Kinabukasan…“Klaire?” gulat na saad ni Feliz nang bisitahin niya ang opisina nito. “Himala! Why are you here? Hindi ka ba busy sa research lab ngayon?”Hindi na bago ang gano’ng reaksyon para kay Klaire. Sinabi niya noon kay Feliz na hindi na muna siya maglalagi sa kumpanya. She wanted to work in the research institute to avoid interacting with Alejandro Fuentabella. Kaya lang ay iba na ang plano niya ngayon. “Good morning, Feliz,” nakangiting bati ni Klaire sa kaibigan at naupo sa leather couch sa harap ng desk nito. “I want to know who’s in charge with our company’s transactions with the Fuentabellas.”“Ako at si Annie. Bakit?”“Kausap niyo palagi si Alejandro?” Umiling si Feliz. “Hindi. Madalas ang assistant niya.” Tumango-tango si Klaire. Buong akala niya ay si Alejandro talaga ang nakikipag-usap sa mga ito tungkol sa mga transaksyon… magandang bagay sana ‘yon para maisakatuparan niya ang plano nilang mag-i-ina. She needs to get a good relationship with her ex-husband, hangga
Bandang tanghali nang makatanggap ng tawag si Klaire mula kay Luke. Ilang oras din niyang hinintay na balikan siya ni Alejandro sa dinner proposal niya. Excited niyang sinagot ang tawag at may ngiti ang mukha. “Good afternoon, Luke. So, what did he say?” nahihimigan ang saya sa kaniyang boses. “I’m sorry, Ma’am Klaire, pero hindi po kayo maipapasok ni Boss sa schedule niya mamayang gabi. He’s very busy. Sana ay maintindihan mo, Ma’am.”Kumurap si Klaire sa narinig. “What? B-Bakit? Sobrang busy ba niya talaga?”“Opo, Ma’am. Sa katunayan ay may kliyente siyang imi-meet. He’ll have dinner with his client tonight, kaya hindi niya po kayo mapapaunlakan.” “Hindi pwede…” bulong niya. “Ano po ‘yon?” Tumikhim si Klaire at nag-isip. Hindi pwedeng tanggihan siya ni Alejandro. Hindi ngayon kung kailan nakabuo na sila ng plano na mag-i-ina. Gagawin niya ang lahat para makuha sina Nico at Natasha. She won’t give up easily! “Fine. Anong oras matatapos ang appointment niya? I can wait for him,
Simangot na nagmartsa si Klaire pabalik sa kaniyang upuan. Hindi rin naman biro ang binayad niya sa mga pagkain, ano! At saka pinaghandaan niya ang dinner na ‘to. Tahimik na naupo si Alejandro sa upuan na kaharap niya. Tiningnan nito ang mga pagkain na nasa mesa, lihim na nasurpresa dahil lahat ng mga paborito niyang pagkain ang nakahain. He then looked at the beautiful woman sitting across from him. Alam pa rin ni Klaire ang mga hilig niya. Lihim siyang napangiti sa isipin na ‘yon. Naramdaman naman ni Klaire ang malagkit na tingin ni Alejandro. Parang tambol ang puso niya sa lakas ng pintig nito. Hindi niya alam kung dahil ba sa galit o ano! Iniwasan niya ang mga mata nito at humalukipkip saka sumandal sa kinauupuan. “Kung hindi mo gusto ang mga pagkain, we can re-order. Malamig na siguro ang mga ‘yan kasi kanina pa nakahain,” ani Klaire, hindi sinasadyang magtunog nagtatampo ang boses. Napangiti nang tuluyan si Alejandro. He was amused, seeing Klaire pout her lips and roll her e
Naisip ni Klaire na babango ang pangalan niya kay Alejandro Fuentabella kung tutulungan niya ang kumpanya nito na lumahok sa International Perfume Competition. Isa ang competition sa mga prestihiyosong paligsaan na sinasagawa taon-taon ng union ng mga sikat na brand. Ito ang nagiging tulay ng mga locals upang mas makilala ang mga perfume nito sa ibang bansa. Bloom Perfume won the competition last year. Isa sa mga pinagmamalaki ni Klaire bilang siya ang nagformulate ng perfume na nilabas sa kompetisyon na ‘yon. Now, she wanted to use the competition as an opportunity to make Alejandro closer to her. Ininuman ni Alejandro ang kaniyang whiskey. “Well, I like the idea. Let your boss know that I’m up for it and I want her to work for me in this competition.” “Hindi papayag ang boss ko,” ani Klaire at sumandal sa kaniyang upuan. “You haven’t asked her.” “No need to ask her, Alejandro. Kilala ko siya. Maraming kumpanya ang naghabol sa kaniya at gusto siyang kunin pero hindi niya pinaun
Alejandro scooped her up and carried her out of the restaurant. Sa parking lot ay naghihintay si Luke, at nang makita sila ay mabilis na binuksan ang pinto ng backseat ng kotse. Maingat na pinasok ni Alejandro si Klaire sa loob at saka ay tumabi dito. The woman was humming his name repeatedly. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti at mapailing. Ganito pala malasing ang babaeng ‘to? Naisip niya. “Drive,” utos niya kay Luke. “Alejandro~ Alejandro~” patuloy na kanta ni Klaire. “Alejandro~ isa kang animal!~” Nagulat siya nang marinig ‘yon at hindi makapaniwalang tiningnan ang babae. “What did you say?” Bumaling sa kaniya ang dating asawa. May naglalarong kapilyahan sa mga mata nito. Alejandro’s eyes narrowed. Ibang-iba ang Klaire na kaharap niya ngayon sa normal na Klaire na kilala niya. This woman looked extremely mischievous and carefree. Umusog si Klaire palapit sa kaniya at inilapit ang mukha nito sa kaniya. She smiled playfully and caressed his cheek. “What did you say
Marahan ang paggalaw ng labi ni Alejandro habang hinahalikan ang dati niyang asawa. Para bang iniingatan niya na hindi ito masaktan, kahit na ramdam niya ang pamilyar na sensasyon dahilan para pumintig at manigas ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita. For a moment, he felt it was surreal. Sino bang mag-aakala na mahahalikan niya ulit ang ina ng mga anak niya? It was more than 5 years and yet, Klaire’s lips feel so soft against his. The way she moved her lips, trying to kiss him back, was like an invitation for him to go on and delve deeper than just kissing. Pero hindi tama iyon. Alam niyang lasing lang si Klaire kaya hinahalikan siya nito sa mga oras na ‘to. Samantala ay pakiramdam ni Klaire ay nananaginip siya. Sa kabila ng pag-ikot ng kaniyang paningin sa tuwing imumulat ang mga mata, may kung ano’ng kiliti ang lumilibot sa katawan niya habang hinahalikan ang arogante niyang ex-husband. Kung paano humantong sa halikan ang sitwasyon nila ay hindi niya alam. Wala na siyang malay
Hindi malaman ni Klaire kung ano ang uunahin: ang sabunutan ang sariling buhok sa panggigigil o ang magpakain na lamang sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Paulit-ulit sa isipan niya ang ginawa niyang paghalik kay Alejandro kagabi. Pati na rin kung paano siya yumapos dito na kung makaasta ay para bang asawa pa rin siya ng lalaki. Tinakpan niya ng mga palad ang kaniyang mukha at naiinis na sumigaw. “Nakakahiya!” bulalas niya. “How can I ever face him after what I’ve done last night? Shit!” Kung makakasalubong niya si Alejandro ay paniguradong iiwasan niya ito anuman ang mangyari. She could never face him and would just die out of embarrassment! Pero mukhang hindi yata umaayon sa kaniya ang tadhana dahil hindi nito pinapatahimik ang buhay niya. Kasi naman ay naka-receive siya ng text message galing kay Alejandro. Alejandro Fuentabella: Klaire, I already signed up for the competition. When will you come to the company to initiate the creation of a new formula? Pakiramdam ni K
Sa loob ng dalawang araw ay tinapos ni Klaire ang pagsasa-ayos ng mga trabaho sa research institute ng Bloom Perfume. Dahil kailangan niyang pansamantalang magtrabaho para kay Alejandro Fuentabella, ibinigay niya sa ibang empleyado ang mga natitirang trabaho niya at nag-send na rin siya ng report kay Feliz tungkol doon. Lunes nang mag-send si Klaire ng text message kay Alejandro. Klaire: I have completed the handover of some matters to my colleagues. Pupunta na ako sa company mo ngayon para magtrabaho. Kinagat niya ang kaniyang labi. Ito ang magiging unang araw niya sa kumpanya ni Alejandro at hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Matatakot ba na makikita niya ang lalaki matapos ng naging halikan nila o matatakot ba dahil baka magkaroon na naman ng problema lalo na’t hindi imposible na makasalubong niya doon sina Melissa o si Sophia? Ngunit naisip niya na wala dapat ang magpatibag sa damdamin niya. She would do this for the sake of her quadruplets. Kailangan niyang ma