ang mga kamay nito sa kaniyang leeg at mahigpit siyang niyakap. Alejandro patted her back and asked, “Did you have fun eating in the cafe?”Tumango si Callie at hinalikan siya sa pisngi. Napanguso naman si Clayton. Talagang ginagawa ng kambal ang lahat para
Kinabukasan…“Klaire?” gulat na saad ni Feliz nang bisitahin niya ang opisina nito. “Himala! Why are you here? Hindi ka ba busy sa research lab ngayon?”Hindi na bago ang gano’ng reaksyon para kay Klaire. Sinabi niya noon kay Feliz na hindi na muna siya maglalagi sa kumpanya. She wanted to work in the research institute to avoid interacting with Alejandro Fuentabella. Kaya lang ay iba na ang plano niya ngayon. “Good morning, Feliz,” nakangiting bati ni Klaire sa kaibigan at naupo sa leather couch sa harap ng desk nito. “I want to know who’s in charge with our company’s transactions with the Fuentabellas.”“Ako at si Annie. Bakit?”“Kausap niyo palagi si Alejandro?” Umiling si Feliz. “Hindi. Madalas ang assistant niya.” Tumango-tango si Klaire. Buong akala niya ay si Alejandro talaga ang nakikipag-usap sa mga ito tungkol sa mga transaksyon… magandang bagay sana ‘yon para maisakatuparan niya ang plano nilang mag-i-ina. She needs to get a good relationship with her ex-husband, hangga
Bandang tanghali nang makatanggap ng tawag si Klaire mula kay Luke. Ilang oras din niyang hinintay na balikan siya ni Alejandro sa dinner proposal niya. Excited niyang sinagot ang tawag at may ngiti ang mukha. “Good afternoon, Luke. So, what did he say?” nahihimigan ang saya sa kaniyang boses. “I’m sorry, Ma’am Klaire, pero hindi po kayo maipapasok ni Boss sa schedule niya mamayang gabi. He’s very busy. Sana ay maintindihan mo, Ma’am.”Kumurap si Klaire sa narinig. “What? B-Bakit? Sobrang busy ba niya talaga?”“Opo, Ma’am. Sa katunayan ay may kliyente siyang imi-meet. He’ll have dinner with his client tonight, kaya hindi niya po kayo mapapaunlakan.” “Hindi pwede…” bulong niya. “Ano po ‘yon?” Tumikhim si Klaire at nag-isip. Hindi pwedeng tanggihan siya ni Alejandro. Hindi ngayon kung kailan nakabuo na sila ng plano na mag-i-ina. Gagawin niya ang lahat para makuha sina Nico at Natasha. She won’t give up easily! “Fine. Anong oras matatapos ang appointment niya? I can wait for him,