Bahagyang nagulat si Klaire sa kaniyang narinig mula sa tauhan ng dating asawa. Paanong labas si Sophia sa rason kung bakit gusto nito makipag-sosyo sa kanilang kumpanya? Hindi ba’t noong isang araw lang ay pinangalandakan nito sa kaniya si Sophia ang dahilan kaya gusto nitong mapalapit sa misteryosong doktor ng Bloom Perfume? Alam ni Klaire na gusto ni Alejandro si Sophia. He wouldn’t miss a chance to help her get her leg injury fixed!Mabilis na nagbago ang emosyon sa kaniyang mukha. Mula sa pagkagulat ay umusbong ang inis sa kaniyang mga mata. “Boss offered to provide discounts for the products, Miss Klaire. Isa pa ay bago pa lang ang Bloom Perfume sa domestic market. Kakailanganin niyo ang affordable products na kayang ibigay ng aming kumpanya. Boss assures you that your capital will be worth it.”“But my boss already rejected your proposal,” matabang na sabi niya. “Kagaya nga ng sabi ng boss mo sa akin, hindi ako ang may last say sa mga ganitong negotiations.” “We want you to
Mabilis na nagtaas-baba ang dibdib niya dahil sa matinding pagkamuhi sa kaniyang sariling ina. Kung pupwede lang talagang piliin kung sino ang magiging magulang niya. She wouldn’t want to be connected to the De Guzmans at all. Namula sa galit si Carmina De Guzman at saka dinurong muli si Klaire. “How dare you! Para kang hayop kung makipag-usap sa sarili mong ina. Wala ka talagang pinag-aralan!”Nanginginig ang mga tuhod niya sa narinig. She sneered and said, “Hindi lang sa mga may pinag-aralan mo makikita ang respeto. Madalas kahit may pinag-aralan ang isang tao, nawawalan ito ng respeto kung hindi naman asal tao ang kaharap.” Pagkasabi niya nun, umalis na siya!Naiwan si Carmina na galit na galit at sumisigaw. “Tumigil ka, bastarda! Sino ka ba para maglakas-loob kang turuan ako ng leksyon!? Kung alam ko lang na ganiyang klase ng tao ang ipapanganak ko noon, hindi na sana kita binuhay pa!”Nang marinig ang galit na mga salitang iyon mula sa ina ay saglit na nahinto sa paglalakad si
Tikom ang bibig ni Klaire at naguguluhang pinagmasdan ang lalaki. Halos magkalapit na ang mukha nila. She could even smell his mint breath. Ramdam niya ang init ng katawan nito dahil sa gawi ng pagkakabuhat nito sa kaniya. Hindi niya maiwasang tingnang maigi ang mukha ni Alejandro. Kahit na ba’y anim na taon na ang lumipas ay guwapo pa rin ito. Ang mumunting bigote ay mistulang nagpaangat ng kaniyang charisma, ang mga mata ay gano’n pa rin–natural na malamig, matangos ang ilong at mapula ang mga labi. Nagsimulang maghuramentado ang kaniyang puso. “Alejandro, ano bang ginagawa mo? Ibaba mo nga ako!” sabi niya at bahagyang nagpumiglas sa bisig ng lalaki. Pero nang makaramdam ng muling paghilab ng tiyan ay napangiwi siya. Alejandro glanced down at her and sneered coldly. “Forget your goddamn pride. May masakit na nga sa iyo,” ani Alejandro. Nanlalamig na siya sa sakit na nararamdaman. Cold sweats broke out on her forehead. Sa pagkakataong iyon ay hinayaan na lamang niya si Alejandr
Napabuntonghininga si Klaire pagkatapos kausapin ang mga anak sa phone. Wala pa namang bente-kwatro oras nang huli niyang makita ang dalawa niyang baby, pero ramdam niya ang pagka-miss sa mga ito. Habang nagpapahinga sa hospital bed ay naiisip niya rin ang pagkikita nila ni Alejandro. Naisip niya kung ano ang ginagawa ng lalaki sa ospital. Sino ang may sakit? Natigil siya sa pag-iisip nang tumunog ang kaniyang phone. Feliz was calling her. Nataranta naman siya dahil ang paalam niya lang sa kaibigan ay magbabanyo, pero magi-isang oras na siyang hindi nakakabalik at heto’t kinailangan pang i-dextrose at maggamot para sa kaniyang gastritis. Nang malaman ni Feliz na nasa emergency ward siya ay agad nagpunta ang kaibigan.“Naku naman, Klaire. Sinasabi ko na nga ba’t masama talaga ang pakiramdam mo. You should have been honest with me. Ayos ka na ba talaga?” nag-aalalang litanya ni Feliz. “Sabi mo magbabanyo ka lang pero heto at na-confine ka. Klare naman, e.” “I thought it was nothing,
Alejandro looked at Luke with a grim expression. Halata sa mga mata niya na hindi niya nagustuhan ang komento ng kanang-kamay, dahilan para mataranta ang lalaki. “S-Sorry, boss.” Yumuko ito para iwasan ang kaniyang nakakatakot na titig. Sa isip ni Luke ay parang baliw ang kaniyang boss at hindi niya maintindihan ang kinikilos nito. Una, ito ang nag-file ng divorce para layuan ang dating asawa. Ngayon naman ay parang gumagawa ito ng paraan para mapalapit kay Klaire. Ano ba talaga, boss? Naisip niya. “Get out,” ani Alejandro at nagpatuloy sa pagmasahe ng kaniyang sintindo. He couldn’t understand why Klaire had to leave so soon. Hindi niya maiwasang mag-alala, ngunit agad din niyang kinastigo ang damdamin. Bakit naman kasi siya mag-aaala sa babaeng umabanduna sa mga anak nila?Bumaling si Alejandro sa mga bata at saka huminga nang malalim. Hindi na dapat niya hinahayaan ang sarili na pakialaman pa ang babaeng ‘yon…. …Pasado alas-dose na ng gabi nang makauwi si Klaire. Tahimik na an
Hindi inaasahan ni Klaire ang sagot na ‘yon mula kay Alejandro. Bakit nasa tono nito na parang gusto pa nitong pahirapan siya gayong tinatanggap na nga niya ang alok nitong makipag-sosyo sa kumpanya nila?With a slight irritation in her chest, she pursed her lip and managed to say, “Sure, Mr. Fuentabella. I will call back later.” Hindi rin nagustuhan ni Alejandro ang sagot niyang ‘yon. “Tsk. Hindi ko inaasahan na papasok ka sa opisina ngayon. Hindi maayos ang pakiramdam mo kagabi. This is unsolicited advice pero try to rest when your body calls for it. Hindi ka naman binabayaran ng milyon ng kumpanyang pinapasukan mo para i-risk mo ang kalusugan mo.”“Hindi ko expected na concern ka pala sa kasulugan ko, Mr. Fuentabella.” “Don’t be so assuming. It’s not that I’m concern. I’m just saying, dahil ako ang naperwisyo mo kagabi, remember?” May kung ano’ng tumusok sa puso ni Klaire. Ewan ba niya pero hindi ‘yon ang mga salitang gusto niyang marinig. She shook her head and kept all her emo
Pagkatapos magpunta ng ospital ay sumugod si Melissa Fuentabella sa Bloom Perfume Company. Taas noo itong pumasok ng building at agad na dumiretso sa front desk. Tinaasan niya ng kilay ang mga naroon at saka nagsalita, “Nasaan si Klaire Perez? Sabihin niyo sa kaniya na hinahanap ko siya. Ilabas niyo ang babaeng ‘yan at kakausapin ko!” Nagulat ang front desk officer sa inakto ni Melissa ngunit nanatili pa ring kalmado at nagtanong, “Good afternoon, Madame. We would like to know if you made an appointment?Hindi nagustuhan ni Melissa ang narinig. Sarkastiko itong natawa at saka nilibot ng tingin ang buong lobby bago ibinalik ang tingin sa front desk officer. “Hindi ko alam na kailangan na palang magpa-appointment para lang makausap ang mga assistant ng kumpanyang ‘to. How ridiculous!” ani Melissa at inirapan ang babae. “Uhm, Madame kasi po—” “I said I want to speak with Klaire Perez. Now!” komando ni Melissa. Magsasalita pa sana ang front desk officer, ngunit isang babae ang lum
“Sinong sinasabi mong nakakahiya? Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila mo, Klaire!” halos pasigaw na saad ni Melissa. Nagkibit-balikat siya. “What? Did I say something wrong, Madame?”“Ikaw…” Nagtagis ang bagang ni Melissa sa ugaling pinapakita ni Klaire. Kung noon ito nangyari ay baka nasampal na niya nang maraming beses ang babae, pero dahil hindi na niya daughter-in-law ang kaharap niya ay pilit niyang kinokontrol ang pangangati ng kaniyang palad na dumapo sa pisngi nito. “Don’t think highly of yourself. Akala mo ba hindi ko alam na pinagsiksikan mo lang ang sarili mo sa anak ko noon. Masyado kang desperada kaya pati ang ate mong si Sophia ay itinulak mo sa hagdan. Hindi mo matanggap na siya ang mas matagal ng mga magulang mo, hindi ba? Para kang linta! Kung hindi lang nakipag-divorce sa iyo si Alejandro ay baka ngayon ay pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa pamilya namin!”Ni hindi na nasaktan pa si Klaire sa mga sinabing ‘yon ng ina ng dati niyang asawa. Simula pa man n