Share

Kabanata 5

Author: Asiana Asia
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

✖-✖-✖-✖

Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang insidente. Nalaman ni Holly na ang pamilya ni Jin ang nagmamay-ari ng coffee shop na 'yon. Hindi niya lang ito nakikita noon dahil sa kabilang University ito nag-aaral. Nakita siya nitong tumakbo sa lugar na 'yon kaya sinundan siya nito. Nalaman din niyang nasa kulungan na ang dalawang nagtangka sa kaniya. 

Nagpapasalamat siya ng sobra sa binata.

Biglang nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya ang tumatawag.

"Hello?"

"Hi, Holly. Good morning," sabi sa kabilang linya.

"Jin?"

Bahagyang itong tumawa. "I want to invite you over for a dinner. Hindi pa tapos magcelebrate ng anniversary ang parents ko. Masyado nilang mahal ang isa't isa." 

"Sige," nakangiti niyang sagot kahit hindi naman nakikita ng binata.

"Talaga?"

"Oo naman. Sige, see you later."

"See you later." 

Hindi niya ito matatanggihan. Bilang pasalamat na rin. 

Panay ang naririnig niyang bulong ng mga estudyante na habang naglalakad siya papunta ng kanilang school building. At kapag titingnan niya ang mga ito ay umiiwas ng tingin. Ang iba ay lalayo kapag malapit lang ang distansiya mula sa kaniya. At kahit hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng mga ito ay sigurado siyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Ano bang problema nila? 

Tumatakbong lumapit sa kaniya si Liza. "Just don't mind them Ate Holly. Hindi totoo ang sinasabi nila."

"Huh?" Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "Hindi kita maintindihan."

"Basta, h'wag mo na lang silang pansinin. Kapatid ka namin okay?" 

Pagkasabi no'n ay iniwan na siya nitong naguguluhan. Ano bang sinasabi no'n?

Hanggang sa locker room ay panay rin ang bulungan. At mukhang alam na niya kung bakit.

Sa pinto ng locker niya ay may nakasulat. 

AMPON!

Nilingon niya ang mga estudyanteng nasa loob. "Who did this?" Tiningnan niya isa-isa ang mga mukhang nandoon. Ang iba ay umiwas ng tingin, ang iba ay parang walang narinig at ang iba naman ay mahinang nagtatawanan. 

"You," turo niya sa grupong nagtatawanan.

"Y-yes?" 

"You knew who did this."

Nataranta ang babae. "H-hindi ah, nakita na lang namin y-yan." 

Siniringan niya ito at binuksan ang locker, ngunit laking gulat niya nang mag-alpasan sa mukha niya ang maliliit na bolang nasa loob nito. 

"What the hell?" 

Nagtawanan na naman ang nasa paligid. 

"I don't want to say anything but... she looks funny." 

"Biruin mo 'yon? Ampon lang pala siya." 

Nagpigil siya ng galit para hindi masugod ang mga ito. 

Bumuga siya ng hangin at malakas na isinara ang kaniyang locker. Mabibigat ang mga hakbang niyang naglakad palabas.

Mararahas ang hingang pinakakawalan niya hanggang sa makapasok sa classroom. Wala silang idea kung gaano nakaapekto sa kaniya ang salitang 'yon. Gusto niyang manapak. Walang mapaglagyan ang nararamdaman niyang galit na kung para saan ay hindi niya alam. Siguro ay dahil posible 'yon, posibleng totoo. 

Napamura siya sa isip. Naiiyak rin siya ngunit hindi naman niya alam kung bakit. Basta't purong galit ang nararamdaman niya. 

Hanggang sa dumating na ang teacher nila para sa first subject, ngunit hindi niya magawang mag-focus. 

"Miss Rewis? Are you okay?" tanong nito sa kaniya. "You look pale."

"I'm okay, Miss." 

"If you are not feeling well, I will ask Amy to accompany you to the clinic. Magbibigay din ako ng long quiz at exempted ka naman doon. P'wede kang magpahinga." 

Tumayo siya at napipilitang ngumiti. "I can go alone, Miss. Salamat po." 

Lumabas siya ng classroom at tahimik na naglakad papunta sa library. 

Umupo siya sa lapag. Hindi siya nakikita dito dahil sa mga book shelf. Kakaunti lang din ang nasa library dahil oras ng klase. 

Pinakalma niya ang sarili sa pamamagitan ng pagbuntong-hininga maya't maya.

"Are you okay?" 

Isang lalaki ang lumapit sa kaniya. "You're Holly right?" 

Nakuha nito ang atensiyon niya kaya tiningala niya ito. "Oo."

"Ayos ka lang?"

"Oo." 

"Namumutla ka." 

Malakas na naman siyang nagbuntong-hininga. Hindi talaga siya nakakaligtas sa paningin ng mga ito. Ngayon niya na-realize na  hindi rin pala madali ang maging anak ng isang big time CEO, hindi madali ang mabuhay ka sa mayamang pamilya, marami ang nakamasid at mukhang interesado palagi sa buhay mo. 

At ang lalaking 'to ay alam niyang anak ng isa sa mga kasosyo sa negosyo ng kompanya kung saan ang ama niya ang CEO. Sa palagay niya ay ahead siya dito ng isa o dalawang taon. Labing-walong taon na kasi siya at siya lang yata ang pinakamatanda sa buong fourth year.  Hindi sa bumabagsak siya, sabi ng parents niya ay nagkaroon siya ng malubhang sakit noong bata pa siya kaya hindi agad na-enroll sa School.

"I heard the issue, but I don't think so. Kamukhang kamukha mo kaya ang Papa mo." 

It's a lie. Dahil kahit saang anggulo niya tingnan ay wala siyang nakuha miski isang katangian mula sa Papa niya. That is why she doubt it. At hindi niya matanggap ang posibilidad. 

Pinilig niya ang ulo para mawala ang mga iniisip. Maybe, mayroon lang naninira sa kaniya at pinagugulo ang isip niya. Dapat hindi siya magpaapekto sa mga ito, pero talagang apektado siya.

Tahimik lang siya buong oras habang pilit na itinutuon ang atensiyon sa pagbabasa. Ang lalaki naman ay ganoon din, tahimik lang na nakaupo sa tabi niya. 

"Kailangan ko nang bumalik sa room. Thanks for the company." 

Ibinalik na niya sa bookshelf ang libro at nauna na ng lumabas. Sa rooftop siya dumiretso. Sa afternoon class na lamang siya aattend. 

Mabagal ang oras para sa kaniya. Pakiramdam niya ay bente-kwatro oras ang maghapon, napakabagal.

Hanggang sa dumating ang huling subject nila sa hapon. 

"I will group you into 5 groups. And to make it fair, kailangan niyong bumunot ng numbers. " Anunsiyo ng teacher nila sa history at inilahad nito ang maliit na open box sa kanila na may mga nakatuping papel.

Inisa-isa silang lapitan nito. 

"Now, find your groupmates." 

Nagsikilusan na ang mga kaklase niya at kaniya-kaniya nang puntahan sa mga kagrupo. Tiningnan niya ang papel na hawak... at kung minamalas ka nga naman.

"Hey, Holly? So we are groupmates?" ani Amy at inakbayan pa siya nito. 

"Yeah, at ang malas 'di ba?."

"W-what did you just say?" pigil ang inis nitong sabi at palihim siyang tiningnan ng masama.

"You heard it."

Inilapit nito ang bibig sa tainga niya. "Pasalamat ka, andito tayo sa loob."

"Bakit? Natatakot kang ilabas ang sama ng ugali mo dito?" 

"Shut up!" 

Nagsilingunan sa kanila ang mga kaklase.

"May problema ba d'yan Miss Cortez?"

"Nothing Miss," sagot naman ni Amy. 

"So what you are going to do is to research anything that happened in the history. You can use books, movies, anything na masasabi mong naging bahagi ng historya. Gagawan niyo ito ng report. Just by friday, kailangan niyo itong i-present, maliwanag ba?"

"Yes, Miss." 

Matapos ang ibinigay na assignment sa kanila ay idinismiss na sila nito.

"So big time."

Narinig ni Holly ang mapang-asar na boses ni Amy sa kaniyang likuran, nagsisimula na naman ito.

"Akalain mo nga naman, na ang isang nagmamaganda at may napakagarang kotse ay ampon lang pala." Pinakadiinan pa nito ang salitang ampon.

Nilingon niya ito at walang kabuhay-buhay na tiningnan. "Do you really think it's me?"

"What?" 

 "Ako ba ang nagmamaganda dito o ikaw?"

Umawang ang labi nito dahil sa sinabi niya. "What did you say?Ako?" 

"Oo. At h'wag mong sabihin na nagmamaganda ako dahil ang totoo, maganda talaga ako." Nginisihan niya ito at bahagyang inirapan. 

"Ang kapal naman ng mukha mo. Ampon ka lang naman!" 

"So? Hindi no'n mabubura ang katotohanang maganda ako." Itinago niya ang nararamdamang galit sa pamamagitan ng pang-aasar. Malaki talaga ang epekto sa kaniya ng salitang 'yon. Buong sistema niya ay apektado.

"Ang yabang mo," nanlalaki ang matang sabi nito.

"P'wede ba Amy, can't you just shut up and leave me alone? Masyado mo ng kina-career ang pagbubuntot sa'kin. Masyado kang interesado sa buhay ko at hindi na nakakatuwa." Nawawalan na siya ng pasensiya sa babae. At kung magsasalita pa ito ng hindi niya magugustuhan ay kusa ng lalapat sa mukha nito ang nangigigil niyang palad.

"Nagmamatapang ka na ngayon ah, hindi ka na ba nadala?" 

"And what? Ipapabugbog mo ako?Napaka-isip bata mo." Siniringan niya ito at saka tinalikuran.

"Anong sabi mo?!" 

Itinaas niya ang kanang kamay at mapang-asar niyang ikinaway. At sa mga oras na ito ay nasisigurado niyang umuusok na ang ilong nito sa galit. 

"Ah! Bitch!"

Nang makapasok sa kotse ay doon pa lang niya inilabas ang galit na nararamdaman. Gusto niyang manapak. 

"Arrgghh!"

Inis niyang pinaharurot ang kotse nang makalabas na ng campus.

 Tumigil siya sa park, malapit lang sa AC. 

Pinuno niya ng hangin ang baga at malakas na ibinuga pagkatapos, paulit-ulit. Mababaliw na yata siya sa dami ng mga iniisip. At paulit-ulit ring pumapasok sa isip niya ang salitang ampon na siyang lalong nagpapabigat ng kaniyang loob.

"Ahh!" mahinang sigaw niya.  

Namumula ang mga mata niyang tumingala, paraan niya para hindi tumulo ang nagbabadyang mga luha. Una ay ang kaniyang Mama at ngayon ay siya. Hindi pa nga niya nalalaman ang katotohanan at ngayon ay pati ang sarili niya. 

Napapailing na lamang siya sa sobrang hinanakit na nararamdaman para sa Papa niya.

Nanatili lamang siya doon hanggang sa kumalma ang sarili. Inabot din siya ng ilang oras at dumidilim na rin. 

Sumakay na siyang muli sa kotse at dumiretso sa AC. 

"Vodka please." 

Hindi ba nakakatawa ang buhay niya? She almost have everything but suddenly, biglang nawala sa kaniya ang lahat. Maganda siya, may pera at may magarang kotse pero hindi siya masaya. 

Pagak siyang tumawa. 

"Here's your vodka, Ma'am" 

Kinuha niya ang baso at diretsong nilunok ang laman. "Isa pa." 

Sunod-sunod siyang nag-order. At ang barista ay walang magawa kundi bigyan lamang siya ng bigyan.

"Isa pa." 

"Pero nakakarami na kayo, Ma'am."

Sinamaan niya ng tingin ang barista. "Bar ba ito o hindi?" 

Alam niya sa sariling tinatamaan na talaga siya. Nahihilo na pero gusto pa niyang uminom. Gusto niyang mamanhid ang katawan, baka sakaling hindi niya maramdaman ang nasasaktan niyang puso.

"Ampon pala hah? Ha!" singhal niya at diretso na namang nilagok ang alak. Matapos ay tumayo siya at sumururay na hinanap ang daan papuntang cr. 

Humarap siya sa salamin at sinapo ang magkabilang pisngi nang makapasok. "Bakit ba kasi ang ganda mo, 'yan tuloy nagagalit sila sayo, hehehe."  Mahina niyang sinampal-sampal ang pisngi. "Bakit kaya galit na galit si Amy sa'yo?" 

Patuloy lamang siya sa pakikipag-usap sa sariling repleksiyon sa salamin nang may babaeng tumabi sa kaniya. 

Naghugas ito ng kamay at tumingin sa kaniya sa salamin. "May dalawang dahilan kung bakit galit sayo ang isang tao, nagawan mo ng mali o kaya'y naiinggit sayo." 

Namangha siya sa sinabi nito. "Tama ka d'yan, hehehe." 

"Maganda ka at pang-model ang katawan, kaya naman hindi imposibleng kainggitan ka," sabi pa nito at tuluyan na siyang iniwan.

Naiwan siyang nakanganga habang nakatingin sa sumaradong pinto. "Ang cool niya." 

Nang matapos gumamit ng banyo ay lumabas na rin siya. Habang tumatagal ay mas tumatalab na ang tama ng alak sa kaniyang katawan, kaya naman mas sumuray pa ang paglalakad niya. 

May nasagi siyang tao. 

"Ano ba!" sigaw ng babae. 

Nahihilo niya itong tiningnan at inaninaw ng maigi. Nakapulupot ang mga braso nito sa lalaki at dikit na dikit ang mga katawan. May ginagawa sigurong kababalaghan ang mga ito kaya naman laking galit nito sa kaniya dahil naudlot nang matabig niya. 

Matabang siyang ngumiti. "S-sorry ha? Madilim kasi kaya hindi ko kayo napansin, hehehe." 

Kita niya ang pag-irap nito sa kaniya, pagkatapos ay bumalik na sa pakikipaghalikan.

Nailing na lamang siya at parang baliw na sumigaw, "let's party!"

Sumasayaw-sayaw siya habang papalapit sa dance floor. Umiikot-ikot kahit nahihilo. "Ang saya--opps!"

May nabangga siya at tumapon ang alak dito. Kita niya ang matalas nitong tingin sa kaniya. At naaamoy na niya ang away.

"P'wede bang tumingin ka naman sa paligid mo?!" sigaw nito sa kaniya habang pinapagpag ang manipis na suot na damit na natapunan ng alak. 

"Masyado akong masaya kaya hindi kita napansin," sagot naman niya.

Mas tumalim pa ang tingin nito sa kaniya. "You're Holly right?"

"K-kilala mo ako?"

"Hindi ko makakalimutan ang mukha ng babaeng umagaw sa boyfriend ko." 

Namilog ang mata niya at tatawa-tawang nagsalita, "anong umagaw? Baliw ka ba? Hindi nga kita kilala eh."

"Shut up!" Humalukipkip ito at inilapit pa ang mukha sa kaniya. "Jin and I broke up, and that's because of you!"

"W-what? Ano bang sinasabi mo? Wala akong kinalaman sa inyo. K-kaya p'wede ba? Tumabi ka. Gusto kong sumayaw." Bigla siyang nakaramdam ng inis sa babae. Ayaw niyang pinagbibintangan. Inaano ba niya si Jin? Tss...

"H'wag mo akong tinatalikuran, hindi pa ako tapos." Hinila siya nito sa braso at nasaktan siya sa paraan nito ng paghila. Medyo bumaon ang mahahaba nitong mga kuko sa balat niya.

"Bitiwan mo nga ako!" Hinila niya ang brasong nasaktan. "P'wede ba? Wala akong inaagaw sa'yo. Jin is a friend, naiintindihan mo?" Inirapan niya ito at tinalikuran. Ngunit bago pa siya makahakbang ay hinila na nito ang buhok niya. At sa sobrang lakas ay napaupo siya sa sahig.

Naghurumintado ang loob niya. Hindi na yata matatapos ang araw niya nang hindi nakikipag-away.

Pilit siyang tumayo kahit nahihilo. "Ano bang problema mo? Sinabi ko na nga sa'yo na kaibigan ko lang s'ya? H'wag mong ibintang sa'kin ang hindi ko naman ginagawa!"

Pak!

Sinampal siya nito.

"Nakakadalawa ka na ah!" sigaw niya at malakas itong itinulak. At katulad niya kanina ay napaupo rin ito sa sahig. 

"How dare you?!" sigaw din nito sa kaniya.

"How dare me? How dare you!" Sinunggaban niya ito at sinabunutan. Ang mga tao naman sa paligid nila ay animong nanonood ng sabong. Malakas pang naghihiyawan. Pinalilibutan sila ng mga ito kaya naman walang lumalapit sa kanilang bouncer para umawat. Malakas din ang tugtog kaya hindi mo malalamang may nagsisigawan.

"Bitiwan mo ako!" 

At dahil siya si Holly ay binitawan nga niya ito. "Ang lakas ng loob mong maghanap ng away, makikiusap ka rin naman pala, " mayabang na sabi niya.

Nagsigawan ang mga nanonood na parang may nanalo na sa mga manok.

"Ha! Ang yabang mo!" Tumayo ito at akmang susugurin din siya nang may pumagitna sa kanilang bouncer.

Siniringan niya ang mga ito at nakipagsiksikan na sa mga tao palabas. Nagbayad lang siya ng bill at lumabas na ng bar na 'yon. 

"Ha ha ha!" parang baliw niyang tawa na napalitan din ng iyak maya-maya. 

Masyado ng masakit ang puso niya at bawat araw ay nadadagdagan pa. Aakusahan siya ng bagay na hindi naman niya ginagawa. Nagpapatawa ba ang mundo sa kaniya?

Pinahid niya ang nabasang pisngi at kinuha ang cellphone sa pouch niya nang mag-vibrate ito. 

"H-hello?" bungad niya.

"Holly?" 

Tiningnan niya ang number sa screen. "Sino ba 'to?"

"Holly, where are you? It's me, Jin." 

"Ah, ikaw pala, hehehe."

"Lasing ka ba?" 

Naglakad siya papalapit sa kotse. "H-hindi no, bakit ka napatawag?"

Dinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. 

"I invited you over for a dinner right? Pumunta ako sa inyo kanina pero ang sabi ay hindi ka pa umuuwi. Are you okay?" 

Inimbitahan nga pala siya nito. Hindi niya naalala. Masyadong okupado ang isip niya ng ibang bagay. "Ah, s-sorry ha---" 

Naputol ang sasabihin niya nang maramdamang parang may mabilis na dumaan sa likuran niya.  

                           ✖-✖-✖-✖

Mula sa madilim na parte ng lugar hindi kalayuan sa kinatatayuan ni Holly, binalingan ni Khalil ang nakatumbang si Tyron.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Angel
oh! he's really strange!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Stranger's Secret   Kabanata 6

    ✖-✖-✖-✖Tahimik lamang si Holly habang nagbabasa ng pocket book. Nakaipit ito sa isang aklat kaya hindi pansin ng mga kagrupo. Kasalukuyan kasi silang nasa library ng tanghaling 'yon para mag-research sa assignment nila sa history. At hindi history book ang binabasa niya. It's not her first time naman na magbasa siya ng pocket book pero ito ang first time na magbasa sa gitna ng pag-aaral. Ibinabaling lamang niya ang atensiyon dito."May suggestion kayo na mas magandang topic?" tanong ni Ryan, ang leader nila.Hindi siya umimik at nagpatuloy sa pagbabasa. Hinayaan niya ang mga itong mag-usap."Ano bang ginagawa mo?" mataray na tanong ni Amy at saka hinablot ang librong binabasa niya."What the hell?" bulalas nito pagkakita sa pocket book. "We're trying our best here para makahanap ng interesting topic tapos ikaw... are you even with us?""Hindi," diretsang sagot niya. Muli niyang kinuha ang libro at itinuloy ang pagbabasa.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Stranger's Secret   Kabanata 7

    ✖-✖-✖-✖ Alam ni Khalil ang nangyayari kay Holly. Pinapanood niya ito mula sa puno katabi ng bahay nito na katapat ng kwarto ng babae. Napakabigat at alam niya ang ganoong pakiramdam. Galit na galit ang kalooban nito sa mga oras na 'yon at nais kumitil ng buhay. Mula sa pag-alis ng babae kanina at hanggang sa pag-uwi ay sinusundan niya ito. Nais niyang kumpirmahin kung totoo ang nasa isip niya bago niya isagawa ang nasabing utos sa kaniya. At sa pagkakataong ito ay mayroon na siyang kakaunting patunay ngunit hindi pa ito sapat para masabing totoo nga ito. Ayaw niyang magpadalos-dalos dahil hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya kung sakaling makagawa siya ng mali. Nasisigurado niyang buhay niya ang magiging kapalit at may mas hihigit pa ro'n. Ngunit kung patuloy siyang matatagalan ay maaaring hindi rin maganda ang kalabasan. Agad siyang nagkubli nang makitang sumilip sa bintana ang ama ng babae at pagkuwa'y sinarado na ang bin

    Last Updated : 2024-10-29
  • Stranger's Secret   Kabanata 8

    "T-teka, teka lang." Binawi ni Holly ang braso mula kay Khalil. "Ikaw, sinusundan mo ba ako ha?" tanong niya. Ngunit sa halip na sagutin ay muli na naman siya nitong hinawakan sa braso at inalalayang umupo sa passenger seat. "H-hoy, bakit pakiramdam ko kilala mo na ako." Umupo sa driver seat si Khalil at hindi pinansin ang sinabi niya. "Ihahatid na kita." Tinaas ni Holly ang kaliwang kamay. "D-don't. Dito lang muna ako." "It's late." "W-wala namang naghihitay sa'kin sa bahay kaya d-dito lang muna ako." Sumunod ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. "Hayyyy, ang sayyyyaaaa sayyyyaaaa namannnn..." ungot ni Holly maya-maya habang ang ulo ay nakahilig sa braso niyang nakapatong sa nakabukas na bintana na kotse. Tiningnan ni Khalil ang babae. Namumungay ang mga mata nitong diretso lang na nakatingin sa kung saan. At kahit nakatagilid ang mukha nito mula sa kaniya ay mababakas mo pa rin ang lungkot.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Stranger's Secret   Kabanata 9

    ✖-✖-✖-✖Lumabas si Khalil mula sa isa pang kwarto sa loob ng kaniyang apartment. Alam niyang nakaalis na si Holly.Kinuha niya ang kapirasong papel na nakadikit sa pinto ng kwartong tinuluyan nito kagabi. Hindi dapat niya ito dinala sa apartment niya ngunit panay ang ungot ng dalaga kagabi na kung p'wede ay hindi muna ito umuwi.'Thank you' --Iyon ang nakasulat sa papel."Oh, is that a love letter?"Napatiim bagang si Khalil nang marinig ang boses ni Tyron mula sa kaniyang likuran.Mariin niyang kinuyumos ang papel na hawak bago hinarap ang kapatid. "What are you doing here?""What did she say?" Nakangisi ito habang nakatingin sa papel na nasa kamay niya.Kinuwelyuhan niya si Tryon. "What are you doing here?" pag-uulit niya sa tanong.Hinawakan ni Tyron ang kamay niya at buong pwersa itong tinanggal mula sa mahigpit na pagkakakapit niya. "I'm just here to tell you this, bibigyan kita ng isan

    Last Updated : 2024-10-29
  • Stranger's Secret   Kabanata 10

    "A-ano na naman?" tanong ni Holly sa babaeng kaharap."Nananadya ka ba?"Nakasandal sa isang puno sa may kadilimang bahagi ng tabing kalsada si Tyron. Akala niya ay matutuloy ang paglapit ng babae sa kaniya."Ano bang sinasabi mo? Kung tungkol ito sa break-up niyo ni Jin, wala akong alam tungkol do'n. H'wag mo akong sisihin."Nailing si Tyron, walang kwentang pinag-tatalunan."Anong ginagawa mo dito?"Nakangising nilingon niya si Khalil. "Nandito ka rin?" Kunwari ay hindi niya alam na tanong sa kapatid."Wala kang pakialam. Umalis ka na, walang dahilan para manatili ka dito."Pinakatitigan ni Tyron ang kapatid. "Ikaw, ano nga ba ang ginagawa mo dito?" tudyo pa niya.Umigting ang panga ni Khalil. Bawat salitang lumalabas sa bibig ng kapatid ay hindi niya nagugustuhan. "Huwag mong susubukang galawin ni dulo ng buhok ng babaeng 'yon. Hindi siya ang trabaho mo. Umalis ka na bago pa magbago ang

    Last Updated : 2024-10-29
  • Stranger's Secret   Kabanata 11

    ✖-✖-✖-✖Suot lamang ang kulay itim na two-piece, pinatungan ito ni Holly ng puting short shorts.Pinagmasdan niya ang sarili sa harap ng salamin sa loob ng kaniyang kwarto. Bagay na bagay sa maputi at makinis niyang balat ang kulay ng suot.Dinampot niya ang kulay puting cover up knitted dress at lumabas ng kwarto at diretsong lumabas ng bahay.May mangilan-ngilang naglalangoy at pawang mga turista. Hindi pa kasi weekend kaya kakaunti pa ang tao.Nilublob n'ya ang katawan sa tubig at lumangoy papunta sa may kalalimang bahagi, sakto lamang para makabalik s'ya agad sa tabi.Sandali niyang kinalimutan ang lahat ng nangyari sa kaniya nitong mga nakaraang araw at hayaang damhin niya ang kapayapaan ng gabi.Inangat niya ang katawan upang makalanghap ng hangin.Napakaganda ng gabi at napakaraming bituin. Pati ang nagkikislapang mga ilaw ay nakadaragdag ng kagandahan at kapayapaan.Pumikit s

    Last Updated : 2024-10-29
  • Stranger's Secret   Kabanata 12

    ✖-✖-✖-✖Gamit ang palad, pinunasan ni Holly ang tumulong pawis sa gilid ng pisngi niya. Naglagay s'ya ng lupa at abono sa pasong binili n'ya kanina sa bayan para pagtaniman ng bulaklak.Wala s'yang magawa kaya naman ito ang naisipan niya. Matagal na rin noong huli s'yang magtanim ng bulaklak. Mayroon din naman sa bahay nila sa Manila pero nang mamatay ang Mama niya ay hindi na niya ito naalagaan.Dati ay ang pagtatanim ng bulaklak ang laging bonding nila ng Mama niya. Hindi niya hilig ang mga ito pero dahil sa Mama niya ay kinahiligan niya na rin."Hija, magtatanghali na. Hindi ka pa ba tapos?" si manang Celesta habang may dalang baso ng juice."Didiligan ko na lang po at tapos na.""Oh sige, iiwan ko na lang ito dito hah?" Inilapag nito ang hawak sa kalapit na mesa.Siya naman ay inisa-isang diligan ng mga tinanim.Biglang pumasok sa isip niya ang pinakapaboritong bulaklak ng Mama niya. Hindi niya alam na m

    Last Updated : 2024-10-29
  • Stranger's Secret   Kabanata 13

    ✖-✖-✖-✖Nakatayo si Holly sa labas ng gate ng katabing bahay dala ang ipinahanda niyang hapunan kay manang Celesta. Nakita kasi niya si Khalil kanina na pumasok dito, hula niya ay dito na ulit ito tumutuloy matapos nang huli niya itong makita. Tatlong araw na rin ang lumipas simula nang mangyari ang insedente at hindi manlang s'ya nakapagpasalamat sa lalaki."Oh, Holly? Pasok ka, pasok ka," sabi ni aleng Demi, ang may-ari ng bahay."Salamat po. Dito po ba tumutuloy si Khalil?" Sumunod s'ya sa matanda."Ah, iyong gwapong lalaki ba?"Pakiramdam ni Holly ay namula na naman ang mukha niya nang tingnan s'ya ng matanda na may nanunudyong tingin."Oo, andito nga s'ya. Nasa taas. Halika at ihahatid kita. Nobyo mo ba s'ya, hija?"Napalunok si Holly at parang sinindihan na ang buong mukha niya. "H-Hindi po. Kaibigan ko lang po s'ya.""H'wag ka ng mahiya. Bagay naman kayo. Oh sige

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Stranger's Secret   Kabanata 20

    ✖-✖-✖-✖ Gabi na'y lumalangoy pa rin si Holly sa pool. Hindi s'ya makatulog. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Liza kanina. Paano nito nasabi 'yon? May alam kaya ito tungkol sa kaniya? Nang mapagod ay umahon s'ya at sinuot ang roba. Umupo s'ya sa upuan na nandoon at binuksan ang isang canned beer. Kanina ay sinubukan niyang tanungin ang Papa niya tungkol doon pero katulad ng dati'y wala s'yang nakuhang sagot. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa tubig habang ang kamay ay pinaglalaruan ang lata ng beer nang maramdaman niyang may umupo sa katabing upuan. "Malamig na, why aren't you getting inside?" tanong ni Justine at saka nagbukas ng beer. "I'm sorry about Liza's attitude earlier." Napabuntong-hininga naman s'ya at saka ito tiningnan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na h'wag kang hihingi ng pasensya para sa kapatid mo." "Kahit ako, hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang ganoong walang katotoha

  • Stranger's Secret   Kabanata 19

    60 years ago..."A-Ayokong umalis... p-please... dito lang ako... pinatay nila ang mama at papa ko..." iyak ng batang si Marlon. Narinig kasi ng batang lalaki ang usapan ng mga ito na ilalabas na ito mula sa lugar na iyon."Hindi maaari. Kailangan mo ng umuwi. Hindi ka ligtas sa lugar na ito," ani Dexter."Ayaw ko, p-papatayin din nila ako..."Nagkatinginan ang tatlo."Mas nakakatakot sa lugar na ito," ani Alexandre."Ako ang maghahatid sa'yo. Huwag ka ng umiyak," si Joaquin.Mas lalo lang umiyak ang bata. "Ayaw ko! Dito lang ako! Gawin niyo rin akong katulad niyo! Ayaw kong umuwi!"Nagkatinginan na naman ang tatlo."Bakit? Ano ba kami?"Agad na nagtago ang bata sa likod ni Dexter at natatakot na tiningnan si Alexandre.Natawa naman si Alexandre. "H'wag kang matakot sa'kin. Gusto ko lang malaman kung bakit nasabi mo iyon." At saka ito ngumiti pero ang bata'y mas lalo pang nagtago.Kinapit

  • Stranger's Secret   Kabanata 18

    Nang makapagpaalam sa isa't isa'y pinauna ni Holly na umalis ang mga kasama. Sinadya niya talaga 'yon para kausapin si Jin."Alam mo ba na ako ang ipagkakasundo sa'yo?" tanong niya sa binata na katabi lamang niya. Katulad niya'y pinauna rin nito ang mga magulang.Hinarap niya ito. Ito naman ay parang nag-aalinlangan na sumagot. Hindi naman niya ito sinisisi dahil katulad niya ay wala rin itong magagawa pwera na lamang kung tumanggi ito. Hindi naman sa naga-aasume pero hindi lingid sa kaniya ang ibig sabihin ng ikinikilos nito pero para sa kaniya ay kaibigan lang ang tingin niya dito."Y-Yes," sagot nito. "I'm sorry."Napabuntong-hininga naman s'ya. "Don't say sorry. Gusto ko lang naman malaman ang sagot sa itinanong ko. By the way, thank you." Siguro nga ay s'ya dapat ang magpasalamat dahil pumayag ang binata. "But I want to be honest Jin, pumayag lamang ako sa kagustuhan ng Papa ko dahil sa kalusugan niya." She doesn't want to give him false hope.

  • Stranger's Secret   Kabanata 17

    60 years ago...Suot ang isang pangkarinawang kasuotan , tumakbo si Dexter sa loob ng kakahuyan at tinahak ang isang makipot na duluhan at pagkalabas doon ay isang malawak na kaparangan na tinatabunan ng lilim ng mga nagkakapalang mga dahon ng mga puno. Limang-daang taon na s'yang namumuhay pero sa hitsura niya'y para lamang s'yang nasa bente-singko. Matikas ang pangangatawan. Hindi rin nakakatakot ang kaniyang aura, hindi katulad ng mga sumunod na henerasyon. At kahit na bampira ay mayroon s'yang malambot na puso.Siya ang Alpha- ang kauna-unahang bampira na nabuhay sa mundo at ang pinagmulan ng iba pang mga bampira. Ngunit wala pang nakakakita sa tunay niyang hitsura.Sa tuwing umaalis s'ya mula sa tahanan ay nagsusuot s'ya ng damit kagaya lang ng mga nasa mababang antas ng kanilang lipunan.Maya-maya pa ay dumating si Alexandre, ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Sumunod si Joaquin na dumating, ito ang ginawa niyang mensahero ng kanilang a

  • Stranger's Secret   Kabanata 16

    Ilang minuto ang lumipas nang bumitaw na rin si Khalil. Hinaplos niya ang pisngi ni Holly habang mataman itong tinitingnan sa mga mata. Napatitig naman si Holly sa lalaki. Gusto niya ng sagot. "Gusto mo rin ba ako?" tanong niya. Pero sa halip ay nag-iwas ito ng tingin. "Ihahatid na kita." Napatango s'ya ng tipid. Ano pala ang ibig sabihin ng halik na 'yon? "Kung gano'n, bakit mo ako hinalikan?" Hinawakan niya si Khalil sa braso at saka ito pinaharap sa kaniya. Sinalubong niya ang malungkot nitong mga mata. "I'm sorry," sabi lang nito at saka tumayo. "It's late. Kailangan mo ng umuwi." Malamya s'yang tumayo at sumakay na rin. At habang nasa byahe ay walang umiimik. Hanggang sa makarating ay tahimik pa rin silang dalawa. Umasa s'yang sasabihin nito na gusto rin s'ya nito at 'yon ang ibig sabihin ng halik na 'yon. "T-Thank you," sabi ni Holly. "Huwag kang magpasalamat." Kinapitan ulit niya ito na

  • Stranger's Secret   Kabanata 15

    Hindi pa man nasisimulan ni Holly ang pagkain niya para sa umagahan ay biglang sumugod si manang Celesta sa kaniya at sinabing tumatawag si Locel. Hindi niya sana ito kukunin pero nabasa niya ang reaksyon sa mukha ng matanda at mukhang importante ang tawag. "Holly," bungad ni Locel. "Kailangan mo ng umuwi." Napataas ang kilay ni Holly. "Why?" walang gana niyang tanong. "Ang Papa mo, dinala sa hospital." Doon natigilan si Holly. "B-Bakit, anong nangyari sa kaniya?" "Hindi naman ito urgent pero if you still care, umuwi ka dito, 'yon ay kung gusto mo pang umuwi at malaman kung ano ang nangyari sa kaniya." Biglang nag-iba ang tono ng pananalita ni Locel. Matapos ang tawag ay hindi na s'ya magkandaugagang umakyat sa kwarto para kunin ang susi ng kotse. "Kailangan ko na hong umuwi manang Celesta." "Oh, s-sige... basta ay mag-iingat ka." Sumakay na agad s'ya sa kotse pagkalabas at saka 'yon pinaandar. Abot-abot ang kaba ni

  • Stranger's Secret   Kabanata 14

    Sapo ni Holly ang bibig dahil natatakot s'yang marinig ng mga kaklase niya ang mabilis niyang paghinga."It's creepy here. Bumalik na tayo sa beach house. Baka nandoon na s'ya," sabi ni Amy na sinang-ayunan naman ng lahat.Parang nabunutan ng tinik si Holly at nanghihinang napaupo sa lupa nang maramdamang wala na ang mga ito. Masyado s'yang pinanghihina ng kaniyang kaba."I told you not to come out at this hour."Nag-angat ng tingin si Holly sa dumating na si Khalil.Hindi s'ya makapagsalita at parang maiiyak na s'ya anumang oras. Pilit s'yang tumayo at lumapit sa lalaki. Bigla s'yang napayakap dito dahil sa takot. Sa takot na masaktan at makapanakit.Naramdaman naman niyang niyakap rin s'ya nito."Bumalik ka na.," sabi nito at hinawakan s'ya sa mga braso.Umiling si Holly. Wala ang kwintas niya at natatakot s'yang bumalik sa beach house dahil nandoon ang kaniyang mga kaklase."I-lock mo ang pinto ng kwarto mo kung

  • Stranger's Secret   Kabanata 13

    ✖-✖-✖-✖Nakatayo si Holly sa labas ng gate ng katabing bahay dala ang ipinahanda niyang hapunan kay manang Celesta. Nakita kasi niya si Khalil kanina na pumasok dito, hula niya ay dito na ulit ito tumutuloy matapos nang huli niya itong makita. Tatlong araw na rin ang lumipas simula nang mangyari ang insedente at hindi manlang s'ya nakapagpasalamat sa lalaki."Oh, Holly? Pasok ka, pasok ka," sabi ni aleng Demi, ang may-ari ng bahay."Salamat po. Dito po ba tumutuloy si Khalil?" Sumunod s'ya sa matanda."Ah, iyong gwapong lalaki ba?"Pakiramdam ni Holly ay namula na naman ang mukha niya nang tingnan s'ya ng matanda na may nanunudyong tingin."Oo, andito nga s'ya. Nasa taas. Halika at ihahatid kita. Nobyo mo ba s'ya, hija?"Napalunok si Holly at parang sinindihan na ang buong mukha niya. "H-Hindi po. Kaibigan ko lang po s'ya.""H'wag ka ng mahiya. Bagay naman kayo. Oh sige

  • Stranger's Secret   Kabanata 12

    ✖-✖-✖-✖Gamit ang palad, pinunasan ni Holly ang tumulong pawis sa gilid ng pisngi niya. Naglagay s'ya ng lupa at abono sa pasong binili n'ya kanina sa bayan para pagtaniman ng bulaklak.Wala s'yang magawa kaya naman ito ang naisipan niya. Matagal na rin noong huli s'yang magtanim ng bulaklak. Mayroon din naman sa bahay nila sa Manila pero nang mamatay ang Mama niya ay hindi na niya ito naalagaan.Dati ay ang pagtatanim ng bulaklak ang laging bonding nila ng Mama niya. Hindi niya hilig ang mga ito pero dahil sa Mama niya ay kinahiligan niya na rin."Hija, magtatanghali na. Hindi ka pa ba tapos?" si manang Celesta habang may dalang baso ng juice."Didiligan ko na lang po at tapos na.""Oh sige, iiwan ko na lang ito dito hah?" Inilapag nito ang hawak sa kalapit na mesa.Siya naman ay inisa-isang diligan ng mga tinanim.Biglang pumasok sa isip niya ang pinakapaboritong bulaklak ng Mama niya. Hindi niya alam na m

DMCA.com Protection Status