Kabanata 35 “L-lawson…” Hindi binuksan ni Clea ang kanyang mga mata, bagkus ay nag-aalangan niyang tinawag ang pangalan ng lalaki.Sa pag-aakala niya na nanaginip lang siya. Ang huling beses na iniligtas siya nito ay talagang nagpa-antig sa kaniyang damdamin. Gayunpaman, sa susunod na sandali, narinig niyang muli ang pamilyar na boses ng lalaki, "Well, it's me. “You’re not dreaming… it’s me, Clementine.”Ang malalim na boses ng lalaki ay talagang kaakit-akit sa pandinig niya na naging dahilan nang muling pagtulo ng luha niya. Humihikbi siyang napakapit sa braso nito. Madamdaming tumingin si Lawson sa babaeng nasa bisig niya. Pinaglandas niya ang daliri sa pisngi nito at pinalis ang luha. Hindi niya maiwasang ang pagtaas nang sulok ng kanyang labi upang itago ang ngiti. Napata gang loob n iya, ilang minuto na lang siguro ay baka kung anong nangyari na sa babae. Hinalikan niya ang noo nito at bahagyang napapikit. Tila naalala niya nang husto ang amoy nito. Bumilis ang tibok ng kani
Kabanata 36 Isang linggo na ang nakaraan. Kasalukuyan siyang nasa Coastline Resort kasama ang kaniyang pinsan na si Greta, naimbintahan itong mag-abay sa isang kasal. Hindi kasama ang kaniyang tiya Amelia dahil busy ito sa kumpaya. Marahan niyang pinaglalaruan ang mango juice na nasa kaniyang harapan habang pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid. Wala siyang kakilala maliban sa pinsan na si Greta. Pakiramdam niya kasi ay may nagmamasid sa kaniya, nagka-anxiety na yata siya kaya siya ganito ka-paranoid sa tuwing wala siya sa bahay nila. Marahas siyang napabuntonghininga, hindi na siya mabilang kung ilang beses niya itong ginawa. Ayaw man niyang mag-assume ulit, pero nagbabakasakali lamang siyang makita rito ang kaisa-isang lalaking ilang araw ng gumugulo sa kaniyang isipan. “Kanina ka pa lingon nang lingon sa paligid. Mukhang may hinahanap ka yata?" mataray na tanong ni Greta sa kaniya. Mabilis ang naging pag-iling niya. “W-wala akong hinahanap. Tinitingnan ko lang kung may..
Kabanata 37 “Sorry, matagal ko kasi bago nahanap iyong banyo," paghihingi niya ng tawad sa pinsan. Ngumiwi lang si Greta at pinagmasdan siya. “Akala ko natabunan ka ng banyo,” pagmamaldita nito. “Bakit kasi hindi ka nagtatanong.” Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Alangan naman na i-kwento niya sa pinsan na nakilala niya ang congressman at ito pa ang nagturo ng banyo sa kaniya. Mas nakakahiya iyon kaya tumahimik na lang siya. Kinain ng konsensiya ang puso niya nang bumalik sa alaala niya ang pakikitungo sa lalaki. Sana ay hindi na muling magtagpo pa ang landas nilang dalawa. “S-sorry…” muli niyang paghingi ng paumanhin.Umiling lang ito at ibinalik ang tingin sa cellphone na hawak. Hindi niya akalain na may pagka anti-social pala ang pinsan. Sa tuwing may kumakausap dito ay tipid na sagot lang ang ibinibigay. Itinuon ang sariling paningin sa ibang direksyon. Ngunit, mukhang kaagad rin niyang pinagsisihan iyon nang aksidente na namang mapunta sa gawi ni Lawson ang kaniyang paningi
Kabanata 38 "WHY did you call in a sudden, Mom?" walang emosyon ang mga mata ni Lawson nang humarap ito sa kaniyang ina. Prente itong nakaupo sa isang mahabang sofa ng kanilang living room, at seryoso itong nakatingin sa kaniya. Namana ng binata ang pagiging seryoso nito, pati ang mga matang kahit na sa isang tingin mo pa lang ay makakaramdam ka agad ng pagka-ilang. Sa edad na forty-five ay nakakamangha pa rin ang kagandahang taglay nito.Tumiim ang bagang ni Lawson. Pigil na pigil ang kaniyang inis na nararamdaman. Para siyang pinagkaitan ng kasiyahan sa mundo. Kung hindi lamang sana tumawag ang kaniyang ina'y 'di sana naangkin niyang muli ang dalaga. His mother eyed him suspiciously. Tila ay sinusuri siya nito ng maigi at hinahanapan ng kahina-hinalang bagay. Mahigit isang oras kasi siyang nakatunganga sa loob ng kaniyang sasakyan bago siya tuluyang umuwi sa kanilang mansion. Ang ina nito ang tumawag sa kaniya sa kalagitnaan ng kababalaghan na ginawa nila ni Clementine kanina sa
"GOOD to know at nagkakamabutihan na kayo ni Arthur, Clementine." Matamis na ngiti ng kaniyang tiyahin ang bumungad sa kaniya nang makapasok siya sa loob ng pamamahay nito. Ngumiti rin siya pabalik dito, hindi pinapahalatang napipilitan lamang siya sa pagtugon sa mga ngiti ng kaniyang Tiyahin. "Uhm... mabuti nga po, Tiya, e," napipilitang usal niya. Hangga't maaari ay ayaw na niyang pag-usapan na naman nilang dalawa ng kaniyang Tiyahin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Arthur. Dahil natitiyak niya na mas lalo lang siyang ipagpipilitan sa binata. "Oh, bakit pala hindi mo pinapasok si Arthur?" tanong pa nito at dumungaw sa labas. "Ikaw talaga! Sana'y pinapasok mo muna dito," kunot-noong saad nito sa kaniya. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi upang mapigilan ang sariling makapagsalita ng bagay na ikakapawi ng ngiti ng kaniyang Tiya Amelia. "Uhm, ano po kasi... Nagmamadali na siyang umuwi dahil tumawag ang mama niya. And we're having a good time naman po sa naging lakad namin.
SA PAGDILAT nang mga mata ni Clea ay kaniyang napagtanto na isang buwan na pala ang nakalilipas magmula noong ipinatapon siya ng kaniyang sariling mga magulang sa isang probinsya na tinitirhan ng kaniyang tiyahin, ang kapatid ng kaniyang ina. Hindi maiwasang maglakbay ng kaniyang isipan. Kumusta na kaya ang mga taong naiwan niya sa lugar na kaniyang pinagmulan? Kumusta na kaya ang kaniyang ex-fiancé? Hindi niya pa rin malubos maisip kung totoo ba ang sinabi ni Arthur sa kaniya tungkol kay Sampson. Sana'y balang araw ay mapapatawad siya nito sa kaniyang nagawang pagkakamali. Hindi niya naman sana iyon sinasadya ngunit ang nakakapagtaka'y walang mababahid sa kaniya na kahit katiting na pagsisisi. Napahinto si Clea sa kaniyang malalim na pag-iisip nang may tumikhim mula sa kaniyang likuran. Kasalukuyan siyang nakaupo sa garden ng bahay ng kaniyang tiyahin. Wala na siyang magawa pa sa buhay dahil wala naman siyang ibang bagay na maaaring gawin. Wala siyang trabaho, at hindi niya alam k
Kabanata 39 NAPATAMPAL si Clea sa sariling noo nang mapagtanto niyang ubos na ang stocks ng mga pagkain sa loob ng ref nang buksan niya iyon. Araw ng Linggo ngayon kaya nama'y day off din ng mga katulong ng kaniyang Tiya Amelia. She sighed and look around, nagbabakasakaling may mahanap na kahit anong puwedeng gawin niyang almusal. Ngunit wala din siyang makitang kahit na anong puwede niyang kainin.Siya lang ulit ang tao sa bahay dahil umalis at pumunta sa isang resort ang kaniyang Tiyahin kasama ang mga amega nito. Sa susunod na araw pa raw ang balik nito kung kaya't maaari niyang gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin nang malaya. Ang kaniyang pinsan namang si Greta ay nakita niyang nagmamadali itong umalis kanina at hindi man lang nagpaalam sa kaniya. Mabuti na lang at may perang binilin sa kaniya ang kanilang katulong bago ito umalis at umuwi sa bahay nito, pinabibigay daw iyon ng kaniyang Tiyahin sa kaniya dahil maaga itong umalis kanina at tulog pa siya sa mga oras na iyon.B
"CLEMENTINE! Come back here!" Hindi nakinig si Clea at patuloy lamang ito sa pagtakbo palayo ng sasakyan ni Lawson. Habang si Lawson nama'y namimilipit sa sakit dahil naisahan siya ni Clea at sinipa nito ang hinaharap niya. Hindi naman gano'n kalakas ang pagsipang ginawa ng dalaga ngunit sapat na upang masaktan siya. "Clementine!" Napalinga-linga si Clea sa paligid at naghahanap ng pagtataguan. Hindi niya alam kung saang parte ng probinsya siya dinala ng binata dahil magandang karagatan agad ang bumungad sa paningin niya nang magising siya mula sa pagpapatulog sa kaniya ni Val kanina. Napahinto siya sa pagtakbo at napahawak sa magkabilang tuhod niya. Binasa niya ang kaniyang ibabang labi dahil kanina pa iyon natutuyo at pakiramdam niya'y pati ang kaniyang lalamunan ay natutuyo na rin sa pagtakbong ginawa niya. Pinahiran niya ang pawisan niyang noo at suminghap ng hangin sa paligid. Umayos siya ng tayo nang makakita ng isang bukas na gate sa hindi kalayuan. Lakad-takbo siyang nagtu