"Ikaw?"
Ito 'yong lalaking sa bar at siya ring naghatid sa kaniya.
Hindi ito umimik. Nakatingin lang ito sa kaniya na parang pinag-aaralan ang kabuuan ng kaniyang mukha.
Lumapit pa ito sa kaniya at walang pasabi siyang binunat. Nabigla siya sa ginawa nito.
"A-ano ba, masakit. Ibaba mo ako," utos niya habang iniinda ang nagkikirutang mga sugat.
"May gasgas ka rin sa tuhod at mga paa mo, hindi kita pwedeng ibaba," tanging sagot nito. Walang kabuhay-buhay.
Hindi na naka-angal pa si Holly nang dahan-dahan siya nitong i-upo sa back seat ng kotse nito, pagkatapos ay bumalik itong may dalang first-aid kit.
Walang imik nitong kinuha ang kamay niya. Siya naman ay pinapanood lang ang bawat kilos nito.
"Aray, a-ang sakit," angal niya.
Hindi pa rin ito tumitingin sa kaniya at tutok na tutok sa paglilinis ng gasgas niya sa palad. Nanginginig pa ang kamay nitong may hawak na bulak.
"Marunong ka ba n'yan?"
"Bakit bigla kang tumawid?" imbis ay tanong nito sa kaniya.
Naalala niyang bigla si ate Daisy, ang dahilan kung bakit siya tumakbo.
"M-may hinahabol ako pero hindi ko naabutan dahil nabangga mo ako."
Hinawakan nito ang braso niya. Napaiwas pa siya ng tingin nang medyo mapalapit ang mukha nito sa mukha niya. Kailangan bang ganito kalapit? Pero mukha namang wala lang ito dito.
"Magiging mas mahapdi ang isang 'to dahil medyo malalim ang gasgas."
Tumango-tango siya at pinanood ulit ito sa ginagawa.
"A-aray, dahan-dahan naman," reklamo niya habang nakangiwi.
Napatitig siya dito nang marahan nitong inihipan ang brasong may gasgas. Napalunok pa siya nang dahan-dahan itong tumingin sa kaniya.
"Iyong tuhod mo may gasgas din," sabi nito.
Nag-iwas siya ng tingin. "A-ako na lang."
Nahiya rin siya bigla, hindi naman sila close.
"Hindi mo magagamot 'yan dahil masakit ang mga kamay mo," walang kaemo-emosyong sabi pa nito.
Lalo pa siyang nailang dahil sa paraan ng pagsasalita nito. Parang walang kwenta ang kausap.
"Kay manang Celesta na lang," tanggi niya. "I-ihatid mo na lang ako."
Sa halip na pansinin ang sinabi niya ay inabot nito ang kaniyang kanang binti. Napapitlag pa siya dahil sa ginawa nitong 'yon.
"T-teka, akina 'yang binti ko, masakit." Medyo naiinis na siya dito dahil hindi ito tumitigil sa ginagawa ngunit hindi niya pinahalata.
"Huwag kang malikot."
Ipinatong nito ng dahan-dahan ang paa niya sa katabing upuan, ito naman ay nasa paanan niya.
Ang awkward naman.
"A-ah, ihatid m-mo na lang ako sa a-amin," naiilang talaga niyang sabi. Hindi talaga siya komportable sa posisyon niya habang pinapanood niyang linisin nito ang gasgas niya sa tuhod at paa. "O-okay lang talaga, kaya ko na 'yan."
Ngunit hindi pa rin ito natinag sa ginagawa.
"Ihahatid kita kapag tapos na."
Nag-iwas ng tingin si Holly at pinanood na lamang ang mga nagkikislapang ilaw sa labas. Mukhang hindi naman nito pakikinggan ang sinasabi niya. Hinayaan na niya ito sa ginagawa hanggang sa matapos.
Bumalik na ito sa driver seat at nagmaneho. Walang umiimik hanggang sa marating na nila ang beach house.
"Iyang bahay na 'yan, d'yan ako tumutuloy. Sige, tuloy na ako, salamat." Sinubukan niyang tumayo ngunit para lamang mapaupo ulit. Masakit talaga ang mga paa niya at tuhod.
"Ihahatid na kita."
Nawirduhan na naman siya sa lalaki. Talaga bang may taong kasing cold ng isang 'to?
"A-ah, sige."
Inalalayan siya nitong makababa ng kotse. "K-kaya ko na." Binawi niya ang braso at paika-ikang naglakad. Hirap na hirap siyang ibalanse ang sarili.
"Hindi mo kayang maglakad." Lumapit ito sa kaniya at walang pasabi na naman siyang binuhat.
"A-ano bang ginagawa mo?" taka niyang tanong.
Sobra na siyang naiilang. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa siya nitong buhatin, p'wede naman kasing alalayan na lamang siya nitong maglakad.
"Ibaba mo na ako," nahihiyang sabi niya. Pinagtitinginan na rin sila ng mga taong kanilang nadadaanan. "H-hindi mo ako kailangang b-buhatin."
Wala na naman itong imik katulad kanina. Ano bang mayroon sa lalaking ito?
Sinalubong sila ni Manang Celesta sa pintuan, mukhang nag-aalala pagkakita sa mga gasgas niya at sugat.
"Oh, hija? Anong nangyari sayo?" tanong nito at pinagbuksan sila ng gate.
Pagkapasok sa loob ay maingat siyang ini-upo nito sa sofa.
"Salamat, maupo ka muna," anyaya niya kay Khalil.
"Hindi na, mauna na ako."
Hindi na nito hinintay pa ang sagot niya, lumabas na nga ito.
"Ang wirdo talaga niya."
Hinipan niya ang gasgas sa may siko. "A-ah, ang hapdi."
Lumapit sa kaniya si Manang na may dalang isang basong tubig. "Ano bang nangyari sayo hija? Nasaan na 'yong kasama mo?"
"Umalis na po, nasagasaan niya po ako kanina pero hindi naman gano'n kalakas, kaya ito lang ang inabot ko." Umayos siya ng upo at muling hinipan ang siko.
"Ganoon ba? Mag-ingat ka sa sunod ha? Ito ang tubig, uminom ka."
Inabot niya iyon. "Salamat po."
"Makaka-akyat ka ba sa kwarto mo?"
"Oo naman po, magpapahinga lang po ako saglit dito at aakyat na."
"Sige hija, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka."
Ipinikit niya ang mata. "Sige po."
Nanghinayang siya, hindi niya naabutan si ate Daisy at ito pa ang inabot niya. Paano pa niya ito mahahanap?
At tungkol naman sa lalaking 'yon, hindi niya alam kung nago-overthink lang ba siya pero pakiramdam niya ay may kakaiba talaga sa lalaki. Kung makipag-usap kasi ito, akala mo ay kilala na siya nito, kahit pa napaka cold nito kung magsalita. Ngayon lang siya nakakilala ng gano'ng klase tao.
Biglang kumirot ang sugat sa palad niya.
"Hay, napakamalas naman ng araw 'to," reklamo niya.
.
.
Nakatanaw sa mga nagkakasiyahang tao si Holly, lumabas siya sa balkonahe ng kwarto kahit nagkikirutan ang mga sugat at gasgas niya. Napaka-lively ng buong paligid. Marami pa rin ang lumalangoy kahit malamig na ang gabi.
Napalingon siya sa katabing bahay, nagulat siya nang makita doon ang lalaki, hindi pa rin niya alam ang pangalan nito. Nakatingin ito sa gawi niya. Hindi naman nakakapagtaka kung makita niya ito doon, ang ipinagtataka niya ay kung bakit nakatingin ito sa kaniya. Walang mababasang kahit na anong emosyon sa mukha nito. Nawiwirduhan talaga siya.
Tatawagin sana niya ito pero pumasok na ito sa loob kaya pinanood na lang niya ulit ang mga taong nagkakasiyahan.
Naalala niya ang Papa niya, hindi man lang siya nito nagawang tawagan o kaya i-text man lang para itanong kung saan siya pumunta. Napabuntong hininga siya. Hindi na dapat siya umasa, dahil mukhang wala na siyang aasahan pa mula dito. Masaya na ito sa bago nitong pamilya.
"Hija?"
Lumingon siya sa pinto at nakita niya si Manang Celesta.
"Inumin mo ang gamot mo bago matulog para mawala ang kirot ng mga sugat mo," sabi nito.
"Sige po, salamat Manang."
Pagka-alis nito'y pumasok na rin siya sa loob, ininom niya ang gamot at maingat na humiga sa kama. Hindi naman nagtagal at nakaramdam na rin siya ng antok.
.
.
Kinabukasan ay nagising siyang nananakit ang mga sugat. Maingat siyang bumaba ng hagdan, naabutan niya si Manang Celesta na naghahanda ng umagahan.
"Kamusta ang mga sugat mo, hija? Nakatulog ka ba ng maayos?"
Umupo siya. "Maayos naman po ang tulog ko, pero masakit po ngayon ang mga sugat ko."
Nilagyan siya nito ng pagkain sa plato.
"Manang..." bitin niyang tawag dito. "Kilala niyo po ba si ate Daisy? Taga-rito po siya 'di ba?"
Tumigil ito sa paglalagay ng sinangag na kanin sa plato niya. "Si Daisy? Iyon bang may-ari ng Black Moustache Cafe?"
"Cafe ho?" tanong niya.
"Oo, may cafe siya d'yan sa tabi ng sari-sari store ni Arches. Bakit mo nga pala naitanong?"
"Ah, kaibigan po kasi siya ni Mama noon. Gusto ko lang po sana mangamusta." Sumubo siya ng bacon.
Nang matapos kumain ay inayos niya ang sarili.
"Alis lang po ako saglit, manang."
Lumabas siya ng bahay at maingat na naglakad. Hinanap niya ang cafe na sinabi sa kaniya ni manang Celesta.
"Holly!"
Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa kaniya. Nakita niya si Jin na kumakaway.
Patakbo itong lumapit sa kaniya. "Hindi kita nakita kagabi."
Naalala niyang inimbitahan nga siya nitong manood ng banda nila. "Ah, may nangyari lang," sagot niya.
Ngumiti ito at sabay silang naglakad. "Saan ka pupunta? P'wede kitang samahan?"
"Hinahanap ko 'yong cafe dito na Black Moustache."
"Gano'n ba, samahan na kita."
Ngumiti siya sa binata. "Sige."
Ilang minuto pa at nahanap na nila ang cafe. Iyon nga lang ay sarado pa ito.
Lumapit silang pareho.
"Ah, Miss?" tawag pansin ni Holly sa isang babaeng nakaupo sa may gilid nito.
"Ako po?" Tinuro nito ang sarili.
"Ah, nasaan ang may-ari nitong cafe?" tanong niya.
"Si ate Daisy po? Hindi ko po alam eh. Ito naman pong cafe niya, sa hapon pa po nagbubukas. " paliwanag nito.
"Gano'n ba, saan ba ang bahay niya?" tanong naman ni Jin.
"D'yan lang po sa labas, pero wala po siya do'n ngayon."
Napabuntong-hininga si Holly. "Gano'n ba? Sige, thank you." Tumalikod na siya at naglakad pabalik.
"Balik na lang tayo mamaya," ani Jin habang nangunguna ng maglakad. "Ah, Holly? P'wede bang mauna na ako sayo?"
Tumango siya. "Oo naman."
"Kita na lang tayo mamaya." Kumaway ito sa kaniya at patakbong umalis.
"Anong nangyari do'n?" tanong niya sa sarili.
Tumigil siya sa tapat ng beach house na tinutuluyan katabi ng bahay nila. Tiningnan niya ang kwarto nitong bukas pa rin ang bintana hanggang ngayon.
"S'ya lang ba mag-isa d'yan?" tanong niya sa sarili patungkol sa lalaki.
Lumakad na siya ulit at pumasok na sa bahay. Umupo siya sa sofa at in-on ang tv. Mukhang wala siyang gagawin buong maghapon lalo na sa lagay niyang 'yon.
"Isa na namang krimen ang naganap malapit sa South W***s Mall dito sa B***, L****a. Kinikilalang si Arman Maninsala na taga S****, L****a ang nasawi. Isa itong crew sa Jollibee ng nasabing Mall. Ayon sa nakasaksi, masasabing hindi 'raw' pangkaraniwang nilalang ang gumawa nito sa biktima..."
In-off ni Holly ang tv. Ayaw niyang manood ng mga eksenang gano'n, naaalala niya ang Mama niya.
Umakyat s'ya sa kwarto at doon na lang nagtambay. Masakit pa ang katawan niya kaya pinili na lang niyang mahiga sa kama at mag online sa social media account.
Picture agad ni Liza ang bumungad sa news feed niya. May yakap-yakap itong aso.
"Meet my Archee, Papa's gift," basa niya sa caption.
Wala naman itong ginagawa pero bigla siyang nakaramdam ng inis. Nagseselos siya, 'yon ang tamang tawag sa nararamdaman niya.
.
.
.
Pumikit si Holly at dinama ang malamig na hangin na tumatama sa balat niya ng gabing 'yon. Nakakarelax din ang tunog ng hampas ng alon. Sa bahaging ito siya pumunta, kung saan kakaunti lang ang tao. Dito siya dumiretso matapos bumalik sa cafe, sarado pa rin 'yon at hindi nagbukas.
Nanatili siyang nakatayo habang nakatanaw sa lawak ng dagat.Ngunit maya-maya ay naramdaman niya na parang may nakamasid sa kaniya. Paglingon ay wala naman siyang taong nakita. Iginala niya rin ang paningin sa paligid, ngunit wala naman siyang ibang nakita kundi ang mga nagkukumpulang turista. May mga naglalangoy din. Wala namang kakaiba pero bakit iba ang pakiramdam niya?
Ipinagsawalang bahala na lamang niya ito.
Babalik na siya bukas sa Manila, at hindi manlang niya nakausap si ate Daisy. Naalala niyang nagmamadali ito no'ng nakaraang gabi, kaya siguro wala ito ngayon sa cafe. Pupuntahan na lang siguro niya ito bukas sa bahay nito bago siya umuwi.
Tumayo na siya nang mas lumamig na ang simoy ng hangin. Ngunit hindi pa man siya nagsisimulang maglakad nang may mapansin siyang rebulto ng taong nakatayo sa isang medyo madilim na parte ng niyugan sa likod. Medyo nakakubli ito ngunit nasisiguro niyang sa kaniya ito nakatingin. Kinabahan siya kaya binilisan na niya ang paglalakad kahit masakit pa ang mga sugat niya. Iba ang pakiramdam niya sa presensyang 'yon, tila ay napakabigat at nakakatakot.
Sinalubong siya ni Manang Celesta na kabababa lamang sa hagdan.
"Nasaan na 'yong kasama mo, hija?" tanong nito na ang tinutukoy ay si Jin. Kasama niya ito kanina nang bumalik sa cafe pero nagpaalam ito sa kaniya nang tawagin ito ng kaibigan.
"Hindi ko po alam eh," tanging naisagot niya. Hindi pa rin mawala sa isip niya 'yong nakita niya kanina.
"Naiwan kasi niya ang cellphone niya sa sofa, kanina pa may tumatawag. Mukhang importante."
Nilingon niya ang sofa nang mag ring ang cellphone. Lumapit siya at kinuha ito.
"Kanina pa 'yan simula nang umalis kayo."
"Sige Manang, hahanapin ko muna siya."
Lumabas ulit siya ng bahay. Sa sobrang dami ng tao ay mukhang mahihirapan siyang hanapin ito.
Tumigil siya sa harap ng bahay na katabi lang ng sa kanila. Sigurado siyang dito ito tumutuloy dahil ito lang naman ang katabi ng bahay nila, 'yon ang sinabi nito sa kaniya kanina.
Maliwanag sa loob ng bahay at may naririnig din siyang mga nag-uusap.
Pumasok siya sa nakabukas na gate. Medyo nakaawang din ang pinto ng bahay. Tatawag na sana siya nang lumabas si Jin. Mukhang nagulat ito pagkakita sa kaniya.
"Oh, Holly?" Nakangiti na ito nang lumapit sa kaniya.
"Naiwan mo ito sa bahay, kanina pa may tumatawag, mukhang importante."
Inabot nito 'yon. "Gano'n ba? Pasensya na sa abala. At saka pala pasensiya na at hindi ako nakabalik kanina, may importante lang na nangyari."
"Okay lang. Sige, alis na ako."
"Wait, pasok ka muna." Pinagbuksan siya nito ng pinto.
"Hindi na, kailangan ko na rin bumalik," tanggi niya. Sumasakit na ang mga sugat niya, gusto niya ng magpahinga.
"Gano'n ba?"
Inihatid siya nito hangaang sa labas ng gate bago magpaalam.
Papasok na sana siya sa bahay nang mapansin niya ang isang pamilyar na tao hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Nakakubli ang kalahating katawan nito sa isang puno. At ang bigat na pakiramdam ay naramdaman na naman niya.
Naglakas loob siyang humakbang palapit dito. Hindi naman ito umaalis sa pwesto.
"Ikaw?" pagkilala niya sa lalaki. Si wierd guy. Napawi ang kaba niya ngunit naroon pa rin ang bigat na pakiramdam
Lumapit siya sa lalaki. "A-anong ginagawa mo dito?"
"Kamusta ang mga sugat mo?" Imbis na sagutin ang tanong niya ay tanong rin ang naging sagot nito.
"A-ah, okay naman na." Tumingin siya sa katabi na seryoso pa rin ang mukha. Walang pagbabago.
"Kanina ka pa ba dito?"
"Hindi."
Gusto niyang kumpirmahin kung ito ang pigurang nakita niya kanina sa dilim, ngunit mukha namang hindi.
"Ang ganda ng buwan 'di ba?" bigla ay tanong niya upang ibaling sa iba ang bigat na nararamdaman. Bakit nga ba ang bigat ng pakiramdam niya sa tuwing nagkakalapit sila?
Na-engganyo siya na pagmasdan ang buwan kaya hindi niya napansin na wala na ang katabi.
"Alam mo ba, ang sabi ni Ma--teka, nasaan na 'yon?"
Nagpalinga-linga siya sa paligid, ngunit ni anino nito ay hindi na niya nakita.
"Nasaan na 'yon? Ang bilis naman niyang makaalis."
Hindi na talaga niya ito nakita. Paano nito nagawang umalis nang hindi niya namamalayan?
✖-✖-✖-✖Nagtatangis ang mga ngiping umupo si Khalil sa kahoy na sofa ng inuukupahang kwarto. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawa ang simpleng utos sa kaniya ng Alpha. Nahihirapan siyang kumilos gayong magiging madali lamang naman sa kaniya ang lahat. Walang kahirap-hirap na niyang nagawa ang unang utos sa kaniya, ngunit ang isang 'to ay mukhang nahihirapan siya.Kapalit ng posisyon na maging kanang kamay ng Alpha, binigyan siya nito ng misyon upang mapatunayan na karapat-dapat siya sa posisyong 'yon. Hinanap niya ang babaeng nagtraydor sa Alpha na minsan na ring minahal nito. Nahirapan s'yang hanapin ang babae dahil sa bagay na ninakaw nito na pag-aari ng buong angkan na magagamit upang mamuhay bilang isang normal na tao.Ngunit nalaman nilang may anak ito at inutos sa kaniyang paslangin din ito katulad ng kaniyang ina. Ngunit hindi madali para sa kaniyang gawin 'yon dahil nasisiguro niya ang isang bagay...
✖-✖-✖-✖Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang insidente. Nalaman ni Holly na ang pamilya ni Jin ang nagmamay-ari ng coffee shop na 'yon. Hindi niya lang ito nakikita noon dahil sa kabilang University ito nag-aaral. Nakita siya nitong tumakbo sa lugar na 'yon kaya sinundan siya nito. Nalaman din niyang nasa kulungan na ang dalawang nagtangka sa kaniya.Nagpapasalamat siya ng sobra sa binata.Biglang nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya ang tumatawag."Hello?""Hi, Holly. Good morning," sabi sa kabilang linya."Jin?"Bahagyang itong tumawa. "I want to invite you over for a dinner. Hindi pa tapos magcelebrate ng anniversary ang parents ko. Masyado nilang mahal ang isa't isa.""Sige," nakangiti niyang sagot kahit hindi naman nakikita ng binata."Talaga?""Oo naman. Sige, see you later.""See you later."Hindi niya ito matatanggihan. Bilang pasalamat na ri
✖-✖-✖-✖Tahimik lamang si Holly habang nagbabasa ng pocket book. Nakaipit ito sa isang aklat kaya hindi pansin ng mga kagrupo. Kasalukuyan kasi silang nasa library ng tanghaling 'yon para mag-research sa assignment nila sa history. At hindi history book ang binabasa niya. It's not her first time naman na magbasa siya ng pocket book pero ito ang first time na magbasa sa gitna ng pag-aaral. Ibinabaling lamang niya ang atensiyon dito."May suggestion kayo na mas magandang topic?" tanong ni Ryan, ang leader nila.Hindi siya umimik at nagpatuloy sa pagbabasa. Hinayaan niya ang mga itong mag-usap."Ano bang ginagawa mo?" mataray na tanong ni Amy at saka hinablot ang librong binabasa niya."What the hell?" bulalas nito pagkakita sa pocket book. "We're trying our best here para makahanap ng interesting topic tapos ikaw... are you even with us?""Hindi," diretsang sagot niya. Muli niyang kinuha ang libro at itinuloy ang pagbabasa.
✖-✖-✖-✖ Alam ni Khalil ang nangyayari kay Holly. Pinapanood niya ito mula sa puno katabi ng bahay nito na katapat ng kwarto ng babae. Napakabigat at alam niya ang ganoong pakiramdam. Galit na galit ang kalooban nito sa mga oras na 'yon at nais kumitil ng buhay. Mula sa pag-alis ng babae kanina at hanggang sa pag-uwi ay sinusundan niya ito. Nais niyang kumpirmahin kung totoo ang nasa isip niya bago niya isagawa ang nasabing utos sa kaniya. At sa pagkakataong ito ay mayroon na siyang kakaunting patunay ngunit hindi pa ito sapat para masabing totoo nga ito. Ayaw niyang magpadalos-dalos dahil hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya kung sakaling makagawa siya ng mali. Nasisigurado niyang buhay niya ang magiging kapalit at may mas hihigit pa ro'n. Ngunit kung patuloy siyang matatagalan ay maaaring hindi rin maganda ang kalabasan. Agad siyang nagkubli nang makitang sumilip sa bintana ang ama ng babae at pagkuwa'y sinarado na ang bin
"T-teka, teka lang." Binawi ni Holly ang braso mula kay Khalil. "Ikaw, sinusundan mo ba ako ha?" tanong niya. Ngunit sa halip na sagutin ay muli na naman siya nitong hinawakan sa braso at inalalayang umupo sa passenger seat. "H-hoy, bakit pakiramdam ko kilala mo na ako." Umupo sa driver seat si Khalil at hindi pinansin ang sinabi niya. "Ihahatid na kita." Tinaas ni Holly ang kaliwang kamay. "D-don't. Dito lang muna ako." "It's late." "W-wala namang naghihitay sa'kin sa bahay kaya d-dito lang muna ako." Sumunod ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. "Hayyyy, ang sayyyyaaaa sayyyyaaaa namannnn..." ungot ni Holly maya-maya habang ang ulo ay nakahilig sa braso niyang nakapatong sa nakabukas na bintana na kotse. Tiningnan ni Khalil ang babae. Namumungay ang mga mata nitong diretso lang na nakatingin sa kung saan. At kahit nakatagilid ang mukha nito mula sa kaniya ay mababakas mo pa rin ang lungkot.
✖-✖-✖-✖Lumabas si Khalil mula sa isa pang kwarto sa loob ng kaniyang apartment. Alam niyang nakaalis na si Holly.Kinuha niya ang kapirasong papel na nakadikit sa pinto ng kwartong tinuluyan nito kagabi. Hindi dapat niya ito dinala sa apartment niya ngunit panay ang ungot ng dalaga kagabi na kung p'wede ay hindi muna ito umuwi.'Thank you' --Iyon ang nakasulat sa papel."Oh, is that a love letter?"Napatiim bagang si Khalil nang marinig ang boses ni Tyron mula sa kaniyang likuran.Mariin niyang kinuyumos ang papel na hawak bago hinarap ang kapatid. "What are you doing here?""What did she say?" Nakangisi ito habang nakatingin sa papel na nasa kamay niya.Kinuwelyuhan niya si Tryon. "What are you doing here?" pag-uulit niya sa tanong.Hinawakan ni Tyron ang kamay niya at buong pwersa itong tinanggal mula sa mahigpit na pagkakakapit niya. "I'm just here to tell you this, bibigyan kita ng isan
"A-ano na naman?" tanong ni Holly sa babaeng kaharap."Nananadya ka ba?"Nakasandal sa isang puno sa may kadilimang bahagi ng tabing kalsada si Tyron. Akala niya ay matutuloy ang paglapit ng babae sa kaniya."Ano bang sinasabi mo? Kung tungkol ito sa break-up niyo ni Jin, wala akong alam tungkol do'n. H'wag mo akong sisihin."Nailing si Tyron, walang kwentang pinag-tatalunan."Anong ginagawa mo dito?"Nakangising nilingon niya si Khalil. "Nandito ka rin?" Kunwari ay hindi niya alam na tanong sa kapatid."Wala kang pakialam. Umalis ka na, walang dahilan para manatili ka dito."Pinakatitigan ni Tyron ang kapatid. "Ikaw, ano nga ba ang ginagawa mo dito?" tudyo pa niya.Umigting ang panga ni Khalil. Bawat salitang lumalabas sa bibig ng kapatid ay hindi niya nagugustuhan. "Huwag mong susubukang galawin ni dulo ng buhok ng babaeng 'yon. Hindi siya ang trabaho mo. Umalis ka na bago pa magbago ang
✖-✖-✖-✖Suot lamang ang kulay itim na two-piece, pinatungan ito ni Holly ng puting short shorts.Pinagmasdan niya ang sarili sa harap ng salamin sa loob ng kaniyang kwarto. Bagay na bagay sa maputi at makinis niyang balat ang kulay ng suot.Dinampot niya ang kulay puting cover up knitted dress at lumabas ng kwarto at diretsong lumabas ng bahay.May mangilan-ngilang naglalangoy at pawang mga turista. Hindi pa kasi weekend kaya kakaunti pa ang tao.Nilublob n'ya ang katawan sa tubig at lumangoy papunta sa may kalalimang bahagi, sakto lamang para makabalik s'ya agad sa tabi.Sandali niyang kinalimutan ang lahat ng nangyari sa kaniya nitong mga nakaraang araw at hayaang damhin niya ang kapayapaan ng gabi.Inangat niya ang katawan upang makalanghap ng hangin.Napakaganda ng gabi at napakaraming bituin. Pati ang nagkikislapang mga ilaw ay nakadaragdag ng kagandahan at kapayapaan.Pumikit s
✖-✖-✖-✖ Gabi na'y lumalangoy pa rin si Holly sa pool. Hindi s'ya makatulog. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Liza kanina. Paano nito nasabi 'yon? May alam kaya ito tungkol sa kaniya? Nang mapagod ay umahon s'ya at sinuot ang roba. Umupo s'ya sa upuan na nandoon at binuksan ang isang canned beer. Kanina ay sinubukan niyang tanungin ang Papa niya tungkol doon pero katulad ng dati'y wala s'yang nakuhang sagot. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa tubig habang ang kamay ay pinaglalaruan ang lata ng beer nang maramdaman niyang may umupo sa katabing upuan. "Malamig na, why aren't you getting inside?" tanong ni Justine at saka nagbukas ng beer. "I'm sorry about Liza's attitude earlier." Napabuntong-hininga naman s'ya at saka ito tiningnan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na h'wag kang hihingi ng pasensya para sa kapatid mo." "Kahit ako, hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang ganoong walang katotoha
60 years ago..."A-Ayokong umalis... p-please... dito lang ako... pinatay nila ang mama at papa ko..." iyak ng batang si Marlon. Narinig kasi ng batang lalaki ang usapan ng mga ito na ilalabas na ito mula sa lugar na iyon."Hindi maaari. Kailangan mo ng umuwi. Hindi ka ligtas sa lugar na ito," ani Dexter."Ayaw ko, p-papatayin din nila ako..."Nagkatinginan ang tatlo."Mas nakakatakot sa lugar na ito," ani Alexandre."Ako ang maghahatid sa'yo. Huwag ka ng umiyak," si Joaquin.Mas lalo lang umiyak ang bata. "Ayaw ko! Dito lang ako! Gawin niyo rin akong katulad niyo! Ayaw kong umuwi!"Nagkatinginan na naman ang tatlo."Bakit? Ano ba kami?"Agad na nagtago ang bata sa likod ni Dexter at natatakot na tiningnan si Alexandre.Natawa naman si Alexandre. "H'wag kang matakot sa'kin. Gusto ko lang malaman kung bakit nasabi mo iyon." At saka ito ngumiti pero ang bata'y mas lalo pang nagtago.Kinapit
Nang makapagpaalam sa isa't isa'y pinauna ni Holly na umalis ang mga kasama. Sinadya niya talaga 'yon para kausapin si Jin."Alam mo ba na ako ang ipagkakasundo sa'yo?" tanong niya sa binata na katabi lamang niya. Katulad niya'y pinauna rin nito ang mga magulang.Hinarap niya ito. Ito naman ay parang nag-aalinlangan na sumagot. Hindi naman niya ito sinisisi dahil katulad niya ay wala rin itong magagawa pwera na lamang kung tumanggi ito. Hindi naman sa naga-aasume pero hindi lingid sa kaniya ang ibig sabihin ng ikinikilos nito pero para sa kaniya ay kaibigan lang ang tingin niya dito."Y-Yes," sagot nito. "I'm sorry."Napabuntong-hininga naman s'ya. "Don't say sorry. Gusto ko lang naman malaman ang sagot sa itinanong ko. By the way, thank you." Siguro nga ay s'ya dapat ang magpasalamat dahil pumayag ang binata. "But I want to be honest Jin, pumayag lamang ako sa kagustuhan ng Papa ko dahil sa kalusugan niya." She doesn't want to give him false hope.
60 years ago...Suot ang isang pangkarinawang kasuotan , tumakbo si Dexter sa loob ng kakahuyan at tinahak ang isang makipot na duluhan at pagkalabas doon ay isang malawak na kaparangan na tinatabunan ng lilim ng mga nagkakapalang mga dahon ng mga puno. Limang-daang taon na s'yang namumuhay pero sa hitsura niya'y para lamang s'yang nasa bente-singko. Matikas ang pangangatawan. Hindi rin nakakatakot ang kaniyang aura, hindi katulad ng mga sumunod na henerasyon. At kahit na bampira ay mayroon s'yang malambot na puso.Siya ang Alpha- ang kauna-unahang bampira na nabuhay sa mundo at ang pinagmulan ng iba pang mga bampira. Ngunit wala pang nakakakita sa tunay niyang hitsura.Sa tuwing umaalis s'ya mula sa tahanan ay nagsusuot s'ya ng damit kagaya lang ng mga nasa mababang antas ng kanilang lipunan.Maya-maya pa ay dumating si Alexandre, ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Sumunod si Joaquin na dumating, ito ang ginawa niyang mensahero ng kanilang a
Ilang minuto ang lumipas nang bumitaw na rin si Khalil. Hinaplos niya ang pisngi ni Holly habang mataman itong tinitingnan sa mga mata. Napatitig naman si Holly sa lalaki. Gusto niya ng sagot. "Gusto mo rin ba ako?" tanong niya. Pero sa halip ay nag-iwas ito ng tingin. "Ihahatid na kita." Napatango s'ya ng tipid. Ano pala ang ibig sabihin ng halik na 'yon? "Kung gano'n, bakit mo ako hinalikan?" Hinawakan niya si Khalil sa braso at saka ito pinaharap sa kaniya. Sinalubong niya ang malungkot nitong mga mata. "I'm sorry," sabi lang nito at saka tumayo. "It's late. Kailangan mo ng umuwi." Malamya s'yang tumayo at sumakay na rin. At habang nasa byahe ay walang umiimik. Hanggang sa makarating ay tahimik pa rin silang dalawa. Umasa s'yang sasabihin nito na gusto rin s'ya nito at 'yon ang ibig sabihin ng halik na 'yon. "T-Thank you," sabi ni Holly. "Huwag kang magpasalamat." Kinapitan ulit niya ito na
Hindi pa man nasisimulan ni Holly ang pagkain niya para sa umagahan ay biglang sumugod si manang Celesta sa kaniya at sinabing tumatawag si Locel. Hindi niya sana ito kukunin pero nabasa niya ang reaksyon sa mukha ng matanda at mukhang importante ang tawag. "Holly," bungad ni Locel. "Kailangan mo ng umuwi." Napataas ang kilay ni Holly. "Why?" walang gana niyang tanong. "Ang Papa mo, dinala sa hospital." Doon natigilan si Holly. "B-Bakit, anong nangyari sa kaniya?" "Hindi naman ito urgent pero if you still care, umuwi ka dito, 'yon ay kung gusto mo pang umuwi at malaman kung ano ang nangyari sa kaniya." Biglang nag-iba ang tono ng pananalita ni Locel. Matapos ang tawag ay hindi na s'ya magkandaugagang umakyat sa kwarto para kunin ang susi ng kotse. "Kailangan ko na hong umuwi manang Celesta." "Oh, s-sige... basta ay mag-iingat ka." Sumakay na agad s'ya sa kotse pagkalabas at saka 'yon pinaandar. Abot-abot ang kaba ni
Sapo ni Holly ang bibig dahil natatakot s'yang marinig ng mga kaklase niya ang mabilis niyang paghinga."It's creepy here. Bumalik na tayo sa beach house. Baka nandoon na s'ya," sabi ni Amy na sinang-ayunan naman ng lahat.Parang nabunutan ng tinik si Holly at nanghihinang napaupo sa lupa nang maramdamang wala na ang mga ito. Masyado s'yang pinanghihina ng kaniyang kaba."I told you not to come out at this hour."Nag-angat ng tingin si Holly sa dumating na si Khalil.Hindi s'ya makapagsalita at parang maiiyak na s'ya anumang oras. Pilit s'yang tumayo at lumapit sa lalaki. Bigla s'yang napayakap dito dahil sa takot. Sa takot na masaktan at makapanakit.Naramdaman naman niyang niyakap rin s'ya nito."Bumalik ka na.," sabi nito at hinawakan s'ya sa mga braso.Umiling si Holly. Wala ang kwintas niya at natatakot s'yang bumalik sa beach house dahil nandoon ang kaniyang mga kaklase."I-lock mo ang pinto ng kwarto mo kung
✖-✖-✖-✖Nakatayo si Holly sa labas ng gate ng katabing bahay dala ang ipinahanda niyang hapunan kay manang Celesta. Nakita kasi niya si Khalil kanina na pumasok dito, hula niya ay dito na ulit ito tumutuloy matapos nang huli niya itong makita. Tatlong araw na rin ang lumipas simula nang mangyari ang insedente at hindi manlang s'ya nakapagpasalamat sa lalaki."Oh, Holly? Pasok ka, pasok ka," sabi ni aleng Demi, ang may-ari ng bahay."Salamat po. Dito po ba tumutuloy si Khalil?" Sumunod s'ya sa matanda."Ah, iyong gwapong lalaki ba?"Pakiramdam ni Holly ay namula na naman ang mukha niya nang tingnan s'ya ng matanda na may nanunudyong tingin."Oo, andito nga s'ya. Nasa taas. Halika at ihahatid kita. Nobyo mo ba s'ya, hija?"Napalunok si Holly at parang sinindihan na ang buong mukha niya. "H-Hindi po. Kaibigan ko lang po s'ya.""H'wag ka ng mahiya. Bagay naman kayo. Oh sige
✖-✖-✖-✖Gamit ang palad, pinunasan ni Holly ang tumulong pawis sa gilid ng pisngi niya. Naglagay s'ya ng lupa at abono sa pasong binili n'ya kanina sa bayan para pagtaniman ng bulaklak.Wala s'yang magawa kaya naman ito ang naisipan niya. Matagal na rin noong huli s'yang magtanim ng bulaklak. Mayroon din naman sa bahay nila sa Manila pero nang mamatay ang Mama niya ay hindi na niya ito naalagaan.Dati ay ang pagtatanim ng bulaklak ang laging bonding nila ng Mama niya. Hindi niya hilig ang mga ito pero dahil sa Mama niya ay kinahiligan niya na rin."Hija, magtatanghali na. Hindi ka pa ba tapos?" si manang Celesta habang may dalang baso ng juice."Didiligan ko na lang po at tapos na.""Oh sige, iiwan ko na lang ito dito hah?" Inilapag nito ang hawak sa kalapit na mesa.Siya naman ay inisa-isang diligan ng mga tinanim.Biglang pumasok sa isip niya ang pinakapaboritong bulaklak ng Mama niya. Hindi niya alam na m