Share

Chapter 45

Mabilis na hinabol ni Jace si Emerald at pinigilan siya matapos ang kanilang meeting. “Ihahatid kita sa kumpanya mo,” sabi niya. “Kukunin ko lang ang susi ng kotse.”

“Magta-taxi na lang ako,” pagtanggi ni Emerald.

“Please, Emerald. Hayaan mo akong gawin ito para sa'yo,” pagsusumamo ni Jace. Hindi na nagsalita si young Morgan at napabuntong-hininga na lang bago tumango. Hinawakan ni Higginson ang kanyang kamay at hinila papasok ng elevator.

“Anong ginagawa mo?” takang tanong ng babae.

“Kukunin ko ang susi ng kotse, at natatakot akong baka biglang umalis ka kapag iniwan kita kahit saglit, kaya isasama kita sa opisina ko, tapos sabay tayong pupunta sa parking lot,” sagot ni Jace.

“Hindi ko alam na may trust issues ka pala,” sabi ni Emerald habang umiiling. Sa kaloob-looban niya, may saya siyang naramdaman dahil nag-aalala si Jace para sa kanya. Kahit na ang balita mula kay Creep ang dahilan ng kanyang alalahanin, gumaan ang loob niya sa presensya ng lalaki.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Em
Lovella Novela

Naks naman, Jace to the rescue. Makakapuntos na rin siya.. See you po sa next chapter!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charisse nerissa
Thanks for the update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status