Kabanata 38 "WHY did you call in a sudden, Mom?" walang emosyon ang mga mata ni Lawson nang humarap ito sa kaniyang ina. Prente itong nakaupo sa isang mahabang sofa ng kanilang living room, at seryoso itong nakatingin sa kaniya. Namana ng binata ang pagiging seryoso nito, pati ang mga matang kahit na sa isang tingin mo pa lang ay makakaramdam ka agad ng pagka-ilang. Sa edad na forty-five ay nakakamangha pa rin ang kagandahang taglay nito.Tumiim ang bagang ni Lawson. Pigil na pigil ang kaniyang inis na nararamdaman. Para siyang pinagkaitan ng kasiyahan sa mundo. Kung hindi lamang sana tumawag ang kaniyang ina'y 'di sana naangkin niyang muli ang dalaga. His mother eyed him suspiciously. Tila ay sinusuri siya nito ng maigi at hinahanapan ng kahina-hinalang bagay. Mahigit isang oras kasi siyang nakatunganga sa loob ng kaniyang sasakyan bago siya tuluyang umuwi sa kanilang mansion. Ang ina nito ang tumawag sa kaniya sa kalagitnaan ng kababalaghan na ginawa nila ni Clementine kanina sa
"GOOD to know at nagkakamabutihan na kayo ni Arthur, Clementine." Matamis na ngiti ng kaniyang tiyahin ang bumungad sa kaniya nang makapasok siya sa loob ng pamamahay nito. Ngumiti rin siya pabalik dito, hindi pinapahalatang napipilitan lamang siya sa pagtugon sa mga ngiti ng kaniyang Tiyahin. "Uhm... mabuti nga po, Tiya, e," napipilitang usal niya. Hangga't maaari ay ayaw na niyang pag-usapan na naman nilang dalawa ng kaniyang Tiyahin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Arthur. Dahil natitiyak niya na mas lalo lang siyang ipagpipilitan sa binata. "Oh, bakit pala hindi mo pinapasok si Arthur?" tanong pa nito at dumungaw sa labas. "Ikaw talaga! Sana'y pinapasok mo muna dito," kunot-noong saad nito sa kaniya. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi upang mapigilan ang sariling makapagsalita ng bagay na ikakapawi ng ngiti ng kaniyang Tiya Amelia. "Uhm, ano po kasi... Nagmamadali na siyang umuwi dahil tumawag ang mama niya. And we're having a good time naman po sa naging lakad namin.
SA PAGDILAT nang mga mata ni Clea ay kaniyang napagtanto na isang buwan na pala ang nakalilipas magmula noong ipinatapon siya ng kaniyang sariling mga magulang sa isang probinsya na tinitirhan ng kaniyang tiyahin, ang kapatid ng kaniyang ina. Hindi maiwasang maglakbay ng kaniyang isipan. Kumusta na kaya ang mga taong naiwan niya sa lugar na kaniyang pinagmulan? Kumusta na kaya ang kaniyang ex-fiancé? Hindi niya pa rin malubos maisip kung totoo ba ang sinabi ni Arthur sa kaniya tungkol kay Sampson. Sana'y balang araw ay mapapatawad siya nito sa kaniyang nagawang pagkakamali. Hindi niya naman sana iyon sinasadya ngunit ang nakakapagtaka'y walang mababahid sa kaniya na kahit katiting na pagsisisi. Napahinto si Clea sa kaniyang malalim na pag-iisip nang may tumikhim mula sa kaniyang likuran. Kasalukuyan siyang nakaupo sa garden ng bahay ng kaniyang tiyahin. Wala na siyang magawa pa sa buhay dahil wala naman siyang ibang bagay na maaaring gawin. Wala siyang trabaho, at hindi niya alam k
Kabanata 39 NAPATAMPAL si Clea sa sariling noo nang mapagtanto niyang ubos na ang stocks ng mga pagkain sa loob ng ref nang buksan niya iyon. Araw ng Linggo ngayon kaya nama'y day off din ng mga katulong ng kaniyang Tiya Amelia. She sighed and look around, nagbabakasakaling may mahanap na kahit anong puwedeng gawin niyang almusal. Ngunit wala din siyang makitang kahit na anong puwede niyang kainin.Siya lang ulit ang tao sa bahay dahil umalis at pumunta sa isang resort ang kaniyang Tiyahin kasama ang mga amega nito. Sa susunod na araw pa raw ang balik nito kung kaya't maaari niyang gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin nang malaya. Ang kaniyang pinsan namang si Greta ay nakita niyang nagmamadali itong umalis kanina at hindi man lang nagpaalam sa kaniya. Mabuti na lang at may perang binilin sa kaniya ang kanilang katulong bago ito umalis at umuwi sa bahay nito, pinabibigay daw iyon ng kaniyang Tiyahin sa kaniya dahil maaga itong umalis kanina at tulog pa siya sa mga oras na iyon.B
"CLEMENTINE! Come back here!" Hindi nakinig si Clea at patuloy lamang ito sa pagtakbo palayo ng sasakyan ni Lawson. Habang si Lawson nama'y namimilipit sa sakit dahil naisahan siya ni Clea at sinipa nito ang hinaharap niya. Hindi naman gano'n kalakas ang pagsipang ginawa ng dalaga ngunit sapat na upang masaktan siya. "Clementine!" Napalinga-linga si Clea sa paligid at naghahanap ng pagtataguan. Hindi niya alam kung saang parte ng probinsya siya dinala ng binata dahil magandang karagatan agad ang bumungad sa paningin niya nang magising siya mula sa pagpapatulog sa kaniya ni Val kanina. Napahinto siya sa pagtakbo at napahawak sa magkabilang tuhod niya. Binasa niya ang kaniyang ibabang labi dahil kanina pa iyon natutuyo at pakiramdam niya'y pati ang kaniyang lalamunan ay natutuyo na rin sa pagtakbong ginawa niya. Pinahiran niya ang pawisan niyang noo at suminghap ng hangin sa paligid. Umayos siya ng tayo nang makakita ng isang bukas na gate sa hindi kalayuan. Lakad-takbo siyang nagtu
INILAGAY si Clea ni Lawson sa ilalim ng shower nang pareho na silang makapasok sa loob ng banyo. Agad na naramdaman ng dalaga ang pagpatak ng maliliit na botel ng tubig sa kaniyang suot na damit nang buksan ni Lawson ang shower. Sinunggaban siya ng halik ni Lawson, at hindi niya maiwasang mapadaing. Naramdaman niya ang paghawak nito sa laylayan ng kaniyang damit at unti-unti iyong itinaas upang mahubad niya nang tuluyan ang pang itaas na suot. Napahawak si Clea sa matitipunong braso ni Lawson, may suot pa rin itong damit hanggang ngayon kaya naman nang mabasa iyon ay unti-unting bumabakat ang walong pandesal na kailanman ay ngayon pa lamang niya nasilayan. Ngunit nasisiguro niya naman na dati pa'y mayroon nang gano'n ang binata dahil sa magagandang pangangatawan nito. Halatang ginawa ng past time ang pag-g-gym. "L-Lawson..." Dum*ing siya nang suot naman niyang bra ang tinanggal ni Lawson. Hindi niya talaga alam kung bakit nakakaramdam na naman siya ng ganitong klase na pakiramdam
Manila, Philippines.Nakasuot ng itim na business suit si Clea habang papasok sa loob ng Volkswagen Company. Tumingala siya at ilang segundong pinagmasdan ang mataas na gusali. Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nong huling pagkikita nila ni Lawson.She hesitated to go inside. Narito siya para sa isang interview, graduate naman siya ng college ngunit hindi siya maaaring bumalik sa hospital na pinagtatrabahuhan niya noon.Company doctor ang offer sa kaniya, at kahit papaano ay naging masaya siya. She applied for several companies in a row, but have not received any news of success. Lahat ay tinatanggihan siya.Thinking of the purse that was completely withered, she had to compromise. Moreover, the Valdemar Company is the most famous company in Manila, ranking in the top ten in the world, and its salary is extremely high. Masuwerte na siya kung papaunlakan man niya ang pag-a-apply sa kumpanyang ito. The position was good for her and the salary is half higher kung sakali mang matata
Kabanata 45 Natigilan ang dalawa at masamang tumingin kay Clea. “Ha!” Nangalit ang ngipin nang babaeng nasa front desk at masamang tumingin kay Clea. “I can’t believe it!” reklamo naman nong isang babae, si Harriet. “Kung usapang good moral and right conduct mas lalong wala ka noon, bitch. Mas mabuting umalis ka na lang dito.” “Ang tapang mong pumunta sa kumpanya ng mga Volkswagen, e hamak na hampaslupa ka lang naman. Hindi mo kailangang mag-ayos ng ganito dahil mo maaakit ang atensyon ng presidente.” Nakataas kilay na saad ng babaeng nasa front desk kay Clea. Namula ang pisngi niya. “Hindi iyan ang intension ko sa pagpunta rito,” pagtatanggol niya sa sarili. Kailanman ay hindi niya iniisip ang gano'ng klaseng bagay. Siya, mag-aayos upang maagaw ang atensyon ng presidente ng kumpanya? That's too impossible. Nandito siya para mag-apply ng trabaho at hindi para agawin ang atensyon ng isang lalaki. Hindi niya rin naman personal na kilala ang president ng kumpanya. Nagalit si Clem