"Bakit hindi mo pa gawin ang misyon mo? Gusto mo bang ako na mismo ang magtarak niyan sa d****b ko para sa'yo?!" Um-echo ang galit na galit na boses ng isang dalaga sa loob ng kakahuyan. Ang napakaganda nitong mata ay agad na naging kulay pula dahil sa sobrang galit. Lumilitaw din sa buong katawan nito ang nagkukulay-itim na mga litid at ang matutulis na pangil nito ay handang makapanakit anumang oras.
"I'm sorry," sabi lang ng lalaki at mabilis na lumapit sa dalaga at ibinigay dito ang metal na bagay dahil ito lang ang makakakitil sa buhay niya. "Kill me."
Ngunit sa halip ay itinutok ng dalaga ang metal na bagay sa tapat ng d****b. "This is what you want right?" Puno ng hinanakit nitong sabi at walang pagaalinlangang ibinaon ang matulis na bagay sa sariling d****b dahilan para maghumindig sa takot ang lalaki. "I loved you and t-trusted you but you b-broke me."
Agad na sinalo ng lalaki ang dalaga at nanginginig ang kamay na niyakap ito. Punong-puno ng pagsisisi. "I'm sorry... please... don't close your eyes. I'm b-begging... please n-no..."
"H-Hindi kita mapapata...wad..." hirap nitong sabi kasabay ng pagpatak ng luha nito.
"N-No... you can't die like this. May p-paraan pa..."
*****
Kabanata 1
Mag-iisang buwan na simula nang mamatay ang Mama ni Holly. Mag-iisang buwan na din siyang nakakulong lamang sa kwarto, bumababa lamang kapag kakain at pagkatapos ay babalik na ulit. Hindi rin siya pumapasok, wala siyang gana sa lahat.
Tinali niya ang kaniyang mahabang buhok at lumabas ng kwarto. Gabi na kaya naman nakakaramdam na siya ng gutom, ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakababa ng hagdan ay kusang tumigil ang mga paa niya sa paghakbang. Mula sa kusina ay dinig na dinig niya ang malalakas na tawanan ng mga naroon.
"May bisita ba si Papa?" tanong niya sa sarili.
"Saan po ba ang magiging kwarto ko Papa? Excited na po kasi ako," sabi ng isang matinis na boses.
Na-estatwa siya. Anong sinasabi no'n? Papa?Kwarto?
"H'wag mo ngang tanungin ang tito mo ng ganiyan Liza, nakakahiya."
"Hayaan mo na Locel, dito na naman kayo titira. At kayong dalawa, Papa na ang itawag niyo sa'kin, h'wag kayong mahihiya."
Nai-kuyom ni Holly ang parehong kamay. Totoo ba ang narinig niya?
Malakas ang kabog ng kaniyang d****b na naglakad muli hanggang sa tuluyan na siyang makababa. Kinakabahan siya dahil posibleng tama ang nasa isip niya. At lalo pang kumabog ang d****b niya nang makita na ang mga ito, mukhang nagkakasayahan pa.
Sa harap ng Papa niya ay isang babae na sa tingin niya ay mas bata ng mga limang taon dito, katabi naman ng babae ang dalawang anak nito, isang babae at isang lalaki na sa tingin niya ay kambal at nasisiguro niyang ka-edad lamang niya.
Napatingin sa gawi niya 'yong Locel. Medyo nagulat pa ito nang makita siya.
"Siya na ba ang kapatid namin?" tanong no'ng Liza. Namimilog pa ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. "Ang ganda naman niya Papa."
Pinagpawisan siya ng malamig. Kumibot-kibot ang labi niya, hindi niya malaman kung magsasalita o hindi. Sobra ang pagkabog ng d****b niya.
"A-anong kapatid?" mahina niyang tanong na parang siya lamang ang nakarinig dahil sa panginginig ng boses.
Mas lumapad pa ang pagkakangiti ni Liza sa kaniya. "Halika na dito, kumain na tayo. Dito ka sa tabi ko."
Hindi niya pinansin ang sinabi nito bagkus ay tumingin siya sa Papa niya na patuloy lamang sa pagkain, hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
"Pa?" nagtatanong na tawag niya dito.
"Kung ayaw mong sumabay sa amin, patapusin mo muna kami," walang ganang sabi nito.
Mabilis na nangilid ang luha ni Holly dahil do'n.
"Ano ka ba Marlon. Hija halika, sumabay kana sa amin," sabi naman ni Locel na nameke pa ng ngiti.
Napasinghap siya. Gusto niya itong lapitan at paalisin sa pwestong 'yon ng Mama niya pero wala siyang lakas. Parang naubos ang lakas niya sa mga narinig at nakita. Sapat na 'yon para manghina siya.
Nanginginig ang mga kamay at tuhod niyang tumalikod. Napapalunok siyang naglakad.
"Imposible," umiiyak niyang sabi.
Kamamatay lamang ng Mama niya pero nakuhang mag-asawa ulit ng Papa niya ng ganoon na lamang kabilis, parang walang nangyari. Wala ba talaga itong pakialam sa posible niyang maramdaman? Anak siya nito at bakit ganoon na lamang ang naging trato nito sa kaniya?
"Ang s-sama sama ng l-loob ko," nahihirapan niyang sabi dahil sa sobrang pag-iyak. Dinaklot niya ang d****b dahil pakiramdam niya ay naninikip 'yon.
Ang pagkamatay ng Mama niya sa isang aksidente, pinalabas itong pangkaraniwan lamang dahil sa naka-inom daw ito ngunit hindi siya naniwala doon, bukod kasi sa hindi ito nagmamaneho ng lasing ay may saksak ito sa kaliwang d****b na pinalabas din na dahil lamang iyon sa nabasag na windshield ng kotse.
Ngunit sa nangyayari ngayon ay hindi na niya 'yon mapaniwalaan pa ng tuluyan. Alam niyang masama ang mamintang dahil wala siyang ebidensiya pero bakit iyon ang nararamdaman niya? Bakit iyon ang nasa isip niya?At ang tungkol sa sinabi ni Liza kanina, ayaw iyon tanggapin ng isip at puso niya. Totoo bang kapatid niya ang mga ito? Paano nangyari 'yon? Kailan pa niloloko ng Papa niya ang Mama niya?
Dumapa siya sa kama at doon umiyak ng umiyak. Gulong-gulo ang isip niya at ang mga narinig niya kanina ay lalo pang nagpagulo dito. Nasasaktan siya ng sobra para sa sarili niya at lalo na para sa Mama niya. Sumama lalo ang loob niya sa Papa niya, paano nito nagawa 'yon sa Mama niya?
Hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iyak.
.
.
Nagising si Holly kinabukasan dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang paa mula sa nakabukas niyang bintana. Hindi agad siya kumilos, ang bigat ng pakiramdam niya. Nakatulala lamang siya sa kisame na animo'y naghahanap ng sagot sa kaniyang mga katanungan.
Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tumayo, naligo at bumaba. Napakatahimik ng bahay, ang tagaluto lamang nilang si Manang Flor ang naabutan niya sa kusina.
"Ipaghahanda na kita hija. Wala ang Papa mo ngayon kasama siya ng..." Hindi nito naituloy pa ang sasabihin at napatungo na lamang nang makita nito ang reaksyon sa kaniyang mukha. Nalulungkot siya ngunit nangingibabaw pa rin ang galit.
"Okay lang po Manang. Ako na po ang bahala dito." Kumuha siya ng pagkain at walang ganang sumubo.
Mapait siyang napangiti.
Kung totoong kapatid niya ang mga 'yon, masasabi niyang matagal na nang lokohin ng Papa niya ang Mama niya. Tingin kasi niya ay magkasing-edad lamang sila ng mga ito.
Tiningnan niya ang tagaluto na nakayuko pa rin. "Manang, kilala niyo ba 'yong Locel?"
Nag-angat ito ng tingin at bahagyang napatitig sa kaniya.
Nameke siya ng ngiti. "Sige Manang, hindi mo kailangan sagutin, alam kong hindi mo siya kilala."
Lalo pa itong natulala sa kaniya habang kumikibot-kibot ang labi.
"Tapos na po ako." Tumayo na siya at nang nasa may pintuan na ay nilingon niyang muli ang tagaluto. Pansin niya ang panginginig ng kamay nito. Base sa pinapakita nitong reaksiyon mula pa kanina ay masasabi niyang may nga alam ito. Iyon nga lang, hindi siya pwedeng mamintang agad-agad. Ang magagawa lang niya sa ngayon ay manahimik habang nagmamasid.
"Malalaman ko rin ang totoo Mama," bulong niya habang nakatingin sa picture nila at ng mama niya.
Nasa kwarto lang siya at ginugugol ang oras sa pag-iisip. Ganoon lamang ang eksena niya buong araw.
"Ang saya-saya ko talaga Papa. First time kong makapunta doon, salamat po ah."
Nilingon niya ang pintuan na parang makikita niya doon ang masayang mukha ni Liza.
"Walang problema. Sige na magpahinga na muna kayo, alam kong napagod kayo."
Mabilis niyang hinagilap ang headset at sinalpak 'yon sa tainga niya. Nilakasan niya ang volume dahil ayaw niyang marinig ang masasayang boses na 'yon. Nalulungkot, naiinggit at nagagalit, 'yon ang nararamdaman niya. Kung dati ay sila 'yong masaya, sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Nagbago ang pakikitungo sa kaniya ng Papa niya na parang isa lamang siyang sampid sa bago nitong pamilya.
Inayos niya ang sarili nang mawala ang ingay sa labas at pagkatapos ay bumaba siya.
Sa sala ay nakita niya ang Papa niyang nagbabasa ng libro.
Lumapit siya dito. "Pa."
Hindi ito sumagot at kahit ang lingunin siya ay hindi nito ginawa. Gusto niyang maiyak.
"Bakit mo ginagawa sa'kin 'to P-papa? May nagawa po ba akong mali?" tanong niya habang nangingilid na ang mga luha.
"At ang t-tungkol sa k-kanila..." parang naumid ang dila niya at hirap na hirap itanong 'yon. "Totoo po bang kapatid ko ang mga 'yon? S-sabihin mo nga s-sakin Papa, kailan mo pa niloloko si Mama?" Tuluyan nang pumatak ang luha niya sa huling linyang kaniyang binitawan.
At doon lamang din siya nilingon nito ngunit galit ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
"Tumigil ka na. Wala kang karapatan magtanong."
Kinagat niya ang labi para ikubli ang paghikbi. Masyadong masakit ang naging sagot nito.
"Kailan mo pa n-niloloko si Mama? Iyon lang Papa ang gusto kong sagu---"
"Sinabi kong tumigil ka na!"
Napapitlag siya sa pagsigaw nito at napatitig na lamang. Sa unang pagkakataon ay sinigawan siya nito dahil lamang sa nagtanong siya.
"P-papa," umiiyak niyang tawag dito. Umaasang hihingi ito ng paumanhin dahil sa nasigawan siya nito katulad ng ginagawa nito dati, pero mukhang imposible na 'yon dahil tinalikuran na siya nito. Wala siyang ibang nagawa kundi ang panoorin ito paalis, habang siya naman ay nasasaktan na pinapanood ang bawat paghakbang nito.
Sa mga oras din na 'yon, pakiramdam ni Holly ay hindi na niya kilala ang Papa niya dahil sa trato nito sa kaniya. Hindi na ito ang Papa niya.
Pinahid niya ang luha nang makasakay na sa kotse. "Malalaman ko rin ang totoo, Ma."
Tumigil siya sa harap ng AC's Bar.
Ito ang pangalawang beses na pumunta siya sa ganitong lugar. Una ay nang maghiwalay sila ng ex-boyfriend niya at ang pangalawa ay ang ngayon. At dahil sa edad niyang labing-walo ay nakakapasok na siya sa mga ganitong lugar.
Dumiretso si Holly sa bar counter.
"Masyadong matapang ito, Miss. Sigurado ka ba dito?" Inilapag nito ang baso ng in-order niyang alak.
"Hindi ako o-order kung hindi ako sigurado," pagsusungit niya. Kinuha niya ang baso at diretsong ininom ang laman nito.
Tiningnan niyang muli ang barista na nakangiwi na sa kaniya. "Isa pa."
Nawawalan naman ng pag-asa itong sumunod.
"Ano ba babe, n-nakikiliti ako..."
Nasagi siya sa likod ng mga ito.
"Ano ba!" iritableng sigaw niya.
Nagulat ang dalawa. "S-sorry hindi ko si--"
"Anong sorry babe? Bakit ka nagso-sorry sa kaniya?" Lumapit ang lalaki kay Holly. "Hoy, ikaw...bakit mo sinigawan ang girlfriend ko ha?"
Inirapan lang ito ni Holly.
"Hoy! Tinatanong kita!"
Inilapag niya ang hawak na baso at naaasar na tiningnan ang dalawa na mukhang lasing na rin. "Sino rin bang may sabi sayong sigawan mo ako ha!"
"Sino bang unang sumigaw? Ikaw 'di ba!"
Parang sobrang bigdeal naman nito dito. Sila na nga 'yong nakasagi sa kaniya.
"Mag-sorry ka sa girlfriend ko, bilisan mo."
Natawa siya. "Sino ka ba para utusan ako?"
Nanlisik ang mga mata nito. "Ako? Ako lang naman ang boyfriend ng babaeng 'to? Kilala mo ba siya ha?ha?"
Tumayo siya. "Wala akong pakialam kung sino ka at sino siya. Tabi!" Binunggo niya ang balikat nito.
"Hoy!"
Hindi na niya nilingon pa ang dalawa. Hinayaan niya itong magsisigaw doon.
Masyado ngang matapang ang alak na ininom niya dahil nakaramdam na siya ng hilo.
Nakipagsisikan siya sa mga taong nagsasayaw sa dance floor at nakisabay sa tugtog. Tumalon-talon siya at kumembot-kembot.
"Woohh!" sigaw niya. "Ang saya dito!"
"Hi, gorgeous!"
Nahihilo niyang inaninag ang mukha ng lalaking lumapit sa kaniya at sinabayan ang pagsayaw niya. Napangiti siya.
"Hi, handsome!"
Inikot niya ang magkabilang braso sa leeg ng lalaki na ikinatuwa naman nito. Ito ang unang beses niyang gawin 'yon sa ganitong lugar at sa hindi niya pa kilala, wala naman sigurong masama, Papa nga niya ay wala nang pakialam sa kaniya.
"Hahaha!" tawa niya na napalitan din ng iyak maya-maya.
"H-hey, why are you crying?"
Pinahid niya ang luha at tumawa ulit.
"Masaya lang ako! Congratulations to me! Hahaha!"
Sumayaw pa siya ng sumayaw na parang walang kapaguran. "Wohh! Hahaha!"
At nang mapagod ay bumalik na siya sa kinauupuan niya kanina.
"K-kuya, isa pa. G-grabe, ang sarap ng alak niyo k-kuya, hahaha!"
Nahihirapan na siyang i-focus ang paningin sa baristang kaharap. Masyado na siyang nahihilo.
"Lasing na kayo, Miss."
"Ano bang pakialam m-mo? May pakialam ka ba sa'kin h-ha?"
"Lasing na po ka--"
"Bar ito 'di ba? B-bakit bawal m-maglasing? Bigyan mo pa ako ng isa! B-bilis!" suray niyang sigaw.
"P-pero..."
"Bigyan mo siya."
Nilingon ni Holly ang lalaking umupo sa tabing upuan habang sumusuray ang tingin. "Ang gwapo mo n-naman, hehe. At saka s-salamat, i-ito kasing si kuya...lasing na daw a-ako, hehe."
Hindi naman ito sumagot.
"Kaso ang s-sungit mo pala. A-alam mo bang a-ayaw kong dini-dedma a-ako? A-ayaw ko no'n, hehe."
Nasisiguro ni Holly na nakakahiya na ang hitsura niya pero wala siyang pakialam.
Mapakla siyang tumawa. "May bago ng p-pamilya ang P-papa." Humikbi siya. Sobrang sama g kaniyang loob.
Bakit ba naaalala pa niya 'yon? Hindi ba nakakamanhid ang alak?
"Magpatuloy ka."
Natawa siya habang tumutulo ang luha. "Kamamatay lang ni M-mama..." Inubos niya ang natitirang laman ng kaniyang baso, "...n-nakuha niyang mag-asawa agad. Ah, mali pala dahil m-matagal na, hahaha!"
Natawa na naman siya, bukod sa mga sinasabi niya ay dahil din sa pagku-kuwento niya sa estrangherong lalaking kaharap niya.
"H-hoy ikaw, b-bakit mo ba ako k-kinakausap ha? Hehe."
"Lasing ka na," sabi nito.
Umirap siya. "Ano naman ngayon ha? Sino k-ka ba?"
Tumayo si Holly ngunit nawalan ng balanse. Mabuti na lamang at may sumalo sa kaniya mula sa likuran.
"Hi, gorgeous."
Nahihirapan niyang iminulat muli ang mata para tingnan ang lalaking sumalo sa kaniya. "Ah, hehe," wala sa sariling tawa niya.
"Mag-isa ka lang ba? Ihahatid na kita."
Ngumiti si Holly. Alam pa niya ang ginagawa niya pero hindi na niya mapigilan ang mga ginagawa niyang kilos at mga sinasabi.
"W-walang problema, hahaha!"
Sobra na ang hilo niya at nasusuka na rin siya kaya ipinikit niya ang mga mata at hinayaan na itong akayin siya.
"She's with me. Ako ang maghahatid sa kaniya."
Natigilan silang pareho nang kunin nito ang braso niya at hilahin palapit sa katawan nito. Nahihilo na siya at lalo pang nahilo dahil sa ginawa nitong paghila. Siya 'yong lalaking kausap niya kanina sa counter.
"Sigurado ka ba?" tanong naman ng isa pero hindi na ito nakatanggap ng sagot.
"Halika na."
Inalalayan siya nito sa paglakad.
"T-teka lang, hindi kita kilala. Uuwi ako mag-isa, kaya k-ko." Pilit niyang binabawi ang braso pero wala na siyang lakas. Masyado ring mahigpit ang pagkakakapit nito.
"A-ano ba!"
"Hindi mo rin kilala ang lalaking 'yon pero magpapahatid ka?"
Hinarap ito ni Holly. "Bakit ba? Bumalik ka na do'n. K-kaya k-kong umuwi mag-isa. Ha! Ako pa ba?"
Binitawan siya nito kaya muntikan na naman siyang matumba. Mabuti na lamang at naagapan siya nitong mahawakan ulit sa braso.
"Ihahatid kita."
"Uuwi na a-ako. Salamat na lang." Kinapa niya ang susi sa pouch niya.
"Ihahatid kita," pag-uulit na naman nito.
Tiningnan niyang muli ang lalaki. Sino ba ito?
"Sandali nga, kilala mo ba ako? Bakit feeling ko k-kilala mo na a-ako? Ha?"
Hindi na naman ito sumagot. Walang emosyon at nakatingin lang sa kaniya.
"Ang wirdo mo." Sa wakas ay nakuha na niya ang susi ngunit nabitawan naman niya. "A-ano ba naman 'yan."
Pinulot ito ng lalaki at ito na rin ang nagbukas ng pinto. Binuksan din nito ang kabilang pinto at inalalayan siyang makapasok.
"Saan mo ako d-dadalhin? Kung kidnap for ransom 'to, ngayon pa lang s-sinasabi ko na sayo, wala kang makukuha sa Papa ko." Naipikit niya ng mariin ang mga mata niya. "Wala na siyang... pakialam sa'kin...*hik."
Wala na yata siyang mailuha pa, purong kalungkutan na lamang ang nararamdaman niya.
"Teka, alam mo ba kung saan ako nakatira?" Tumingin siya sa labas ng bintana kahit nahihilo at tama nga ang nilikuan nito. "H-hoy, stalker kita 'no? Ano bang pangalan mo?"
Tiningnan niya ang lalaki. Kahit sumusuray ay hindi lumagpas sa paningin niya ang nagsusumigaw nitong matangos na ilong, makinis din ang mukha nito at maputi, mas maputi at makinis pa yata ito sa kaniya. Maayos din ang buhok nito na mayroong bangs, parang 'yong sa mga Koreano.
"Koreano ka ba? Ano bang pangalan mo?" Sinilip niya ang mukha nito. "Ah, alam ko na. Siguro tatay mo Koreano at ang nanay mo ay Filipino, t-tama ako 'no? Kaya pala ang gwapo mo, hehe."
Hindi na naman ito umimik.
"Nakakatakot ka naman.Akala ko ba stalker kita? Dapat masaya ka ngayon kasi... kasi nakausap mo na ako 'di ba?" Humagikhik siya.
"Lasing ka, matulog ka na."
"Sagutin mo muna 'yong tanong ko, Koreano ka ba? Hehe." Kumurap-kurap na ang mata niya at bumibigat na rin ang pakiramdam. "S-sagutin mo na kasi."
"Hindi."
Sinilip niyang muli ang mukha nito. "Eh, ano pala? Hapon ka? Intsik? Mukha ka kasing taga-ibang bansa, hehehe."
Hindi ito sumagot.
"Ang sungit n-naman ng isang 'to. A-alam mo bang ayaw k-kong dini-dedma?" Humikab siya.
"Sleep."
Ngumuso siya. "Grabe n-naman mag-utos ang isang...to."
Parang may kung anong humile sa kaniya at ang mga mata niya at mas bumigat pa lalo at hindi niya magawang labanan dahilan upang unti-unti siyang mapapikit at makatulog.
✖-✖-✖-✖Napabalikwas ng bangon si Holly nang magising kinabukasan.Kinapa niya ang sarili. "P-p-paano ako nakauwi?"Wala naman sigurong nangyari sa kaniya. Kinapa niya ang braso at nakaramdam ng sakit. "A-aray."Ano na naman kaya ang nangyari sa kaniya? Nadapa na naman ba siya?Humiga siya muli at inisip ang mga nangyari simula sa pagpunta niya sa bar kagabi hanggang sa...Praning niyang niyakap ang sarili. "T-teka, may ginawa ba siya sa'kin? Bakit ang sakit ng braso ko?"Inalala niyang maigi ang mga nangyari. Wala talaga siyang ibang maalala. Ang tanging pumapasok lamang sa isip niya ay ang paghigit nito sa kaniya mula sa lalaking sumalo sa kaniya nang muntik na siyang matumba at magpresintang ito ang maghahatid sa kaniya, 'yon lang.Naipikit niya ang mata ng mariin. Praning na siya kung pag-iisipan niya ng masama ang taong 'yon."Pero bakit masakit ang braso ko?" Hinilot-hilot niya ang k
"Ikaw?" Ito 'yong lalaking sa bar at siya ring naghatid sa kaniya. Hindi ito umimik. Nakatingin lang ito sa kaniya na parang pinag-aaralan ang kabuuan ng kaniyang mukha. Lumapit pa ito sa kaniya at walang pasabi siyang binunat. Nabigla siya sa ginawa nito. "A-ano ba, masakit. Ibaba mo ako," utos niya habang iniinda ang nagkikirutang mga sugat. "May gasgas ka rin sa tuhod at mga paa mo, hindi kita pwedeng ibaba," tanging sagot nito. Walang kabuhay-buhay. Hindi na naka-angal pa si Holly nang dahan-dahan siya nitong i-upo sa back seat ng kotse nito, pagkatapos ay bumalik itong may dalang first-aid kit. Walang imik nitong kinuha ang kamay niya. Siya naman ay pinapanood lang ang bawat kilos nito. "Aray, a-ang sakit," angal niya. Hindi pa rin ito tumitingin sa kaniya at tutok na tutok sa paglilinis ng gasgas niya sa palad. Nanginginig pa ang kamay nitong may hawak na bulak.
✖-✖-✖-✖Nagtatangis ang mga ngiping umupo si Khalil sa kahoy na sofa ng inuukupahang kwarto. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawa ang simpleng utos sa kaniya ng Alpha. Nahihirapan siyang kumilos gayong magiging madali lamang naman sa kaniya ang lahat. Walang kahirap-hirap na niyang nagawa ang unang utos sa kaniya, ngunit ang isang 'to ay mukhang nahihirapan siya.Kapalit ng posisyon na maging kanang kamay ng Alpha, binigyan siya nito ng misyon upang mapatunayan na karapat-dapat siya sa posisyong 'yon. Hinanap niya ang babaeng nagtraydor sa Alpha na minsan na ring minahal nito. Nahirapan s'yang hanapin ang babae dahil sa bagay na ninakaw nito na pag-aari ng buong angkan na magagamit upang mamuhay bilang isang normal na tao.Ngunit nalaman nilang may anak ito at inutos sa kaniyang paslangin din ito katulad ng kaniyang ina. Ngunit hindi madali para sa kaniyang gawin 'yon dahil nasisiguro niya ang isang bagay...
✖-✖-✖-✖Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang insidente. Nalaman ni Holly na ang pamilya ni Jin ang nagmamay-ari ng coffee shop na 'yon. Hindi niya lang ito nakikita noon dahil sa kabilang University ito nag-aaral. Nakita siya nitong tumakbo sa lugar na 'yon kaya sinundan siya nito. Nalaman din niyang nasa kulungan na ang dalawang nagtangka sa kaniya.Nagpapasalamat siya ng sobra sa binata.Biglang nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya ang tumatawag."Hello?""Hi, Holly. Good morning," sabi sa kabilang linya."Jin?"Bahagyang itong tumawa. "I want to invite you over for a dinner. Hindi pa tapos magcelebrate ng anniversary ang parents ko. Masyado nilang mahal ang isa't isa.""Sige," nakangiti niyang sagot kahit hindi naman nakikita ng binata."Talaga?""Oo naman. Sige, see you later.""See you later."Hindi niya ito matatanggihan. Bilang pasalamat na ri
✖-✖-✖-✖Tahimik lamang si Holly habang nagbabasa ng pocket book. Nakaipit ito sa isang aklat kaya hindi pansin ng mga kagrupo. Kasalukuyan kasi silang nasa library ng tanghaling 'yon para mag-research sa assignment nila sa history. At hindi history book ang binabasa niya. It's not her first time naman na magbasa siya ng pocket book pero ito ang first time na magbasa sa gitna ng pag-aaral. Ibinabaling lamang niya ang atensiyon dito."May suggestion kayo na mas magandang topic?" tanong ni Ryan, ang leader nila.Hindi siya umimik at nagpatuloy sa pagbabasa. Hinayaan niya ang mga itong mag-usap."Ano bang ginagawa mo?" mataray na tanong ni Amy at saka hinablot ang librong binabasa niya."What the hell?" bulalas nito pagkakita sa pocket book. "We're trying our best here para makahanap ng interesting topic tapos ikaw... are you even with us?""Hindi," diretsang sagot niya. Muli niyang kinuha ang libro at itinuloy ang pagbabasa.
✖-✖-✖-✖ Alam ni Khalil ang nangyayari kay Holly. Pinapanood niya ito mula sa puno katabi ng bahay nito na katapat ng kwarto ng babae. Napakabigat at alam niya ang ganoong pakiramdam. Galit na galit ang kalooban nito sa mga oras na 'yon at nais kumitil ng buhay. Mula sa pag-alis ng babae kanina at hanggang sa pag-uwi ay sinusundan niya ito. Nais niyang kumpirmahin kung totoo ang nasa isip niya bago niya isagawa ang nasabing utos sa kaniya. At sa pagkakataong ito ay mayroon na siyang kakaunting patunay ngunit hindi pa ito sapat para masabing totoo nga ito. Ayaw niyang magpadalos-dalos dahil hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya kung sakaling makagawa siya ng mali. Nasisigurado niyang buhay niya ang magiging kapalit at may mas hihigit pa ro'n. Ngunit kung patuloy siyang matatagalan ay maaaring hindi rin maganda ang kalabasan. Agad siyang nagkubli nang makitang sumilip sa bintana ang ama ng babae at pagkuwa'y sinarado na ang bin
"T-teka, teka lang." Binawi ni Holly ang braso mula kay Khalil. "Ikaw, sinusundan mo ba ako ha?" tanong niya. Ngunit sa halip na sagutin ay muli na naman siya nitong hinawakan sa braso at inalalayang umupo sa passenger seat. "H-hoy, bakit pakiramdam ko kilala mo na ako." Umupo sa driver seat si Khalil at hindi pinansin ang sinabi niya. "Ihahatid na kita." Tinaas ni Holly ang kaliwang kamay. "D-don't. Dito lang muna ako." "It's late." "W-wala namang naghihitay sa'kin sa bahay kaya d-dito lang muna ako." Sumunod ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. "Hayyyy, ang sayyyyaaaa sayyyyaaaa namannnn..." ungot ni Holly maya-maya habang ang ulo ay nakahilig sa braso niyang nakapatong sa nakabukas na bintana na kotse. Tiningnan ni Khalil ang babae. Namumungay ang mga mata nitong diretso lang na nakatingin sa kung saan. At kahit nakatagilid ang mukha nito mula sa kaniya ay mababakas mo pa rin ang lungkot.
✖-✖-✖-✖Lumabas si Khalil mula sa isa pang kwarto sa loob ng kaniyang apartment. Alam niyang nakaalis na si Holly.Kinuha niya ang kapirasong papel na nakadikit sa pinto ng kwartong tinuluyan nito kagabi. Hindi dapat niya ito dinala sa apartment niya ngunit panay ang ungot ng dalaga kagabi na kung p'wede ay hindi muna ito umuwi.'Thank you' --Iyon ang nakasulat sa papel."Oh, is that a love letter?"Napatiim bagang si Khalil nang marinig ang boses ni Tyron mula sa kaniyang likuran.Mariin niyang kinuyumos ang papel na hawak bago hinarap ang kapatid. "What are you doing here?""What did she say?" Nakangisi ito habang nakatingin sa papel na nasa kamay niya.Kinuwelyuhan niya si Tryon. "What are you doing here?" pag-uulit niya sa tanong.Hinawakan ni Tyron ang kamay niya at buong pwersa itong tinanggal mula sa mahigpit na pagkakakapit niya. "I'm just here to tell you this, bibigyan kita ng isan
✖-✖-✖-✖ Gabi na'y lumalangoy pa rin si Holly sa pool. Hindi s'ya makatulog. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Liza kanina. Paano nito nasabi 'yon? May alam kaya ito tungkol sa kaniya? Nang mapagod ay umahon s'ya at sinuot ang roba. Umupo s'ya sa upuan na nandoon at binuksan ang isang canned beer. Kanina ay sinubukan niyang tanungin ang Papa niya tungkol doon pero katulad ng dati'y wala s'yang nakuhang sagot. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa tubig habang ang kamay ay pinaglalaruan ang lata ng beer nang maramdaman niyang may umupo sa katabing upuan. "Malamig na, why aren't you getting inside?" tanong ni Justine at saka nagbukas ng beer. "I'm sorry about Liza's attitude earlier." Napabuntong-hininga naman s'ya at saka ito tiningnan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na h'wag kang hihingi ng pasensya para sa kapatid mo." "Kahit ako, hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang ganoong walang katotoha
60 years ago..."A-Ayokong umalis... p-please... dito lang ako... pinatay nila ang mama at papa ko..." iyak ng batang si Marlon. Narinig kasi ng batang lalaki ang usapan ng mga ito na ilalabas na ito mula sa lugar na iyon."Hindi maaari. Kailangan mo ng umuwi. Hindi ka ligtas sa lugar na ito," ani Dexter."Ayaw ko, p-papatayin din nila ako..."Nagkatinginan ang tatlo."Mas nakakatakot sa lugar na ito," ani Alexandre."Ako ang maghahatid sa'yo. Huwag ka ng umiyak," si Joaquin.Mas lalo lang umiyak ang bata. "Ayaw ko! Dito lang ako! Gawin niyo rin akong katulad niyo! Ayaw kong umuwi!"Nagkatinginan na naman ang tatlo."Bakit? Ano ba kami?"Agad na nagtago ang bata sa likod ni Dexter at natatakot na tiningnan si Alexandre.Natawa naman si Alexandre. "H'wag kang matakot sa'kin. Gusto ko lang malaman kung bakit nasabi mo iyon." At saka ito ngumiti pero ang bata'y mas lalo pang nagtago.Kinapit
Nang makapagpaalam sa isa't isa'y pinauna ni Holly na umalis ang mga kasama. Sinadya niya talaga 'yon para kausapin si Jin."Alam mo ba na ako ang ipagkakasundo sa'yo?" tanong niya sa binata na katabi lamang niya. Katulad niya'y pinauna rin nito ang mga magulang.Hinarap niya ito. Ito naman ay parang nag-aalinlangan na sumagot. Hindi naman niya ito sinisisi dahil katulad niya ay wala rin itong magagawa pwera na lamang kung tumanggi ito. Hindi naman sa naga-aasume pero hindi lingid sa kaniya ang ibig sabihin ng ikinikilos nito pero para sa kaniya ay kaibigan lang ang tingin niya dito."Y-Yes," sagot nito. "I'm sorry."Napabuntong-hininga naman s'ya. "Don't say sorry. Gusto ko lang naman malaman ang sagot sa itinanong ko. By the way, thank you." Siguro nga ay s'ya dapat ang magpasalamat dahil pumayag ang binata. "But I want to be honest Jin, pumayag lamang ako sa kagustuhan ng Papa ko dahil sa kalusugan niya." She doesn't want to give him false hope.
60 years ago...Suot ang isang pangkarinawang kasuotan , tumakbo si Dexter sa loob ng kakahuyan at tinahak ang isang makipot na duluhan at pagkalabas doon ay isang malawak na kaparangan na tinatabunan ng lilim ng mga nagkakapalang mga dahon ng mga puno. Limang-daang taon na s'yang namumuhay pero sa hitsura niya'y para lamang s'yang nasa bente-singko. Matikas ang pangangatawan. Hindi rin nakakatakot ang kaniyang aura, hindi katulad ng mga sumunod na henerasyon. At kahit na bampira ay mayroon s'yang malambot na puso.Siya ang Alpha- ang kauna-unahang bampira na nabuhay sa mundo at ang pinagmulan ng iba pang mga bampira. Ngunit wala pang nakakakita sa tunay niyang hitsura.Sa tuwing umaalis s'ya mula sa tahanan ay nagsusuot s'ya ng damit kagaya lang ng mga nasa mababang antas ng kanilang lipunan.Maya-maya pa ay dumating si Alexandre, ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Sumunod si Joaquin na dumating, ito ang ginawa niyang mensahero ng kanilang a
Ilang minuto ang lumipas nang bumitaw na rin si Khalil. Hinaplos niya ang pisngi ni Holly habang mataman itong tinitingnan sa mga mata. Napatitig naman si Holly sa lalaki. Gusto niya ng sagot. "Gusto mo rin ba ako?" tanong niya. Pero sa halip ay nag-iwas ito ng tingin. "Ihahatid na kita." Napatango s'ya ng tipid. Ano pala ang ibig sabihin ng halik na 'yon? "Kung gano'n, bakit mo ako hinalikan?" Hinawakan niya si Khalil sa braso at saka ito pinaharap sa kaniya. Sinalubong niya ang malungkot nitong mga mata. "I'm sorry," sabi lang nito at saka tumayo. "It's late. Kailangan mo ng umuwi." Malamya s'yang tumayo at sumakay na rin. At habang nasa byahe ay walang umiimik. Hanggang sa makarating ay tahimik pa rin silang dalawa. Umasa s'yang sasabihin nito na gusto rin s'ya nito at 'yon ang ibig sabihin ng halik na 'yon. "T-Thank you," sabi ni Holly. "Huwag kang magpasalamat." Kinapitan ulit niya ito na
Hindi pa man nasisimulan ni Holly ang pagkain niya para sa umagahan ay biglang sumugod si manang Celesta sa kaniya at sinabing tumatawag si Locel. Hindi niya sana ito kukunin pero nabasa niya ang reaksyon sa mukha ng matanda at mukhang importante ang tawag. "Holly," bungad ni Locel. "Kailangan mo ng umuwi." Napataas ang kilay ni Holly. "Why?" walang gana niyang tanong. "Ang Papa mo, dinala sa hospital." Doon natigilan si Holly. "B-Bakit, anong nangyari sa kaniya?" "Hindi naman ito urgent pero if you still care, umuwi ka dito, 'yon ay kung gusto mo pang umuwi at malaman kung ano ang nangyari sa kaniya." Biglang nag-iba ang tono ng pananalita ni Locel. Matapos ang tawag ay hindi na s'ya magkandaugagang umakyat sa kwarto para kunin ang susi ng kotse. "Kailangan ko na hong umuwi manang Celesta." "Oh, s-sige... basta ay mag-iingat ka." Sumakay na agad s'ya sa kotse pagkalabas at saka 'yon pinaandar. Abot-abot ang kaba ni
Sapo ni Holly ang bibig dahil natatakot s'yang marinig ng mga kaklase niya ang mabilis niyang paghinga."It's creepy here. Bumalik na tayo sa beach house. Baka nandoon na s'ya," sabi ni Amy na sinang-ayunan naman ng lahat.Parang nabunutan ng tinik si Holly at nanghihinang napaupo sa lupa nang maramdamang wala na ang mga ito. Masyado s'yang pinanghihina ng kaniyang kaba."I told you not to come out at this hour."Nag-angat ng tingin si Holly sa dumating na si Khalil.Hindi s'ya makapagsalita at parang maiiyak na s'ya anumang oras. Pilit s'yang tumayo at lumapit sa lalaki. Bigla s'yang napayakap dito dahil sa takot. Sa takot na masaktan at makapanakit.Naramdaman naman niyang niyakap rin s'ya nito."Bumalik ka na.," sabi nito at hinawakan s'ya sa mga braso.Umiling si Holly. Wala ang kwintas niya at natatakot s'yang bumalik sa beach house dahil nandoon ang kaniyang mga kaklase."I-lock mo ang pinto ng kwarto mo kung
✖-✖-✖-✖Nakatayo si Holly sa labas ng gate ng katabing bahay dala ang ipinahanda niyang hapunan kay manang Celesta. Nakita kasi niya si Khalil kanina na pumasok dito, hula niya ay dito na ulit ito tumutuloy matapos nang huli niya itong makita. Tatlong araw na rin ang lumipas simula nang mangyari ang insedente at hindi manlang s'ya nakapagpasalamat sa lalaki."Oh, Holly? Pasok ka, pasok ka," sabi ni aleng Demi, ang may-ari ng bahay."Salamat po. Dito po ba tumutuloy si Khalil?" Sumunod s'ya sa matanda."Ah, iyong gwapong lalaki ba?"Pakiramdam ni Holly ay namula na naman ang mukha niya nang tingnan s'ya ng matanda na may nanunudyong tingin."Oo, andito nga s'ya. Nasa taas. Halika at ihahatid kita. Nobyo mo ba s'ya, hija?"Napalunok si Holly at parang sinindihan na ang buong mukha niya. "H-Hindi po. Kaibigan ko lang po s'ya.""H'wag ka ng mahiya. Bagay naman kayo. Oh sige
✖-✖-✖-✖Gamit ang palad, pinunasan ni Holly ang tumulong pawis sa gilid ng pisngi niya. Naglagay s'ya ng lupa at abono sa pasong binili n'ya kanina sa bayan para pagtaniman ng bulaklak.Wala s'yang magawa kaya naman ito ang naisipan niya. Matagal na rin noong huli s'yang magtanim ng bulaklak. Mayroon din naman sa bahay nila sa Manila pero nang mamatay ang Mama niya ay hindi na niya ito naalagaan.Dati ay ang pagtatanim ng bulaklak ang laging bonding nila ng Mama niya. Hindi niya hilig ang mga ito pero dahil sa Mama niya ay kinahiligan niya na rin."Hija, magtatanghali na. Hindi ka pa ba tapos?" si manang Celesta habang may dalang baso ng juice."Didiligan ko na lang po at tapos na.""Oh sige, iiwan ko na lang ito dito hah?" Inilapag nito ang hawak sa kalapit na mesa.Siya naman ay inisa-isang diligan ng mga tinanim.Biglang pumasok sa isip niya ang pinakapaboritong bulaklak ng Mama niya. Hindi niya alam na m