“Babe, I want a grand wedding. Gusto ko na maging wedding of a century ang kasal natin. We will invite all the famous personalities in the Philippines and also invite some media to televise our wedding. For sure, maraming maiinggit sa atin!” tuwang-tuwa na saad ni Julia habang ini-imagine nito ang magiging tagpo sa wedding na pinapangarap nito pagkatapos ay bumaling kay Laurence sa driver’s seat na seryosong nagmamaneho papasok ng isang exclusive subdivision. “Babe, ano ba? Are you even listening to me?” Kunot ang noo ni Laurence habang tinatahak ang address na t-in-ext ni Callie kung saan ipapadala ang annulment papers na dapat pirmahan nito. Paano ba naman ay isa sa pinakamamahaling subdivision sa Manila ang address na binigay nito, bagay na lubos niyang pinagtataka. Nagpalit na ba ng trabaho ang asawa niya? Nangatulong na ba ito? “Babe!” untag ni Julia sa inis na tono. “Yes, babe. I’m listening, okay?” Palinga-linga si Laurence sa paligid. “Kapag nagkapirmahan na ng kontra
Wearing an elegant long A-line champagne dress, Callie looked like a real princess living in gold and riches. Sinuot niya ang kaniyang mamahaling kwintas at saka tiningnan ang sarili sa salamin. She smiled at the reflection she was seeing in the mirror. Ngayon ang araw na pinakahihintay niya. Ang araw na maipamukha sa mga Camero kung ano ang sinayang nila at ang pagkakamali ng mga ito na pagmalupitan siya. Isang katok ang nagpalingon sa kaniya sa nakauwang na pinto. It slowly opened and her father, who seemed to age like a fine wine, walked into her room with a smile plastered on his face. Ang tingin ng ama niya sa kaniya ay puno ng pagmamahal at pagkamangha. Her eyes widened in surprise and a genuine smile escaped her lips as she walked to him and hugged him tightly. “Daddy, mabuti po at nakauwi kayo nila Mommy,” aniya sa masayang boses at nag-angat ng tingin sa amang sobra niyang na-miss. “Na-miss kita, Daddy. Seems like the air in France has made you look younger, huh?” Alejand
Fuentabella Grand Hotel Pagpasok pa lamang sa lobby ay manghang-mangha na ang mga Camero sa karangyaan ng buong lugar. Tuwang-tuwa si Aurora Camero habang nakayakap sa bisig ng asawang si Robert Camero. “Napakayaman talaga ng mga Fuentabella!” bulalas ni Aurora na pusturang-pustura sa suot na kulay abong long gown. “Kapag nagkapirmahan na ng kontrata ngayong gabi ay magkakaroon na tayo ng pagkakataon na mas yumaman pa. Hindi magtatagal ay magagawa rin nating makapagpatayo ng mga ganito o ‘di kaya ay lagpasan pa ang narating ng mga Fuentabella!” “Tama ka riyan, sweetheart. Mas lalong dadami ang pera natin kapag kumapit tayo sa mga Fuentabella na magagamit nina Laurence at Julia sa pagbuo ng mga bigtime na negosyo! Makikilala ang pamilya natin sa buong bansa at titingalain din tayo ng lahat!” Humalakhak naman si Robert. Nagkatingin naman sina Laurence at Julia. Pusturang-pustura din ang mga ito sa suot na kulay asul na suit at pants at off-shoulder na long dress. Hindi mawala ang ng
"Good evening, ladies and gentlemen. We are glad to celebrate with you the 43rd anniversary of the Fuentabella Group of Companies..." Sa opisyal na pag-uumpisa ng piging ay natahimik ang mga Camero at napalingon sa pinto ng bulwagan. Aligagang nilingon ni Aurora Camero ang kaniyang anak. "Laurence, magsisimula na ang event! Halika na't iwan mo na mga walang kwentang 'yan!" Nagtatagis ang bagang na pinakatitigan ni Laurence ang lalaking bigla na lamang pumrotekta kay Callie. Sinadya pa nitong bungguin ang balikat ng lalaki at saka tiningnan nang masama si Callie bago tuluyang lapitan ang pamilya. Nakita pa ni Callie ang pag-irap sa kaniya ni Julia bago tuluyang pumasok ang mga ito sa loob ng bulwagan. Huminga siya nang malalim at nanggigigil na sinundan ng tingin ang mga ito. "Daddy, they are bad people. They shouted at Ate Callie and me. They should learn their lesson," inis na wika ni Sammy at nakasimangot na nag-angat ng tingin sa Daddy nito.Callie turned around to face the ch
Napasinghap si Callie nang bigla na lamang siyang yakapin ni Laurence. Maging ang mga tao sa paligid nila ay nagulat. Nagkaroon ng nakabibinging katahimikan sa bulwagan, kasabay ang desperadong pakiusap ng kaniyang dating asawa. "Please, Callie. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang business deal na ito," wika ni Laurence sa nagmamakaawang boses at saka bahagya siyang pinakawalan para tingnan sa mga mata. "You love me, right? Alam kong mahal mo ako at ginagawa mo lang ito upang balikan kita." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig, magsasalita na sana upang kontrahin ang sinabi ng lalaki ngunit sunud-sunod na flash mula sa mga camera ng mga media personnel at reporters ang tumama sa mukha niya dahilan para bahagya siyang mapangiwi. Hinawakan ni Laurence ang magkabila niyang mga braso at saka yumuko at masuyong sinabi, "If you really want me back that much, then I'll fulfill it. Babalikan kita, Callie. We can remarry and be happy like we used to be. I promise to make you happy
Sa family suite ng mga Fuentabella, aligagang nag-uusap ang mag-asawang sina Alejandro at Klaire, hindi makapaniwala sa nangyari sa piging. "I can't believe this has happened just now!" Napahawak sa batok si Alejandro at para bang tumataas ang dugo nang maalala ang matapang na stunt ng kanilang anak na babae. "C-Callie just asked a stranger to marry her! Klaire, hindi mo man lang pinigilan ang anak natin!" Umupo si Klaire sa couch at natatawang tiningnan ang asawa. "Callie knows what she's doing. It's all for the show to make her ex-husband stop from his delusions." "But asking someone to marry her in front of a huge crowd and media reporters?! I bet our family will be in the news after this stunt!" wika ni Alejandro at napa-pamaywang na lamang sa matinding stress. He was all out to support their daughter to make her ex-husband learn his lesson for cheating on her. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging gano'n ang tagpo ng gabi para sa kanilang pamilya! Klaire chuckled
Callie didn't know what crossed her mind but she just ran away from that place and went to the second floor of the mall. She was dumbfounded, and scared at the same time. Pakiramdam niya ay minumulto siya ng mga padalos-dalos niyang aksyon sa anniversary party ng kanilang kumpanya. Nagtungo siya sa comfort room at agad na naghilamos ng mukha. Baka sakaling mahugasan ng malamig na tubig ang kabang kumain sa kaniyang dibdib nang magkatinginan sila ng lalaking 'yon. Hindi niya inaasahan na ito ang may-ari ng Consunji Malls! Kaya naman pala naimbitihan sa party dahil hindi lamang basta-basta ang lalaki... Bumalik sa isip niya ang ginawang pagpo-propose dito sa harap ng maraming tao na ngayo'y viral sa social media at laman ng mga balita. Callie winced at that thought. Nababahala siya na baka seryosohin ng lalaki ang ginawa niya. It was nothing but a mere stunt, yet she couldn't help but worry. Alam niyang hindi dapat siya nandamay ng kahit sino ngunit dala ng labis na poot kay Laure
Suminghap si Callie at naguguluhang tiningnan ang lalaki. Walang bahid ng kung ano’ng pagpapanggap ang mukha nito, indikasyon na seryoso ito sa kung anumang mga sinabi na lubos na nagpagulo ng isipan niya. "Sir, I-I can’t marry you just like that..." Iling niya at ilang beses na kumurap. "I know I was reckless to do that stunt last night, but I am not that desperate to marry someone who I don't love." Vincenzo chuckled a bit at her statement. Para bang may nakatatawa siyang sinabi para mabali ang seryosong ekspresyon ng mukha nito. Callie’s forehead creased, feeling a bit offended at his reaction. "Are you telling me you’re still in love with your ex-husband despite how he treated you?” kuryosong tanong nito sa kaniya. Napalunok si Callie at nag-iwas ng tingin, saka dahan-dahang umupo. Hindi niya sinagot ang tanong nito, bagkus ay sinabing, "Kahit na ano pa ang sabihin mo, hindi ako magpapakasal sa iyo dahil lang sa nangyari kagabi. Kagagaling ko lang sa annulment ’tapos..." matab