Feliz’s mother’s condition was quite complicated. Bagama't bihasa si Klaire sa larangan ng medisina at surgery ay naging abala pa rin siya sa tambak na mga medikal records na kinailangan niyang busisiin at pag-aralan.Gabi na nang matapos siya sa pag-aaral. Marahan niyang minasahe ang kaniyang balikan at saglit na pinikit ang mga matang medyo nakakaramdam na ng pagkasakit.“Klaire, what do you think? Kaya ba?” nag-aalalang tanong ni Feliz, halata ang pagkabalisa sa tono ng boses nito. Iminulat niya ang mga mata at binalingan ng tingin ang kaibigan.“Yes. I can do it, Fel. 70% ang tiwala ko na magiging maayos ang surgery ni Auntie,” wika niya na may ngiti sa labi.Tila iyon lang din ang hinihintay na marinig ng kaniyang kaibigan. “Really?!”Klaire nodded her head. “70% is much better than 10%.”Pumalakpak sa tuwa si Feliz at niyakap siya. “I know you can help me. You are a miracle doctor. Alam kong makakagawa ka ng paraan pa maging maayos si Mommy.”Bumaling si Feliz sa dalawang bata
“What is happening to my daughter, Doc?” nag-aalalang tanong ni Alejandro sa kanilang family doctor habang sinusuri nito ang anak na si Natasha. His heart could not stop racing. Sobrang nag-aalala siya sa kalagayan ng anak, lalo na at musmos pa ito. Hindi niya rin maiwasang sisihin ang sarili sa pag-iisip na nababayaan niya na ang kambal. Bumaling sa kaniya ang family doctor matapos nitong painumin ng gamot si Natasha. Dahil pagod at antok, ay mabilis ding nakatulog ang bata. “She’s fine, Mr. Fuentabella,” ani doctor. “Natasha is having a fever. Wala naman kahit ano’ng nakakaalarma sa kondisyon niya ngayon. Bababa din ang lagnat niya maya-maya dahil nakainom na siya ng gamot.”“Are you sure? Walang complications or anything?” mariin ang tanong ni Alejandro, naninigurado. He couldn’t risk the life of his precious daughter. “Yes, Mr. Fuentabella. Sa kabutihang palad ay wala namang abnormalities kay Natasha.”Doon lamang nakahinga nang maluwag si Alejandro. Every time Natasha and Ni
“I’m aware of that, Ma. You don’t have to stress it out,” galit na sabi ni Alejandro habang inaalala kung paano inabandona ng dating asawa ang kanilang kambal, dahilan para mabuhay ang poot sa kaniyang dibdib. Lumapit sa kaniya ang ina at saka hinawakan ang kaniyang braso, tila ba’y nagmamakaawa. “Anak, ang tagal nang naghihintay sa ‘yo ni Sophia. Hanggang kailan mo ba siya balak paghintayin? She’s been with you for years, and she’s more than willing to mother your children more than their own mother. I hope you can make a decision as soon as possible.”Napakunot ng noo si Alejandro, hindi nagustuhan ang sinabi ng kanyang ina.Malamig siyang tumugon, “Hindi mo kailangang mag-alala para kay Sophia, Ma. I’m sure she knows her place. Hindi ko siya pinapaasa.”“What?” Mas tumaas ang boses ng kaniyang ina. “Don’t be so selfish, Alejandro. I will not allow you to continue treating her like this. Dapat ay pinaplano mo na ang kasal mo sa lalong madaling panahon. Marry Sophia! Siya lang ang p
Bahagyang nagulat si Klaire sa kaniyang narinig mula sa tauhan ng dating asawa. Paanong labas si Sophia sa rason kung bakit gusto nito makipag-sosyo sa kanilang kumpanya? Hindi ba’t noong isang araw lang ay pinangalandakan nito sa kaniya si Sophia ang dahilan kaya gusto nitong mapalapit sa misteryosong doktor ng Bloom Perfume? Alam ni Klaire na gusto ni Alejandro si Sophia. He wouldn’t miss a chance to help her get her leg injury fixed!Mabilis na nagbago ang emosyon sa kaniyang mukha. Mula sa pagkagulat ay umusbong ang inis sa kaniyang mga mata. “Boss offered to provide discounts for the products, Miss Klaire. Isa pa ay bago pa lang ang Bloom Perfume sa domestic market. Kakailanganin niyo ang affordable products na kayang ibigay ng aming kumpanya. Boss assures you that your capital will be worth it.”“But my boss already rejected your proposal,” matabang na sabi niya. “Kagaya nga ng sabi ng boss mo sa akin, hindi ako ang may last say sa mga ganitong negotiations.” “We want you to
Mabilis na nagtaas-baba ang dibdib niya dahil sa matinding pagkamuhi sa kaniyang sariling ina. Kung pupwede lang talagang piliin kung sino ang magiging magulang niya. She wouldn’t want to be connected to the De Guzmans at all. Namula sa galit si Carmina De Guzman at saka dinurong muli si Klaire. “How dare you! Para kang hayop kung makipag-usap sa sarili mong ina. Wala ka talagang pinag-aralan!”Nanginginig ang mga tuhod niya sa narinig. She sneered and said, “Hindi lang sa mga may pinag-aralan mo makikita ang respeto. Madalas kahit may pinag-aralan ang isang tao, nawawalan ito ng respeto kung hindi naman asal tao ang kaharap.” Pagkasabi niya nun, umalis na siya!Naiwan si Carmina na galit na galit at sumisigaw. “Tumigil ka, bastarda! Sino ka ba para maglakas-loob kang turuan ako ng leksyon!? Kung alam ko lang na ganiyang klase ng tao ang ipapanganak ko noon, hindi na sana kita binuhay pa!”Nang marinig ang galit na mga salitang iyon mula sa ina ay saglit na nahinto sa paglalakad si
Tikom ang bibig ni Klaire at naguguluhang pinagmasdan ang lalaki. Halos magkalapit na ang mukha nila. She could even smell his mint breath. Ramdam niya ang init ng katawan nito dahil sa gawi ng pagkakabuhat nito sa kaniya. Hindi niya maiwasang tingnang maigi ang mukha ni Alejandro. Kahit na ba’y anim na taon na ang lumipas ay guwapo pa rin ito. Ang mumunting bigote ay mistulang nagpaangat ng kaniyang charisma, ang mga mata ay gano’n pa rin–natural na malamig, matangos ang ilong at mapula ang mga labi. Nagsimulang maghuramentado ang kaniyang puso. “Alejandro, ano bang ginagawa mo? Ibaba mo nga ako!” sabi niya at bahagyang nagpumiglas sa bisig ng lalaki. Pero nang makaramdam ng muling paghilab ng tiyan ay napangiwi siya. Alejandro glanced down at her and sneered coldly. “Forget your goddamn pride. May masakit na nga sa iyo,” ani Alejandro. Nanlalamig na siya sa sakit na nararamdaman. Cold sweats broke out on her forehead. Sa pagkakataong iyon ay hinayaan na lamang niya si Alejandr
Napabuntonghininga si Klaire pagkatapos kausapin ang mga anak sa phone. Wala pa namang bente-kwatro oras nang huli niyang makita ang dalawa niyang baby, pero ramdam niya ang pagka-miss sa mga ito. Habang nagpapahinga sa hospital bed ay naiisip niya rin ang pagkikita nila ni Alejandro. Naisip niya kung ano ang ginagawa ng lalaki sa ospital. Sino ang may sakit? Natigil siya sa pag-iisip nang tumunog ang kaniyang phone. Feliz was calling her. Nataranta naman siya dahil ang paalam niya lang sa kaibigan ay magbabanyo, pero magi-isang oras na siyang hindi nakakabalik at heto’t kinailangan pang i-dextrose at maggamot para sa kaniyang gastritis. Nang malaman ni Feliz na nasa emergency ward siya ay agad nagpunta ang kaibigan.“Naku naman, Klaire. Sinasabi ko na nga ba’t masama talaga ang pakiramdam mo. You should have been honest with me. Ayos ka na ba talaga?” nag-aalalang litanya ni Feliz. “Sabi mo magbabanyo ka lang pero heto at na-confine ka. Klare naman, e.” “I thought it was nothing,
Alejandro looked at Luke with a grim expression. Halata sa mga mata niya na hindi niya nagustuhan ang komento ng kanang-kamay, dahilan para mataranta ang lalaki. “S-Sorry, boss.” Yumuko ito para iwasan ang kaniyang nakakatakot na titig. Sa isip ni Luke ay parang baliw ang kaniyang boss at hindi niya maintindihan ang kinikilos nito. Una, ito ang nag-file ng divorce para layuan ang dating asawa. Ngayon naman ay parang gumagawa ito ng paraan para mapalapit kay Klaire. Ano ba talaga, boss? Naisip niya. “Get out,” ani Alejandro at nagpatuloy sa pagmasahe ng kaniyang sintindo. He couldn’t understand why Klaire had to leave so soon. Hindi niya maiwasang mag-alala, ngunit agad din niyang kinastigo ang damdamin. Bakit naman kasi siya mag-aaala sa babaeng umabanduna sa mga anak nila?Bumaling si Alejandro sa mga bata at saka huminga nang malalim. Hindi na dapat niya hinahayaan ang sarili na pakialaman pa ang babaeng ‘yon…. …Pasado alas-dose na ng gabi nang makauwi si Klaire. Tahimik na an