Whatever Callie Fuentabella wants, she gets. Ito ang kinalakihan ng panganay na babae ng pamilya Fuentabella. Kaya naman nang nasa edad na siya upang mag-desisyon para sa sariling buhay ay mas pinili niyang itago ang tunay na katauhan at mamuhay bilang isang normal na dalaga. When she turned twenty-three, she married her first boyfriend, Laurence Camero, a small business owner whom she thought she’d spend her lifetime with. Ngunit nagbago ang lahat ng manalo ito sa lotto at magkaroon ng lugar sa malaking industriya ng pagnenegosyo. “Tanyag na ang pangalan ng anak ko. Mayaman na ang pamilya namin kaya hiwalayan mo na si Laurence. Hindi niya kailangan ang isang mahirap na babae bilang katuwang sa buhay!” Dinuro siya ng kaniyang biyenan at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Tingnan mo nga ang sarili mo. Kapag nalaman ng mga bago kong amiga na saleslady lang ang asawa ng anak ko ay matindi itong kahihiyan sa pamilya namin!” “Mama, ano bang sinasabi niyo?” gulat niyang tanon
Consunji Department StoreSa fitting area, kagat-labing sumandal si Callie sa pader habang hinihintay ang isang mayamang customer na kasalukuyang nagfi-fit ng mga damit. Hawak ang kaniyang phone, titig na titig siya sa limang text messages na pinadala niya sa asawang si Laurence Camero, na hindi nire-reply-an ng asawa. Ngumuso siya at tiningnan ang oras sa itaas na parte ng kaniyang phone, mag-a-alas otso na ng gabi at ilang minuto na lamang ay uwian na. Muli siyang nagtipa ng text message para sa asawa. Callie: Babe, malapit na akong mag-out, hindi mo ba ako masusundo? Gusto ko pa naman sanang mag-dinner date tayo para ma-celebrate ang wedding anniversary natin. 🙁Napabuntonghininga siya matapos i-send ang text message na ‘yon. First wedding anniversary nila ni Laurence sa araw na ‘yon at gusto sana niya itong maka-date man lang. Simula kasi nang manalo ito sa lotto at makapagtayo ng malaking construction company ay naging busy na ito sa negosyo. Laurence was a goal-driven man,
Maagang nagising si Callie. Hindi umuwi si Laurence kaya naman naka-ilang text ulit siya sa asawa nang umagang ‘yon. Pansin niya ang pagiging workaholic nito kaya lamang ay kung isusubsob ng asawa ang sarili sa trabaho ay paano naman ang kalusugan nito? She couldn’t help but feel worried that Laurence might get work fatigue if this continued… Pagkababa ng unang palapag ay nakita niya ang nagkalat at nangangamoy na mga suka ng kaniyang biyenan sa sala. Napahinto siya sa pagbaba ng hagdan at napahinga nang malalim. Nakabihis na siya at paalis na sa trabaho, ngunit kung hindi niya malilinis ang sala ay paniguradong magagalit na naman ang biyenan niya sa kaniya. Kahit bumabaliktad ang sikmura sa nakasusurang amoy ng suka ay nilinis ni Callie ang mga ‘yon. She was mopping the floor when she heard her phone chime. Tinigil niya ang ginagawa at agad na tiningnan ang text message sa pag-aakalang si Laurence ang nag-text… ngunit hindi. Natasha: Kuya Clayton is going home from Singapore toda
Binuhos ni Callie ang mga luha nang gabing ‘yon habang marahan siyang inaalu ng kakambal na si Natasha. Ang malawak niyang kwarto sa mansyon na ‘yon ang naging saksi ng lahat ng sakit at pagdadalamhati ng puso niya. Hindi niya matanggap na parang basura lamang ang turing ng mga ito sa kaniya… sa kabila ng kabutihan na pinakita niya at ang labis na pagmamahal na binuhos niya sa lalaki ay ito lamang ang igaganti nito sa kaniya… nang dahil lang sa tingin nito ay hindi nababagay ang isang hamak na sales lady na kagaya niya sa kaniya.“Nagpakababa ako para sa kaniya. Tiniis ko lahat ng pagmamaltrato sa akin ng Mama niya ‘tapos ito lang ang ibabalik niya sa akin?” may diin niyang wika at nag-angat ng tingin kay Natasha na patuloy sa pagpapagaan ng loob niya habang nakahiga sila sa kama. “Humanda sa akin ang walang hiyang ‘yon, Natasha. Makikita niya kung ano ang totoong pinakawalan niya…” Tumango si Natasha at determinado siyang tiningnan. “You should fight, Callie. Ang mga gano’ng klas
“Walang hiya ka!” gigil na angil ng kabit ni Laurence at umamba upang sampalin siya. Ngunit mabilis na napigilan ni Callie ang paglapat ng kamay nito sa kaniyang pisngi. Dahil sa galit ay hindi niya napigilan ang sarili at tinulak ang babae, dahilan para mahulog ito sa sahig. “How dare you!” sigaw ng babae sa inis. Dahil doon ay ilang mga mata ang nilingon sila. Mabigat na huminga si Callie, nagtatagis ang bagang habang galit na pinakatitigan ang kabit ng asawa niya na kasalukuyang gumagawa ng eskandalo upang kunin ang simpatya ng mga taong naroon. “Julia!” tawag ng pamilyar na boses. Mabilis at nag-aalalang dinaluhan ni Laurence ang kabit nito, sinuportahan ito sa pagtayo at tiningnan ang mga braso kung may natamo itong galos. Bahagyang kumirot ang puso ni Callie sa nakikita. Laurence looked very concerned with his b!tch of a mistress which doubled the anger in her heart. Ni hindi niya nakitang mag-alala ito sa kaniya noon! Galit siyang tinapunan ng tingin ng asawa. “What
“Babe, I want a grand wedding. Gusto ko na maging wedding of a century ang kasal natin. We will invite all the famous personalities in the Philippines and also invite some media to televise our wedding. For sure, maraming maiinggit sa atin!” tuwang-tuwa na saad ni Julia habang ini-imagine nito ang magiging tagpo sa wedding na pinapangarap nito pagkatapos ay bumaling kay Laurence sa driver’s seat na seryosong nagmamaneho papasok ng isang exclusive subdivision. “Babe, ano ba? Are you even listening to me?” Kunot ang noo ni Laurence habang tinatahak ang address na t-in-ext ni Callie kung saan ipapadala ang annulment papers na dapat pirmahan nito. Paano ba naman ay isa sa pinakamamahaling subdivision sa Manila ang address na binigay nito, bagay na lubos niyang pinagtataka. Nagpalit na ba ng trabaho ang asawa niya? Nangatulong na ba ito? “Babe!” untag ni Julia sa inis na tono. “Yes, babe. I’m listening, okay?” Palinga-linga si Laurence sa paligid. “Kapag nagkapirmahan na ng kontra
Wearing an elegant long A-line champagne dress, Callie looked like a real princess living in gold and riches. Sinuot niya ang kaniyang mamahaling kwintas at saka tiningnan ang sarili sa salamin. She smiled at the reflection she was seeing in the mirror. Ngayon ang araw na pinakahihintay niya. Ang araw na maipamukha sa mga Camero kung ano ang sinayang nila at ang pagkakamali ng mga ito na pagmalupitan siya. Isang katok ang nagpalingon sa kaniya sa nakauwang na pinto. It slowly opened and her father, who seemed to age like a fine wine, walked into her room with a smile plastered on his face. Ang tingin ng ama niya sa kaniya ay puno ng pagmamahal at pagkamangha. Her eyes widened in surprise and a genuine smile escaped her lips as she walked to him and hugged him tightly. “Daddy, mabuti po at nakauwi kayo nila Mommy,” aniya sa masayang boses at nag-angat ng tingin sa amang sobra niyang na-miss. “Na-miss kita, Daddy. Seems like the air in France has made you look younger, huh?” Alejand
Fuentabella Grand Hotel Pagpasok pa lamang sa lobby ay manghang-mangha na ang mga Camero sa karangyaan ng buong lugar. Tuwang-tuwa si Aurora Camero habang nakayakap sa bisig ng asawang si Robert Camero. “Napakayaman talaga ng mga Fuentabella!” bulalas ni Aurora na pusturang-pustura sa suot na kulay abong long gown. “Kapag nagkapirmahan na ng kontrata ngayong gabi ay magkakaroon na tayo ng pagkakataon na mas yumaman pa. Hindi magtatagal ay magagawa rin nating makapagpatayo ng mga ganito o ‘di kaya ay lagpasan pa ang narating ng mga Fuentabella!” “Tama ka riyan, sweetheart. Mas lalong dadami ang pera natin kapag kumapit tayo sa mga Fuentabella na magagamit nina Laurence at Julia sa pagbuo ng mga bigtime na negosyo! Makikilala ang pamilya natin sa buong bansa at titingalain din tayo ng lahat!” Humalakhak naman si Robert. Nagkatingin naman sina Laurence at Julia. Pusturang-pustura din ang mga ito sa suot na kulay asul na suit at pants at off-shoulder na long dress. Hindi mawala ang ng