Tahimik na nakaupo si Alejandro sa dulo ng kama habang pinapakinggan ang pagtatalo nina Sophia at Lander mula sa labas. Gusto na siyang tuluyan ni Lander dahil alam nitong hindi niya bibigyan ng pagkakataon si Sophia, ngunit ayaw naman ng babae. Hinayaan niya lamang ang dalawang kriminal na isiping magagawa nila ang lahat ng gusto ng mga ito, habang tahimik na naghihintay sa pagresponde ng mga tauhan niya at nang mga pulis. Mahigit tatlong oras na nang pindutin niya ang button upang ipaalam kay Luke na kailangan na nitong maghanda. Kung tama ang kalkulasyon niya ay darating ang tulong anumang oras. "Patayin natin si Klaire! Kapag nawala siya ay mawawalan na rin ako ng karibal!" rinig niyang suhestiyon ni Sophia sa tarantado nitong kuya-kuyahan. "Once she's gone, Alejandro's attention will be focused on me. Hindi na niya ako tatanggihan!""For the nineth time, are you hearing yourself, Sophia? Hindi ka mamamahalin ng lalaking 'yan kahit pulbusin pa natin ang buong pamilya ni Klaire
Nagmamadali ang sasakyan nina Klaire papunta sa lugar kung saan dinala nina Lander at Sophia si Alejandro. Hindi makalma ang puso niya at pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa matinding kabang nararamdaman. Nanlalamig ang mga palad niya habang nananalagin sa isipan. She wasn't the woman who would be seen inside the church or was very prayerful. Ngunit sa mga oras na 'yon ay natawag na niya ang lahat ng santo upang hilingin sa mga ito na iligtas si Alejandro. Hindi niya alam ang gagawin kung may mangyayari sa lalaking mahal niya... sa ama ng mga anak niya. Matapos ang ilang oras na byahe ay narating na nila ang abandonadong two-storey house na nakatirik sa mataas na bahagi na bundok. Walang mga nakatira doon at masasabing isang pribado't abandonadong property. Pagkahinto pa lamang ng sasakyan ay lumabas na agad si Klaire, hindi na pinakinggan pa ang mga sigaw ni Don Armando. Diretso ang tingin niya sa bahay na puno ng mga pulis at SWAT. Lalong nabalot ng kaba ang buong kata
"Dead on arrival na si Sophia ayon sa ospital," pormal na report ni Luke sa kaniya. Nakatayo sila sa harap ng pribadong kwarto ni Alejandro sa kwartong 'yon. Yakap niya ang kaniyang sarili habang pinapakinggan ang lahat ng mga detalyeng sinasabi ni Luke. Wala na si Sophia... namatay ito para kay Alejandro. Ang bala ay bumaon malapit sa puso nito. Dahil marami ng nawalang dugo ay hindi na ito naligtas pa ng mga doktor. Samantalang si Lander naman ay tuluyan ng naikulong. Habambuhay ang parusa sa patung-patong na kaso nito at nangako ang mga pulis na hindi na magagawan pa nito nang masama ang pamilya niya. Hindi alam ni Klaire ang dapat maramdaman. Masyado pa ring nakagugulat ang mga nangyari para sa kaniya. Ang tanging gusto niya lamang na mangyari ngayon ay magising si Alejandro at maging maayos na ulit ang pamilya nila. It was the only thing she wanted in her lifetime. Wala nang iba pa. "Salamat, Luke," wika niya at marahang tinapik ang balikat nito. "Alam kong hindi naging magan
Mabilis silang nagsilapitan sa kama ni Alejandro. Klaire pressed the pager button to alert the nurses and doctors that Alejandro has finally woken up. Pagkatapos ay yumuko siya at hinaplos ang buhok ito habang ang mga anak naman nila ay nakahawak sa mga kamay nito. "Hey..." naiiyak niyang wika sa labis na kasiyahan. May pangungulila niyang pinagmasdan ang mga mata nitong mataman na nakatitig sa kaniya. "C-Can you hear me? May masakit ba, ha? Tell me." Dahan-dahang umiling si Alejandro at sumilay ang pagod na ngiti sa labi nito. Hindi pa ito makakapagsalita dala ng oxygen mask na nakakabit sa bibig nito. Ngunit makikita sa mga mata nito na masayang-masaya ito na makitang kumpleto sila sa kwartong 'yon. "Daddy, we're so happy you finally woke up! Nag-alala po kami nang sobra," umiiyak na wika ni Callie habang nakayakap sa braso ni Alejandro. "Don't leave us again, Daddy. Dapat po magkakasama lang tayo palagi.""Daddy, I miss you so much..." mahinhing wika ni Natasha at hinalikan sa p
Banayad ang hanging humahalik sa pisngi ni Klaire nang ihatid niya sa kindergarten ang quadruplets. Nakangiti niyang kinawayan ang mga ito habang papasok sa kanilang classroom kasama ang kanilang teacher. She could only sigh in relief as everything was going back to normal. Dalawang linggo na ang lumipas matapos maging successful ang operasyon ni Alejandro. Dalawang araw matapos makumpirma ng doktor na ayos na ito ay pinili nilang bumalik ng Manila para mamuhay ng normal. Wala ng pangamba sa puso niya at ni Alejandro dahil nakakulong na si Lander at wala na rin si Sophia… Sa mansyon ng mga Fuentabella namamalagi si Klaire at ang mga bata dahil gusto niyang mabantayan nang maigi si Alejandro. He was still recovering and needed to be taken care of. Kailangang bantayan dahil malingat lang siya ay gumagawa na ito ng mga trabaho sa laptop nito. So far, her relationship with her ex-husband who became her boyfriend turned out so well. Para siyang highschool na unang beses nagka-boyfriend.
Sa harap ng kindergarten nakatayo si Klaire at ang adoptive parents niya—sina Amanda at Nikolas Perez. Namuo ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo, wari ba ay hinahabi pa ng dalawang matanda ang mga salitang nais sabihin sa kaniya. Nakaitim na damit ang mga ito tanda ng kasalukuyang pagluluksa sa pagkawala ng kanilang tunay na anak. Lumunok si Klaire at pinagmasdan lamang ang kindergarten. Anumang oras ay lalabas na ang quadruplets at makikita ang mga ito. Hindi siya sigurado kung ano ang sasabihin kapag nagtanong ang mga bata... "Klaire, anak," panimula ng kaniyang Mommy Amanda.Kagaya noon ay napakarahan pa rin ng tono ng boses nito. Noong bata siya, kapag natatakot siya sa kidlat at kulog ay ito ang nagpapakalma sa kaniya. Kantahan lamang siya nito ay nakakatulog na siya. She used to be the best mom in the whole world. Minahal siya nito kahit na hindi siya nito totoong anak... "Why don't you get straight to the point, Mrs. Perez?" diretso niyang wika at binalingan ito ng mal
Dahan-dahang nilapat ni Klaire ang gauze sa tahi ni Alejandro sa ibaba ng kaliwang dibdib nito at saka maingat na nilagyan iyon ng tape. She was carefully dressing his wound so the healing would be seamless. Malapit nang matuyo ang sugat nito mula sa labas dahilan na rin kaya nakakagalaw na nang maayos ang lalaki. Sinarado niya ang first aid kit at tatayo na sana mula sa pagkakaluhod sa gilid ng kama nang mapansin na nakatitig sa kaniya si Alejandro. “What?” she asked. “I’ve noticed your silence the whole time when you came home with the kids. Did something happen?” nag-aalalang tanong nito. Marahan siya nitong hinila paupo sa tabi nito sa kama, hindi inaalis ang kuryosong titig sa kaniya. Nakayuko naman siya at buntong hininga. “You know you can tell me everything that’s bothering you, Klaire.” Tumango siya at binasa ang labi bago tingnan si Alejandro. “Pinuntahan ako nina Mommy Amanda kanina sa opisina para kausapin.” “What did they tell you?” “They wanted to be punished for
Tiningnan ni Klaire ang sarili sa harap ng salamin. Her pregnant belly was already showing and her face was glowing due to the sweats her body was releasing. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at hindi mapigilang mapangiti. It has been two months since she found out she was pregnant and since then, her life has changed. “Love, I called the restaurant you mentioned and they will deliver the birthday food in the kindergarten before noon,” ani Alejandro na pumasok sa kwarto nila dala ang phone at ang kape nito. Nang makita siya nitong nakaharap sa malaking salamin ay binaba nito ang mga hawak sa mesa at nilapitan siya. Niyakap siya ni Alejandro mula sa likuran at hinalikan ang gilid ng kaniyang ulo. Pinatong nito ang kamay sa kamay niyang nakahaplos sa kaniyang tiyan, dahilan para mas lalo pa siyang mapangiti. “Lumalaki na ang dalawa nating bunso,” wika ni Alejandro, mahihimigan ang saya sa boses nito. “Aren’t you feeling heavy now that they are growing inside of you?” Umiling siya at