Sa harap ng kindergarten nakatayo si Klaire at ang adoptive parents niya—sina Amanda at Nikolas Perez. Namuo ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo, wari ba ay hinahabi pa ng dalawang matanda ang mga salitang nais sabihin sa kaniya. Nakaitim na damit ang mga ito tanda ng kasalukuyang pagluluksa sa pagkawala ng kanilang tunay na anak. Lumunok si Klaire at pinagmasdan lamang ang kindergarten. Anumang oras ay lalabas na ang quadruplets at makikita ang mga ito. Hindi siya sigurado kung ano ang sasabihin kapag nagtanong ang mga bata... "Klaire, anak," panimula ng kaniyang Mommy Amanda.Kagaya noon ay napakarahan pa rin ng tono ng boses nito. Noong bata siya, kapag natatakot siya sa kidlat at kulog ay ito ang nagpapakalma sa kaniya. Kantahan lamang siya nito ay nakakatulog na siya. She used to be the best mom in the whole world. Minahal siya nito kahit na hindi siya nito totoong anak... "Why don't you get straight to the point, Mrs. Perez?" diretso niyang wika at binalingan ito ng mal
Dahan-dahang nilapat ni Klaire ang gauze sa tahi ni Alejandro sa ibaba ng kaliwang dibdib nito at saka maingat na nilagyan iyon ng tape. She was carefully dressing his wound so the healing would be seamless. Malapit nang matuyo ang sugat nito mula sa labas dahilan na rin kaya nakakagalaw na nang maayos ang lalaki. Sinarado niya ang first aid kit at tatayo na sana mula sa pagkakaluhod sa gilid ng kama nang mapansin na nakatitig sa kaniya si Alejandro. “What?” she asked. “I’ve noticed your silence the whole time when you came home with the kids. Did something happen?” nag-aalalang tanong nito. Marahan siya nitong hinila paupo sa tabi nito sa kama, hindi inaalis ang kuryosong titig sa kaniya. Nakayuko naman siya at buntong hininga. “You know you can tell me everything that’s bothering you, Klaire.” Tumango siya at binasa ang labi bago tingnan si Alejandro. “Pinuntahan ako nina Mommy Amanda kanina sa opisina para kausapin.” “What did they tell you?” “They wanted to be punished for
Tiningnan ni Klaire ang sarili sa harap ng salamin. Her pregnant belly was already showing and her face was glowing due to the sweats her body was releasing. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at hindi mapigilang mapangiti. It has been two months since she found out she was pregnant and since then, her life has changed. “Love, I called the restaurant you mentioned and they will deliver the birthday food in the kindergarten before noon,” ani Alejandro na pumasok sa kwarto nila dala ang phone at ang kape nito. Nang makita siya nitong nakaharap sa malaking salamin ay binaba nito ang mga hawak sa mesa at nilapitan siya. Niyakap siya ni Alejandro mula sa likuran at hinalikan ang gilid ng kaniyang ulo. Pinatong nito ang kamay sa kamay niyang nakahaplos sa kaniyang tiyan, dahilan para mas lalo pa siyang mapangiti. “Lumalaki na ang dalawa nating bunso,” wika ni Alejandro, mahihimigan ang saya sa boses nito. “Aren’t you feeling heavy now that they are growing inside of you?” Umiling siya at
Makalipas ang ilang buwan, Delivery room… “Mommy, malapit na lumabas ang bunso mo. Iire mo pa. Malapit na tayo matapos,” marahang wika ng doktor na nagpapa-anak sa kaniya. Ramdam niya ang sakit ng buong katawan niya at ang walang katapusang paghilab ng kaibuturan niya. Nanlalabo man ang mga mata at naliligo man ang mukha sa pawis at luha ay umire si Klaire. Sa kaniyang tabi ay hawak ni Alejandro ang kaniyang kaliwang kamay. “You can do it, my love. One more big push. He’s coming out. You can do it!” Alejandro encouraged her as he held her hand tightly. Hinalikan nito ang kaniyang noo. “You can do it, Klaire!” Nanginginig ang ibabang labi niya nang tanguhan ang asawa. Alejandro had been staying with her for almost 2 days already. Magmula ng pre-labor ay hindi na nito iniwan ang tabi niya dahil gusto nitong magkasama nilang haharapin ang pagli-labor at panganganak. Klaire didn’t get the chance to experience that when she gave birth to the quadruplet babies, and now that Alejandro
Whatever Callie Fuentabella wants, she gets. Ito ang kinalakihan ng panganay na babae ng pamilya Fuentabella. Kaya naman nang nasa edad na siya upang mag-desisyon para sa sariling buhay ay mas pinili niyang itago ang tunay na katauhan at mamuhay bilang isang normal na dalaga. When she turned twenty-three, she married her first boyfriend, Laurence Camero, a small business owner whom she thought she’d spend her lifetime with. Ngunit nagbago ang lahat ng manalo ito sa lotto at magkaroon ng lugar sa malaking industriya ng pagnenegosyo. “Tanyag na ang pangalan ng anak ko. Mayaman na ang pamilya namin kaya hiwalayan mo na si Laurence. Hindi niya kailangan ang isang mahirap na babae bilang katuwang sa buhay!” Dinuro siya ng kaniyang biyenan at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Tingnan mo nga ang sarili mo. Kapag nalaman ng mga bago kong amiga na saleslady lang ang asawa ng anak ko ay matindi itong kahihiyan sa pamilya namin!” “Mama, ano bang sinasabi niyo?” gulat niyang tanon
Consunji Department StoreSa fitting area, kagat-labing sumandal si Callie sa pader habang hinihintay ang isang mayamang customer na kasalukuyang nagfi-fit ng mga damit. Hawak ang kaniyang phone, titig na titig siya sa limang text messages na pinadala niya sa asawang si Laurence Camero, na hindi nire-reply-an ng asawa. Ngumuso siya at tiningnan ang oras sa itaas na parte ng kaniyang phone, mag-a-alas otso na ng gabi at ilang minuto na lamang ay uwian na. Muli siyang nagtipa ng text message para sa asawa. Callie: Babe, malapit na akong mag-out, hindi mo ba ako masusundo? Gusto ko pa naman sanang mag-dinner date tayo para ma-celebrate ang wedding anniversary natin. 🙁Napabuntonghininga siya matapos i-send ang text message na ‘yon. First wedding anniversary nila ni Laurence sa araw na ‘yon at gusto sana niya itong maka-date man lang. Simula kasi nang manalo ito sa lotto at makapagtayo ng malaking construction company ay naging busy na ito sa negosyo. Laurence was a goal-driven man,
Maagang nagising si Callie. Hindi umuwi si Laurence kaya naman naka-ilang text ulit siya sa asawa nang umagang ‘yon. Pansin niya ang pagiging workaholic nito kaya lamang ay kung isusubsob ng asawa ang sarili sa trabaho ay paano naman ang kalusugan nito? She couldn’t help but feel worried that Laurence might get work fatigue if this continued… Pagkababa ng unang palapag ay nakita niya ang nagkalat at nangangamoy na mga suka ng kaniyang biyenan sa sala. Napahinto siya sa pagbaba ng hagdan at napahinga nang malalim. Nakabihis na siya at paalis na sa trabaho, ngunit kung hindi niya malilinis ang sala ay paniguradong magagalit na naman ang biyenan niya sa kaniya. Kahit bumabaliktad ang sikmura sa nakasusurang amoy ng suka ay nilinis ni Callie ang mga ‘yon. She was mopping the floor when she heard her phone chime. Tinigil niya ang ginagawa at agad na tiningnan ang text message sa pag-aakalang si Laurence ang nag-text… ngunit hindi. Natasha: Kuya Clayton is going home from Singapore toda
Binuhos ni Callie ang mga luha nang gabing ‘yon habang marahan siyang inaalu ng kakambal na si Natasha. Ang malawak niyang kwarto sa mansyon na ‘yon ang naging saksi ng lahat ng sakit at pagdadalamhati ng puso niya. Hindi niya matanggap na parang basura lamang ang turing ng mga ito sa kaniya… sa kabila ng kabutihan na pinakita niya at ang labis na pagmamahal na binuhos niya sa lalaki ay ito lamang ang igaganti nito sa kaniya… nang dahil lang sa tingin nito ay hindi nababagay ang isang hamak na sales lady na kagaya niya sa kaniya.“Nagpakababa ako para sa kaniya. Tiniis ko lahat ng pagmamaltrato sa akin ng Mama niya ‘tapos ito lang ang ibabalik niya sa akin?” may diin niyang wika at nag-angat ng tingin kay Natasha na patuloy sa pagpapagaan ng loob niya habang nakahiga sila sa kama. “Humanda sa akin ang walang hiyang ‘yon, Natasha. Makikita niya kung ano ang totoong pinakawalan niya…” Tumango si Natasha at determinado siyang tiningnan. “You should fight, Callie. Ang mga gano’ng klas